This is the Grade 7 Araling Panlipunan self-learning module for Quarter 3, Module 3: “Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano” (experiences and implications of the world wars in the history of Asian countries). DepEd MIMAROPA Region prepared it for learning at home, and it is the first edition, from 2020. It shows how World War I and World War II affected the countries of South Asia (Timog Asya) and West Asia (Kanlurang Asya), and how the wars fed their push for independence.
What learners will learn
By the end of the module, learners should be able to:
- Analyze the experiences of South and West Asian countries during World War I and World War II
- Identify the implications of the two world wars for the history of Asian countries
- List the effects of the two world wars
The module is tied to this Most Essential Learning Competency: discuss the experiences and implications of the world wars in the history of Asian countries (“Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano”). It supports the content and performance standards on change, development, and continuity in South and West Asia from the 16th to the 20th century.
World War I and South and West Asia
The module explains that World War I (1914–1918) broke out in August 1914. European countries had formed rival alliances as they competed for territory:
- Central Powers: Germany, Austria, and Hungary
- Allies: France, England, and Russia
The killing of Archduke Francis Ferdinand of Austria was a key trigger of the war.
Although the fighting was centered in Europe, it reached Asia:
- India sent soldiers to fight for the Allies under British officers. Hindu and Muslim groups set aside their differences because both wanted self-rule. Gandhi led the movement through satyagraha (non-violence). Khudadad Khan Minhas became the first Indian to receive the Victoria Cross, after the first battle of Ypres. After the war, mass demonstrations, boycotts, and refusal to obey British orders led to autonomy for India.
- Iran stayed neutral, but fighting between Russia, Great Britain, and the Ottoman Empire destroyed communities and property, killed many Iranians, and caused hunger. This led to uprisings for the freedom of northern Iran from 1915 to 1921. In 1919, Great Britain pressed Iran’s prime minister to sign an agreement giving Britain wide control over Iran’s economy, politics, and military. Nationalists protested in newspapers and revolts, and the agreement was stopped.
- West Asia saw fighting between the Triple Entente and the Ottoman Empire. The Allies took Baghdad and Jerusalem in 1917 and the Ottoman capital, Constantinople, in November 1918. The module says the Ottoman Empire fell on March 3, 1924. Mustafa Kemal Ataturk led the fight against the Ottoman Empire.
Key terms from this part of the lesson:
- Treaty of Versailles: the treaty that formally ended the war after the defeat of the Central Powers
- Armistice of Murdos: the agreement that ended the war between the Allies and the Ottoman Empire
- Mandate System: the Allies’ system of dividing the former Ottoman lands. France received Syria and Lebanon, and Britain received Palestine. Oil, discovered in West Asia in 1914, made Western countries even more interested in the region.
- Balfour Declaration (1917): a British statement opening Palestine as a homeland for the Jews. It led to conflict between Muslims and Jews.
The module also notes that even independent countries such as Saudi Arabia, ruled by King Ibn Saud, did not escape Western control, because foreigners owned the oil companies.
World War II and South and West Asia
World War II began when Adolf Hitler invaded Poland on September 1, 1939. The module covers these events:
- Anglo-Iraqi War: a war between the government of Rashid Ali, a supporter of Hitler, and Great Britain, Australia, and Greece. Britain then occupied Iraq until 1947 to protect the oil fields.
- Operation Countenance (1941): Russia and Britain occupied Iran to secure its oil fields and the Allied supply lines to Russia.
- Tehran Conference: an agreement led by the United States that Russia and Britain would both leave Iran so it could be free. The module dates it to 1942.
- Azerbaijan Crisis: Russia began pulling its troops out of Iran in May 1946 but did not finish. This was the first dispute heard by the UN Security Council, and it led to the Cold War between the United States and Russia and their allies.
- India declared war on Nazi Germany in September 1939 and sent 2 million soldiers to fight the Axis Powers. Its 4th, 5th, and 10th divisions fought in North Africa against forces led by Erwin Rommel. Gandhi and his companions protested against the war. When India became free in 1947, it split in two: India for the Hindus and Pakistan for the Muslims.
The module lists these effects of World War II on South and West Asia: independence of nations, many soldiers killed, economic growth, many buildings destroyed, slave labor and genocide, and advances in technology.
Key dates at a glance
This table follows the timeline in the module’s answer key.
| Date | Event |
|---|---|
| 1914 | Oil discovered in West Asia |
| August 1914 | World War I begins |
| 1915–1921 | Fighting in Iran brings destruction and many deaths |
| November 1918 | Allies take Constantinople |
| 1919 | Britain presses Iran to sign an agreement giving it wide control |
| March 3, 1924 | Fall of the Ottoman Empire |
| September 1, 1939 | World War II begins |
| 1941 | Operation Countenance |
| 1942 | Tehran Conference |
| 1947 | India becomes independent and is divided into India and Pakistan |
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest
- Balikan: a review of nationalism (nasyonalismo) from the previous lesson
- Tuklasin: a word search of key terms
- Suriin: the main reading on the two world wars
- Pagyamanin: a story map, a tree diagram of the wars’ effects, and a timeline activity
- Isaisip: three essay questions
- Isagawa: a reflection log
- Tayahin: a 15-item final test (the same items as the pretest)
- Karagdagang Gawain: an extra agree-or-disagree activity
Learners: Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Take the pretest first, then check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Contact your teacher if a part is hard to understand.
Parents: A teacher’s or facilitator’s guide comes with the module. Help your child go through the parts in order and check answers with the answer key.
Teachers: The notes for teachers say the activities in each lesson are planned for three days of sessions. You are encouraged to adapt the suggested activities to your learners’ interests and abilities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is the Grade 7 Araling Panlipunan module for the third quarter (Ikatlong Markahan), Module 3.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and final test, the review activity, the extra activity, and the timeline.
What is the Mandate System in this module?
It is the system the Allies used after World War I to divide the lands formerly ruled by the Ottoman Empire. France got Syria and Lebanon, and Britain got Palestine.
What was the Balfour Declaration?
It was a statement issued by the British in 1917 that opened Palestine as a homeland for the Jews. The module says it led to conflict between Muslims and Jews.
How did World War II affect India, according to the module?
India, then a British colony, sent 2 million soldiers to fight the Axis Powers. After the war, it became independent in 1947 and was divided into India for the Hindus and Pakistan for the Muslims.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
7
[illustration: students studying under a tree and at a table, a teacher, and a globe; the ADM (Alternative Delivery Mode) logo below]
CO_Q3_Araling Panlipunan7_Module 3
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rizza Joy O. Morco, Maria Socorro P. Atanacio
Editor: Jouilyn O. Agot
Tagasuri: Zenon M. Oblan
Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte
Tagalapat: Liezl O. Arosio, Florendo S. Galang
Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas Mariflor B. Musa Freddie Rey R. Ramirez Danilo C. Padilla Cyril C. Serador Ronald S. Brillantes Marites L. Arenio Eva Joyce C. Presto Rhea Ann A. Navila
7 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Halina’t simulan natin!
Naitanong mo na ba sa iyong sarili, ano nga ba ang mga naging karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya? Paano nila ito hinarap? Ano ang naging epekto nito sa kanila?
Huwag mag-alala dahil ang lahat ng iyong mga katanungan ay bibigyang linaw sa modyul na ito upang tulungan kang maunawaan ang mga naging karanasan at implikasyon ng digmaan sa kasaysayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda para sa iyo. Kaya’t tara na, lakbayin natin ang daan tungo sa karunungan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Nasusuri ang mga naging karanasan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig; - Natutukoy ang mga implikasyon ng Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano; - Naiisa-isa ang mga epekto ng dalawang digmaang pandaigdig.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
- Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.
[illustration: hand pressing a button, icon beside “Alamin”]
Subukin
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig
maliban sa:
A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa Morocco
C. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
D. pagtatatag ng Nagkakaisang BansaAlin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula
ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-Hungary,
Rusya, at OttomanAng kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa:
A. pag-angkin ng Russia sa Constantinople upang magkaroon ng magandang
daungan.
B. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga
bansang magkaka-alyado.
C. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
D. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera.Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:
A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera
B. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939
C. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera
D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa EuropaAno ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?- Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day
- Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon
- Paglusob ng Hapon sa Manchuria
- Pagsalakay ng Alemanya sa Poland
A. 2 – 4 – 3 – 1
B. 4 – 1 – 3 – 2
C. 3 – 4 – 2 – 1
D. 1 – 2 – 4 – 3
[illustration: hand holding a pencil, icon beside “Subukin”]
Kailan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Agosto 1924 C. Agosto 1914
B. Setyembre 1939 D. Marso 3, 1924Ang Central Powers ay binubuo ng mga bansang Germany, Austria, at Hungary,
samantalang ang Allied Powers ay binubuno ng anong mga bansa?
A. France, Great Britain, at Russia
B. Russia, Austria, at France
C. France, England, at Russia
D. England, Russia, at GermanyNakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya. Tulad sa
________, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilos ay nagkaisang tumulong sa
panig ng mga Allies.
A. Austria C. Iraq
B. Germany D. IndiaAno ang naging bunga ng Azerbaijan Crisis na kinasangkutan ng Russia at
America at ng kanilang mga kaalyado?
A. Iron Curtain C. Unang Digmaang Pandaigdig
B. Cold War D. Ikalawang Digmaang PandaigdigAnong tawag sa kasunduan na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan?
A. Tehran Conference C. Mandate System
B. Treaty of Versailles D. Balfour DeclarationAng pagkakatuklas ng _______________ sa Kanlurang Asya noong 1914 ang
naging dahilan upang mas lalong maging interesado ang mga Kanluraning bansa
at magtatag ng sistemang mandato.
A. Mina ng langis C. Pilak
B. Ginto D. PampalasaIto ay ipinalabas noong 1917 ng mga Ingles kung saan nakasaad na ang mga
Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan.
Anong kasunduan ito?
A. Tehran Conference C. Mandate System
B. Treaty of Versailles D. Balfour DeclarationAnong kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos na nagsasaad na
kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili
at maging malaya?
A. Tehran Conference C. Mandate System
B. Treaty of Versailles D. Balfour DeclarationKailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Agosto 1924 C. Agosto 1914
B. Setyembre 1939 D. Marso 3, 1924Anong kasunduan ang nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied Powers ng
Ottoman Empire?
A. Tehran Conference C. Mandate System
B. Treaty of Versailles D. Armistice of Murdos
Aralin 1
Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
Sa nakaraang aralin, natuklasan natin ang mga salik at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Nalaman din natin kung ano ang kahulugan ng salitang nasyonalismo.
Sa pagsisimula ng ating bagong aralin, maaari bang ipaliwanag mo muna kung ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
Handa ka na ba? Halika at umpisahan mong sagutin ang inihandang paunang gawain kung saan ipaliliwanag mo ang kahulugan ng salitang nasyonalismo.
Balikan
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan ng nasyonalismo, mga dahilan sa pagpapakita ng damdaming nasyonalismo, at mga pamamaraang ginamit ng mga taga-Timog at Kanlurang Asya upang makamit ang kalayaan mula sa mga Kanluraning mananakop.
Bago natin ipagpatuloy ang talakayan sa modyul na ito, gunitain muna natin ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain.
Gawain 1: Kahulugan, Ipaliwanag Mo!
[illustration: person with question marks, thinking]
Ano nga ba ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
Gawain 2: Kaalaman
Panuto: Tukuyin ang mga dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo at paraang ginamit para matamo ang kalayaan. Gumamit ng hiwalay na papel.
| Dahilan ng Pagpapakita ng Nasyonalismo | Pamamaraang Ginamit para Matamo ang Kalayaan | |
|---|---|---|
| Timog Asya | ||
| Kanlurang Asya |
[transcriber’s note: the row labels “Timog Asya” and “Kanlurang Asya” are printed on arrows beside the table]
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng cross word puzzle/search, story map, graphic organizer, timeline, Reflective Journal atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Tuklasin
Gusto mo bang malaman kung ano ang mga naging karanasan ng mga bansang Asyano kaugnay sa naganap na dalawang digmaang pandaigdig? Gayundin ang naging implikasyon nito sa kanilang pamumuhay?
Pero bago yan, subukan muna nating gawin ang nakahandang gawain.
Gawain 1: I-Word Search Mo
Panuto: Kopyahin ang kahon, hanapin at lagyan ng kulay ang sumusunod na mga salita sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Nasyonalismo, Digmaan, Imperyalismo, Militarismo, Allies, Central Powers, Epekto, Krisis, United Nations, Kasunduan
[transcriber’s note: the word list is printed in a box above the letter grid; the grid is a 15 x 15 letter grid, transcribed row by row with the first row as the header; the blank cell in the 14th row is printed as an empty space]
| A | O | L | F | S | E | I | L | L | A | H | C | T | U | N |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| P | M | V | G | V | Z | Q | T | Y | F | Y | O | N | B | A |
| C | S | U | R | O | N | X | P | I | P | M | I | A | T | A |
| M | I | Z | H | G | P | R | H | F | Y | T | D | Y | K | M |
| I | L | T | W | R | U | Y | Z | O | E | G | N | V | X | G |
| L | A | S | I | S | I | R | K | D | A | V | D | C | T | I |
| I | N | M | C | P | X | M | N | T | M | I | Q | U | Y | D |
| T | O | H | A | N | H | A | Z | Q | S | N | D | I | A | O |
| A | Y | B | Y | R | T | M | T | O | A | L | Z | R | J | T |
| R | S | F | K | I | N | A | U | D | N | U | S | A | K | K |
| I | A | E | O | G | W | H | P | S | A | T | D | Q | F | E |
| S | N | N | M | F | U | R | F | W | U | N | M | Z | O | P |
| M | S | A | L | P | H | V | H | E | Q | P | U | Y | Q | E |
| O | X | O | M | S | I | L | A | Y | R | E | P | M | I | |
| C | E | N | T | R | A | L | P | O | W | E | R | S | U | X |
Pamprosesong Tanong:
- Ano sa iyong palagay ang kaugnayan ng mga salitang iyong nahanap sa aralin natin ngayon?
- Nakaapekto ba ang digmaan sa pagtatamo ng Kalayaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya? Paano mo nasabi?
Suriin
Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng mga Malawakang Kilusang Nasyonalista
Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig
Noong naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mas lalong nasubok ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya upang matamo nila ang kalayaan sa kamay ng imperyalistang bansa.
Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918)
[illustration: war-damaged buildings with soldiers and civilians on a ruined street; printed text: “Cost lives of 13 million soldiers and 10 million civilians / 20 million soldiers were wounded and 10 million civilians”]
Matutunghayan natin sa araling ito ang mga tunay na kaganapan sa pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na siyang nag-udyok sa mga Asyano na magkaroon ng mga pagbabago at lalong higit na magpunyagi na matamo ang kanilang minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na sa Timog at Kanlurang Asya sa pangunguna ng mga lider Asyano.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Agosto 1914 dahil narin sa pagkakaroon ng alyansya ng mga bansa sa Europeo upang maisakatuparan nila ang kanilang mga interes dahil sa pag-uunahan sa teritoryo. Ang mga bansang kabilang sa alyansa ng Germany, Austria at Hungary ay tinatawag na Central Powers, samantalang ang Allies naman ay binubuo ng bansang France, England, at Russia. Isang mahalagang pangyayari at dahilan din sa pagsiklab ng nasabing digmaan ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
- Central Powers- alyansa ng mga bansang Germany, Austria, at Hungary.
- Allies – binubuo ng mga bansang France, England at Russia
Kahit na nakasentro ang digmaan sa Europa ay nakaapekto rin ito sa Asya. Tulad sa India, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng mga Allies. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay nito ay pagkakaisa rin ng mga kilusang Muslim at Hindu na pansamantalang isinantabi ang di-pagkakasundo dahil kapwa silang naghangad na mabigyan ng karapatang
mamahala sa sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng pamamaraang payapa ayon sa satyagraha (non-violence).
Sa pamamagitan ng bansang Iran, Russia, at Great Britain ay nagsagawa ng pag-atake sa Ottoman Empire na kung saan ay nakipag-alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinapanigan. Ang digmaang ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagpatay ng maraming Iranian, at nagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa pagkakataong ito ay nagbigay-daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos ng mamamayan na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915-1921.
Noong taong 1919, hiniling ng Gran Britanya sa Punong Ministro ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, pangmilitar sa bansang Iran na magbibigay-daan sa pagiging ganap na protektadong bansa ng Gran Britanya. Ang pangyayaring ito, ang nagbigay daan upang magalit ang mga pangkat ng nasyonalista sa pamahalaang Iran. Sa pamamagitan ng pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at pagaalsa ay napigilan ang nasabing kasunduan noong 1926.
Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France kasunod ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan. Isa sa mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil sa pagbagsak ng imperyong Ottoman. Natuklasan ang langis sa Kanlurang Asya noong 1914, dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa bansang France ang mandato para sa Syria at Lebanon, napasakamay naman ng mga Ingles ang mandato para sa Palestina. Ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamahalaan ng mga dayuhan ang aspektong pang-ekonomiya. Nanatiling malaya ang ibang bansa sa Kanlurang Asya ngunit di pa rin nakaligtas sa kontrol ng mga Kanluraning bansa. Isang halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari naman ng mga dayuhan.
Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles na kung saan nakasaad dito na ang Palestina ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland). Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng di-pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew na nagsimulang magsibalik sa Kanlurang Asya mula sa Europe.
Dahil sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay lumakas sa bansang India ang kilusang Nasyonalismo na naging daan upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at Muslim. Nagkaroon sa bansang India ng malawakang demonstrasyon, boykot at di pagsunod sa mga kautusan ng Ingles, dahil dito ay naibigay ang autonomiya sa bansang India.
Kanluran at Timog Asya noong Unang Digmaang Pandaigdig
- Sa Kanlurang Asya, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Triple Entente sa pangunguna ng Russia, France, at Great Britain at ang Central Powers sa pangunguna ng Imperyong Ottoman.
- Noong taong 1917, nasakop na ng Allied Powers ang iba’t ibang importanteng lugar sa Kanlurang Asya katulad ng Baghdad, Iraq, at ang Jerusalem.
- Armistice of Murdos – ito ay ang kasunduan na nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied Powers ng Ottoman Empire.
- Noong Nobyembre 1918, nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong Ottoman, ang Constantinople.
- Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya ang nagbigay daan sa paglaya o pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. Halimbawa rito ay si Mustafa Kemal Ataturk, na pinangunahan ang laban sa imperyong Ottoman.
- Mandate System – sistemang ipinatupad ng Allied Powers. Nakasaad dito na paghahati-hatian ng mga Allies ang mga bansang dating sakop ng imperyong Ottoman.
- Noong Marso 3, 1924 bumagsak ang imperyong Ottoman.
- Noong mga unang bahagi ng 20th Century, ang kabuoan ng Timog Asya ay nasasakop ng Imperyong British. Noong 1914, nagdeklara ng digmaan ang India bilang suporta sa Imperyong British sa Triple Alliance, partikular na ang Alemanya. Ang India ay ang pangalawa sa pinakamalaking suportang armies sa buong daigdig.
- Khudadad Khan Minhas – pagkatapos ng unang labanan sa Ypres, siya ay ang unang Indian na nagawaran ng Victoria Cross.
- Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya ang nagsilbing inspirasyon upang lalong sumidhi ang pagnanais na makalaya ang mga bansa sa Timog Asya sa mga Briton. Lalong dumami ang mga organisasyon na naglalayong palayain ang kani-kanilang bansa.
Pamprosesong Tanong:
- Ano sa iyong palagay ang sanhi o dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
- Mayroon bang naging masamang epekto sa Timog at Kanlurang Asya ang Unang Digmaang Pandaigdig? Paano?
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong Setyembre 1939 ay ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa. Samantala taong 1942, isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya. Mayo 1946
nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis. Itinuturing ito na unang di pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng United Nations (UN). Ito ang nagbigay-daan sa Cold War na kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra naman sa Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa.
Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang ipinaglalaban ng mga taga-India para sa kalayaan ngunit ito ay naging daan upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang pangkat, ang pangkat ng Hindu at ng Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
Dahil sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig inasahang makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya at ito ay maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya.
Kanluran at Timog Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa pagsakop ni Adolf Hitler noong Setyembre 1, 1939 sa Poland.
- Anglo-Iraqi War – ito ay ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan ni Rashid Ali, isang masugid na sumusuporta kay Adolf Hitler at ng mga bansang Great Britain, Australia, at Greece. Pagkatapos ng digmaan, sinakop ng Britanya ang Iraq hanggang 1947 upang maprotektahan ang mga plantasyon ng langis.
- Operation Countenance (Pagsakop ng Anglo-Soviet sa Iraq) – ito ang pagsakop sa Imperyong Iran ng Russia at British noong 1941. Ang layunin ay masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply lines patungong Russia.
- Ang India noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sakop pa rin ng Imperyong British. Noong Setyembre 1939, opisyal na nagdeklara ng digmaan ang India sa Nazi Germany. Nagpadala ito ng 2 milyong sundalo upang labanan ang Axis Powers sa Europa, Asya, at Hilagang Africa.
- Ang ikaapat, ikalima at ikasampu na dibisyon ng Indian Army ay nakipaglaban sa Hilagang Africa. Naging maigting at malupit ang labanan ng India at ng Germany sa pangunguna ni Erwin Rommel.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya
- Pagkakaroon ng kasarinlan ng mga bansa
- Maraming namatay na sundalo na sumabak sa digmaan
- Paglago ng ekonomiya
- Maraming gusali ang nawasak
- Pagkakaroon ng slave labour at genocide
- Pag-unlad ng teknolohiya
Pamprosesong Tanong:
- Bakit nagkaroon ng cold war ang Estados Unidos at mga kaalyado nito laban sa Russia?
- Paano nakaapekto sa Timog at Kanlurang Asya ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pagyamanin
Gawain 1: Story Map
Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Story Map upang masuri ang kaganapan at epekto ng mga naganap sa digmaang pandaigdig. Gawin ito sa isang malinis na papel o kuwaderno.
[chart: story map; Gawain 1: Story Map]
- Tauhan → Tagpuan → Daloy ng Pangyayari → Epekto
- Daloy ng Pangyayari → Simula
- Daloy ng Pangyayari → Kasukdulan
- Daloy ng Pangyayari → Wakas
[transcriber’s note: the story map has the labels “Tauhan,” “Tagpuan,” “Daloy ng Pangyayari,” “Epekto,” “Simula,” “Kasukdulan,” and “Wakas”; the “Epekto” box is empty and the other ovals and boxes carry no printed text beyond their labels]
Pamprosesong Tanong:
- Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?
- Ipaliwanag ang simula, mahalagang labanan, mga kasunduang naganap, at naging wakas ng Digmaang Pandaigdig.
- Paano nakaapekto ang digmaang ito sa mundo?
Upang masubok na ikaw ay nakapagsuri nang maayos tungkol sa mga epekto ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay maaari mo nang gawin ang kasunod na tree diagram.
Gawain 2: Tree Diagram
Panuto: Lagyan ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng tree diagram. Maaari mong kulayan ang tree diagram upang maging kaakit-akit. Gawin ito sa isang malinis na papel o kuwaderno.
[chart: tree diagram; Gawain 2: Tree Diagram]
- Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-unlad ng Nasyonalismong Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
- Unang Digmaang Pandaigdig (1914)
- Epekto
- Kanlurang Asya
- Timog Asya
- Epekto
- Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939)
- Epekto
- Kanlurang Asya
- Timog Asya
- Epekto
- Unang Digmaang Pandaigdig (1914)
Pamprosesong Tanong:
- Ano-ano ang nangyari sa Timog at Kanlurang Asya bago at matapos ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- Sa paanong paraan nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa mga tao at bansa ng Timog at Kanlurang Asya noon at sa kasalukuyan?
Nasagot mo ba ang hinihinging datos ng tree diagram? Magaling! Alam ko na mas gagalingan mo pa sa susunod na gawain.
Gawain 3: I-Timeline Mo
Panuto: Ayusin ang ilang mahahalagang pangyayari noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa “time table“. Pagkatapos ay ilagay ang mga pangyayari sa tamang panahong nakatala sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
- Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
- Pag-atake ng Russia at Great Britain sa Ottoman Empire na naging dahilan ng malawakang pagkasira ng pamayanan, ari-arian, at pagpatay ng maraming Iranian.
- Bumagsak ang Imperyong Ottoman
- Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Hiniling ng Great Britain na lumagda sa isang kasunduan ang Punong Ministro ng Iran para magkaroon ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, at militar.
- Natuklasan ang langis sa Kanlurang Asya, dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa dito at magtatag ng sistemang mandato.
- Nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong Ottoman, ang Constantinople.
- Lumaya ang India at nahati sa dalawang pangkat ng Hindu at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
- Pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya.
- Operation Countenance o pagsakop sa Imperyong Iran ng Russia at British. Ang layunin ay masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply lines patungong Russia.
1914 _____
Agosto 1914 _____
Nobyembre 1918 _____
1951 – 1921 _____
1919 _____
Marso 3, 1924 _____
Setyembre 1, 1939 _____
1941 _____
1942 _____
1947 _____
Ayan! Sa ikatlong gawain, alam ko na napagsunod-sunod mo nang maayos ang mahahalagang pangyayari noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Isaisip
Sa bahaging ito ng aralin ay susubukin ang iyong pang-unawa sa paksang tinalakay sa modyul na ito. Inaasahan na mas magiging mapanuri ka sa mga naging karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Ipaliwanag at sagutin ito nang buong katapatan sa sagutang papel.
- Ano ang naging implikasyon ng dalawang digmaang pandaigdig sa mga tao sa bansang Timog at Kanlurang Asya?
- Ano-ano ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya matapos ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- Sa naging karanasan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa pagsiklab ng dalawang digmaang pandaigdig, nanaisin mo pa bang maulit ito sa kasalukuyang panahon? Bakit?
Isagawa
Gawain: Reflection Log
Panuto: Isulat sa inyong malinis na papel o kuwaderno ang iyong saloobin kaugnay sa mga tinalakay na paksa.
Pangalan: _____
Petsa : _____
Taon at Seksiyon: _____
Reflection Log:
Ang implikasyon ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa akin ay
Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga nagawa ng mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya na nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay_____
Tayahin
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
- A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
- B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa Morocco
- C. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
- D. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
- A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
- B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
- C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
- D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria, Hungary, Rusya, at Ottoman
Ang kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa:
- A. pag-angkin ng Russia sa Constantinople upang magkaroon ng magandang daungan
- B. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga bansang magkakaalyado
- C. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
- D. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera
Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:
- A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera
- B. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939
- C. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera
- D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa
Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day
- Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon
- Paglusob ng Hapon sa Manchuria
- Pagsalakay ng Alemanya sa Poland
- A. 2 – 4 – 3 – 1
- B. 4 – 1 – 3 – 2
- C. 3 – 4 – 2 – 1
- D. 1 – 2 – 4 – 3
Kailan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
- A. Agosto 1924
- B. Setyembre 1939
- C. Agosto 1914
- D. Marso 3, 1924
Ang Central Powers ay binubuo ng mga bansang Germany, Austria, at Hungary, samantalang ang Allied Powers ay binubuno ng anong mga bansa?
- A. France, Great Britain, at Russia
- B. Russia, Austria, at France
- C. France, England, at Russia
- D. England, Russia, at Germany
Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya. Tulad sa ________, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilos ay nagkaisang tumulong sa panig ng mga Allies.
- A. Austria
- B. Germany
- C. Iraq
- D. India
Ano ang naging bunga ng Azerbaijan Crisis na kinasangkutan ng Russia at America at ng kanilang mga kaalyado?
- A. Iron Curtain
- B. Cold War
- C. Unang Digmaang Pandaigdig
- D. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Anong tawag sa kasunduan na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan?
- A. Tehran Conference
- B. Treaty of Versailles
- C. Mandate System
- D. Balfour Declaration
Ang pagkakatuklas ng _______________ sa Kanlurang Asya noong 1914 ang naging dahilan upang mas lalong maging interesado ang mga Kanluraning bansa at magtatag ng sistemang mandato.
- A. Mina ng langis
- B. Ginto
- C. Pilak
- D. Pampalasa
Ito ay ipinalabas noong 1917 ng mga Ingles kung saan nakasaad na ang mga Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan. Anong kasunduan ito?
- A. Tehran Conference
- B. Treaty of Versailles
- C. Mandate System
- D. Balfour Declaration
Anong kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya?
- A. Tehran Conference
- B. Treaty of Versailles
- C. Mandate System
- D. Balfour Declaration
Kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- A. Agosto 1924
- B. Setyembre 1939
- C. Agosto 1914
- D. Marso 3, 1924
Anong kasunduan ang nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied Powers ng Ottoman Empire?
- A. Tehran Conference
- B. Treaty of Versailles
- C. Mandate System
- D. Armistice of Murdos
Karagdagang Gawain
Gawain 1: Positibo o Negatibo
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang pahayag na iyong sinasang-ayunan at ekis (✗) ang hindi mo naman sinasang-ayunan sa iyong sagutang papel.
- Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng nga Kanluranin.
- Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsibalik ang mga Jews sa Kanlurang Asya.
- Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ipinatupad ng mga Kanluranin ang sistemang mandato sa Kanlurang Asya.
- Ang patakarang Divide and Rule ng mga Ingles ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga Indian.
- Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian.
Susi sa Pagwawasto
Subukin and Tayahin
| Subukin and Tayahin | ||
|---|---|---|
| 1. D | 6. C | 11. A |
| 2. C | 7. C | 12. D |
| 3. B | 8. D | 13. A |
| 4. B | 9. B | 14. B |
| 5. C | 10. B | 15. D |
Balikan
Nasyonalismo – isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang political ng pagiging makabansa. ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan.
Karagdagang Gawain: Tuklasin
[illustration: word search puzzle grid of letters, with a diagonal path highlighted in red]
- /
- x
- /
- x
- /
Pagyamanin:
Timeline
- 1914 – Natuklasan ang langis sa Kanlurang Asya, dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa dito at magtatag ng sistemang mandato.
- Agosto 1914 – Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
- Nobyembre 1918 – Nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong Ottoman, ang Constantinople.
- 1915 – 1921 – Pag-atake ng Russia at Great Britain sa Ottoman Empire na naging dahilan ng malawakang pagkasira ng pamayanan, ari-arian at pagpatay ng maraming Iranian.
- 1919 – Hiniling ng Great Britain na lumagda sa isang kasunduan ang Punong Ministro ng Iran para magkaroon ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika at militar.
- March 3, 1924 – Bumagsak ang Imperyong Ottoman
- Setyembre 1, 1939 – Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- 1941 – Operation Countenance o pagsakop sa Imperyong Iran ng Russia at British. Ang layunin ay masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply lines patungong Russia.
- 1942 – Pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya.
- 1947 – Lumaya ang India at nahati sa dalawang pangkat ng Hindu at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
Sanggunian
Modyul
Rosemarie C. Blando et. al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City. 2014.
Project EASE, Araling Panlipunan III. Modyul 17: Labanan ng mga Bansa sa Daigdig
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply