This is the Araling Panlipunan Grade 7 (Ikapitong Baitang) self-learning module for the third quarter (Ikatlong Markahan), Module 8: “Anyo at Tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Timog-Kanlurang Asya” (forms of and responses to neocolonialism in South and West Asia). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region under the Alternative Delivery Mode for learners studying at home. After working through it, learners should be able to explain what neocolonialism is, name its forms and effects, and describe how countries in the region responded to it.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Know the meaning of neocolonialism (Nalalaman ang kahulugan ng Neokolonyalismo).
- Identify the different forms of and responses to neocolonialism in South and West Asia.
- Appreciate how the people of South and West Asia responded to neocolonialism.
The module is tied to this Most Essential Learning Competency (Pamantayang Pampagkatuto):
- Nasusuri ang mga anyo at tugon sa Neokolonyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya (analyzes the forms of and responses to neocolonialism in South and West Asia), AP7TKA-IIIh-1.24 (Week 7)
It also supports the quarter’s content and performance standards: understanding, and critically analyzing, the changes, development, and continuity in South and West Asia during the transitional and modern periods (16th to 20th century).
Key ideas in the module
What is neocolonialism?
After World War II, countries such as India, Pakistan, and the Philippines gained their independence. Still, powerful countries wanted to keep their interests in their former colonies. The module defines neocolonialism (neokolonyalismo) as a new kind of exploitation of poorer countries: in political science, it is a former colonizer keeping control over its former colony, but in a quieter, hidden way.
Key points from the discussion:
- The goals of this control were to secure the colonizer’s investments, prevent true independence, and gain bigger business profits.
- Its most important tools were new methods of industrial and financial investment.
- Third World countries with weak economies are the most affected, because they depend on First World countries with developed economies and industries.
- The module names the Super Powers, Russia and the United States, as examples of powerful countries.
- Western countries raced to control West Asia after discovering its oil and petroleum. Saudi Arabia, Kuwait, and Iraq hold large oil reserves and belong to the Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC), which the module describes as controlling oil prices in world trade.
Types of neocolonialism (Mga Uri ng Neokolonyalismo)
| Type | What it looks like |
|---|---|
| Ekonomiko (economic) | Aid and loans that seem to help a country develop but tie it to policies that favor the lender |
| Kultural (cultural) | Foreign music, dances, shows, and reading materials valued more than a people’s own works |
| Politikal (political) | Quiet control of how poorer countries are governed, such as their elections |
| Pangmilitar (military) | A Western country helping former colonies that are at risk of invasion by another country |
Forms of neocolonialism in South and West Asia
- Dayuhang Pautang (Foreign Debt): a strong country lends to international organizations or to a poor country, usually with conditions set before the loan is granted.
- Debt Trap: poor countries are unable to get out of their debts.
- Covert Operation: usually done for political or military reasons.
Effects of neocolonialism
- Overdependence (labis na pagdepende sa iba): people rely too much on rich countries, especially the United States.
- Loss of Pride (kawalan ng karangalan): people come to believe that everything from the West is good, and lose interest in their own culture and products.
- Continued Enslavement (patuloy na pang-aalipin): small countries stay bound to the colonial and capitalist interests of the West.
How countries in the region responded
- Turkey accepted financial aid from the United States under President Harry S. Truman, together with economic and military agreements. The module says Turkey developed because of its economic liberalism and continued foreign aid.
- Saudi Arabia, under King Ibn Saud, reached an agreement with the Arabian American Oil Company (ARAMCO) so that 50% of the company’s income would go to Saudi Arabia. In exchange for technical help and permission to buy arms under the Mutual Defense Assistance Act, the United States kept using its military base in Dharan.
- Other groups formed organizations and showed nationalism, such as the Palestinian Liberation Organization (PLO). The module notes that Israelis regarded it as a terrorist group, while Arabs recognized it as a nationalist group.
The module closes the discussion by stressing that standing on one’s own feet, rather than relying on foreign powers, is a sign of love for one’s country.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
- Balikan (review): a word web on the religions that arose in South and West Asia and their roles.
- Tuklasin (discover): “Hu-Larawan!”, a picture puzzle for the words inobasyon (innovation) and neokolonyalismo.
- Suriin (discussion): the lesson on neocolonialism.
- Pagyamanin (practice): suggesting solutions to each effect (Epekto-Solusyon), grouping countries into developed and developing (Pangkatin Mo Ako), and listing and explaining the effects (Lista-Epekto!).
- Isaisip (reflection): a table on the region’s responses and why they matter, with two reflection questions.
- Isagawa (application): a word puzzle and a Fact Storming Web on the influence of neocolonialism.
- Tayahin (assessment): a 15-item post-test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): ten everyday situations to mark with a check if they show neocolonialism and an X if they do not.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet; the module asks you not to write on it so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Guide your child through each part and encourage them to answer on their own before checking the key. The module’s foreword mentions a separate guide for teachers and facilitators with tips for helping at home.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help and the Tayahin post-test to measure learning. The answer key covers the tests, the Karagdagang Gawain, Pagyamanin Gawain 2 and 3, and the word puzzle. Review a few key entries against the lesson discussion before using them for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 8. The competency it covers is coded AP7TKA-IIIh-1.24 and is set for Week 7.
What does neokolonyalismo (neocolonialism) mean in this module?
It is a new and different kind of exploitation of poorer countries, where a former colonizer keeps control over its former colony in a quiet, hidden way, mainly through finance, industry, politics, and culture.
What are the effects of neocolonialism listed in the module?
The module lists three: overdependence on rich countries, loss of pride in one’s own culture and products, and continued enslavement to Western colonial and capitalist interests.
Which countries’ responses to neocolonialism does the module discuss?
It discusses Turkey accepting U.S. financial aid under President Truman, Saudi Arabia’s 50% income agreement with ARAMCO and the U.S. base in Dharan, and the nationalism of the Palestinian Liberation Organization.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for the pretest, the post-test, the additional activity, two Pagyamanin activities, and the word puzzle.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 8: Anyo at Tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Timog-Kanlurang Asya
7
CO_Q3_Araling Panlipunan7_Module 8
[illustration: students reading and studying outdoors and at home, with a globe and a lamp; cover artwork]
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Anyo at Tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Timog-Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax: (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address: region4b@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mary Joy G. Cansino Editor: Jouilyn O. Agot Tagasuri: Villaflor C. Ocampo Tagaguhit: Esrael P. Ramos Tagalapat: Liezl O. Arosio, Florendo S. Galang Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Anyo at Tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Timog-Kanlurang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button, icon beside the section title]
Halina’t simulan natin!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Kaya, halina’t bigyang pansin ang mga katanungan. Kapag narinig mo ang salitang Neokolonyalismo, ano ang pumapasok sa iyong isipan? Ano ang mga anyo at tugon ng mga nasa rehiyon ng Timog at Timog-Kanlurang Asya rito?
Upang mas lubos na maunawaan ang araling ito, halina’t talakayin natin ang iba’t ibang anyo at tugon sa Neokolonyalismo.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Nalalaman ang kahulugan ng Neokolonyalismo;
- Natutukoy ang iba’t ibang anyo at tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Timog-Kanlurang Asya; at
- Napahahalagahan ang ginawang tugon ng mamamayan sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Neokolonyalismo.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
Nasusuri ang mga anyo at tugon sa Neokolonyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya. AP7TKA-IIIh-1.24 (Week 7)
1
CO_Q3_AP7_Module8
Subukin
[illustration: hand holding a pencil, icon beside the section title]
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Anong sistema ang nagwakas sa paglaya ng maraming bansa?
a. Diktadurya
b. Kolonyalismo
c. Facismo
d. NeokolonyalismoAnong uri o paraan ng kolonisasyon ang ipinagtibay ng mauunlad na bansa?
a. Diktadurya
b. Kolonyalismo
c. Facismo
d. NeokolonyalismoAnong bansa ang tinaguriang pinakamalakas at makapangyarihang kapitalista pagkatapos ng digmaan?
a. Britanya
b. China
c. Singapore
d. United States of AmericaAlin sa sumusunod ang naging dahilan ng mga Kanluranin sa pagsakop ng Timog-Kanlurang Asya?
a. Nakita nila ang malapad nitong kalupaan
b. Nakita nilang mayaman ito sa katubigan
c. Wala na silang alam na rehiyon sa Asya na mayaman kaysa sa Timog-Kanluran
d. Natuklasan ng mga Kanluranin ang yamang taglay (petrolyo at langis) ng Timog-KanluranAlin sa sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng Organization of the Petroleum Exporting Countries?
a. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagsuporta sa human rights
b. Ito ay isang organisasyon na nagsisikap na tiyakin ang maayos na suplay at presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan
c. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagpapatakbo ng industriya sa mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo
d. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagbuo ng samahan upang kalabanin ang KanluraninAnong anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagpapautang ng isang bansa na nagtatakda ng mga kondisyon bago pa man makautang ang ibang mga bansa?
a. Covert operation
b. Debt trap
c. Financial debt
d. Foreign Debt
2
CO_Q3_AP7_Module8
Anong uri ng Neokolonyalismo ang nagpapakita ng pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad ng isang bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa mga patakaran na pabor sa kanila?
a. Foreign aid
b. Foreign debt
c. Neokolonyalismo-Ekonomiko
d. Neokolonyalismo-KulturalAlin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tugon ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa neokolonyalismo?
a. Pagtanggap ng tulong pinansiyal mula sa Estados Unidos ng ibang bansa
b. Pakikipagkasundo na pananatilihin ang base-militar ng Estados Unidos sa Dharan
c. Pagpayag sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo ng magkabilang panig
d. Pagsasawalang bahala ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa pamamalakad ng mga KanluraninAng sumusunod ay epekto ng neokolonyalismo MALIBAN sa;
a. Continued enslavement o patuloy na pang-aalipin
b. Pagiging lubos na malaya
c. Loss of pride o kawalan ng karangalan
d. Over dependent o labis na pagdedepende sa ibaAlin sa mga anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa hindi pagkaahon ng mga mahihirap na bansa sa kanilang pagkakautang?
a. Continued enslavement
b. Debt trap
c. Financial debt
d. Foreign debtAno ang naging kapalit sa kahilingan ng bansang Saudi Arabia sa Estados Unidos na magbigay ng 50% kita ng kompanya upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya nito?
a. Pagpapahintulot na sakupin ang Saudi Arabia
b. Pagpapahintulot na tayuan ng base-militar ang Dharan
c. Pagpapahintulot na gumamit ng mga likas na yaman ng Saudi Arabia
d. Pagpapahintulot na panatilihin ang pamamalakad ng Estados Unidos sa bansaAnong anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa karaniwang pampolitika o pangmilitar na usapin?
a. Covert operation
b. Debt trap
c. Financial debt
d. Foreign debtAlin sa mga paraan ang ginamit ng mauunlad na bansa upang maisakatuparan ang neokolonyalismo?
a. Pinansiyal at Industriyal
b. Pinansiyal at Agrikultural
c. Agrikultural at Industriyal
d. Wala sa nabanggit
3
CO_Q3_AP7_Module8
Alin sa sumusunod ang bahaging ginampanan at naging tugon ng Palestenian Liberation Organization sa neokolonyalismo?
a. Isa sa mga organisasyong nagpanatili ng katahimikan sa Timog Asya
b. Organisasyong nagpakita ng kanilang interes sa pagpapalawak ng teritoryo sa Timog-Kanlurang Asya
c. Itinuturing na samahang nasyonalista sa Timog-Kanlurang Asya kung saan nagpakita ng kanilang pagiging makabayan
d. Nasyonalistang organisasyon na hindi ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa Kanluranin dulot ng matinding takotAlin sa mga epekto ng Neokolonyalismo ang nagpapakita na mas pinahahalagahan ng tao ang mga dayuhang musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa kaysa kanilang mga sariling gawa?
a. Inferiority complex
b. Neokolonyalismo-Ekonomiko
c. Neokolonyalismo-Kultural
d. Superiority complex
Aralin 1: Anyo at Tugon sa Neokolonyalismo ng Timog at Kanlurang Asya
Magaling! Isa na namang aralin ang natapos mo! Ngayon, bago tumungo sa susunod na aralin ay sukatin muna ang iyong natutunan sa nakalipas na aralin sa pamamagitan ng inihandang gawain.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece, icon beside the section title]
Gawain: Word Web
Panuto: Magbigay ng iba’t ibang relihiyon na umusbong sa Timog at Timog-Kanlurang Asya at ibigay rin ang bahaging ginampanan nito. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: word web; Gawain: Word Web. Central oval: “Bahaging ginampanan ng iba’t ibang relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya”. Four empty surrounding ovals with no printed labels.]
4
CO_Q3_AP7_Module8
- Paano nakaaapekto ang relihiyon sa aspeto ng buhay ng isang tao?
- Base sa iyong inilaang sagot sa web, ibigay ang mahalagang ginampanan ng relihiyon sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Tuklasin
Gawain: Hu-Larawan!
Panuto: Suriin ang dalawang larawan upang matukoy ang hinahanap na salita. Pagkatapos ay ibigay ang kahulugang nais ipahiwatig ng mga larawan. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.
[illustration: globe with factories, smokestacks, vehicles, and fish, with a hand holding a knife]
I N __ B A S __O N
[illustration: globe with an eagle wearing a top hat]
N__ O K O L __N Y __L I __ M O
Pamprosesong Tanong:
- Ano sa iyong palagay ang mga pagbabagong nangyari sa mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa pagdating ng mga Kanluranin sa kanilang rehiyon?
- Ano kaya ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga naturang bansa?
Suriin
Binabati kita! Isang gawain na naman ang iyong natapos. Ang gawaing iyon ay may kinalaman sa paksang ating tatalakayin. Handa ka na ba? Halina’t talakayin ang paksang ito.
Ano ang Neokolonyalismo?
Ang pinakamahalagang pangyayaring naganap pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig sa mga bansa sa Asya tulad na lamang ng India, Pakistan at Pilipinas ay paggamit ng kalayaan mula sa kamay ng mga makapangyarihang bansa. Ngunit sa kabila nito, mapapansin pa rin ang pagnanais ng mga naturang makapangyarihang bansa na ipagpatuloy ang kanilang interes sa mga nasakop na bansa.
[illustration: a man in a suit beside a globe with a bird and a black oil spill]
Maraming bansa ang lumitaw at namayagpag noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang makabagong uri ng pananakop ay lumitaw upang mapanatili ang kapangyarihan, neokolonyalismo at interbensiyon. Ang neokolonyalismo ay bago at ibang uri ng pananamantala sa mga mahihirap na bansa. Ayon sa agham-politika, ito ang pananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Naging malumanay at patago ang pamamaraan ng pananakop.
Maraming bansa ang naging alipin ng mapagsamantalang mga bansa na ang ginusto lamang ay maging tanyag, kinatatakutan, at yumaman. Ilan dito ay ang tinatawag na Super Powers na bansa (Russia at United States). Maraming nag-akala na sa kanilang paglaya ay tuluyan nang makakamit ang kapayapaan ngunit sila ay nagkamali. Ang mga bansang sinakop ay hindi nagtamo nang ganap na kalayaan. Naglayon ang pananakop na patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa,
mapigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan at makuha ang mas malaking kita ng negosyo.
Mas lalong pinaigting sa panahong ito ang imperyalismo sa ekonomiya, politika, militar, at ideolohiyal na mga aspekto. Maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang ito ay ang pagkakaroon ng makabagong pamamaraan sa pamumuhunang industriyal at pinansiyal.
Ang neokolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampolitika at pangekonomiya na ang lahat ng estado mayaman man o mahirap ay maaaring masangkot. Madalas, ang mga bansang kabilang sa Third World ang nakararanas nito dahil na rin sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Makikita ito sa pag-asa o pagdepende ng mga mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World o ang mga bansang may maunlad na ekonomiya at industriya. Naglalayon ang malalaking bansa na patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at makuha ang mas malaking kita mula sa negosyo.
Nag-unahan ang mga Kanluranin na sakupin ang iba’t ibang bansa sa Timog-Kanluran nang matuklasan ang yaman nitong taglay sa petrolyo at langis. Ang mga bansa sa nasabing rehiyon tulad ng Saudi Arabia, Kuwait, at Iraq ang may hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig. Hindi lingid sa kaalaman ng bawat isa ang kahalagahan ng petrolyo at langis. Kasama rin ang tatlong bansang ito sa Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC na siyang nagkokontrol ng presyo ng langis sa buong pandaigdigang kalakalan.
Mga Uri ng Neokolonyalismo
[chart: flowchart; MGA URI NG NEOKOLONYALISMO]
- Ekonomiko: Ipinakikita ito sa pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad ng isang bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa mga patakaran na pabor sa kaniya.
- Kultural: Ipinakikita ng mga dayuhan ang kanilang mga musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa na mas pinahahalagahan ng tao kaysa kanilang mga sariling gawa.
- Politikal: Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihan na kontrolin ang pamamahala sa bansang mahihirap tulad ng eleksyon.
- Pangmilitar: Nagagawang tumulong ng Kanluraning bansa sa mga dating kolonya na nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
Mga Anyo ng Neokolonyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya
Dayuhang Pautang (Foreign Debt)
- Ito ay tumutukoy sa pagpapautang ng isang malakas na bansa sa mga pandaigdigang organisasyon o kaya naman ay sa isang mahirap na bansa. Kadalasan, may mga itinakdang kondisyon bago makautang ang mga bansa.
Debt Trap – Ito ay hindi pagkaahon ng mga mahihirap na bansa sa kanilang pagkakautang.
Covert Operation
- Karaniwang ito ay kadahilanang pampolitika o pangmilitar
Ano ang mga Epekto ng Neokolonyalismo?
[chart: flowchart; EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO]
- Continued enslavement o patuloy na pang-aalipin
- Loss of pride o kawalan ng karangalan
- Overdependence o labis na pagdepende sa iba
Marami ang naging epekto ng neokolonyalismo sa mga bansang sinakop at pinagsamantalahan nito. Ito ang sumusunod:
- Overdependence (labis na pagdepende sa iba)- Ang mga tao ay labis nang umasa sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States.
- Loss of Pride (Kawalan ng Karangalan)- Naging epekto ng impluwensiya ng mga mananakop ang pagbuo sa isipan ng mga tao ng lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, kung kaya’t ito ay naging dahilan ng pagkawala ng interes sa sariling kultura at mga produkto.
- Continued Enslavement (Patuloy na pang-aalipin)- Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga kanluranin, ang tunay na kahulugan ng salitang Kalayaan ay – ang malilit na bansa ay patuloy pa rin ang pagtalima at pagkatali sa makakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluranin.
Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya
May iba’t ibang paraang ginawa ang mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa pagtugon sa neokolonyalismo o makabagong sistema ng pananakop ng Kanluranin. Ang iba sa mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya ay tumanggap ng mga tulong pinansiyal na ginamit upang muling makabangon ang kanilang ekonomiyang dati ay nalugmok dahil sa digmaan. Isang halimbawa na lamang ang bansang Turkey na tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Estados Unidos sa pangunguna ni Pangulong Harry S. Truman, kasabay nito ang pagpayag sa pangekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo ng magkabilang panig. Kinakitaan ng pag-unlad ang Turkey dahil na rin sa liberalismong pang-ekonomiyang patakarang ipinatutupad nito at patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong mula sa Estados Unidos.
Sa kabilang dako nagkaroon din ng pagkakasundo ang Saudi Arabia sa pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Arabian American Oil Company (ARAMCO) upang ang 50% kita ng nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia upang magamit sa pagpapataas ng kita ng bansa. Bukod pa rito, kapalit ng tulong teknikal at pagpapahintulot ng pagbili ng armas sa ilalim ng Mutual Defense Assistance Act ay patuloy na pinayagan ang Estados Unidos sa paggamit ng base militar sa Dharan.
Sa kabila na ang ibang bansa ay tumanggap ng tulong mula sa Kanluranin, ay mayroong mga bansa naman na bumuo ng samahan at nagpakita ng kanilang pagiging makabayan. Halimbawa na lamang nito ay ang organisasyong itinuturing na terorista ng mga Israeli, ang Palestenian Liberation Organization (PLO). Ang samahang ito ay kinilala ng mga Arabo bilang isang makabayang samahan.
Hindi maikakaila ang tulong na nagawa ng mga makapangyarihan at maimpluwensiyang bansa ngunit ang pagtayo sa sariling mga paa ay tanda ng pagyakap at pagmamahal sa sariling bansa. Maraming bansa sa kasalukuyan ang nagsusumikap upang makatayo sa sarili nilang paa at hindi na umaasa pa sa mga dayuhan. Nagsilbing hamon din sa mga bansa sa rehiyong ito na kaya rin nilang matumbasan kung anumang kaunlaran ang mayroon sa mga Kanluranin.
Pagyamanin
Gawain 1: Epekto-Solusyon
Panuto: Magbigay ng iyong saloobin na nagpapakita ng maaaring solusyon sa epekto ng neokolonyalismo sa maliliit na bansa. Maaaring magbigay ng kongkretong halimbawa ng iyong naisip na solusyon. Gawin ito sa sagutang papel.
| EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO | SOLUSYON |
|---|---|
| Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin | |
| Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan | |
| Overdependence o Labis na Pagdepende sa Iba |
Gawain 2: Pangkatin Mo Ako
Panuto: Makikita sa ibabang kahon ang iba’t ibang bansa. Pangkatin mo ito sa dalawa. Una ay ang bansang mayayaman o makapangyarihan at ikalawa ay ang bansang papaunlad pa lamang. Pagkatapos maipangkat ang mga ito ay ibigay ang katangian ng nasabing bansa sa mauunlad at papaunlad pa lamang. Gawin ito sa sagutang papel.
AUSTRALIA GREAT BRITAIN LAOS USA CAMBODIA JAPAN PAKISTAN FRANCE KENYA PILIPINAS
| MAUUNLAD NA BANSA | KATANGIAN |
|---|---|
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
| PAPAUNLAD NA BANSA | KATANGIAN |
|---|---|
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
Gawain 3: Lista-Epekto!
Panuto: Ilista ang mga epekto ng neokolonyalismo at ipaliwanag kung paano ito nangyayari. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: flowchart; EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO, with columns KAHULUGAN and PANGYAYARI]
- EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO → (blank box) → Pangyayari
- EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO → (blank box) → Pangyayari
- EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO → (blank box) → Pangyayari
Isaisip
Gawain: Ideya Mo, Ipahayag mo! Pahalagahan natin!
Panuto: Base sa paksang tinalakay, subukin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iyong ideya ukol sa naging tugon ng Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Neokolonyalismo. Sa pagsagot ng tugon ay ibigay rin ang kahalagahan nito sa mga mamamayan sa nasabing rehiyon. Gawin ito sa sagutang papel.
| TUGON NG TIMOG AT KANLURANG ASYA SA NEOKOLONYALISMO | KAHALAGAHAN |
|---|---|
Pamprosesong tanong:
- Alin sa mga naging tugon ng mamamayan sa Timog at Timog-Kanlurang Asya ang iyong naibigan? Ipaliwanag.
_____.
- Kung may nais sumakop sa ating bansa, ano ang iyong magiging tugon? Parehas ba ng naging tugon ng mamamayan sa Timog at Timog-Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____.
Isagawa
Gawain 1: Word Puzzle
Panuto: Ilista ang mga mabubuong salita na makikita sa word puzzle sa inyong sagutang papel. Pagkatapos mabuo, ipaliwanag kung ano ang kahulugan o kinalaman nito sa paksang tinalakay. (Halimbawa: Truman – sa kaniyang pamumuno sa Estados Unidos, binigyan ng tulong pinansiyal ang bansang Turkey upang makabangon ang kanilang ekonomiya)
| E | K | O | N | O | M | I | K | O | T |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| R | U | S | S | I | A | D | A | A | R |
| U | L | R | B | U | G | F | M | M | U |
| S | T | U | T | T | S | H | R | E | M |
| S | U | S | E | A | T | S | I | R | A |
| I | R | S | D | T | I | R | K | I | N |
| A | A | B | T | T | R | A | A | K | H |
| D | E | B | T | T | R | A | P | A | W |
Gawain 2: Fact Storming Web
Panuto: Ilagay ang mga wastong datos na kailangan sa Fact Storming Web. Kulayan ito upang maging kaakit-akit. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: web diagram; Fact Storming Web]
Central: IMPLUWENSIYA NG NEOKOLONYALISMO SA MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Four empty ovals connected to the central oval (top, right, bottom, left).
Tayahin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
- Anong sistema ang nagwakas sa paglaya ng maraming bansa?
- A. Diktadurya
- B. Facismo
- C. Kolonyalismo
- D. Neokolonyalismo
- Anong uri o paraan ng kolonisasyon ang ipinagtibay ng mauunlad na bansa?
- A. Diktadurya
- B. Facismo
- C. Kolonyalismo
- D. Neokolonyalismo
- Anong bansa ang tinaguriang pinakamalakas at makapangyarihang kapitalista pagkatapos ng digmaan?
- A. Britain
- C. Singapore
- B. China
- D. United States of America
- Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng mga Kanluranin sa pagsakop ng Timog-Kanlurang Asya?
- A. Nakita nila ang malapad nitong kalupaan
- B. Nakita nilang mayaman ito sa katubigan
- C. Wala na silang alam na rehiyon sa Asya na mayaman kaysa Timog Kanluran
- D. Natuklasan ng mga Kanluranin ang yamang (petrolyo at langis) taglay ng Timog Kanluran
- Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC)?
- A. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagsuporta sa human rights
- B. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagpapatakbo ng industriya sa mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo
- C. Ito ay organisasyon na may kinalaman sa pagbuo ng samahan upang kalabanin ang Kanluranin
- D. Ito ay isang organisasyon na nagsisikap na tiyakin ang maayos na suplay at presyo ng langis sa buong pandaigdigang kalakalan
- Anong anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagpapautang ng isang bansa na nagtatakda ng mga kondisyon bago pa man makautang ang ibang mga bansa?
- A. Covert operation
- B. Debt trap
- C. Financial debt
- D. Foreign debt
- Anong uri ng Neokolonyalismo ang nagpapakita ng pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad ng isang bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa mga patakaran na pabor sa kanila?
- A. Foreign aid
- C. Neokolonyalismo-Ekonomiko
- B. Foreign debt
- D. Neokolonyalismo-Kultural
- Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tugon ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa neokolonyalismo?
- A. Pagtanggap ng tulong pinansiyal mula sa Estados Unidos ng ibang bansa
- B. Pakikipagkasundo na pananatilihin ang base-militar ng Estados Unidos sa Dharan
- C. Pagpayag sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo ng magkabilang panig
- D. Pagsasawalang bahala ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa pamamalakad ng mga Kanluranin
- Ang sumusunod ay epekto ng neokolonyalismo MALIBAN sa;
- A. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin
- B. pagiging lubos na malaya
- C. loss of pride o kawalan ng karangalan
- D. over dependent o labis na pagdedepende sa iba
- Alin sa mga anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa hindi pagkaahon ng mga mahihirap na bansa sa kanilang pagkakautang?
- A. Continued enslavement
- C. Financial debt
- B. Debt trap
- D. Foreign Debt
- Ano ang naging kapalit sa kahilingan ng bansang Saudi Arabia sa Estados Unidos na magbigay ng 50% kita ng kompanya upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya nito?
- A. Pagpapahintulot na sakupin ang Saudi Arabia
- B. Pagpapahintulot na tayuan ng base-militar ang Dharan
- C. Pagpapahintulot na gumamit ng mga likas na yaman ng Saudi Arabia
- D. Pagpapahintulot na panatilihin ang pamamalakad ng Estados Unidos sa bansa
- Anong anyo ng Neokolonyalismo ang tumutukoy sa karaniwang pampolitika o pangmilitar na usapin?
- A. Covert operation
- C. Financial debt
- B. Debt trap
- D. Foreign debt
- Alin sa mga paraan ang ginamit ng mauunlad na bansa upang maisakatuparan ang neokolonyalismo?
- A. Pinansiyal at Industriyal
- C. Agrikultural at Industriyal
- B. Pinansiyal at Agrikultural
- D. Wala sa nabanggit
- Alin sa sumusunod ang bahaging ginampanan at naging tugon ng Palestenian Liberation Organization sa neokolonyalismo?
- A. Isa sa mga organisasyong nagpanatili ng katahimikan sa Timog Asya
- B. Organisasyong nagpakita ng kanilang interes sa pagpapalawak ng teritoryo sa Timog-Kanlurang Asya
- C. Ito ay itinuturing na samahang nasyonalista sa Timog-Kanlurang Asya kung saan nagpakita ng kanilang pagiging makabayan
- D. Nasyonalistang organisasyon na hindi ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa Kanluranin dulot ng matinding takot
- Alin sa mga epekto ng neokolonyalismo ang nagpapakita na mas pinahahalagahan ng tao ang mga dayuhang mga musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa kaysa kanilang mga sariling gawa?
- A. Inferiority complex
- C. Neokolonyalismo-Kultural
- B. Neokolonyalismo-Ekonomiko
- D. Superiority complex
Karagdagang Gawain
Panuto: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung ang mga ito ay katibayan ng neokolonyalismo. Lagyan ng tsek ( √ ) ang katibayan at ekis ( X ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
- Hindi bumibili si Joy ng French fries sa mga local na tindahan sa paniwala niyang wala ng sasarap pa sa frenchfries ng mga multinational fast food chain.
- Laging nagmamano sa kaniyang magulang si Angie tuwing papasok at uuwi galing sa paaralan.
- Naging daan ang pag-unlad ng teknolohiya sa higit na pagtangkilik ni Nelson sa ibang lahi.
- Pagpirma ng bansang Pilipinas ng kasunduan sa ilang mayayamang bansa bilang ekslusibong pagbebentahan ng lokal na materyales.
- Nakasanayan na ni Marjorie ang paghalik sa pisngi ng kaniyang mga magulang at kamag-anak.
- Pagdadala at pagbebenta sa Pilipinas ng mga lumang sasakyan mula sa ibang bansa.
- Mas pinili ni CJ ang magtrabaho sa ibang bansa dahil naroon ang kaniyang mga kapatid.
- Si Christian ay mas pinipili ang pagbili ng sapatos na gawang lokal kaysa sa mga gawa mula sa ibang bansa.
- Mas pinili ni Judith na pumunta ng ibang bansa upang doon magtrabaho dahil hindi hamak na mas malaki ang magiging kita nito.
- Pinili ng isang kompanya sa Pilipinas na dito na lamang magsuplay ng hilaw na materyales upang makatulong sa produksyon ng naturang bansa.
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
| No. | Sagot | No. | Sagot | No. | Sagot |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. | B | 6. | B | 11. | B |
| 2. | A | 7. | A | 12. | A |
| 3. | A | 8. | D | 13. | A |
| 4. | D | 9. | B | 14. | C |
| 5. | B | 10. | A | 15. | B |
TAYAHIN
| No. | Sagot | No. | Sagot | No. | Sagot |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. | B | 6. | B | 11. | B |
| 2. | A | 7. | A | 12. | A |
| 3. | A | 8. | D | 13. | A |
| 4. | D | 9. | B | 14. | C |
| 5. | D | 10. | A | 15. | B |
TUKLASIN
- INOBASYON –
- NEOKOLONYALISMO –
KARAGDAGANG GAWAIN
| No. | Sagot | No. | Sagot |
|---|---|---|---|
| 1. | √ | 6. | √ |
| 2. | X | 7. | √ |
| 3. | √ | 8. | X |
| 4. | √ | 9. | √ |
| 5. | X | 10. | X |
PAGYAMANIN
Gawain 2 : Pangkatin Mo AKo!
| No. | Unang Pangkat | Ikalawang Pangkat |
|---|---|---|
| 1. | USA | PILIPINAS |
| 2. | JAPAN | KENYA |
| 3. | GREAT BRITAIN | CAMBODIA |
| 4. | FRANCE | LAOS |
| 5. | AUSTRALIA | PAKISTAN |
Gawain 3 : LISTA-EPEKTO
- Continued enslavement o patuloy na pang aalipin
- Loss of Pride
- Over dependent o labis na pagdedepende sa iba
ISAGAWA. WORD PUZZLE
- EKONOMIKO
- KULTURAL
- AMERICA
- RUSSIA
- DEBT TRAP
- TRUMAN
Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya: “Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”. Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral. Pasig City: Department of Education, 2014.
Modyul
Department of Education, Bureau of Learning Resources. EASE Modyul 10: Neokolonyalismo Ang Bagong Uri o Pamamaraang Kolonyalismo Learning Material, Learning Module (PDF, accessed October 29, 2021, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6019).
Department of Education, Schools Division of South Cotabo Learning Resource Management Section. “Project EASE- Araling Panlipunan II, accessed October 29, 2021, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6019).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply