This is the Grade 9 Filipino self-learning module for Quarter 2, Module 1: “Ang Tanka at Haiku” (the tanka and the haiku). It introduces learners to two short traditional poems of Japan, compares their form, and shows how to read them aloud with the right pauses, stress, and tone. By the end, learners should be able to write a simple tanka and haiku of their own.
The module was prepared by DepEd Region IX as an Alternative Delivery Mode (ADM) material (first edition, 2020) for learners studying at home. A friendly guide named Liway walks the learner through each part, continuing the journey through East Asian literature that follows the Southeast Asian works studied in Quarter 1.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module lists five objectives. After working through it, learners should be able to:
- Analyze the differences and similarities in how a tanka and a haiku are built.
- Write a simple tanka and haiku with the correct form and syllable count.
- Explain the meaning of the matatalinghagang salita (figurative words and expressions) used in tanka and haiku.
- Use the suprasegmentals antala/hinto (pause), diin (stress), and tono (tone) when reciting tanka and haiku.
- Analyze the tone of a tanka or haiku they hear read aloud.
Tanka and haiku compared
The module explains that both poems are short but complete in meaning and express strong feeling. It also links them to forms learners met in Grade 8: the haiku and the Filipino tanaga, which has four lines of seven syllables each.
| Tanka | Haiku | |
|---|---|---|
| When it began | 8th century (the older form) | 15th century |
| Number of lines | 5 | 3 |
| Total syllables | 31 | 17 |
| Common syllable patterns | 5-7-5-7-7, 7-7-7-5-5, 5-5-7-7-7 | 5-7-5, 5-5-7, 7-5-5 |
| Usual topics | Change, love, and being alone | Nature and love |
The module stresses one rule: the number of syllables per line may shift around, but the total for each stanza must be correct, 31 for a tanka and 17 for a haiku. To check a poem’s sukat (measure), count the syllables in each line. For example, the haiku line “Ba-yan kong sin-ta” has 5 syllables, and the full stanza “Bayan kong sinta / Buhay ay iaalay / Iyan ay tunay” adds up to 17.
Suprasegmentals: reading the poems aloud
The module teaches the ponemang suprasegmental (features of speech beyond individual sounds) that change meaning when you speak:
- Antala/hinto (pause): a short stop that makes the message clear, marked with a comma, a double slash (//), or a hyphen. Moving the pause changes the meaning: “Hindi/ ako si Julre” suggests the speaker is Julre and was mistaken for someone else, while “Hindi ako, si Julre” means someone else did it.
- Tono/intonasyon (intonation): the rise and fall of the voice. The module shows patterns for telling or describing, yes-or-no questions, strong emotion (“Naku, may sunog!”), greetings, and answering questions. It notes that intonation is different from punto (regional accent).
- Diin (stress): the force on a syllable, which can change a word’s meaning, as in the pretest item on buhay.
The module also points out that in Japanese tanka the repeated /h/ sound creates a feeling of peace and calm, and that in a haiku the brief pause falls between the two images or ideas in the poem.
Figurative language
Matalinghagang salita are deep or figurative expressions whose meaning goes beyond the literal, often using sayings, idioms, and figures of speech. The module’s examples include “Bituin ang sumilip” (a star peeked out), meaning giving light; “Puso’y ngumiti” (the heart smiled), meaning happy; and “Araw dumungaw” (the sun looked out), meaning good weather.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts in this order:
- Alamin – the introduction and objectives.
- Subukin – a 10-item pretest.
- Balikan – a review table of Quarter 1 works, such as “Ang Ama” and “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah.”
- Tuklasin – reading the tanka “Naghihintay Ako sa Iyo” and the haiku “Anyaya” and comparing their syllables, lines, topic, and figurative lines.
- Suriin – the lesson discussion.
- Pagyamanin – practice: comparing the two forms, explaining figurative lines, and marking pauses and tone in sample poems.
- Isaisip – a fill-in-the-blank summary.
- Isagawa – adding a stanza to a tanka and haiku, and reading statements aloud with the right intonation.
- Tayahin – a 10-item post-test.
- Karagdagang Gawain – writing one stanza of tanka or haiku about love for one’s parents, decorating it on colored paper, underlining the figurative words, and reading it aloud to a parent.
For learners: Write all answers on separate paper, not in the module. Take the pretest honestly, and use the answer key at the end only to check your work.
For parents: Several activities ask a family member to listen as the learner reads poems aloud and to score the reading with the simple 5-3-2 rubric in the module.
For teachers: The teacher’s notes suggest having learners research the historical background of tanka and haiku, allowing individual or group work, and inviting learners to message or call you when they need help. The final poem is scored on topic, content, and form.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Tanka and Haiku module for?
It is Filipino Grade 9, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1, prepared by DepEd Region IX as a first-edition 2020 self-learning module.
What is the difference between a tanka and a haiku?
According to the module, a tanka has 5 lines and 31 syllables, often 5-7-5-7-7, and dates from the 8th century. A haiku has 3 lines and 17 syllables, often 5-7-5, and dates from the 15th century.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the post-test, and several activities. Writing tasks are marked as having varied answers.
What are suprasegmentals in this lesson?
They are features of speech that affect meaning: antala or hinto (pause), diin (stress), and tono or intonasyon (the rise and fall of the voice). Learners use them when reciting tanka and haiku.
What is the final task of the module?
Learners write one stanza of tanka or haiku about love for their parents on colored paper, underline the figurative words, and read it aloud to a parent with proper pause, stress, and tone.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Tanka at Haiku
[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q2_Filipino9_ Module1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Tanka at Haiku Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Brengilda C. Canama, Mercedes P. Tare, Juilius A. Enguito, Archie Mae P. Collamat, Leah L. Lidon Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido Tagasuri: Brengilda C. Canama, Alma M. Beton Tagapamahala: Ruth L. Fuentes, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Majarani M. Jacinto, Juliet A. Magallanes, Florencio R. Caballero, Alma D. Belarmino
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Tanka at Haiku
[transcriber’s note: this page repeats the title from the cover]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag -aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Maligayang pagdating sa unang modyul ng ikalawang markahan kaibigan. Ako ay nagagalak na natapos mo ang mga modyul ng unang markahan. Napakagaling! Ako si Liway ang iyong kaibigang makakasama mo sa iyong paglalakbay sa modyul na ito. Ako ay nakahandang samahan ka sa iyong pagpapatuloy sa pagliliwaliw sa mga bansa ng Silangang Asya.
Binabati kita at matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa ating nakaraang leksyon. Lalong-lalo na sa ating natalakay nang kayo’y nasa ikawalong baitang pa lamang. Naalala mo pa ba ang tungkol sa dalawang uri ng maikling tula? Tama! ito ay ang Haiku na may sukat na 5,7,5 o 7,5,5 at ang Tanaga na may sukat na 7,7,7,7 sa bawat taludtod.
Ngayon naman, handa ka na bang mamangha sa bago nating aralin? Alam kong kaya mong buuin at suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang Tanka at Haiku, dahil may kaugnayan ito sa dati mong kaalaman patungkol sa tulang binigkas gamit ang tamang antala, diin at tono, sa ganang sarili makagawa kayo ng tula na may matalinghagang salita.
Sa modyul na ito ay ating lalakbayin at aalamin ang mga kilalang tula ng bansang Japan, na mula noong unang panahon at hanggang ngayon ay popular pa rin sa kanila sapagkat ito’y bahagi ng kanilang kultura at paniniwala. Maikli ang mga ito ngunit buo ang diwa at nagpapahayag ng masidhing damdamin, ito’y tinatawag na Tanka at Haiku. Kahawig ito sa Tanaga ng mga Pilipino. Gagalugarin mo ang bansa ng mga Hapon at aalamin ang kanilang akda na Tanka at Haiku. Pagkatapos, suriin mo kung paano nila binibigkas ang mga ito at paano ito susulatin gamit ang matalinghagang salita.
Handa ka na ba?
Sisimulan natin ang ating talakayan sa pagkilala, pagbabasa, pagsusulat at paghahambing ng dalawang tulang ito gayundin ang paggamit ng ponemang suprasegmental. Ito ay naglalayong linangin at gabayan ka sa iyong kakayahan sa pagsusulat at pagsusuri ng dalawang tula, ang Tanka at Haiku na mula sa mga Hapon.
Pagkatapos ng ating paglalakbay inaasahan kong makakamit mo ang mga ating layunin:
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku
Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa Tanka at Haiku
Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng Tanka at Haiku
Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku
Subukin
Bago tayo magsimula sa pagtalakay sa ating bagong aralin ay susubukin ko muna ang iyong kaalaman tungkol dito.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Para sa bilang 1-2 Sa pagbabasa ng Tanka at Haiku, napakahalaga ang tamang pagbigkas upang tamang mensahe ay maihatid sa madla.
Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?
a. kapalaran ng tao
b. Huminhinga pa
c. Kaginhawaan ng tao
d. Kapalaran ng taoAlin ang tamang ilustrasyon ng tono ng intonasyon na angkop sa pagbigkas ng salitang MAMAYA, na may kahulugang pag-alinlangan?
a. [chart: tone-contour diagram; numbers 3, 2, 1 printed beside it]
b. [chart: tone-contour diagram; numbers 3, 2, 1 printed beside it]
c. [chart: tone-contour diagram; numbers 3, 2, 1 printed beside it]
d. [chart: tone-contour diagram; numbers 3, 2, 1 printed beside it][transcriber’s note: the four diagrams are printed side by side and labeled A, B, C, and D; no title is printed]
Ano ang paksa ng Haiku?
I. Iyong galangin,
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.II. Huwag nang buksan,
Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.III. Planong pamilya,
Ay dapat ginawa
Ng mag-asawa.a. Buhay may asawa
b. Ang pag-aasawa
c. Pagpaplano ng Pamilya
d. Pag-aaruga ng pamilyaAng tula sa blg. 3 ay binubuo ng ilang taludtod o linya ang bawat saknong?
a. apat
b. pito
c. labimpito
d. tatlo
Para sa bilang 5-7
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway.
Anong uri ng katutubong tula ng mga Hapon ang nasa itaas?
a. Ambahan
b. Haiku
c. Tanaga
d. TankaAno ang kabuuang bilang ng pantig sa saknong na ito?
a. 21
b. 35
c. 31
d. 2Ano ang sukat ng bawat taludtod o linya ng tula?
a. 5-7-5-7-7
b. 7-7-5-7-5
c. 5-7-5-7-7
d. 7-7-7-5-5Paano malalaman ang sukat ng isang tula?
a. sa pamamagitan ng pagbibilang sa salita sa bawat taludtod
b. sa pamamagitan ng pagbibilang bawat titik ng bawat taludtod
c. sa pamamagitan ng pagpapantig-pantig sa bawat salita
d. sa pamamagitan ng pagbibilang ng bawat pantig sa bawat taludtod
Para sa bilang 9-10 Ang maikling tulang Tanka at Haiku ay may matalinghagang salitang ginamit upang maging masining ang pagpapahayag.
Kusang humarap sa may kapangyarihan ang tsuper ng bus matapos masagasaan ang bata sa kalsada.
a. mayayaman
b. pulis
c. kilalang tao
d. misteryosong taoAng banta ng COVID-19 ang naging dahilan sa buhay-manok ng maraming tao sa buong mundo.
a. nanganganib ang buhay
b. sobrang kapayapaan
c. matulungin ng tao
d. sobrang nenerbiyos
Aralin 1 Ang Tanka at Haiku
Magaling, alam kong nasagutan mo nang maayos ang subukin. Huwag kang mabahala kung may mali kang sagot dahil tutulungan kitang alamin ang mga bagay na hindi mo pa masyadong naintindihan sa pamamagitan ng modyul na ito. Tutuklasin natin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku at tamang pagbigkas nito. Pero bago tayo magpatuloy halika’t samahan mo kaming alalahanin ang nagdaang aralin.
Balikan
Naalala mo pa ba ang ating huling aralin?
Magaling! Ating tinalakay ang tungkol sa pagbabahagi ng sariling pananaw batay sa resulta ng isinagawa mong sarbey.
Tiyak kong natatandaan mo ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya na ating tinalakay sa unang markahan tulad ng mga sumusunod; maikling kwento ng Singapore, Alamat ng Thailand, tula ng Pilipinas, sanaysay ng Indonesia, at dula ng Pilipinas.
Gawain I. Bilang bahagi ng natutuhan mo sa lahat ng aralin, subukin mong sagutin ang kasunod na gawain sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat sa ibaba.
| Mga Natutuhan sa Aralin | Aralin | Mga Natutuhan sa Akda |
|---|---|---|
| Ang Ama | ||
| Ang Alamat ni Prinsesa Manorah | ||
| Kay Estela Zeehamdelaar | ||
| Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng kasalukuyam, at Buhay ng kinabukasan |
Napakagaling mo kaibigan! Nakikita kong talagang iyong naunawaan at naintindihan ang ating nakaraang paksa.
Binabati kita!
[illustration: hand holding papers]
Mga Tala para sa Guro
Mga bagay na dapat ipaalam sa mga mag-aaral;
- Ipabasa ang kaligirang pangkasaysayan ng Tanka at Haiku upang mas madaling maunawaan ang mga kasanayan o gawain. (Ipasaliksik nila ito)
- Maaaring gawing isahan o pangkatan ang pagbabasa at pagsasagot.
- Magpatulong sa nakatatandang kapatid o mga magulang kung nahirapan.
- Huwang mag-atubiling magchat o tumawag sa guro kung hindi naunawaan.
- Huwag sulatan ang modyul at sundin ang panuto sa bawat gawain.
Tuklasin
Handa ka na ba sa susunod na gawain? Halika na! Basahin natin ang dalawang halimbawa ng tulang Hapon.
Sa iyong pagbabasa, tuklasin mo kung paano nabuo ang Tanka at Haiku ayon sa pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tula at sagutin ang gawain na nasa ibaba.
Gawain II: MAGKAIBA NGA BA TAYO?
A. Panuto:
Basahin at unawain. Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at mensahe ng kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit sa tulang Tanka at Haiku, isulat sa kahon ang iyong sagot. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
Naghihintay Ako sa Iyo (Tanka) Anyaya (Haiku)
Ni: Dhutay Ni: Mercy
I. Naghihintay mahal ko
Nanabik ako sa ‘yo
Sa yakap mo’t halik
Naulila ‘ko
Tigang kong puso.
I. Ako’y nagalak
Sa iyong pagpaunlak
Pusong busilak.
[transcriber’s note: the lines “Tigang kong puso.” and “Pusong busilak.” are underlined in the original]
[chart: four-box diagram with labels only; boxes read “BILANG NG PANTIG” (with “TANKA” and “HAIKU” beneath), “BILANG NG LINYA” (with “TANKA” and “HAIKU” beneath), “PAKSA/ MENSAHE” (with “TANKA” and “HAIKU” beneath), and “KAHULUGAN NG MATALINGHA GANG PAHAYAG” (with “TANKA” and “HAIKU” beneath). No values are printed.]
[illustration: animated character speaking]
Magaling kaibigan! Natapos mong basahin at sagutin ang mga gawain, kumusta? Marami ka bang natutuhan?
Ngayon ipaliwanag ko sa iyo ang mga mga ito. Sundan at tandaan ang mga mahahalagang kaalaman dahil magagamit mo ito sa susunod pang mga gawain na iyong tatahakin.
Suriin
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang: 5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA
I. Bayan kong sinta =5
Buhay ay iaalay =7
Iyan ay tunay. =5
II. Wala nang iba =5
Para sa akin, sinta! =7
Habang buhay pa. =5
Sinulat ni: Dhutay
III. Kung umaraw man =5
O kaya’t ay uulan =7
Hindi sasablay =5
IV. Munting sinta ko =5
Ikaw na ang tahanan =7
Ang aking mundo =5
Ngayon kaibigan ano naman ang Tanka?
Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31 na pantig na may 5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa nito’y ukol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.
I. Ba-yan kong sin-ta =5
Bu-hay ay i-a-a-lay =7
I-yan ay tu-nay =5
_____
Kabuuang pantig—–17
Halimbawa ito ng Haiku, binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay may 5-7-5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa Haiku-17 na pantig.
Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7
HALIMBAWA
I. Ako’y uhaw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan, mauna! =7
Sinulat ni: Dhutay
I. A-ko’y u-haw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan mauna! =7
_____
Kabuuang pantig ————–31
Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 taludtod at ang bawat linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may kabuuang 31 na pantig ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong ng Tanka ay may 31 na pantig.
Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7
Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental. Mahalaga ito upang makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wastong diin, tono o intonasyon, at antala upang maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap
[chart: flowchart; Tatlong Uri ng Suprasegmental]
Antala/Hinto– Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).
Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na maaaring siya’y napagkamalan lamang na ibang tao.
b. Hindi ako, si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.
a. Hindi ako si Julre.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Julre.)
Tono/Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba ng tinig.
Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Queson, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin…
Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagama’t iisa ang intonasyon.
*Pagsasalaysay/paglalarawan- Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Julrecca.
*Masasagot ng OO o HINDI- Totoo?
Sila iyon, ‘di ba?
*Pagpapahayag ng matinding damdamin
Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!
*Pagbati- Kumusta ka?
Magandang umaga po.
Salamat sa iyo.
*Pagsagot sa tanong – Oo, aalis na ako.
Hindi. Hindi ito ang gusto ko.
Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit
Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit tulad ng
[chart: syllable diagram with arrows; left column reads “Hi-sa-ka-ta-no”, “Hi-ka-ri-no—do-ke-ki”, “Ha-ru-no-hi-ri”, “Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku”, “Ha-na-no-chi-ru-ra-mu”; a bracket labeled “TONO” points to the first three lines and a bracket labeled “LAYUNIN” points to the last two lines; right-side notes read “Ang tono at damdaming nangingibaw sa tanka ay kapayapaan at katahimikan” and “Nagpapahayag ng emosyon”]
Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay lumilikha ng damdamin ng kapayapaan at katahimikan. Ang paghinto sa pagbigkas ng mga salitang Japanese ay hindi laging nakabatay sa kanilang mga patinig. Binibilang nilang isang pantig ang /n/
Samantalang sa pagbigkas ng Haiku, ang saglit na paghinto ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang larawang diwa o kaisipang ipinahihiwatig sa tula tulad ng:
[chart: syllable diagram with arrows; left column reads “Ha-tsu-shigu-ri”, “Sa-ru-mo-ko-mi-no-wo”, “Ho-shi-ge-na ri”; a bracket labeled “LAYUNIN” and a bracket labeled “TONO” point to these lines; right-side notes read “Naglalahad ng unang ulan sa pagsisimula ng taglamig” and “Pagbabago”]
Alam mo ba na…
Ang Tanka at Haiku ay ginamitan ng matalinghagang salita/pahayag upang mas kawili-wili at kabigha-bighani ito.
Ang Matalinghagang Salita ay malalalim na mga salitang may simpleng kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginawang mga talinghaga na inuugnay sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, at tayutay. May tatlong gamit ang mga salitang ito sa panitikan gaya ng tula, nobela, at sanaysay. Suriin ang kasunod na Tanka at Haiku sa ibaba.
| Halimbawa | Matalinghagang salita | Kahulugan |
|---|---|---|
| Tanka: Gabing naging tahimik Bituin ang sumilip Bulaklak na sumagi Mamasdan saglit Puso’y ngumiti Ni: Leah L. Lidon | Bituin ang sumilip Puso’y ngumiti | Nagbibigay liwanag maligaya |
| Haiku: Dahong sumayaw Hangin ang nagpagalaw Araw dumungaw Ni: Leah L. Lidon | Araw dumungaw | Magandang panahon |
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Sa bahaging ito masusubok natin ang inyong kaalaman sa paksang tinatalakay natin, sagutin mo ng magkasunod-sunod ang mga gawain
Gawain 1.1 PAGHAMBINGIN
(Kompetensi 1. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku.)
Panuto:
Mula sa binasang Tanka at Haiku sa pahina 7-8, isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o pagkabuo.
[chart: graphic organizer; top box “TANKA at HAIKU” with arrows to three boxes: left box “TANKA” with “PAGKAKAIBA” beneath, center box “PAGKAKATULAD”, right box “HAIKU” with “PAGKAKAIBA” beneath]
Gawain 1.2. Alamin Mo!
(Kompetensi 3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa Tanka at Haiku)
Panuto: Suriin at unawain ang halimbawa ng Tanka at Haiku at ibigay ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. Sundin ang pormat na nasa ibaba sa pagsagot.
Di maliparang-uwak
Ang puso’t isip
Sa bayang nananabik
Pagbabago ay
‘Wag sanang ipagkait.
Ni: Archie Mae
‘Wag mabahala
Pagsweldo ng tulisan
Ika’y saktan…
Ni: Archie Mae
[transcriber’s note: in the original, “Di maliparang-uwak” and “Pagsweldo ng tulisan” are underlined]
| Tanka | Haiku |
|---|---|
| Kahulugan ng Di maliparang-uwak | Kahulugan ng Pagsweldo ng tulisan |
Gawain 1.3. Bigkasin Mo!
(Kompetensi 4. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.)
(Kompetensi 5. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.) Tandaan na ang tamang pagbigkas ay napakahalaga upang tamang mensahe ang maihatid sa mga nakikinig o kinakausap.
A. Antala/ Hinto
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Isulat ang buong tula at gumamit ng guhit pahilis upang malinaw na maihatid ang mensaheng ibig ipabatid. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| AKDA (HAIKU/TANKA) | ANTALA/HINTO | MENSAHE | |
|---|---|---|---|
| 1 | Panahon ng pandemya Tayo’y magkakaisa Sama-samang sugpuin Ang COVID 19 Ang misyon natin. Ni: Mercedes P. Tare | Halimbawa: Panahon ng pandemya/ Tayo’y magkakaisa/ Sama-samang sugpuin/ Ang COVID 19/ Ang misyon natin. | |
| 2 | Totoong sa new normal Lahat ng mag-aaral Modyul na ang inaral Nagkandarapa Sa pag-unawa. Ni: Mercedes P. Tare |
B. Antala/ Hinto
Panuto: Gamit ang pamantayan/rubrics sa ibaba, pumili ng isang kapamilya na siyang magbibigay ng puntos, basahin ang mga tula at ibigay ang tono/damdaming nangingibabaw nito. Sundin ang pormat sa ibaba.
| AKDA (HAIKU/TANKA) | TONO/ DAMDAMIN | MENSAHE | |
|---|---|---|---|
| 3 | Ako’y nagalak Sa iyong pagpaunlak Pusong busilak. Ni: Mercedes P. Tare | ||
| 4 | Rosas na pulang-pula Bigay ng sinta Ako ay lumigaya. Ni: Mercedes P. Tare |
Pamantayan sa pagbigkas ng tula
| Puntos | Pamantayan |
|---|---|
| 5 | Malinaw na naihatid ang mensahing nais ipabatid. |
| 3 | Di- gaanong malinaw ang mensahing nais ipabatid. |
| 2 | Hindi malinaw ang mensahing nais ipabatid. |
Isaisip
Tandaan ang mga mahahalagang kaalaman sa ibaba, patunay na nalinang at nahasa ang iyong kasanayan sa modyul na ito.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na angkop sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Diin Haiku Tanka Tono o intonasyon Haba Antala Matalinghagang Salita Tono o Intonasyon
_____ 1. Ito ay lakas, bigat ng tinig sa pagbigkas ng pantig.
_____ 2. Tumutukoy sa saglit na pagpigil ng pagsasalita upang higit na malinaw ang mensahe.
_____ 3. Paghaba at pag-ikli ng pagbigkas ng pantig.
_____ 4. Ito ay walang tiyak o di kaseguroduhang ibig ipahiwatig.
_____ 5. Ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig na nahahati sa limang taludtod.
_____ 6. Ito ay may kabuuang labimpitong bilang ng pantig na may tatlong taludtod.
_____ 7. Tulang may paksang tungkol sa kalakisan at pag-ibig.
_____ 8. Tulang nagawa noong ika-walong siglo.
_____ 9. Ito ay pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.
_____ 10. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
Isagawa
Dito mo mapapatunayan kaibigan kung talagang naunawaan mo nang mabuti ang ating talakayan sa mga gawain. Gamitin ang iyong kaalaman sa gawaing ito at ibahagi ang kahalagahan nito sa iyong buhay.
Gawain 1.1
Panuto: Dagdagan ng isang saknong upang mabuo ang diwa sa bawat uri ng tula, sundin ang tamang bilang ng pantig at linya. at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot, gayahin lamang ang pormat.
Halimbawa (TANKA)
I. Bayan kong sinta Buhay ay iaalay Iyan ay tunay.
II. Wala ng iba Para sa akin, sinta! Habang buhay pa.
III.
Halimbawa (HAIKU)
I. Ako’y uhaw na Panahon ng pandemya Magtulungan na! Magagandang programa Kaligtasan, mauna!
II.
Sagutin ang sumusunod;
- Tungkol saan ang dalawang tula? Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipan na natutuhan mo mula dito?
- Ano ang kahalagahan ng kaisipang iyong natutuhan sa tula na magagamit mo sa iyong buhay? Magbigay ng isang patunay.
Gawain 1.2
Panuto: Ipagpalagay na kaharap mo ang iyong nakatatandang kapatid o magulang siya ang magmamarka sa iyo batay sa pamantayang ibinigay. Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginagamit at isulat sa patlang na nasa dulo ng bawat pahayag ang iskor.
Pamantayan sa pagganap
| Puntos | Pamantayan |
|---|---|
| 5 | Malinaw na naihatid ang mensahing nais ipabatid. |
| 3 | Di- gaanong malinaw ang mensahing nais ipabatid. |
| 2 | Hindi malinaw ang mensahing nais ipabatid. |
A.
Totoo? Maganda siya? _________________________
Totoo! Maganda siya! _________________________Magagaling? Sila? _________________________
Magagaling sila. _________________________
B.
May bisita tayo bukas? _________________________
May bisita tayo bukas. _________________________Ikaw ang may-sala sa nangyari? _________________________
Ikaw ang may-sala sa nangyari. _________________________
Gabay na Tanong:
- Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2 ng mga pahayag sa B1 at B2?
- Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2 ng mga pahayag sa B1 at B2?
- Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ang bawat pahayag.
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Para sa bilang 1 and 2. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang angkop na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Matinding _______ ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KITSobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.
A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SOPaano mo malaman na Haiku ang tula?
A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?
A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig
Para sa bilang 5-6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.
Haiku
Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupainA. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tinginTanka
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tinginTumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. HabaIto ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon
Para sa bilang 9-10 suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita
“Umulan ba kahapon?”
A. nagtatanong C. nagpapahayag
B. nag-aalinlangan D. nagbubunyi“Ikaw ba talaga iyan?”
A. nagtataka C. naninigurado
B. nagtatanong D. nananabik
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng Tanka o Haiku na binubuo ng isang saknong at ang pinapaksa ay hinggil sa pag-ibig sa magulang. Isulat ito sa makulay na papel at lagyan ng disenyo na may kaugnayan sa nilalaman nito. Salungguhitan din ang mga matatalinghagang salita o pahayag. Pagkatapos, basahin mo sa harap ng iyong magulang ang nagawang tula ayon sa tamang antala, diin, at tono.
Pamantayan sa pagsulat ng Tanka at Haiku
| Pamantayan | 5 | 3 | 2 |
|---|---|---|---|
| Paksa: nasusunod ang paksa ng Tanka o Haiku. | |||
| Nilalaman: angkop ang paggamit at baybay ng mga salita. | |||
| Istrukrura/Anyo: wasto ang mga sukat/ bilang ng pantig at taludtod ng tulang Tanka o Haiku. |
transcriber’s note: this page holds only ruled lines for the learner’s written poem, with no printed text.
Susi sa Pagwawasto
transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down; they are transcribed in the order they appear on the page.
Subukin
- A
- B
- A
- D
- D
- C
- B
- D
- C
- A
Tayahin
- A
- B
- A
- A
- B
- D
- A
- A
- A
- C
GAWAIN 1.1
TANKA Iba’t iba ang sagot
Haiku Iba’t iba ang sagot
Tuklasin
| PANTIG | LINYA | PAKSA/ MATALINGHAGANG PAHAYAG | |
|---|---|---|---|
| TANKA | 5 7 5 7 7 | 5 | PAG-IBIG/ NITONG TAGLAGAS |
| HAIKU | 5 7 5 | 3 | PAG-IBIG/ ULILANG DAMO |
transcriber’s note: the stacked numbers in the PANTIG column are read from the upside-down layout and may not align exactly with their rows.
Pagyamanin 1.1. Paghambingin
| TANKA | TANKA AT HAIKU | HAIKU |
|---|---|---|
| PAGKAKAIBA | PAGKAKATULAD | PAGKAKAIBA |
| MAY 31 PANTIG | TULA NG HAPON | MAY 17 PANTIG |
| 7 5 | MAIKLING TULA | 5 5 |
| 7 7 | PAKSANG PAG-IBIG | 7 5 |
| 7 5 | May masidhing damdamin | 5 7 |
| 5 LINYA | 3 LINYA | |
| Paksa: Pagbabago | Paksa: Pag-ibig sa Bayan |
transcriber’s note: this table is printed upside down, and the cell placement of several number rows (marked as best reading) is hard to confirm from the image.
[transcriber’s note: the top half of this page is printed upside down; the table cells below were read from the rotated print, and the column boundaries are inferred]
Gawain 1.3
A. Antala/ Hinto
| AKDA (HAIKU/TANKA) | ANTALA/HINTO | MENSAHE |
|---|---|---|
| 1. Panahon ng pandemya / Tayo’y magkakaisa / Sama-samang sugpuin / Ang COVID 19 / Ang misyon natin Ni: Mercedes P. Tare | Panahon ng pandemya/ Tayo’y magkakaisa/ Sama-samang sugpuin/ Ang COVID 19/ Ang misyon natin | Pagkakaisa |
| 2. Totoong sa new normal / Lahat ng mag-aaral / Na modyul ang inaral / Nagkandarapa / Sa pag-unawa Ni: Mercedes P. Tare | Totoong sa new normal/ Lahat ng mag-aaral/ Na modyul ang inaral/ Nagkandarapa/ Sa pag-unawa | Nahihirapan |
B. Tono/Intonasyon
| AKDA (HAIKU/TANKA) | TONO/DAMDAMIN | MENSAHE |
|---|---|---|
| 3. Ako’y nagalak / Sa iyong pagpaunlak / Pusong busilak Ni: Mercedes P. Tare | nagagalak | Taus-pusong pagpapasalamat |
| 4. Rosas na pulang-pula / Bigay ng sinta / Ako ay lumigaya Ni: Mercedes P. Tare | masaya | umiibig |
Binabati kita!
Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos na naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang modyul na ito o di kaya’y magtanong sa iyong guro.
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.
[illustration: smiling cartoon woman waving, beside the congratulatory message]
Sanggunian
Enrijo, Willita, et.al. Panitikang Pilipino: Filipino 8 (unang edisyon). 2013.
Peralta, Romulo, et.al. Ang panitikang Asyano: Filipino 9. Philippines: Vibal Group, Inc., 2014.
RcCarlNatad1. “Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku.” Last modified August 27, 2018. https://www.slideshare.net/RcCarlNatad1/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku-111701741
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply