Music 5 Quarter 4 Module 4: Round Song at Partner Song

Grade 5 Music Quarter 4 Module 4 teaches learners to identify and sing round songs and partner songs, with activities, rubrics, and an answer key.

This is the Grade 5 Music self-learning module for the fourth quarter, Module 4: “Round Song at Partner Song” (round songs and partner songs). It is for Grade 5 learners studying at home. It helps them recognize round songs and partner songs by listening and by reading the music, and then sing examples of both. It was prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020), and the module is written in Filipino.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module’s goal is for learners to identify round songs and partner songs by ear and by sight, and to understand why they matter in music. Its stated objective is:

  • Sing an example of a round song and a partner song (Umawit ng halimbawa ng round song at partner song). MU5TX-IVe-2

Key ideas in the module

Texture: the starting point

The module opens with a simple point: singing round songs and partner songs is an easy way to experience harmony. Before singing, learners should already know the melody well.

It then reviews texture (tekstura), the element of music that describes how thick or thin a sound or song is. There are three types:

  • Monophonic: a single melody line with nothing else.
  • Homophonic: a melody with chords supporting it.
  • Polyphonic: two or more independent melodies at the same time.

In the Balikan (review) activity, learners look at three arrangements of the folk song “Bahay Kubo” and name the texture of each. One arrangement has chord symbols above the melody, one is the melody alone, and one adds two improvised instrument parts, such as two ballpens or a spoon and fork.

Round song

A round song is one melody sung by two, three, or more groups of singers who each start at a different time. Numbers above the staff show when each group comes in. Singing a round well depends on following the correct rhythm and pitch.

The module explains it with a classroom picture. The teacher starts singing. After a moment the first group of learners begins, and then the second group. The teacher finishes first, then the first group, and the second group ends the song. The module’s examples are:

  • “Row, Row, Row Your Boat”, sung in three groups in the Tuklasin activity
  • “Viva La Musica”

Partner song

A partner song is two melodies from two different songs sung at the same time. Like a round, it creates a polyphonic texture. Not every pair of songs works together. To be sung as partners, the two songs must have the same:

  • key signature (batayang tunugan)
  • time signature (batayang kumpas)
  • rhythm
  • length

The module’s example is “Leron-Leron Sinta” sung together with “Pamulinawen”. It shows them as Soprano and Alto parts. In the module, four friends sing them at once: two sing “Leron-Leron Sinta” and two sing “Pamulinawen”. The rhythm and pitch still fit together. Learners are invited to try it with family members at home.

Round song and partner song compared

Round songPartner song
MelodiesOne melodyTwo melodies from two different songs
How it is sungGroups start the same melody at different timesTwo songs are sung at the same time
TexturePolyphonicPolyphonic
Examples in the moduleRow, Row, Row Your Boat; Viva La MusicaLeron-Leron Sinta with Pamulinawen

Parts and activities of the module

  • Subukin (pretest): five multiple-choice questions on the meaning of a round song, what a partner song needs, the texture formed, and examples.
  • Balikan (review): identify the texture of three “Bahay Kubo” arrangements.
  • Tuklasin (discover): form three groups and sing “Row, Row, Row Your Boat” as a round.
  • Suriin (explain): the lesson on round songs and partner songs.
  • Pagyamanin (practice): write the meaning of a round song and a partner song.
  • Isaisip (reflect): complete sentences about what you learned.
  • Isagawa (apply): mark five statements as true or false. Draw a whole note if a statement is true and a whole rest if it is false.
  • Tayahin (assessment): record yourself singing a round song and a partner song with someone at home or a nearby friend, then submit it to your teacher.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): find songs that can be sung as round songs and as partner songs.

The recorded performance is scored with two rubrics, one for the round song and one for the partner song. Each rubric uses three criteria, scored 5, 4, or 3:

  • correct performance
  • number of singing styles used
  • number of companions singing with you

How to use this module

For learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on separate sheets of paper and do not write on the module itself, so others can use it later. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) only to check your work honestly. Contact your teacher if any part is hard to understand.

For parents and guardians: You can join the singing activities. The Tuklasin, the Leron-Leron Sinta and Pamulinawen exercise, and the Tayahin all need more than one singer. Help your child record the final performance with any recording device you have at home.

For teachers: The answer key covers the Subukin, Balikan, Pagyamanin, Isagawa, and Isaisip (with suggested answers). You grade the Tayahin recording yourself using the two rubrics. Agree with learners in advance on how they will send their recordings.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Music module for?

It is for Grade 5 Music, fourth quarter, Module 4, titled Round Song at Partner Song. Its competency code is MU5TX-IVe-2.

What is the difference between a round song and a partner song?

A round song is one melody sung by two or more groups who start at different times. A partner song is two different songs sung at the same time. Both create a polyphonic texture.

What do two songs need in common to be sung as a partner song?

According to the module, they must have the same key signature, time signature, rhythm, and length. Its example is Leron-Leron Sinta sung with Pamulinawen.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, practice, and true-or-false activities, plus suggested answers for the reflection. The teacher grades the recorded singing performance.

What do learners submit for the final assessment?

Learners record themselves singing a round song and a partner song with someone at home or a nearby friend. They submit the recording to their teacher in the way they agreed on.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Music – Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Round Song at Partner Song

[illustration: students and a teacher studying outdoors and at a desk, with a globe, a lamp, and a student writing; the cover art of the module]

CO_Q4_Music 5_ Module4

Music – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Round Song at Partner Song Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Deowel F. Abapo Editors: Lea Marie B. Basalo-Abapo, Eden Lynne V. Lopez, Maria Caridad D. Ruedas Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Frolomea Narra T. Tañiza Tagaguhit: Lea Marie Basalo-Abapo Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Bebiano I. Sentillas Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei A. Masias Josemilo P. Ruiz Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Music

Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Round Song at Partner Song

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow, icon beside the part title]

Sa modyul na ito matututunan mong tukuyin sa pakikinig at biswal na pagkilala ang round song at partner song at ang kahalagahan nito sa musika gamit ang sumusunod na layunin bilang gabay sa pagkatuto ng aralin.

a. Umawit ng halimbawa ng round song at partner song. MU5TX-IVe-2

Subukin

[illustration: pencil icon beside the part title]

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

  1. Alin sa mga pagpipilian ang tumutukoy sa round song?
    a. ang pagsasabay ng magkakaibang tunog na nagaganap sa iisang awitin.
    b. ang pagtugma ng magkaibang kanta na may magkaparehas na batayang kumpas at batayang tunugan.
    c. ang pag awit ng iisang melodiya ng dalawa, tatlo, o higit pang pangkat ng mang-aawit na nagsisimula sa iba’t ibang pagkakataon.


  2. Ano ang kailangang magkaparehas para maisagawa ng tama ang partner song?
    a. batayang kumpas at batayang tunugan
    b. ritmo at tempo
    c. tono at daynamiks


  3. Anong tekstura ang mabubuo sa pag-awit ng round song at partner song?
    a. Teksturang monophonic
    b. Teksturang homophonic
    c. Teksturang polyphonic


  4. Alin sa mga awitin ang maaaring pagsabayin upang maging partner song?
    a. Bahay Kubo at Sitsiritsit
    b. Leron-Leron Sinta at Pamulinawen
    c. Dandansoy at Paru-parong Bukid


  5. Alin sa mga uri ng awitin ang maaaring gamitin upang maging round song?
    a. Folk song
    b. Kundiman
    c. Pop Song


1

CO_Q4_Music 5_ Module4

2

CO_Q4_Music 5_ Module4

Aralin 1: Round Song at Partner Song

Isa sa mga simpleng pamamaraan para maranasan ang armonya ay sa pamamagitan ng pag-awit ng round song at partner song. Dapat maging pamilyar sa melodiya ng awitin bago simulan ang pag awit sa round song at partner song.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon beside the part title]

Upang mas maintindihan ang konsepto ng partner song at round song mahalaga na paigtingin ang kasanayan patungkol sa Tekstura.

Ang tekstura ay isang elemento ng musika na nagsasaad ng kapal at nipis ng tunog o isang awitin. Ang tatlong uri ng tekstura sa musika ay ang teksturang monophonic, teksturang homophonic, at teksturang polyphonic.

Panuto: Tukuyin ang tekstura ng magkakaibang areglo ng awiting Bahay Kubo. Ilagay kung ito ay teksturang monophonic, teksturang homophonic, o teksturang polyphonic.


[chart: musical score; “BAHAY KUBO” (staff notation with chord symbols C, G, C, G, C, G, C, F, G, C above the staff)]

Lyrics as printed under the score: Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la-man do – on ay sa – ri – sa – ri: sing-ka-mas at ta- -long; si-ga – ril-yas at ma – ni; si – taw, ba – taw, pa – ta – ni;

(Abapo n.d.)

3

CO_Q4_Music 5_ Module4


[chart: musical score; “BAHAY KUBO” (melody staff with verse 1 and verse 2 markings)]

Lyrics as printed under the score: Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la – man do – on ay sa – ri – sa – ri: sing – ka – mas at ta – long; si – ga – ril – yas at ma – ni; si – taw, ba – taw, pa – ta – ni; kun – dol, pa – to – la, u – po’t ka – la – ba – sa; at tsa – ka may-ro’n pang la – ba – nos, mus – ta – sa; si – bu – yas, ka – ma – tis, ba – wang at lu – ya; sa pa – li – gid – li – gid ay pu – no ng li – nga

(Abapo n.d.)

4

CO_Q4_Music 5_ Module4


[chart: musical score; “BAHAY KUBO” with chord symbols C, G, C, G, C, F, G, C above the vocal staff, and two instrumental staves labeled “Instrumento 1 (Halimbawa: Dalawang Bolpen)” and “Instrumento 2 (Halimbawa: Kutsara’t Tinidor)”]

Lyrics as printed under the vocal staff: Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la – man do – on ay sa – ri – sa- – ri: sing – ka – mas at ta – long; si – ga – ril – yas at ma – ni; si – taw, ba – taw, pa – ta – ni;

Tuklasin

Panuto: Bumuo ng tatlong pangkat at awitin ang “Row, Row, Row, Your Boat.” Simulan ang pag-awit ng bawat pangkat ayon sa nakasaad na bilang sa larawan.

[chart: musical score; “Row, Row, Row, Your Boat” with numbered entry markers 1, 2, and 3 above the staff]

Row, row, row your boat gently down the stream; merrily, merrily, merrily, merrily, life is but a dream!

(Mysid 2012)

[illustration: three singers performing, with musical notes around them]

(Abapo n.d.)

Suriin

Isipin ninyo ang inyong guro sa musika. Ipagpalagay ninyo na siya ang naunang umawit. Matapos ang ilang saglit ay umawit naman ang unang pangkat ng inyong klase pagkatapos ay sumunod naman ang pangalawang pangkat. Sa puntong ito, mauunang matapos ang inyong guro na susundan naman ng naunang pangkat at tatapusin ng ikalawang pangkat.

Round song

[chart: musical score; “Viva La Musica” with numbered entry markers 1, 2, and 3 above the staff]

Vi – va, vi – va la mu – si – ca. Vi – va, vi – va la mu – si – ca, Vi – va la mu – si – ca

[illustration: a teacher gesturing toward a group of three singing students, with musical notes around them]

(Abapo n.d.)

Ang round song ay ang pag awit ng iisang melodiya ng dalawa, tatlo, o higit pang pangkat ng mang-aawit na nagsisimula sa iba’t ibang pagkakaton. Mahalaga sa pag-awit ang ganitong mga kanta na may kakayahan sa pagsunod sa tamang ritmo at tono. Makikita sa itaas ng mga istap ang hudyat ng pag-awit sa bawat bahagi ng awitin.

Sa ibaba ay iyong makikita ang magkakaiibigang sina Dilan, Lenard, Sally at Rolly. Umaawit sila ng magkakasabay ngunit magkakaiba ang kanilang inaawit. Sina Dilan at Lenard ay inaawit ang Leron-Leron Sinta samantalang sina Sally at Rolly ay inaawit ang Pamulinawen. Bagaman magkaiba ang kanilang sabay na inawit, nagtugma pa rin ang ritmo at tono nito. Maaari mo rin itong subukan kasama ang iyong mga kasamahan sa bahay. Awitin ninyo ang Leron Leron Sinta at Pamulinawen ng sabay.

[illustration: two young men singing, one playing a guitar, with a woman holding a book and a man with a hat standing in a field]

(Abapo n.d.)

Partner Song

Bukod sa mga round song, nakabubuo rin ng teksturang polyphonic ang partner song. Ang partner song ay binubuo ng dalawang melodiya na mula sa dalawang magkaibang awitin na maaring pagsabayin. Hindi lahat ng awitin ay maaring awitin ng sabay na magkapares. Upang malaman kung ang dalawang awit ay maaring pagsabayin, dapat ang dalawang awitin ay may parehas na batayang tunugan (key signature), batayang kumpas (time signature), ritmo at haba ng awitin.

[chart: musical score; “Leron-Leron Sinta at Pamulinawen” for Soprano (S) and Alto (A) parts]

Soprano: Le – ron. Le-ron sin – ta Bu ko ng pa-pa- Alto: Pa – mu – li – na – wen, pu – soc in de-ga-

S: ya, Da – la-da-la’y bus – lo Si – sid-lan ng bu – nga pag- A: man toy, u – mas – a – sug ag – ra-yo ta-sa-diam

S: da-ting sa du – lo na ba – li ang sa – nga ka – pos ka-pa-la – A: pa – nu-nu – te – man Di ca pag-gin-tul – ngan. Toy a-ga-

S: ran hu – ma – nap – ng i – ba A: yat Ag – ra – yo ta – sa diam

Pagyamanin

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng round song at partner song. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang sa loob ng kahon.

Round SongPartner Songs
Ang round song ayAng partner song ay
__________
__________
__________
__________
__________
Isaisip

Panuto: Buuin ang pangungusap.

a. Ang natutunan ko sa araling ito ay _____



b. Naintindihan ko na ang round song ay_____



c. Naintindihan ko na ang partner song ay_____



Isagawa

Panuto: Kung tama ang pahayag patungkol sa round song at partner song, iguhit ang whole note ( [illustration: whole note symbol] ). Kung mali, iguhit ang whole rest ( [illustration: whole rest symbol] ). Gawain ito sa unahan ng bawat bilang.

_____1. Ang round song ay ang pag awit ng iisang melodiya ng dalawa, tatlo, o higit pang pangkat ng mang-aawit na nagsisimula sa iba’t ibang pagkakaton.

_____2. Ang partner song ay binubuo ng dalawang melodiya na mula sa dalawang magkaibang awit na maaring awitin nang sabay.

_____3. Upang malaman kung ang dalawang awit ay maaring pagsabayin, dapat ang magkaparehong awitin ay may parehas na batayang tunugan, batayang kumpas, ritmo, at haba ng awitin.

_____4. Ang round song at partner song ay magkatulad lamang at walang pinagkaiba.

_____5. Ang pag-awit ng sabay sa Leron-Leron Sinta at Pamulinawen ay halimbawa ng isang round song.

Tayahin

Panuto: Pumili ka ng makakasama mo sa loob ng bahay o kaibigang malapit sa iyo para umawit ng round song at partner song. I-record ang inyong pag-awit gamit ang kahit anong recording devices. Isumite sa inyong guro ang record ng inyong pag awit sa paraang inyong napagkasunduan.

Tingnan ang rubrik na gagamitin sa pag bibigay ng iskor sa inyong pagtatanghal.

Round Song
Pamantayan543Marka
Pagtatanghal ng pag awit ng round songNakapagtatangha l ng wastong pag awit ng round songNakapagtatanghal ng pag awit ng round song ngunit may isa o dalawang maliNakapagtatanghal ng pag awit ng round song ngunit may tatlo o higit pang mali
Istilo ng pagtatanghal ng pag awit ng round songNakagagamit ng tatlo o higit pang istilo ng pag-awit ng round songNakagagamit ng dawalang istilo ng pag-awit ng round songNakagagamit ng isang istilo ng pag-awit ng round song
Pakikipag tulungan sa mga kasamahan sa pag-awit ng round songMay tatlo o higit pang kasamahan sa pag-awit ng round songMay dalawang kasamahan sa pag-awit ng round songMay isang kasamahan sa pag-awit ng round song
Partner Song
Pamantayan543Marka
Patatanghal ng pag awit ng Partner SongNakapagtatanghal ng wastong pag awit ng Partner SongNakapagtatanghal ng pag awit ng partner song ngunit may isa o dalawang maliNakapagtatanghal ng pag awit ng partner song ngunit may tatlo o higit pang mali
Istilo ng pagtatanghal ng pag awit ng Partner SongNakagagamit ng tatlo o higit pang istilo ng pag-awit ng partner songNakagagamit ng dawalang istilo ng pag-awit ng Partner SongNakagagamit ng isang istilo ng pag-awit ng Partner Song
Pakikipag tuloungan sa mga kasamahan sa pag-awit ng Partner SongMay tatlo o higit pang kasamahan sa pag-awit ng Partner SongMay dalawang kasamahan sa pag-awit ng Partner SongMay isang kasamahan sa pag-awit ng Partner Song
Karagdagang Gawain

Panuto: Humanap ng mga awitin na maaaring gawing round song at partner song.

a. Round song




b. Partner song




Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
  1. C
  2. A
  3. C
  4. B
  5. A
BALIKAN
  1. Homophonic
  2. Monophonic
  3. Polyphonic
PAGYAMANIN
Round SongPartner Song
Ang round song ay awit ng iisang melodiya ng dalawa, tatlo, o higit pang pangkat ng mang-aawit na nagsisimula sa iba’t ibang pagkakataon.Ang partner song ay binubuo ng dalawang melodiya na mula sa dalawang magkaibang awitin na maaaring pagsabayin.
ISAGAWA
  1. [illustration: musical symbol]
  2. [illustration: musical symbol]
  3. [illustration: musical symbol]
  4. [illustration: musical symbol]
  5. [illustration: musical symbol]
TAYAHIN

(Iwawasto ng guro.)

KARAGDAGANG GAWAIN

(magkakaiba-iba ang sagot)

ISAISIP

(Suggested Answers)

a. Ang natutunan ko sa araling ito ay para maranasan ang armonya at pagkapal ng tekstura ng musika ay sa pamamagitan ng pag-awit ng round song at partner song.

b. Naiintindihan ko na ang round song ay ang pag-awit ng iisang melodiya ng dalawa, tatlo, o higit pang pangkat ng mga aawit na nagsisimula sa iba’t ibang pagkakataon. Mahalaga sa pag-awit sa ganitong mga kanta na may kakayahan sa pagsunod sa tamang ritmo at tono.

c. Naiintindihan ko na ang partner song ay binubuo ng dalawang melodiya na mula sa dalawang magkaibang awitin na maaaring pagsabayin. Hindi lahat ng awitin ay maaaring awitin ng sabay na magkapares. Upang malaman kung ang dalawang awit ay maaaring pagsabayin, dapat ang dalawang awitin ay may parehas na batayang tunugan (key signature), batayang kumpas (time signature), ritmo at haba ng awitin.

Sanggunian

Tumambing, Arvin, Ma. Victoria Flores, Milagros Agda, and Angela Katrina Magbitang. Dynamic Series In MAPEH. Reprint, Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2017.

Mysid. 2012. “File:Row Your Boat.Svg – Wikimedia Commons”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Row_your_boat.svg.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district