Araling Panlipunan 7 Quarter 3 Module 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

This is the Araling Panlipunan 7 self-learning module for Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 5: “Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan” (women’s organizations and social conditions). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region for Grade 7 learners studying at home. It looks at the women’s movements formed in South and West Asia and how they fought for equality, economic opportunity, and political rights.

What learners will learn

By the end of the module, learners should be able to:

  • Identify the organizations formed by women in South and West Asia
  • Explain the goals of each organization in working for equality for women
  • List the steps Asian women took to achieve equality
  • Value the contributions of women’s organizations toward equal rights in society

The module is tied to this Most Essential Learning Competency (Week 5): “Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampulitika” (analyzes the experiences and role of women toward equality, economic opportunity, and political rights). It supports the quarter’s standards on change, development, and continuity in South and West Asia from the 16th to the 20th century.

Women’s movements in South Asia

The module explains that women organized so their interests could move forward and their voices could be heard, after facing oppression and discrimination in society and in their families.

India

Indian women became active in social reform movements in the 19th century. The module lists these organizations:

OrganizationGoal or achievementFounder
Bharat Aslam, Arya Mahila, Bharat Mahila Parishad and Anjuman-e-Khawatin-e-IslamPromoted women’s right to educationKeshab Chunder Sen, Pandita Ramabai, Amir-un-Nisa
Women’s Indian Association, National Council of Indian WomenLobbied lawmakers to improve the lives of ordinary Indian women
All India Women’s ConferenceLabor issues, rural reconstruction, opium, and child marriage laws
All Indian Coordination CommitteeMaternity benefits, equal pay, and day care facilities
Women’s India AssociationCampaigned for women’s right to vote from 1919; women got the vote in 1950Sarojini Naidu

The module also names three laws: the Factories Act of 1948 (no work on dangerous moving machinery, sanitation, day care, and compulsory maternity leave), the Mines Act of 1952 (separate toilets for men and women), and the Hindu Marriage Act of 1955 (made divorce legal).

Pakistan

  • Before 1947, Muslim women pushed for changes in education and joined the Khilafat Movement.
  • The 1973 Constitution, under Zulfiqar Ali Bhutto, gave women equal rights, ten seats in the National Assembly, and 10 percent of the provincial assembly.
  • After the 1988 elections, the Women’s Action Forum (WAF) released its Charter of Demands. With WAF’s influence, the Sindhian Tehrik party won its campaign against child marriage and polygamy and for a woman’s right to choose her husband.

Sri Lanka

In the 1994 elections, women raised issues about violence against them and asked parties to nominate more women. The elected People’s Alliance strengthened laws on rape and sexual harassment and appointed three women ministers and four deputy ministers. Other groups include the Women’s NGO Forum, the LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam, formed in 1976), whose women fought alongside men, and Women for Peace.

Bangladesh

  • Mahila Parishad, the largest women’s organization, backed the ban on dowry and the ratification of CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women).
  • The Collective Women’s Platform worked against violence and gave rise to the Platform Against Sexual Harassment.
  • The United Women’s Forum called for CEDAW ratification, a uniform civil code, and more quota seats for women in the civil service.

Women in West Asia and the Arab Region

Women’s groups in West Asia work on three levels: making women aware of unequal rights, asking national governments to apply international protections for women, and showing the world that West Asian women fight for their own rights against patriarchal systems.

In the Arab Region, the module notes that women could not appear in public without traditional dress, that women were barred from voting in Kuwait and Saudi Arabia, and that human rights advocacy slowly gained acceptance after a 1982 civil society meeting in Cyprus. The Isha L’Isha-Haifa Feminist Center led the implementation of Security Council Resolution 1325, encouraging women to take part in talks on the Israel-Palestine conflict.

How to use this module

The lesson moves through these parts:

  1. Balikan (review): define the ideologies from the previous lesson that fed nationalism in South and West Asia.
  2. Tuklasin (discover): a “4 Pics 1 Word” puzzle; the answer is KARAPATAN (rights).
  3. Suriin (analyze): the reading on women’s movements, with processing questions.
  4. Isagawa (apply): a mind map of abuses women face in the family, society, and workplace; writing proposals to address them; and drawing “Super Binibining Asyano,” a woman superhero with five powers for human rights and equality.
  5. Tayahin (assess): a 15-item multiple-choice test.
  6. Karagdagang Gawain (extra activity): list five similar conditions faced by Filipino women and one or two Philippine women’s groups.

Learners: write all answers on separate paper, not on the module, and check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto).

Parents: the module’s preface says parents or guardians can guide learners using the teacher’s or facilitator’s guide, and should contact the teacher when the learner has trouble.

Teachers: the notes say each lesson’s activities are planned for three-day sessions and can be adapted to learners’ interests and abilities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 5. The competency is set for Week 5.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the 15-item test and guide answers for the activities, including KARAPATAN for the Tuklasin puzzle.

Which countries does the module cover?

It covers India, Pakistan, Sri Lanka, and Bangladesh in South Asia, plus West Asia and the Arab Region, including Kuwait, Saudi Arabia, Israel, and Palestine.

What is CEDAW?

CEDAW is the Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. The module says women’s groups in Bangladesh pushed for its ratification.

Can learners write on the module?

No. The preface asks learners to keep the module clean so others can use it, and to answer on separate paper.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

7

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk, and a student with a globe and a lantern]

CO_Q3_AP 7_ Module 5

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Girlie Palmejar Abonita Editor: Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Zenon M. Oblan Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte, Karl G. Buenafe, Irene Joy B. Pablico Tagalapat: Liezl O. Arosio, Melanie Mae N. Moreno Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3039; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

I can’t transcribe pages 5 to 8 yet because I don’t have their images. The pages attached to this request are numbered 1 to 4, and they are the same first four pages you said were already transcribed separately.

Please send the rendered images for pages 5 to 8 of AP7-Q3-MODYUL5.pdf. I’ll transcribe them with page markers <!-- page 5 --> through <!-- page 8 -->, following the same structure and rules as before.

Aralin 1 Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

Nabanggit natin sa nakaraang aralin ang iba’t ibang ideolohiyang ginamit ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Natatandaan mo ba ang mga ito? Halika na, sagutin mo ang mga gawain!

Balikan

Isa-isahin at bigyang kahulugan ang mga ideolohiyang tinalakay sa nakaraang aralin na naging dahilan ng pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

IdeolohiyaKahulugan
Pamprosesong Tanong
  1. Paano nakatulong ang mga ideolohiyang ito sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga mamamayan ng Timog at Kanlurang Asya?
  2. Alin sa mga ideolohiyang tinalakay ang sa iyong palagay ay magagamit mo bilang isang Pilipino?
  3. Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag ang iyong opinyon.
Mga Tala para sa Guro

Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng cross word puzzle, graphic organizer, pagsusulat ng maikling sanaysay, picto analysis, Reflective Journal, atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Gawain: 4 PICS 1 ONE WORD

Panuto: Suriin ang nasa larawan at isulat sa sagutang papel ang mabubuong salita.

[illustration: ballot box labeled “VOTE”]

[illustration: student seated at a desk, writing with a pencil]

[illustration: restroom sign showing a woman and a man]

[illustration: woman standing beside a projected lightbulb]

K _ R _ _ A T _ N

[transcriber’s note: the word is printed in a row of boxes; each empty box is shown as _]

Pamprosesong Tanong:
  1. Ano ang nabuo mong salita mula sa mga larawan?
  2. Paano nakatulong sa iyo ang mga larawan sa pagbuo ng salita?
  3. Ano ang ipinapahiwatig ng bawat larawan?

Suriin

Epekto ng Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya, at Karapatang Pampolitika.

[illustration: women holding a placard reading “IF WOMEN STOP, THE WORLD STOPS”; placards on a woman’s face read “WE NEED LIVING WAGE”]

Mga Kilusang Pangkababaihan

Ang pagkaka-organisa sa mga samahan ng kababaihan ay naging napakahalaga upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang boses. Sa kasaysayan, minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon mula sa lipunan at sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng mga kilusang ito, ang pagkakabuo ng mga kilusang pangkababaihan ay naging isang napakahalagang pangyayari sapagkat ito ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan. Ang mga ilang kilusang ito na nabuo sa Timog at Kanlurang Asya ay ating matutunghayan sa araling ito.

Timog Asya

[chart: map; Timog Asya]

Labels on the map: Afghanistan, Nepal, Bhutan, Pakistan, India, Myanmar, Bangladesh, Sri Lanka

[transcriber’s note: the label “Afghanistan” is split across two lines in the source image]

India

[illustration: three women wearing headscarves]

Ang pagkamit ng pantay na pagtingin sa lipunan sa mga kababaihan sa bansang India ay hindi nagiging madali na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin nila itong ipinaglalaban. Sa pagsapit ng ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan.

Mga Samahang Naitatag sa Bansang India
SamahanLayunin/NagawaNagtatag
Bharat AslamAng mga samahang ito ay nakatulong sa kababaihan ipang maisulong ang karapatan sa edukasyonKeshab Chunder Sen
Arya MahilaPandita Ramabai
Bharat Mahila Parishad at Anjuman-e-Khawatin-e-IslamAmir-un-Nisa
Women’s Indian AssociationNangampanya ang mga samahang ito sa mga mambabatas upang makapagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng mga karaniwang kababaihang Indian
National Council of Indian Women
All India Women’s ConferencePagtalakay sa mga isyu sa paggawa, rekonstruksiyon ng mga kanayunan, opyo at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal
All Indian Coordination CommitteePagbibigay pansin sa mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care.
Women’s India AssociationNangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto noong 1919 at taong 1950 ay iginawad sa mga kababaihan ang karapatang bumoto.Sarojini Naidu

[transcriber’s note: in the source table, the “Layunin/Nagawa” cell spanning several rows is shown once, in its first row; the continuation rows are left empty here]

Ang Factories Act ng 1948 ay ipinagbawal ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng wastong pasilidad na pangkalinisan, day care, at kompulsaryong maternity leave ang mga kababaihan. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo.

Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh

Mga Hakbang sa Pagsulong ng KarapatanMga Nanguna o namuno
Bunga ng pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947 sa Pakistan, ang mga kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon. Naging aktiboo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang suporta kay Turkish Khilafat na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga MuslimSyed Ahmed Khan
Turkish Khilafat
Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973, nagkamit ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa mga kababaihan sa National Assembly at sampung bahagdan (10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa pamahalaan.Zulfiqar Ali Bhutto
Pagkatapos ng halalan ng 1988, isinilang ng WAF o Women’s Action Forum ang kanilang Charter Demands na kung saan ay inilahad nila ang isang komprehensibong programang pulitikal para sa mga kababaihan. Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa (child marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.Women’s Action Forum

Ang bansang Pakistan ay maituturing na isang bansa na labis ang pagpapahalaga sa mga kalalakihan at ang mga kababaihan ay may malaking bahaging ginagampanan sa pamilya. Ilan dito ay ang mga gawaing bahay at pagtuturo sa mga kabataang kababaihan sa mga gawaing ito. May mga iilang kababaihan rin ang nakakapag aral ngunit ito ay kadalasang nasa mga siyudad lamang.

Sri Lanka

Ang kababaihan sa Sri Lanka ay katulad rin ng ibang bansa sa Asya na karaniwang nasa mga loob lamang ng tahanan. Hindi gaanong nakalalahok sa pulitika. Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng kababaihan. Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang pulitikal.

Noong halalan ng 1994, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong pulitikal na magnomina ng mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon at isama sa kanilang plataporma ang mga isyung kinakaharap ng mga ito.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Mga Hakbang sa Pagsulong ng KarapatanMga Nanguna o namuno
Pagpapalakas sa nahalal na People’s Alliance upang mawakasan ang pang-aabuso sa kababahihan at pagbabago sa batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment. Hinirang din ang tatlong kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa gabinete.People’s Alliance
Samahang aktibo sa pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa pulitikaWomen’s NGO Forum
Itinatag ang samahang ito noong 1976 upang maisulong ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka. Naging aktibo rin sila sa pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng bansa ang dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng mga kababaihan sa kanilang pagsanib sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan.LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)
Naging aktibo ang samahang ito sa iba’t iba pang mga samahang nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang sibil hindi lamang ng mga kababaihan kung hindi para lahat ng mga nakararanas ng hindi pantay na karapatan sa lipunan.Women for Peace

Simula noong makamit nila ang kalayaan ay maraming mga kababaihan ang makapag-aral sa mga paaralan at unibersidad na kalaunan ay mga naging propesyunal at patuloy na isinusulong ang pantay na karapatan sa mga kalalakihan.

Bangladesh

Katulad ng ibang bansang nabanggit sa rehiyon ng Timog Asya, ang mga kababaihan sa Bangladesh ay gaya rin ng mga tradisyunal na kababaihang nasa loob lamang ng mga tahanan at nagtatrabaho ng mga gawaing bahay.

Mga Hakbang sa Pagsulong ng KarapatanMga Nanguna o namuno
Ito ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa. Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal ng pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women).Mahila Parishad
Samahang pumigil sa anumang uri ng karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual Harassment.Collective Women’s Platform

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Mga Hakbang sa Pagsulong ng KarapatanMga Nanguna o namuno
Hiniling ng grupo ang ratipikasyon ng CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil, at dagdag sa kota ng kababaihan sa Serbisyo Sibil.United Women’s Forum

Sa mga siyudad ang mga kababaihan ay nakararanas ng higit na kalayaan kumpara sa mga malalayo dito. Mas mataas ang bilang ng mga kababaihang nagaaral sa mga paaralan, kolehiyo at mga unibersidad at nabibigyan ng pantay na karapatan. Dumarami rin ang mga kababaihang nakapagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan.

Pamprosesong Tanong:
  1. Isa-isahin ang mga diskriminasyong naranasan ng mga kababaihan sa Timog Asya.
  2. Ano ang mga samahang kababaihan ang nabuo at nagtaguyod upang makamit nila ang kanilang mga karapatan?
  3. Ano ang naging bunga ng pagkamit ng mga kababaihan sa hinangad nilang pagkakapantay-pantay sa lipunan?
  4. Sang-ayon ka ba sa mga naging hakbang ng bawat samahan upang isulong ang kanilang karpatan? Oo o Hindi? Ipaliwanag ang iyong opinion.
Kanlurang Asya

Sa kasalukuyan, ang mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na kinakaharap ang hamon na higit na paigtingin ang mga pagkilos upang matiyak at makamit ang pagkakaroon ng pantay na karapatan para sa kalalakihan at kababaihan.

Ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong lebel sa rehiyong ito:

  1. Imulat ang kababaihan sa kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay ng pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan;
  2. Hilingin sa pamahalaang nasyunal ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad sa pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan;
  3. Ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang naghihintay sa mga Kanluraning bansa upang sila ay sagipin, sa halip ipaunawa na sila ay kababaihang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan kagaya rin ng ibang kababaihan. Na sila rin ay kumikilos laban sa di-makatarungang patakaran dulot ng sistemang patriyarkal at ng kanilang kasaysayan.

Arab Region

[illustration: a woman wearing a headscarf and long traditional clothing]

[chart: map; unlabeled title, map of the Arab Region with country labels: GEO., ARM., AZER., TURKEY, SYRIA, LEB, ISR, PAL, JORDAN, IRAQ, IRAN, KUWAIT, SAUDI ARABIA, BAH., QATAR, U.A.E., OMAN, YEMEN]

Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab Emirates, at Yemen.

Kalagayan ng mga Kababaihan sa Arab Region
  • Ang mga kababaihan ay hindi pinapayagang lumabas sa mga pampublikong lugar na hindi suot ang kanilang tradisyunal na kasuotan o burkah.
  • Sa pulitika at paghahanapbuhay ng kababaihan hindi ito halos nagbago.
  • Sa bansang Kuwait at Saudi Arabia, ilegal para sa kababaihan ang makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian.
  • Hindi pa rin tanggap ang ideya ng pagpapalaganap sa mga karapatang pantao, noong 1982, pagkatapos ng pagpupulong ng mga grupo ng civil society na ginanap sa Cyprus, unti-unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang mga adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang mga samahang kababaihan sa Israel.
  • Sa pamamagitan ng Isha L’lsha-Haifa Feminist Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council Resolution 1325. Hinikayat nila ang kababaihan na makilahok sa negosasyon at talakayan tungkol sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa pamamagitan nito, naipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa kababaihan at kung paano nila maipagtatanggol ang kanilang karapatan.
  • Ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga kalalakihan ngunit ang mga samahan ng kababaihan ay unti-unti ng kinikilala.
  • May ilang mga NGO na humingi ng mga pagbabago na mangangalaga sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga babae, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na makilahok sa pulitika at sosyo-ekonomik na kapangyarihan.

I can’t transcribe pages 17 to 20 yet because they aren’t in this upload. The four pages I received are printed as pages 13 to 16 of the module (“CO_Q3_AP 7_ Module 5”), and they match the pages you said were transcribed earlier. Transcribing them with markers 17 to 20 would mislabel the content and repeat pages you don’t want repeated.

Please upload the PDF pages that are printed as 17 to 20, or confirm that the module’s pages 17 to 20 are the ones you meant to send. Once I have them, I’ll transcribe them in the same format, with <!-- page 17 --> through <!-- page 20 --> as the markers.

Isagawa

Gawain 1: Mind Mapping

Panuto: Sa loob ng mga bilog ay isulat ang mga karahasan at diskriminasyong naranasan ng mga kababaihan. Ihanay ito kung ang pang aabusong ito ay nagaganap sa pamilya, lipunan at sa trabaho o opisina. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

[chart: mind map; Gawain 1: Mind Mapping]

Center: Mga Pang-aabuso sa Kababaihan Branches: Pamilya; Lipunan; Trabaho /opisina Empty circles attached to each branch for the answers.

[transcriber’s note: the circles are empty answer spaces and contain no printed text.]

Gawain 2: Panukala Itala Mo

Panuto: Mula sa iyong sagot sa itaas gumawa ng isang panukala na tutugon sa pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng ating lipunan. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

Ang Aking Mga Panukala

[transcriber’s note: the box beneath the heading is an empty answer space.]

Gawain 3 : SUPER BINIBINING ASYANO

Panuto: Gumuhit ng isang babaeng superhero na ang pangalan ay Super Binibining Asyano. Ang kanyang kasuotan ay dapat nagpapakita ng natatanging superpower o mga kapangyarihang taglay ng isang babaeng Asyano. Sa gilid ng iginuhit ay isulat ang mga super powers nito (magbigay lamang ng lima) na maari niyang magamit upang isulong ang karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at pag-unlad ng kalagayang panlipunan. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

Halimbawa:

[illustration: cartoon of a woman superhero with a cape and a belt, flexing one arm]

Ang kanyang kapangyarihan ay ang kanyang talino na maaari niyang magamit upang mapaunlad ang sarili, pamilya, at lipunan. Sa tulong ng kapangyarihan niya ay malaki ang posibilidad na uunlad ang kaniyang bansa.

Tayahin

Sa pagtatapos ng aralin, sagutan mo ang sumusunod na tanong upang malaman mo kung hanggang saan ang iyong natutunan.

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Anong taon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila sa bansang Sri Lanka?

    • A. 1992
    • C. 1994
    • B. 1993
    • D. 1995
  2. Ano ang mga nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi marinig ang kanilang mga hinaing?

    • A. Naging balakid ang patuloy na digmaan na nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine
    • B. Dahil sa mga pisikal na kakayahan sa isang babae na naglilimita sa kanyang mga kayang gawin
    • C. Nagsilbing balakid rito ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala dahil mas angat sa lipunan ang mga kalalakihan
    • D. Dahil karamihan sa mga kababaihan doon ay tanggap na ang kanilang katayuan at ayaw nang makilahok sa mga samahan
  3. Paano nakamit ng mga kababaihan sa bansang Bangladesh ang kanilang mga karapatang ipinaglaban?

    • A. Ginamit ang ilang mga kabataang biktima ng child marriage upang makamit ang kanilang ipinaglaban
    • B. Hinikayat nila ang mga samahan sa karatig- bansa lalo na sa India na makiisa sa mga kilusan
    • C. Katulad ng LTTE ng Sri Lanka, sila ay naging aktibo sa pakikipaglaban at pakikidigma para sa kanilang karapatan
    • D. Naimpluwensiyahan ng samahan ang kanilang pamahalaan lalo na sa pagpapatupad nito ng mga polisiya kabilang ang pagbabawal ng ilang mga nakagawiang tradisyon
  4. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa bansang India?

    • I. Maternity Leave
    • II. Pantay na sahod
    • III. Mga pasilidad ng day care
    • IV. Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki
    • A. I, II, at III
    • C. I, III, at IV
    • B. I, II, at IV
    • D. I, II, III, IV
  5. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973 ng Pakistan, nabigyan ang mga kababaihan ng pantay na karapatan sa pulitika. Alin sa sumusunod ang naging bunga nito?

    • A. Nailunsad ang Arab Women Connect
    • B. Ginawang legal ang Hindu Marriage Act ng 1955 ang diborsyo
    • C. Nakapagtatag ng maraming partidong pulitikal para sa mga kababaihan
    • D. Nahirang ang mga kababaihan sa matataas na posisyon sa pamahalaan
  6. Ano ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang Bangladesh na labis na nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan?

    • A. Mahila Parishad
    • B. Women’s Coalition
    • C. Women’s Action Forum
    • D. Liberation Tigers of Tamil Eelam
  7. Ang sumusunod ay kampanyang nagtagumpay sa Pakistan sa pangunguna at impluwesya ng WAF sa Sindhian Tehrik na maalis sa kanilang kultura MALIBAN sa?

    • A. Diborsyo
    • B. Poligamya
    • C. Pagpili sa mapapangasawa
    • D. Child Marriage o maagang pag-aasawa
  8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na ginampanan ng mga naitatag na samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.

    • A. Dahil sa mga samahang ito nabigyan ng higit na karapatang pampulitika ang mga kababaihan at pagkakataong pamahalaan ang bansa
    • B. Dahil sa mga samahang ito naging matapang ang mga kababaihan at higit na naging edukado nang mabigyan ng karapatang makapag-aral
    • C. Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang makamit ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa lipunan
    • D. Dahil na rin sa pagkakatatag ng samahan ay nakuha ng kababaihan ang simpatya ng nakararami at ito ang naging daan sa pag-angat ng kanilang ekonomiya.
  9. Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ayusin ito batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bansang Sri Lanka.

    • I. pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang isyu tungkol sa kanila
    • II. Sumalakay ang militanteng gerilya na nakilala sa tawag na LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)
    • III. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang Kodigo Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan
    • IV. Isa sa mahahalagang samahang pangkababaihan na naitatag ay ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya at ikinulong na mga sundalo
    • A. I, II, III, at IV
    • C. II, IV, I, at IIII
    • B. IV, III, II, at I
    • D. I, III, IV, at II
  10. Alin sa mga samahan o kilusan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya ang naging aktibo at agresibo sa pakikidigma?

    • A. Bharat Aslam
    • B. LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)
    • C. UFWR (United Front for Women’s Rights)
    • D. CEDAW (Convention on the Elimintaion of All Forms of Discrimination Against Women)
  11. Ano ang mahalagang papel ng Women for Peace na itinatag noong Oktubre 1984 sa Sri Lanka?

    • A. Naging daan sa ratipikasyon ng CEDAW
    • B. Nagsilbi itong bantay sa militarisasyon sa bansa
    • C. Isinilang ang Platform Against Sexual Harassment
    • D. Nagkaroon ng mga partidong pulitikal na nagnomina sa mga kababaihan na tatakbo sa eleksiyon
  12. Sino ang reyna ng bansang Jordan na nanguna sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan dito?
    a. Reyna Rania Al-Abdulla
    b. Reyna Sarojini Naidu
    c. Reyna Sheika Fatima Bint Mubarak
    d. Reyna Syed Ahmed Khan


  13. Aling mga pahayag ang kabutihang dulot ng pagpapatigil ng child marriage o maagang pag-aasawang ipinagkasundo sa mga kababaihan?
    I. Mababawasan ang kanilang populasyon
    II. Hindi sila magsisilbing pabigat sa kanilang magulang
    III. Mabibigyan ng sapat na panahon ang mga kabataang kababaihan na makapag-aral pa
    IV. Maari silang maligtas mula sa panganib na maaring idulot ng maagang pagbubuntis sa kanilang kalusugan


    a. I at II
    b. I at III
    c. II at III
    d. III at IV


  14. Ano ang dahilan ng mga bansa sa Kanlurang Asya kung bakit hindi naging madali ang pagkamit ng mga kababaihan ng kanilang mga karapatan?
    a. Dahil sa patuloy na sigalot at digmaang nagaganap sa rehiyong Arab
    b. Dahil hindi matatag ang mga samahang nabuo at kalauna’y unti-unting nabuwag
    c. Dahil sa ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga kalalakihan
    d. Dahil marami pa rin sa mga kababaihan dito ay hindi nabigyan ng sapat na edukasyon upang ipagtanggol ang kanilang sarili


  15. Anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang naniniwala noon na ilegal para sa mga kababaihan ang makilahok sa eleksiyon dahil sa kanilang kasarian?
    a. Israel at Palestine
    b. Jordan at UAE
    c. Oman at Qatar
    d. Saudi Arabia at Kuwait


Karagdagang Gawain

[illustration: hand holding gears]

Gawain: Itala Mo

Panuto: Mula sa paksang tinalakay, magtala ng lima (5) na mga kaparehong kalagayan sa lipunan na naranasan ng kababaihan sa Pilipinas. Magbigay din ng isa o dalawang samahang pangkababaihang alam mo at mga programa ng mga ito para sa mga kababaihan.

Mga Kaparehong Kalagayan sa Pilipinas






Mga samahang Pangkakabaihan sa Pilipinas



21 CO_Q3_AP 7_ Module 5

Susi sa Pagwawasto

[illustration: key icon]

SUBUKIN AT TAYAHIN
  1. C
  2. C
  3. D
  4. D
  5. D
  6. A
  7. A
  8. C
  9. C
  10. B
  11. B
  12. A
  13. B
  14. D
  15. D
PAGYAMANIN
Gawain 1: Cluster Web
  1. Pagbibigay ng karapatan sa mga kababaihang bumoto o Right to Suffrage
  2. Pagpapatalsik sa mga abusadong pinuno
  3. Patas na oportunidad sa edukasyon
  4. Karapatang humawak ng posisyon sa pamahalaan
  5. Patas na karapatan sa trabaho o hanapbuhay
  6. Pagkakaroon ng maternity leave

Mga iba pang posibleng sagot:

  • Pagkakaroon ng batas laban sa pang-aabuso at sexual harassment
  • Pag-alis ng child marriage
  • Pagkakaroon ng hiwalay na palikuran ng babae at lalaki sa India
Gawain 2

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the table below was read from the rotated image, and some cell wording is uncertain and marked [?]]

Bansa+–
India*batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal
*benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod, mga pasilidad ng day care at maternity leave
*maagang pag-aasawa
*child labor
*hindi pantay na sahod at oras ng trabaho sa kababaihan
Pakistan*sa pamamagitan ng samahan ay nagkaroon ng posisyon ang mga kababaihan sa National Assembly at Asembleyang panlalawigan
*batas laban sa maagang pag-aasawa at karapatang pumili ng mapapangasawa [?]
*walang partisipasyon sa pamahalaan
*maagang pag-aasawa, poligamya
Sri Lanka*nagkaroon ang mga kababaihan na ipahayag ang isyu tungkol sa kanila at pagkakaroon ng batas laban sa mga pang-aabuso
*nagkaroon ng malalakas na samahan at kilusang pangkababaihan upang ipagtanggol ang kanilang bansa.
*sexual harassment, panggagahasa at iba pang pang-aabuso.
Arab Region*may mga kilalang pinuno at personalidad ang patuloy na sumusulong ng karapatang pangkababaihan sa rehiyon
*sa pangunguna ng ilang NGO ay naiparinig ang mga hinihinging karapatan ng mga kababaihan sa rehiyon
*Walang partisipasyon sa pulitika at paghahanapbuhay
*ilegal ang makilahok sa eleksiyon
*hindi pagkilala sa karapatang pantao ng mga kababaihan
ISAISIP
Mga Epekto ng Samahang Pangkababaihan
Pagkakapantay-pantayPang-ekonomiyaKarapatang Pampulitika
*Pagkilala sa karapatang pantao ng mga kababaihan
*pagbibigay ng batas laban sa mga pang-aabuso sa tahanan at trabaho
*karapatang magpahayag ng mga damdamin sa mga isyung kinahaharap ng bansa
*pantay na sahod
*patas na oras ng trabaho at mga benepisyo
*karapatang makilahok sa ekonomiya – gawaing pang-ekonomiya at paghahanapbuhay
*pagbibigay ng mga posisyon sa pamahalaan sa mga kababaihan
*karapatang magpahayag ng mga damdamin sa mga isyung kinahaharap ng bansa
*karapatang bumoto
*karapatang magbuo ng mga partidong pulitikal
*karapatang maging aktibong kalahok sa mga usaping pulitikal, isyung pangkapayapaan at seguridad ng rehiyon
TUKLASIN
Gabay sa Pagwawasto sa Tuklasin

KARAPATAN

26 CO_Q3_AP 7_ Module 5

Sanggunian

Modyul

Blando, R C., Sebastian A.A., Espiritu A.C., Golveque E.C., JamoraA.M., Capua R.R., Victor S.A., Balgos S.I., Del Rosario, A.F. at Mariano, R.F. (2014) ASYA: Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba, Araling Panlipunan: Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City.

Encyclopedia

Collier P.F. Collier’s Encyclopedia .P.F Collier & Son Limited. 866 Third Avenue New York. N.Y.10022.1994. Vol 3, P.556

Collier P.F. Collier’s Encyclopedia .P.F Collier & Son Limited. 866 Third Avenue New York. N.Y.10022.1994. Vol 18, P.346

Collier P.F. Collier’s Encyclopedia .P.F Collier & Son Limited. 866 Third Avenue New York. N.Y.10022.1994. Vol 21, P.454-474

23 CO_Q3_AP 7_ Module 5

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “Araling Panlipunan 7 Quarter 3 Module 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan”

  1. Mary Joy Dante

    1.Ano-anong kalagayang panlipunan nararanasan ng mga kababaihan sa mga nabanggit na mga bansa?

    2.Magbigay na mga naging epekto ng mga samahang pangkababaihan at ng mga kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay,pagkakataong pang ekonomiya at karapatang pampolitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *