EsP 6 Quarter 3 Module 5: Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa

Grade 6 EsP Quarter 3 Module 5 explains creativity, the traits of a creative person, and how being creative helps the nation progress.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 6 self-learning module for the third quarter, Module 5: “Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa” (creativity, the key to the nation’s progress). It was made for learners studying at home under the Alternative Delivery Mode. By the end of it, learners should be able to show creativity in any project that helps and inspires the country’s growth and progress.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module states one competency (EsP6PPP-IIIh-39):

  • Show creativity (pagkamalikhain) in making any project that helps and serves as an inspiration toward the progress and development of the country.

It also asks learners to answer one guiding question by the end: “Paano mo maipapakita ang pagkamalikhain sa mga gawain o proyekto?” (How can you show creativity in your tasks or projects?)

The lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Pagiging Malikhain, Susi Tungo sa Pag-unlad ng Bansa at Pag-abot ng mga Mithiin” (being creative, the key to national progress and reaching one’s goals). It links creativity to work ethic, tells a short story about creative children, explains the traits of a creative person, and gives learners everyday problems to solve in creative ways.

What is creativity?

The module first connects creativity to work ethic (etiko sa paggawa), which it describes as following the right standards when delivering a product or service. Creativity is one of the things those standards look at. The module defines pagkamalikhain as the ability to make something original, or an improved version of an existing design.

In the story “Mga Batang Malikhain” (creative children), friends Jun, Carlo, Rica, Trisha, and Regie collect bottles and old newspapers on weekends and sell them to a junkshop for extra baon (school allowance) and to help their parents. Their teacher, Bb. Grace, explains that even simple, old, or seemingly useless things can be improved by a creative person. She describes a creative person as someone who:

  • has a wide imagination and believes everything is possible
  • is madiskarte (resourceful) and solves problems quickly, even reusing old or broken things
  • is original and does not copy the work of others
  • adapts easily to any situation
  • is determined and does not give up when facing challenges

She also reminds the class that every person has their own creativity.

Traits of a creative person

The Suriin (analyze) part explains that creativity helps people find new solutions to personal and social problems. It lists six traits:

TraitWhat it means
Maparaan (resourceful)Thinks of new ideas or alternatives and gives old things and ideas a new form
Malawak ang interes (wide interests)Eager to learn from surroundings and new knowledge; improves projects through research, testing, and long effort
Tibay ng loob (perseverance)Does not give up, is honest and diligent, especially when facing obstacles
Mapakiramdam (sensitive)Draws inspiration from feelings toward others and situations around them
Nagpapakita ng paninindigan (shows conviction)Stands by what should be done, even when it differs from common opinion
May mataas na motibasyon (highly motivated)Has high goals and knows how a project helps the community and the country

The module’s examples of creativity include making envelopes from old cardboard or wrappers, rags from old clothes, a pen holder from a plastic bottle, a bag from old pants, and a lamp from cooking oil, salt, and cotton during a blackout.

How to use this module

The module follows these parts in order:

  1. Subukin (pretest): check and true-or-false items about creativity
  2. Balikan (review): pick and draw the picture that shows creativity, then explain
  3. Tuklasin (discover): read the story and answer four questions
  4. Suriin (analyze): the traits of a creative person
  5. Pagyamanin (enrich): Gawain 1, five multiple-choice problems; Gawain 2, a drawing of one creative trait
  6. Isaisip (remember): questions on using creativity to care for natural resources
  7. Isagawa (apply): creative solutions to everyday problems at school and home
  8. Tayahin (assessment): ten statements to mark as creative or not
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): a reflection on your own creative traits

For learners: Answer on a separate answer sheet or in your notebook, and do not write on the module so others can use it. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and contact your teacher if anything is unclear.

For parents and guardians: The teacher’s note asks that each learner get enough guidance from parents, older siblings, relatives, or neighbors while answering the module.

For teachers: The answer key covers Subukin, Balikan, Pagyamanin, and Tayahin. Gawain 2 and the open-ended questions have varied answers, so review them separately.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, third quarter (Ikatlong Markahan), Module 5.

What is the competency code of this module?

The module prints the code EsP6PPP-IIIh-39, which is about showing creativity in making projects that help the country progress.

What does pagkamalikhain mean in this module?

The module defines pagkamalikhain (creativity) as the ability to make something original or an improved version of an existing design, including giving old or used things new value.

What are the traits of a creative person according to the module?

The module lists six: maparaan (resourceful), malawak ang interes (wide interests), tibay ng loob (perseverance), mapakiramdam (sensitive), nagpapakita ng paninindigan (shows conviction), and may mataas na motibasyon (highly motivated).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, Balikan, Pagyamanin Gawain 1, and Tayahin; the drawing activity and open-ended questions have varied answers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan–Modyul 5: Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa

[illustration: students studying under a tree, at a desk, and with a globe, and a child reading by a lamp]

CO_Q3_ESP 6_Modyul 5

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: ● Pagkamalikhain Susi sa Pag-unlad sa Bansa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Olive Grace B. Pacificar
Editor:Ida Flor C. FerrarisBaby Alleah S. Mercado
Tagasuri:Lani A. Palma
Miriam T. Lima
Annamor M. Eleccion
Tagaguhit:Anthony M. Cordilla
Tagalapat:Japeth N. Pagonzaga
Jose Karrlo G. Barro
Llaine Grace B. Coronel
Mayo P. Villamor
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Lani A. Palma

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow (decorative icon)]

Ang modyul na ito ay dinesenyo at ginawa para sa iyo. Tutulungan ka nitong madiskubre at pag-aralan ang kahalagahan ng pagiging malikhain sa paggawa tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.

Sa bawat araw na pamumuhay natin, kailangan nating maging malikhain upang mapagtagumpayan ang bawat hamon ng buhay. Ngunit ano nga ba ang pagkamalikhain? Ano ano ba ang katangian ng isang tao upang siya ay matatawag na malikhain?

Sa pagkakataong ito, nararapat na malaman mo ito upang matutuhan mo rin ang pagiging malikhain na siyang magdadala sa iyo sa tagumpay at malampasan ang bawat hamon ng buhay.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang masagot mo ang tanong: Paano mo maipapakita ang pagkamalikhain sa mga gawain o proyekto?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipakikita ang pagiging malikhain sa paggawa ng anumang proyekto na makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa. (EsP6PPP- IIIh–39)

Subukin

[illustration: pencil (decorative icon)]

I. Panuto: Kilalanin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paglinang ng pagkamalikhain ng isang tao. Lagyan ng tsek (✓) ang nagpapakita at ( ✱ ) naman kung hindi nagpapakita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the table has no header row in the original; its cells are blank for the check marks]

1. Pagsisikap na makatapos ng pag-aaral4. Paghingi ng tulong sa iba lahat ng oras
2. Pagsali sa mga paligsahan sa paaralan5. Pagdalo sa mga seminar tungkol sa tamang pagtapon ng basura
3. Panunuod ng balita araw-araw6. Pagtigil sa pag-aaral upang mag-alaga ng kapatid

II. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wasto tungkol sa pagiging malikhain at MALI kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang pagkamalikhain ay ang paggamit ng imahinasyon o orihinal na ideya, lalo na sa paggawa ng isang likhang sining.

_____2. Makatutulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa ang pagiging malikhain.

_____3. Mahirap para sa malikhaing tao ang pagbibigay ng solusyon sa mga problema at kakulangan.

_____4. Ang bawat tao na nagnanais iangat ang kaniyang buhay ay dapat may kakayahang sumubok ng mga bagong bagay at may mayamang imahinasyon.

_____5. Katangian ng isang malikhaing tao ang pagpapaliban ng gawain.

Aralin 1

Pagiging Malikhain, Susi Tungo sa Pag-unlad ng Bansa at Pag-abot ng mga Mithiin

Balikan

[illustration: puzzle pieces (decorative icon)]

Ang etiko sa paggawa ay ang pagsunod sa tamang pamantayan sa paghahatid ng produkto o serbisyo. Sa mga pamantayang ito, isa sa mga tinitingnan ay ang pagkamalikhain ng tao sa paggawa ng mga produkto at pagbibigay ng serbisyo. Ang pagkamalikhain naman ay kakayahan ng taong makabuo ng isang bagay na orihinal o pinaunlad na bersiyon ng isang disenyo.

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Iguhit sa iyong kwaderno ang larawang nagpapakita ng pagiging malikhain at ipaliwanag kung bakit mo ito pinili.

[illustration: open cardboard box with old papers and envelopes beside it] Paggawa ng sobre yari sa lumang karton o wrapper

[illustration: hand placing scraps into a box with the labels NABUBULOK and NABUBULOK] Pagsama ng nabubulok at di-nabubulok na basura sa isang lalagyan

[illustration: hand with a slipper over a container] Pagtapon agad ng napigtas na tsinelas

[illustration: old clothes and rags] Paggawa ng basahan yari sa mga lumang damit

[illustration: green plastic bottle beside a pen holder with pens] Paggawa ng pen organizer o lalagyan ng bolpen gamit ang plastik na bote

[illustration: black bag made from trousers] Paggawa ng bag mula sa pinaglumaang pantalon

Mga Tala para sa Guro

Tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na gabay at patnubay mula sa kanilang magulang, nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay sa pagsagot ng modyul na ito.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang sanaysay at pag-aralan kung paano mapauunlad ang pagkamalikhain ng isang tao. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Batang Malikhain (Olive Grace B. Pacificar)

“Bote…bote…dyaryo…!”, ito ang maririnig ng mga taga Purok Isdaan sa Barangay Cartagena tuwing Sabado at Linggo nang umaga. Nangangalakal ng basura ang magkakaibigang Jun, Carlo, Rica, Trisha at Regie dahil sila ay walang pasok. Ibinibenta nila ito sa junkshop ni Mang Eddie upang may dagdag silang baon pagdating ng Lunes. Kung minsan, bumibili rin sila ng ulam at bigas upang makatulong din sa kanilang mga magulang.

Isang Lunes, tinalakay ng kanilang guro na si Bb. Grace ang tungkol sa pagiging malikhain. “Ang pagkamalikhain ay ang kakayahang bumuo ng mga bagay sa pamamagitan ng pag-iisip ng bago o pagpapaunlad sa mga bagay na naimbento na. Kahit ang bagay ay sobrang simple, luma o sa tingin ninyo ay wala nang silbi, magagawan ito ng paraan at mapauunlad pa ito ng taong malikhain,” wika ni Bb. Grace.

“Ma’am, paano po ba malalaman kung ang tao ay malikhain?” kunot-noong tanong ni Regie. “Magandang tanong iyan, Regie. Ang taong malikhain ay may maraming katangian. Una, siya ay may malawak na imahinasyon. Pinag-aaralan niya ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pananaliksik at paggamit ng mga natutunan mula sa kaniyang mga karanasan sa buhay. Iniisip niya na lahat ay posible. Ikalawa, siya ay madiskarte. Lahat ay magagawan niya ng paraan. Mabilis niyang nabibigyan ng solusyon ang mga problema. Nagagamit pa niya at napauunlad ang mga luma o sirang bagay. Ikatlo, siya ay iba sa lahat. Orihinal ang kaniyang likha at mga ideya. Hindi siya nanggagaya sa gawa ng iba. Ikaapat, siya ay madaling makibagay sa kahit anomang kondisyon sa kaniyang paligid, lugar, mga kasamahan o anomang kalagayan ng buhay. Ikalima, siya ay determinado. Kahit na anomang pagsubok ang dumating sa kaniya, matatag ang kaniyang loob na matapos at mapagtagumpayan ang nililikha o anomang hamon sa buhay,” paliwanag ng guro sa mga mag-aaral.

“Wow, sobrang galing naman po Ma’am ng taong malikhain,” sabi ni Trisha. “Opo Ma’am. Nakakainggit naman po. Kaya po pala na gamitin ang mga lumang bagay upang makalikha ng bagong kagamitan” dagdag pa ni Rica. “Huwag kayong mainggit dahil bawat isa sa atin ay may angking pagkamalikhain. Makikita natin ito sa susunod nating gawain na paglikha ng mga makabuluhang bagay gamit ang mga lumang dyaryo, bote, damit at iba pang mga lumang gamit na maaari pang pakinabangan.” paliwanag ni Bb. Grace.

Mga Tanong:

  1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigang Jun, Carlo, Rica, Trisha at Regie tuwing Sabado at Linggo?



  1. Ayon kay Bb. Grace, ano-ano ang mga katangian ng taong malikhain?



  1. Ayon sa naging talakayaan sa klase, paano maipapakita ang pagiging malikhain?



  1. Kung ikaw ay aatasan na gumawa isang makabuluhang bagay gamit ang lumang dyaryo, bote o lumang damit bilang isang proyekto, ano ang gagawin mo? Bakit?



Suriin

Ang bawat tao ay nagnanais na maiangat ang kalagayan ng kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng paglikha ng mga proyekto o gawain na sumusubok sa kaniyang kakayahan at imahinasyon. Ang praktikal na kabatiran ay makatutulong upang makalikha siya ng mga bagong kaisipan at imbensiyon na magagamit niya sa paglilingkod sa iba.

Dahil dito, ang pagiging malikhain ay makatutulong sa pagtuklas ng bagong solusyon sa mga suliranin, pansarili o panlipunan man na makatutulong sa paglutas ng mga suliranin na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan sa lipunan.

Mga Katangian ng Isang Taong Malikhain

  1. Maparaan – Ang taong malikhain ay naka-iisip ng mga bagong ideya o alternatibo upang makagawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay, produkto o proyekto. May kakayahan siya na bigyan ng bagong anyo ang mga lumang bagay at ideya.


  2. Malawak ang Interes – Ang taong malikhain ay may malawak na kaisipan at kagustuhan na matuto mula sa mga bagay sa paligid at sa mga bagong kaalaman. Mula sa mga angking kaalaman, may mga nabubuong ideya na nagbubunsod sa kanila sa malilikhaing paggawa. Ginagamit nila ang kaalaman upang mapayaman ang ideya sa bisa ng pananaliksik, pagsubok, at matagalang pagsisikap upang mapaganda at mapahusay ang kaniyang proyekto.


  3. Tibay ng Loob – Matibay ang loob at hindi sumusuko, matapat, at magaling ang isang taong malikhain. Siya ay masigasig sa kaniyang mga gawain at tinututukan ang lahat na maaaring magawa, lalo na sa harap ng mga balakid.


  4. Mapakiramdam – Ang tindi ng mga emosyon na kaniyang nararamdaman sa kapwa at sa mga sitwasyon sa kaniyang paligid ay nagbibigay-inspirasyon sa kaniya upang makagawa ng mga bagay-bagay.


  5. Nagpapakita ng Paninindigan – May kakayahang magpamalas ng kaniyang paninindigan sa kung ano ang dapat gawin. Ito ay nakikita sa kaniyang paggawa ng desisyon na naiiba sa karaniwang opinyon at tumuklas ng mga bagay na hindi pa nalilikha ng tao.


  6. May Mataas na Motibasyon – Ang pagiging malikhain ay nagaganyak ng pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mataas na layunin sa buhay.


Maliwanag sa kanila ang dahilan ng paggawa ng proyektong nakaatas sa kanila at ang maitutulong nito sa pagsulong at pag-unlad ng kanilang komunidad at bansa.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagbigay ng solusyon sa mga karaniwang suliranin. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Gabi na at wala pang ilaw sa inyong tahanan dahil sa bagyong dumating. Wala na ring ibinebentang kandila sa tindahan. Ano ang pinakamainam mong gawin na magpapakita ng iyong pagkamalikhain?
    a. paisa-isang sindihan ang posporo
    b. matiyagang maghintay na bumalik ang kuryente
    c. gumawa ng ilawan gamit ang mantika, asin at bulak
    d. manghingi ng kandila sa kapitbahay


  2. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro dahil deadline na. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at nadumihan. Ano ang maaari mong gawin?
    a. ulitin na lamang at ipasa kinabukasan
    b. ibilad sa araw at patuyuin pagdating sa klase
    c. i-photocopy ito at ipasa sa guro
    d. lagyan ng disenyo ang bahaging nadumihan


  3. Bibisita ang mga pinsan mo sa susunod na Linggo. Kulang ang inyong mga unan sa bahay na ipagagamit sa kanila. Ano ang maaari mong gawin upang mabigyan ng solusyon ang problema?
    a. gumawa ng unang yari sa pinagugupit-gupit na pakete ng pagkain
    b. humingi ng pera upang bumili ng mga bagong unan
    c. hayaan ang mga magulang na mag-isip ng solusyon
    d. pauuwiin mo ang iyong mga pinsan


  4. Buwan ng Mayo at walang pasok. Ano ang pinakamagandang gawin upang ikaw ay maka-ipon ng pera para sa iyong pambaon sa pasukan?
    a. humingi kay nanay at tatay
    b. sumali sa mga liga sa barangay
    c. magbakasyon sa malayong lugar
    d. magbenta ng halo-halo at mga kakanin


  5. Dali-dali kang naglalakad papasok sa paaralan dahil kayo ay may pagsusulit. Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng inyong uniporme. Ano ang pinakamainam mong gawin?
    a. bumalik sa bahay upang palitan ang nadumihang uniporme
    b. hayaan na lamang at huwag pansinin ang nadumihang uniporme
    c. labhan ang nadumihang uniporme pag-uwi sa bahay
    d. hubarin ang suot na jacket at ilagay sa beywang upang hindi mahalata ang putik sa uniporme


Gawain 2

Panuto: Pumili ng isa sa mga katangian na makatutulong upang malinang ang iyong pagiging pagkamalikhain. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit kung paano ito makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.

[transcriber’s note: the printed page holds an empty bordered box for the learner’s drawing; no drawing is printed in it]

Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Paano ka magiging malikhain upang makatulong sa pangangalaga sa likas na yaman ng ating bansa?



  1. Bakit kailangan na magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at likas na yamang pinagkukunan nito?



  1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagkamalikhain upang mapaunlad at mapangalagaan ang likas na yaman?



Laging tandaan na maipapakita mo ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagbuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o pagpapaunlad ng mga bagay na naimbento na. Ang pagiging malikhain ang nagbibigay sa atin ng sigla upang bumuo ng isang bagay na mahirap gawin sa simula. Ang anumang gawain na ginagamitan ng pagkamalikhain ay nagpapayaman ng sariling kakayahan na makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pag-unlad ng bansa.

Laging isaisip na ang taong malikhain ay maparaan, malawak ang interes, matibay ng loob, mapakiramdam, at nagpapakita ng paninindigan upang magtagumpay.

Isagawa

Panuto: Gamitin ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagbibigay ng solusyon sa mga karaniwang suliranin na nararanasan mo bilang mag-aaral o miyembro ng pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. May takdang-aralin kang iuulat para sa iyong klase. Nakalimutan mong bumili ng manila paper. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging malikhain?



  1. Umiiyak ang iyong bunsong kapatid dahil nawala ang kaniyang manika. Anong malikhain solusyon ang gagawin mo?



Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Kilalanin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkamalikhain sa paggawa ng anumang proyekto at gawain. Lagyan ng ★ ang nagpapakita at X ang hindi nagpapakita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Tuwing Biyernes ng hapon, pagkatapos ng klase, iniisa-isa ni Martha ang kaniyang mga guro at hinihingi ang mga papel na hindi na gagamitin upang gawing supot at ipagbili sa karinderya ni Aling Rona.

_____2. Bawat linggo, bumibili sa mall ang pamilya ni Tiya Ason ng mga bagong laruan.

_____3. Hinintay ni Benjie na makarating ang kaniyang nanay bago pa magluto ng tanghalian.

_____4. Agad na nagawan ng paraan ni Mang Nestor ang butas nilang bubong bago bumuhos ang malakas na ulan.

_____5. Ginawan ng paraan ni Mario na tahiin ang nasira niyang rubber shoes dahil hindi pa sapat ang kaniyang ipon upang makabili ng ` bagong sapatos.

_____6. Nakagawa ng proyekto si Joy dahil kaniyang ginaya ang gawa ni Cathy.

_____7. Nagpapaturo si Sheryl gumawa ng face mask sa kaniyang nanay na mananahi.

_____8. Hindi alintana ni Paul ang hirap ng buhay sa pag-abot niya ng kaniyang mga pangarap.

_____9. Naghihintay na turuan ng kaniyang mga kaibigan si Mel sa paggawa ng kaniyang takdang-aralin.

_____10. Ginagawang parol ni Mang Ben at ng kaniyang mga anak ang mga bote ng softdrinks at ibinebenta pagdating ng Disyembre.

Karagdagang Gawain

Pagnilayan kung ikaw ay nagtataglay ng mga katangian ng isang taong malikhain. Paano mo gagamitin ang mga katangiang ito upang ikaw ay magtagumpay? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the table below is read as it appears when the page is turned upright, with the columns in the order Tayahin, Pagyamanin, Balikan, Subukin. The check marks are printed as check glyphs.]

TayahinPagyamaninBalikanSubukin
1. ✓
2. X
3. X
4. ✓
5. ✓
6. X
7. ✓
8. ✓
9. X
10. ✓
Gawain I
1. C
2. D
3. A
4. D
5. D
Gawain 2
Maaaring iba-iba ang sagot ng mCa bata
Paggawa ng sobre yari sa lumang karton o wrapper
Paggawa ng basahan yari sa mga lumang damit
Paggawa ng pen organizer o lalagyan ng bolpen gamit ang plastik na bote
Paggawa ng bag mula sa pinaglumaang pantalon
I.
1. ✓
2. ✓
3. ✓
4. X
5. ✓
6. X
II.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Sanggunian

Ylarde, Z. R., & Peralta, G. A. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Vibal Group Inc.

Pagkamalikhain. (2012, February 7). Wikipedia, ang malayang ensiklopedya. Retrieved March 20, 2021, from https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkamalikhain

Edukasyon sa Pagpapakatao – Gabay Pangkurikulum. (2016, May). Department of Education. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf

Invest in Filipino creativity to promote culture, help boost economy – neda. (2019, November 22). The National Economic and Development Authority. https://www.neda.gov.ph/invest-in-filipino-creativity-to-promote-culture-help-boost-economy-neda/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “EsP 6 Quarter 3 Module 5: Pagkamalikhain, Susi sa Pag-unlad sa Bansa”

  1. Crispina B. Tatang

    Hi, can i download the soft copy of ESP 6 modules for quarter 3 please for my reference during my class discussion. Thank you po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district