Music 5 Quarter 3 Module 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran

Grade 5 Music Q3 Module 6 teaches learners to describe sounds in the environment by pitch, dynamics, and timbre, and to make their own sounds.

This is the Grade 5 Music self-learning module for the third quarter, Module 6: “Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran” (different sounds heard in the environment). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VIII (first edition, 2020), written for learners studying at home with the help of a parent or facilitator. After the lesson, learners can describe the quality of everyday sounds and make their own sounds using objects around them.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states two learning objectives (competency code MU5TB-IIIg-h-5):

  • Recognize the different kinds and colors of sound heard in the environment (“Nakikilala ang iba’t ibang uri at kulay ng tunog na maririnig sa kapaligiran”).
  • Make different sounds from the environment (“Nakagagawa ng iba’t ibang tunog mula sa kapaligiran”).

Key ideas in the lesson

Sounds are everywhere

Sounds can come from musical instruments or from things in our surroundings. The module lists examples such as the human voice, rain, footsteps, clapping, bird calls, animal sounds, and drumming on a drum or a table.

Timbre: the color of a sound

Timbre (“timbre”) is the color of the sound of a musical instrument or a human voice. The module explains that sounds from objects, animals, and events also have qualities we can describe.

Learners describe a sound using:

  • Tono (pitch): whether it is high or low (mataas o mababa)
  • Daynamiks (dynamics): whether it is loud or soft (malakas o mahina)
  • Kulay (color): whether it is thick or thin (makapal o manipis)

Other describing words the module uses include matining (sharp or ringing), mataginting (resonant), matinis (shrill), malumanay (gentle), malamig (cool), malambing (sweet), and mahinahon (calm).

The module gives these examples:

Sound in the environmentQuality of the sound
Agos ng ilog (flowing river)makapal at mabigat (thick and heavy)
Kamay ng orasan (ticking clock hand)mahina at manipis (soft and thin)
Tahol ng aso (dog’s bark)malakas (loud)

Review: voice types

The Balikan (review) part recalls the four voice types: soprano (female; high, thin, and light), alto (female; low, thick, and heavy), tenor (male; high, thin, and light), and bass (male; low, thick, and deep). Learners match Filipino singers to these voice types and name pictured Filipino string instruments.

Parts of the module

  • Subukin (pretest): describe 10 sounds, such as raindrops, a clock, waves, thunder, a bell, and a moving train.
  • Balikan (review): voice types and instrument names.
  • Tuklasin (discover): a word search for environmental sounds, such as iyak (crying), palakpak (clapping), ulan (rain), yabag (footsteps), and tambol (drum).
  • Suriin (explain): the discussion of timbre and sound qualities.
  • Pagyamanin (practice): Gawain 1 asks learners to write the sound of a cat, bird, train, waterfall, and hen and describe it. Gawain 2 asks them to create one thin and one thick sound and explain how they made it. Gawain 3 asks how the two sounds differ beyond thickness.
  • Isaisip (remember): complete sentences about what was learned and what timbre is.
  • Isagawa (apply): make sounds from things seen and heard around you, scored with a rubric.
  • Tayahin (assessment): tell whether sounds like a lion, owl, bird, clock, and whistle are thick or thin, and high or low.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): describe the pitch, dynamics, and color of a drum, torotot (party horn), pompyang (cymbals), bass, and soprano.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it after you. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
  • Parents and facilitators: Help your child find simple objects at home to make sounds for Gawain 2 and Isagawa. The rubrics reward sounds that clearly show thickness or thinness and materials that are simple and easy to find.
  • Teachers: Use the two rubrics (for Pagyamanin Gawain 2 and for Isagawa) to score the performance tasks. Many answers in the key are marked as open, so accept reasonable descriptions. Learners should contact their teacher if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Music module for?

It is for Grade 5 Music, third quarter (Ikatlong Markahan), Module 6, Lesson 6.

What is timbre according to the module?

Timbre is the color of the sound of a musical instrument or a human voice. It can be described with words like matining, mataginting, and matinis.

How do learners describe a sound in this lesson?

They describe its pitch (high or low), dynamics (loud or soft), and color (thick or thin), and may add other qualities such as gentle or shrill.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, activities, and assessment, and the performance tasks are scored with rubrics.

What competency does the module cover?

It covers competency MU5TB-IIIg-h-5: recognizing the kinds and colors of sound in the environment and making different sounds from the environment.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Music Ikatlong Markahan – Modyul 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran

5

Music

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran

[illustration: students reading and studying under a tree and at a table, with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q3_Music5_ Modyul6

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Music – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luzvel B. Villamor Editors: Deowel F. Abapo, Eden Lynne V. Lopez, Mariel A. Alla Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Corazon V. Abapo Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Ransel E. Burgos Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei A. Masias David E. Hermano, Jr. Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov

[transcriber’s note: page 3 is a second title page repeating the cover text “Music / Ikatlong Markahan – Modyul 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran” with the DepEd logo; the cover text is already given above and is not repeated]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang paglikha ng tunog ay maaaring manggaling sa mga instrumento o mga bagay mula sa kapaligiran. Ito ay maaari ring manggaling sa boses ng tao, ulan, yabag ng paa, palakpak, huni ng ibon, tunog mula sa mga hayop, tambol o mesa, at marami pang iba.

Mailalarawan natin ang uri at kulay ng isang tunog kung ito ay matining, mataginting, matinis, at iba pa.

Sa modyul na ito, tayo ay makagagawa ng iba’t ibang tunog na maririnig sa kapaligiran gamit ang sumusunod na mga layunin bilang gabay sa pagkatuto ng aralin.

a. Nakikilala ang iba’t ibang uri at kulay ng tunog na maririnig sa kapaligiran. b. Nakagagawa ng iba’t ibang tunog mula sa kapaligiran. (MU5TB-IIIg-h-5)

Subukin

Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang katangian ng tunog na maririnig sa kapaligiran. Ilarawan ang uri ng tunog ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

Mga Tunog na Maririnig sa KapaligiranKatangian ng Tunog
1. Patak ng Ulan
2. Tunog ng Orasan
3. Paghampas ng Alon
4. Tahol ng Aso
5. Tunog ng Kulog
6. Tunog ng Kampana
7. Huni ng Ibon
8. Tunog ng Umaandar na Kotse
9. Tunog ng Ahas
10. Tunog ng Umaandar na Tren

Aralin 6: Iba’t Ibang Tunog na Maririnig sa Kapaligiran

Balikan

Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang uri ng tinig ng mga sumusunod na mang-aawit sa Pilipinas na nasa Hanay A. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Mga Uri ng TinigMga Katangian at Lawak ng Tinig
BABAE: SOPRANOmataas, manipis at magaan
BABAE: ALTOmababa, makapal at mabigat
LALAKI: TENORmataas manipis at magaan
LALAKI: BASSmababa, makapal at malalim

[transcriber’s note: in the printed table, BABAE groups SOPRANO and ALTO, and LALAKI groups TENOR and BASS; the group label is joined to each voice type above]

AB
_____ 1. Daryl OngA. Soprano
_____ 2. Lea SalongaB. Alto
_____ 3. Joey AyalaC. Tenor
_____ 4. JayaD. Bass
_____ 5. Lani Misalucha

[transcriber’s note: a stray mark “.`” is printed at the left of the A and B column headings]

Panuto: Tukuyin ang pangalan ng mga instrumento na nasa larawan. Isulat ang sagot sa ibaba ng instrumento.

[illustration: musical instrument, guitar-like, numbered 6] 6.

[illustration: musical instrument, guitar-like, numbered 7] 7.

[illustration: musical instrument with rounded body, numbered 8] 8.

[illustration: musical instrument with long neck and round body, numbered 9] 9.

Tuklasin

Panuto: Hanapin sa kahon ang iba’t ibang tunog na maririnig sa kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

BIYAKHHOCPGHK
MDEAGIMDMABNJ
AMMCVBMAILGHY
BMAKAULANANRA
ICTBNKDGJKUIB
GYAJAIIDNPPDA
AKTAMBOLTAUIG
TJSKLZAXVKBNS

[transcriber’s note: the printed grid has no header row; its first row is shown here as the header]

[transcriber’s note: the printed answer box below the grid is blank]

Suriin

Ang timbre ay tumutukoy sa kulay ng tunog ng instrumentong pangmusika at boses ng tao. Bukod dito, may iba pang katangian ng tunog na maaari ring matukoy mula sa kapaligiran. Ito ay maaari nating marinig mula sa mga bagay, hayop, pangyayari, at marami pang iba.

Maaari nating mailarawan ang katangian ng tunog sa pamamagitan ng tono (pagtaas at pagbaba), daynamiks (paghina at paglakas), kulay (pagkapal at pagnipis), at iba pa na maaaring ilarawan sa mga nabanggit (matining, malumanay, malamig, malambing, mahinahon). Tignan ang iba pang pagsasalarawan ng tunog sa ibaba:

Tunog na Maririnig sa KapaligiranKatangian ng Tunog
Agos ng Ilogmakapal at mabigat
Tunog ng Kamay ng Orasanmahina at manipis
Tahol ng Asomalakas
Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang katangian ng tunog na maririnig sa kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa kanang bahagi ng kahon.

Tunog na Maririnig sa KapaligiranIbigay ang TunogIsalarawan ang Katangian ng Tunog
1. [photo: cat]
2. [photo: magpie perched on a branch]
3. [photo: steam locomotive]

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Tunog na Maririnig sa KapaligiranIbigay ang TunogIsalarawan ang Katangian ng Tunog
4. [illustration: waterfalls over rocks with trees]
5. [illustration: hen]
Gawain 2

Panuto: Lumikha ng iba pang tunog mula sa paligid na may manipis at makapal na katangian. Ipaliwanag ang bagay na ginamit o ang proseso ng paglikha ng tunog. Sumangguni sa rubrik para sa kaukulang puntos na makikita sa pahina 11.

Katangian ng TunogNilikhang TunogBagay na Ginamit o Proseso ng Paglikha ng TunogPagpapaliwanag
Manipis
Makapal
Gawain 3

Bukod sa katangiang manipis at makapal, ano pa ang pagkakaiba ng dalawang tunog na iyong nilika? Ipaliwanag.




Isaisip

Panuto: Buuin ang pangungusap.

a. Ang natutunan ko sa araling ito ay _____.

b. Naintindihan ko na ang timbre ay _____.

c. Mayroong iba’t ibang katangian ng tunog tulad ng _____.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng mga tunog mula sa mga bagay na nakikita at naririnig sa kapaligiran. Sumangguni sa rubrik na makikita sa pahina 12 para sa kaukulang puntos.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang wastong katangian ng tunog na maririnig sa paligid kung ito ay makapal, manipis, mataas o mababa. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Tunog na Maririnig sa KapaligiranKatangian ng Tunog: Makapal o ManipisKatangian ng Tunog: Mataas o Mababa
Leon1.2.
Kuwago3.4.
Huni ng Ibon5.6.
Tunog ng Orasan7.8.
Sipol/Pito9.10.

Rubrik para sa Pagyamanin Gawain 2

PamantayanNapakahusay (3)Mahusay (2)Kailangan pang paunlarin (1)
Paglikha ng TunogAng mag-aaral ay nakalikha ng iba pang tunog na nagpapakita ng katangiang makapal at manipis. Gayun din, naipaliwanag niya ang bagay na ginamit o ang proseso ng paglikha ng tunog.Ang mag-aaral ay nakalikha lamang ng isa sa dalawang katangian ng tunog na nasa panuto. Gayun pa man, naipaliwanag niya ang bagay na ginamit o ang proseso ng paglikha ng tunog.Ang mag-aaral ay hindi sumunod sa panuto.
Katangian ng TunogAng nilikhang tunog ay tunay na naglalarawan ng kanipisan at kakapalan.Ang nilikhang tunog ay malapit sa kanipisan at kakapalan nito.Ang nilikhang tunog ay hindi naglalarawan sa ng kanipisan at kakapalan.

Rubrik para sa Isagawa

PamantayanNapakahusay (3)Mahusay (2)Kailangan pang paunlarin (1)
Bagay/InstrumentoAng ginawang bagay/instrumento ay nakalikha ng tunog.Ang ginawang bagay/instrumento ay hindi masyadong nakalikha ng tunog.Ang ginawang bagay/instrumento ay hindi nakalikha ng tunog.
MateryalesAng ginamit na materyales ay simple lamang at makikita rin sa paligid.Ang ginamit na materyales ay simple lamang ngunit hindi masyadong makikita sa paligid.Ang ginamit na materyales ay hindi simple at madalang makikita sa paligid.

Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin ang katangian ng mga tunog sa pamamagitan ng tono, daynamiks, at kulay na nasa talahanayan. Maaaring magbigay ng iba pang katangian.

TunogTono (Mataas o Mababa)Daynamiks (Malakas o Mahina)Kulay (Makapal o Manipis)Iba pang Katangian
1. Tambol
2. Torotot
3. Pompyang
4. Bass
5. Soprano

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed in reading order after rotating it to upright]

Susi sa Pagwawasto

Isagawa

Sumangguni sa Rubrik

Tayahin
  1. Makapal
  2. Mababa
  3. Makapal
  4. Mababa/Mataas
  5. Manipis
  6. Mataas
  7. Manipis
  8. Mababa/Mataas
  9. Manipis
  10. Mataas
Isaisip

(Maaaring iba ang maging tugon)

Ang timbre ay isa sa mahalagang elemento ng musika na naglalarawan ng katangian ng isang tunog.

Maaaring gamiting ang mga salitang matining, mataginting, matinis, mainit, at paos malamig, sa pagsasalarawan ng timbre.

Mailalarawan din ang timbre o mula sa mga hayop, bagay, at tinig ng tao.

Pagyamanin

Gawain 2

Sumangguni sa Rubrik

Gawain 3

(Sariling Sagot)

Pagyamanin Gawain 1

(Maaaring iba ang maging tugon)

  1. Miyawww
  2. Twit, twit
  3. Tsug,tsug,tsug o Tootootoot
  4. Shhsss,
  5. Pokpokpotak
Balikan
  1. C
  2. B
  3. A
  4. A
  5. D
  6. Baho de Arco
  7. Gitara
  8. Bandurya
  9. Laud
Tuklasin
  1. Iyak
  2. Palakpak
  3. Ulan
  4. Yabag
  5. Tambol
Subukin
  1. Manipis/Makapal
  2. Manipis
  3. Makapal
  4. Makapal
  5. Makapal
  6. Makapal
  7. Manipis
  8. Makapal
  9. Manipis
  10. Makapal

Sanggunian

Hazel P. Copiaco and Emilio S. Jacinto Jr., Halinang Umawit at Gumuhit 5 (Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016), 51-56.

Department of Education (2016). K to 12 Music Curriculum Guide. Pasig City: Department of Education.

Pixabay. 2018. https://pixabay.com/photos/cat-blue-eyes-pet-feline-3336579/.

Schwartz, Mathew. “File:The Korean Lucky Bird (182632069).Jpeg – Wikimedia Commons”. Commons.Wikimedia.Org, 2016. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:The_Korean_Lucky_Bird_(182632069).jpeg.

“Royalty-Free Photo: Red And Black 1271 Train | Pickpik”. Pickpik.Com, 2020. https://www.pickpik.com/train-steam-engine-locomotive-railway-railroad-transportation-56576.

Mcsporran, Kravica. “File:Kravica Waterfalls,Bosnia & Herzegovina.Jpg – Wikimedia Commons”. Commons.Wikimedia.Org, 2018. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Kravica_Waterfalls,Bosnia_%26_Herzegovina.jpg.

Pixabay, 2017. https://pixabay.com/illustrations/the-hen-cut-rip-home-poultry-2361934/.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district