EsP 2 Quarter 1 Module 7: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko

Grade 2 EsP Quarter 1 Module 7 teaches learners to follow home rules, keep the house clean, and share household chores, with activities and an answer key.

This is the Self-Learning Module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education) for Grade 2, Quarter 1, Module 7: “Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko” (My home, I will serve it). It is written for Grade 2 learners studying at home with help from a parent or guardian. It teaches children to follow the rules and standards set at home, to keep the house clean, and to share in the household chores.

The module was prepared by DepEd Region III (Unang Edisyon, 2020). It has one lesson, a pretest, practice activities, a final test, and an answer key.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module targets this competency: learners show that they follow the rules and standards set inside the home (EsP2PKP-Id-e-12).

After the module, learners are expected to:

  • Identify the rules inside the home (Natutukoy ang mga tuntunin sa loob ng tahanan).
  • Identify why a clean home is important (Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na tahanan).
  • Explain why working together on household chores is important (Naibibigay ang kahalagahan ng pagtutulungan sa gawaing bahay).

Key ideas: caring for the home together

The lesson “Aralin 1: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko” starts with a simple idea. Our home is where we stay after going out to school or work, so we need to keep it clean and orderly.

The story of the Santos family

The short story “Pangangalaga sa Tahanan” (caring for the home) is about the Santos family of Barangay Mangandingay. Each member has a job:

  • Nanay Anita sweeps and cleans inside and outside the house.
  • Ate Ara washes the dishes and fixes the beds.
  • Kuya Lino polishes the floor and throws out the trash.
  • Tatay Renato waters the plants and keeps the yard nice.

Because they work together, the chores are easier. The family is happy, and their home is clean and in order.

The note for teachers adds a deeper point. A clean house is pleasant to look at, but a house truly becomes a home when the people living in it get along well.

Chores that keep a home clean

The module lists these household tasks (Mga Gawain Upang Mapangalagaan ang Tahanan):

  1. Pagwawalis (sweeping)
  2. Paghuhugas ng pinggan (washing dishes)
  3. Pag-aayos ng higaan (fixing the bed)
  4. Pagpapakintab ng sahig (polishing the floor)
  5. Pagtatapon ng basura (throwing out the trash)
  6. Pagdidilig ng halaman (watering plants)
  7. Pagsasaayos ng bakuran (tidying the yard)

Cleaning tools and their uses

In one activity, learners match common cleaning tools to their uses:

ToolUse
Walis (broom)Cleans dust and other mess in the house
Basahan (rag)Wipes furniture and things
Basurahan (trash bin)Holds trash and litter
Pang-urong, dishwashing liquid, or soapCleans the dishes
Walis tingting (stick broom)Cleans dry leaves and other mess in the yard

The main message (Isaisip) is that family members keep the home clean and orderly by helping one another with the chores. Learners should be responsible in doing them.

Parts of the module

  • Alamin: the competency and objectives.
  • Subukin: a pretest. Learners mark each sentence with a check (/) if it shows helping at home, or an x if it does not.
  • Aralin 1 and Balikan: the Santos family story, then five questions about it.
  • Tuklasin: the list of household chores.
  • Suriin: matching cleaning tools with their uses.
  • Pagyamanin: matching pictures of parts of the home with the chore that should be done there.
  • Isaisip: a fill-in-the-blank summary of the lesson.
  • Isagawa: writing Tama (true) or Mali (false) for each statement, such as “Magkalat sa loob ng tahanan” (make a mess inside the house).
  • Tayahin: a five-item multiple-choice test. For example, Roda wakes up early and sees a pile of dirty dishes. What should she do?
  • Karagdagang Gawain: learners write a chore they do at home, the tools they use, and how often it should be done.
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then follow the parts in order. Do not write on the module. Write all answers in your notebook or on answer sheets so other learners can use the module later. Contact your teacher if anything is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child read the story and the directions. Check answers using the answer key only after your child has finished, and encourage honest checking. The Karagdagang Gawain is a good chance to give your child a real chore at home.
  • Teachers: Use the pretest to see which learners need extra help. The final test measures what they learned. The Gabay sa Guro/Tagapagdaloy notes give reminders and strategies for those guiding learners at home.

Frequently asked questions

What grade and quarter is Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko for?

It is Module 7 of Edukasyon sa Pagpapakatao for Grade 2, Quarter 1 (Unang Markahan).

What competency does this module cover?

It covers EsP2PKP-Id-e-12. This means learners show that they follow the rules and standards set inside the home.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Balikan, Suriin, Pagyamanin, Isagawa, and Tayahin activities.

What household chores does the module teach?

It lists sweeping, washing dishes, fixing the bed, polishing the floor, throwing out trash, watering plants, and tidying the yard.

Can learners write their answers on the module?

No. The module asks learners to keep it clean for others and to write all answers in a notebook or on separate answer sheets.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q1_ESP 2_ Module 7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 7: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko

[illustration: children and a teacher doing schoolwork, gardening, reading, and carrying a globe, with a lamp, beneath a tree]

Pag-aari ng Pamahalaan ng Pilipinas HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Al John U. Febrero

Editor: Bennedick T. Viola, Marie Ann C. Ligsay

Tagasuri: Augusto A. Mateo, Rosalinda S. Ibarra

Tagaguhit: Jinky H. Martin, Imelda B. Sicat

Tagalapat: Aiza G. Dingle

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Larry B. Espiritu, Rodolfo A. Dizon, Mercedita D. Saldero

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 7: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow]

Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang makapagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin at pamantayang itinakda sa loob ng tahanan. (EsP2PKP-Id-e-12)

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

  1. Natutukoy ang mga tuntunin sa loob ng tahanan.
  2. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na tahanan.
  3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagtutulungan sa gawaing bahay.

Subukin

[illustration: pencil]

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtulong sa gawain sa tahanan at ekis (x) kung hindi. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

  1. Tinutulungan ni Ate Lea ang kaniyang nanay sa paghahanda ng kanilang pagkain.
  2. Tinataguan ni Jun ang kaniyang tatay kapag ito ay may inuutos sa kaniya.
  3. Pagkagising ni Lisa ay nililigpit niya ang kaniyang pinaghigaan.
  4. Naglalampaso ng sahig si Dino upang hindi mahirapan ang kaniyang nanay sa paglilinis.
  5. Nagagalit si Ate Isabela dahil inuutusan siya ng kaniyang nanay na maglaba ng kanilang mga damit.

Aralin 1: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko

Ang ating tahanan ay ating pinamamalagian pagkagaling sa labas upang pumasok o isagawa ang iba’t ibang mga gawain. Mahalagang panatilihin natin ang kalinisan at kaayusan nito.

Pangangalaga sa Tahanan

Ang pamilya Santos ay naninirahan sa Barangay Mangandingay. Hati-hati ang kanilang tungkulin sa kanilang munting tahanan. Si Nanay Anita ang nagwawalis at naglilinis sa loob at labas ng bahay. Si Ate Ara ang naghuhugas ng pinggan at nag-aayos ng higaan. Si Kuya Lino ang nagpapakintab ng sahig at nagtatapon ng basura. Si Tatay Renato ang nagdidilig sa mga halaman at nagpapaganda ng bakuran nila.

Dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa napadadali ang mga gawaing bahay kaya masaya at maayos ang pagsasama ng pamilya Santos sa kanilang maayos at malinis na tahanan nila.

Sa kuwentong “Pangangalaga sa Tahanan” ay tinalakay ang pamamaraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng tahanan. Ang mga kaalamang iyong nakuha ay magagamit mo upang masagutan ang susunod na gawain.

Balikan

[illustration: puzzle pieces]

Panuto: Balikan natin ang kuwento ng Pangangalaga sa Tahanan at sagutin ang mga sumusunod na tanong: Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

  1. Sa iyong palagay, paano mapadadali ang mga gawain sa tahanan?
  2. Paano ka makatutulong sa mga gawain sa inyong tahanan?
  3. Paano mapananatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran ng inyong tahanan?
  4. Paano mapapanatili ni ate ang kalinisan sa kusina at silid?
  5. Bakit kailangan mapanatili nila ang kalinisan at kaayusan ng kanilang tahanan?

Mga Tala para sa Guro

Ang tahanan na laging malinis at maayos ay maaliwalas sa paningin. Ngunit higit sa pisikal na kalinisan at kaayusan, ang isang bahay ay nagiging tahanan kung maayos ang samahan ng mga taong naninirahan dito. Upang mapanatiling malinis at maayos ang tahanan, kailangang magtulong-tulong ang mga miyembro ng pamilya sa mga gawain.

Ang pagwawalis, paghuhugas ng pinggan, pag-aayos ng higaan, pagpapakintab ng sahig ay ilan sa mga gawain sa loob ng tahanan.

Tuklasin

Masarap tumira sa isang tahanan na laging malinis at maayos. Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito kailangang magtulong-tulong ang mga kasapi ng pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Mga Gawain Upang Mapangalagaan ang Tahanan
  1. Pagwawalis
  2. Paghuhugas ng pinggan
  3. Pag-aayos ng higaan
  4. Pagpapakintab ng sahig
  5. Pagtatapon ng basura
  6. Pagdidilig ng halaman
  7. Pagsasaayos ng bakuran

Suriin

Panuto: Tukuyin ang wastong gamit ng bawat kagamitan. Isulat ang titik ng iyong sagot. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

[transcriber’s note: the two columns have no printed headings]

1. WalisA. Pamunas sa mga kagamitan
2. BasahanB. Lalagyan/tapunan ng mga kalat
3. BasurahanC. Panlinis ng pinggan
4. Pang-urong/ Dishwashing Liquid/ SabonD. Panlinis ng alikabok at iba pang kalat ng tahanan
5. Walis TingtingE. Panlinis ng mga tuyong dahon at iba pang kalat sa bakuran

Pagyamanin

Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa hanay A sa mga larawan ng mga gawaing dapat gawin sa hanay B. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

AB
1. [illustration: yard with plants, stones and a brick wall]A. [illustration: child making a bed]
2. [illustration: room floor with scattered trash near a door]B. [illustration: girl sweeping the yard with a broom]
3. [illustration: dining table with food and dishes]C. [illustration: two children working together at a table]
4. [illustration: sofa with scattered items on the floor]D. [illustration: boy standing with arms folded]
5. [illustration: messy bed with pillows and blanket]E. [illustration: girl washing dishes in a basin]

Isaisip

Mapapanatili ang _____ at _____ ng tahanan sa pamamagitan ng pagtutulungan at paggawa ng iba’t ibang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya.

Maging responsable sa paggawa ng mga ito.

Isagawa

Panuto: Lagyan ng Tama ang patlang bago ang bilang kung tama ang pahayag at Mali kung mali ito. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

  1. Magkalat sa loob ng tahanan.
  2. Tumulong kay nanay sa pagluluto ng pagkain.
  3. Huwag gagawa sa tahanan kung hindi naman inuutusan.
  4. Magdabog kapag pinaglilinis ng tahanan.
  5. Makipagtulungan sa pamilya sa paglilinis upang maging malinis at maayos ang tahanan.

Tayahin

Panuto: Tukuyin kung alin ang nagpapakita ng wastong paraan nang pangangalaga sa tahanan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

  1. Gumising nang maaga si Roda at nakita niyang nakatambak ang hugasing pinggan. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Hayaan ang nakatambak na pinggan.

B. Huhugasan ni Roda ang nakatambak na hugasin.

C. Tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na hugasan ito.

  1. Nakita ni Benjo na nag-aayos ng mga sirang upuan ang kaniyang ama. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Tulungan ang ama sa pag-aayos ng sirang upuan.

B. Umalis ng bahay at makipaglaro sa mga kaibigan.

C. Panoorin ang ama habang nag-aayos ito ng mga sirang upuan.

  1. Naglalaba ang iyong nanay ng inyong mga damit. Nakita mo na pagod na ito. Ano ang iyong dapat gawin?

A. Hindi ito papansinin

B. Sasabihin na bilisan niya ang paglalaba

C. Tutulungan ang nanay sa paglalaba ng aking mga damit.

  1. Nakita mo na hindi niligpit ng iyong bunsong kapatid ang kaniyang pinaghigaan. Ano ang dapat mong gawin?

A. Pagagalitan ang aking bunsong kapatid.

B. Hayaan na hindi maayos ang kaniyang higaan.

C. Pagtutulungan naming iligpit ang kaniyang pinaghigaan.

  1. Ano ang mararamdaman mo kapag nagtutulong-tulong ang inyong pamilya sa paglilinis ng tahanan?

A. Maiinis

B. Masaya

C. Malungkot

Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin ang gawain na iyong isinasagawa sa inyong tahanan. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Gawain: _____________________________________


Kagamitan: _____________________________________


Gaano kadalas ito dapat gawin? _____________________


Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is transcribed upright, with columns in section order]

SubukinBalikanSuriinPagyamaninIsagawaTayahin
1. /1. Sa pamamagitan ng pagtutulungan1. D1. B1. Mali1. B
2. x2. Sa pamamagitan ng pakikiisa2. A2. D2. Tama2. A
3. /3. Pagdidilig at pagpapaganda ng halaman3. B3. E3. Mali3. C
4. /4. Naghuhugas ng pinggan at nagliligpit ng higaan4. C4. C4. Mali4. C
5. x5. Para maging maayos at malinis ang tahanan.5. E5. A5. Tama5. B

Sanggunian

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales. 2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Basura mo, Itapon ng Wasto!; Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!; Kalinisan at kaayusan sa pamayanan, pananagutan ko. pp. 186-210.

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales. 2013. Patnubay ng guro. Basura mo, Itapon ng Wasto!; Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!; Kalinisan at kaayusan sa pamayanan, pananagutan ko. pp. 80-86.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district