Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul: Pakikilahok at Bolunterismo

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Naranasan mo na bang mag-boluntaryo sa isang mapagkawanggawang samahan na ang natatanging pakay ay magserbisyo sa mga nangangailangan?

Ika nga’y, “No Man is an Island, “No Man Can Stand Alone”. Ito ay tanyag na katagang alam ng marami sa atin. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapuwa at hindi siya mabubuhay ng mag-isa. Dahil siya ay may kapuwa, nararapat lamang na siya ay kumikilos ng may pananagutan at pagmamalasakit sa kanyang kapuwa.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo tungo sa pag-abot ng kabutihang panlahat sa lipunan.

8.1 Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagunlad ng mamamayan at lipunan.

8.2 Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo.

8.3 Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

b. Bilang obligasyon ng likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspeto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan.

8.4 Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may partikular na pangangailangan.

Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan Modyul: Pakikilahok at Bolunterismo

EsP9_q2_m4_pakikilahokatbolunterismo_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment