This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3: “Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong Pang-impormasyon” (answering questions about stories and informational texts that are read or heard). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home, with a guide character named Kokoy who leads them through each part. After the module, learners should be able to answer questions about what they read or hear and write their answers in complete, correctly written sentences.
What learners will learn
The module states that by the end, the learner:
- answers questions about a story they read or heard, and about an informational text (tekstong pang-impormasyon)
- writes the correct answer to a question in a sentence, based on the text, using correct writing mechanics (spelling and punctuation)
- values listening and reading with understanding when answering questions
What is inside this module
The module has one lesson, Aralin 1, which follows the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Reads the story “Si Kiko at Kakusog” about a farmer and his strong carabao, then answers 7 questions |
| Balikan (review) | Chooses the correct pronoun in a short text about flies, reviewing the previous lesson on nouns and pronouns |
| Tuklasin (discover) | Reads “Musika sa Pandinig” (music to the ears), about parents who sacrifice so their deaf son Lino can hear and speak through a cochlear implant, then answers 6 questions |
| Suriin (analyze) | Learns tips for listening and reading, and how question words point to the answer |
| Pagyamanin (enrichment) | Listens to radio news and asks parents for advice, answering questions about each |
| Isaisip (remember) | Fills in blanks summarizing the lesson, using words from a box |
| Isagawa (apply) | Retells a favorite story to a friend and asks them three to five questions |
| Tayahin (assessment) | Answers questions about “Pista ng Bulaklak” (the Panagbenga flower festival) in sentences, then listens to a text about Iloilo and answers 5 multiple-choice items |
| Karagdagang Gawain (extra task) | Writes a reflection on why listening and reading matter when answering questions |
Key ideas: tips for listening and reading
The module compares reading to exercise: just as the body needs exercise, the brain gets exercise through reading.
When listening
The learner should:
- listen carefully to the storyteller or speaker;
- write down important information from what is heard;
- understand well what the reader is saying; and
- write down their reactions to what they hear.
The Isaisip part adds that learners should not give reactions while the speaker is not yet finished.
When reading
First, ask yourself three things:
- What is the text about? This gives the topic (paksa).
- What is the author’s most important idea about the topic? This gives the main idea (pangunahing ideya).
- Ask sino, ano, paano, bakit, saan, kailan, alin, or anong uri. These give the supporting details (mga sumusuportang detalye).
Next, find where the answer is. It may be stated directly in the text; it may be in the text but not explained, so you must think about what the author means; it may come from both what you already know and what the text says; or it may depend on reading and understanding carefully.
Question words and what they ask for
| Question word | The answer is about |
|---|---|
| sino, kanino | a person |
| ano | a thing, animal, trait, event, or idea |
| kailan | time and date |
| saan | place |
| bakit | reason |
| paano | method or way |
| ilan | number or amount |
| magkano | price or amount of money |
| gaano | size or weight |
For example, in the pretest story, “Saan naganap ang kuwento?” (where did the story happen?) asks for a place: a small village in the town of Palapag.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest. The module says that if you got everything right, you may move on to the next lesson; if not, continue with the rest of the module in order. Write all answers on separate paper or in your notebook, and do not write on the module. In Tayahin Gawain A, answer in a full sentence with correct spelling and punctuation.
- Parents and family members: Some tasks need your help. In Pagyamanin, the learner asks you for advice on which secondary school to attend. In Tayahin Gawain B, you read the Iloilo text aloud while the learner listens and answers.
- Teachers: The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for every part, with sample answers for open-ended questions. Several items, such as personal reactions and the reflection, accept varied answers.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.
What stories and texts are used in the module?
The module uses the stories “Si Kiko at Kakusog” and “Musika sa Pandinig”, an informational text about the Panagbenga flower festival in Baguio, and a text about the province of Iloilo.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and assessment, with sample answers for open-ended questions.
What does tekstong pang-impormasyon mean?
It means informational text, a text that gives facts, such as the module’s passages about the Panagbenga festival and the province of Iloilo.
How do question words help in finding the answer?
Each question word points to a type of answer: sino asks for a person, saan for a place, kailan for a time or date, bakit for a reason, and paano for a way or method.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
5
Filipino Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong Pang-impormasyon
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, a teacher, a globe, and a boy with a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_FILIPINO5_Modyul3
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong Pang-impormasyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Melinda Lourdes C. Amoyo
Editor: Virginia C. Dulfo, Cresente A. Beato, Farrah R. Delfin, Bennedick T. Viola, Aiene M. Molina
Tagasuri: Lorie Emmanuel Arago, Aurora Amboy, Maria Cicelia B. Pacantarra
Tagaguhit: Michael Q. Balan
Tagalapat: Michael Q. Balan, Swelyn E. Forro
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Jr. Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Albije Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong Pang-impormasyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Binabati kita kaibigan dahil nakarating ka na sa ikatlong hakbang ng ating pag-aaral sa baitang lima. Marami ka bang natutuhan sa nakaraang aralin? Muling madaragdagan ang iyong kaalaman sa modyul na ito. Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na nakahandang samahan ka sa iyong paglalakbay.
Mahilig ka bang magbasa? Anong uri ng babasahin ang palagi mong binabasa?
Sa araling ito ay lalong lalawak ang iyong interes sa pagbabasa dahil magbibigay ako ng maraming babasahin na tiyak na pupukaw sa iyong interes. Naghanda ako ng mga gawaing susubok sa iyong kakayahang mag-isip, magpaliwanag at sumagot sa mga tanong mula sa iba’t ibang uri ng teksto. Pagkatapos ng ating paglalakbay inaasahan na:
a) nasasagot mo ang mga tanong sa binasang kuwento/napakinggang kuwento at tekstong pang-impormasyon;
b) naisusulat mo sa pangungusap ang tamang sagot sa tanong batay sa binasa nang may wastong mekaniks sa pagsulat; at
c) napahahalagahan mo ang kasanayan sa pakikinig at pagbabasa nang may pag-unawa sa pagsagot ng mga tanong.
Handa ka na ba? Tara simulan na natin!
Subukin
Sa isang maliit na nayon sa bayan ng Palapag, may isang masipag na magsasaka na ang pangalan ay Kiko. Madaling-araw pa lang ay gumigising na si Kiko upang maghanda ng mga dadalhin sa bukid.
May alagang kalabaw si Kiko. Malaki at maitim ito. Mahilig din itong kumain ng damo. Tinawag na Kakusog ang alagang kalabaw ni Kiko dahil sa taglay nitong lakas. Si Kakusog ang katuwang ni Kiko sa pagsasaka sa bukid.
Sabay silang nagpapahinga pagkatapos nilang magtrabaho. Habang kumakain ng pananghalian si Kiko, si Kakusog naman ay abala rin sa pagkain ng sariwang damo.
“Ang lakas mo talagang kumain Kakusog, kaya ka lumalaki,” natutuwang sabi ni Kiko sa kanyang alaga.
Pagkatapos nilang magpahinga, inilagay ni Kiko sa karomata ang mga inani niya sa bukid.
Si Kakusog ang nagdadala ng mga inani ni Kiko tulad ng kamote, kalabasa, kamatis, at pakwan. Dadalhin nila ang mga ito diretso sa palengke. Ngunit dahil sa sobrang bigat ng karomata na hinihila ni Kakusog, bigla itong huminto at nakita ni Kiko na humihingal ang alaga.
Nakakita ka na ba ng totoong kalabaw kaibigan? Ano ang masasabi mo dito?
Tama! Ang kalabaw ay katulong ng mga magsasaka sa bukid. Ito rin ang ating pambansang hayop.
Ang babasahin mong kuwento ay may kinalaman sa kalabaw. Handa ka na ba?
Basahin mo at unawaing mabuti ang kuwentong pinamagatang ‘Si Kiko at Kakusog’. Sagutin mo ang kasunod na mga tanong at piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat mo ito sa isang papel.
Ilustrasyon at kuwento ni: Kenneth A. Deananeas, Learning Resources Management Development Systems (LRMDS), DepEd Division of Northern Samar
[illustration: Kiko sitting beside Kakusog the carabao, with fruits and a cart; the title “SI KIKO AT KAKUSOG” appears on the left side of the picture]
Bumaba si Kiko at tiningnan ang alaga.
“Kawawang kalabaw! Halika at kumain muna tayo ng pakwan. Tiyak pagod at nauuhaw ka na,” sabi ni Kiko.
Biniyak ni Kiko ang dalang pakwan at pinaghatian nila ito. Laking gulat ni Kiko dahil halos maubos ni Kakusog ang ibinigay niyang pakwan.
“Pambihira ka naman, Kakusog! Talagang uhaw na uhaw ka ah,” napapailing na sabi ni Kiko sa kanyang alaga.
Pagkatapos nilang kumain ng pakwan ay agad bumalik ang lakas ni Kakusog at dahan-dahang hinila ang karomata. Natuwa naman si Kiko dahil nakita niyang malakas na uli ang kaniyang mahal na alaga.
Kaya naman pagkagaling nila sa palengke, kapwa sila masayang umuwi. Napapakanta pa nga si Kiko habang nakasakay sa likod ni Kakusog.
Naririto ang mga tanong ko para sa iyo. Kayang-kaya mo yan! Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel o kuwaderno
- Ano ang pamagat ng kuwentong binasa mo?
- Saan naganap ang kuwento?
- Bakit tinawag ni Kiko na Kakusog ang kanyang kalabaw?
- Batay sa mga ikinilos ni Kiko, ano-anong katangian mayroon siya?
- Paano ipinadama ni Kiko ang kanyang pagmamahal kay Kakusog?
- Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?
- Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa mga alagang hayop?
Kaibigan nasagot mo ba ang lahat na tanong?
Magaling, dahil kung ikaw ay nakakuha ng 100 puntos puwede ka nang umusad sa susunod na aralin – ang Aralin 4. Kung sakaling hindi mo nakuha nang tama ang mga sagot, huwag mag-alala dahil ipagpapatuloy pa natin ang pag-aaral sa modyul na ito.
Halika at gagabayan kita sa susunod pang mga gawain!
Aralin 1: Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong Pang-impormasyon
Balikan
Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Ngayon, muli nating balikan ang wastong gamit ng pangngalan at panghalip. Handa ka na ba? Piliin mo ang tamang gamit ng panghalip sa loob ng panaklong.
Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na insekto sa buong daigdig. Ang dalawa 1. _____ (itong, nitong) pakpak at anim na mabalahibong paa ay nakapagdadala ng mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit. Kumakain 2. _____ (ito, siya) ng kahit na anong bagay na nabubulok. Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi. At sa oras ng 3. _____ (kaniyang, siyang) paglipad at pagdapo kung saan-saan, tiyak ang dala 4. _____ (niyang, itong) sakit sa mga tao. Kaya huwag nating pababayaang maging sanhi ang langaw na ito sa 5. _____ (nating, ating) kapahamakan.
Tara na at ipagpatuloy natin ang paglalakbay. Kapit lang!
Tuklasin
Mahal mo ba ang mga magulang mo? Bakit? Ako rin, mahal na mahal ko ang aking mga magulang dahil ginagawa nila ang lahat para lang mabigyan kaming magkakapatid ng maginhawang buhay. Hindi ako ngayon magiging ako, kung hindi dahil sa kanila. Ganoon naman talaga ang mga magulang, lahat ng pagsasakripisyo ay gagawin para sa kanilang mga anak. Makikita natin sa susunod na kuwento kung paano ipadarama ng magulang ang kanilang pagmamahal para sa anak. Pagmamahal na siyang magiging daan para malagpasan ang mga pagsubok sa isang pamilya. Basahin ito nang may pag-unawa. Simulan na natin!
Musika sa Pandinig
Laking-tuwa at pasalamat ng mag-asawang Jose at Maria Cruz nang isilang ang kanilang bunsong anak na si Lino. Bukod kasi sa matagal na nilang ipinagdasal na bigyan pa sila ng isang anak, ang bata ay isinilang na malusog at pogi.
[illustration: a woman, a young child, and a man smiling together] Iginuhit ni Ronnie R. Apelado DepEd Borongan City Division
Subalit ang kasiyahang ito ay napalitan ng pighati. Isang taon at anim na buwan pa lamang ang kanilang anak nang ipatingin nila ito sa doktor dahil hindi nakapagsasalita ang bata. Doon nalaman nilang bingi ito. Kaya pala hindi makapagsalita ang bata dahil walang naririnig.
Nang malaman ito ng mag-asawa, parang gumuho ang kanilang mundo. Iyak nang iyak si Aling Maria sa tindi ng sakit. Ayaw niyang lumaki ang kanyang anak na walang naririnig at hindi nakapagsasalita.
Kapos man sa pera ang mag-asawa, lumuwas parin sila patungong Maynila upang ipatingin sa mga dalubhasang doktor ang kondisyon ng kanilang anak. Doon nalaman nilang may solusyon sa kapansanan ni Lino. Kinakailangan lang sumailalim ang kanilang anak sa operasyon sa tainga para ilagay ang isang bagay na siyang tutulong para makarinig ang kanilang anak. Ang tawag sa prosesong ito ay Cochlear Implant. Kaya lang nangangailangan ito ng napakalaking halaga.
Gusto ng mag-asawa na lumaking normal ang kanilang pinakamamahal na anak kaya ang kanilang iniipong pera na para sana sa pagpagawa ng bahay ang ginamit sa operasyon.
Ang napakalaking gastusin ay hindi nagtapos sa operasyon dahil kinailangan pang magtherapy ni Lino para matutong makinig at magsalita. Kinailangan niyang tumira sa lungsod na malayo sa kanyang nanay at kapatid na nasa probinsiya. Ang kanyang tatay naman ay nagpapakahirap sa ibang bansa para matustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan.
Labag man sa kalooban ni Aling Maria na mawalay sa bunsong anak, wala siyang magawa kundi iwanan ito sa pangangalaga ng kanyang lola at tiyahin. Lungkot na lungkot man, kailangan niyang magtrabaho at samahan ang panganay na anak na nag-aaral sa probinsiya.
Ang pananampalataya sa Maykapal ang naging sandigan ni Aling Maria sa kanyang pinagdadaanan. Palagi niyang ipinagdarasal na sana makapagsalita na ang kanyang anak upang magsama-sama na sila.
Pagkalipas ng dalawang taon, sa mismong kaarawan ni Aling Maria, nakatanggap siya ng tawag mula sa therapist ng kanyang anak. May gusto raw bumati sa kanya sa telepono.
[illustration: a woman on a phone call with a therapist; speech bubbles read “Take care, Son…” and “Thanks…I love you Mama…I miss you..!”] Larawang Guhit ni Ronnie R Apelado, Borongan City Division
“Happy birthday mama! Happy birthday mama! Happy birthday, happy birthday, happy birthday mama!” Ang awit ni Lino sa kanyang ina.
Habang nakikinig, hindi namalayan ni Aling Maria ang luha sa kanyang mga mata. Luha dahil sa tamis ng kanyang naririnig.
“I love you mama and I miss you!” Dagdag pa ng bata.
Tuluyan nang umagos ang mga luha sa mga mata ni Aling Maria nang marinig niya iyon. Ang mga katagang “I love you and I miss you mama,” ang pinakaaasam-asam niyang marinig mula sa pinakamamahal niyang anak. Parang musika ito sa kanyang pandinig. Hindi niya sukat akalain na maririning niya ito sa mismong kaarawan niya nang malinaw mula sa anak na may kapansanan sa pandinig.
Dahil dito lalong lumakas ang pananampalataya ni Aling Maria sa Maykapal. Tumibay pa nang husto ang kanyang paniniwala na anumang pagsubok ay kakayanin dahil nandiyan ang Diyos na gumagabay at nagmamahal sa kanya.
- Kuwentong isinulat ni Melinda Lourdes C. Amoyo
Sabang Central Elementary School, DepEd Borongan City Division
Sagutin mo nga ang mga tanong na ito:
- Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
- Bakit napalitan ng pighati ang tuwa nina Mang Jose at Aling Maria?
- Paano ipinakita ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang anak?
- Bakit pinamagatang “Musika sa Pandinig” ang kuwento?
- Anong naramdaman mo habang binabasa ang kuwento? Bakit?
- Paano mo masusuklian ang pagmamahal at sakripisyo ng iyong mga magulang?
[illustration: a boy with a thought bubble reading “Tara na, dagdagan pa natin ang ating kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat.”]
Suriin
Binabati kita dahil mahusay ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong sa ikalawa nating kuwento. Bago tayo magpatuloy sa ating paglalakbay, tumayo ka muna at mag-inat habang inaawit ang…
Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga! Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga! Para ang katawan ay sumigla!
Ngayon, tiyak kong nakahanda ka na sa susunod nating mga gawain. Alam mo bang ang pagbabasa ay tulad ng pag-eehersisyo? Oo tama ka! Kailangan ng katawan natin ang pag-eehersisyo para lumakas ang ating katawan. Kailangan din ng ating utak na mag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagbabasa.
Tuwing nagbabasa tayo, gumagana ang iba’t ibang pandama natin. Kasi nagbibigay tayo ng reaksiyon sa ating mga nababasa.
Tulad ng pandinig. Di ba minsan nagbabasa ka nang malakas? Tuwing ginagawa mo ito nagpoproseso ang iyong utak tungkol sa mga impormasyong iyong nababasa at napakikinggan. Dahil dito nagbabasa ka nang may pang-unawa. Ang galling, di ba? Sa pagbabasa, na-eehersisyo natin hindi lamang ang utak pati na rin ang iba’t ibang pandama.
Bilang sorpresa, bibigyan kita ng mga tips na tiyak na magagamit mo para sa pakikinig at pagbabasa. Tuwing makikinig, ikaw ay dapat na:
- nakikinig nang mabuti sa nagkukuwento o nagsasalita;
- nagsusulat ng mahahalagang impormasyon mula sa pinakikinggan;
- uunawaing mabuti ang sinasabi ng nagbabasa; at
- isinusulat ang mga reaksiyon sa napakikinggan.
Pagkatapos makinig, puwede mo itong sabihin sa nagsalita o ibahagi sa iba ang iyong reaksiyon.
Ito naman ang tips ko sa iyo sa pagbabasa.
- Itanong mo sa sarili ang sumusunod:
| Tanungin ang sarili | Madidiskubre mo ang: |
|---|---|
| a. Tungkol saan ang teksto? | paksa |
| b. Ano ang pinakamahalagang ideya ng awtor tungkol sa paksa? | pangunahing ideya |
| c. Sa paggamit ng mga panghalip na pananong na: sino, ano, paano, bakit, saan, kalian, alin, o anong uri? | mga sumusuportang detalye |
- Hanapin at isulat ang sagot
[chart: flowchart; “2. Hanapin at isulat ang sagot”]
- Nasaan ang sagot? → Nandiyan! Nasa teksto ang mga salita
- Nasaan ang sagot → Isipin at hanapin! Nasa teskto ang mga salita pero hindi ipinapaliwanag sa iyo. Isipin kung ano ang sinasabi ng awtor.
- Nasaan ang sagot? → Nasa iyo at sa awtor! Isipin kung ano ang natutuhan mo at ano ang nasa teksto.
- Nasaan ang sagot? → Nasa iyong pagbasa at pag-unawa nang mabuti. Nakasalalay sa iyo ang pagsagot nang tama.
- Bigyang-pansin ang mga panghalip
| Mga Panghalip na Pananong | Ang sagot ay may kaugnayan sa: |
|---|---|
| sino at kanino | para sa tao |
| ano | para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya |
| kailan | para sa panahon at petsa |
| saan | para sa lugar |
| bakit | para sa dahilan |
| paano | pamamaraan |
| ilan | dami o bilang |
| magkano | para sa halaga ng pera |
| gaano | sukat, bigat o timbang |
[illustration: a boy with a thought bubble reading “Mula sa iyong nabasa, saan makikita ang tamang sagot? Sa binasang kuwento, kinakailangan lang basahin at unawain ito nang mabuti. Naunawaan mo ba ang tungkol kahalagahan ng pakikinig, pagbasa at pagsagot sa tanong? Konti na lang matatapos na ang ating paglalakbay. Tara! tayahin natin ang iyong nalaman!-Alam kung kaya mo iyan!”]
Pagyamanin
A. Makinig ng balita sa radyo. Itala ang mahahalagang impormasyon at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
- Tungkol saan ang balita?
- Saan ito naganap?
- Sino- sino ang kasangkot dito?
- Ano ang naging solusyon sa problema?
B. Humingi ng payo sa iyong magulang kung aling paaralan sa Sekondarya ang magandang pasukan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
- Ano ang kanilang ipinayo?
- Bakit ito ang kanilang pinili? Isulat ang mga detalye.
- Sa iyong palagay, angkop ba ito sa iyong kakayahan?
Isaisip
[illustration: a boy with a speech bubble reading “Kaunting hakbang na lang kaibigan at malapit ka nang matapos. Kayang-kaya mo ‘yan! Dito, gusto kong sukatin ang pagkakaintindi mo sa ating aralin. Punan ng tamang sagot ang patlang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.”]
- Upang masagutan nang tama ang mga katanungan sa binasang teksto, kinakailangang (1)_____ at unawain mo ito nang (2)_____.
- Upang makuha naman ang wastong sagot sa bawat katanungan ng napakinggan teskto, kinakailangang (3)_____ at unawain nang mabuti ang _____ pinakikinggan. Mas makabubuti kung isusulat mo ang mahahalagang (4)_____ mula sa pinakikinggan. Iwasan rin ang pagbibigay ng (5)_____ habang hindi pa tapos ang pinakikinggan.
| mabuti | impormasyon | reaksyon |
|---|---|---|
| mabili | basahin | makinig |
Isagawa
Kaibigan! Malapit ka nang matapos. Alam kong nasasabik ka na sa panghuling mga gawain. Ngunit bago iyon, nais kong pumili ka ng paborito mong kuwento at sundin mo ang mga sumusunod:
- Alalahaning mabuti ang naalala mong kuwento.
- Maghanap ng kaibigang pagkukuwentuhan. Huwag kalilimutan ang social distancing.
- Maghanda ka ng tatlo o limang tanong mula sa kuwento na susubok sa kanilang pag-iisip. Itanong ang naihandang mga tanong.
[illustration: a boy with a speech bubble reading “Ano ang naging reaksiyon nila sa iyong kuwento? Nasisiguro kong nag-enjoy sila sa kuwento mo. Nasagot ba nila ang mga tanong mo? Ngayony natitiyak kong handa ka na para sa panghuling mga gawain. Sikaping huminga nang malalim at sagutin ng buong husay ang mga tanong. Kaya mo yan!”]
Tayahin
Gawain A. Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa isang pangungusap ang tamang sagot nang may wastong baybay at bantas.
Pista ng Bulaklak
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag na Pista ng Panagbenga. Ang Panagbenga ay salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay panahon ng pagbukadkad ng bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang ito ang naggagandahang bulaklak kung saan kilala ang lungsod na ito.
Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995. Isinagawa ang pistang ito para maiangat muli ang Lungsod ng Baguio mula sa malagim na lindol noong 1990.
Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng Panagbenga. Ang pinakasikat at inaabangang gawain tuwing pista ng bulaklak ay ang parada. Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada at pagtugtog ng mga banda. Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na puno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Sa paggawa ng karosang ito, ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain at pagiging matulungin. Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng lungsod. Maraming mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang dumadayo sa Baguio upang mapanood ito.
Pinagkunan: DepEd – The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa sa Filipino, Ikalimang Baitang, Set B, p. 104
(The passage above continues from the previous page.)
- Anong buwan nagaganap ang Pista ng Panagbenga?
- Ano ang inaabangang gawain sa pistang ito?
- Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita sa seleksyon?
- Bakit kaya maraming tao ang dumadayo sa pagdiriwang na ito?
- Ano ang tinutukoy sa seleksyon?
Gawain B. Ipabasa sa isang kapamilya ang teksto. Makinig at unawain ito nang mabuti. Sagutin ang sumusunod na mga katangungan. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito.
- DepEd Region VIII Test Item Bank in Filipino 6, 1st Quarter
Anong lalawigan ang inilalarawan sa teksto?
- A. Capiz
- B. Antique
- C. Guimaras
- D. Iloilo
Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
- A. Kanlurang Bisaya
- B. Silangang Bisaya
- C. Gitnang Bisaya
- D. Timog Bisaya
Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
- A. Panay
- B. Irong-irong
- C. La Paz
- D. Capiz
Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
- A. Marso 10, 1917
- B. Marso 10, 1907
- C. Marso 17, 1910
- D. Marso 19, 1917
Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
- A. La Paz
- B. Iloilo
- C. Irong-irong
- D. Fuerza San Pedro
Karagdagang Gawain
Sumulat ng sariling repleksiyon kung paano mo mapahahalagahan ang pakikinig at pagbabasa sa pagsagot ng mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: a smiling boy holding a book and a bag, with a speech bubble]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; its answer-key blocks are transcribed in the order they appear on the rotated layout]
Karagdagang Gawain
Posibleng sagot: Sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbabasa, malalaman natin ang tamang mga kasagutan sa mga tanong. Mapapalalim din ng mga ito ang ating pag-unawa sa mga bagay – bagay.
Isagawa
Ang reaksiyon sa gawain ay batay sa kuwentong mapipili ng mag-aaral.
Tuklasin
- Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay si Aling Maria.
- Napalitan nang pighati ang kasiyahan ng mag-asawa nang malaman nila na ang kanilang anak ay isinilang na bingi.
- Ginawa nila ang lahat ng pagsasakripisyo para matustusan ang pangangailangan ni Lino sa pagpapaopera sa kanya upang makarinig at makapagsalita. Dahil sa trabaho, tiniis ng mag-asawa na malayo sa kanilang anak.
- Pinamagatang “Musika sa Pandinig” ang kuwento dahil ang mga katagang nasabi ni Lino kay Aling Maria na “Mama I love and I miss you” ay mga salitang pinakaaasam niyang marinig mula sa anak na may kapansanan sa pandinig.
- Ang sagot ay depende sa naramdaman ng nagbabasa.
- Ang sagot ay depende sa nagbabasa.
Pagyamanin
Gawain A.
- Ang sagot ay depende sa balitang makakalap ng mag-aaral.
Gawain B.
- Ang sagot ay iba-iba ayon sa pasya ng magulang para sa anak.
Isaisip
- basahin
- mabuti
- making
- impormasyon
- reaksyon
Balikan
- nitong
- ito
- kaniyang
- niyang
- ating
Subukin
- Ang pamagat ng kuwento ay Si Kiko at Kakusog.
- Naganap ang kuwento sa isang maliit na nayon sa bayan ng Palapag.
- Tinawag na Kakusog ang alagang kalabaw ni Kiko dahil sa taglay nitong lakas.
- Si Kiko ay mabait, masipag at mapagmahal na tao.
- Pinapakain niya si Kiko at pinagpapahinga ito kapag nakita niyang pagod.
- Opo, tama ang ginagawang pag-aalaga ni Kiko kay Kakusog dahil pinakakain niya ito kapag gutom at pinagpapahinga kapag pagod.
- Maipapakita ko ang pagmamahal sa alagang hayop sa pamamagitan ng pagpapakain nang sapat. (Tanggapin ang iba pang kasagutan na may kinalaman sa pag-aalaga.)
Tayahin
Gawain A.
- Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Pebrero.
- Inaabangan sa pistang ito ang parada ng mga bulaklak.
- Ang katangiang ipinapakita ng pistang ito ay ang pagiging masayahin at malikhain ng mga Pilipino (tanggapin ang kahintulad na sagot).
- Gusto nilang makita ang mga naggagandahang karosa ng mga bulaklak. (Tanggapin ang kahintulad na sagot.)
- Ang tinutukoy ng seleksiyon ay ang pista ng mga bulaklak na kilala sa tawag na Pista ng Panagbenga.
Gawain B.
- d
- a
- c
- a
- d
Sanggunian
DepEd. The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018. Panimulang Pagtatasa sa Filipino. Ikalimang Baitang, Set B, p. 104.
DepEd VIII Regional Tests Item Bank in Filipino 6 (1st Quarter).
Deananeas A., : Kenneth. 2019. “LR Portal”. Deped LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14987.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply