EsP 8 Quarter 2 Module 26: Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for the Ikalawang Markahan (Second Quarter), Modyul 26: “Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya” (the influence of emotions on decision-making). It was prepared for learners studying at home, with guidance from a parent or facilitator. After working through it, learners should be able to explain how an emotion shapes the decisions a person makes during a crisis, a problem, or a moment of confusion.

The module was written by Megie M. Lillo and Risa Mae B. Lospe and printed by DepEd Caraga Region as part of the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020).

What learners will learn

The module develops this learning competency:

  • Analyze how an emotion influences decision-making in a situation involving crisis, a problem, or confusion (“nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito”). (EsP8PIIe-7.2)

It also sets three objectives. Learners should be able to:

  1. Infer how an emotion influenced a person’s decision in different situations.
  2. Make their own decision in response to situations shown in pictures.
  3. Value the lessons learned from their own experiences where emotion influenced a decision.

Parts of the module

The module has one lesson, Aralin 1: “Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya.” It follows the usual self-learning module parts:

PartWhat it contains
Subukin (pretest)15 multiple-choice questions
Balikan (review)Gawain 1: Talulot ng Karunungan, drawing a flower and writing the basic emotions on its petals
Tuklasin (explore)Gawain 2: Husay Mo, Subukin Ko!, the story of Alexa, who confronts a neighbor for spreading a false COVID-19 rumor about her mother
Suriin (discussion)Explanation of negative and positive emotions, with an example for each
Pagyamanin (practice)Gawain 3: Suri-Patunay!, Gawain 4: Masubok Nga!, and Gawain 5: Kaya Ko Ito! (the poem “Hamon ng Buhay”)
Isaisip (key idea)Gawain 6: Pitasin ang Dahon, a fill-in-the-blanks summary paragraph
Isagawa (apply)Gawain 7: Opinyon Mo, Ibahagi Mo!, deciding what to do in two picture-based situations
Tayahin (post-test)15 multiple-choice questions
Karagdagang Gawain (extra activity)Gawain 8: Aral ng Karanasan, writing lessons from personal experiences of anger, resentment, and sadness

Key ideas: negative and positive emotions

The module explains that life is not only happiness. Problems in school, personal life, family, or with other people bring out different basic emotions. Citing Esteban (1990), it groups these emotions as negative or positive. Both kinds influence the decisions a person makes.

Negative emotions

  • Pagkagalit (anger): the person decides rashly, lacks humility and patience, is carried away by feelings, and may hurt others with words or actions. Alexa’s attack on her neighbor in the Tuklasin story is the module’s example.
  • Pagkalungkot (sadness): the person loses the drive to work, wants to be alone, cries easily, cannot concentrate, and is confused about what to do. Shane cries and does not know what to do when she cannot get help with her Math module.
  • Pagkatakot (fear): the person hesitates, refuses, or struggles to decide, avoids trying for fear of blame or judgment, and may even lie to avoid a scolding. Ellah hesitates to go to an internet café for her PE module because she fears catching COVID-19.
  • Pagkamuhi (resentment or hatred): the person holds a grudge that can lead to revenge, usually after being shamed, insulted, or hurt. Marcus puts bubble gum on Max’s chair after being pranked many times.
  • Kawalan ng pag-asa (hopelessness): after repeated failure, the person gives up on goals and may fall into vices such as drinking, smoking, or drugs; unthinking decisions can even lead to suicide. Dino gives up on school after Typhoon Ulysses destroys his home and modules.

Positive emotions

  • Pagiging mahinahon (calmness): the person thinks carefully before deciding, talks things through, listens, and is sensitive to others. Zoe calmly talks to a friend who accuses her of spreading COVID-19.
  • Pagkatuwa (joy): even in hardship, the person can still smile and gives thanks to God. Sandra’s family is thankful that no one was hurt when their house flooded.
  • Pagiging matatag (resilience): the person does not give up and faces the problem bravely. Joey, a 15-year-old who fishes with his father, turns his hardships into inspiration to study harder.
  • Pagmamahal (love): the person helps those in need, asks for and gives forgiveness, and perseveres. Siblings Rhean and Erich give clothes and food to typhoon evacuees.
  • Pag-asa (hope): the person gets back up with a positive outlook. Irene works as a household helper during the ECQ so she and her grandmother can eat and she can keep studying.

The main lesson

The module ends its discussion with a reminder: everyone feels both positive and negative emotions when facing problems. Think carefully before deciding, make sure your emotions are managed well, and face the results of your decisions with courage. The Isaisip paragraph sums it up: emotion has a strong influence on decision-making, so a person should know how to manage emotions to make the right decision even in a crisis, a problem, or confusion.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and facilitators: Guide your child through the activities. The module notes that if the learner completes the Balikan activity successfully, they can move on; if not, they should go back to the previous module.
  • Teachers: The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for the pretest, post-test, and several activities, plus rubrics for Gawain 4, Gawain 7, and Gawain 8. The Tayahin post-test uses the same 15 questions as the pretest in a different order, so you can compare scores to see what learners gained. The module asks everyone to use the answer key honestly.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikalawang Markahan (Second Quarter), Modyul 26.

What competency does the module cover?

It covers EsP8PIIe-7.2: analyzing how an emotion influences decision-making in a situation involving crisis, a problem, or confusion.

Which emotions does the module discuss?

It discusses five negative emotions (anger, sadness, fear, resentment, and hopelessness) and five positive ones (calmness, joy, resilience, love, and hope), each with a short example story.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, post-test, Balikan, Gawain 3, Gawain 5, and Gawain 6. Open-ended activities are scored with rubrics.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate answer sheet so others can use it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 26: Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya

8

[illustration: mga mag-aaral na nag-aaral sa labas at sa loob ng bahay, kasama ang isang guro, may globo at lampara]

CO_Q2_EsP8_Module26

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 26: Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Megie M. Lillo, Risa Mae B. Lospe Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Julius P. Tesiorna, Joris Sulima, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Emmanuel S. Gimena Jr. Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 26: Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: kamay na nakaturo sa isang pindutan]

Lahat ng tao sa mundo ay nakakaramdam ng emosyon. Emosyong nakaimpluwensiya sa pagpapasiya ng tao depende sa kung anong suliraning kinakaharap. Minsan ang tao ay nakagagawa ng pagpapasiya na nakasasakit na sa kapuwa gaya ng pagbibitaw ng masasakit na salita, pag-iisip ng hindi maganda at pisikal na nakasasakit sa iba dahil nadadala ng emosyong naramdaman lalo na kung dumanas ito ng matinding krisis, suliranin at pagkalito sa buhay.

Ang emosyon rin ang magsisilbing palatandaan sa isang tao na mailabas ang tunay na iniisip at nararamdaman.

Ikaw kaibigan, paano mo ba malalaman kung naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya ng isang tao na may suliranin?

Sa pag-aaral mo sa modyul na ito ay tiyak na malalaman mo ang sagot at mapalawak pa ang iyong kaalaman, kamalayan at pag-unawa sa sarili at lalo sa pakikitungo sa kapuwa.

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito. (EsP8PIIe-7.2)

Inaasahang matatamo rin sa modyul na ito ang mga sumusunod na layunin:

  1. nahihinuha kung papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya ng tao sa iba’t ibang situwasyon;
  2. nakabubuo ng isang pagpapasiya bilang tugon sa mga ibinigay na sitwasyong nakabatay sa larawan; at
  3. nabibigyang-halaga ang mga aral na natutunan mula sa sariling karanasan na naimpluwensiyahan ng emosyon ang pagpapasiya.

Subukin

[illustration: kamay na may hawak na lapis]

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Nagdalawang-isip na pumasok si Joey sa araw na iyon dahil hindi siya nakatulong sa kanilang pangkatang gawain kahapon sa kadahilanang nagmamadali itong umuwi para matulungan ang kanyang ina na nag-aalaga sa kanyang nakababatang kapatid na may sakit. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ikinikilos ni Joey?

    • A. Si Joey ay matalinong bata.
    • B. Si Joey ay may malasakit sa pamilya.
    • C. Si Joey ay aktibong nakilahok sa klase.
    • D. Si Joey ay nagdalawang-isip na pumasok.
  2. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro na maging tagapag-ulat sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Jade?

    • A. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
    • B. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
    • C. Si Jade ay nagkautal-utal sa pagpapaliwanag sa kanilang awtput.
    • D. Si Jade ay umiyak dahil pinilit siyang magpaliwanag sa kanilang awtput.
  3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan na naimpluwensiyahan ng emosyong pagiging mahinahon ang pagpapasiya?

    • A. Si Mel ay napaiyak sa takot na baka mahawa sa sakit na COVID-19.
    • B. Si Mel ay nataranta nang malamang may nagpositibo sa sakit na COVID-19 na kanyang kapitbahay.
    • C. Si Mel ay nagalit sa kapitbahay dahil sa hindi dinoble ang pag-iingat nito kaya nahawa sa sakit na COVID-19.
    • D. Si Mel ay kalmadong sumunod sa health protocols, nag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain para maging ligtas ang sarili laban sa sakit na COVID-19.
  4. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?

    • A. masayang kausap
    • B. mahilig magkuwento
    • C. nagagawa nang maayos ang gawain
    • D. walang ganang kumilos at mapag-isa
  5. Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang walis ang plorera sa mesa ng kanyang guro kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang ilihim ang kanyang nagawa. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni Lea?

    • A. Naisipan ni Lea na ilihim ang kanyang nagawa.
    • B. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral.
    • C. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya.
    • D. Sasabihin ni Lea sa guro na ang kaklase niya ang may gawa.
  6. Napapayag si Alex sa alok ng kakilala na maging kasosyo sa negosyo nito. Nang matanggap ng kasosyo ang perang tatlong milyon ay kinabukasan lumayas ito at hindi na nagpakita pa. Dahil dito iniwan siya ng kanyang asawa kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalugmok, panay ang kanyang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong kawalan ng pag-asa ang ikinikilos ni Alex?

    • A. Lumago ang negosyo ni Alex.
    • B. Mas lalong yumaman si Alex.
    • C. Masaya si Alex kasama ang asawa.
    • D. Panay ang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili si Alex.
  7. Nagbabalak si Mat na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo ngunit nagaalinlangan siya dahil ayaw niyang malayo sa pamilya. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Mat?

    • A. Si Mat ay ayaw mag-aral sa Maynila dahil mahal ang bayarin doon.
    • B. Si Mat ay nag-aalala na mag-aral sa Maynila dahil hindi niya kabisado ang lugar.
    • C. Si Mat ay nakiusap sa kanyang mga magulang na sa kanilang lugar nalang mag-aral.
    • D. Si Mat ay nag-alinlangang mag-aral sa Maynila dahil ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya.
  8. Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may suliranin?

    • A. kapag masayang kausap
    • B. kapag umiiyak kung tinatanong
    • C. kapag bumubulyaw kung sumagot
    • D. kapag naguguluhan kung tinatanong
  9. May pag-aalinlangan si May na sabihin sa kanyang guro na binubulas siya ni Oscar na kanyang kaklase. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang kilos ni May?

    • A. Masaya si May na kaklase niya si Oscar.
    • B. Umiwas si May kapag nakikita niya si Oscar.
    • C. Nabalisa si May na sabihin sa guro na binulas siya ni Oscar.
    • D. Ipinagsawalang-bahala ni May ang ginawang pambubulas ni Oscar.
  10. Si Peterson ay may ginawang proyekto sa asignaturang Matematika ngunit hindi niya tinapos dahil nawalan siya ng konsentrasyon nang malamang nagkasakit ang kanyang ina. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ginawa ni Peterson?


  • A. Dinalaw niya ang may sakit na ina.
  • B. Natapos niya ang kanyang proyekto sa tulong ng ina.
  • C. Naisumite niya ang kanyang proyekto sa kanyang guro.
  • D. Nawalan siya ng pokus nang malamang may sakit ang kanyang ina.
  1. Nakiusap si Zue sa kanyang guro na bigyan siya ulit ng isa pang kopya ng summative test dahil hindi sinasadyang natapunan ng gatas ng kanyang nakababatang kapatid habang sinasagutan niya ito. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong may pag-asa ang ginawa ni Zue?
  • A. Ipinagkibit-balikat nalang ni Zue ang nangyari.
  • B. Positibo si Zue na pagbigyan ang kanyang pakiusap na magkaroon ulit ng summative test.
  • C. Umiyak at nagmaktol nalang si Zue nang hindi niya natapos ang pagsagot sa summative test.
  • D. Pinagpatuloy ni Zue ang pagsagot sa summative test kahit hindi masyadong nababasa.
  1. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?
  • A. dahil nakikinig sa dikta ng ibang tao
  • B. dahil nagpapadala sa bugso ng damdamin
  • C. dahil napamahalaan ng tama ang sariling emosyon
  • D. dahil iniisip ang kapakanan ng sarili, pamilya at ng ibang tao
  1. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang kanyang performance task dahil hindi masyadong mataas ang kanyang nakuhang marka sa naunang naisumite. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang kilos ni Mariel?
  • A. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang performance task.
  • B. Humingi ng tulong si Mariel sa mga magulang at guro para magawa ang performance task.
  • C. Nahihirapan si Mariel sa pagsunod sa mga pamantayan sa naturang performance task.
  • D. Determinado si Mariel na tapusin ang performance task upang matamo ang inaasahang marka.
  1. Hindi inimikan ni Jazzy ang kaklaseng si Loren dahil sa ipinagkalat nito sa buong klase na di umano ay nangongopya siya kahit hindi naman totoo. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang kilos ni Jazzy?
  • A. Pangongopya ni Jazzy sa kaklase.
  • B. Pakikipag-away ni Jazzy sa kaklase.
  • C. Kawalan ng imik ni Jazzy sa kaklase.
  • D. Pakikipagkaibigan ni Jazzy sa kaklase.
  1. Pumunta si Anthony kasama ang buong pamilya sa evacuation center para mamahagi ng bigas at mga de-latang ulam para sa mga biktima ng sunog. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagmamahal ang ginawa ni Anthony?
  • A. Naawa si Anthony ng makita ang mga biktima ng sunog.
  • B. Ipinagdasal ni Anthony ang kalagayan ng mga biktima ng sunog.
  • C. Binigyan ng pamilya ni Anthony ng mga pangunahing pangangailangan ang mga nasunugan.
  • D. Tumawag ng ibang tao si Anthony upang agarang matulungan ang mga biktima ng nasunugan.

Aralin 1 – Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya

“Pag-isipan ng mabuti bago bumuo ng pasiya Nang sa hindi magsisisi sa iyong magawa.”

-Anonymous

Balikan
Gawain 1: Talulot ng Karunungan

Panuto: Iguhit ang bulaklak at isulat ang mga pangunahing emosyon na nakaaapekto sa ating pagkilos. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: blank flower drawing with a center circle labeled “Mga Pangunahing Emosyon” and empty petals, with leaves and a pot]

Mga Tala para sa Guro

[illustration: hands holding papers]

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin
Gawain 2: Husay Mo, Subukin Ko!

Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon at pagkatapos pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Habang naglalakad si Alexa para bumili ng ulam sa tindahan ay napansin niyang tila kakaiba ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay ngunit ipinagkibit-balikat na lamang niya ito. Nang pauwi na siya ay narinig niya mismo ang balitang kumalat na di umano ang nagpositibo sa COVID-19 at kabilang na rito ang kanyang ina na isang barangay health worker. Hindi naman ito totoo kaya hindi nalang niya ito pinansin. Nang tiningnan niya ang kanyang account sa social media ay nabasa niya ang isang post ng kanyang kapitbahay na nagsabing nagpositibo umano ang kanyang ina. Umani ito ng samut-saring komento kaya sinugod niya ang nagpakalat ng maling balita at pinagsasabihan ng masasakit na salita.

Gabay na Tanong:

  1. Tama ba ang ginawang pagsugod ni Alexa sa kanyang kapitbahay? Bakit?
  2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Alexa, ano ang iyong magiging reaksiyon o gagawin sa iyong kapitbahay? Pangatwiranan ang sagot.
Suriin

Ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay dapat nating ipagpasalamat. Ito ay isang biyayang dapat nating pahalagahan ngunit ang buhay ng tao ay hindi lang puro kaligayahan. Masaya man ngayon ngunit may mga pagkakataon ding mararanasan ng tao ang samu’t saring krisis gaya ng suliranin sa pag-aaral, personal na buhay o maging sa pamilya, sa kapwa at iba pa. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit ito ay nakapagpalabas ng iba’t ibang pangunahing emosyon. Ayon pa kay Esteban, E. (1990) ay may positibo at negatibong pangunahing emosyon ang tao. Ang negatibong emosyon ay gaya ng pagkagalit, pagkalungkot, pagkatakot, pagkamuhi at kawalan ng pag-asa. Samantalang ang pagiging mahinahon, pagkatuwa, pagiging matatag, pagmamahal at pag-asa naman ang mga halimbawa ng positibong emosyon. Ang mga nabanggit na emosyon ay parehong nakakaimpluwensiya sa pagpapasiya ng isang tao.

Iba-iba man ang emosyon ng tao ay nakabase ito sa kung papaano ito tumugon sa isang sitwasyon o pangyayari. Para lubos mong maunawaan ay narito ang mga halimbawa kung paano naiimpluwesiyahan ng negatibong emosyon ang pagpapasiya ng tao sa isang sitwasyon:

1. Pagkagalit

Ang taong nakaramdam ng ganitong emosyon ay padalos-dalos kung magdesisyon, walang pagpakumbaba, walang pagpapasensiya, madaling madadala sa bugso ng damdamin kaya nakakasakit na sa iba sa paraang pasalita man o pisikal, maaari ring agresibo, iritado at sarkastiko na kung magsalita.

Kung babalikan ang sitwasyon sa bahaging Tuklasin makikitang ang ginawa ni Alexa ay dala ng emosyong pagkagalit. Naging padalos-dalos siya sa kanyang desisyon kaya nakapagbitaw siya ng masasakit na salita.

2. Pagkalungkot

Ang taong dumanas ng kalungkutan ay nawawalan ng ganang kumilos sa gawain o trabaho, gustong mapag-isa, madaling umiyak at bihira ng makipaghalubilo sa iba. Maaari ring makaranas ng walang konsentrasyon sa anumang gawain, pabago-bago ang desisyon na walang basehan, hindi alam ang gagawin at pagkalito sa pagpapasya sa isang suliranin o krisis na kinakaharap.

Halimbawa:

Nahirapan si Shane sa pagsagot sa kanyang modyul sa asignaturang Matematika ngunit wala naman siyang mahingan ng tulong dahil walang pinagaralan ang kanyang mga magulang. Wala rin siyang cellphone para ma-text o matawagan man lang ang kanyang guro kaya napaiyak nalang siya at nalito sa kung ano ang dapat gawin.

Ang pagkalito ni Shane sa pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin sa kanyang modyul ay patunay na naimpluwensiyahan siya ng emosyong pagkalungkot.

3. Pagkatakot

Ang taong nakaramdam ng ganitong emosyon ay may pag-aalinlangan, tumatanggi at nahihirapang magdesisyon hinggil sa problema. Maaari ring ayaw mabigo kaya hindi susubok na gawin ang isang bagay dahil takot masisi, walang tiwala sa sarili at ayaw mahusgahan ng iba. May pagkakataon ding nagsisinungaling ang tao sa takot na mapagalitan.

Halimbawa:

Habang sinasagutan ni Ellah ang gawain sa modyul sa asignaturang PE ay may link na kailangan niyang buksan para masagutan niya ito pero mahina ang signal sa loob ng kanilang bahay at kailangan niyang lumabas para pumunta sa internet café ngunit nag-aalinlangan siya dahil sa takot na mahawaan ng sakit na COVID -19.

Ang pag-aalinlangan ni Ellah na lumabas ng bahay para pumunta sa internet café ay patunay na siya ay takot na mahawa sa sakit na COVID-19.

4. Pagkamuhi

Ito ay tumutukoy sa emosyon ng taong may kinikimkim na sama ng loob na maaaring hahantong sa paghihigante. Ang emosyong ito ay dulot ng masamang karanasan mula sa kapuwa gaya ng panghihiya, pang-iinsulto, pananakit at iba pa.

Halimbawa:

Habang papasok na si Marcus sa loob ng klasrum ay panay ang tawa ng kanyang mga kaklase na nasa likuran niya. Hindi niya namalayan na isinabit ni Max ang balat ng saging sa kanyang bag. Sa kadahilanang ilang beses na itong ginawa sa kanya ay naisip na niyang gumanti. Nang akmang uupo na sana si Max ay mabilis niyang inilagay ang bubble gum sa upuan kaya dumikit ito sa pantalon ng kaklase.

Ang paglagay ng bubble gum ni Marcus sa upuan ni Max ay patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkamuhi ang kanyang pagpapasiya.

5. Kawalan ng Pag-asa

Ang taong nakaramdam ng kawalan ng pag-asa ay sumusuko na sa pagkamit sa isang pangarap o sa kung ano ang nais makamtan sa buhay dahil sa ilang beses na pagkabigo. Maari ring napariwara ang buhay, nagbibisyo kasama ang mga barkada gaya ng pag-iinom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng droga at iba pang maling gawain. Ang mga desisyon na hindi pinag-iisipan ay maaaring humantong sa pagpapakamatay sa pag-aakalang ito ang solusyon sa problema.

Halimbawa:

Nasalanta ng bagyong Ulysses ang lugar nila Dino at nasira ang kanilang tahanan. Kahit ni isang gamit ay wala silang naisalba kabilang na rito ang mga modyul at iba pang kagamitan ni Dino. Sa hirap na kanilang dinanas ay sumuko na si Dino sa pag-asang hindi na siya makapagpatuloy pa sa kanyang pag-aaral ngayong taon.

Ang pagsuko ni Dino sa kanyang pag-aaral ay patunay na naimpluwensiyahan ng kawalan ng pag-asa ang kanyang desisyon.

Narito naman ang mga halimbawa kung paano naiimpluwesiyahan ng positibong emosyon ang pagpapasiya ng tao sa isang sitwasyon:

1. Pagiging mahinahon

Ang taong may ganitong emosyon ay kalmadong pinag-iisipan nang mabuti ang gagawing pagpapasiya para masolusyunan ng tama ang problema. Patunay din dito ang pakikipag-usap ng masinsinan, handang makinig at umunawa at ang pagiging sensitibo sa maaring maramdaman ng kausap lalo kung ito ay may pinagdadaanang problema.

Halimbawa:

Pinagsasabihan si Zoe ng masasakit na salita ng kanyang kaibigan na si Loreen dahil di umano sila ang nagpasimuno sa pagkakalat ng COVID -19 noong ipinagdiwang ang kanyang kaarawan. Sa halip na magalit ay kinausap niya ito ng masinsinan at sinabihan ang kaibigan na ang mga balitang narinig ay walang katotohanan.

Ang desisyon ni Zoe na kausapin ang kaibigan ng masinsinan sa kabila ng masasakit na salitang pinagsasabi sa kanya ay patunay ng kanyang pagiging mahinahon.

2. Pagkatuwa

Ito ay tumutukoy sa emosyon ng tao na kahit may pinagdadaanan na krisis, suliranin o pagkalito ay nagagawa pa ring magbiro, tumawa at ngumiti. Kinakalimutan ang mga problema at nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga mabubuting nangyayari sa buhay.

Halimbawa:

Lubog na sa baha ang bahay nila Sandra dahil sa bagyo. Iilan lang din sa mga gamit nila ang nailigtas ngunit basa rin lahat. Sa kabila man ng hirap ng kanilang sitwasyon ay nagpapasalamat pa rin sila sa Diyos dahil wala ni isa sa kanila ang nasaktan o namatay sa trahedya.

Ang pagpapasalamat ng pamilya ni Sandra sa Diyos dahil ligtas silang lahat sa trahedya ay patunay na ang emosyong pagkatuwa ang namayani sa kanila sa kabila ng hirap na dinanas.

3. Pagiging matatag

Ang taong matatag ay hindi sumusuko at hindi nagpapatinag sa problema sa halip ay buong tapang na hinaharap at hinahanapan ng solusyon ang problema sa tamang paraan. Ginawa ring inspirasyon ang pagsubok para mas lumaban at ipagpatuloy ang buhay.

Halimbawa:

Sa edad na 15 taon ay sumasama na si Joey sa ama sa pangingisda dahil sa hirap ng buhay. Mas lalong naging mahirap ang kanilang sitwasyon nang kumalat ang COVID -19 dahil ipinagbawal na ang paglalaot. Hindi rin madali sa kanya ang modular na paraan ng pag-aaral dahil wala silang kuryente sa kanilang bahay at walang gadyet na magagamit sa pananaliksik. Gusto niya nang huminto ng pag-aaral ngunit sa tuwing nakikita niya ang kanilang sitwasyon ay nagbibigay ito sa kanya ng inspirasyon para mas pagbutihin pa ang kanyang pag-aaral.

Ang desisyon ni Joey na gawing inspirasyon ang lahat ng hirap na kanyang dinanas sa buhay maging sa kanyang pag-aaral ay patunay ng kanyang pagiging matatag sa kabila ng pagsubok na kinakaharap bilang estudyante.

4. Pagmamahal

Ito ay tumutukoy sa emosyon ng tao na handang tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya. Marunong ring humingi ng tawad at magpatawad sa taong nagawan ng kasalanan. Nagtitiis at determinado na gawin ang lahat na magagawa para mabigyan ng solusyon ang naranasang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito sa buhay.

Halimbawa:

Sa kasagsagan ng bagyong Ulysses ay napanood sa balita ng magkapatid na sina Rhean at Erich ang mga kababayan na nawalan ng tahanan kaya naisipan nilang tumulong. Nang humupa na ang bagyo ay pumunta sila sa evacuation center para mamahagi ng mga damit, bigas at mga de-latang pagkain.

Ang pagbabahagi ng biyaya sa mga biktima ng bagyo ay patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagmamahal ang ginawa ng magkapatid.

5. Pag-asa

Ito ay tumutukoy sa emosyon na kung saan ang tao ay nagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang bumangon ulit sa pagkakalugmok. Ang pagharap sa mga pagsubok na may positibong pananaw sa kabila ng krisis, suliranin o pagkalito ay tiyak na malalampasan.

Halimbawa:

Bata pa lamang si Irene ay tanging ang kanyang lola na ang nag-aaruga at nagpapaaral sa kanya. Tanging paglalako ng kakanin ang kanilang hanapbuhay na pantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Nang magdeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang kanilang lungsod ay nawalan ng kita ang kanyang lola. Naisipan ni Irene na mamasukan bilang katulong sa kanilang kapitbahay upang matustusan ang kanilang pangkain sa araw-araw at maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ang emosyong ipinakita ni Irene sa kanyang pagharap sa hamon ng buhay ay nagpapatunay na siya ay hindi nawalan ng pag-asa. Sa kabila ng kanyang murang edad ay nanatili siyang positibo.

Tandaan, anumang krisis, suliranin o pagkalito ang kinakaharap ng tao ay hindi maiiwasan na makaramdam ng positibo at negatibong emosyon. Kaya, marapat na pag-isipan muna nang mabuti bago bumuo ng isang desisyon at siguraduhing napamahalaan nang maayos ang sariling emosyon. Harapin ng buong tapang ang anumang resulta sa bawat desisyon na may epekto sa sarili at pakikitungo sa kapuwa.

[illustration: hand stacking blocks, icon beside the section title]

Pagyamanin

Gawain 3: Suri-Patunay!

Panuto: Suriin ang mga patunay sa bawat sitwasyon kung papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya ng tao na dumanas ng krisis, suliranin o pagkalito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Si Brex ay bagong lipat sa paaralan. Sa tuwing pumapasok siya ay panay ang pambubulas ng kanyang mga kaklase. Araw-araw niyang naririnig ang mga masasakit na salita mula rito kaya naisipan niyang huminto nalang sa pag-aaral para makaiwas sa mga kaklaseng kinatatakutan niya.

Sagot:

  1. May problemang dinaramdam si Alex. Naghiwalay kasi ang kanyang mga magulang kaya tahimik siyang umupo sa isang sulok at hindi nakikipag-usap sa mga kaklase. Abala siyang nagsusulat sa kanyang kuwaderno. Habang abala ring itinali ng kaklase niya ang kanyang damit sa kanyang upuan. Nang tumayo na siya ay nakarinig siya ng tawanan. Sa sobrang pagkapahiya ay nasuntok niya ang kaklaseng nagtali ng kanyang damit.

Sagot:

  1. Panay ang ensayo ni Loziel sa pag-awit para sa darating na High School Day Celebration. Siya kasi ang pambato sa baitang 8. Ngunit sa mismong araw ng pagdiriwang ay naaksidente ang kanyang ama sa pamamasada ng dyip. Kailangang dalhin ito sa ospital at siya muna ang naatasang magbantay sa bunsong kapatid. Mangiyak-ngiyak na nagpaalam si Loziel sa kanyang guro na hindi na siya makakasipot sa naturang pagdiriwang.

Sagot:

  1. Halos araw-araw ang panlalait ni Marga kay Cassy sa loob ng paaralan hanggang sa hindi na niya ito matiis at naisipan niyang gantihan. Nang dahil diyan, ninakaw niya ang kuwaderno nito at pinunit pagkatapos ay itinapon sa basurahan.

Sagot:

  1. Pangarap ni Roxy na makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto niyang maging guro ngunit taliwas dito ang kanyang ama. Hindi pumayag si Roxy sa halip ay nakiusap siyang payagan na mag-working student sa bayan. Laking tuwa niya nang pumayag ang ama.

Sagot:

Gawain 4: Masubok Nga!

Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon pagkatapos sagutan ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nasa ikawalong baitang na si Jean. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral dahil naniniwala siyang ito ang paraan para maiahon sa hirap ang pamilya. Pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral patunay rito ang pagiging top-1 niya sa klase. Isang araw, nagkasakit ang kanyang ama kaya kailangang tumigil ito sa pagsasaka. Hindi rin sapat ang kita ng kanyang ina sa paglalabada para matustusan ang pangangailangan nilang apat na magkakapatid pati na ang pambili ng gamot ng ama. Bilang panganay, masakit man sa kalooban ay naisip niyang huminto muna sa pag-aaral. Nagtratrabaho siya para makatulong sa pamilya. Malungkot man na nahinto siya sa pag-aaral ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ulit.

  1. Anong emosyon ang nangingibabaw kay Jean nang huminto na siya sa pag-aaral?
  2. Sa palagay mo, tama ba ang paniniwala ni Jean na ang makapagtapos sa pag-aaral ang paraan para maiahon sa hirap ang tao? Pangatwiranan ang sagot.
  3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jean, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang paghinto sa pag-aaral para sa pamilya? Pangatwiranan ang sagot.
  4. Sa palagay mo, ano ang maaring gawin ni Jean para makapag-aral ulit?

Rubrik sa pagbibigay sagot

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mas mahusay (8 puntos)Mahusay (6 puntos)Nangangailangan ng pag-unlad (4 puntos)
Kaangkupan ng SagotNakapagbigay ng 4 na tamang sagot sa apat na katanunganNakapagbigay ng 3 na tamang sagot sa apat na katanunganNakapagbigay ng 2 na tamang sagot sa apat na katanunganNakapagbigay ng 1 tamang sagot sa apat na katanungan
Gawain 5: Kaya Ko Ito!

Panuto: Basahin at unawain ang tula pagkatapos sagutan ang mga gabay na tanong.

Hamon ng Buhay ni Megie M. Lillo

Sadyang ang buhay ay makulay
Sa bawat pakikibaka sa buhay,
Samu’t saring karanasan kaantabay
Minsan ay hirap na nakasasabay.

Buhay nga ay parang panahon
Natatamasa man ang kaligayahan ngayon,
Darating ang isang unos at alon
Tila nalulunod ka at hindi na makaahon.

Sakit, lungkot at galit ramdam na
Sigaw ng isip at puso susuko na,
Pagpapasiya’y ni hindi nalilimi
Bunga nito’y isa pang pagkakamali.

Sa pagsikat man ng araw
Pag-asa’y natatanaw at di’ bibitaw,
Kahawak kamay ang mahal sa buhay
Problema’y kakaharapin ng buong tibay.

Buhay man, pinanday ng hamon
Kumapit at manalig sa Panginoon,
‘Di uurong at patuloy na susulong
Sa buhay na minsa’y parang gulong.

Mga Gabay na Tanong:

  1. Ano-ano ang mga emosyon ang ipinapahiwatig sa tula?

Sagot:

  1. Aling saknong sa tula ang kakikitaan na naimpluwesiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya ng isang tao na may suliranin?

Sagot:

  1. Batay sa iyong naobserbahan mula sa miyembro ng iyong pamilya, magbigay ng isang halimbawa na nagpapakita kung paano nakaimpluwensiyahan ang emosyon sa pagpapasiya bunga ng suliraning dinanas.

Sagot:

Isaisip

Gawain 6: Pitasin ang Dahon

Panuto: Pitasin ang mga salita sa dahon upang mabuo ang talata na may pangkalahatang konsepto ng aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: tree with leaves bearing the words impluwensiya, suliranin, emosyon, pagpapasiya, pagkalito, mapamahalaan]

Malaki ang _____ ng _____ ng tao sa kanyang _____ kaya marapat na alam nito kung papaano _____ nang maayos ang kanyang emosyon para maging tama at akma ang maging pasiya kahit na dumanas pa ng krisis, _____ o _____ sa buhay.

Isagawa

Gawain 7: Opinyon Mo, Ibahagi Mo!

Panuto: Bumuo ng sariling pagpapasiya bilang tugon sa mga sitwasyong nakabatay sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

LarawanSitwasyonTugon
[illustration: child beside a coffin with a woman standing behind] 1.Ano sa tingin mo ang nararapat gawin ng batang nasa larawan gayong namatay na ang kanyang ama at sila nalang dalawa ng kanyang ina na hindi siya kayang paaralin?
[illustration: group of people near a brick structure, one person holding another, objects scattered on the ground] 2.Ano ang tamang gawin ng kapatid ng biktima na nakakita ng pananakit at pagtatapon ng mga gamit nito?

Iginuhit ni: Alim V. Eviota at Jubell C. Cababat

Rubrik sa Gawain Opinyon Mo, Ibahagi Mo!

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (5 puntos)
Kaangkupan ng SagotNasagutan ng tama ang dalawang sitwasyonNasagutan ng tama ang isang sitwasyon

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Napapayag si Alex sa alok ng kakilala na maging kasosyo sa negosyo nito. Nang matanggap ng kasosyo ang perang tatlong milyon ay kinabukasan lumayas ito at hindi na nagpakita pa. Dahil dito iniwan siya ng kanyang asawa kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalugmok, panay ang kanyang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong kawalan ng pag-asa ang ikinikilos ni Alex?
    A. Lumago ang negosyo ni Alex.
    B. Mas lalong yumaman si Alex.
    C. Masaya si Alex kasama ang asawa.
    D. Panay ang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili si Alex.


  2. Nagbabalak si Mat na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo ngunit nagaalinlangan siya dahil ayaw niyang malayo sa pamilya. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Mat?
    A. Si Mat ay ayaw mag-aral sa Maynila dahil mahal ang bayarin doon.
    B. Si Mat ay nag-aalala na mag-aral sa Maynila dahil hindi niya kabisado ang lugar.
    C. Si Mat ay nakiusap sa kanyang mga magulang na sa kanilang lugar nalang mag-aral.
    D. Si Mat ay nag-alinlangang mag-aral sa Maynila dahil ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya.


  3. Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may suliranin?
    A. kapag masayang kausap
    B. kapag umiiyak kung tinatanong
    C. kapag bumubulyaw kung sumagot
    D. kapag naguguluhan kung tinatanong


  4. May pag-aalinlangan si May na sabihin sa kanyang guro na binubulas siya ni Oscar na kanyang kaklase. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang kilos ni May?

    • A. Masaya si May na kaklase niya si Oscar.
    • B. Umiwas si May kapag nakikita niya si Oscar.
    • C. Nabalisa si May na sabihin sa guro na binulas siya ni Oscar.
    • D. Ipinagsawalang-bahala ni May ang ginawang pambubulas ni Oscar.
  5. Si Peterson ay may ginawang proyekto sa asignaturang Matematika ngunit hindi niya tinapos dahil nawalan siya ng konsentrasyon nang malamang nagkasakit ang kanyang ina. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ginawa ni Peterson?

    • A. Dinalaw niya ang may sakit na ina.
    • B. Natapos niya ang kanyang proyekto sa tulong ng ina.
    • C. Naisumite niya ang kanyang proyekto sa kanyang guro.
    • D. Nawalan siya ng pokus nang malamang may sakit ang kanyang ina.
  6. Hindi inimikan ni Jazzy ang kaklaseng si Loren dahil sa ipinagkalat nito sa buong klase na di umano ay nangongopya siya kahit hindi naman totoo. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang kilos ni Jazzy?

    • A. Pangongopya ni Jazzy sa kaklase.
    • B. Pakikipag-away ni Jazzy sa kaklase.
    • C. Kawalan ng imik ni Jazzy sa kaklase.
    • D. Pakikipagkaibigan ni Jazzy sa kaklase.
  7. Pumunta si Anthony kasama ang buong pamilya sa evacuation center para mamahagi ng bigas at mga de-latang ulam para sa mga biktima ng sunog. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagmamahal ang ginawa ni Anthony?

    • A. Naawa si Anthony ng makita ang mga biktima ng sunog.
    • B. Ipinagdasal ni Anthony ang kalagayan ng mga biktima ng sunog.
    • C. Binigyan ng pamilya ni Anthony ng mga pangunahing pangangailangan ang mga nasunugan.
    • D. Tumawag ng ibang tao si Anthony upang agarang matulungan ang mga biktima ng nasunugan.
  8. Nakiusap si Zue sa kanyang guro na bigyan siya ulit ng isa pang kopya ng summative test dahil hindi sinasadyang natapunan ng gatas ng kanyang nakababatang kapatid habang sinasagutan niya ito. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong may pag-asa ang ginawa ni Zue?

    • A. Ipinagkibit-balikat nalang ni Zue ang nangyari.
    • B. Positibo si Zue na pagbigyan ang kanyang pakiusap na magkaroon ulit ng summative test.
    • C. Umiyak at nagmaktol nalang si Zue nang hindi niya natapos ang pagsagot sa summative test.
    • D. Pinagpatuloy ni Zue ang pagsagot sa summative test kahit hindi masyadong nababasa.
  9. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?

    • A. dahil nakikinig sa dikta ng ibang tao
    • B. dahil nagpapadala sa bugso ng damdamin
    • C. dahil napamahalaan ng tama ang sariling emosyon
    • D. dahil iniisip ang kapakanan ng sarili, pamilya at ng ibang tao
  10. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang kanyang performance task dahil hindi masyadong mataas ang kanyang nakuhang marka sa naunang naisumite. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang kilos ni Mariel?

    • A. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang performance task.
    • B. Humingi ng tulong si Mariel sa mga magulang at guro para magawa ang performance task.
    • C. Nahihirapan si Mariel sa pagsunod sa mga pamantayan sa naturang performance task.
    • D. Determinado si Mariel na tapusin ang performance task upang matamo ang inaasahang marka.
  11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan na naimpluwensiyahan ng emosyong pagiging mahinahon ang pagpapasiya?

    • A. Si Mel ay napaiyak sa takot na baka mahawa sa sakit na COVID-19.
    • B. Si Mel ay nataranta nang malamang may nagpositibo sa sakit na COVID-19 na kanyang kapitbahay.
    • C. Si Mel ay nagalit sa kapitbahay dahil sa hindi dinoble ang pag-iingat nito kaya nahawa sa sakit na COVID-19.
    • D. Si Mel ay kalmadong sumunod sa health protocols, nag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain para maging ligtas ang sarili laban sa sakit na COVID-19.
  12. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?

    • A. masayang kausap
    • B. mahilig magkuwento
    • C. nagagawa nang maayos ang gawain
    • D. walang ganang kumilos at mapag-isa
  13. Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang walis ang plorera sa mesa ng kanyang guro kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang ilihim ang kanyang nagawa. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni Lea?

    • A. Naisipan ni Lea na ilihim ang kanyang nagawa.
    • B. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral.
    • C. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya.
    • D. Sasabihin ni Lea sa guro na ang kaklase niya ang may gawa.
  14. Nagdalawang-isip na pumasok si Joey sa araw na iyon dahil hindi siya nakatulong sa kanilang pangkatang gawain kahapon sa kadahilanang nagmamadali itong umuwi para matulungan ang kanyang ina na nagaalaga sa kanyang nakababatang kapatid na may sakit. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ikinikilos ni Joey?

    • A. Si Joey ay matalinong bata.
    • B. Si Joey ay may malasakit sa pamilya.
    • C. Si Joey ay aktibong nakilahok sa klase.
    • D. Si Joey ay nagdalawang-isip na pumasok.
  15. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro na maging tagapag-ulat sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Jade?

    • A. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
    • B. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
    • C. Si Jade ay nagkautal-utal sa pagpapaliwanag sa kanilang awtput.
    • D. Si Jade ay umiyak dahil pinilit siyang magpaliwanag sa kanilang awtput.

Karagdagang Gawain

Gawain 8: Aral ng Karanasan

Panuto: Itala ang aral na natutunan mula sa naobserbahan o karanasang naimpluwensiyahan ang iyong pagpapasiya nang naramdaman mo ang mga emosyong nabanggit. Isulat ang sagot sa talahanayan ng iyong sagutang papel.

KaranasanAral na Natutunan
Halimbawa: Pagkagalit. Sobrang nagalit ako nang biniro ako ng aking kaklase na ako di umano ang nagtapon ng kuwaderno ng isa naming kaklase sa basurahan. Hindi ko napigilan ang aking sarili at nasuntok ko ang nambintang sa akin.Napagtanto kong mali ang aking nagawa kaya humingi ako ng kapatawaran sa aking kaklase. Ipinangako ko rin sa aking sarili na hindi na ako magpapadala sa init ng ulo.
1. Pagkagalit
2. Pagkamuhi
3. Pagkalungkot

Karagdagang Gawain

Rubrik sa Gawaing Aral ng Karanasan
PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Impluwensiya ng emosyon sa PagpapasiyaNakalahad ng 3 karanasang naimpluwensiyahan ng emosyon ang pagpapasiyaNakalahad ng 2 karanasang naimpluwensiyahan ng emosyon ang pagpapasiyaNakalahad ng 1 karanasang naimpluwensiyahan ng emosyon ang pagpapasiya
Aral na NatutunanNakalahad ng 3 aral na natutunan mula sa karanasang napagdaanan o naobserbahanNakalahad ng 2 aral na natutunan mula sa karanasang napagdaanan o naobserbahanNakalahad ng 1 aral na natutunan mula sa karanasang napagdaanan o naobserbahan
Kabuoang Puntos

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down relative to the text, and its boxes are read in the order Subukin, Balikan, Pagyamanin, Isaisip, Tayahin; item 4 under Gawain 3 is partly unclear and reconstructed]

Subukin
  1. D
  2. C
  3. D
  4. D
  5. A
  6. D
  7. D
  8. C
  9. C
  10. D
  11. B
  12. B
  13. A
  14. C
  15. C
Balikan
Gawain 1

Bilang 1-5 Saya Galit Dismayado Lungkot Takot

Pagyamanin
Gawain 3
  1. naisipan niyang huminto nalang sa pag-aaral para makaiwas sa mga kaklaseng kinatatakutan niya.
  2. nasuntok ang kaklaseng nambulas
  3. mangiyak-ngiyak na nagpaalam sa guro na hindi makakasipot sa naturang pagdiriwang
  4. ninakaw niya ang kuwaderno nito at pinunit pagkatapos ay itinapon sa basurahan [?]
  5. nakiusap siyang payagan ng mag-working student sa bayan
Gawain 5
  1. Pagkagalit, Pagkalungkot, Kawalan ng Pag-asa
  2. Ikatlong saknong
  3. Iba’t ibang kasagutan
Isaisip
Gawain 6
  1. impluwensiya
  2. emosyon
  3. pagpapasiya
  4. mapamahalaan
  5. suliranin
  6. pagkalito
Tayahin
  1. D
  2. D
  3. C
  4. C
  5. D
  6. C
  7. C
  8. B
  9. B
  10. A
  11. D
  12. D
  13. A
  14. D
  15. C

Sanggunian

Aklat

Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “EsP 8 Quarter 2 Module 26: Impluwensiya ng Emosyon sa Pagpapasiya”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *