This is the Self-Learning Module (SLM) for Araling Panlipunan 7, Quarter 3, Module 6: “Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya” (the end of imperialism in South and West Asia). It was prepared by DepEd Region IV-B MIMAROPA (First Edition, 2020) for Grade 7 learners studying at home. It shows how people in South and West Asia used nationalism to resist Western rule and win their freedom.
The module is written in Filipino and has one lesson, Aralin 1, which carries the same title as the module. It includes a pretest, a posttest, rubrics for the writing and art tasks, and an answer key.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Define nationalism (nasyonalismo) as a way of seeking freedom and self-rule.
- Examine and list the role nationalism played in ending imperialism in Asia.
- Make a slogan that shows they value the end of imperialism in South and West Asia.
The module is tied to these standards:
- Content standard: Learners show understanding of change, development, and continuity in South and West Asia in the transitional and modern periods (16th to 20th century).
- Performance standard: Learners critically analyze change, development, and continuity in South and West Asia in the same period.
- Most Essential Learning Competency (Week 6): Learners value the role of nationalism in ending imperialism in South and West Asia.
What is nationalism?
The module defines nationalism as love and loyalty to one’s own country. It is a feeling that seeks national progress and independence. It also means a sense of belonging to a nation that shares one race, history, culture, language, and values.
In Asia, nationalism was a strong reaction against imperialism and colonialism. The module names leaders who showed it, including Gandhi, Sun Yat-Sen, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Kemal Ataturk of Turkey, Reza Pahlavi of Iran, and Chulalongkorn of Thailand. It explains that nationalism takes many forms, and each country showed it through the united action of oppressed people.
Nationalism in South Asia: India
The module says British rule itself slowly made Indians aware and united, even though they had many languages and religions. The key events and people are:
| Event or person | What the module says |
|---|---|
| Sepoy Mutiny (1857) | Hindu soldiers (sepoys) in Britain’s colonial army rebelled. Causes included the abolition of suttee or sati and female infanticide, and deep differences in race, color, customs, and religion. It was the first major event that deepened conflict between Indians and the British. |
| Amritsar Massacre (April 13, 1919) | British soldiers fired on Indians at a Hindu celebration. 400 Indians died and 1,200 were wounded. |
| Indian National Congress (1884-1885) | Formed by Hindu professionals to win India’s freedom, led and guided by the Englishman Allan Octavian Hume. |
| Muslim League (1905) | Led by Mohamed Ali Jinnah. It focused on Muslim interests and aimed for a separate state for Muslims. |
| Mohandas Gandhi | Fought for India’s freedom through nonviolence, or ahimsa (from Jainism, meaning “non-violence”). Indians called him Mahatma, or “Great Soul.” He was shot on January 30, 1948. |
| Jawaharlal Nehru | First Prime Minister of India. India gained independence on August 15, 1947. |
Nationalism in West Asia
Before the 20th century. The module says nationalism in West Asia was started by Arabs, Iranians, and Turks before World War I. It states that the government of Kuwait was set up in 1759, and that Lebanon and Egypt peacefully gained independence from the Ottoman Empire in 1770. From 1894 to 1897, Armenians tried to form a free state even though the Turks who ruled them tried to stop them.
In the 20th century. Lebanon separated from Syria and became a republic in 1926, but stayed under a French mandate. In 1932, Iraq, once a British protectorate, became a monarchy. Arabs united and formed their own governments, which led to the freedom of former European colonies in the region.
The module also covers the Jews. They suffered the Holocaust, the mass killing of Jews by the Nazi Germans. Zionism refers to the return of Jews from many parts of the world to the land of Palestine, where they relearned their language and revived their culture.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin | 15-item multiple-choice pretest |
| Balikan | True or false review of the effects of imperialism in Asia |
| Tuklasin | Ayos-Salita: unscramble five key terms, then define them |
| Suriin | Reading on nationalism in South and West Asia, with processing questions |
| Pagyamanin | Fill in missing letters, a data retrieval chart comparing South and West Asia, and a true or false activity |
| Isaisip | Short essay on loving and valuing one’s country (15 points) |
| Isagawa | Slogan showing love for one’s country (15 points) |
| Tayahin | 15-item multiple-choice posttest |
| Karagdagang Gawain | Picture collage of two South Asian and two West Asian personalities who brought change to their countries (15 points) |
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not mark the module, so others can use it. Be honest when you check your work with the answer key, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child follow the order of the parts and check that the essay, slogan, and collage are done on a full sheet of paper. The rubrics score content, organization, and creativity.
- Teachers: The teacher’s note says the activities are based on three-day sessions and suggest enriching them to fit learners’ interests and abilities. The answer key covers Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin (Gawain 1 and 3), and Tayahin.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 6. Its competency is set for Week 6 of the quarter.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, posttest, Balikan, Tuklasin, and the fill-in and true or false activities in Pagyamanin.
What does ahimsa mean?
Ahimsa comes from Jainism and means non-violence. Gandhi used this peaceful approach in India’s struggle for freedom.
What is Zionism according to the module?
Zionism is the return of Jews from many parts of the world to the land of Palestine, where they studied their language again and revived their culture.
When did India gain independence?
The module says India gained independence on August 15, 1947, with Jawaharlal Nehru as its first Prime Minister.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
7
CO_Q3_AP 7_ Module 6
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk, and a student holding a globe, with a lamp and a student writing; the DepEd and ADM logos appear on the cover]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________
Department of Education – Region IV-B MIMAROPA Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax: (02) 631-4070; 637-3093; 637-31-39 Email Address: region4b@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Merry Queen M. Galvez Editor: Enrile O. Abrigo Jr., Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Zenon M. Oblan Tagaguhit: Alberto F. Rivera, Karl Gabriel G. Buenafe Tagalapat: Liezl O. Arosio, Melanie Mae N. Moreno Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Dr. Melbert S. Broquesa, Danilo C. Padilla, Dr. Freddie Rey R. Ramirez, Dr. Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle, icon beside the title]
Halina’t simulan natin!
Sa pagkakataong ito, pag-aaralan mo ang naging reaksiyon o tugon ng mga Asyano sa mga patakarang ipinatupad ng mga dayuhan sa mga bansa ng Timog at Kanlurang Asya. Ito ay ang kanilang pagpapakita ng nasyonalismo na nakatuon laban sa mga Kanluranin. Marahil ay naitatanong mo sa iyong sarili: Sa ano-anong pamamaraan pinakita ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya ang kanilang Nasyonalismo? “Nakaapekto ba sa mga tao at paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng nasyonalismo?” Maipaliliwanag ang kasagutan sa mga katanungang ito sa susunod mong gawain.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Naibibigay ang kahulugan ng Nasyonalismo bilang pamamaraan sa paghahangad ng kalayaan at pagsasarili;
- Nasusuri at naiisa-isa ang bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Asya; at
- Nakagagawa ng islogan na naglalarawan ng pagpapahalaga sa pagwakas ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
➢ Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. (Linggo 6)
1
CO_Q3_AP7_Module6
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle, icon beside the title]
Panuto: Unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Tumutukoy ito sa pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa, isang damdamin na naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan.
a. Kolonyalismo
b. Imperyalismo
c. Nasyonalismo
d. AhimsaAno ang tawag sa isang pangyayari na kung saan naganap ang pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng mga Indian sa isang selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919?
a. Amritsar Massacre
b. Muslim League
c. Sepoy Mutiny
d. ZionismKailan natamo ng India ang kalayaan mula sa kamay ng mga Ingles?
a. Agosto 15, 1947
b. Agosto 10, 1947
c. Agosto 16, 1946
d. Agosto 10, 1946Ano ang naging dahilan upang unti-unting magkaroon ng kamalayan at kaisahan ang mga Indian?
a. Nang maging malaya ang mga Ingles
b. Nang masakop ng mga Ingles ang India
c. Nang naisin nila
d. Nang matapos ang digmaanAno ang tawag sa pangyayaring naganap sa mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na kung saan sila ay umuwi sa Palestine upang muli nilang pag-aralan ang kanilang wika at buhayin ang sariling kultura?
a. Indian National League
b. Sepoy mutiny
c. Zionism
d. HolocaustNagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Ano ang samahang binuo ng mga propesyunal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India?
a. Zionism
b. Muslim League
c. Indian National Congress
d. Amritsar massacreSiya ay isang Ingles na nanguna at gumabay sa pagtatag ng Indian National Congress upang makalaya ang India sa mga Ingles noong 1884-1885?
a. Allan Octavian Hume
b. Salman Rushdie
c. Mustafa Kemal Ataturk
d. Ibn Saud
3
CO_Q3_AP7_Module6
Ang layunin ng samahan na ito ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim na pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah?
a. State League
b. Muslim League
c. Jinnah League
d. System LeagueAng pangyayaring abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay ng mga batang babae noong 1857, ay nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga Ingles, ano ang tawag dito?
a. Sepoy mutiny
b. Muslim league
c. Amritsar massacre
d. ZionismSino ang nanguna sa pagtatag ng Muslim League noong 1905 na nagsusulong sa interes ng mga Muslim?
a. Mohamed Ali Jinnah
b. Mohandas Gandhi
c. Allan Hume
d. Jawaharlal NehruSino ang kauna-unahang punong ministro ng India nang matamo nito ang kalayaan mula sa mga Ingles?
a. Ali Jinnah
b. Allan Hume
c. Jawaharlal Nehru
d. Mahatma GandhiAnong mga bansa sa Kanlurang Asya ang mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770?
a. Armenia at Saudi Arabia
b. Lebanon at Egypt
c. India at Syria
d. Egypt at PakistanIto ay hango sa relihiyong Jainism na nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o “non-violence”, ano ang tawag dito?
a. Pilgrimage
b. Sati
c. Ahimsa
d. Hunger StrikeSila ang mga sundalong Hindu sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857; mga sundalo na lumalaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at makakabuti sa marami.
a. Sepoy
b. Mandirigma
c. Militar
d. KawalAno ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew?
a. Zionism
b. Holocaust
c. Sepoy mutiny
d. Jew massacre
Aralin 1: Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Nabanggit sa nakaraang aralin ang epekto ng imperyalismo sa Asya. Natatandaan mo ba ang mga ito? Halika na, sagutin mo ang mga gawain!
Balikan
[illustration: hand holding a torn paper piece inside a circle, icon beside the title]
Gawain 1: Suriin Mo
Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa ibaba, isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung tama ang nasa pahayag, MALI naman kung ito ay walang katotohanan.
___________ 1. Ang Asya ay naging pamilihan ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong Kanluranin.
___________ 2. Umusbong ang mga kolonyal na lungsod sa Asya sa pagwawakas ng pananakop ng mga Kanluranin.
___________ 3. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sarili.
___________ 4. Hindi umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon sa pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.
___________ 5. Mabuti ang naging epekto ng pananakop sa mga Kanluraning bansa.
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral.
Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng suri-larawan, pagsulat ng sanaysay at repleksyon, paggawa ng Data retrieval chart, paggawa ng islogan at atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
4
CO_Q3_AP7_Module6
Tuklasin
Gusto mo bang malaman at matutuhan ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagwakas ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya ?
Halika! Subukan mo ang mga gawain.
Gawain 1: Ayos-Salita
Panuto: Isaayos ang mga nakagulong titik upang mabuo ang tamang salita, isulat ito sa sagutang papel.
YOSANOMLISNA – _____________________
IMHASA – _____________________
OMSLIAYPERIM – _____________________
SARTIRMA ERCSASMA – _____________________
POYSE NYMUIT – _____________________
Ano-ano ang salitang iyong nabuo?
Sa mga nabuong salita, bigyan ng maikling kahulugan ang mga ito base sa iyong sariling pang-unawa.
Suriin
NASYONALISMO
Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan, kultura, wika, at pagpapahalaga. Sa Asya, ang nasyonalismo ay nagsilbing isang matibay na reaksiyon laban sa imperyalismo at kolonyalismong dumating sa iba’t ibang panig ng rehiyon nito.Ang Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ay tinatawag na nasyonalismo. Ang nasyonalismo din ay isang damdamin na naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan. Isinaalang-alang nito ang kapakanan ng bansa. Sa pampulitikang pananaw, nangangahulugan ito ng kusang pagkilos laban sa anumang banta ng pananakop maging sa pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura. Mahalaga ang damdaming ito sa pagpapanatili ng katatagan ng isang bansa o estado. Ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng kanluraning daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan, at pagsulong. Ang damdamin
ding ito ang naging pangunahing dahilan ng mga pandaigdigang himagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan.
Kung tutuusin, nailalahad ito sa mga karanasan nina Gandhi, Sun Yat-Sen, Dr. Jose Rizal at maging ni Andres Bonifacio. Bukod sa kanila, sina Kemal Ataturk ng Turkey, Reza Pahlavi ng Iran, at Chulalongkorn ng Thailand ay nagsulong din ng nasyonalismo sa kanilang mga bansa sa panahon na may matindi banta sa kanilang mga lugar. Ang mga ito ay halimbawa ng nasyonalismo na lumitaw bunga ng kolonyalismo at imperyalismo bilang tugon nating mga Asyano. Maraming anyo ang nasyonalismo. Bawat bansa ay may pamamaraan upang maipakita ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga taong naaapi.
Timog Asya
Nang matagumpay na masakop ng mga English ang India, ito na rin ang dahilan upang unti-unti ay magkaroon ng kamulatan at kaisahan ang mga Indian. Sa kabila ng maraming wika at iba’t ibang pananampalataya, nagkaisa sila laban sa mga English na naging sagabal sa kanilang pag-unlad at pagbubuo ng isang malayang bansa.
India
[illustration: crowd scene with figures in conflict in front of a building with domes and arches]
(Pinagkunan: http://www.google.com/Skagit.instructure, “sepoy mutiny” Accessed June 17, 2020)
Sepoy Mutiny. Naganap noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng:
a. abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay ng mga batang babae. b. malalim ang pagkakaiba ng mg Ingles sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon sanhi ng hindi pagkakaunawaan.
Ito ang unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga English. Ang mga Sepoy ay mga sundalong Hindu mula sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857. Mga sundalo na lumaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at makabubuti sa marami.
Amritsar Massacre. Isang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng Ingles at Indian. Ang pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng mga Indian sa isang selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919 na kung saan 400 Indian ang namatay at 1200 Indian ang nasugatan. Kapwa bumuo ng sariling samahan ang Hindu at Muslim.
Hindu
Indian National Congress. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Ito ay sa pangunguna at paggabay ng Ingles na si Allan Octavian Hume noong 1884-1885. Binuo ng mga propesyonal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India.
[photo: portrait of Allan Octavian Hume, bearded man in dark suit]
(Pinagkunan: http://www.google.com/Thefamouspeople, “Allan Octavian Hume” Accessed June 17, 2020.)
Allan Octavian Hume – isang Ingles na nanguna sa pagtatag ng Indian National Congress noong 1884-1885.
[illustration: group of men in traditional white clothing and caps]
(Pinagkunan: http://www.google.com/En.wikipedia, “Muslim League” Accessed June 17, 2020.)
Muslim League – Itinatag noong 1905 sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin. Layunin nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
[photo: portrait of Mohandas Gandhi, bald man with round glasses]
Mohandas Ghandi – isa siyang Hindu na nakapagaral sa isang Unibersidad sa Inglatera at nagtrabaho sa South Africa. Ipinaglaban niya ang hinaing ng mga Indian. Ang pakikibaka niya para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng mapayapang paraan o nonviolent means na sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa-hango sa relihiyong Jainism, ito ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o “non-violence“.
(Pinagkunan: http://www.google.com/Onthisday, “Mohandas Ghandi” Accessed June 17, 2020.)
Siya ang nagbigay ng gabay at inspirasyon sa mga mamamayan. Tiningala siya ng mga Indian at tinawag siyang Mahatma o Great Soul.
Enero 30, 1948 – binaril si Mohandas Ghandi ng isang panatikong Hindu na tumutol sa hangarin na mapag-isa ang mga Hindu at Muslim sa isang bansa.
Si Jawaharlal Nehru ay ang unang Punong Ministro ng India at isang sentral na pigura sa pulitika ng India bago at pagkatapos ng kalayaan.
Agosto 15, 1947 natamo ng Indian ang kalayaan nang ideklara ng mga Ingles ang Republika ng India (Indian Republic) sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru.
[photo: portrait of Jawaharlal Nehru wearing a white cap]
(Pinagkunan: http://www.google.com/Sadbhavana, “Jawaharlal Nehru” Accessed June 17, 2020.)
Kanlurang Asya (bago dumating ang ika-20 na siglo)
Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Naitatag ang pamahalaan ng Kuwait noong 1759. Ang Lebanon at Egypt ay mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770.
Mula 1894-1897, ang mga Armenian ay nagtangkang magtatag ng isang malayang estado sa kabila ng katotohanang pinipigilan sila ng mga Turk na sumakop sa kanila.
Kanlurang Asya (pagdating ng ika-20 na siglo)
Nagtagumpay ang Lebanon na makahiwalay sa Syria at tuluyang naging isang Republika noong 1926. Subalit nanatili itong nasa mandato ng France. Noong 1932, ang Iraq na dating hawak ng England bilang isang protektorado, ay naging isang monarkiya. Nagkaisa ang mga Arabo at bumuo ng sariling pamahalaan na nagbigay-daan sa paglaya ng mga dating kolonya ng mga Europeo sa rehiyong ito.
Ang mga Jew o Israellite ay sumailalim sa nakasisindak na holocaust sa Europa-malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelites.
[illustration: crowd of people holding flags, including one with a six-pointed star]
(Pinagkunan: http://www.google.com/Sadbhavana, “Zionism” Accessed June 17, 2020)
Zionism – tumutukoy sa pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jews mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Muli nilang pinag-aralan ang kanilang wika at binuhay ang kultura upang subukang talikdan ang mga impluwensiya ng kolonyalismo na natutunan nila noong sila ay nasa iba’t ibang panig ng Europa.
Pamprosesong Tanong:
- Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
- Naging mahalaga ba ang papel na ginampanan ni Mohandas Gandhi sa kasaysayan ng India? Bakit siya tinawag na Mahatma?
- Nakabuti ba ang pagbabalik ng mga Jew o Israelite sa kanilang lupain?
(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo, et al., Asya: “Pag-usbong ng Kabihasnan”. G. Araneta Avenue Quezon City: DepEd, Vibal Publishing House, Inc, 2008, 312-315.)
Pagyamanin
Gawain 1: Titik-punan Mo
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang maibigay ang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
___ I ___ NI __ M
Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
___ H ___ MS ___
Ito ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o “non-violence”.
N __ SY ___ NA __ IS ___ O
Nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan
M __ S __ I M L __ AG __ __
Layunin nito na mgakaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim
A __ RI __ S__R MA __ S __ C__ E
Pangyayari na nagpatindi sa alitan ng English at Indian noong Abril 13, 1919.
Gawain 2: Data Retrieval Chart
Panuto: Lagyan ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng data retrieval chart. Gawin ito sa isang buong papel.
| Timog Asya | Kanlurang Asya | |
|---|---|---|
| Samahang Itinatag | ||
| Mga Nanguna | ||
| Layunin |
Pamprosesong Tanong:
- Ano-ano ang dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya upang matamo ang kalayaan?
- Alin sa mga naging tugon ng mga bansa ang mas naging mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagkamit ng kalayaan?
- Sumasang-ayon ka ba sa ginawa ng mga Asyano na ipagtanggol ang dapat ay para sa kanila? Bakit? Ipaliwanag.
Gawain 3: Tama o Mali
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito ay walang katotohanan.
________ 1. Si Mohandas Ghandi ay nagsilbing gabay at inspirasyon sa mga mamamayan ng India, kinilala siya ng mga Indian at tinawag na Mahatma o Great Soul.
________ 2. Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man magkaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
________ 3. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya sa pangunguna at paggabay ni Jawaharlal Nehru.
________ 4. Ang Sepoy Mutiny ang unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga English.
________ 5. Hindi nagtagumpay ang Lebanon na makahiwalay sa Syria at tuluyang naging isang Republika noong 1926.
Isaisip
Gawain: I-sanaysay Mo
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay patungkol sa kahalagahan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa bansa. Ipaliwanag kung paano mo maipamamalas ang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling bansa. Isulat ito sa isang buong papel.
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | 5 | 4 | 3 |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Napakalinaw at maayos ang nilalaman | Malinaw at maayos ang nilalaman | Di-masyadong malinaw ang nilalaman |
| Organisasyon | Talagang wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Di-masyadong wasto ang pag-organisa ng mga ideya |
| Pagkamalikhain | Lubos na nagpakita ng pagkamalikhain sa isinulat na sanaysay. | Nagpakita ng pagkamalikhain sa isinulat na sanaysay. | Di- masyadong nagpakita ng pagkamalikhain sa isinulat na sanaysay. |
| Kabuuan | 15 Puntos |
Isagawa
Gawain: I-islogan Mo
Panuto: Gumawa ng islogan na naglalarawan o nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling bayan. Gawin ito sa isang buong papel.
[illustration: blank scroll-shaped box for writing the slogan]
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | 5 | 4 | 3 |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Napakalinaw at maayos ang nilalaman | Malinaw at maayos ang nilalaman | Di-masyadong malinaw ang nilalaman |
| Organisasyon | Talagang wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Di-masyadong wasto ang pag-organisa ng mga ideya |
| Pagkamalikhain | Lubos na nagpakita ng pagkamalikhain sa ginawang islogan | Nagpakita ng pagkamalikhain sa ginawang islogan | Di-masyadong nagpakita ng pagkamalikhain sa ginawang islogan |
| Kabuuan | 15 Puntos |
Tayahin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Ano ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew?
A. Zionism
B. Holocaust
C. Sepoy mutiny
D. Jew massacreSila ang mga sundalong Hindu sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857; mga sundalo na lumalaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at makakabuti sa marami.
A. Sepoy
B. Mandirigma
C. Militar
D. KawalIto ay hango sa relihiyong Jainism na nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o “non-violence”, ano ang tawag dito?
A. Pilgrimage
B. Sati
C. Ahimsa
D. Hunger StrikeAnong mga bansa sa Kanlurang Asya ang mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770?
A. Armenia at Saudi Arabia
B. Lebanon at Egypt
C. India at Syria
D. Egypt at PakistanSino ang kauna-unahang punong ministro ng India nang matamo nito ang kalayaan mula sa mga Ingles?
A. Ali Jinnah
B. Allan Hume
C. Jawaharlal Nehru
D. Mahatma GandhiSino ang nanguna sa pagtatag ng Muslim League noong 1905 na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin?
- A. Mohamed Ali Jinnah
- B. Mohandas Gandhi
- C. Allan Hume
- D. Jawaharlal Nehru
Naganap ito noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay ng mga batang babae, ito ang unang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga Ingles, ano ang tawag dito?
- A. Sepoy mutiny
- B. Muslim league
- C. Amritsar massacre
- D. Zionism
Ang layunin ng samahan na ito ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Ano ang samahang ito na pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah?
- A. State League
- B. Muslim League
- C. Jinnah League
- D. System League
Siya ay isang Ingles na nanguna at gumabay sa pagtatag ng Indian National Congress upang makalaya ang India sa mga Ingles noong 1884-1885?
- A. Allan Hume
- B. Salman Rushdie
- C. Mustafa Kemal Ataturk
- D. Ibn Saud
Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Ano ang binuo ng mga propesyunal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India?
- A. Zionism
- B. Muslim League
- C. Indian National Congress
- D. Amritsar massacre
Ano ang tawag sa pangyayaring naganap sa mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na kung saan sila ay umuwi sa Palestine upang muli nilang pag-aralan ang kanilang wika at buhayin ang sariling kultura?
- A. Indian National League
- B. Sepoy mutiny
- C. Zionism
- D. Holocaust
Ano naging dahilan upang unti-unting magkaroon ng kamalayan at kaisahan ang mga Indian?
- A. Nang maging malaya ang mga Ingles
- B. Nang masakop ng mga Ingles ang India
- C. Nang naisin nila
- D. Nang matapos ang digmaan
Kailan natamo ng India ang kalayaan mula sa kamay ng mga Ingles?
- A. Agosto 15, 1947
- B. Agosto 10, 1947
- C. Agosto 16, 1946
- D. Agosto 10, 1946
Ano ang tawag sa isang pangyayari na kung saan naganap ang pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng mga Indian sa isang selebrasyong indu noong Abril 13, 1919?
- A. Amritsar Massacre
- B. Muslim League
- C. Sepoy Mutiny
- D. Zionism
Tumutukoy ito sa pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa, isang damdamin na naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan.
- A. Kolonyalismo
- B. Imperyalismo
- C. Nasyonalismo
- D. Ahimsa
Karagdagang Gawain
Gawain: I-collage Mo
Panuto: Magsaliksik ng dalawang personalidad na taga- Timog Asya at dalawa din sa Kanlurang Asya na naging instrumento sa pagbabago sa kanilang bansa sa kasalukuyang panahon. Humanap ka ng mga larawan at ng kanilang mga inilunsad na gawaing naging instrumento sa pagbabago. Ipakita ito sa pamamagitan ng isang picture collage. Gawin mo ito sa isang buong papel. Kinakailangang magpakita ito ng sumusunod:
Rubrik sa Pagmamarka ng Collage
| Pamantayan | 5 | 4 | 3 |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Napakalinaw at maayos ang nilalaman | Malinaw at maayos ang nilalaman | Di- masyadong malinaw ang nilalaman |
| Organisasyon | Talagang wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Wasto ang pag-organisa ng mga ideya | Di-masyadong wasto ang pag-organisa ng mga ideya |
| Pagkamalikhain | Lubos na nagpakita ng pagkamalikhain sa kaniyang collage. | Nagpakita ng pagkamalikhain sa kaniyang collage. | Di- masyadong nagpakita ng pagkamalikhain sa kaniyang collage. |
| Kabuuan | 15 Puntos |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; the five columns are transcribed below in module order, SUBUKIN, TAYAHIN, PAGYAMANIN, TUKLASIN, BALIKAN]
SUBUKIN
- C
- A
- A
- B
- C
- C
- A
- B
- A
- A
- C
- B
- C
- A
- B
TAYAHIN
- B
- A
- C
- B
- C
- A
- A
- B
- A
- C
- C
- B
- A
- A
- C
PAGYAMANIN
Gawain 1 Titik-Punan Mo
- Zionism
- Ahimsa
- Nasyonalismo
- Muslim League
- Amritsar Massacre
Gawain 3
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
- Mali
TUKLASIN
- Nasyonalismo
- Ahimsa
- Imperyalismo
- Amritsar Massacre
- Sepoy Mutiny
BALIKAN
- Tama
- Tama
- Tama
- Mali
- Mali
Sanggunian
Aklat
Mateo, Grace Estela C., Ricardo T. Jose, Ma. Luisa T. Camagay, Evelyn A. Miranda, at Celestina P. Boncan. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan- Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2016.
Modyul
Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City: Eduresources Publishing, Inc., 2014.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply