Filipino 3 Quarter 1 Module 15: Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento

Grade 3 Filipino Quarter 1 Module 15: learners listen to stories, identify title, characters, setting, and events, then write their own story.

This is the Filipino 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 15: “Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento” (creating a story based on a story you have listened to). It is for Grade 3 learners studying at home with a family member, and for the teachers and parents who guide them. After working through it, learners should be able to write their own story that follows the pattern of a story read aloud to them. The module also checks their listening skills.

The module was prepared by the Department of Education Region XI under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020). It was written by Dolly Jane B. Jamil and Rogelyn C. Gule.

On this page 7 sections

What learners will learn

By the end of the module, the learner is expected to:

  • create a story that matches a story they listened to (nakabubuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggang kuwento), F3PN-Ij-10 / F3PN-IIj-10 / F3PN-IIIj-10 / F3PN-IVb-10

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Pagbuo ng Isang Kuwento” (writing a story). Learners listen to three short stories, all written by Dolly Jane B. Jamil. They identify the elements of each story and then use one story as a model for their own.

  • “Ang Kabutihan ng Tao” (the goodness of people): Toby meets Sid, a beggar who is crying because he has not eaten for days. Toby gives him food, water, and money. Later, when some children try to pick a fight with Toby, Sid chases them away, and the two become good friends.
  • “Ang Umaga ni Ding” (Ding’s morning): Ding is a kind and responsible pupil. Each morning he prays and tidies his bed, then bathes, dresses, eats breakfast, and brushes his teeth. He says goodbye to his family before leaving for school.
  • “Ang Ibon sa Kakahuyan” (the bird in the woods): Siblings Mel and Ted find a wounded bird in the woods. Ted crushes malunggay leaves to treat its wound, and they take it home to care for it. A few days later they set it free again.

The elements of a story

The module’s key idea is this: you can write a new story from a story you heard if you know its elements (mga elemento ng kuwento). It names four of them:

ElementMeaningExample from “Ang Umaga ni Ding”
PamagattitleAng Umaga ni Ding
TauhancharactersSi Ding
Tagpuansettingsa bahay (at home)
Mga Pangyayarieventssee below

The events are divided into three parts:

  • Simula (beginning): Ding prays and tidies his bed.
  • Gitna (middle): Ding bathes, dresses, eats breakfast, and brushes his teeth.
  • Wakas (end): Ding says goodbye to his family before going to school.

Learners record these elements in a concept web, a diagram with the title in the center and the characters, setting, and events around it.

From listening to writing your own story

After identifying the elements, learners keep the shape of the story they heard but change the details. The module gives story frames with blanks to fill in:

  • “Mga Paghahanda sa Umaga” (morning preparations), based on Ding’s story. Learners fill in their own character, setting, and morning routine.
  • “Ang Batang Matulungin” (the helpful child), based on “Ang Kabutihan ng Tao.” Learners describe a kind child who helps at home, in school, and in the barangay.
  • “Sa Araw ng Linggo” (on a Sunday), based on “Ang Ibon sa Kakahuyan,” which happens on a Sunday. Learners write about their own Sunday experience or someone else’s.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, in this order:

  1. Alamin (learn): the goal of the module.
  2. Subukin (try): listen to “Ang Kabutihan ng Tao” and complete a concept web by choosing letters from a box.
  3. Balikan (review): answer guide questions about the characters, setting, and events.
  4. Tuklasin (discover): listen to “Ang Umaga ni Ding” and fill in blanks with words from a box.
  5. Suriin (examine): study the completed concept web of Ding’s story.
  6. Pagyamanin (enrich): listen to “Ang Ibon sa Kakahuyan” and answer five multiple-choice questions.
  7. Isaisip (remember): name the four elements of a story.
  8. Isagawa (apply): write “Mga Paghahanda sa Umaga.”
  9. Tayahin (assess): write “Ang Batang Matulungin.”
  10. Karagdagang Gawain (additional activity): write “Sa Araw ng Linggo.”

For learners: Ask a family member or someone living near you to read the stories aloud, or use an audio version of the story. Listen carefully, and write all your answers on a separate answer sheet, not in the module, so others can use it later.

For parents and guardians: Your main role is to read each story aloud clearly, more than once if needed. Encourage your child to answer honestly before checking the answer key.

For teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers Subukin, Tuklasin, Pagyamanin, and Isaisip. The writing tasks need the learner’s own answers. Tayahin and Karagdagang Gawain are scored with a rubric that rates three criteria from 3 (Magaling, very good) to 1 (Nangangailangan Pa ng Gabay, still needs guidance):

  • the story has enough elements, such as characters, setting, and events
  • the events connect from beginning to middle to end
  • the writing is clean and neat

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 3 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 15.

What does Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento mean?

It means creating a story that matches a story you have listened to. Learners keep the pattern of the story they heard but use their own characters, setting, and events.

What are the elements of a story in this module?

The module names four: pamagat (title), tauhan (characters), tagpuan (setting), and mga pangyayari (events). The events are split into simula (beginning), gitna (middle), and wakas (end).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin, Tuklasin, Pagyamanin, and Isaisip. It also includes a rubric for scoring the learner’s own written stories.

What stories are used in this module?

There are three: Ang Kabutihan ng Tao, Ang Umaga ni Ding, and Ang Ibon sa Kakahuyan, all written by Dolly Jane B. Jamil.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino – Unang Markahan – Modyul 15: Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento

Filipino

Unang Markahan – Modyul 15: Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento

3

[illustration: children reading and studying outdoors under a tree, a teacher helping students at a desk, and a child writing by lamplight beside a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Copyright and Development Team

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 15: Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dolly Jane B. Jamil, Rogelyn C. Gule Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos Tagasuri: Ignacio l. Jubahib Jr., Guillesar P. Villarente, Gloria C. Sabanal, Althea S. Llameg Tagawasto: Mercy Y. Malarayap Tagaguhit: Jho Ellyn Ga-as Tagalapat: Jecson L. Oafallas Tagapamahala: Allan G. Farnazo; Josephine L. Fadul; Mary Jeanne B. Aldeguer; Christine C. Bagacay; Analiza C. Almazan; Lorna C. Ragos; Ma. Cielo D. Estrada; Cristy S. Agudera; Mary Jane M. Mejorada; Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph / lrms.regionxi@deped.gov.ph

3

Filipino

Unang Markahan – Modyul 15: Pagbuo ng Isang Kuwento na Katumbas nang Napakinggang Kuwento

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow in its center]

Isang malugod na pagbati at nakaabot ka sa araling ito! Sa modyul na ito, matutuhan mong bumuo ng isang kuwentong katumbas nang napakinggang kuwento. Susukatin din ang iyong kakayahan sa pakikinig.

Magpatulong ka sa iyong kapamilya na nakatira o malapit sa inyong bahay para basahin sa iyo ang mga teksto o kuwento. Maaari ring gamitin ang audio format ng kuwento. Balikan mo ulit ang mga elemento ng kuwento na natutuhan mo sa mga naunang aralin upang mapalawak muli ang kakayahan mo na makabuo ng isang kuwento.

May mga pagsasanay akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • nakabubuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggang kuwento (F3PN-Ij-10/ F3PN-IIj-10/ F3PN-IIIj-10/ F3PN-IVb-10).

Subukin

[illustration: pencil icon beside the section title]

Ipabasa sa isang miyembro ng iyong pamilya o ibang tao ang kuwentong may pamagat na “Ang Kabutihan ng Tao”. Pakinggan at unawaing mabuti ang kuwento upang masagutan ang sumusunod na mga gawain.

Ang Kabutihan ng Tao

ni: Dolly Jane B. Jamil

Habang naglalakad si Toby sa daan, napansin niyang may pulubing umiiyak. Nilapitan niya ito.

[illustration: Toby standing on a path while Sid sits beside a tree with a bowl in front of him]

“Bakit ka umiiyak?” tanong niya.

“Ilang araw na akong hindi nakakakain,” sagot ng pulubing si Sid.

“Huwag kang mag-alala, may dala akong pagkain dito,” wika ni Toby.

[illustration: Toby handing food to Sid on the path]

Hindi lamang pagkain ang ibinigay ni Toby. Binigyan niya ito ng tubig at pera. Lubos ang pasasalamat ni Sid.

Ilang araw ang lumipas, may ilang kabataang naghahamon ng away kay Toby. Bigla siyang natakot dahil mag-isa lang siya.

[illustration: several children confronting Toby, who sits on the ground]

Mayamaya ay biglang napansin ni Toby na bigla na lamang nagtakbuhan ang mga bata dahil pinagalitan ito ni Sid. Tuwang-tuwa si Toby sa ginawa ni Sid.

“Salamat Sid,” wika ni Toby.

“Salamat din Toby. Tama lamang na tulungan kita dahil mabait kang bata,” sagot ni Sid.

Mula noon ay naging mabuting magkaibigan sina Toby at Sid.

Pagsasanay 1

Punan ang hinihingi ng concept web. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa bawat patlang sa sagutang papel.

[chart: concept web; Pagsasanay 1 concept web. The center box reads “Ang Kabutihan Ng Tao (Isang Kuwento)”. Six answer boxes surround it, each with a picture and label as printed.]

  • [illustration: Toby standing on a path while Sid sits beside a tree with a bowl] b. Toby at Sid
  • a. Ang Kabutihan ng Tao
  • [illustration: a path beside a tree and a building] c. sa daan
  • d. Hinahamon ng away si Toby ng mga bata at tinulungan siya ni Sid. [illustration: children confronting Toby]
  • e. Nakita ni Toby ang pulubing si Sid sa daan. [illustration: Toby standing on a path while Sid sits beside a tree]
  • f. Binigyan ni Toby ng pagkain, tubig at pera ang pulubi na si Sid. [illustration: Toby handing food to Sid on the path]

[transcriber’s note: the printed page numbers on these eight pages read 5 to 12; the page markers below follow the requested numbering 9 to 16]

Concept Web

[chart: concept web; Concept Web]

  • Pamagat: 1._____________
  • Tauhan: 2._____________
  • Tagpuan: 3._____________
  • Mga Pangyayari
    • Una: 4._____________
    • Gitna: 5._____________
    • Wakas: 6._____________

Aralin 1 Pagbuo ng Isang Kuwento

Balikan

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat kahit sa pinakasimpleng mga pahayag ang iyong mga sagot.

Patnubay na TanongMga Sagot
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?_____________________________
_____________________________
2. Saan nangyari ang kuwento?_____________________________
3. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?Simula:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Gitna:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Wakas:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Tuklasin

Ipabasa sa isang miyembro ng iyong pamilya o ibang tao ang kuwentong may pamagat na “Ang Umaga ni Ding”. Pakinggan at unawaing mabuti ang kuwento upang masagutan ang pagsasanay na nasa ibaba nito.

Ang Umaga ni Ding

ni: Dolly Jane B. Jamil

Si Ding ay isang mabait at responsableng mag-aaral. Sa murang edad pa lamang ay alam na niya ang kaniyang mga gagawin sa bahay bago pumasok sa eskuwela.

Pagkagising niya sa umaga ay agad siyang nagdarasal Pagkatapos, inihahanda na niya ang sarili upang maligo at magbihis. Nagsisipilyo rin siya bago at pagkatapos kumain.

[illustration: boy washing under running water, with bubbles] [illustration: boy kneeling and praying beside a bed] [illustration: boy brushing his teeth while holding a cup]

Bago umalis ng bahay, nagpapaalam muna siya sa kaniyang pamilya. Laging napapangiti ang mga ito dahil kaya na ni Ding na ihanda ang kaniyang sarili nang mag-isa.

[illustration: boy waving goodbye to a family standing at the doorway]

Pagsasanay

Punan ang mga patlang ng tamang salita ayon sa napakinggang kuwento. Hanapin ang sagot mula sa kahon.

  • bahay
  • Ding
  • nagpapaalam muna siya sa kaniyang pamilya
  • nagdadasal sa kaniyang higaan
  • naliligo, nagbibihis, nag-aalmusal at nagsisipilyo

Si _____________ ay isang mabait at responsableng mag-aaral. Sa murang edad pa lang ay alam na niya ang kaniyang mga gagawin sa _____________bago pumasok sa eskuwela.

Pagkagising niya sa umaga ay agad siyang _______________________________________________________________ _______________________________________________________________.

Pagkatapos, siya ay _______________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________.

Bago umalis ng bahay, _______________________________ _______________________________________________________________.

Suriin

Sa pagbuo ng isang kuwento mula sa napakinggang kuwento, mahalagang basahin at unawain ang bawat pangyayaring nakasaad dito.

Napag-aralan mo sa nakaraang mga aralin na ang kuwento ay may pamagat, tauhan, tagpuan at mga pangyayari. Maaari mong balikan ang nakaraang aralin patungkol sa elemento ng kuwento upang matutuhan mo ang pagbuo ng isang panibagong kuwento. Suriin ang mga elemento ng kuwento na nasa concept web.

[chart: concept web; Concept Web]

  • Pamagat: Ang Umaga ni Ding
  • Tauhan: Si Ding ________ ___
  • Tagpuan: sa bahay
  • Mga Pangyayari
    • Simula: Nagdadasal at nagliligpit si Ding ng kaniyang higaan.
    • Gitna: Si Ding ay naliligo, nagbibihis, nag-aalmusal at nagsisipilyo.
    • Wakas: Nagpapaalam muna si Ding sa kaniyang pamilya bago pumunta sa paaralan. _______________

[chart: graphic organizer with pictures; untitled]

ElementContent
PamagatAng Umaga ni Ding
TauhanSi Ding; [illustration: boy waving]
Tagpuansa bahay; [illustration: house]
Mga Pangyayari(heading row)
SimulaNagdadasal at nagliligpit si Ding ng kaniyang higaan.; [illustration: boy kneeling and praying]
GitnaSi Ding ay naliligo, nagbibihis, nag-aalmusal at nagsisipilyo.; [illustration: boy washing] [illustration: boy brushing teeth]
WakasNagpapaalam muna si Ding sa kaniyang pamilya bago pumunta sa paaralan.; [illustration: boy waving goodbye to family at door]
Pagyamanin

Ipabasa sa isang miyembro ng iyong pamilya o ibang tao ang kuwentong may pamagat na “Ang Ibon sa Kakahuyan”. Pakinggan at unawaing mabuti ang kuwento upang masagutan ang mga tanong sa ibaba.

Ang Ibon sa Kakahuyan

ni: Dolly Jane B. Jamil

Tuwing araw ng Linggo, nakasanayan na ng magkapatid na Mel at Ted na pumunta sa kakahuyan upang magpahinga. Habang sila ay nagpapahangin sa ilalim ng puno, bigla na lamang na may bumagsak.

“Naku, may sugat ang ibon! Kawawa naman,”wika ni Mel.

“Hawakan mo siya Mel. Hahanap ako ng dahon ng maluggay panggamot sa sugat niya,” wika naman ni Ted at agad na umalis.

Pagdating ni Ted, agad niyang dinurog ito at inilagay sa sugat ng ibon.

“Mamamatay ito kung pababayaan natin ito sa kakahuyan,” alala ni Mel.

“Dalhin natin ito sa bahay upang mas maalagaan natin,” sagot ni Ted.

Ilang araw ang lumipas, bumalik ang magkapatid sa kakahuyan at muli nilang pinalipad ang nasa kondisyong ibon.

  1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
    a. Sam at Fe
    b. Ted at Mel
    c. Ben at Pam


  2. Saan naganap ang kuwento?
    a. ospital
    b. palengke
    c. kakahuyan


  3. Bakit nag-alala ang mga tauhan sa kuwento?
    a. nasunog ang mga kahoy
    b. nakakatakot ang kanilang dinaanan
    c. nahulog ang sugatang ibon mula sa puno


  4. Paano nila binigyan ng solusyon ang kanilang pag-alala?
    a. Humingi sila ng tulong sa mga tao.
    b. Inalagaan nila nang mabuti ang ibon.
    c. Tumakbo sila nang mabilis dahil sa kanilang takot.


  5. Anong kaugalian ang ipinakita ng mga tauhan sa kuwento?
    a. pagkamasunurin
    b. pagkamagalang
    c. pagkamaalalahanin


Isaisip

Makabubuo ka ng isang panibagong kuwento mula sa napakinggang kuwento kung alam mo ang mga elemento nito.

Ang mga elemento ng kuwento ay _____________________________, _____________________________, _____________________________ at _____________________________.

Isagawa

Pakinggang muli ang babasahing kuwentong may pamagat na “Ang Umaga ni Ding” sa pahina 5. Pagkatapos, kopyahin ang kuwento at punan ang mga patlang ng mga sarili mong tauhan, tagpuan at mga pangyayari na may kaugnayan mula sa napakinggang kuwento.

Mga Paghahanda sa Umaga

Si _____ ay isang masipag na bata sa kanilang _____. Napapangiti niya ang kaniyang pamilya sapagkat sa murang edad pa lang ay alam na niya ang kaniyang mga gagawin bago pumasok sa eskwela.

Pagkagising niya sa umaga ay agad siyang _____ _____.

Pagkatapos, siya ay _____


_____.

Bago umalis ng bahay, _____


_____.

Tayahin

Kopyahin ang kuwento na nasa ibaba at punan ang mga patlang. Mula sa napakinggang kuwento na may pamagat na “Ang Kabutihan ng Tao” na nasa pahina 2, mag-isip ka ng sarili mong tauhan, tagpuan at mga pangyayari upang makabuo ka ng isang kuwento.

Ang Batang Matulungin

Si _____ ay isang mabait na bata sa kanilang lugar. Siya ay nakatira sa_____.

Tumutulong siya sa kanilang bahay sa pamamagitan ng _____ _____.

Siya rin ay tumutulong sa mga gawain sa kanilang paaralan gaya ng _____ _____.

Sa kanilang barangay, tumutulong rin siya gaya ng _____ _____.

Karagdagang Gawain

Pakinggang muli ang babasahing kuwentong may pamagat na “Ang Ibon sa Kakahuyan” na nasa pahina 8. Nangyari ang kuwento sa araw ng Linggo. Mag-isip ng isang kuwento patungkol sa isa sa naging karanasan mo o ng ibang tao sa araw ng Linggo.

Sa Araw ng Linggo

[transcriber’s note: the page has about 20 pairs of blank writing lines, one dashed and one solid, for the learner’s answer; no printed text]

Susi sa Pagwawasto

PagyamaninTuklasinBalikanSubukin: Pagsasanay 1
1. b
2. c
3. c
4. b
5. c
1. Ding
2. bahay
3. nagdadasal sa kaniyang higaan
4. naliligo,nagbibihis,nag-aalmusal at nagsisipilyo
5. nagpapaalam muna siya sa kaniyang pamilya
(Nangangailangan ng pansariling sagot)1. b
2. a
3. c
4. e
5. f
6. d
Karagdagang GawainTayahinIsagawaIsaisip
(Nangangailangan ng pansariling sagot. Tingnan ang rubik)(Nangangailangan ng pansariling sagot. Tingnan ang rubik)(Nangangailangan ng pansariling sagot)Pamagat, tauhan, tagpuan at mga pangyayari
RUBRIK SA PAGBUO NG ISANG KUWENTO MULA SA NAPAKINGGANG KUWENTO

Panuto: Bilugan ang angkop na bilang sa bawat pamantayan.

3–Magaling

2–Katamtaman

1–Nangangailangan Pa ng Gabay

321
May sapat na elemento ng kuwento gaya ng tauhan,tagpuan at pangyayari.321
Magkakaugnay ang mga pangyayari mula simula,gitna at wakas.321
Malinis at maayos ang pagkakasulat.321
Kabuuang Puntos

[transcriber’s note: the rubric table’s header cell and the empty bordered row below the total row carry no printed text]

Sanggunian

Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, Louiegrace Margalio, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilao, Cynthia Reyroso, Agnes G. Rolle, Marcelita Salazar, Jenny-Lyn Trapane. Batang Pinoy Ako: Kagamitan ng Magaaral sa Filipino 3. Pasig: Lexicon Press, Inc., 2017.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district