Music 5 Quarter 4 Module 3: Ang Tekstura ng Musika (Texture of Music)

Grade 5 Music Q4 Module 3 explains musical texture, monophonic, homophonic, and polyphonic, using Bahay Kubo, with activities and an answer key.

This is the Grade 5 Music self-learning module for the fourth quarter, Module 3: “Ang Tekstura ng Musika” (the texture of music). It explains texture as an element of music: how thick or thin the sound of a song or composition is. After the lesson, learners should be able to describe the texture of a piece of music. It was prepared by DepEd Region VIII for home learning and includes a pretest, activities, and an answer key.

On this page 7 sections

What learners will learn

  • Describe the texture of a piece of music (MU5TX-IVe-1)

The module has one lesson, Aralin 3 (Lesson 3): “Ang Tekstura ng Musika.” It also has a short review of four elements of music: armonya (harmony), tekstura (texture), tempo, and daynamiks (dynamics).

What texture means

Texture tells how thick or thin the sound is in a song or composition.

  • Thin texture: one sound from a single voice or a single instrument.
  • Thick texture: two or more voices or sounds heard together.

The three types of texture

The module uses the folk song “Bahay Kubo” to show all three types, so learners can hear how the same song changes.

TypeWhat it meansExample in the module
MonophonicFrom mono, meaning one sound. One melody with no other melody or instrument playing along.“Bahay Kubo” sung alone, with no accompaniment
HomophonicOne sound comes from a voice and another from an accompanying instrument. Piano and guitar are common accompaniments.“Bahay Kubo” sung with chords (C, F, G) played by an instrument
PolyphonicFrom poly, meaning many. Two or more melodies or instruments sound at the same time, following the same rhythm and pitch.“Bahay Kubo” with two added instrument parts made from everyday objects: two ballpens, and a spoon and fork

The polyphonic example shows that household items can serve as instruments. Learners can try these sounds at home.

Activities in the module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  1. Subukin (pretest): 10 true-or-false statements about texture, round songs, and partner songs.
  2. Balikan (review): unscramble letters to form four elements of music.
  3. Tuklasin (discover): a word search for the three types of texture.
  4. Suriin (lesson): the explanation of monophonic, homophonic, and polyphonic texture.
  5. Pagyamanin (practice): name the texture of five familiar songs: “Pakitong-kitong,” “Magtanim ay ‘Di Biro,” “Leron Leron Sinta,” “Ako ay May Lobo,” and “Sitsiritsit Alibangbang.”
  6. Isaisip (remember): complete sentences defining texture and listing its three types.
  7. Isagawa (apply): name the texture usually heard in everyday situations, such as singing with a guitar, singing alone, or a group singing “Lupang Hinirang.”
  8. Tayahin (assessment): draw a picture of each type of texture in a box.
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): match four descriptions to texture, monophonic, homophonic, or polyphonic.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest to see what you already know. Work through each part in order and write your answers on a separate sheet of paper. Do not write on the module, because other learners will use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after you finish, and be honest when you check.
  • Parents and guardians: Help your child sing “Bahay Kubo” in the three ways shown. Sing it alone, then with a guitar or chords, then with tapping sounds from ballpens or a spoon and fork, so the difference in texture is easy to hear.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Tayahin drawing task and the Karagdagang Gawain can serve as the end-of-lesson check. Learners should contact you if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Music module for?

It is for Grade 5 Music, Quarter 4, Module 3. The module’s single lesson is Aralin 3, “Ang Tekstura ng Musika.”

What is texture in music?

Texture is the element of music that tells how thick or thin the sound of a song or composition is. One voice or one instrument gives a thin texture. Two or more voices or sounds give a thick texture.

What are the three types of texture in the module?

Monophonic is one melody with nothing playing along. Homophonic is a voice with an accompanying instrument, such as piano or guitar. Polyphonic is two or more melodies or instruments sounding at the same time.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and every activity, including sample drawings for the Tayahin.

What competency does this module cover?

It covers describing the texture of a piece of music, code MU5TX-IVe-1.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q4_Music 5_ Module3

Music

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Tekstura ng Musika

[illustration: group of students studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a student writing on paper beside a lamp]

CO_Q4_Music 5_ Module3

Music – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Tekstura ng Musika Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eddie B. Gucela Editors: Deowel F. Abapo, Lea Marie B. Abapo, Mariel A. Alla, Eden Lynne V. Lopez Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Corazon V. Abapo Tagaguhit: Marie Joy M. Lastra, Lea Marie Basalo-Abapo Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Bebiano I. Sentillas Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei A. Masias Josemilo P. Ruiz Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Music

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Tekstura ng Musika

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow icon]

Isa sa mga elemento ng musika ang tekstura. Maaaring mailarawan ang tekstura ng isang awitin o komposisyon na nagsasaad sa kapal o nipis ng tunog.

Sa modyul na ito ay iyong mailalarawan ang tekstura ng piyesa ng musika (MU5TX-IVe-1).

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay tama o mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________ 1. Ang tekstura ay elemento ng musika na tumutuon sa kapal o nipis ng tunog. _____________ 2. Manipis ang tekstura ng musika na may tatlong instrumenting naririnig. _____________ 3. Ang isahang pag-awit nakabubuo ng teksturang polyphonic. _____________ 4. Lahat ng awitin ay maaring pagtambalin bilang round song. _____________ 5. Ang mga inaawit ng mga koro ay laging may teksturang polyphony. _____________ 6. Ang mga round songs ay nakabubuo ng teksturang monophonic. _____________ 7. Ang mga round songs ay binubuo ng dalawang melodiya na mula sa dalawang magkaibang awitin. _____________ 8. Ang partner songs ay binubuo ng isang awitin na may dalawa, tatlo, o higit pang bahagi na inaawit ng dalawa o tatlo pang linya ng musika. _____________ 9. Maaaring gawing partner song ang mga awiting may parehas na batayang kumpas at batayang tunugan. _____________ 10. Mahalaga ang pagsunod sa tamang ritmo at tono sa pag-awit ng isang round song.

CO_Q4_Music 5_ Module3

Aralin 3: Ang Tekstura ng Musika

Sa musika ang tekstura ay elemento ng musika na nagsasaad kung gaano kakapal o kanipis ang naririnig na tunog sa isang awitin o komposisyon. Manipis ang tekstura ng musika kung ito ay binubuo ng isang tunog mula sa iisang boses o instrumento. Kapag ang musikang naririnig ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tinig o tunog, ang tekstura nito ay makapal.

Balikan

Panuto: Isaayos ang mga pinaghalo-halong letra para mabuo ang apat na elemento ng musika, Isulat ang sagot sa patlang.

  1. Y N O M R A A – _______________________
  2. A R U T K S E T – _______________________
  3. O P M E T – _______________________
  4. M I K S A D Y N A – _______________________
Tuklasin

Panuto: Hanapin sa kahon ang iba’t ibang tekstura ng musika. Bilugan ang inyong sagot.

MONOPHONIC
RAPADAJOAN
HOMOPHONIC
NILEERAAPA
OEHARMONYA
POLYPHONIC
DYNAMICSTO

CO_Q4_Music 5_ Module3

Suriin

[illustration: magnifying glass icon]

Ang mga Uri ng Tekstura ng Musika
  1. Teksturang Monophonic

Ang salitang monophonic ay hango sa salitang mono na nangangahulugang isang tunog. Ang ganitong uri ng tekstura ay napapansin sa mga komposisyon na may iisang himig at walang kasabay na iba pang himig. Isang halimbawa nito ay ang awiting “Bahay Kubo” na inaawit na walang kasabay na iba pang himig o instrumento.

Halimbawa: Bahay Kubo na walang saliw na ibang instrumento.

BAHAY KUBO

[chart: musical score; BAHAY KUBO]

Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la – man do – on ay sa – ri – sa – ri: sing-ka – mas at ta- – long; si – ga – ril – yas at ma – ni; si – taw, ba – taw, pa – ta – ni; kun – dol, pa – to – la, u- – po’t ka – la – ba – sa; at tsa – ka may – ro’n pang la – ba – nos, mus – ta – sa; si – bu – yas, ka – ma – tis, ba – wang at lu- – ya; sa pa – li – gid – li – gid ay pu – no ng li – nga

(Abapo n.d.)

  1. Teksturang Homophonic

Ang teksturang homophonic ay tumutukoy sa isang musika na ang isang tunog ay mula sa isang tinig at ang isa naman ay musa sa sumasaliw ng instrumento. Kadalasang ginagamit ang piano at gitara bilang pansaliw.

CO_Q4_Music 5_ Module3

Halimbawa: Bahay Kubo na sinasaliwan ng isang instrumento.

BAHAY KUBO

[chart: musical score with chord symbols C, G, C, G, C, G, C, F, G, C; BAHAY KUBO]

Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la – man do – on ay sa – ri – sa – ri: sing-ka – mas at ta- – long; si – ga – ril – yas at ma – ni; si – taw, ba – taw, pa – ta – ni;

3. Teksturang Polyphonic

Ang teksturang polyphonic ay mula sa salitang poly na ang ibig sabihin ay marami. May mga awitin o tugtugin na binubuo ng sa dalawa pang melodiya o instrumento na magkakasabay. Ang teksturang polyphonic ay maaaring maisagawa sa iba’t ibang awitin o tugtugin sa pamamagitan ng pagsaliw ng iba’t ibang tinig o intrumento na lapat sa parehong ritmo at tono.

Halimbawa: Bahay Kubo

[chart: multi-part musical score of “Bahay Kubo” with chord symbols and two added instrument parts; labeled “Instrumento 1 (Halimbawa: Dalawang Bolpen)” and “Instrumento 2 (Halimbawa: Kutsara’t Tinidor)”]

Ba – hay ku – bo ka – hit mun – ti ang ha – la – man do – on ay sa – ri – sa- – ri: sing-ka – mas at ta- – long; si – ga – ril – yas at ma – ni; si – taw, ba- – taw, pa – ta – ni;

Values are not labeled on the chart.

(Villamor n.d.)

CO_Q4_Music 5_ Module3

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin ang tekstura ng bawat awitin.


[illustration: musical score titled “PAKITONG-KITONG” with a melody line and two instrument parts]

Tong tong tong tong pa-ki-tong ki-tong a-li-ma-ngo sa da-gat. Ma-la

Intrumento 1 (Halimbawa: Dalawang Patpat)

Intrumento 1 (Halimbawa: Kutsara at Tinidor)


[illustration: musical score titled “MAGTANIM AY ‘DI BIRO” with chord symbols D and A]

Akorde

Mag-ta-nim ay ‘di bi-ro. Mag-ha-pong na-ka-yu-ko. ‘Di man


[illustration: musical score titled “LERON LERON SINTA” with chord symbols C and F]

Akorde

Le-ron le-ron sin-ta bu-ko ng pa-pa-ya.

Instrumento (Halimbawa: Kutsara at Tinidor)

(Villamor n.d.)


[illustration: musical score titled “AKO AY MAY LOBO”]

A-ko ay may lo-bo Lu-mi-pad sa la-ngit Di ko na na-ki-ta. Pu-mu-tok na pa-la. Sa-yang ang pe-ra ko pam-bi-li ng lo-bo. Kung pag-ka-in sa-na na-bu-sog pa a-ko.


[illustration: musical score titled “SITSIRITSIT ALIBANGBANG” with a Boses part and an instrument part]

Sit-si-rit-sit a-li-bang-bang Sa-la-gin-to sa-la-gu-bang. Ang ba-ba

Boses

ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching ching

Instrumento (Halimbawa: Dalawang Patpat)

(Lastra n.d.)

Isaisip

Panuto: Buuin ang pangungusap.

A. Ang tekstura ng musika ay



B. Ang mga uri ng tekstura ng musika ay




Isagawa

Panuto: Isulat kung ano ang tekstura ng musika na kadalasang maririnig sa mga sumusunod na pangyayari.

  1. Pag-awit na may saliw na gitara – ________________
  2. Pag-awit ng walang kasabay – ________________
  3. Dalawang instrumentong tumutugtog – ________________
  4. Pag-awit na may kasabay na iba’t ibang instrumento – ________________
  5. Sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang – ________________
Tayahin

Panuto: Isalarawan ang mga uri ng tekstura ng musika sa pamamagitan ng pagguhit sa loob ng kahon.

[illustration: empty box for drawing]

Teksturang Monophonic

[illustration: empty box for drawing]

Teksturang Homophonic

[illustration: empty box for drawing]

Teksturang Polyphonic

Karagdagang Gawain

Panuto: Ilarawan kung anong tekstura ng musika ang isinasaad sa bawat pangungusap. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon.

Teksturang Monophonic Tekstura Teksturang Polyphonic Teksturang Homophonic

_______________ 1. Ito ay elemento ng musika na nagsasaad kung gaano kakapal o kanipis ang naririnig na tunog sa isang komposisyon.

_______________ 2. Ito ay isang uri ng tekstura ng musika kung saan maaaring makatukoy ng dalawang tunog na nagmumula sa boses at instrumentong nagsasaliw ng musika.

_______________ 3. Ito ay isang uri ng tekstura ng musika kung saan maaaring makatukoy ng higit pa sa dalawang tunog.

_______________ 4. Ito ay isang uri ng tekstura ng musika kung saan maaaring makatukoy ng iisang tunog at may iisang linya ng musika na pangboses o pang-instrumento.

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
  1. Tama
  2. Mali
  3. Mali
  4. Mali
  5. Mali
  6. Mali
  7. Tama
  8. Mali
  9. Tama
  10. Tama
BALIKAN
  1. ARMONYA
  2. TEKSTURA
  3. TEMPO
  4. DAYNAMIKS
TUKLASIN

[illustration: word-search puzzle grid with three circled answers]

[transcriber’s note: the grid is printed upside down; the three circled words, read from the grid, are MONOPHONIC, HOMOPHONIC, and POLYPHONIC]

PAGYAMANIN
  1. Homophonic
  2. Homophonic
  3. Homophonic
  4. Monophonic
  5. Polyphonic
ISAISIP

A. Ang tekstura ng musika ay

  1. nagsasaad kung gaano kakapal o kanipis ang naririnig na tunog sa isang awitin o komposisyon.

B. Ang mga uri ng tekstura ng musika ay

  1. Monophonic
  2. Homophonic
  3. Polyphonic
ISAGAWA
  1. Homophonic
  2. Monophonic
  3. Homophonic
  4. Polyphonic
  5. Homophonic
KARAGDAGANG GAWAIN
  1. Tekstura
  2. Teksturang Homophonic
  3. Teksturang Polyphonic
  4. Teksturang Monophonic
TAYAHIN

[illustration: three waveform sketches in boxes, labeled below]

Teksturang Polyphonic (top box)

Teksturang Homophonic (bottom left box)

Teksturang Monophonic (bottom right box)

Sanggunian

Hazel P. Copiaco at Emilio S. Jacinto. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Textbook. Vibal Group Incorporated. 2016. Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines. Pahina 78-82

Gernalyn A. Solano, MAPEH Adventures in the 21st Century, Rex Bookstore. 2019. Pahina 67-72

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district