EsP 5 Quarter 1 Module 4: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

This is the self-learning module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 5, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan” (doing school projects honestly). It was published by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After working through it, learners should be able to show honesty in their school projects and name the actions that show honesty in their studies.

What learners will learn

The module lists three objectives (shown here with an English explanation):

  • Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan (shows honest work on school projects).
  • Natutukoy ang pahayag na nagpapakita ng matapat na paggawa sa mga gawain sa paaralan (identifies statements that show honest work on school tasks).
  • Naiisa-isa ang mga gawaing nagpapakita ng katapatan sa pag-aaral (lists the actions that show honesty in studying).

Key ideas of the module

The module starts with a question: why do we study? Its answer is that we study to learn things we will need to face life’s challenges, and that school is also where we learn how to get along well with others. Because of this, learners should do the projects and tasks their teacher gives honestly, whether or not the teacher is watching.

The lesson, Aralin 1, teaches that honesty at all times is a step toward progress and success, and that a learner should act in ways others can follow as an example. Its main points are:

  • Honest group work. Doing school tasks with honesty includes taking part in group activities and sharing ideas with classmates so the project is finished on time. When every assigned task is done with skill and honesty, the result is sure to be good.
  • Honesty and faith. An honest child is pleasing to God. What we do is for ourselves, for others, and above all for God, so learners should act with faith and be responsible in everything they do.
  • Being an inspiration. Honest learners can share with classmates the good that comes from doing projects honestly.

The module includes an acrostic poem, “Batang Matapat” (the honest child), by Juliet Lugas Lim, EdD, which describes an honest learner who develops the mind, remembers what must be done, does small things right, shares talents with others, and follows the guidance of parents and teachers.

Examples from the module

The activities show what honest and dishonest behavior looks like in school:

Shows honestyDoes not show honesty
Studying well because there is a test tomorrowCopying a classmate’s answers to raise your score
Giving a wallet you found to the teacherSaying you were sick when you actually stayed home to play
Telling the teacher when you do not understand the lessonCopying ideas from the internet and passing them as your project
Finishing your project on timePhotocopying a classmate’s notes instead of writing your own
Sharing your ideas with your groupTaking things from home for a project without asking your parents
Dividing group tasks equally and attending meetings on timeOrdering other members to do your part of the project

Parts of the module

  • Alamin (learn): introduction and objectives.
  • Subukin (pretest): 10 statements about group projects; write a check if you agree and an X if you do not.
  • Balikan (review): draw a happy or sad face for five situations, depending on whether they show honesty.
  • Tuklasin (discover): study three pictures and fill in a table about what the pupils are doing and whether they are honest.
  • Gawin A and B: decide what to do in three situations, and write a saying or proverb about honesty in school.
  • Suriin (analyze): read the acrostic and recall your own experience of honesty in a school project.
  • Pagyamanin (enrich): explain how you can share the benefits of honest work with classmates.
  • Isaisip (remember): complete a table of ways to show honesty and to encourage others to be honest.
  • Isagawa (apply): pick the numbers of the sentences that show good habits and honesty.
  • Tayahin (assess): label 10 statements as Matapat (honest) or Di-Matapat (not honest).
  • Karagdagang Gawain (extra activity): cut out a picture that shows honesty in doing a school project.

How to use this module

  • Learners: Answer the pretest first, then go through the parts in order. Do not write on the module; use a separate answer sheet or notebook so others can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest when you check.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part, and help with the activities that ask about real situations at home and school.
  • Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help. Many answers in the key are marked as possible answers, so accept other reasonable responses for the open-ended tasks. Learners are encouraged to contact their teacher if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4.

What does Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan mean?

It means doing school projects honestly. The module teaches learners to do the projects and tasks their teacher gives with honesty, whether or not the teacher is watching.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the final assessment, with possible answers for the open-ended tasks.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for their answers.

Who wrote this module?

The module was written by Jeremiah G. Miralles and Maria Fe P. Alas and published by DepEd Region VIII.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 4: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

5

CO_Q1_ESP5_Modyul4

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

[illustration: learners reading and studying outdoors under a tree, and a teacher helping pupils at a desk beside a globe and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 4: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeremiah G. Miralles, Maria Fe P. Alas

Editor: Caridad P. Baginon, Farrah R. Delfin, Teodorico C. Peliño Jr. Maria Cicelia B. Pacantarra

Tagasuri: Juliet L. Lim, David C. Alcober, Lita V. Jongco, Raquel B. Brigoli

Tagaguhit: Crisanto Lopera, Jingerlou D. Inot

Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr., Lemuel P. Valle Jr.

Laguage Editor: Farrah Rudas-Delfin, Maria Cicelia B. Pacantarra

Tagapamahala:

Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Amenia C. Aspa
Mariza S. Magan
Edgar Y. Tenasas
Mark Chester Anthony G. Tamayo
Gretel Laura M. Cadiong
Ranulfo L. Baay
Juliet L. Lim

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 323 – 3156 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

5

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Alamin

[illustration: target with arrow, icon beside the part title]

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kailangan mong mag-aral? Ano ang kabutihang dulot nito upang mapaunlad ang iyong sarili?

Pangunahing dahilan ng ating pag-aaral ay upang matuto tayo. Matuto ng maraming bagay na maaari nating kailanganin at pakinabangan sa pagharap natin sa mga hamon ng buhay. Sa paaralan din higit na hinuhubog at pinag-aaralan ang wastong pakikisalamuha sa ibang tao.

Ang pagiging matapat sa anomang gawaing naghihintay at nakalaan sa atin ay dapat na ipakita sa lahat ng pagkakataon. Bilang mag-aaral, dapat nating gawin ng may katapatan ang mga proyekto o gawaing pampaaralan na ibinibigay ng guro sa atin, nakikita man nila tayo o hindi.

Ang sumusunod na mga layunin ang tatalakayin sa modyul na ito:

  • Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan.
  • Natutukoy ang pahayag na nagpapakita ng matapat na paggawa sa mga gawain sa paaralan.
  • Naiisa-isa ang mga gawaing nagpapakita ng katapatan sa pag-aaral.

CO_Q1_ESP5_Modyul4

Subukin

[illustration: pencil, icon beside the part title]

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓) kung sang-ayon ka sa pahayag at ekis (X) kung hindi.

  1. Ang tagumpay ng isang proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng bawat miyembro.
  2. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
  3. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.
  4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
  5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
  6. Ang palaging pagsalungat sa opinyon ng mga miyembro sa pangkat ay tanda ng pagiging isang lider.
  7. Ang pagkakaisa ay maaaring maipakita sa tahanan.
  8. Hindi dapat umamin sa kasalanang nagawa ng isang miyembro kahit alam mo ang totoo.
  9. Ang pagbibigay-puna sa hindi mabuting gawi ng miyembro ay dapat na gawin sa patagong paraan para hindi mapahiya.
  10. Ang pagsunod sa gusto ng nakararami sa pangkat ay tanda ng pagkakaisa ng bawat kasapi, kahit alam mo na hindi maganda ang nais.

CO_Q1_ESP5_Modyul4

Aralin 1: Matapat na Paggawa sa Proyektong Pampaaralan

Ang katapatan sa lahat ng pagkakataon ay hakbang sa kaunlaran at tagumpay. Bilang mag-aaral gumawa ng bagay na ikalulugod ng kapuwa, upang tularan at magsilbing huwaran.

Balikan

[illustration: puzzle pieces, icon beside the part title]

Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face] kung ito ay nagpapakita ng katapatan at malungkot na mukha [illustration: frowning face] kung ito ay hindi nagpapakita ng katapatan.

transcriber’s note: the happy and sad face symbols are printed as small icons in the instruction text.

  1. Nag-aral ka nang mabuti dahil alam mong may pagsusulit kinabukasan.
  2. Nangopya ka ng sagot sa kaklase upang tumaas ang iyong iskor sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
  3. Ibinigay mo sa guro ang nakita mong pitaka sa paaralan dahil hindi mo alam kung sino ang may-ari nito.
  4. Sinabi mo sa guro na kaya ka lumiban sa klase ay dahil nagkasakit ka ngunit nang totoo ay naglaro ka lamang sa bahay.
  5. Nagsasabi ka ng totoo sa guro kung hindi mo naiintindihan ang kaniyang leksiyon.

CO_Q1_ESP5_Modyul4

Tuklasin

[illustration: sprouting seedling, icon beside the part title]

Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Sundin ang talahanayan sa pagsagot sa mga tanong. Sagutin ito sa sagutang papel.

[illustration: Larawan 1 – teacher with pupils in a classroom, one pupil seated apart from the group]

[illustration: Larawan 2 – two pupils writing side by side at a desk, one smiling]

[illustration: Larawan 3 – pupils gathered around a desk while a classmate stands at the front of the room]

Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral?Matapat ba sila sa kanilang tungkulin? (Oo o Hindi) at Bakit?Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Larawan 1
Larawan 2
Larawan 3
Gawin A

Pag-aralan at suriin ang bawat sitwasyon. Ano ang dapat gawin para maipakita ang katapatan? Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

  1. Nagbigay ng pagsusulit sa EsP ang inyong guro. Nakita mong nagkokopyahan ng sagot ang dalawa mong kaklase. Ano ang gagawin mo?
  2. May ibinigay na pangkatang gawain para sa isang proyekto ang inyong guro. Isa ka sa may kakayahan at may ideya upang mapaganda ang kalalabasan ng inyong gagawin. Paano mo ito maibabahagi sa iyong mga kagrupo?
  3. Naisipan ng iyong mga kaklase na mag group study para sa nalalapit na pagsusulit. Nais mong sumali sa kanila subalit hindi ka pinayagan ng iyong ina. Ano ang gagawin mo?
Gawin B.

Sumulat ng isang kasabihan o salawikain na nagpapakita ng katapatan sa mga gawain sa paaralan.



_____________________________.

Suriin

Bilang isang mag-aaral mahalagang malaman mo ang maaaring epekto ng mabuti at di-mabuting saloobin sa pag-aaral. Halimbawa, ang paggawa ng may katapatan sa mga gawain o proyektong pampaaralan tulad ng pakikilahok sa mga pangkatang gawain, pagbabahagi ng ideya sa kaklase upang mapadali ang pagpasa ng proyekto sa takdang oras at marami pang iba. Kung ang lahat ng mga gawaing iniatas sa iyo ay ginagampanan mo nang buong husay at katapatan, tiyak na maganda ang kalalabasan nito.

A. Basahin ang akrostik sa ibaba. Pag-aralan kung paano naipapakita ang katapatan at ang mabuting naidudulot nito sa pag-aaral.

Batang Matapat
Sinulat ni: Juliet Lugas Lim, EdD.

B…bata man kung ituring
A…aking isip ay lilinangin
T…tatandaan ang dapat gawin
A… araw-araw lagi itong iisipin,
N…nagagawa ng tama mga mumunting bagay
G…galing at talino laan lagi sa kapuwa ko.

M…magiliw makihalubilo
A…ay talagang likas at natural lamang,
T…tatahakin kong landas magulang at guro ang siyang gagabay
A…angking talino kanyang huhubugin
P…pag-asa ng bayan
A…aking isasabuhay
T…tamang gawi pagsusumikapang lagi.

B. Alalahanin ang isang pangyayaring naranasan mo na sa iyong buhay na may kinalaman sa pagpapakita ng katapatan sa paggawa ng proyekto sa paaralan.



Pagyamanin

Ang batang matapat sa mga gawaing inaatas sa kaniya ay kinalulugdan ng Diyos. Bilang isang mag-aaral, dapat nating isipin na anomang mga gawaing ipinapagawa sa atin ay gawin natin nang buong husay at katapatan. Lagi nating tandaan na ang lahat ng ating ginagawa ay para sa ating sarili, sa ating kapuwa, at higit sa lahat ay para sa Diyos.

Isa-isip natin na kung ano ang ating ginagawa sa kapuwa ay ginagawa din natin sa Diyos. Marapat lamang na kumilos tayo ng may pananalig sa Poong Maykapal at maging responsable sa lahat ng ating gagawin upang maging makabuluhan ang ating sarili at magsilbing inspirasyon sa kapuwa.

Bilang isang matapat na mag-aaral, paano mo maibabahagi sa iyong kapuwa mag-aaral ang kabutihang naidudulot nang matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan?

Isaisip

Kopyahin sa inyong kuwaderno ang talahanayan. Isulat ang mga salitang angkop para mabuo ang ideya.

Maipakikita ko ang pagiging matapat sa paggawa sa mga gawain sa paaralan sa pamamagitan ng :Hihikayatin ko ang ibang mag-aaral na maging matapat sa mga proyektong pampaaralan sa pamamagitan ng:
11
22
33
44
Isagawa

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangungusap na nagpapakita nang mabuting gawi at katapatan sa pag-aaral.

  1. Nakikinig ako sa aking guro.
  2. Pinapa-photocopy ko ang mga tala mula sa kuwaderno ng aking mga kamag-aral sa halip na sumulat ako ng sariling mga tala.
  3. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-oras.
  4. Kumokopya ako ng mga ideya mula sa internet para ipasa bilang aking proyekto.
  5. Humihingi ako ng dagdag na paliwanag at may respeto sa aking guro kapag hindi ko naintindihan ang aralin.
  6. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin.
  7. Ibinabahagi ko ang aking ideya sa aking mga kapangkat kapag may inatas sa aming gawain.
  8. Naghihintay ako ng takdang-araw bago ako magpasa ng proyekto.
  9. Kusang-loob kong tinutulungan ang aking mga kamag-aral kapag hindi nila maintindihan ang aralin.
  10. Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.
Tayahin

Isulat ang salitang Matapat kung ang diwang ipinapahayag ng pangungusap ay nagpapakita nang matapat na paggawa sa proyektong pampaaralan at Di-Matapat kung hindi.

  1. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang isang proyekto.


  2. Dinadala mo ang mga gamit ninyo sa bahay para sa proyekto nang hindi nagpaalam sa iyong mga magulang.


  3. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang gaanong pinagkakaabalahan.


  4. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.


  5. Ginagawa ang takdang-aralin at ginagawa ang proyekto pagkatapos.


  6. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula umpisa hanggang matapos.


  7. Laging hindi tinatapos ang dinadaluhang pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.


  8. Inaalam ang bawat detalye ng gagawing proyekto.


  9. Pantay-pantay ang paghahati sa mga gawain.


  10. Inuutusan ang ibang miyembro na tulungan ka sa proyekto.


Karagdagang Gawain

Gumupit ng larawan na nagpapakita ng katapatan sa paggawa ng proyektong pampaaralan.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections are transcribed in reading order after rotation]

Tuklasin

(Posibleng sagot)

Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral?Matapat ba sila sa kanilang tungkulin? (Oo o Hindi) at Bakit?Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Larawan 1Sumasali sa pangkatang gawainOo, dahil sila ay sumasali sa talakayanKailangan nating gawing tama ang ating Gawain
Larawan 2Sumasagot ng pagsusulitHindi, dahil ang aaral ay kumukopya ng sagot sa katabiDapat hindi cheating, nagche-cheating, dapat nag aaral ng aralin.
Larawan 3naglalaroIyong isa hindi siya sumasali sa laroDapat sumali sa pangkat para makabuo ng kaibigan

(Posibleng sagot)

  1. Pagsasabihan ang mga kamag-aral.
  2. Sasali sa gawaing nakahanda.
  3. Ipaliliwanag sa mga kaklase na hindi ka pinayagan.

(Posibleng sagot)

“Mag-aaral ng maigi at ng buhay ay bumuti”

Pagyamanin

(Posibleng sagot)

Sasali sa lahat ng mga pangkatang gawain ng may lubos na pag-alay ng sariling ideya.

Subukin
  1. /
  2. X
  3. X
  4. /
  5. /
  6. X
  7. /
  8. X
  9. /
  10. X
Isaisip
Maipakikita ko ang pagiging matapat sa paggawa sa mga gawain sa paaralan sa pamamagitan ng :Hihikayatin ko ang ibang mag-aaral na maging matapat sa mga proyektong pampaaralan sa pamamagitan ng:
1. pagsali sa gawain ng tama1. lagging mag-aaral ng mga aralin
2. sumali sa gawaing pampaaralan2. tutulong sa guro sa munting bagay na kaya kong gawin
Isagawa

1, 3, 5, 7, 9, 10

Tayahin
  1. matapat
  2. di-matapat
  3. matapat
  4. matapat
  5. matapat
  6. matapat
  7. di-matapat
  8. matapat
  9. matapat
  10. di-matapat
Suriin

(Posibleng sagot)

  • Isip ay lilinangin
  • Tatandaan ang dapat gawin
  • Nagagawa ang munting bagay
  • Galing at talino laan sa kapwa
  • Magiliw makihalubilo
  • Magpapagabay sa guro
  • magsusumikap
  • laging ginagawa ang mga takdang aralin
Balikan
  1. [illustration: face icon, frowning]
  2. [illustration: face icon, slightly frowning]
  3. [illustration: face icon, neutral]
  4. [illustration: face icon, smiling]
  5. [illustration: face icon, smiling broadly]

Sanggunian

Department of Education. 2016. K to 12 Curriculum Guide in Edukasyon sa Pagpapakatao 5. Philippines: Department of Education.

Department of Education. n.d. Region Item Bank for Edukasyon sa Pagpapakatao 5. Philippines: Department of Education.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *