Filipino 3 Quarter 1 Module 4: Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon

Filipino 3 Quarter 1 Module 4 teaches learners to use the parts of a book, from cover to index, to find information. Includes activities and answer key.

This is the Filipino 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon” (using the parts of a book to get information). It is an Alternative Delivery Mode module for Grade 3 (Ikatlong Baitang) learners studying at home, prepared by DepEd Region XI (First Edition, 2020). After working through it, learners can name each part of a book, explain what it is for, and use it to find the information they need.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Use the different parts of a book to gather information: “Nakagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon” (F3EP-Ib-h-5/F3EP-IIa-d5)

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.

The parts of a book (Mga Bahagi ng Aklat)

The module explains that a book is made up of nine parts. Here is each one, with what it contains, as the module describes it.

Part (in Filipino)EnglishWhat you find there
PabalatCoverThe very front of the book. It protects the book so it does not get damaged easily, shows the title, and has a bright picture to catch the reader’s attention.
Pahina ng pamagatTitle pageThe name of the book and the name of the author.
Pahina ng karapatang-sipi (karapatang-ari)Copyright pageWhere and when the book was printed, including the year, and who published it.
Paunang salitaPrefaceThe author’s message to readers and how the book will help them.
Talaan ng nilalamanTable of contentsThe list of topics in the book and the pages where they start.
Katawan ng aklatBody of the bookThe most important part: the actual content, such as stories, texts, and activities.
Talahulugan or glosariGlossaryMeanings of hard words used in the book, arranged alphabetically so they are easy to find.
BibliograpiBibliographyThe writers and books the author got important information from.
IndeksIndexAn alphabetical list of topics with the pages where each can be found.

Examples from the module

The module shows a sample page for each part so learners can recognize it:

  • Cover: a book titled “Batang May Pangarap” with a picture of a child reading.
  • Title page: “Mga Kuwentong Nakakatuwa” by Juan dela Cruz.
  • Copyright page: published by a sample publishing company, with the copyright year 2019.
  • Table of contents: “Yunit 1: Paaralan at Bayan” with stories such as “Ang Larawan” (page 5) and “Ang Kayamanan” (page 57).
  • Glossary: short entries such as “datu” meaning “pinuno o lider ng isang tribu” (leader of a tribe).
  • Index: topics such as “Bansa” (country) with subtopics like “klima” (climate) and “populasyon” (population), each followed by page numbers.

The module also talks about the book’s physical appearance (pisikal na anyo ng aklat), meaning what we can see with our eyes, such as whether a book is thin or thick, big or small.

Using the parts to find information

The activities train learners to go to the right part for the right question. For example:

  • To find out what “datu” means, look in the glossary.
  • To find the pages about heroes (“Bayani”), look in the index, which shows pages 11-19.
  • To guess what a book is about, look at the cover picture or the table of contents. A table of contents with lessons on kinds of animals, animal homes, and animal movements tells you the book is about animals.
  • To learn about the rainy and dry seasons in the Philippines, look for the topic “klima” in the index.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): 10 items where learners choose the correct part of the book from two choices.
  • Balikan (review): a short poem, “Buwan Aking Kaibigan” (Moon, my friend) by Jessa Mae R. Pendon, with five comprehension questions.
  • Tuklasin: a word search puzzle with the nine parts of a book.
  • Suriin: the explanation of each part of a book.
  • Pagyamanin: two practice sets on identifying parts of a book from sample pages and answering questions about them.
  • Isaisip: learners list the parts of a book that help in getting information.
  • Isagawa: questions comparing two book covers, including their titles and physical appearance.
  • Tayahin (assessment): two sets of five multiple-choice items.
  • Karagdagang Gawain (additional activities): true-or-false statements and questions about a sample index.

How to use this module

  • For learners: Start with the pretest (Subukin), then go through the parts in order. Write all your answers on a separate answer sheet; the module asks you not to write on or mark any page so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher if any part is hard to understand.
  • For parents and guardians: The module was made for learning at home with your help. Sit with your child during the activities, and if you have actual books at home, ask your child to point out the cover, table of contents, glossary, and index.
  • For teachers: The pretest shows which learners need more help, and the Tayahin measures what they learned. The module notes that it comes with a separate guide for teachers and facilitators.

The module’s content is based on “Batang Pinoy Ako: Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 3” (2017), as listed in its references.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 3 (Ikatlong Baitang) Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4.

What parts of a book does the module cover?

It covers nine parts: the cover (pabalat), title page, copyright page, preface (paunang salita), table of contents, body of the book, glossary (talahulugan or glosari), bibliography, and index (indeks).

What is the difference between the glossary and the index?

The glossary gives the meanings of hard words used in the book, arranged alphabetically. The index lists the book’s topics alphabetically with the pages where you can find them.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest, review, practice sets, assessment, and additional activities.

What competency does this module address?

It addresses using the different parts of a book to gather information, with the codes F3EP-Ib-h-5/F3EP-IIa-d5.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 4: Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon

[illustration: students and a teacher reading, writing, and studying outdoors and at a table, with a globe and a lamp]

CO_Q1_Filipino 3_Module 4

Filipino – Ikatlong Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 4: Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jessa Mae R. Pendon, Dolly Jane B. Jamil, Irene C. Opinaldo

Editor: Cristy Agudera, Lorna C. Ragos

Tagasuri: Jennie T. Calamba, Myleen C. Robiños, Alemer O. Veloso, Sherly P. Roluna

Tagawasto: Mercy Y. Malarayap

Tagaguhit at Tagalapat: Oscar L. Edig at Jecson L. Oafallas

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Josephine L. Fadul, Mary Jeanne B. Aldeguer, Christine C. Bagacay, Analiza C. Almazan, Lorna C. Ragos, Ma. Cielo D. Estrada, Cristy S. Agudera, Mary Jane M. Mejorada, Alma D. Mercado

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino Unang Markahan – Modyul 4: Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow]

Isang malugod na pagbati at nakaabot ka sa araling ito!

Sa modyul na ito, matututuhan mong gamitin ang mga bahagi ng aklat sa pagkuha ng impormasyon. Intindihing mabuti ang mga kahulugan at gamit ng bawat bahagi ng aklat.

May mga pagsasanay akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Gawin ang mga gawain o pagsasanay sa sagutang papel.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon (F3EP-Ib-h-5/F3EP-IIa-d5).

Subukin

[illustration: pencil]

Basahin mo ang sumusunod na tanong at pahayag. Hanapin ang sagot mula sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel.

Halimbawa: Ito ay bahagi ng aklat na tinatawag din na glosari. (indeks, talahulugan) Sagot: talahulugan

  1. Ano ang tawag sa mga nakikita ng ating mga mata gaya ng pagiging manipis ng isang aklat?
    (pamagat ng aklat, pisikal na anyo ng aklat)


  2. Ito ay bahagi ng aklat na nakasaad ang sulat ng awtor o may akda sa mga mambabasa.
    (paunang salita, pabalat)


  3. Ito ay bahagi ng aklat na nakasulat ang mga paksang tatalakayin.
    (pabalat, talaan ng nilalaman)


  4. Ito ay bahagi ng aklat na may nakasulat na kahulugan ng salita.
    (indeks, glosari)


  5. Ito ay bahagi ng aklat na nakasulat ang pamagat ng aklat.
    (paunang salita, pahina ng pamagat)


  6. Ito ay bahagi ng aklat na nakasulat ng paalpabeto ang pangalan ng ibang awtor na kinunan ng importanteng impormasyon.
    (glosari, bibliograpi)


  7. Ang bahagi ng aklat kung saan mababasa mo ang nilalaman o paksa ng aklat.
    (paunang salita, katawan ng aklat)


  8. Ang bahagi ng aklat na nakasulat ng paalpabeto ang mga nilalaman o paksa ng aklat.
    (indeks, glosari)


  9. Ang bahagi ng aklat na nakasulat ang taon ng paglimbag ng aklat.
    (karapatang-ari, paunang salita)


  10. Ang bahagi ng aklat na nagsisilbing proteksiyon nito.
    (glosari, pabalat)


Balikan

[illustration: puzzle pieces]

Basahin at intindihin mo ang tula sa ibaba. Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Buwan Aking Kaibigan ni: Jessa Mae R. Pendon

Hindi ko ramdam ang dilim Kapag sayo’y nakatingin Ika’y lumilipad sa hangin Maningning pa sa akin

Buwan aking kaibigan Tayo’y tumalon sa kagalakan Ako’y napapaawit at napapaindak Habang tuloy sa pagpadyak

  1. Ano ang pamagat ng tulang binasa?

[chart: decorative lesson banner; Aralin 1: Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat sa Pagkuha ng Impormasyon]

a. Mapalad na Buwan b. Buwan Aking Kaibigan c. Magandang Buwan sa Langit

  1. Sino ang kaibigan na tinutukoy sa tula?
    a. ulap
    b. langit
    c. buwan


  2. Ayon sa tulang binasa, saan lumilipad ang buwan?
    a. dilim
    b. hangin
    c. alapaap


  3. Ano-ano ang kanyang ginagawa sa ilalim ng buwan?
    a. nagdarasal at umaawit
    b. napapaawit at napapaindak
    c. napapatalon at napapagiling


  4. Bakit mahalaga ang buwan sa tulang binasa?
    a. dahil ito ay nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid.
    b. upang maging madilim ang gabi at walang makita sa paligid.
    c. para maging maganda ang kapaligiran na ginawa ng ating May-kapal.


Tuklasin

[illustration: sprouting plant]

Kulayan ang mga salitang bahagi ng aklat na iyong mababasa sa loob ng word search puzzle.

Mga Salita:

  1. pahina ng pamagat


  2. glosari


  3. talaan ng nilalaman


  4. pabalat


  5. indeks


  6. katawan ng aklat


  7. karapatang-ari


  8. bibliograpi


  9. paunang salita


[transcriber’s note: the letter grid is a word-search puzzle with no printed header row; its first row is used as the table header]

KBUYTREWSFGTKKF
ACPABALATDGABAV
TPCRLKJTRQWLSRF
AAHINANGQPRAGAT
WUXERTYIOPKABPM
ANDFGHJKLZXNRAY
NARWQYUIPKLNDTR
NNOGLOSARIKGHAE
GGDFHWHJHBCNSNS
ASONSBFGMHJIKGJ
KAHABVHJUYTLBAM
LLNTYULOIPBAJRG
AISDFGHJKLPLAID
TTDINDEKSQMAKKE
AAIOPKGHJKLMGLK
PAHINANGPAMAGAT
BIBLIOGRAPINRJT
Suriin

Mga Bahagi ng Aklat

Ang aklat ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi. Ito ay ang pabalat, pahina ng pamagat, pahina ng karapatang-sipi, paunang

salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, bibliograpi, glosari at indeks.

  1. [illustration: book cover of “Batang May Pangarap,” showing a child reading a book with a cloud above]


    Ang pabalat ang pinakaharapan ng aklat, nagbibigay proteksyon sa aklat upang hindi madaling masira. Makikita rito ang pamagat ng aklat. May matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.


  2. [illustration: title page of “Mga Kuwentong Nakakatuwa,” with “Akda ni: Juan dela Cruz” and a small boxed paragraph of text that is too small to read]


    Sa pahina ng pamagat nakalagay ang pangalan ng aklat at pangalan ng may akda.


  3. [illustration: copyright page]


    Inilathala ng
    DJ Publishing Companies, Inc.
    0001 Daang Ligaya


    Karapatang-Sipi ng DJ Publishing Companies, Inc., 2019


    Isinulat ni : Juan dela Cruz


    Anomang parte ng materyales na ito ay hindi maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan gaya ng elektronik o mekanikal nang walang pahintulot sa tagapangasiwa ng lathalain.


    Inilimbag ng
    MOD-4 Press,Inc.
    101 Daang Kalayaan


    Sa karapatang-ari makikita ang taon kung saan at kalian nilimbag ang aklat.


  4. [illustration: “Paunang Salita” page]


    Paunang Salita


    Ang aklat na ito ay sadyang sinulat para sa mga bata upang mahasa ang kakayahan nila sa pagbasa. Mayroon itong mga kuwento na may kalakip na iba’t ibang gawain o pagsasanay. Marami rin mga magagandang aral na makukuha mula rito.


    Ang mga kuwento ay nahahati sa apat na yunit upang maging matatas sila sa iba’t ibang kasanayan sa pagbasa.


    Sa pamamagitan ng aklat na ito, makararanas ang mga bata ng makahulugang pagkatuto at pagmamahal sa pagbasa.


    Sa paunang salita nakasaad ang mensahe ng may-akda para sa kaniyang mambabasa. Nakalagay rin dito ang mga kapakipakinabang na dulot ng aklat sa mga gagamit nito.


Sa talaan ng nilalaman makikita ang listahan ng mga paksang tatalakayin sa aklat.

[illustration: “Talaan ng Nilalaman” page]

Yunit 1: Paaralan at BayanPahina
Ang Larawan5
Pangarap Ko10
Bagong Kaklase18
Ang Hagdanan22
Ang Hardin26
Dakilang Bayan31
Mga Pangaral38
Sa Paaralan45
Sa Araw ng Linggo51
Ang Kayamanan57

[illustration: story page numbered 10, “Kasanayan: Pagkuha ng Detalye,” “Kuwento: Ang Kayamanan,” with the heading “Unang Gawain” and the instruction below, next to a drawing of clouds; page number 62]

Panuto: Isulat sa loob ng mga ulap ang pangalan ng mga tauhan sa kuwento na may pamagat na Ang Kayamanan.

Ang katawan ng aklat ang pinakamahalagang bahagi ng aklat. Dito mababasa ang nilalaman o paksa ng aklat.

Sa talahulugan o glosari malalaman ang kahulugan ng mga mahihirap na salita na ginamit sa aklat. Nakaayos ang mga ito ng paalpabeto, para madaling makita ng nagbabasa ang salita.

Talahulugan
dagaisang mababalahibong hayop
dalagababaeng hindi pa nag-asawa
damitbagay na isinusuot sa katawan
dasalisinasaulo bilang alay sa Maykapal
datupinuno o lider ng isang tribu

Sa bibliograpi nakatala ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

  1. Baan, D. at Cino, P.: Mga Awiting Pambata,2000,pp. 134-167.
  2. Dima, S.: Mga Ginintuang Kuwentong Bayan,2008, pp. 34-78,101-120.
  3. Gomez,Z. at Santos,Q.: Kuwentong Pambata,2010, pp.12-20,56-78.

Sa indeks makikita ang talaan ng mga paksang nakaayos nang paalpabeto at pahina kung saan ito matatagpuan.

  1. Bansa,23,78,90,23,
    klima, 89, 11,123,124,156
    pisikal na anyo, 12, 11,14
    populasyon, 34,56,89,100
  2. Hayop,56,78,99,115
    bahagi,23,45
    kilos at galaw,78,80,98
    pangangailangan,123,126,133
  3. Pasyalan,145,151
    Makasaysayan,166,173
    sikat na lugar,149,152,156
    sinaunang lugar, 165,172
Pagyamanin
Pagsasanay 1

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang pangalan ng bahagi ng aklat.

a. Talaan ng Nilalaman b. Karapatang-ari c. Katawan ng Aklat d. Indeks e. Pabalat f. Talahulugan

  1. [illustration: cover titled “Ang Tatlong Lapis” with three pencils; “Isinulat ni: Juan dela Cruz” and “Iginuhit ni: Pedro Reyes”]



  2. [illustration: index page titled “Indeks,” with letter headings A and B; entries “Atis … 17,23,36 [?],” “Bahaghari … 89,45,28,” “Bahay … 45-48,” “Baril … 8,98-99,” “Bayani … 11-19”]



  3. [illustration: copyright page with “Inilathala ng DJ Publishing Companies, Inc., 0001 Daang Ligaya,” “Karapatang-Sipi ng DJ Publishing Companies, Inc., 2019,” “Isinulat ni : Juan dela Cruz,” and “Inilimbag ng MOD-4 Press,Inc., 101 Daang Kalayaan”]



  4. [illustration: “Talahulugan” page listing daga, dalaga, damit, dasal, and datu with their meanings]



  5. [illustration: story page with heading “Ikalawang Gawain,” “Kasanayan: Pagkuha ng Detalye,” “Kuwento: Ang Kayamanan,” and the instruction below; a dashed empty box; page number 63]


    Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang lugar kung saan nagyari ang kuwento. Kulayan ito.



  6. [illustration: book cover with a blank title line and “Isinulat ni: Juan dela Cruz”]


    [illustration: “Talaan ng Nilalaman” page for “Yunit 1: Paaralan at Bayan,” with entries Ang Larawan through Ang Kayamanan and page numbers]



[transcriber’s note: the blank-title cover for item 6 appears at the top of this page, separated from the rest of item 6 by the page break]

Pagsasanay 2

Suriin ang mga larawan at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  1. Ano ang magiging pamagat ng aklat kung titingnan ang larawan na nasa ibaba?


    [illustration: book cover with a blank title line above a group of stars; “Isinulat ni: Juan dela Cruz”]


    a. Ang Mga Bituin
    b. Malawak na Dagat
    c. Pamumuhay sa Bukirin


  2. Ano ang paksa ng aklat kung titingnan ang talaan ng nilalaman?


Talaan ng Nilalaman
Yunit 1- Mga Hayop
Aralin 1- Mga Uri ng Hayop1
Aralin 2 – Tirahan ng mga Hayop5
Aralin 3- Mga Kilos ng mga Hayop10

a. bagay b. hayop c. pagkain

  1. Anong bahagi ng aklat ang nasa ibaba?


    [illustration: copyright page with “Inilathala ng DJ Publishing Companies, Inc., 0001 Daang Ligaya,” “Karapatang-Sipi ng DJ Publishing Companies, Inc., 2019,” “Isinulat ni : Juan dela Cruz,” and “Inilimbag ng MOD-4 Press,Inc., 101 Daang Kalayaan”]


    a. Indeks b. Pabalat c. Karapatang-sipi


  2. Sa pagitan ng anong pahina mababasa ang paksa tungkol sa mga bayani?


Indeks

A

Araw……………………… 60-65

Aso……………………….. 23-29

B

Bahay…………………… 45-48

Bayani………………….. 11-19

[transcriber’s note: the index is printed inside a framed box; the entries are shown above in the printed order]

a. pahina 45-48 b. pahina 60-65 c. pahina 11-19

  1. Anong bahagi ng aklat ang nasa ibaba?

[illustration: worksheet page showing five cloud outlines and a page number 10 in the top corner]

Kasanayan: Pagkuha ng Detalye

Kuwento: Ang Kayamanan

Unang Gawain

Panuto: Isulat sa loob ng mga ulap ang pangalan ng mga tauhan sa kuwento na may pamagat na Ang Kayamanan.

62

a. Pabalat b. Karapatang-sipi c. Katawan ng Aklat

  1. Ano ang kahulugan ng salitang datu?

Talahulugan

SalitaKahulugan
dagaisang mabalahibong hayop
dalagababaeng hindi pa nag-asawa
damitbagay na isinusuot sa katawan
dasalisinasaulo bilang alay sa Maykapal
datupinuno o lider ng isang tribu

[transcriber’s note: the printed glossary has no column headings; “Salita” and “Kahulugan” are added labels for the table]

a. isang mabalahibong hayop b. pinuno o lider ng isang tribu c. bagay na isinusuot sa katawan

Isaisip

Ano-ano ang iba’t ibang bahagi ng aklat na makatutulong sa pagkuha ng mga impormasyon?

[illustration: stack of three books with scribbled titles]

Ang mga bahagi ng aklat na ginagamit sa pagkuha ng impormasyon ay _____________________________________,

_____________________________ ,_____________________________,

_____________________________ ,_____________________________,

_____________________________ ,_____________________________,

_____________________________ ,_____________________________.

Isagawa

Isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: two books; the left one is titled “Mga Kuwentong Pambata” and the right one is titled “Batang May Pangarap”]

  1. Ano ang pamagat ng maliit na aklat?
    a. Ang Bata b. Pilipino c. Batang May Pangarap


  2. Anong bahagi ng aklat ang iyong nakikita sa mga larawan?
    a. indeks b. pabalat c. glosari


  3. Anong larawan ang makikita sa mga aklat?
    a. inay b. ama c. bata


  4. Ano ang pamagat ng aklat na may makapal na pahina?
    a. Ang Bata
    b. Mga Kuwentong Pambata
    c. Batang May Mga Pangarap


  5. Pareho ba ang mga pisikal na anyo ng dalawang aklat? Bakit?
    a. Oo, dahil pareho silang may pamagat.
    b. Hindi, dahil magkaiba ng laki ang bawat aklat.
    c. Siguro, dahil pareho silang may guhit sa pabalat.


Tayahin
Gawain A

Panuto: Tukuyin ang bahagi ng aklat na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  1. Pahina at paksa ng mga aralin
    a. Pabalat
    b. Paunang Salita
    c. Talaan ng Nilalaman


  2. Nilalaman ng buong aklat
    a. Indeks
    b. Glosari
    c. Katawan ng Aklat


  3. Maliit na diksyunaryo ng aklat
    a. Glosari
    b. Pamagat
    c. Bibliograpi


  4. Pahinang naglalaman ng mensahe ng may-akda
    a. Pabalat
    b. Paunang Salita
    c. Talaan ng Nilalaman


  5. Takip ng aklat na karaniwang matingkad ang kulay
    a. Indeks
    b. Pamagat
    c. Pahina ng Karapang-ari


Gawain B

Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

Aklat A

[illustration: book cover titled “Ang Pilipinas”]

Aklat B

[illustration: book cover titled “Batang May Pangarap”]

  1. Anong bahagi ng aklat ang iyong nakikita sa itaas?
    a. pabalat b. kahulugan c. katawan ng aklat


  2. Alin sa dalawang aklat ang may pamagat na “Ang Pilipinas”?
    a. Aklat A b. Aklat B c. Wala sa nabanggit


  3. Anong tawag sa bahagi ng aklat, kung saan nakalagay ang mensahe ng manunulat para sa kaniyang mambabasa?
    a. pabalat b. bibliograpi c. paunang salita


  4. Anong bahagi ng aklat nakalagay ang listahan ng mga nilalaman o paksang tatalakayin?
    a. glosari b. indeks c. talaan ng nilalaman


  5. Anong tawag sa bahagi ng aklat, kung saan nakalagay ang kahulugan ng mga mahihirap na salita?
    a. indeks b. talahulugan c. bibliograpi


Karagdagang Gawain
Gawain A

Basahin ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ito ay wasto at Mali naman kung hindi wasto.

_____ 1. Mababasa sa talaan ng nilalaman ang taon kung kailan nailimbag ang aklat.

_____ 2. Sa talahulugan makikita ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salita.

_____ 3. Makikita sa pabalat ang pangalan ng sumulat at lumikha ng larawan ng aklat.

_____ 4. Sa katawan ng aklat mababasa ang iba’t ibang uri ng mga kuwento, teksto o mga gawain.

_____ 5. Sa karapatang-ari mababasa ang mga paksa at mga pahina na nasa loob ng aklat.

Gawain B

Suriin ang indeks na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bansa, 23, 78, 90, 28, klima, 9, 11,123,124,156 pisikal na anyo, 11, 24 populasyon, 34, 56, 89, 100

Hayop sa Pilipinas, 56, 78, 99,115 bahagi, 23, 45 kilos at galaw,78,80,98 pangangailangan,123,126,133

Pasyalan, 145, 151 makasaysayan,166, 173 sikat na lugar,149,152,156 sinaunang lugar, 165,172

Pilipinas, 111,123,144 kasaysayan, 1-10

  1. Ano ang tawag sa bahagi ng aklat na makikita sa itaas?



  2. Anong paksa ang mababasa mo sa mga pahina 11 at 24?



  3. Sa anong mga pahina mababasa ang mga kilos at galaw ng mga hayop sa Pilipinas?



  4. Kung gusto mong malaman ang kasaysayan ng Pilipinas, sa anong mga pahina ng aklat mo ito mababasa?



  5. Anong paksa ng aklat ang babasahin mo kung gusto mong malaman kung kailan ang tag-ulan at tag-init sa bansang Pilipinas?



Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down]

Subukin
  1. pisikal na anyo ng aklat
  2. paunang salita
  3. talaan ng nilalaman
  4. glosari
  5. pahina ng pamagat
  6. bibliograpi
  7. katawan ng aklat
  8. indeks
  9. karapatang-ari
  10. pabalat
Balikan
  1. B
  2. C
  3. B
  4. B
  5. A
Tuklasin

Mga Salita:

  1. pahina ng pamagat
  2. glosari
  3. talaan ng nilalaman
  4. pabalat
  5. indeks
  6. katawan ng aklat
  7. karapatang-ari
  8. bibliograpi
  9. paunang salita
Pagyamanin
Pagsasanay 1
  1. E
  2. D
  3. B
  4. F
  5. C
  6. A
Pagsasanay 2
  1. A
  2. B
  3. C
  4. C
  5. C
  6. B
Isaisip
  1. pabalat
  2. pahina ng pamagat
  3. pahina ng karapatang-sipi
  4. paunang salita
  5. talaan ng nilalaman
  6. katawan ng aklat
  7. glosari
  8. bibliograpi
  9. indeks
Isagawa
  1. C
  2. B
  3. C
  4. B
  5. B
Tayahin
Gawain 1
  1. C
  2. C
  3. A
  4. B
  5. B
Gawain 2
  1. A
  2. A
  3. C
  4. C
  5. B
Karagdagang Gawain
Gawain A
  1. MALI
  2. TAMA
  3. TAMA
  4. TAMA
  5. MALI
Gawain B
  1. index
  2. pisikal na anyo
  3. 78, 80, 98
  4. 1-10
  5. klima

Sanggunian

Alde,Amaflor,Lea Agustin,Aireen Ambat, Josenette Brana, Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro,Modesta Jaurigue, Louiegrace Margalio, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilao, Cynthia Reyroso,Agnes G. Rolle, Marcelita Salazar, Jenny-Lyn Trapane. Batang Pinoy Ako: Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 3, Pasig: Lexicon Press, Inc.,2017, ii-v.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district