Arts 5 Quarter 3 Module 7: Kaibahan sa Inukit o May Teksturang Bahagi ng Likhang-Sining

Grade 5 Arts Q3 Module 7 teaches contrast in carved and textured prints through woodblock, okra, rubber cut, string, and potato stamp printing.

This is the Grade 5 Arts self-learning module for the third quarter, Module 7: “Kaibahan sa Inukit o May Teksturang Bahagi ng Likhang-Sining” (contrast in the carved or textured parts of an artwork). It was prepared by DepEd Region VIII as part of the Alternative Delivery Mode, so learners can study it at home with help from a parent or guardian. After this module, learners can show and create contrast in carved and textured prints, and explain why contrast matters in art.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module targets this competency: show contrast in the carved or textured parts of an artwork (A5PR-IIIh-1). Learners are expected to:

  • Show contrast in the carved or textured parts of an artwork (naipapakita).
  • Make contrast in the carved or textured parts of an artwork (nakagagawa).
  • Value contrast in the carved or textured parts of an artwork (napapahalagahan).

Key ideas in this module

Printmaking, carving, and texture

  • Likhang-sining (artwork) is anything made by a creative mind, such as an art piece.
  • Paglilimbag (printmaking) moves a carved or drawn picture onto paper, wood, cloth, or other surfaces. You can also print the texture you feel on the back of leaves and other objects.
  • Printmaking does not need to cost much. The module suggests string, leaves, cardboard, vegetable cuttings, bottle caps, and other throwaway items.
  • Carved or inukit artwork uses carving tools to make a design by scraping the surface.
  • Tekstura (texture) is an element of art. It is the quality of an object’s surface, which you can tell by touching it.

The module lists these kinds of texture: makinis (smooth), magaspang (rough), malambot (soft), matigas (hard), makapal (thick), manipis (thin), madulas (slippery), mapino (fine), and mabalahibo (furry or hairy).

Contrast

Contrast is the difference or opposition of color, shape, or line that gives emphasis to part of an artwork. The module gives three examples:

Type of contrastModule’s example
ColorA green umbrella surrounded by white umbrellas
LineStriped bands going in different directions
ShapeA gray star on a black square, and a black square on a gray circle

A woodblock print shows contrast between black and white. An okra print shows contrast in shape and color: colorful flower shapes on brown paper.

Two printmaking examples

Woodblock printing (carved). Learners draw a design, transfer it to wood by rubbing the back of the paper with a burnisher, and trace it with a ballpen. Then they carve it with V-shaped and U-shaped gouges, keeping the wood on a rubber mat so it does not slip. Ink is mixed on glass with a putty knife and rolled evenly onto the block with a rubber brayer. Paper is laid face down and pressed with a spoon from the center outward, slowly, so the print does not blur or tear.

Okra printing (textured). Cut an okra about one inch from the top, dip the cut end in paint, press it on paper or cloth, lift it slowly, and repeat to make many flower shapes.

Activities in this module

  • Subukin (pretest): look at two pictures, name the type of printing in each, and explain whether they show contrast.
  • Balikan (review): questions about printing methods from the previous lesson.
  • Tuklasin (explore): label pictures C for carved or T for textured.
  • Pagyamanin (practice):
    • Gawain 1, rubber cut: carve a creature from Filipino folklore, such as a kapre, duwende, sirena, or diwata.
    • Gawain 2, string printing: glue string or yarn on cardboard along a drawing of Bernardo Carpio, then ink and print it.
    • Gawain 3: explain why contrast is important.
  • Isaisip (remember): unscramble words such as contrast, gouge, rubber brayer, rubber mat, and paglilimbag to complete sentences.
  • Isagawa (apply): make eraser stamps using an x-acto knife, paint, and a small brush.
  • Tayahin (assessment): carve a potato stamp and print it on paper.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): make one carved and one textured artwork from materials at home.

The art projects are scored with rubrics that give 5, 3, or 2 points per criterion. The criteria include using the right technique, a clear subject, suitable colors, and clean contrast.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then follow the parts in order. Write your answers on separate paper and do not write on the module. Ask your teacher if any lesson is unclear or if a material is hard to find.
  • Parents: Supervise any activity that uses sharp tools, such as gouges, x-acto knives, and kitchen knives. The module reminds learners again and again to be careful. If there is no x-acto knife, a toothpick or any pointed object can be used for the potato stamp.
  • Teachers: The answer key at the end covers the pretest, review, and explore items. Most other answers vary, and the art outputs are graded with the included rubrics.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 5 Arts, third quarter, Module 7 (Aralin 7).

What is the competency code of this module?

The module prints the competency code A5PR-IIIh-1: showing contrast in the carved or textured parts of an artwork.

What does contrast mean in this module?

Contrast is the difference or opposition of color, shape, or line that gives emphasis to part of an artwork. One example is a green umbrella among white umbrellas.

What art projects will learners make?

Learners make a rubber cut print, a string print, eraser stamps, and a potato stamp. They also make one carved and one textured artwork from materials at home.

Does the module have an answer key?

Yes. A Susi sa Pagwawasto at the end covers the pretest, review, and explore items. The art outputs are scored with rubrics instead.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 7: Kaibahan sa Inukit o May Teksturang Bahagi ng Likhang-Sining

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Arts – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 7: Kaibahan sa Inukit o May Teksturang Bahagi ng Likhang-Sining Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michelle L. Vitualla Editors: Eden Lynne V. Lopez Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Jose Aldrin F. Avellana Tagaguhit: Marie Joy M. Lastra Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Jogene Alilly C. San Juan Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei B. Masias David E. Hermano, Jr. Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 323-3156 E-mail Address: region8@deped.gov

[transcriber’s note: this page repeats the cover title block of page 1 and carries the DepEd logo; the text is not transcribed again]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang sining ng paglilimbag ay paglilipat ng larawang iginuhit at inukit sa panibagong papel.

Maraming bagay ang maaaring ilimbag at maaaring gamitin sa paglilimbag tulad ng mga bungang gulay at mga patapong bagay. Maari mong ilagay ang mga bagay na ito sa ibabaw o sa ilalim.

Ang carved o inukit na likhang sining ay isang gawain na ginagamitan ng mga kasangkapang pang-ukit o carving tools upang magawa ang nais na disenyo sa pamamagitan ng pagkayod.

Ang tekstura ay isa sa mga elemento ng sining. Ito ay tumutukoy sa kalidad o katangian ng ibabaw ng anumang bagay.

Masasabi ang tektura ng anumang bagay sa pamamagitan ng pandama o paghipo sa mga ito.

May iba`t-ibang uri ng tekstura. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  1. Makinis
  2. Magaspang
  3. Malambot
  4. Matigas
  5. Makapal
  6. Manipis
  7. Madulas
  8. Mapino
  9. Mabalahibo

Ang modyul na ito ay ginawa upang maipakita ang pagkakaiba o contrast sa inukit o may teksturang bahagi ng likhang sining (A5PR-IIIh-1). Inaasahang makamit ang mga sumusunod:

a. Naipapakita ang pagkakaiba o contrast sa inukit o may teksturang bahagi ng likhang sining. b. Nakagagawa ng pagkakaiba o contrast sa inukit o may teksturang bahagi ng likhang sining. c. Napapahalagahan ang pagkakaiba o contrast sa inukit o may teksturang bahagi ng likhang sining.

Subukin

Panuto: Pagmasdan ang larawan nang mabuti at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang. May limang puntos ang bawat aytem.

[photo: Larawan A, a charcoal-style drawing of a heart shape on a textured background with leaves]

[photo: Larawan B, a pencil-style drawing of leaves beside a real fern-like leaf held in a hand]

Tanong:

  1. Anong uri ng paglilimbag ang ipinakita sa:

Larawan A: _________________________

Larawan B: _________________________

  1. Nagpapakita ba ng pagkakaiba o contrast ang dalawang larawan? Kung oo, paano ito naipapakita? Ipaliwanag ang sagot.

Aralin 7: Arts: Kaibahan sa Inukit o May Teksturang Bahagi ng Likhang-Sining

Ang carved o inukit na likhang sining ay isang gawain na ginagamitan ng mga kasangkapang pang-ukit o carving tools upang magawa ang nais na disenyo sa pamamagitan ng pagkayod.

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

  1. Ano-ano ang mga pamamaraan sa paglilimbag ng disenyo?

  1. Nagagawa mo ba nang maayos ang paglilimbag ng disenyo?

  1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ito?

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang mga sumusunod na larawan sa ibaba. Isulat ang C sa linya kung ito ay carved o inuukit at T kung textured o may teksturang bahagi ng likhang-sining.

_____1.

[illustration: hands pressing a carving tool into a patterned design on a sheet]

_____2.

[illustration: a hand carving into a leaf placed on paper, with leaves beside it]

_____3.

[illustration: a person holding up a sheet with a leaf rubbing, the leaf pattern visible on the paper below]

Suriin

Ang likhang-sining ay tumutukoy sa likha o nalikhang mga bagay ng isang malikhaing pag-iisip, ito ang artwork o ang art piece.

Ang paglilimbag ay isang pamamaraang pangsining na ang larawan na inukit o iginuhit ay inililipat sa ibabaw ng papel, kahoy, tela, at iba pang bagay. Maaari ding ilimbag ang nararamdamang tekstura mula sa likod ng mga dahon at iba pang mga bagay. Sa pamamagitan ng paglilimbag ay maipapahayag ang kaisipan at damdamin at malilinang ang pagiging malikhain. Hindi kinakailangang gumastos nang malaki upang makapaglimbag. Maaring gumamit ng pisi, dahon, karton at iba pang mga patapong bagay tulad ng mga pinagputulan ng mga gulay at takip ng mga bote.

Ang paglilimbag ay isa sa nakalilibang at napagkakakitaan na gawain. Ang Pilipino ay likas na malikhain at mapagmahal sa sining.

Ito ang halimbawa ng paglilimbag.

[photo: a painted or stamped tree with green round leaf prints, brown trunk, and red and pink flowers along the ground]

Mga Halimbawa ng paglilimbag na likhang-sining.

A. Carved o Inukit na pagliilimbag.

[illustration: three carved panels showing a leaf, an open book, and a flower]

B. Textured o may teksturang bahagi ng paglilimbag.

[illustration: a split drawing with a calla lily on the left and a flower with leaves on the right]

Ang contrast ay ang pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang mabigyan ng emphasis o diin.

A. Halimbawa ng pagkakaiba o contrast sa kulay. Ang kulay berdeng payong ay napapaligiran ng mga puting payong. Ito ay nagpapakita ng pagkakaiba o contrast sa kulay.

[illustration: many umbrellas, with one dark umbrella among the lighter ones]

B. Halimbawa ng larawan na nagpapakita ng pagkakaiba o contrast sa linya.

[illustration: overlapping striped bands in different directions, with a square block in the center]

C. Halimbawa ng larawan na nagpapakita ng pagkakaiba o contrast sa hugis. Nabibigyan ng emphasis ang bahagi ng likhang sining na nilalagyan ng contrast.

[illustration: a black square with a gray star, and a gray circle with a black square]

Mga halimbawa at hakbang ng paglilimbag na inukit o may teksturang bahagi ng likhang sining.

A. Woodblock Printing: Paglilimbag sa pamamagitan ng pag-ukit.

Mga kagamitan: Puting papel, lapis, isang pirasong malapad na kahoy, curved burnisher or bone fold, pangkat ng pang-ukit na lukob o gouges, banig na yari sa goma, salamin (frame glass), putty knife, rubber brayer, block printing paperlike Kozo or mulberry o Japanese paper, rice spoon o kutsara, pintura o tintang pantubig.

[photo: white rice spoon] [photo: Japanese paper] [photo: rubber brayer] [photo: two putty knives]

Rice Spoon Japanese Paper Rubber Brayer Putty Knife

[photo: picture frame glass] [photo: stack of rubber mats] [photo: set of carving gouges] [photo: curved burnisher]

Frame Glass Banig na yari sa goma Pang-ukit o lukob Curved Burnisher

[photo: piece of wood] [photo: sheet of white paper] [photo: paint pots with brushes]

Kahoy Puting papel Pintura

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Iguhit ang disenyo sa malinis na papel gamit ang lapis.

[illustration: a pencil beside a paper with a drawing of a duck]

  1. Ilipat ang iyong ginuhit na disenyo. Ilagay ang ginuhit na disenyo pailalim sa kahoy na nais ukitan. Gamitin ang burnisher or bone fold at siguraduhing nakuskos nang maayos ang likod ng ginuhit na disenyo upang mailipat ito sa kahoy.

[illustration: a hand rubbing the back of the paper with a burnisher]

a. Dahan-dahang iangat ang papel para masiguro na nailipat ang disenyo sa kahoy.

[illustration: the paper being lifted to show the duck transferred onto the wood]

  1. Doblehan ang guhit gamit ang bolpen para madali itong makita at maaari ka ng magsimula sa pag-ukit.

[illustration: a pen tracing over the duck outline on the wood]

a. Ilagay ang kahoy sa ibabaw ng rubber mat upang hindi ito dumulas at gamitin ang hugis-V na lukob o gouge sa pag-ukit laban sa grano ng kahoy. Laging mag-ingat sa paggamit ng mga matatalas na bagay.

[illustration: a wooden block with the duck outline carved into it]

b. Gamitin ang Hugis-U na lukob o gouges sa pag-ukit sa grano ng kahoy.

[illustration: a U-shaped gouge cutting along the wood grain]

c. Gamitin ang maliit na hugis-U na lukob o gouge para iukit ang mga detalye o desinyo.

[illustration: a small gouge carving the feathers of the duck]

d. Huwag diretsuhin pataas ang pag-ukit sa kahoy upang hindi ito maging marupok at hindi masira. Putulin ang bawat grano ng kahoy sa isang mababaw na anggulo.

[illustration: a gouge cutting across the wood grain at a shallow angle]

  1. Ipakita ang paglilimbagan.

a. Lagyan ng tinta ang salamin o glass.

[illustration: paint squeezed from a tube onto the glass]

b. Gamit ang putty knife, haluing mabuti ang tinta hanggang ito ay maging pantay at makinis.

[illustration: a putty knife mixing ink on the glass]

c. Gamitin ang rubber brayer para maging pantay ang pagpahid ng tinta.

[illustration: two inked rectangles and a rubber brayer below them]

d. Igulong ang rubber brayer sa apat na direksyon ng kahoy. Hindi kinakailangang idiin ang brayer sa kahoy sa paglalagay ng tinta.

[illustration: a rubber brayer rolling ink over the carved duck block]

e. Sa panahong ito, maaring may makikita kang bahagi na hindi mo magustuhan. Maari kang mag dagdag o magpatuloy sa pag-ukit. Kung gagawin mo ito, kailangang hugasan nang mabuti ang brayer at ang salamin bago matuyo ang tinta.

[illustration: the inked block with streaks across the duck design]

  1. Ilimbag ang larawan na nasa kahoy.

a. Gupitin ang papel ayon sa nais na sukat.

b. Lagyan ng ink at igulong ang brayer na may tinta sa kahoy katulad ng ipinakita sa ikaapat na hakbang (proofing your block).

[illustration: a rubber brayer rolling ink over the carved block]

c. Kung napahiran na ng tinta ang kahoy, dahan-dahang ilagay ang papel paharap sa kahoy.

[illustration: paper being laid face down over the inked block]

d. Mula sa gitna, dahan-dahang idiin ang papel gamit ang kutsara. Ingatang mabuti na hindi dumulas ang papel.

[illustration: a spoon pressing the paper from the center of the block]

e. Ulitin ito mula sa gitna ngunit idiin ito nang kaunti. Hagurin ang buong parte ng larawan na inukit hanggang sa makita ang tinta. Huwag subukang bilisan ang proseso sa pamamagitan ng paghagud nang mabilis dahil maari itong lumabo at masira ang papel.

[illustration: a spoon rubbing the back of the paper over the carved duck]

f. Dahan-dahang iangat ang papel mula sa kahoy. Siguraduhing malinis ang iyong kamay.

[illustration: inukit na kahoy na may disenyo ng dalawang sisne at ang nailimbag na papel]

Ito ang halimbawa ng likhang-sining na inilimbag sa pamamagitan ng pagukit. Naipapakita nito ang pagkakaiba o contrast ng puti at itim na kulay. Ang paggamit ng contrast ay lalong nagpapaganda ng likhang-sining.

[illustration: nailimbag na papel na may disenyo ng sisne at madilim na kahoy]

B. Okra Printing: Paglilimbag ng may teksturang bahagi ng okra.

Kagamitan: Okra, oslo

Hakbang:

  1. Ihanda ang okra.
  2. Putulin ang okra (isang pulgada mula sa itaas ng okra).
  3. Ihanda ang pintura o pangkulay.
  4. Isawsaw ang okra stamp sa pintura.
  5. Idiin ito sa papel o sa tela.
  6. Dahan-dahang iangat ang okra stamp.
  7. Mag tatak pa ng maraming hugis bulaklak sa papel.

[illustration: mga nailimbag na hugis bulaklak sa papel]

[photo: kamay na may hawak na okra stamp na isinasawsaw sa pintura]

Ang likhang-sining na ito ay nagpapakita ng kaibahan o contrast sa hugis at kulay. Ang kulay kayumangi na papel ay napapalibutan ng mga makukulay na hugis bulaklak na stamp.

Pagyamanin

Gawain 1. Rubber Cut

Panuto: Ipakita ang pagkakaiba o contrast sa kulay, linya o hugis sa pamamagitan ng paggawa ng inukit na likhang-sining. Sundin ang tamang hakbang sa ibaba.

Mga kagamitan:

  • Lumang dyaryo, rubber, carving tools, papel, lapis, stamp pad.
    (humingi ng gabay sa guro kung may mga kagamitang mahirap hanapin o hindi sanay gamitin. Siguraduhing magagawa ang ibayong pag-iingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na bagay o kagamitan.)

Mga Hakbang sa paggawa: a. Ihanda ang mga kagamitan. b. Isipin ang disenyong igugupit sa ibabaw ng rubber cut. (Pumili ng nagugustuhan mong nilalang sa mundo ng haraya tulad ng kapre, duwende, sirena, o diwata, kailangang malinaw ang pagkaguhit.) c. Iukit ang disenyong iginuhit gamit ang carving tool. Maging maingat sa pag-uukit ng disenyo para maging maganda ang imahe na ililimbag. d. Ilipat ang disenyong inukit sa papel. e. Ibahagi ang iyong nagawang likhang-sining. f. Gamitin ang rubrik o iskor card na makikita sa pahina 20.

Basahin ng mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

  1. Paano mo naipakita ang pagkakaiba o contrast ng likhang-sining na iyong ginawa?


  1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ito?


Gawain 2. String Printing

Panuto: Gumawa ng likhang sining mula sa sinulid na idinikit sa karton at ipakita ang pagkakasalungat o contrast ng kulay, hugis at linya nito.

Mga Kagamitan: Itim na tintang pang imprenta, oslo o puting papel, glue, yarn o makapal na sinulid o lubid na abaka, gunting, lapis, brayer, pambura, dalawang makapal na karton (parehas na sukat 12.7cm x 20.32cm), langis, sabon para panlinis ng kamay, lumang plywood (30.48 cm x 30.48 cm), mabigat na libro.

Hakbang sa Paggawa:

  1. Ihanda at ayusin ang mga kagamitan sa paglilimbag gamit ang idinikit na sinulid.
  2. Iguhit si Bernardo Carpio (nagustuhan na disenyo) sa isang piraso ng makapal na karton gamit ang lapis. Burahin ang linyang hindi kailangan pagkatapos gumuhit.
  3. Lagyan ng glue ang mga linya ng guhit pagkatapos ay dikitan ng lubid, sinulid o yarn. Patuyuin ito.
  4. Maghanda para sa paglilimbag ng larawan. Maglagay ng tinta sa lumang plywood. Ikalat ang tinta ng pantay-pantay gamit ang bryer.
  5. Pahiran ng tinta ang nilimbag na larawan gamit ang brayer. Siguraduhing pantay-pantay at nalagyan ng tinta ang lahat ng bahagi ng larawang ililimbag.
  6. Ilagay ang oslo o puting papel sa ibabaw ng mga tintang larawan. Ilagay din ang pangalawang piraso ng karton at patungan ng mabigat na aklat.
  7. Ilimbag ang larawan sa pamamagitan ng pagdidiin ng iyong kamay.
  8. Ulitin ang paraan bilang 6-7 upang makagawa ng iba`t ibang disenyo ng nililimbag na larawan.
  9. Patuyuin ang mga nilimbag na larawan para sa pagpresenta.
  10. Sumangguni sa Rubrik/ Iskor Card na makikita sa pahina 21 para sa kaukulang puntos.
Gawain 3.

Mahalaga ba ang ang pagpapakita ng pagkakaiba o contrast sa inukit o may teksturang bahagi ng likhang-sining? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa patlang.





Isaisip

Panuto: Ayusin ang jumbled words na nasa kahon at punan ang patlang ng wastong sagot batay sa nalaman mo sa modyul na ito.

  • starcnot
  • ugoeg
  • erybra bebrru
  • ubrreb amt
  • libaglimpag
  1. Ang _______________ ay isang pamamaraang pangsining na ang larawan na inukit o iginuhit ay inililipat sa ibabaw ng papel, kahoy, tela at iba pang bagay.
  2. Ang _______________ ay pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang mabigyan ng emphasis o diin ang mga ito.
  3. Ang _______________ ay ginagamit na pang-ukit sa larawan na iginuhit sa kahoy.
  4. Ginagamit ang _________________ upang maging pantay ang pagpahid ng tinta.
  5. Ang ________________ay ginagamit upang hindi dumulas ang kahoy.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng likhang-sining at sundin ng mabuti ang hakbang. Ipakita ang pagkakaiba o contrast ng likhang sining.

Gawain 1: Paglikha ng mga eraser stamps

Mga kagamitan: erasers, kutsilyo na x-acto, pintura, maliit na brush

Mga hakbang sa paggawa ng eraser stamp: a. Kumuha ng ilang mga erasers. b. Gumamit ng light sketch sa ibabaw ng pambura sa lapis. Mag-isip ng maaga dahil mahirap tanggalin ang lapis sa goma. c. I-ukit ang disenyo. Siguraduhin na mag-ukit ng isang outline sa paligid ng iyong disenyo. d. Kulayan. Piliin ang kulay na gusto mo. e. Gamit ang maliit na brush, maingat na ipinta ang tuktok ng stamp. f. Sa pininturahan na bahagi ng stamp, maingat na kunin ang mga selyo at pindutin ito pababa sa isang pirasong papel. g. Ipresenta ang natapos na produkto o likhang-sining sa iyong magulang o kapatid.

Tayahin

Panuto: Ipakita ang pagkakaiba o contrast ng kulay, hugis o linya ng likhang-sining sa pamamagitan ng paggawa ng sariling likhang-sining gamit ang mga kagamitan na nasa iyong paligid. Gamitin ang rubrik sa ibaba.

Gawain 1: Likhang Sining na inukit o carved

Mga Kagamitan:

[illustration: kutsilyo (x-acto)]

[illustration: toothpick]

[illustration: kutsilyong pangkusina]

[illustration: tisyu]

[illustration: patatas]

[illustration: Pentel pen]

(Kung walang x-acto knife, maaring gamitin ang toothpick o kahit anong matulis na bagay. Laging mag-ingat sa paghawak ng mga matulis na bagay.)

Mga Hakbang sa paggawa:

a. Hatiin ang patataas ng pahaba.

[illustration: hiniwang patatas na magkatabi]

b. Ilagay ang hiniwang patatas sa tisyu para mawala ang halumigmig.

[illustration: kamay na naglalagay ng hiniwang patatas sa tisyu]

c. Gamit ang pentel pen o permanent marker, iguhit ang nais na disenyo ng stamp sa patatas.

[illustration: disenyo ng dahon na iginuhit sa patatas gamit ang marker]

d. Lagyan ng bakas ang disenyo gamit ang xacto na kutsilyo na may sangkapat na pulgadang lalim (1/4 inch deep).

[illustration: kutsilyong x-acto na inuukit ang disenyo sa patatas]

e. Gamit ang kutsilyong pangkusina, hiwain ang paligid ng patatas at siguraduhing hindi nahihiwa ang disenyo.

[illustration: kutsilyong pangkusina na humihiwa sa paligid ng patatas]

f. Tanggalin ang hiniwang parte ng disenyo.

[illustration: patatas na inalisan ng bahagi at ang natirang disenyo]

g. Pinturahan ang disenyo at itatak ito sa papel.

[illustration: kamay na nagtatatak ng pininturahang patatas sa papel]

h. Nabuong disenyo o output.

[photo: itim na dahon na nailimbag sa papel]

RUBRIK PARA SA GAWAIN 1: LIKHANG-SINING NA RUBBER CUT PRINTING.
Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-siningNasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-siningHindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining
532
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang rubber cut printing.
2. Nakakasunod sa panutong binibigay sa paglilimbag ng larawan.
3. Gumamit ng angkop na kagamitan para sa proseso.
4. Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
5. Naipakita ang contrast ng kulay,hugis o linya nang maayos at malinis.
RUBRIK PARA SA GAWAIN 2: STRING PRINT
Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-siningNasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-siningHindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining
532
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang tiknik o paraang string print.
2. Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
3. Gumamit ng kaakit-akit, angkop at balanseng kombinasyon na kulay.
4. Naipakita ang contrast ng kulay,hugis o linya nang maayos at malinis.

RUBRIK PARA SA ISAGAWA: ERASER STAMP

Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 5Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 3Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 2
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang pag-uukit.
2.Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
3. Naipapakita ang contrast sa likhang-sining.

RUBRIK SA TAYAHIN: PAGGAWA NG LIKHANG-SINING NA INUKIT O CARVED

Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 5Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 3Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 2
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang paglilimbag.
2. Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
3. Gumamit ng kaakit-akit, angkop at balanseng kombinasyon na mga kulay.
4. Naipapakita ang sa likhang-sining.

[transcriber’s note: the printed item 4 reads “Naipapakita ang sa likhang-sining.” with no word after “ang”]

Karagdagang Gawain

A. Gumawa ng sariling likhang-sining gamit ang mga kagamitan na nasa iyong paligid. Ipakita ang pagkakaiba o contrast ng kulay, hugis o linya ng likhang-sining. Gamitin ang rubrik sa ibaba.

  1. Likhang sining na inukit o carved.
  2. Likhang sining na may teksturang bahagi o textured.
RUBRIK SA KARAGDAGANG GAWAIN: PAGGAWA NG LIKHANG-SINING NA INUKIT O CARVED.
Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 5Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 3Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 2
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang paglilimbag
2. Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
3. Gumamit ng kaakit-akit, angkop at balanseng kombinasyon na mga kulay.
4. Naipapakita ang contrast sa likhang-sining.
RUBRICS PARA SA KARADAGANG GAWAIN: LIKHANG-SINING NA MAY TEKSTURANG BAHAGI.
Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 5Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 3Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining 2
1. Ang larawan ay nabuo gamit ang paglilimbag.
2. Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng larawan.
3. Gumamit ng kaakit-akit, angkop at balanseng kombinasyon na mga kulay.
4. Naipapakita ang contrast sa likhang-sining.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. A. Carved o inukit na paglilimbag
    B. structured na paglilimbag
  2. O, Answers vary
Balikan
  1. Monoprint, intaglio, aquatint, engraving, etching, mezzotint, linocut, block print, lithography, silk screen o serigraph, woodblock print, dry point
  2. Answers vary
  3. Answers vary
Tuklasin
  1. C-carved
  2. T-textured
  3. Textured
Pagyamanin

Gawain 1.

  1. Answers vary
  2. Answers vary

Gawain 2

  1. Answers vary
  2. Answers vary

Gawain 3

  1. Answers vary
  2. Answers vary
Isaisip
  1. Carved o inuukit na paglilimbag
  2. Textured o may teksturang paglilimbag

Output – Isagawa

Output – Tayahin

Karagdagang Gawain – Output

Sanggunian

Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016, 2016. pahina 137-141

Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz Manila: Saint Mary’s Publishing Corp., 1999. p. 128-129

Museum London. 2019. “File:Rice Spoon.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rice_Spoon.jpg. Accessed 8 March 2021.

Mizu basyo. 2013. “File:Shiroishi Washi Letter Paper.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Shiroishi_washi_letter_paper.jpg. Accessed 8 March 2021.

Nichols, Sarah. 2007. “Brayer And Stamp Of Dog”. Flickr. https://www.flickr.com/photos/pocheco/427836966/in/photostream/. Accessed 8 March 2021.

M.Minderhoud. 2004. “File:Plamuurmes.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Plamuurmes.jpg. Accessed 8 March 2021.

Oxana59. 2008. “File:Picture Frame Leaves Stainedglass 03.Png”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Picture_frame_leaves_stainedglass_03.png. Accessed 8 March 2021.

Aerolin55. 2009. “File:Carving Tools 2.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carving_tools_2.jpg. Accessed 8 March 2021.

Cateb, Mauro. 2011. “File:Jewellery Burnisher.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Jewellery_burnisher.jpg. Accessed 8 March 2021.

OpenClipart-Vectors. 2014. https://pixabay.com/vectors/wood-plank-wooden-board-timber-575496/. Accessed 8 March 2021.

  1. Pixnio. Accessed March 8. https://pixnio.com/miscellaneous/white-paper-wood-empty-blank. Accessed 8 March 2021.

Joyful spherical creature. 2016. “File:Multicolored Tempera Paints.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Multicolored_tempera_paints.jpg. Accessed 8 March 2021.

Superbass. 2015. “File:Holzzahnstocher.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Holzzahnstocher.jpg. Accessed 8 March 2021.

OpenClipart-Vectors. 2013. https://pixabay.com/vectors/marker-felt-pen-blue-pen-153731/. Accessed 8 March 2021.

Koenig, Tempie. 2021. “Photo Of New Potatoes Image”. Pixy.Org. Accessed March 8. https://pixy.org/131291/. Accessed 8 March 2021.

JesseW. 2007. “File:Exacto Knife.Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Exacto_knife.jpg. Accessed 8 March 2021.

Horrigan, Carlie. 2021. “Kitchen Knife Drawing Image”. Pixy.Org. Accessed March 8. https://pixy.org/4784496/.

Blinkenberg, Brandon. 2004. “File:Toiletpapier (Gobran111).Jpg”. Commons.Wikimedia.Org. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Toiletpapier_(Gobran111).jpg. Accessed 8 March 2021.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district