This is the Araling Panlipunan 7 (Social Studies) self-learning module for Quarter 3, Module 7: “Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano” (the role of religion in the way of life of Asians). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region for Grade 7 learners studying at home. It introduces the major religions of South and Southwest Asia, their teachings and doctrines, and how they shape Asian life.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Name the religions of South and Southwest Asia (Timog at Timog-Kanlurang Asya) and their teachings and doctrines.
- Identify the role religion plays in different aspects of the lives of Asians in these regions.
- Value the role religion plays in different aspects of Asian life.
The module is built on this Most Essential Learning Competency: Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay (assesses the role of religion in various aspects of life), AP7TKA-III-g-1.21.
It supports the quarter’s content and performance standards on change, development, and continuity in South and Southwest Asia during the transitional and modern periods (16th to 20th century).
The module explains that the word religion comes from the Latin re-ligare, which it translates as “pagbubuklod at pagbabalik-loob” (binding together and returning). Followers base their actions on their religion’s teachings, doctrines, and beliefs.
Religions of South Asia
Hinduismo (Hinduism)
- The main religion of India. The Aryans were the first to follow it.
- Its holy scripture is the Veda.
- Key beliefs:
- Polytheism: worship of many gods.
- Reinkarnasyon: rebirth in another form.
- Karma: reward for good deeds, suffering for bad ones.
- Samsara: the soul moving from body to body.
- The caste system ranks people by profession or duty:
- Brahmin: priests and scholars
- Kshatriyas: warriors
- Vaishyas: farmers and traders
- Sudras: slaves and laborers
- Outside the castes are the “Untouchables” or “Outcastes.”
- The soul is purified through good deeds until it reaches Nirvana and becomes one with Brahman. Yoga and Dharma (the law of moral order) help along the way.
Buddhismo (Buddhism)
- Founded by Siddhartha Gautama, a prince born in 563 B.C. He gave up his riches to seek enlightenment.
- It arose in India when people grew weary of the caste system.
- The module lists its core teachings, the Four Noble Truths. The first is that desire is the cause of suffering.
- It also lists the Eightfold Path (Walong Dakilang Daan), which includes right thinking, right speech, right action, and right livelihood.
Jainismo (Jainism)
- According to the Veda, it was founded by Rsabha. Its greatest leader was Prince Vardhamana, or Mahavira.
- It stresses asceticism (asetismo): self-denial and strict penance to overcome bodily greed.
- It also teaches ahimsa (non-violence).
- Its holy books are the 46 agamas.
- Nirvana is reached through the three jewels of the soul: right conviction, right knowledge, and right conduct.
Sikhismo (Sikhism)
- It arose from religious conflict between Hinduism and Islam. It teaches that Hindus and Muslims alike are brothers.
- Founded by Guru Nanak.
- Followers seek to end the cycle of birth and death through the guru’s teachings, meditation, and service.
- They also work to overcome the Five Cardinal Vices: lust, anger, greed, worldliness, and pride.
Religions of Southwest Asia
| Religion | Key figure | Holy book | Key teachings |
|---|---|---|---|
| Judaismo (Judaism) | Moses, the greatest leader; patriarchs Abraham, Isaac, Jacob | Torah (“law and teaching”), the five books of Moses | Belief in one God, Yahweh; the Ten Commandments |
| Kristiyanismo (Christianity) | Jesus Christ | Bible (Old and New Testament) | Holy Trinity; belief in Jesus as Son of God and in his resurrection; Seven Sacraments |
| Islam | Prophet Muhammad, the last messenger | Qur’an | One God, Allah; Risalah (prophethood); Five Pillars |
| Zoroastrianismo (Zoroastrianism) | Zarathustra (Zoroaster) | Zend Avesta | Ahura Mazda, the supreme god, leads good against Ahriman (Angra Mainyu); good will win in the end |
The Five Pillars of Islam are:
- Shahadah (declaring the faith)
- Salah (prayer)
- Zakat (charity)
- Sawm (fasting in Ramadan)
- Hajj (pilgrimage to Makkah)
The module notes that “Islam” comes from the Arabic root Aslama, meaning peace and submission to the will of Allah.
How to use this module
The module follows this order:
- Alamin: learning objectives and competency.
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
- Balikan: a bubble map reviewing nationalism from the previous lesson.
- Tuklasin: “Hularawan,” a picture-and-jumbled-letters puzzle naming religions and their founders.
- Suriin: the main reading, followed by processing questions.
- Pagyamanin: a crossword, a true-or-false (T/M) exercise, and listing five benefits of religion.
- Isaisip: completing sayings such as “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
- Isagawa: a reflection on an image with the message “Embrace Cultural and Religious Diversity.”
- Tayahin: a 15-item post-test.
- Karagdagang Gawain: a graphic organizer on how religion influences society, arts and culture, politics, and values.
- For learners: Write all answers in your notebook, not on the module. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to follow.
- For parents: The answer key covers the pretest, post-test, crossword, true-or-false exercise, and Hularawan. The reflection and writing tasks have no fixed answers.
- For teachers: The teacher’s note says each lesson’s activities are designed for a three-day session. You are encouraged to adapt them to your learners’ interests and abilities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 7.
Which religions does the module cover?
It covers Hinduism, Buddhism, Jainism, and Sikhism in South Asia. For Southwest Asia, it covers Judaism, Christianity, Islam, and Zoroastrianism.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and post-test, the crossword, the true-or-false exercise, and the Hularawan activity.
What is the competency code of this module?
The module prints the Most Essential Learning Competency code AP7TKA-III-g-1.21.
What does the word religion mean according to the module?
The module says it comes from the Latin re-ligare. It translates this as binding together and returning (pagbubuklod at pagbabalik-loob).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q3_AP7_Module7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano
7
[illustration: students studying outdoors under a tree, a teacher helping students at a desk, and a boy working by lamplight with a globe in front]
CO_Q3_AP7_Module7
HINDI IPINAGBIBILI PAG-AARI NG PAMAHALAAN
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng __________________
Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8634-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Michaela G. Doguitom Editor: Jouilyn O. Agot Tagasuri: Nimfa V. Alaska Tagaguhit: Karl Gabriel G. Buenafe Tagalapat: Liezl O. Arosio, Elizalde L. Piol Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand touching a circular button icon]
Ang likas na yaman ng mga Asyano ay hitik, ganoon din naman ang mga relihiyong kinabibilangan nito. Hindi kataka-taka na maaring sa Asya isinilang ang mga relihiyon sa daigdig sapagkat iba ang paggalang at pagturing ng mga Asyano kung ang pag-uusapan ay relasyon ng tao at ng lumikha o Diyos.
Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na ”re-ligare” na ang ibig sabihin ay ‘pagbubuklod at pagbabalik-loob’. Ang relihiyon ay naging bahagi na ng buhay ng mga tagasunod at dito na rin nila ibinabatay ang kanilang mga ikinikilos at ginagawa. May kani-kaniyang mga aral, doktrina, at paniniwalang sinusunod.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Naiisa-isa ang mga relihiyon sa Timog at Timog-Kanlurang Asya gayundin ang mga aral at doktrina nito;
- Natutukoy ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya; at
- Nabibigyang halaga ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutunan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag- unlad at pagpapatuloy sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
➢ Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay AP7TKA-III-g-1.21
1
CO_Q3_AP7_Module7
2
CO_Q3_AP7_Module7
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
Paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
A. Karma C. Reinkarnasyon
B. Polytheism D. VedaIsa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo ng Brahmin, Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang Caste?
A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin
B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian
C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay
D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kulturaBinigyang-diin ng relihiyong Jainismo ang asetismo. Paano ito isinasagawa ng mga tagasunod nito?
A. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop at anomang may halong dugo
B. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensiya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
C. Mahigpit na pagsunod sa pamamagitan ng pagsamba
D. Pagpapakasakit at penitensiya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon na estado na tinatawag na Nirvana. Ano ang kailangang gawin upang matulungang makamit ang Nirvana?
A. Disiplinahin ang sarili sa pamamagitan ng ayuno
B. Disiplinang kailangang buuin sa pamamagitan ng yoga
C. Disiplina sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa
D. Disiplina na kailangang buuin sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos-diyosanAno ang naging resulta ng sigalot pangrelihiyon ng Hinduismo at Islam?
A. Umusbong ang Digmaang Pangrelihiyon
B. Pagkakasundo ng mga Hindu at Arabo
C. Umusbong ang relihiyong Sikhismo
D. Pagkakabuo ng Qur’anTerminolohiyang tumutukoy sa taong isinuko ang luho sa buhay, namumuhay nang payak na mistulang pulubi at naglilinis ng kaluluwa.
A. Asetiko C. Jains
B. Hudyo D. Muslim
3
CO_Q3_AP7_Module7
Sa Islam, ang kawing ng Risalah ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, at Hesus, at nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. Ano ang kahulugan ng Risalah?
A. Pagkapropeta at Pagkasugo C. Pagkabuhay Muli
B. Pagkabayani D. TagapagtubosAno ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai?
A. Ang Sampung Utos C. Kaaba
B. Apat na Banal na Katotohanan D. ShahadaGaano kahalaga ang Torah sa mga Jew?
A. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo
B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos, kasabihan, at paniniwalang Islam
C. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan
D. Ang Torah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang kasalanan ng tao at pinakasentro ng pag-aaral ng KristiyanismoNaniniwala ang Katolisismo sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala:
A. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Hudyo at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.
B. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.
C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng isang ibon at huhusgahan ang mga makasalanan
D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan ay mabibiyayaan ng magandang buhay at karangyaan sa lupa.Ang mga Hindu ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga sumusunod na generasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan.
A. Ahimsa C. Nirvana
B. Kojiki D. SamsaraSino ang mga taong sumulat ng buhay, turo, at aral ni Hesus?
A. Abraham C. John the Baptist
B. Apostoles D. EvangelistaZoroastriyanismo: _________________ ; __________________: Mahavira
A. Zarathustra; Jainismo C. Judaismo; Guru Nanak
B. Jew; Hesus D. Sikhismo; BuddhismoJudaismo: Torah; Islam: __________________
A. Hadith C. Surah
B. Sunni D. Qur’anSidharta Gautama: __________________; Hesus: ___________________
A. Buddhismo; Hinduismo C. Zoroastriyanismo; Hinduismo
B. Buddhismo; Kristiyanismo D. Zoroastriyanismo; Kristiyanismo
4
CO_Q3_AP7_Module7
Aralin 1: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano
Natalakay natin sa nakaraang aralin ang kahalagahan ng bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya.
Natatandaan mo ba ang mga ito? Ngayon naman halika na, simulan natin ang bagong aralin at sagutin ang mga gawain.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Gawain 1: Bubble Map
Panuto: Isulat ang mga salita at pangungusap na kaugnay at tumutukoy sa konsepto ng Nasyonalismo. Kopyahin at isulat sa kwaderno.
[chart: bubble map; Gawain 1: Bubble Map] Center: NASYONALISMO Four empty bubbles connected to the center by arrows (top, left, right, bottom).
Mga Tanong: Kopyahin ang tanong at isulat sa kuwaderno ang sagot.
- Ano-ano ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagwakas ng imperyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya? Ipaliwanag.
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng word web, hularawan, crossword, dugtungan graphic organizer, larawan at repleksiyon, pag-unawa sa teksto atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Tuklasin
Ikaw ba ay sabik nang magpatuloy na matuto at madagdagan ang kaalaman sa modyul na ito? Halina’t sagutin ang mga gawain at subukang lawakan ang pangunawa upang magkaroon ng kaalaman at ideya sa layuning nais iparating.
Gawain 1: Hularawan
Panuto: Tukuyin ang relihiyon at tao na nakasaad sa larawan. Isulat ang tamang sagot sa kuwaderno.
A.
[illustration: seated figure in meditation under a canopy, with a decorative base]
IAINSOMJ → _____________________
B.
[illustration: open book with a cross and a rosary]
TIYASIRKNIMOS → _____________________
C.
[illustration: bearded man raising one hand, wearing a head covering]
URUG KANAN → _____________________
D.
[illustration: geometric star pattern containing religious objects]
AISMDUJO → _____________________
E.
[illustration: seated figure silhouette with ornate patterns]
UDDBHISOM → _____________________
F.
[illustration: bearded man wearing a turban]
TRATHUSARAZ → _____________________
G.
[illustration: crescent moon, star, and mosque silhouette]
LASMI → _____________________
Suriin
MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA
Hinduismo
Ang pangunahing relihiyon sa India ay Hinduismo. Ang mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos na mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay napalitan ng pagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ang indibidwal na pagsamba ginagalang ng Hinduismo; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar.
Paniniwala ng mga Hindu
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang espirituwal. Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Polytheism ang tawag sa kanilang pagsamba sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos. Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang. Naniniwala rin sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Anoman ang kaniyang antas sa lipunan naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay kinakailangang magsikap sa buhay at ito ay dapat na inaalay sa Diyos.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin. Ang sistemang caste ay binubuo ng Brahmin (mga pari at pantas), Kshatriyas (mandirigma), Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at manggagawa). Ang “Untouchables” o “Outcastes” naman ay ang tawag sa mga taong di kabilang sa alinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain.
Ang Hinduismo ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”, dala-dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang buhay ayon sa batas ng Karma. Ang kaluluwa ay
nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon sa estado na tinatawag na Nirvana. Upang matulungang makamit ang Nirvana, may disiplinang kailangang buuin na tinaguriang yoga. Liban dito, ang batas ng moral na kaayusan o Dharma ay nararapat ding sundin upang madiskubre ng isang indibidwal ang kanyang sarili.
Buddhismo
Ang Buddhismo ay itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko niya ang karangyaan, luho, at masarap na buhay. Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan.
Sumibol ang Buddhismo ng mga 2500 taon nang nakakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim ng pagkabagot sa relihiyong Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Napanghinaan ng loob at nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Taong 563 B.C., sa panahong ito, isinilang si Buddha, anak ng Haring Suddhodhana at Reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Pinangalanan nila ng Siddhartha Gautama ang batang magiging si Buddha.
Nakita at napagtanto ni Siddhartha ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda, at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na monghe hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy si Siddhartha sa kanyang meditasyon hangang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na mula sa mabuti, kailangang magmula sa mabuti, at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Napagtanto niyang ito ang susi sa karunungan. Nagtungo si Siddhartha Gautama sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang “Ang sermon sa Banares”.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo
- Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
- Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
- Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana.
Walong Dakilang Daan
- Tamang Pag-iisip
- Tamang Aspirasyon
- Tamang Pananaw
- Tamang Intensiyon
- Tamang Pagsasalita
- Tamang Pagkilos
- Tamang Hanapbuhay
- Tamang Pagkaunawa
Jainismo
Isa sa mga relihiyon sa India ang Jainismo. Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni Rsabha, subalit ang naging pinakapinuno ng Jainismo ay si Prinsipe Vardhamana o
Mahavira na tinaguriang “Ang dakilang bayani”. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.
Mga Doktrina ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao. Binibigyang-diin din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
Naniniwala si Mahavira sa AHIMSA (non-violence) o ang kawalan ng pananakit na nagbibigay dangal sa buhay. Itinuro rin niya na ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging magaan kapag sumusunod ito sa banal na batas ng buhay.
Itinuro ni Mahavira ang doktrina sa mga tao ng tatlumpong taon. Matapos mamatay si Mahavira, ang mga disipulo niya ay inipon ang kanyang sermon sa apatnaput-anim na libro na tinawag na agamas at ito ang naging banal na aklat ng Jainismo.
Ang nirvana ayon sa mga Jains ay makakamit sa pamamagitan ng tatlong hiyas ng kaluluwa. Ang mga ito ay ang tamang kumbiksyon, tamang karunungan, at tamang pag-uugali. Ang turo ni Mahavira ay hindi nagkaroon ng ugat sa labas ng India. Kahit sa India, hindi ito naging matagumpay at sa ngayon ay papaunti na ang mga tagasunod nito. May natitira na lamang sa India ng mahigit kumulang isa’t kalahating milyong Jains sa kasalukuyan.
Sikhismo
Umusbong ang relihiyong Sikhismo sa panahon ng hindi pagkakaunawaang panrelihiyon ng Hinduismo at Islam. Naging bunga nito ang pagbuo ng isang relihiyon na may pagkakapatiran. Hindu man o Muslim lahat ay dapat magkakasama at magkakapatid.
Itinatag ang Sikhismo ng unang guru na si Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru Nanak.
Mga Paniniwala ng Sikhismo
Ang mga tagasunod ng Sikhismo ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. Kailangang masagip ang mga tao; kung hindi, sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang. Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay.
Sa Sikhismo, ang pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos. Ito ay magagawa sa paraan ng pagsunod sa mga turo ng guru, meditasyon, at pagseserbisyo o pagkakawanggawa. Maliligtas ang tao kung masusupil o mapaglalabanan ang Limang Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) – pagnanasang pansekswal, galit, kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan.
MGA RELIHIYON SA TIMOG-KANLURANG ASYA
Judaismo
Ang Judaismo ay relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy.
Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham, Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses.
Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay:
- Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
- Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
- Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
- Igalang mo ang iyong ama at ina.
- Huwag kang papatay.
- Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
- Huwag kang magnanakaw.
- Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
- Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10.Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
Kristiyanismo
Pinakamalaking bilang ang Kristiyanismo sa lahat ng mga relihiyon sa mundo ayon sa dami ng mga tagasunod, naniniwala at kasapi nito. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus. Nagmula ang Kristiyanismo sa relihiyong Judaismo. Si Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Kristo Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya.
Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika. Naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay. Bahagi ng paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.
Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano na nahahati sa dalawang aklat, ang Lumang Tipan at ang bagong Tipan. Si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem. Namulat at lumaki bilang isang Jew. Sa edad na 30 sinimulan ni Hesus ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos.
Maraming naniwala, nakinig, at sumunod sa kanyang mga tinuran subalit may mga iilang Jew o Hudyo ay taliwas at hindi nais sundin kahit mapakinggan manlamang ang kanyang mga turo at gawain. Sa kadahilanang ito siya ay ipinahuli, pinahirapan, ipinako sa krus, at namatay. Matapos ang tatlong araw, muli siyang nabuhay at umakyat sa Diyos Ama sa langit.
Islam
Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na nangangahulugan ng “kapayapaan, kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan”. ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay na Diyos na ginagamit ng mga Muslim. Ang isang taong malaya at tinatanggap niya ng may kabatiran ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taos-pusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’.
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah, na ipinahayag kay Propeta Muhammad. Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah. Simula ng nilikha ang unang tao, si Allah ay nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na maniwala sa Isang Diyos. Ang mga propetang tumanggap ng mga aklat mula kay Allah ay tinawag na mga sugo. Sa tuwing ang mga aral ng propeta ay nasira ng mga tao si Allah ay nagpapadala ng panibagong propeta upang ibalik ang sangkatauhan sa Tuwid na Landas. Ang kawing ng Risalah (nangangahulugan ng Pagkapropeta at Pagkasugo) ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, Hesus, at nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan.
Limang Haligi ng Islam
- Shahadah [Pagsaksi at Pagpapahayag ng Pananampalataya]
- Salah [Tungkuling Pagdarasal]
- Zakat [Itinakdang Kawanggawa]
- Sawm [Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan]
- Hajj [Paglalakbay sa Makkah]
Zoroastrianismo
Kabilang ang Zoroastriyanismo sa isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni Zarathustra na kilala rin sa ngalan na Zoroaster sa bansang Greece o Zarathosht sa bansang India at Iran. Turo ng propetang si Zoroaster na ang Diyos ay si Ahura Mazda, tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig. Zend Avesta ang banal na aklat o sulatin ng Zoroastrianismo.
Naniniwala ang Zoroastriyanismo na ang daigdig ay may dalawang pwersa na naglalaban, ang mabuti at masamang pag-iisip. Ayon sa relihiyong ito ang buhay sa daigdig ay pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang kataas-taasang diyos; samantalang ang kasamaan ay pinanangasiwaan ni Ahriman, ang diyablong espiritu o kilala rin sa tawag na Angra Mainyu
Malalabanan ang kasamaan sa paggawa ng kabutihan at tanging pagpapalaganap ng liwanag ang makakawakas sa kadiliman. Pag-ibig, ang makaaalis ng galit, hidwaan, at bangayan. Kabutihan ang mananaig sa huling yugto ng mundo.
(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Department of Education. 2014, 155-159.)
(Pinagkunan: Britannica Encyclopedia of World Religions, Encyclopedia Britannica, Inc., 2006, 12,439,459.)
(Pinagkunan: “Ease Module 14: Ang Mundo Ng Kabanalan Sa Asya.” Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. 5 September, 2014, 14-24.)
Pamprosesong Tanong
Kopyahin ang mga tanong at isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
- Batay sa mga relihiyong nailatag, anong relihiyon ang iyong kinabibilangan?
- Ano-ano ang doktrina, aral, at mahahalagang kautusan ang kahalintulad na mayroon sa relihiyong iyong kinabibilangan? Ipaliwanag.
- Paano nakaaapekto at nakatutulong sa mga Asyano ang pagsasabuhay ng mga doktrina, aral, at kautusan ng bawat relihiyon? Ipaliwanag.
- Paano nakaimpluwensiya ang mga relihiyon sa aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya?
- Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan at kinabibilangan? Ipaliwanag.
Pagyamanin
Gawain 1: Crossword
Panuto: Punan ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
[chart: crossword grid; Gawain 1: Crossword. Blank grid with cells numbered 1 to 10 as shown in the printed puzzle. Values are not labeled on the chart.]
PAHALANG
- Itinatag ni Mahavira
- Pinakamatandang Relihiyon
- Pangunahing relihiyon sa India
- Itinatag ni Hesu-Kristo
- Batas at Aral
PABABA
- Relihiyon ng Muslim
- Taong di kabilang sa alinmang pangkat
- Itinatag ni Zarathustra
- Itinatag ni Sidharta Gautama
- Kapayapaan
Gawain 2
Isulat ang titik T kung TAMA ang pahayag at titik M naman kung MALI ang isinasaad sa pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
- Ang outcast ay mga taong kabilang sa pinakamataas na pangkat ng mamamayan sa lipunan.
- Si Abraham ang kinikilalang tagapagtatag ng Kristiyanismo.
- Ang mga Hindu ang sumasamba sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na tinatawag na polytheism.
- Ang Zoroastrianismo ay itinatag ni Guro Nanak.
- Ang paniniwala ng mga Hudyo sa iisang Diyos ay tinatawag na monotheism.
Gawain 3
Sumulat ng limang pakinabang at kahalagahan ng relihiyon sa mga Asyano. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
Isaisip
Gawain: Dugtungan
Panuto: Kopyahin at isulat ang karugtong na mensahe sa kuwaderno.
“Ang lahat ng nangyayari at kinahihinatnan ng buhay ng tao ay naayon sa plano ng Diyos.” Para sa akin, ang mensahe nito ay _____ _____.
“May Utos ang Diyos at Batas ang Tao.” Para sa akin _____ _____.
“Ang nararanasan nating hinagpis sa buhay ay bunga ng mga maling aksiyon natin sa nakaraan.” Para sa akin, ang mensahe nito ay _____ _____ .
“Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.” Para sa akin, ang mensahe nito ay _____ _____ .
Isagawa
Gawain: Larawan Repleksyon
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang mensahe.
[illustration: hands surrounding symbols of world religions (cross, crescent and star, dharma wheel, yin and yang, pentagram, Star of David, and Om), with the words in the center]
Embrace Cultural and Religious Diversity
Ang mensahe ng larawan ay _____
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
Paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
- A. Karma
- B. Polytheism
- C. Reinkarnasyon
- D. Veda
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo Brahmin, Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang Caste?
- A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin
- B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian
- C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay
- D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura
Binigyang-diin ng relihiyong Jainismo ang asetismo. Paano ito isinasagawa ng mga tagasunod nito?
- A. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop at anomang may halong dugo
- B. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensiya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
- C. Mahigpit na pagsunod sa pamamagitan ng pagsamba
- D. Pagpapakasakit at penitensiya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.
Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon na estado na tinatawag na Nirvana. Ano ang kailangang gawin upang matulungang makamit ang Nirvana?
- A. Disiplinahin ang sarili sa pamamagitan ng ayuno
- B. Disiplinang kailangang buuin sa pamamagitan ng yoga
- C. Disiplina sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa
- D. Disiplina na kailangang buuin sa pamamagitan ng pagsamba sa diyos-diyosan
Ano ang naging resulta ng sigalot pangrelihiyon ng Hinduismo at Islam?
- A. Umusbong ang Digmaang Pangrelihiyon
- B. Pagkakasundo ng mga Hindu at Arabo
- C. Umusbong ang relihiyong Sikhismo
- D. Pagkakabuo ng Qur’an
Terminolohiyang tumutukoy sa taong isinuko ang luho sa buhay, namumuhay nang payak na mistulang pulubi at naglilinis ng kaluluwa.
- A. Asetiko
- B. Hudyo
- C. Jains
- D. Muslim
Sa Islam, ang kawing ng Risalah ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, at Hesus, at nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. Ano ang kahulugan ng Risalah?
- A. Pagkapropeta at Pagkasugo
- B. Pagkabayani
- C. Pagkabuhay Muli
- D. Tagapagtubos
Ano ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai?
- A. Ang Sampung Utos
- B. Apat na Banal na Katotohanan
- C. Kaaba
- D. Shahada
Gaano kahalaga ang Torah sa mga Jew?
- A. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo
- B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos, kasabihan, at paniniwalang Islam
- C. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan
- D. Ang Torah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang kasalanan ng tao at pinakasentro ng pag- aaral ng Kristiyanismo
Naniniwala ang Katolisismo sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala:
- A. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Hudyo at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.
- B. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.
- C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng isang ibon at huhusgahan ang mga makasalanan
- D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan ay mabibiyayaan ng magandang buhay at karangyaan sa lupa.
Ang mga Hindu ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga sumusunod na generasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan.
- A. Ahimsa
- B. Kojiki
- C. Nirvana
- D. Samsara
Sino ang mga taong sumulat ng buhay, turo, at aral ni Hesus?
- A. Abraham
- B. Apostoles
- C. John the Baptist
- D. Evangelista
Zoroastriyanismo: _____; _____: Mahavira
- A. Zarathustra; Jainismo
- B. Jew; Hesus
- C. Judaismo; Guru Nanak
- D. Sikhismo; Buddhismo
Judaismo: Torah; Islam: _____
- A. Hadith
- B. Sunni
- C. Surah
- D. Qur’an
Sidharta Gautama: _____; Hesus: _____
- A. Buddhismo; Hinduismo
- B. Buddhismo; Kristiyanismo
- C. Zoroastriyanismo; Hinduismo
- D. Zoroastriyanismo; Kristiyanismo
Karagdagang Gawain
Gawain 1
Punan ng kaugnay na sagot ang graphic organizer. Iguhit at sagutan sa kuwaderno.
[chart: graphic organizer; Impluwensiya ng Relihiyon]
- IMPLUWENSIYA NG RELIHIYON (top box)
- LIPUNAN
- SINING AT KULTURA
- POLITIKA
- PAGPAPAHALAGA / MORALIDAD
Each of the four boxes has an arrow pointing down to an empty answer box.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections are transcribed in the order they read once the page is turned upright]
Pagyamanin
Gawain 1: Crossword
- Jainismo
- Islam
- Judaismo
- Outcastes
- Zorostrianismo
- Hinduismo
- Buddhismo
- Kristiyanismo
- Torah
- Aslama
Gawain 2
- M
- M
- T
- M
- T
Tuklasin
Gawain 1: Hularawan
- a. Buddhismo
- b. Jainismo
- c. Guru Nanak o Sikhismo
- d. Judaismo
- e. Islam
- f. Zoroastro / Zoroastrianismo
- g. Kristiyanismo
Subukin at Tayahin
- C
- A
- B
- B
- C
- A
- A
- A
- A
- B
- D
- D
- A
- D
- B
Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya: “Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”. Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral. Pasig City: Department of Education, 2014.
“Britannica Encyclopedia of World Religions“. Encyclopedia Britannica, Inc., 2006
Modyul
“Ease Module 14: Ang Mundo Ng Kabanalan Sa Asya.” Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. 5 September, 2 [transcriber’s note: the citation appears cut off at the edge of the page]
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply