This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Grade 5, Quarter 3, Module 6: “Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman” (greed brings no good). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VIII, first edition 2020, written for learners studying at home with the help of a parent or guardian. After working through it, learners should understand why greed harms people and the environment, recognize activities that damage nature, and be able to write about caring for the environment.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module states these objectives:
- Show that needs are not met through greed (“Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan”), including being watchful of illegal activities that damage the environment
- Identify activities that harm the environment
- Write a paragraph about caring for the environment
The module opens with two guiding questions: Why is it important for people to protect and care for the environment? And how can we show that we care for nature?
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1, “Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman.” It explains that a greedy (sakim) person thinks only of himself or herself and often ends up doing wrong to others. The lesson asks learners to choose concern for others (malasakit) and generosity instead.
Key ideas: greed and the environment
The module teaches that the world is a gift from God, entrusted to people to look after. We use natural resources to live, so we also have a responsibility to care for them and not abuse them. People are caretakers of the earth’s resources and must keep the world a good place for the next generation.
The module defines being greedy as thinking only of yourself without considering the welfare of other people and the environment. It gives these examples of greedy acts that harm nature:
- Clearing forests and cutting too many trees, which can cause severe flooding and soil erosion
- Throwing garbage on the ground or into rivers and seas, which blocks waterways, causes floods, and kills fish and other water life
- Burning garbage, especially plastic
- Illegal fishing with dynamite and other tools that destroy water resources
- Heavy, dirty smoke from vehicles, which pollutes the air and harms people’s health
What learners can do to help
The module lists simple ways a young citizen can prevent this damage:
- Keep the surroundings clean
- Help family members plant and care for plants at home
- Throw garbage properly and in the right container
- Avoid wasting water, electricity, food, and other natural resources
The activities also show caring actions in real situations, such as politely telling a jeepney driver that thick black smoke is harmful, explaining to a family member that kaingin (burning fields) is prohibited, separating garbage into biodegradable, non-biodegradable, and recyclable, and stopping a friend from throwing trash into a river.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Unscramble 10 jumbled words from the lesson, such as kasakiman and kapaligiran |
| Balikan (review) | Rate how often they do 10 activities and mark whether each is good or harmful |
| Tuklasin (explore) | Read the poem “Ating Kayamanan” (our treasure) by Juliet Lugas Lim and answer six questions |
| Suriin (discussion) | Read the explanation of greed and its effects on nature |
| Pagyamanin (practice) | Suggest solutions to five pictured problems, from river dumping to dynamite fishing |
| Isaisip (remember) | Complete a paragraph by choosing the right word in parentheses |
| Isagawa (apply) | Give five ways to value the blessings they receive, based on a short reading |
| Tayahin (assessment) | Answer a 10-item multiple-choice test on caring for nature |
| Karagdagang Gawain (extra task) | Write a paragraph on caring for the environment and why it matters |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then follow the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest when you do.
- Parents and guardians: Guide your child through the activities and help with the reading. Many items, such as the poem questions and the solutions, have no single right answer, so talk them through together.
- Teachers: The answer key covers the pretest, the Isaisip paragraph, the practice solutions, and the 10-item assessment. Use the paragraph in the extra task as an output that shows whether learners can explain how to care for the environment.
Learners who have trouble understanding the lesson should contact their teacher right away, as the module advises.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 6. It was published by DepEd Region VIII as a first edition in 2020.
What does Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman mean?
It means greed brings no good. The module teaches that greed, or thinking only of yourself, harms other people and the environment.
What examples of greedy acts against nature does the module give?
It lists clearing forests, improper garbage disposal, burning garbage especially plastic, illegal fishing with dynamite, and heavy vehicle smoke that pollutes the air.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the fill-in activity, the 10-item assessment, and sample answers for the open-ended activities.
What is the final output of the module?
Learners write a paragraph about caring for the environment, why it matters to people, and what can be done to keep it in good condition.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 6: Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman
5
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman
[illustration: group of students studying outdoors and indoors, with a teacher, a globe, and a lamp]
CO_Q3_EsP 5_ Module 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glenda T. Navato, Maria Fe P. Alas Editor: Josefina E. Tanciongco, Ma. Shiela C. Adona Tagasuri: David C. Alcober. Renante C. Delima Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr. Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr., Marvin DJ. Villafuerte Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Mariza S. Magan Arnulfo M. Balane Edgar Y. Tenasas Rosemarie M. Guino Mark Chester Anthony G. Tamayo Joy B. Bihag Gretel Laura M. Cadiong Ryan R. Tiu Ranulfo L. Baay Amenia C. Aspa Juliet L. Lim
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________
Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Bakit mahalaga para sa mga tao na ingatan at pangalagaan ang kapaligiran? Paano natin maipakikita ang pangangalaga ng kalikasan?
Ang mundo ay biyayang ginawa ng Diyos para sa tao. Ang tao ang inaasahang mangalaga sa lahat ng bagay na nasa mundao dahil sa kanya ito ipinagkatiwala.
Ang lahat ng likas na yaman nakikita sa ating kapaligiran ay ginagamit ng tao pang mabuhay. Habang tayo ay nakikinabang rito, mahalagang maunawaan natin na tayo ay may responsibilidad na alagaan ito ay huwag abusuhin.
Ang sumusunod na mga layunin ay ang tatalakayin sa modyul na ito:
- Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan
- o pagiging mapagbantay sa mga ilegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran
- Natutukoy ang mga gawaing nakasisira sa kapaligiran
- Nakasusulat ng talata tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
Subukin
Buuin ang mga naghalo-halong titik para maging isang salita.
- N A M I K K A S A _____________________
- G A L L E I L _____________________
- N G A N G A A L A P G A _____________________
- S I R A S I K A N A _____________________
- N A R I G I L A P A K _____________________
- Y O N R A S H E N E _____________________
- N A M A Y _____________________
- T I N A H A R _____________________
- T U P A G N O G _____________________
- K A S L I N A S K A _____________________
1 CO_Q3_EsP 5_ Module 6
Aralin 1 – Walang Kabutihang Dulot ang Kasakiman
Ang kasakiman ng isang tao ay kadalasang nagiging sanhi upang ito ay makagawa ng hindi mabuti sa kanyang kapwa. Ang salitang sakim ay nakaugnay sa pagiging makasarili at pag-iisip ng sariling kapakanan lamang. Ang taong sakim ay hindi natin dapat tularan dahil ito ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa kapwa at sa kanyang mga nasa paligid. Mas nakabubuti na taglayin natin ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa at pagiging mapagbigay.
Balikan
Pag-aralan ang talahanayan. Sa hanay ng SAGOT, iguhit △ ang kung palaging ginagawa ang gawain, ◯ kung paminsan-minsan lang at kung hindi pa. Sa hanay ng EPEKTO, lagyan ng ✓ kung ito ay nakabubuti at × kung nakasasama. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the symbol for “kung hindi pa” is not shown on this page; the blank is as printed]
| GAWAIN | SAGOT | EPEKTO |
|---|---|---|
| 1. Itinatapon sa labas ng bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos kumain kapag nagbibiyahe. | ||
| 2. Tumatakas sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw ng paglilinis ng aking pangkat. | ||
| 3. Nakikiisa at tumutulong sa programang pangkaligtasan at pangkapaligiran sa aming paaralan o sa aming lugar. | ||
| 4. Pinupulot ang mga kalat na nadadaanan sa kalsada kahit walang nag-uutos sa akin. | ||
| 5. Pinipitas ang mga bulaklak sa halamanan ng hindi nagpapaalam. |
2 CO_Q3_EsP 5_ Module 6
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| GAWAIN | SAGOT | EPEKTO |
|---|---|---|
| 6. Pagsusuot ng face mask at face shield upang mapangalagaan ang sarili laban sa COVID-19. | ||
| 7. Iniiwasang pumunta sa matataong lugar at makisalamuha sa mga may sakit. | ||
| 8. Palagiang paghuhugas ng kamay pagkatapos humawak ng anumang bagay. | ||
| 9. Pinapanatili ang isang metrong layo mula sa ibang tao. | ||
| 10. Sinisikap na laging may kaalaman sa mga balita o impormasyon na nag-uulat tungkol sa pandemya. |
Tuklasin
Basahin ang tula at sagutin ang susunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ating Kayamanan
(Isinulat ni: Juliet Lugas Lim)
Luntiang dahon at kabundukang sadya ating makikita Tubig sa ilog na nagbibigay ginhawa sa bawat isa Ang dagat kung iyong makikita sadyang nakikiisa Sa bawat damdaming iyong nadarama.
Lahat ng ito’y libreng handog ng Diyos na Siyang may likha Kanyang tanging payo saiyo, “ito ay ingatan at pagyabungin pa” Kamay na handog iyong gamitin, kumilos at gumawa Hangad nito’y buhay natin ay sumagana at makatulong sa kapuwa.
Ang mundo’y isang milagrong-likha para iyong makita Biyayang-yaman hindi para saiyo lamang kundi para din sa iba Hangad nito buhay na laan ay sumagana Pagyamanin ang yamang laan para kinabukasan ay gumanda.
3 CO_Q3_EsP 5_ Module 6
- Ano ang mensahe ng tula?
- Paano inilalarawan ang kalikasan sa tula?
- Ano ang payo sa tula ukol sa kalikasan?
- Sa iyong palagay nagagawa kayo ito ng mga tao? Ipaliwanag.
- Ano kaya ang mga dahilan kung bakit may mga pagkakataong nasisira ang kalikasan?
- Paano kaya mapapangalagaan ng mga tao ang kalikasan?
Suriin
Tayong mga tao ay tagapangalaga sa mga yaman ng mundo. Dahil dito, marapat lamang na gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang mapanatili nating maayos at maganda ang mundo. Kailangan natin itong mapanatili bilang isang lugar na matitirahan ng susunod pang henerasyon.
Nakalulungkot isipin na may mga taong hindi nauunawaan ang kanilang responsibilidad sa kalikasan at ang maaaring epekto ng kanilang pagiging sakim. Ang pagiging sakim ay nangangahulugan ng pag-iisip ng para sa sarili lamang at hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng ibang tao at ng kapaligiran. Maraming gawain ang mga tao na nagpapakita ng kasakiman lalo na sa kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pagkakalbo ng mga kagubatan at labis na pagpuputol ng mga puno na maaaring magsanhi ng matindi baha at pagguho ng lupa o soil erosion.
- Hindi wastong pagtatapon ng basura sa paligid at sa katubigan tulad ng ilog at dagat na nagdudulot ng pagbaha dahil sa baradong daanan ng tubig, pagkamatay ng mga isda at ibang yamang tubig.
- Ang pagsusunog ng mga basura lalo na ang mga plastic.
- Ilegal na pangingisda na may paggamit ng dinamita at iba pang kagamitang nakasisira sa mga yamang tubig.
- Labis at maruming usok ng mga sasakyan na nagpapadumi ng hangin at nakasasama sa kalusugan ng tao.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawaing nagpapakita ng kasakiman na nagdudulot ng pagkasira sa kapaligiran. Ang mga ganitong kilos ay kawalan ng malasakit sa mundo at sa ibang tao. Bilang isang mamamayan, may magagawa ka ring mga paraan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari tulad ng:
- Pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
- Pagtulong sa iyong mga kasama sa bahay sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.
4 CO_Q3_EsP 5_ Module 6
- Pagtatapon ng basura sa wastong paraan at lalagyan.
- Hindi pag-aaksaya ng tubig, kuryente, pagkain at mga likas na yaman.
Lahat tayo ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan. Isipin din natin ang kinabukasan at ang susunod na henerasyon na maaaring makinabang rito. Huwag maging sakim at isaalang-alang ang kapakanan ng iba at ng kapaligiran bago tayo gumawa ng anumang bagay na maaaring makasira sa ating kalikasan.
Pagyamanin
Magbigay ng solusyon sa mga suliraning ipinakikita sa mga sumusunod na larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: girl dropping garbage into a river] Nagtatapon ng basura sa ilog
[illustration: fire burning garbage] Nagsusunog ng mga basura
[illustration: culvert under a bridge filled with garbage] Esterong puno ng mga basura
[illustration: cut-down trees and stumps on a hillside] Labis na pagputol sa mga puno
[illustration: man using dynamite while fishing from a boat] Mangingisdang gumagamit ng dinamita
Isaisip
Pumili ng angkop na salita sa loob ng panaklong. Isulat ito sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Ang _____ (kasakiman, kabaitan) ay walang maidudulot na kabutihan. Ang mundo ang _____ (maghahatid, magbibigay) sa tao ng lahat ng kaniyang mga pangangailangan tulad ng: hangin, tubig, pagkain, tirahan, at iba pa. Kailangan tayong _____ (magtulungan, magkanya-kanya) upang mapanatili natin ang _____ (kalinisan, karumihan) ng ating paligid. Kailangan na nating _____ (maging tamad, kumilos) hangga’t maaga pa bago mahuli ang lahat.
Isagawa
Basahin ang pahayag sa ibaba. Magbigay ng limang halimbawa kung papaano mo mapahahalagahan ang biyayang natatanggap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang ginagawa natin sa mga likas na yaman ng mundo ay isang salamin, kung ano ang ginagawa natin sa ating sarili at sa bawat isa. Pahalagahan at mahalin ang mga likas na mapagkukunang yaman bilang isang sagradong pamana, para sa iyong mga anak. Huwag hayaan ang sariling pan-interes na bumabalot sa ating pagkatao. Bagkus dapat isipin ng bawat isa ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa dahil lahat tayo ay nangangailangan ng lakas ibang tao para magawa natin ang ating mga mithiin.
Isinulat ni: Luthy Gay Villamor
Mga sagot:
Tayahin
Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Pumili ng pinakatamang sagot na nagpapakita ng mabuting pangangalaga sa ating kalikasan. Isulat na lamang ang titik ng iyong sagot.
Alin sa mga sumusunod ang magandang paalaala tunglol sa pagpapanatili ng kaayusan?
- a. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?
- b. Huwag magkalat. Magmumulta ka kapag nahuli ka.
- c. Pakitapon ang inyong mga kalat sa basurahan.
- d. Sa tingin mo tama ba dito ang pagkakalat?
Sa panahon ng Quarantine dahil sa COVID-19, ano kaya ang iyong maaring gawin para makatulong sa kalinisan?
- a. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito.
- b. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
- c. Maglinis ng bahay at magtanim ng mga gulay sa paligid.
- d. Gumawa ng mga islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.
Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay dahil sa bawal lumabas dahil sa COVID 19. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makatutulong sa proyektong ito?
- a. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
- b. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng maitatanim na mga halamang gulay sa bawat barangay.
- c. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
- d. Ikaw mismo ang magsimulang magtanim sa tulong ng iyong mga kapatid at patnubay nina nanay at tatay.
Ang iyong nanay ay naglilinis sa mga kalat sa kalsada na malapit sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
- a. Magkunwaring wala kang nakita.
- b. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang iyong maaaring maitulong.
- c. Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.
- d. Hayaan ang mga magulang sa paglilinis kasama ang ibang miyembro ng pamilya.
Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na ang unahang dyip ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo?
- a. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
- b. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
- c. Sabihan ng may paggalang ang drayber na maaring magdulot ng sakit at nakasasama sa kapaligiran ang maitim na usok ng kaniyang dyip.
- d. Magsumbong sa mga magulang.
Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa niyang tauhan na magkaingin o pagsunog sa k matataas na damo sa bukid. Ipinagbabawal ito dahil may masamang epekto ito sa tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
- a. Ipaliliwanag mo sa mahinahon na paraan sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin din ang masamang epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
- b. Magagalit ka sa lolo mo.
- c. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad.
- d. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.
Maraming mga bote at bag na plastic ang nanay mo. May proyekto ka sa paaralan na nangangailangan ng mga plastic na bote at bag. Ano ang gagawin mo?
- a. Susunugin mong lahat.
- b. Sasabihin mo sa kaniya na ipamigay na lang ang mga iyon.
- c. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon.
- d. Humingi ng pahintulot sa nanay mo na gamitin ito para gawing proyekto.
Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng mga basura ayon sa nabubulok, hindi nabubulok at maaaring i-recycle. Ngunit hindi ito naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?
- a. Turuan ang mga kasama sa bahay na maghiwalay ng basura.
- b. Hayaan lamang sila sa kanilang gawain.
- c. Hintayin ang iyong mga magulang na sila ang magturo sa mga kapatid mo.
- d. Kausapin si nanay na maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwahiwalay ng mga basura at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa pag-aalaga sa kapaligiran.
May maliit na bakanting lote sa inyong bakuran. Gusto mo sanang magtanim ng ilang mga halaman dito. Ayaw kang payagan ng tatay mo dahil hindi mo naman daw maaalagaan ang mga ito. Ano ang gagawin mo?
- a. Hihilingin mong payagan kang magtanim para makita niyang may pananagutan ka sa pag-aalaga ng halaman.
- b. Hahanap ka ng ibang bakanteng lote na mapagtataniman.
- c. Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinasabi ng tatay mo.
- d. Iba na lang ang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo.
Habang naglalakad pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?
- a. Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.
- b. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
- c. Hindi papansinin ang kaniyang ginagawa
- d. Tutulungan ang iyong kaibigan sa kaniyang ginagawa.
Karagdagang Gawain
Sumulat ng talata tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran at ang kahalagahan nito sa mga tao at ang mga maaaring magawa upang mapanatili ito. Isulat ito sa sagutang papel.
[illustration: empty scroll for writing the paragraph]
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections below are given in upright reading order]
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
(Maaaring magkaiba-iba ang sagot)
Pahalagahan ang lahat ng mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Makiisa at maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa pangangalaga sa kapaligiran.
Suriin
(Maaaring magkaiba-iba ang sagot)
- Lumikol sa likas na yaman
- Sa mga tao
- Masisira at wala ng magagamit ang ibang tao
- Ingatan ang yamang ibinigay at tumulong sa kapuwa
- Maaring iba-iba ang sagot
Karagdagang Gawain
(Pagsulat ng talata tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran)
Pagyamanin
(Maaaring magkaiba-iba ang sagot)
- itapon ang mga basura sa tamang tapunan
- iwasan ang pagsunog sa mga basura dahil makaaapekto ito sa kalusugan ng mga tao
- makiisa sa pamayanan na linisin ang mga estero upang maiwasan ang pagbaha
- mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pagpuputol ng mga puno
- ipagbawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda
Tayahin
- c
- c
- d
- b
- c
- a
- d
- a
- a
- b
Isaisip
- Kasakiman
- magbibigay
- magtulongan
- kalinisan
- kumilos
Balikan
( Maaaring magkaiba ang sagot )
| Sagot | Epekto | |
|---|---|---|
| 1. | ||
| 2. | ||
| 3. | ||
| 4. | ||
| 5. |
Subukin
- kasakiman
- illegal
- pangangalaga
- nakasisira
- kapaligiran
- henerasyon
- yaman
- tirahan
- pagtugon
- kalikasan
Sanggunian
Department of Education. n.d. K to 12 Curriculum Guide 2016 in EsP Grade 5. Department of Education.
Department of Education —. n.d. Regional Test Item Bank. Department of Education.
Ylarde, Zenaida R., and Peralta Gloria A. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Quezon: Vibal Group Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply