Isang mainit na pagbati sa panibagong araw ng pagkatuto. Masaya ako dahil matagumpay mong natapos ang unang modyul. Nasiyahan ka ba sa naging resulta nito? Sigurado akong ipinagmamalaki mo ang iyong sarili dahil sa maganda ang naging resulta ng iyong mga pagsasanay. Magaling!
Sa araling ito, papasukin natin ang mundo ng mga hayop sa pamamagitan ng kwentong pabula at lubos mong mauunawaan ang nilalaman at damdamin ng tauhang nakapaloob sa akda. Ipapakita rin sa araling ito ang pagpapahalaga at dangal ng isang kabataang Pilipino at bilang bahagi ng isang bansang Asyano. Ito’y naglalaman din ng mga pagsubok na inihanda upang magturo ng mahahalagang aral at kaisipan na karapat-dapat tularan ng isang kabataang tulad mo.
Pagkatapos ng ating paglalakbay inaasahan ko na magagawa mong mga susmusunod:
1. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan.
2. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon ng pagpapahayag ng damdamin.
4. Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.
5. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.