Filipino 5 Quarter 1 Module 5: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5: “Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan” (expressing your own opinion or reaction to a news report, issue, or conversation you have listened to). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home. Learners practice giving their views politely, using common expressions for agreeing, disagreeing, and sharing an opinion.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  1. Express their own opinion or reaction to a news report, issue, or conversation they have listened to.
  2. Use the different expressions commonly used to give an opinion or reaction.
  3. Value the act of giving their own opinion or reaction to what they hear.

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. A character named Kokoy guides the learner through each part.

Key ideas: giving a reaction or opinion

The Suriin (discussion) part explains that giving a reaction is a good skill, because it lets you share your own feelings, opinion, or point of view about the ideas you heard. You may agree or disagree with the speaker, but you should always stay respectful so you do not hurt other people’s feelings.

The module gives these expressions, called pananda (markers):

PurposeExpressions from the moduleMeaning in English
AgreeingSumasang-ayon ako…I agree…
AgreeingMagaling ang iyong ideya o naiisip…Your idea is great…
DisagreeingTutol ako sa sinabi…I object to what was said…
DisagreeingHindi ako pabor…I am not in favor…
DisagreeingNais ko lamang magbigay ng puna…I just want to comment…
Giving an opinionPayag ako, pero sa palagay ko ay dapat…I agree, but I think we should…
Giving an opinionKung ako ang tatanungin…If you ask me…
Giving an opinionSa aking pakiwari…In my view…
Giving an opinionNaniniwala akong…I believe that…
Giving an opinionSa tingin ko…I think…

The pretest also uses starters such as “Para sa akin” (for me), “Sa aking palagay” (in my opinion), and “Hindi ako sang-ayon” (I do not agree).

Texts and activities in the module

The activities use short texts that a parent or sibling reads aloud while the learner listens:

  • Subukin (pretest): Learners complete opinion sentences about four pictures, such as dry, cracked ground and a person wearing a face mask.
  • Balikan (review): Learners react to Filipino superstitions (pamahiin), such as using a book as a pillow to become smart, a black cat crossing your path, and Friday the 13th being unlucky.
  • Tuklasin (explore): After listening to “Labanan ang Polusyon” (fight pollution), learners fill in a table with their reactions to statements about pollution, laws, and government solutions.
  • Pagyamanin (practice): Learners read a news item about the Bike Ordinance approved by the local government of Eastern Samar (Silangang Samar) and answer four questions using opinion markers.
  • Isaisip (remember): Learners complete sentences about why respectful words and careful thinking matter when giving an opinion.
  • Isagawa (apply): Learners listen to “Drogang Kumikitil sa Kinabukasan” (drugs that destroy the future) by Amy S. Bretania and answer questions about drug abuse among children and the role of parents.
  • Tayahin (assessment): Learners listen to a report, “Ang Ating mga Ninuno” (our ancestors), about the Negritos, Indonesians, and Malays, then react to four statements.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): Learners choose an issue or news item from radio or television and write a five-sentence paragraph about it, using the opinion markers.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet; do not write on the module so others can use it. Ask your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Several activities ask you or an older sibling to read a text aloud while your child listens. Read slowly and clearly, then let your child answer using the expressions in the table above.
  • Teachers: The answer key says most activities have varied answers (inaasahan ang magkakaibang mga sagot), so check that learners use proper markers and give respectful, reasoned opinions. Note that the printed key for Pagyamanin refers to the Green Parks Act, not the Bike Ordinance news in the activity, so check those answers against the news item itself.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5, as printed on the cover and the module code CO_Q1_FILIPINO5_Modyul5.

What does the module teach?

It teaches learners to express their own opinion or reaction to news, issues, or conversations they hear, using expressions for agreeing, disagreeing, and giving an opinion, while staying respectful.

What are examples of expressions for giving an opinion?

The module lists Kung ako ang tatanungin (if you ask me), Sa aking pakiwari (in my view), Naniniwala akong (I believe that), and Sa tingin ko (I think).

Does the module have an answer key?

Yes, it has a Susi sa Pagwawasto. Most activities are marked as having varied answers, and the key given for Pagyamanin refers to a different text than the Bike Ordinance news used in the activity.

Do learners need help from someone at home?

Yes. Several activities ask a parent or sibling to read a text aloud so the learner can listen and then react to it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 5: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

[illustration: students reading and working outdoors and at a desk, a teacher, and a student holding a globe]

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul5

Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagpapahayag ng Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlene R. Domingo

Editor: Virginia C. Dulfo, Cresente A. Beato, Henry T. Jarina, Ellen Duka-Tatel, Aiene m. Molina

Tagasuri: Lorie Emmanuel B. Arago, Aurora B. Amboy, Luh C. Dacuyan

Tagaguhit: Michael Q. Balan

Tagalapat: Michael Q. Balan, Kevin Jhod C. Claro, Swelyn E. Forro

Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Jr. Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Albije Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Filipino

Unang Markahan – Modyul 5: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Kumusta ka kaibigan?

Naritong muli ang iyong kaibigang si Kokoy na handang gumabay sa iyong pag-aaral. Tiyak kong magiging kapana-panabik ang iyong paglalakbay dahil sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay ay magagawa mo ang mga sumusunod:

Alamin

[illustration: boy Kokoy holding books and a bag, pointing to a speech bubble]

  1. naipahahayag mo ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan;
  2. nagagamit ang iba’t ibang pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan; at
  3. napahahalagahan ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa napakinggang balita, isyu o usapan.

Handa ka na ba? Tara, umpisahan na natin!

Subukin

Bago mo simulan ang panibagong aralin, tingnan muna ang mga larawan sa ibaba. Sikapin mong sagutan ang mga katanungan upang malaman ang lawak ng iyong mga natutunan.

Gamit ang mga pananda, kumpletuhin mo ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[illustration: cracked dry ground beside a body of water under a sun] Iginuhit ni: Kevin Jhod C. Claro, DepEd Borongan City Division

[illustration: person wearing a face mask with particles spreading around] Iginuhit ni: Kevin Jhod C. Claro, DepEd Borongan City Division

  1. Para sa akin, _____________


  2. Sa aking palagay, ___________


[illustration: two raised hands with a cloud and a pencil-like object] Iginuhit ni: Kevin Jhod C. Claro, DepEd Borongan City Division

[illustration: hands holding a remote controller] Iginuhit ni: Kevin Jhod C. Claro, DepEd Borongan City Division

  1. Naniniwala po akong _______


  2. Hindi ako sang-ayon____________


Magaling kaibigan! Naisagawa mo kaagad ang unang gawain.

Ngayon ay maaari mo nang simulan ang panibagong aralin.

  1. May paparating na biyaya o pera sa iyo kapag may umaaligid na kayumangging paruparo.


  2. Kapag may nakasalubong na pusang itim sa daan, huwag nang magbalak pang tumuloy sa patutunguhan upang hindi mapahamak o mamatay.


Aralin 1: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

Balikan

[illustration: boy Kokoy holding a book and bag, with a speech bubble]

Alam mo ba? Sa kabila ng kinakaharap na modernisasyon, may ilan pa rin sa ating kapwa Pilipino ang naniniwala sa mga pamahiing nagmula pa sa ating mga ninuno. Madalas nating marinig sa ating mga magulang ang pagpapaalala o di kaya’y pagkagalit sa tuwing hindi natin nasusunod ang nasabing pamahiin.

Kaya, hindi maiiwasang nakapagbibigay tayo ng ating mga saloobin at opinyon na maaaring pagsang-ayon o pagtutol sa narinig o sinabi ng ibang tao.

Mababasa mo sa ibaba ang ilan sa mga pamahiin nating mga Pilipino. Ano kaya ang magiging reaksiyon mo tungkol sa mga ito.

Tara!

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pamahiin. Ibigay ang iyong opinyon o reaksiyon tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Para maging matalino ang isang tao, kailangang may libro na ginagawang unan.


  2. May paparating na biyaya o pera sa iyo kapag may umaaligid na kayumangging paruparo.


  3. Kapag may nakasalubong na pusang itim sa daan, huwag nang magbalak pang tumuloy sa patutunguhan upang hindi mapahamak o mamatay.


  4. Bawal magpakuha ng larawan ang tatlo dahil sinasabing mamamatay ang nasa gitna.


  5. Sinasabing malas ang numero trese o Friday the 13th.


Tuklasin

[illustration: boy Kokoy with a speech bubble]

Magaling! Nagawa mong ibigay ang iyong saloobin o reaksiyon sa mga pamahiing ipinakita.

Sa bahaging ito ng iyong paglalakbay, ay muling masusubok ang iyong kakayahan sa pagpapahayag ng sariling saloobin sa mga isyu o balitang napakinggan.

Sa puntong ito nais kong tawagin mo ang iyong magulang o kapatid at ipabasa ang kasunod na teksto. Makinig ka nang mabuti at pagkatapos ay ibigay mo ang iyong reaksiyon tungkol sa ilang pahayag mula rito.

Gawin mong gabay sa pagsagot ang talahanayan.

Pakinggan ang teksto sa ibaba:

Labanan ang Polusyon

Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig at hangin. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad ang ating pamahalaan. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Tayo ang dapat mangalaga na likas na kayamanan. Ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay.

Pinagkunan: DepEd LR Portal. Sugnay/Pagbibigay-Solusyon sa mga Suliranin/Pagsulat ng Reaksiyon. Retrieved at https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6876

Bigyang pansin ang mga pahayag sa unang kolum na kinuha mula sa teksto. Basahin at suriin ito nang mabuti. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang inyong reaksion o opinyon tungkol dito.

Mga pahayag mula sa tekstoAng aking reaksiyon o opinyon tungkol dito
1. Pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig at hangin.
2. Mga batas at kautusan na ipinatutupad ng pamahalaan na dapat nating sundin.
3. Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para malabanan ang polusyon.

[illustration: boy in school uniform with a bag, smiling, with a thought bubble]

Wow! Ang galing mo naman kaibigan. Kayang-kaya mo nang magbigay ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga napapanahong isyu at balita.

Suriin

[illustration: magnifying glass icon beside the heading]

[illustration: boy in school uniform holding a book]

Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay, ay alamin natin ang mga panandang ginagamit upang maipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isyu o balitang napakinggan.

Halika at ating alamin sa kasunod na talakayan.

Ang pagbibigay-reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad.

Ito ay maaaring maipahayag sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.

Kapag sumasang-ayon maaaring gamitin ang mga sumusunod: Sumasang-ayon ako… Magaling ang iyong ideya o naiisip…

Kapag magpapakita ng pagsalungat, narito ang ilan sa maaaring gamitin: Tutol ako sa sinabi… Hindi ako pabor… Nais ko lamang magbigay ng puna…

Kapag magbibigay ng sariling opinyon, maaaring gamitin ang mga sumusunod: Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat… Kung ako ang tatanungin … Sa aking pakiwari…. Naniniwala akong…. Sa tingin ko…

Pagyamanin

[illustration: letter blocks A, B, C icon beside the heading]

[illustration: boy in school uniform holding a book]

Magaling kaibigan! Batid kong mayroon kang natutunan sa ating talakayan. Upang mailapat mo ang iyong natutunan, maaari mo nang umpisahan ang susunod na Gawain.

Basahin ang balita na nasa kahon.

Bike Ordinance sa Silangang Samar, aprubado ng lokal na pamahalaan

Dahil sa paglilimita ng pampublikong sasakyan ngayong panahon ng pandemya, pagbibisekleta ang nakitang alternatibong transportasyon ng taumbayan.

Kaugnay nito, pormal na kinilala ng lokal na pamahalaan ng Silangang Samar ang kauna-unahang naipasa at naaprubahang Bike Ordinance sa Pilipinas na pinangunahan ni Bise-Gobernador Maricar Sison-Goteesan.

Nakasaad din sa ordinansa ang layuning maipakilala ang karapatan sa kalusugan ng mga tao sa paggamit nito.

“Maliban sa pagsunod sa itinakdang health protocols ng Kagawaran ng Kalusugan, isinasaalang-alang din po ng lalawigan ang usapin-pangkalusugan ng ating nasasakupan,” pahayag ng bise-gobernador.

“Magsisilbing proteksyon din ito sa paggamit sa daan kasabay ng iba pang mga biyahero,” dagdag ni Atty. Byron M. Suyot, may-akda ng nasabing batas.

Ayon sa Provincial Tourism Officer ng Silangang Samar na si G. Neil Pinarok, ito ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

  • Gesille G. Grande, DepEd Borongan City Division

Suriing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Gamitin ang mga pananda o pahayag sa pagbibigay-reaksiyon o opinyon sa inyong mga sagot.

  1. Ano ang nakitang alternatibong transportasyon ng mga tao ngayong panahon ng pandemya? _____
  2. Sa paanong paraan ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Silangang Samar ang kanilang suporta sa mga taong nag-udyok na gamitin ang pagbibisekleta bilang alternatibong transportasyon? _____
  3. Ayon sa binasang balita, bakit mahalaga ang pagbibisekleta? _____
  4. Paano mo maipapakita ang iyong suporta sa Bike Ordinance ng Silangang Samar? Patunayan ang sagot. _____
Isaisip

[illustration: light bulb icon beside the heading]

[illustration: boy in school uniform]

Binabati kita kaibigan. Batid kong marami ka ng kaalaman tungkol sa wastong pagpapahayag ng iyong reaksiyon o opinyon sa napakinggang isyu at balita.

Kaya naman sa bahaging ito ay inaasahang kong magagawa mo ang susunod na gawaing inihanda para sa iyo.

  1. Sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon, mahalagang gumamit ng mga pahayag na _____.
  2. Mahalaga ang pagiging magalang sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon upang _____.
  3. Mahalagang pag-isipan ko nang mabuti ang aking reaksiyon o opinyon sa anumang isyu upang _____.
Isagawa

[illustration: wrench and gear icon beside the heading]

Dugtungan Tayo! Sinimulan ko na ang mga pahayag sa bawat bilang. Dugtungan mo ito ayon sa hinihingi ng pahayag. Simulan mo na!

Tumpak! Magaling kaibigan. Napatunayan mo sa iyong sarili na kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda para sa ‘yo.

Ang aking pagbati kaibigan! Alam kong malalim na ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon. Sa puntong ito ay susubukin nating mas palawakin ang kaalaman mo tungkol sa paksa. Tara!

[illustration: boy in school uniform holding a book]

Isang maikling talata ang pakikinggan mo sa bahaging ito ng iyong paglalakbay. Tutulungan ka nito upang higit pang mapalalim ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng reaksiyon.

Maaaring ipabasa ito sa iyong magulang, ate o kuya.

Drogang Kumikitil sa Kinabukasan

Amy S. Bretania

Droga ang takbuhan ng isang taong may sakit. Pinagagaling nito, anuman ang nagpapahirap sa iyo.

Ang hindi tamang paggamit nito ay nakababahala sa kalusugan na unti-unting kumikitil sa isipan at kaluluwa ng mga taong walang kahihinatnan ang buhay.

Ang paggamit nang sobra nito ay maaaring makasira ng kinabukasan, isipan at kalusugan ng mga inosenteng bata maging man sa mga nasa hustong pag-iisip na. Pampalimot daw ng problema. Ito ay maling akala, sapagkat hindi nila alam, ito ay nakamamatay.

Maraming bata ang nalulong sa masamang bisyo dahil sa kapabayaan ng mga magulang, pang-aabuso ng sariling ama, sobrang pagprotekta ng mga magulang, mga masasamang impluwesya ng barkada o di kaya’y kakulangan ng oras mula sa pamilya.

Ang paggamit ng droga ay isang pagkakamaling gawain na sumisira sa kinabukasan. Ito ay malulutas lamang kung binigyang pansin ng mga magulang ang kanilang responsibilidad. Sa oras na kakailanganin sila ng kanilang mga anak, nandiyan at nakaagapay dapat sila sa hirap at ginhawa.

Kung tutuusin hindi materyal na bagay ang mahalaga, kundi ang pag-aaruga at pagmamahal ng mga magulang na siyang susi sa kaligayahan at pagkakabuo ng pamilya. Tunay na ang kaginhawaan at kaunlaran ng bawat isa ay matatamo kung bibigyan pansin ng magulang ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Hindi na sana ito hahantong sa karahasan, pagkitil ng buhay at kasawian.

Pinagkunan: Amy S. Bretania. Pagsulat ng Reaksiyon/Opinyon sa Napapanahong Isyu. DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17680

Isulat mo ang iyong reaksiyon o opinyon sa sumusunod na mga katanungan. Gamitin ang pananda na ginagamit sa pagbibigay-reaksyon.

  1. Ano ang nabanggit na problema na nakakaalarma sa napakinggang teksto? _____
  2. Sa palagay mo, bakit ba naligaw ng landas ang mga bata? _____
  3. Masasabi mo ba na malulutas pa ang problema ng mga anak? ng mga magulang? Magbigay ng pahayag. _____
  4. Paano mapahahalagahan ang kapakanan ng mga anak para matamo ang magandang kinabukasan? _____

Tayahin

[illustration: pencil icon beside the heading]

[illustration: boy in school uniform]

Magaling kaibigan. Malapit nang matapos ang iyong paglalakbay. Ngayon pa lamang ay binabati na kita.

Sa puntong ito ay susukatin natin ang lahat ng iyong natutunan sa ating paglalakbay. Kaya, simulan mo na.

Tawaging muli ang iyong magulang o kapatid at ipabasa ang susunod na ulat. Makinig nang mabuti at unawain ang ulat tungkol sa ating mga ninuno.

Ang Ating mga Ninuno

May tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, ang mga Indones at ang mga Malayo. Sila ang maituturing na mga naunang nanirahan sa Pilipinas. Ang mga Negrito ang naunang pangkat ng tao na namalagi rito sa ating kapuluan. Nakarating sila dito sa pamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay. Sila ay maliliit, maiitim, sarat ang ilong, makapal ang labi at kulot ang buhok. Nabuhay sila sa pangangaso, panghuhuli ng isda at pagsasaka. Sumunod na dumating ang mga Indones na nahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay nakarating mula sa Timog-Silangang Asya.

Pinagkunan: DepEd Regional Office VIII Test Item Bank

Sa bahaging ito ay ibibigay mo ang iyong opinyon o reaksiyon sa ilang mga pahayag mula sa iyong napakinggan. Gamitin ang angkop na mga salita o pananda sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon.

  1. Mahalagang alamin ang pinagmulan mo bilang isang Pilipino.
  2. Malaki ang impluwensiya ng mga dayuhan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
  3. Iba’t ibang pangkat ng tao ang dumating sa ating kapuluan.
  4. Dapat lamang na ipagmalaki ang ating mga ninuno.
Karagdagang Gawain

Magaling kaibigan! Naramdaman ko ang determinasyong ipinakita mo sa pagsagot sa lahat ng mga gawaing nakaatang para sa iyo. Ito na ang huling gawain na inihanda para sa iyo.

Mamili ng isang isyu o balita mula sa radyo o telebisyon. Gamit ang mga salita o pananda sa pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon, sumulat ng isang talata na may 5 pangungusap tungkol dito.

Binabati kita kaibigan. Napagtagumpayan mo ang lahat ng mga gawain sa modyul na ito. Nawa’y lahat ng iyong natutuhan ay naiwan sa iyong isipan. Hanggang sa muli, ito si Kokoy, ang iyong kaagapay sa pag-aaral.

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text is transcribed in reading order]

Susi sa Pagwawasto

Subukin

Inaasahan ang magkakaibang mga sagot

Balikan

Inaasahan ang magkakaibang mga sagot

Tuklasin

Inaasahan ang magkakaibang mga sagot

Pagyamanin
  1. House Bill 1210 o Green Parks Act of 2004.
  2. Ang batas na ito ay naglalayong magtatag ng mga green parks sa lahat ng mga subdibisyon sa bansa para sa proteksiyon ng kapaligiran.
  3. Ang programang pabahay ng gobyerno ay dapat na bagayan ng malinis na kapaligiran.
  4. Ang mga homeowners na magtatayo ng green parks sa kanilang subdibisyon ay makakakuha ng libreng buto at halamang itatanim. Maglalaan din ng libreng gamit at artesian wells o poso.
  5. Ang panukalang ito ay magbibigay ng proteksyon at mangangalaga ng ating mga puno at halaman.
Isagawa

Inaasahan ang magkakaibang mga sagot

Tayahin

Inaasahan ang magkakaibang mga sagot

Sanggunian

DepEd LR Portal. Filipino 4: Ikalawang Markahan-Ikalawang Linggo, Unang Araw, Pagsulat ng Reaksiyon/Opinyon sa Napapanahong Isyu-Aktibi Sheet. Retrieved at https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17680.

DepEd LR Portal. Sugnay/Pagbibigay-Solusyon sa mga Suliranin/Pagsulat ng Reaksiyon. Retrieved at https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6876

DepEd Eastern Visayas Test Item Bank in Filipino 5 (Ikalawang Markahan).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *