This is the Araling Panlipunan 7 (Ikapitong Baitang) self-learning module for Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 4: “Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista” (how different ideologies relate to the rise of nationalism and nationalist movements). It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module from DepEd Region MIMAROPA, first edition 2020, written by Rizza Joy O. Morco. It explains the main political and economic ideologies and shows how they shaped the independence movements of countries in South and West Asia.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Name the ideologies behind the rise of nationalism and nationalist movements (naiisa-isa ang mga ideolohiya).
- Discuss how different ideologies relate to South and West Asia (Timog at Kanlurang Asya).
- Analyze the ideologies that existed in the countries of South and West Asia.
The module is built on these standards:
- Content standard: Learners show understanding of change, development, and continuity in South and West Asia in the transitional and modern period (16th to 20th century).
- Performance standard: Learners critically analyze change, development, and continuity in South and West Asia in the same period.
- Most Essential Learning Competency (Week 4): “Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista” (analyzes the relationship of different ideologies to the rise of nationalism and nationalist movements).
What is an ideology?
The module defines ideolohiya (ideology) as a system or set of ideas that tries to explain the world and how it changes, which is formed, shared, and followed by a group of people or a society. It influences how people in that group think, see things, and act. The module notes that Destutt de Tracy (spelled “Desttuff de Tracy” in the module) introduced the word as a short name for the science of ideas.
The lesson focuses on two categories:
| Category | What it is about |
|---|---|
| Ideolohiyang pang-ekonomiya (economic ideology) | A country’s economic policies: how goods and services are produced, distributed, and exchanged, and who owns land and other wealth |
| Ideolohiyang pampolitika (political ideology) | How a country is led and how laws are made and carried out; linked to movements for social change |
The ideologies discussed
| Ideology | Meaning in the module |
|---|---|
| Demokrasya (democracy) | Rule by the people; it is direct when people govern themselves by openly expressing their views |
| Pasismo (fascism) | The state tries to control every part of life; many scholars place it on the far right |
| Sosyalismo (socialism) | The state owns large systems of production, land, and wealth, while small businesses stay private; aims for fair wages, housing, education, and health services for all |
| Komunismo (communism) | Production, land, and wealth belong to everyone, not private citizens; the government runs the economy and people receive equal social services |
| Kapitalismo (capitalism) | Private individuals own the systems of production, distribution, and exchange; most land and wealth are privately owned except what the state declares its own |
How ideologies shaped nationalism in South and West Asia
The module says democracy had the biggest influence on nationalist movements in South and West Asia. It then looks at selected countries.
South Asia (Timog Asya)
- India and Pakistan: Under British rule, Indians worked to revive Hindu ideas and traditions; Swami Dayanand Saraswati urged a return to reading the Vedas. Bal Gangadhar Tilak led militant nationalism with violent action against the British from 1905 to 1914, while Mohandas Gandhi led moderate nationalism and became president of the All India National Congress, founded in 1885. The Muslim League, founded in 1906 and led by Muhammad Ali Jinnah, sought a separate Muslim nation, which led to Pakistan. Pakistan declared independence alongside India on August 14, 1947.
- Sri Lanka: Formerly Ceylon, it was ruled by Britain from 1796 to 1947. The Ceylon National Congress, its first political party, was founded in 1919. Don Stephen Senanayake, called the “Father of Sri Lankan Independence,” led the struggle, and independence was declared on February 4, 1948.
- Nepal: A peaceful People Power Revolution took place in 1990, inspired by the Philippines’ 1986 EDSA Revolution. Nepal was declared a Federal Democratic Republic on May 28, 2008.
West Asia (Kanlurang Asya)
- Israel: Theodor Herzl founded the Zionist movement in Basel, Switzerland, in 1897 to return the Jews to their “promised land.” Conflict with Palestinian Arabs followed the division of Palestine. After the Holocaust, the killing of about six million European Jews by Nazi Germany, Israel was declared independent in Tel Aviv on May 14, 1948, with David Ben-Gurion as its first prime minister.
- Iraq: Nationalist uprisings in Baghdad pushed Britain to agree to a Kingdom of Iraq. Faisal became king on August 23, 1921, and Iraq gained independence in 1932. Western companies still controlled its oil. After King Faisal I died in 1933, repeated bloody coups earned Iraq the name “Republic of Fear.”
- Saudi Arabia: In 1744 Muhammad Ibn Saud and the cleric Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab formed the alliance behind today’s ruling dynasty. King Abdul Aziz Ibn Saud took Riyadh in 1902 and declared himself King of Saudi Arabia in 1932. The country is an absolute monarchy with no elections, political parties, or legislature.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
- Balikan: a collage review of the effects of the two World Wars.
- Tuklasin: a word web on “ideolohiya” and a concept map on democracy, socialism, and communism.
- Pagyamanin: guide questions; “Kilalanin Natin!” (identify leaders whose names are printed with jumbled letters, then fill in their country, movement, ideology, evidence, and effect); and a map activity coloring countries blue for democracy, yellow for socialism, and red for communism.
- Isaisip: a lesson-closure reflection.
- Isagawa: a picture collage of five South or West Asian personalities who changed their country (scored on content, 10 points; organization, 5; creativity, 5) and a democracy-versus-communism comparison table.
- Tayahin: a 15-item post-test, plus Karagdagang Gawain, matching features of democracy with conditions that help it work.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not mark the module, so others can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and facilitators: The module comes with a guide (Gabay sa Guro/Tagapagdaloy) with tips for supporting learners at home. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) to check work, and encourage honest use of it.
- Teachers: The notes say each lesson’s activities are planned for three sessions, and teachers are encouraged to enrich them based on learners’ interests and abilities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 4. Its learning competency is set for Week 4.
What ideologies does the module cover?
It covers democracy and fascism as political ideologies, and socialism, communism, and capitalism as economic ideologies.
Which countries are discussed?
In South Asia it discusses India, Pakistan, Sri Lanka, and Nepal. In West Asia it discusses Israel, Iraq, and Saudi Arabia.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and post-test, the Karagdagang Gawain, and suggested answers for the word web, concept map, and Isagawa table.
What does ideolohiya mean in this module?
It is a system of ideas that explains the world and its changes, formed, shared, and followed by a group or society, and that influences how its people think and act.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
[illustration: students reading and studying outdoors and at a table, with a teacher, a globe, and a lamp]
CO_Q3_Araling Panlipunan_7_Module 4
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rizza Joy O. Morco
Editor: Angie Lyka L. Galaroza, Jay M. Maravilla
Tagasuri: Zenon M. Oblan
Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte, Irene Joy B. Pablico
Tagalapat: Liezl O. Arosio, Magnolia M. Mabulo-Delos Santos, Paulina S. Crescini
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Danilo C. Padilla, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139
Email Address: region4b@deped.gov.ph
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Halina’t simulan natin!
Marahil ay mayroon ka nang kabatiran hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa daigdig. Bakit iba’t iba ang mga kalagayang pampulitika ng mga bansa? Matututuhan sa modyul na ito ang iba’t ibang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa. At ang katangian ng bawat isa. Tatalakayin din kung ano ang epekto ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at malawakang kilusang nasyonalista sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang sumusunod na tanong. Alam kong maraming mga katanungan ang nasa isip mo na may kinalaman sa iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at sa mga kilusang nasyonalista. Kaya’t simulan mo na ang pagsagot sa mga katanungan at huwag kang matakot o mangamba sa pagsagot dahil may mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Naiisa-isa ang mga ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista;
- Natatalakay ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya; at
- Nasusuri ang mga ideolohiyang umiral sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag -unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanluyang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
- Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista. (Week 4)
Subukin
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ayon sa ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na ginagampanan ng ahensya o institusyong ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
a. Edukasyon
b. Mass Media o Mamamahayag
c. Pamahalaan
d. SimbahanAng kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao at ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna. Anong Sistema ang tinutukoy ng pahayag?
a. Awtoritaryanismo
b. Demokrasya
c. Monarkiya
d. TotalitaryanismoAlin sa sumusunod ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa Saudi Arabia?
a. Komunismo
b. Monarkiya
c. Sosyalismo
d. TotalitaryanismoSino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo?
a. Nicolai Lenin
b. Karl Marx
c. Joseph Stalin
d. Leon TrotskyAyon sa kaisipang Komunismo, ang puhunan at sistema ng produksyon ay kontrolado ng estado. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang nais wakasan ng kaisipang komunismo?
a. demokratikong sosyalismo
b. kapitalismo
c. sistemang komunal
d. sosyalismoAlin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
a. Pagtangkilik ng sariling produkto
b. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
c. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
d. Wala sa mga nabanggitAng nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan na nagbigay-daan para may matutunan ang mga mamamayan. Ano ang natutuhan ng mga Asyano mula rito?
a. Pagpatibay ng ugnayang panlabas
b. Maging laging handa sa pananakop
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluraninAno ang dimensyon ng buhay ang HINDI gaanong naaapektuhan ng anumang ideolohiya?
a. batas
b. isports
c. kabuhayan
d. kulturaAno ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno sa ilalim ng demokratikong bansa?
a. Check and Balance
b. Tagapagbatas
c. Tagapagpaganap
d. Tuwiran at Di-Tuwirang pagbotoAlin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo?
a. Pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
b. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
c. Pagpapalakas ng mga malalaking pribadong negosyo.
d. Pagwawakas ng kapitalismo.Anong ideolohiya ang nagbibigay kalayaan sa mga mamamayan na mamahala ng kanilang kabuhayan na sinusunod ng mga bansang Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoSa ilalim ng sistemang pangkabuhayang ito, ang produksyon, distribusyon, at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. Anong sistemang pangkabuhayan ang tinutukoy nito?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoAng sistemang ito ay may layuning pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Anong sistema ito?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoAnong ideolohiya ang naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoSa anong sistema nakapaloob na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan at sila rin ang pumipili ng magiging pinuno sa pamamagitan ng halalan?
a. Awtoritaryanismo
b. Demokrasya
c. Monarkiya
d. Totalitarya
Aralin 1
Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga karanasan at implikasyon ng mga naging digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.
Natatandaan mo pa ba ang ilan sa mga pangyayaring naganap dito?
Balikan
Suriin ang collage at sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Gawin ito sa sagutang papel.
[illustration: collage of five black-and-white drawings: soldiers and a tank on a beach, fallen bodies on the ground, a man crouched among ruins, a photographer with a camera, and a tank in front of mountains]
Pamprosesong Tanong:
Mula sa collage, ano-ano ang naging kaganapan sa bansa ng Timog at Kanlurang Asya
a. bago at matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
b. bago at matapos ang Ikalawang Digmaang PandaigdigPaano nakaapekto ang mga nasabing digmaan sa pagtatamo ng kalayaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
Tuklasin
Gusto mo bang malaman ang mga ideolohiya na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista?
Pero bago ‘yan, subukan muna nating gawin ang nakahandang gawain.
Word Web
Bago ka magsimula sa aralin, mag-isip ng mga salitang may kaugnayan sa katagang IDEOLOHIYA. Anong kaugnay na kaisipan ang maaaring makatulong sa iyo upang maunawaan ang salitang ito. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.
[chart: word web diagram; center oval labeled “IDEOLOHIYA” with eight empty boxes connected to it by arrows, for the learner to fill in. Values are not labeled on the chart.]
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng cross word puzzle, graphic organizer, pagsusulat ng maikling sanaysay, picto analysis, reflective journal atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyayamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Mula sa nailagay o naisulat na mga kaugnay na salita sa ideolohiya, bumuo ng konsepto na tumutukoy dito.
Ang ideolohiya ay tumutukoy sa __________________________________
Concept Map
Panuto: Ilagay sa concept map kung ano sa palagay mo ang naging kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa malawakang kilusang nasyonalista. Gawin ito sa hiwalay na papel.
[chart: concept map; top box “Kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa mga malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya” branching to three empty boxes labeled “Demokrasya”, “Sosyalismo”, “Komunismo”. Values are not labeled on the chart.]
Suriin
Ang Kahulugan ng Ideolohiya
[illustration: a head with thought bubbles and small icons rising from the brain]
Alam mo ba? Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito na nabuo, ibinabahagi at sinusunod ng mga grupo ng tao o ng lipunan. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa kaisipang nakaimpluwensya sa pag-iisip, pananaw, at pagkilos ng mga tao na kabilang sa grupo o sa partikular na lipunan.
Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. Ang pakahulugan nito ay pinalawig pa ng iba’t ibang pilosopo at eksperto sa Agham Panlipunan.
Iba’t Ibang Ideolohiya at ang Malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Bakit iba’t ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa? Paano ang mga ideolohiyang ito ay nakatutulong o nakaapekto sa pagkakaroon ng mga Kilusang Nasyonalista? Paano ang mga ito ay nagsilbing instrumento sa paglaya ng mga bansa?
Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan ng mamamayan ay ipinahahayag ng mga ideolohiya. Naaayon din ang mga ito sa kultura at kasaysayan ng bansa. Maraming kategorya ng ideolohiya sa lipunan tulad ng kasarian, kulay, relihiyon at iba pa. Sa araling ito, tunghayan
natin ang dalawang kategorya : ang ideolohiyang pang-ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.
2 Kategorya ng Ideolohoya:
| Ideolohiya | Kahulugan |
|---|---|
| Ideolohiyang Pang-ekonomiya | – nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng produksyon, distribusyon, palitan ng produkto at serbisyo at pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan. |
| Ideolohiyang Pampolitika | – nakapokus sa paraan ng pamumuno, paggawa at pagpapatupad ng mga batas sa isang bansa. – Nauugnay ang politikal na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang pagbabago. – Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabago sa lipunan. |
Iba’t ibang Ideolohiya na Nabuo sa Asya
Sa pampolitika, ito ay ang demokrasya, at pasismo at sa ekonomiya ay sosyalismo, komunismo at kapitalismo. Ang mga ideolohiyang pang-ekonomiya ay ipinatupad ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa. Pag-aaralan natin ang piling kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
[transcriber’s note: the table below has no printed header row; the header shown repeats the columns of the table above]
| Ideolohiya | Kahulugan |
|---|---|
| Demokrasya | – ang pamamahala ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. |
| Pasismo | – Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagkontrol sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng o kasama ng koalisyon, sukdulang makakanang politika. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Ideolohiya | Kahulugan |
|---|---|
| Sosyalismo | – Tumutukoy sa teoryang ekonomiko na ang pagmamay-ari ng malalaking sistema ng produksyon kasama ang pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan ay nasa kamay ng estado samantalang ang mga maliliit na sistema ng produksyon ay nasa kamay ng pribadong mamamayan. Niyayakap ng pamahalaan ang sistemang ito gayundin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na magkaroon ng patas o igalitaryang pamamaraan ng pasahod, pabahay, edukasyon, pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. |
| Komunismo | – Isang ideolohiya na naniniwala na ang sistema ng produksyon at pagmamayri ng lupa at iba pang kayamanan ng bansa ay wala sa pribadong mamamayan bagkus ito ay pagmamay-ari ng lahat. Ang mga mamamayan ay nakakatamasa ng pantay na serbisyong palipunan. Ang pamahalaan ang siyang namamahala sa ganitong sistema ng ekonomiya. |
| Kapitalismo | – Ang ideolohiya na ang pagmamay-ari ng sistema ng produksyon, distribusyon, at palitan ng produkto at serbisyo ay nasa kamay ng pribadong indibidwal. Malaking bahagi ng lupa at kayaman ng bansa ay pag-aari ng pribadong mamamayan maliban sa mga kayamanang ideneklarang pag-aari ng estado. |
Timog Asya
India at Pakistan
[illustration: portrait of a man wearing a turban and a mustache]
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging malaki ang impluwensya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng pamahalaang Gran Britanya, maraming Indiano ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at tradisyong Hindu. Hindi matanggap ng mga Indiano ang pagbalewala at pag-alis sa kanilang nakagisnang kultura. Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, isang nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga veda upang maging batayan ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga Indiano. Hinangad din ng mga Indiano ang pikachurin ng konstitusyon na magbibigay sa kanila ng mas malaki at malawak na pagkakataong makalahok sa pamamahala sa bansa.
Ang naging mabagal na pagkakaloob ng pamahalaang Gran Britanya sa mga hinihinging pagbabago ang nagtulak sa mga Indiano upang maglunsad at magpalaganap ng isang kilusang rebolusyunaryo.
Pinangunahan ni Bal Gangadhar Tilak ang tinawag na militanteng nasyonalismo. Nagsagawa sila ng marahas na pagkilos laban sa mga Ingles mula 1905 hanggang 1914. Samantala, may mga Indiano naman na nagpamalas ng moderatong nasyonalismo sa pamumuno ni Mohandas Gandhi. Siya ay naging pangulo ng All India National Congress na naitatag noong 1885.
Noong 1935, nagbigay ang pamahalaang Gran Britanya sa India ng isang bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bicameral at estadong pederal, sanggunian ng mga estado at kapulungan. Tinanggihan ito ng mga Indiano at Muslim.
Ayon sa mga Muslim sa India, kung ang mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala ang kultura at relihiyong Muslim. Upang mabigyang proteksyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947. Samakatuwid, mahalaga ang ideolohiyang demokrasya dahil nagkaroon ng pagkakataong makibahagi ang mga Indiano at Muslim sa pagbubuo ng kanilang bansa.
Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog Asya
[illustration: portrait of a man in a suit]
Pinamunuan ng Pamahalaang Britanya ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente ng India sa loob ng isa’t kalahating dantaon (1796-1947). Noong 1919, itinatag ang Ceylon National Congress, ang unang partidong pulitikal ng Sri Lanka. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka”, ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko ng Sri Lanka. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.
Samantala sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag ng Nepalese Constituent Assembly na lalansagin na ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng eleksiyon sa Asemblea. Noong May 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.
Ceylon – ang orihinal na pangalan ng bansang Sri Lanka.
Mula sa tekstong iyong binasa, paano kaya nakaapekto sa mga mamamayan ng Timog Asya ang mga ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan?
Kanlurang Asya
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan ng Estados Unidos. Naging instrumental ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.
[illustration: portrait of a bearded man with dark hair]
Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Basel, Switzerland noong 1897 ni Theodor Herzl (1860 – 1904), isang Austrian – Hungarian. Nagsimula ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang “lupaing pangako”. Libo-libong migranteng Hudyo ang pumunta sa Palestine at doon nagtatag ng kanilang panirahan. Ikinagalit ito ng mga Palestiniang Arabo. Kaya noong 1921, inayos ng Pamahalaang Britanya ang usapin tungkol dito na nagdulot ng paghahati sa Palestine. Nagkaroon ito ng dalawang estado- isa para sa mga Hudyo at ang isa ay para sa mga Arabo.
Ipinangako sa bawat isang grupo ang kani-kanilang kasarinlan. Subalit ang bawat isa ay hindi nasiyahan. Ang panahon ng pagkakahating ito (1920 – 1948) ay puno ng madudugong labanan sa pagitan ng mga Hudyo at Arabo.
Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay ang ginawang pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo na nasa Europe noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939 – 1944). Isinagawa ito ng Nazi Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler. Ang pangyayaring ito ay tinawag na holocaust, ito ang naging dala dalang prinsipyo ng pakikibaka ng mga Hudyo at ng kanilang mga tagasuporta. Ito din ang naging dahilan ng kanilang pagbabalik sa Palestine bilang lupaing pangako.
Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel -Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion.
Holocaust – ang malawakang pagpaslang sa mahigit-kumulang anim na milyong Europeong Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Tel – Aviv – ang pangunahing lungsod na Israeli sa baybayin ng Dagat Mediteraneo
Iraq
[illustration: portrait of a bearded man in a headdress]
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Bansang Britanya. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sumiklab ang mga nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga hukbong Britanya sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang Pamahalaang Britanya sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag ang Kaharian ng Iraqi gayundin ang pagluluklok kay Faisal bilang hari.
Noong Agosto 23,1921, si Faisal ay naluklok bilang hari. Ipinagkaloob naman ang kasarinlan ng Iraq noong 1932. Gayunpaman, kontrolado pa rin ng mga kanluraning kompanya ang industriya ng langis pagkaraang matuklasan ito noong 1927.
Mula nang mamatay si Haring Faisal I noong 1933 hanggang dekada 1960, ang karaniwang tagpo sa bansa ay ang magkakasunod at madudugong kudeta. Sa mahabang panahon, nakilala ang Iraq na “Republika ng Takot” dahil ang mga pagbabago ng pamahalaan ay madalas na humahantong sa karahasan. Ilang ulit na nagpalit ng mga administrasyon sa bansa at nangyayari ito gamit ang karahasan, pananakot, o pakikipagdigmaan. Hindi nila kinikilala ang demokrasya, kalayaan, mga karapatang pantao, malayang eleksyon at malayang pananalita sa kanilang bansa. Naging malakas na pwersa ang militar sa bansa. Bagaman, umaasa pa rin ang mga Iraqi at ang sandaigdigan na maghahari pa rin ang kapayapaan, demokrasya, at paggalang sa mga karapatang pantao sa bansang ito.
Saudi Arabia
[illustration: portrait of a bearded man in traditional Arab dress]
Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turko. Noong 1744, nagsanib ang pwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang politikal. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, tumulong si Haring Abdul Aziz at ang mga nasyonalistang Arabo sa mga bansang Gran Britanya sa pakikipaglaban sa mga Ottoman Turko. Nangako ang Gran Britanya na ipagkakaloob ang kanilang kasarinlan.
Pinag-isa ni Colonel Thomas Edward Lawrence ang nagdidigmaang mga tribung Arab. Pinamunuan niya ang mga ito sa paggapi sa mga pwersang Turko-German.
Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arabo. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia.
Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol ng mga mamamayan. Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya, ang mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong politikal, at walang lehislatura dito.
Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan, at ugnayang internasiyonal, nagagawa ng mga Taga-Saudi ang makipagsabayan sa mga makapangyarihang bansa sa larangan ng politika.
Pagyamanin
Gawain 1: Sagutin Mo!
Pagkatapos ng pagsusuri ng teksto, sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang papel.
Sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya, ano-ano ang ideolohiyang nakaaapekto sa pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista. Bakit?
Paanong ang iba’t ibang ideolohiya ay nakaapekto sa pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista?
Paanong nagkaroon ng transpormasyon sa pamamagitan ng nabanggit na mga ideolohiya ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
Nasagot mo ba ang mga tanong kaugnay sa iyong binasang teksto? Kung gayon maaari mo ring masagot ang iba pang mga nakahandang gawain kaugnay sa tekstong iyong binasa.
Gawain 2: Kilalanin Natin!
Mula sa mga larawan sa loob ng kahon, kilalanin at alamin kung anong ideolohiya ang kanilang nalinang. Isulat ang bansang kanilang pinamunuan at pinagmulan gayundin ang iba pang impormasyong hinihingi ng talahanayan. Gawin ito sa hiwalay na papel.
| Larawan | KANLURANG ASYA: Bansa | KANLURANG ASYA: Kilusang Nasyonalista | KANLURANG ASYA: Ideolohiya | KANLURANG ASYA: Ebidensya | KANLURANG ASYA: Epekto |
|---|---|---|---|---|---|
| [illustration: portrait] Odertheo zlerH | |||||
| [illustration: portrait] Salfia I | |||||
| [illustration: portrait] Mauhdamm Daus | |||||
| [illustration: photo of a bearded man in traditional dress] Mauhdamm nbi Bawah | |||||
| [illustration: portrait of an older bearded man] Nadaynada Satiriswa | |||||
| [illustration: portrait of an older man with glasses] Tamaham Hingda |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Larawan | KANLURANG ASYA: Bansa | KANLURANG ASYA: Kilusang Nasyonalista | KANLURANG ASYA: Ideolohiya | KANLURANG ASYA: Ebidensya | KANLURANG ASYA: Epekto |
|---|---|---|---|---|---|
| [illustration: portrait] Dummamah-ial-nihja |
Ayan! Para sa ikalawang gawain, nahulaan mo ba kung sino-sino ang namuno sa iba’t ibang paniniwala o ideolohiya gayundin ang mga bansang kanilang pinamunuan?
Ano-ano ang transpormasyong naganap sa kanilang mga bansa?
Gawain 3: Map Analysis, Timog at Kanlurang Asya
Panuto: Suriin ang sumusunod na mapa at bakatin sa inyong malinis na papel. Kulayan ang mga bansa nang ayon sa kanilang ideolohiya.
Legend:
ASUL – Demokrasya DILAW – Sosyalismo PULA – Komunismo
KANLURANG ASYA
[chart: map; KANLURANG ASYA (Gawain 3: Map Analysis, Timog at Kanlurang Asya). Labels printed on the map: GEO., ARM, AZER., TURKEY, SYRIA, LEB, ISR, PAL, JORDAN, IRAQ, IRAN, KUWAIT, BAH., QATAR, U.A.E., OMAN, SAUDI ARABIA, YEMEN]
TIMOG ASYA
[chart: map; TIMOG ASYA. Labels printed on the map: Pakistan, Nepal, Bhutan, Bangladesh, Burma, India, Sri Lanka]
Pamprosesong Tanong:
- Ano-ano ang bansang naniniwala sa demokrasya? Sosyalismo? Komunismo?
- Paano nakatulong ang mga lider ng mga bansa sa pagpapanatili at pagsusulong ng kanilang pinaniwalaang ideolohiya?
- Paano nagkakaiba-iba sa tindi ng pagsusulong ng nasyonalismo ang mga bansang naniniwala sa demokrasya, sosyalismo, at komunismo?
Nakulayan mo ba ng maayos at tama ang mga bansa na naniwala sa iba’t ibang mga ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya?
Magaling!!!!!
Isaisip
Gawain: Lesson Closure
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Sa araw na ito ay natutuhan ko na:
Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay_____
Ito ay mahalaga sapagkat_____
Sa kabuoan, napagtanto ko na_____
Isagawa
Gawain 1: Picture Collage
Panuto: Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik ng limang personalidad na taga-Timog at Kanlurang Asya na naging instrumento sa pagbabago ng kanilang bansa. Humanap ng kanilang larawan at mga inilunsad nilang gawain na naging instrumento sa pagbabago. Ipakita ito sa pamamagitan ng picture collage. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Rubrik sa Pagmamarka ng Picture collage
| KRAYTIRYA | PUNTOS |
|---|---|
| Nilalaman | 10 puntos |
| Organisasyon ng mga ideya | 5 puntos |
| Pagkamalikhain | 5 puntos |
Gawain 2: Itala Mo!
Itala sa talahanayan ang mga katangian ng pamahalaang naniniwala sa ideolohiyang demokrasya at komunismo.
| DEMOKRASYA | KOMUNISMO |
|---|---|
Alin sa dalawang ideolohiyang sinuri mo ang pinaniniwalaan mong dapat mong itaguyod? Ipaliwanag.
Tayahin
Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Ayon sa ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na ginagampanan ng ahensya o institusyong ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
a. Edukasyon
b. Mass Media o Mamamahayag
c. Pamahalaan
d. SimbahanAng kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao at ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna. Anong Sistema ang tinutukoy ng pahayag?
a. Awtoritaryanismo
b. Demokrasya
c. Monarkiya
d. TotalitaryanismoAlin sa sumusunod ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa Saudi Arabia?
a. Komunismo
b. Monarkiya
c. Sosyalismo
d. TotalitaryanismoSino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo?
a. Nicolai Lenin
b. Karl Marx
c. Joseph Stalin
d. Leon TrotskyAyon sa kaisipang Komunismo, ang puhunan at sistema ng produksyon ay kontrolado ng estado. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang nais wakasan ng kaisipang komunismo?
a. demokratikong sosyalismo
b. kapitalismo
c. sistemang komunal
d. SosyalismoAlin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
a. Pagtangkilik ng sariling produkto
b. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
c. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
d. Wala sa mga nabanggitAng nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan na nagbigay-daan para may matutunan ang mga mamamayan. Ano ang natutunan ng mga Asyano mula rito?
a. Pagpatibay ng ugnayang panlabas
b. Maging laging handa sa pananakop
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluraninAno ang dimensyon ng buhay ang HINDI gaanong naaapektuhan ng anumang ideolohiya?
a. batas
b. isports
c. kabuhayan
d. kulturaAno ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno sa ilalim ng demokratikong bansa?
a. Check and Balance
b. Tagapagbatas
c. Tagapagpaganap
d. Tuwiran at Di-Tuwirang pagbotoAlin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo?
a. Pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
b. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
c. Pagpapalakas ng mga malalaking pribadong negosyo.
d. Pagwawakas ng kapitalismo.Anong ideolohiya ang nagbibigay kalayaan sa mga mamamayan na mamahala ng kanilang kabuhayan na sinusunod ng mga bansang Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoSa ilalim ng sistemang pangkabuhayang ito, ang produksyon, distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. Anong sistemang pangkabuhayan ang tinutukoy nito?
a. Demokrasyang sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Komunismo
d. SosyalismoAng sistemang ito ay may layuning pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Anong sistema ito?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo c. Komunismo d. Sosyalismo
- Anong ideolohiya ang naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo c. Komunismo d. Sosyalismo
- Sa anong sistema nakapaloob na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan at sila rin ang pumipili ng magiging Pinuno sa pamamagitan ng halalan?
a. Awtoritaryanismo b. Demokrasya c. Monarkiya d. Totalitaryanismo
Karagdagang Gawain
Gawain: Tungo sa Mainam na Demokrasya
Ang demokrasya ay hindi lamang isang ideolohiya. Ito rin ay naglalarawan ng isang uri ng pamumuhay. Upang mapainam ang pagsasabuhay nito, ano-ano ang mga salik o kalagayang dapat makita o mapairal sa isang lipunan? Piliin mula sa mga sagot sa ibaba ang angkop na kalagayang dapat isaalang-alang para sa katangian ng demokrasya sa kaliwang hanay. Isulat lamang ang titik o letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
[illustration: gears and a hand, icon beside “Karagdagang Gawain”]
| Katangian ng Demokrasya | Salik na Makatutulong sa Mainam na Pag-iral nito |
|---|---|
| 1. Malayang halalan | |
| 2. Pagtataguyod ng kapakanan ng mamamayan. | |
| 3. Pamahalaang itinatakda ang kapangyarihan ayon sa saligang batas o konstitusyon | |
| 4. Paggalang sa desisyon ng mayorya at paggarantiya ng karapatan ng nasa minorya. |
a. May kalayaan sa pamamahayag, pananalita at mapayapang pagtitipon.
b. Hindi lamang iisa ang umiiral na partidong pulitikal
c. May mga batas na magpaparusa sa sinomang lingkod ng pamahalaan na aabuso sa kanilang kapangyarihan.
d. May matatag na ekonomiya at mga oportunidad sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mamamayan.
e. Ang mga patakarang pinaiiral ng pamahalaan ay naaayon sa batas.
f. Ang mga karapatan ng mga IPs o indigenous peoples ay napoprotektahan.
g. May mga programang ipinatutupad para ipaunawa ang kahalagahan ng matalinong pagboto.
h. Kinikilala ang saloobin ng nakararami sa mga usaping panlipunan o pagpasa ng batas.
Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang bahaging ito ng aralin. Ngayon ay naniniwala ako na ikaw ay may lubos ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang ideolohiya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed below in its intended reading order (answer key, then activities, then Isagawa)]
[illustration: key and hand icon beside “Susi sa Pagwawasto”]
Subukin at Tayahin
[transcriber’s note: the answer grid has no column headers beyond the section title; the three columns are transcribed in the order printed]
| Subukin at Tayahin | Tayahin | Tayahin |
|---|---|---|
| 1. C | 6. A | 11. B |
| 2. D | 7. D | 12. B |
| 3. B | 8. B | 13. C |
| 4. B | 9. D | 14. D |
| 5. B | 10. C | 15. B |
Karagdagang Gawain
- b, g.
- a, d.
- c, e.
- f, h.
Tuklasin: Word Web
Mga Mungkahing Sagot (Maaaring may iba kang sagot na katulad rin ng mga halimbawang nakasulat.)
[chart: word web; Tuklasin: Word Web]
Center: IDEOLOHIYA
- Isang idea o kaisipan
- Sinusunod ng mga
- Pananaw na Pamamahala
- Pananaw na Pangkabuhayan
- Pananaw na Pampulitika
- Prinsipyo
- Batayan
- Pamantayan
Ang ideolohiya ay kaisipang nakaimpluwensya sa pag-iisip, pananaw at pagkilos ng mga tao na kabilang sa grupo o sa partikular na lipunan.
Concept Map
Demokrasya – ang demokrasya sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Sosyalismo – Tumutukoy sa teoryang ekonomiko na ang pagmamay-ari ng malalaking sistema ng produksyon kasama ang pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan ay nasa kamay ng estado samantalang ang mga maliliit na sistema ng produksyon ay nasa kamay ng pribadong mamamayan. Niyakap ng pamahalaan ang sistemang ito gayundin ang pagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na magkaroon ng patas o igalitaryang pamamaraan ng pasahod, pabahay, edukasyon, pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan.
Komunismo – Isang ideolohiya na naniniwala na ang sistema ng produksyon at pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan ng bansa ay wala sa pribadong mamamayan bagkus ito ay pag-aari ng lahat. Ang mga mamamayan ay nakakatamasa ng pantay na serbisyong panlipunan. Ang pamahalaan ang siyang namamahala sa ganitong sistema ng ekonomiya.
Isagawa
| DEMOKRASYA | KOMUNISMO |
|---|---|
| Nasa kamay ng mga tao ang kapangyarihan sa pamahalaan | Walang pag-uuri-uri sa lipunan (Classless Society) |
| Naghahalal ng pinunong gusto nila ang mga mamamayan | Ang produksyon at mga produkto ay pag-aari ng estado |
| Tinutugunan ng pamahalaan ang kagustuhan ng nakararaming mamamayan | Mawawala ang kapangyarihan ng mamamayan at papalit ang diktadurya |
Sanggunian
Modyul
Rosemarie C. Blando et. al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City. 2014
Project EASE, Araling Panlipunan III. Modyul 18: Mga Ideolohiyang Lumaganap sa Daigdig
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply