Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Module 4: Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas

This is the Araling Panlipunan 4 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4: “Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas” (the relationship between location and the geography of the Philippines). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module for Grade 4 learners studying at home. It builds on the previous module, which covered the boundaries and size of Philippine territory, and helps learners explain how the country’s location affects its geography and the lives of Filipinos.

What learners will learn

The module is written in Filipino and states these standards:

  • Pamantayang Pangnilalaman (content standard): learners show understanding of the country’s identity based on its geographic features, using a map.
  • Pamantayan sa Pagganap (performance standard): learners show skill in using a map to identify the country’s provinces and regions.
  • Pamantayan sa Pagkatuto (learning competency): learners analyze the relationship between the location of the Philippines and its geography (“Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito”).

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.

Key ideas: what is heograpiya?

The module defines heograpiya (geography) as the study of a place’s physical features, such as location, shape, size, area, climate, landforms, bodies of water, and other natural resources. It also studies how these features relate to people’s way of life. Geography affects a country’s economy, politics, and military policies.

Why the location of the Philippines matters

The module gives these examples of the importance of the country’s location:

  • A strategic route. Ships and aircraft pass through the Philippines, so it became a center of trade in the Pacific and Asia, and a hub for communication, transportation, and goods in Southeast Asia.
  • Defense. From the Philippines, North Asia, Southeast Asia, and Southwest Asia (the Middle East) can be seen, which made it suited for air and naval defense. This is why American military bases such as Clark Air Base in Pampanga and Subic Naval Base in Zambales stayed in the country for a long time; American soldiers and weapons were gathered there during the war in Vietnam.
  • World War II. Because of the conflict between the Americans and the Japanese, Japan occupied the Philippines, based on its belief that “Asia is for Asians.”
  • Early trade and culture. Even before foreigners came, our ancestors traded with neighboring countries such as China, Japan, India, and Saudi Arabia. This enriched Filipino beliefs, traditions, customs, clothing, and celebrations.
  • Trade today. Seaports are our most important trade routes, and NAIA serves flights from Southeast Asia, Japan, the United States, Australia, and Europe.

Good and bad effects of being an archipelago

The Philippines is an arkipelago or kapuluan (a group of separate large and small islands). This brings both benefits and problems.

Mabuting epekto (good effects)Di-mabuting epekto (bad effects)
Many islands serve as ports for shipsIslands make communication across the country hard, especially during disasters, when relief goods are slow to arrive
Wide fishing groundsPeople in remote provinces and mountains cannot easily bring their concerns to the government
Beautiful coasts that attract touristsDifferent languages weaken unity
Volcanoes such as Mayon and Bulusan in Bicol give geothermal energyMany ports make it easier for smugglers to enter
Volcanoes make soil fertile for farmingPoor roads and lack of electricity in remote areas make it hard to deliver health, education, and livelihood services
Volcanoes are tourist attractions

Parts of the module

  • Subukin (pretest): 10 true-or-false items, marked with a check or an X, in 10 minutes.
  • Balikan (review): “Letra-Buster,” five clue-letter questions reviewing the previous module.
  • Tuklasin (discover): “Hulaan Mo Ako!,” fill-in-the-letters puzzles on key terms such as heograpiya and geothermal.
  • Suriin (study): the reading on geography and the effects of location, in 15 minutes.
  • Pagyamanin (practice): true-or-false items and an unscrambling activity (for example, ULKBAN for BULKAN).
  • Isaisip (remember): “E-Konek,” a paragraph to complete using a word bank.
  • Isagawa (apply): “My Bakit List,” matching “why” questions with the correct explanations.
  • Tayahin (assessment): judging effects as good or bad with happy or sad faces, and matching situations with explanations.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): a poster on short bond paper showing the good and bad effects of geography, graded with a rubric on topic, creativity, quality, and neatness.
  • Susi sa Pagwawasto (answer key).

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order and follow the time limit given for each activity. Write your answers on a separate sheet of paper, since the module asks you not to write on it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part. For the poster, the module invites learners to ask parents about their experiences based on where your barangay or home is located.
  • Teachers: Use the pretest to see who needs extra help, and use the Tayahin activities and the poster rubric (10 to 25 points per criterion) to assess learning.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 4 Araling Panlipunan, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4.

What does heograpiya mean in this module?

Heograpiya (geography) is the study of a place’s physical features, such as location, shape, size, area, climate, landforms, bodies of water, and natural resources, and how these relate to people’s lives.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, discovery, practice, and assessment activities.

What are some good effects of the Philippines being an archipelago?

The module lists many ports for ships, wide fishing grounds, beautiful coasts for tourism, and volcanoes that provide geothermal energy and fertile soil.

What is the additional activity in this module?

Learners draw a poster on short bond paper showing the good and bad effects of the country’s geography, graded with a rubric on topic, creativity, quality, and neatness.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a child reading by a lamp, and a student with a globe]

CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul4

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

  • Manunulat: Flaviana L. Merciales
  • Editor: Ma. Leilani R. Lorico; Mary Roselyn D. Berja
  • Tagasuri: Ana N. Calisura; Jerry P. Ramirez
  • Tagaguhit: Noel A. Perez
  • Tagalapat: Edsel D. Doctama; John Paul T. Dacillo
  • Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad; Francisco B. Bulalacao Jr.; Grace U. Rabelas; Ma. Leilani R. Lorico; Marites B. Tongco

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na it ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratihiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat din ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makakaranas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mga mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa nakaraang modyul ay natukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Sa modyul na ito, palalawigin mo ang iyong kaalaman tungkol sa ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito.

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.

Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.

Pamantayan sa Pagkatuto

Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito.

[illustration: mascot character holding a pencil] Ano ang heograpiya? May epekto ba ito sa pag-unlad ng ating bansa?

Subukin

Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay tama at ekis (✖) naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng sampung (10) minuto.

_____1. Ang heograpiya ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang yaman.

_____2. May magandang epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng maraming mga pulo na nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat.

_____3. Ang Pilipinas ay angkop para sa tanggulang lakas panghimpapawid at pandagat dahil mula sa bansa kitang-kita ang Hilagang Asya, Timog-Silangang Asya hanggang Timog-Kanlurang Asya o Gitnang-Silangan.

_____4. Ang mga bulkan sa Pilipinas gaya ng Bulkang Bulusan at Bulkang Mayon ay malaking tulong sa pagpapataba ng lupang taniman.

_____5. Malaking tulong ang pagiging arkipelago ng Pilipinas dahil walang mga smuggler na nakakapasok sa bansa.

_____6. Ang heograpiya ng isang bansa ay mayroong mabuti at di-mabuting epekto sa mga mamamayan nito.

_____7. Ang lokasyon ng Pilipinas ay hindi estratihekong daanan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid.

_____8. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay hadlang sa mabilis na pakikipag-ugnayan sa buong kapuluan lalo na sa panahon ng kalamidad.

_____9. Hindi angkop na maging sentro ng komunikasyon, transportasyon at mga produktong pangkabuhayan ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya dahil ito ay isang arkipelago.

_____10. Dahil sa napakagandang lokasyon ng Pilipinas, maraming mga dayuhan ang nais makarating sa Pilipinas at manatili rito.

Aralin 1: Kaugnayan ng Lokasyon sa Heograpiya ng Pilipinas

Balikan

LETRA-BUSTER

Tukuyin ang sagot sa mga tanong gamit ang gabay titik sa unahan ng bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto.

  1. Anong salita na nagsisimula sa titik T ang tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar?


  2. Anong salita na nagsisimula sa titik S ang naglalaman ng batas ukol sa teritoryo ng Pilipinas?


  3. Anong salita na nagsisimula sa titik T ang bahagi ng kontinenteng kinabibilangan ng Pilipinas?


  4. Anong salita na nagsisimula sa titik P ang bumubuo sa arkipelago ng Pilipinas?


  5. Anong salita na nagsisimula sa titik A ang nakapaligid sa kapuluan ng Pilipinas?


Tuklasin

HULAAN MO AKO!

Basahin ang mga pahayag at sagutan. Gamitin ang gabay na kahon at titik sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin sa loob ng limang (5) minuto.

  1. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang yaman.

[ ] E [ ] [ ] R [ ] [ ] [ ] Y [ ]

  1. Ito ay tumutukoy sa lokasyon ng Pilipinas dahilan upang maging sentro ito ng komunikasyon, transportasyon, at mga produktong pangkabuhayan sa Timog-Silangang Asya.

E S [ ] R [ ] T [ ] [ ] [ ] O

  1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na kilala din sa tawag na _____.

K [ ] P [ ] L [ ] [ ] N

  1. Ito ang tawag sa enerhiyang nakukuha mula sa bulkan.

G [ ] O T H [ ] [ ] L

  1. Ang pagkakaroon ng maraming pulo ay nagbigay sa ating mga mangingisda ng malawak na _______.

P [ ] N [ ] [ ] I [ ] A [ ] N [?]

Suriin

Basahin at unawain ang sumusunod na aralin. Gawin sa loob ng labing limang (15) minuto.

Ano ang Heograpiya?

Ito ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang yaman. Ang kaugnayan ng mga ito sa pamumuhay ng tao ay kasama rin sa pinag-aaralan.

Ito ay isang mahalagang sangkap na nakakaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya, politika at mga polisiyang militar.

Ano ang kahalagahan ng heoragpiyang panlokasyon ng Pilipinas?

  • Ang lokasyon ng Pilipinas ay maganda at estratehikong daanan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid kaya’t naging sentro ito ng kalakalan sa Pasipiko at Asya sa larangan ng:

    1. Komunikasyon
    2. Transportasyon at mga
    3. Produktong pangkabuhayan sa Timog-Silangang Asya
  • Ang Pilipinas ay angkop para sa tanggulang lakas panghimpapawid at pandagat dahil mula sa bansa, kitang-kita ang Hilagang Asya, Timog-Silangang Asya hanggang Timog Kanlurang Asya o Gitnang Silangan. Ito ang dahilan kung bakit matagal na panahong nanatili ang mga base militar ng America sa bansa gaya ng Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales. Sa mga base militar na ito tinipon ang mga sundalong Amerikano at mga armas pangdigma, noong makipagdigma ang America sa bansang Vietnam.


  • Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig may kaugnayan ang lokasyon ng ating bansa sa digmaang ito. Dahil sa alitan ng mga Amerikano at Hapones, sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas, at ito ay dahil sa paniniwala ng mga Hapones na ang “Asya ay para sa mga Asyano.” Ang Japan ay nasa Asya samantalang ang Amerika ay bansang kanluranin.


  • Bago pa man dumating ang mga dayuhan, nadiskubre na ang kagandahan ng Pilipinas. Ang ating mga ninuno ay aktibo sa pakikipag-ugnayan sa mga karatig bansa tulad ng Tsina, Japan, India at Saudi Arabia. Ang pakikipag-ugnayang ito ang higit na nagpayaman at nagbigay kulay sa ating kultura gaya ng paniniwala, tradisyon, kaugalian at maging ang kasuotan at mga pagdiriwang.


  • Sa kasalukuyan, ang ating pinakamahalagang rutang pangkalakalan ay ang mga daungan ng barko para sa ating kalakalan sa Pasipiko patungo sa mga bansa sa Timog-Silangan.


  • Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pandaigdig nating paliparan ay nagiging terminal ng mga sasakyang panghimpapawid na nagmumula pa sa Timog-Silangang Asya, Japan, United States, Australia at Europe.


Malaki ang epekto ng katangiang pang heograpiya o katangiang pisikal ng bansa. Ang pagiging arkipelago kung saan binubuo tayo ng maliliit at malalaking pulong hiwa-hiwalay, ay may maganda, at di-magandang naidudulot ito sa ating bansa. Lalong-lalo na sa larangan ng pag-unlad.

Narito ang ilan sa mga mabuti at di-mabuting epekto ng hegrapiyang pisikal ng bansa.

Mabuting Epekto:

  • Marami tayong pulo na nagsisilbing daungan ng iba’t ibang sasakyang pandagat.


  • Malawak ang ating pangisdaan.


  • Marami tayong mga magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista.


  • Ang pagkakaroon ng maraming bulkan gaya ng Bulkang Mayon at Bulkang Bulusan sa Bicol ay nagpagkukunan natin ng enerhiya na kung tawagin ay “geothermal energy“.


  • Ang mga pagkakaroon ng maraming bulkan ay nakatutulong din sa pagpapataba ng lupa na mahalaga sa pagtatanim.


  • Ang pagkakaroon ng maraming bulkan ay nagsisilbing atraksiyon sa mga turista na nagpapaunlad sa ating turismo.


Di- mabuting Epekto:

  • Ang pagiging kapuluan ay malaking hadlang sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Lalong lalo na kung tayo ay nasasalanta ng kalamidad. Mahirap makarating ang mga relief goods (tulong na ibinibigay ng pamahalaan at ibang ahensiya gaya ng pagkain, damit, at iba pa).
  • Hindi naipapaabot agad ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing o suliranin sa pamahalaan lalo na yaong mga nasa liblib na lalawigan o kabundukan.
  • Hindi lubos ang pagkakabuklod o pagkakaisa dahil sa iba’t ibang wika.
  • Sa ating mga baybayin marami tayong mga daungan na siya ring dahilan kung bakit maaaring may makapasok na mga smuggler (mangangalakal ng mga bagay na bawal gaya ng droga, pagkain, kagamitan at iba pa na hindi dumadaan sa tamang proseso ng pangangalakal) sa bansa.
  • Dahil sa kakulangan ng maayos at sementadong daan at elektrisidad sa mga liblib o malalayong tagong lugar, nahihirapan ang ating pamahalaan na maiparating ang tulong pang kalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan sa mga lugar na ito.

Pinagkunan: Cruz, Marites B. Gorobat, Julia T. Avelino, Norma C., Yaman ng Pilipinas 6, 2010.

Pagyamanin

Gawain A. Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay tama, at ekis (✗) naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin sa loob ng sampung (10) minuto.

_____1. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang-yaman.

_____2. Ang heograpiyang lokasyon ay isang mahahalagang sangkap ng isang bansa na makakaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya, politika, at mga polisiyang militar.

_______3. Ang heograpiya ay walang kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan sa bansa.

_____4. Ang lokasyon ng Pilipinas ay maganda at estratehikong daanan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid kaya naging sentro ng kalakalan sa Pasipiko at Asya.

_____5. Mahalaga at malaki ang bahaging ginagampanan ng Pilipinas sa pandaigdigang kaligtasan dahil sa estratehiyang lokasyon nito na angkop sa pagdedepensa laban sa pananalakay ng mga bansa sa silangan.

Gawain B. Isaayos ang mga titik sa loob ng kahon upang matukoy ng maayos ang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto.

  1. Katangiang pangheograpiya na nakatutulong sa pagpapataba ng lupa na mahalaga sa pagtatanim. Minsan naman ay nagiging sanhi ito ng pagkasira ng kabuhayan ng mga mamamayang nakatira malapit dito lalo na kung nagkakaroon ng pagsabog.

ULKBAN

  1. Nakatutulong ang mga _______ ng barko sa daloy ng kalakalan ng bansa.

AUGANDN

  1. Dahil sa pagiging kapuluan, hindi lubos ang pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga Pilipino. Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng iba’t ibang _____.

AWIK

  1. Isa sa mga katangiang pangheograpiya ng bansa ay ang pagkakaroon ng malalaki at malilit na pulo na hiwa-hiwalay. Ano ang tawag dito?

GOLAPEKIAR

  1. Marami tayong magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista at Pilipino. Anong industriya ang pinauunlad nito?

RISMOTU

Isaisip

E-KONEK

Kopyahin ang talata sa sagutang papel. Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa mga pagpipilian upang mabuo and wastong kaisipan. Gawin ito sa loob ng sampung (10) minuto.

arkipelago katangiang estratehiyang bansa Pilipinas pag-unlad malaking pinagkukunang yaman silangan hiwa-hiwalay heograpiya pagdedepensa

Ang _____ay tumutukoy sa pag-aaral ng _____ pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong-lupa, anyong tubig at iba pang _____.

Ang _____lokasyon ng _____ ay angkop sa _____ laban sa pananalakay ng mga bansa sa _____.

Ang Pilipinas ay isang _____ na binubuo ng malilit at _____pulo na _____, ito ay may maganda at di-magandang epekto sa _____ ng bansa.

Isagawa

MY BAKIT LIST…

Hanapin ang tamang paliwanag sa mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ikatlong kahon sa ibaba. Isulat sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto.

  1. Bakit naging sentro ng komunikasyon, transportasyon at mga produktong pangkabuhayan sa Timog-Silangang Asya ang Pilipinas?


  2. Bakit ang ilan sa ating paniniwala, tradisyon, pananalita, kaugalian, at maging mga kasuotan at mga pagdiriwang ay malaki ang pagkakahawig sa mga karatig bansa?


  3. Bakit mahalaga at malaki ang bahaging ginampanan ng Pilipinas sa pandaigdigang kaligtasan?


  4. Bakit tayo sinakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, samantalang iyon ay labanan sa pagitan ng Amerikano at Hapones?


  5. Bakit noong makipagdigma ang America sa Vietnam, sa Pilipinas nila tinipon ang mga sundalong Amerikano at mga armas militar bago ipadala sa Vietnam?


A. Dahil ang ating mga ninuno noon ay matagal nang aktibo sa pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa tulad ng Tsina, Japan, India, at Saudi Arabia.

B. Dahil ang lokasyon ng Pilipinas ay maganda at estrahetikong-daanan ng mga sasaakyang pandagat at panghimpapawid at naging sentro ng kalakalan sa Pasipiko at Asya.

C. Dahil sa mga base militar na itinayo ng Amerika sa Pilipinas gaya ng Clark Air Base at Subic Naval Base.

D. Dahil sa paniniwala ng mga Hapones na ang “Asya ay para sa Asyano” hindi para sa mga bansang kanluranin.

E. Dahil sa estratehikong lokasyon nito na angkop sa pagdepensa laban sa pananalakay ng mga bansa sa Silangan.

F. Dahil mapagbigay ang mga Pilipino sa mga bansang kanluranin.

Tayahin

Gawain A. Suriin kung maganda o masama ang epekto ng ugnayan ng lokasyon sa heograpiya ng bansa. Lagyan ng masayang mukha ( [illustration: smiling face] ) kung maganda ang ugnayan at malungkot na mukha ( [illustration: sad face] ) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gawin sa loob ng limang (5) minuto.

( ) 1. Ang pagkakaroong ng maraming pulo na nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat.

( ) 2. Dulot ng estratehikong lokasyon ng bansa ginawa itong kanlungan ng mga Amerikano noong ito ay nakidigma sa Vietnam dahil sa mga base militar na itinayo ng mga Amerikano dito.

( ) 3. Ang pagiging mabulkan ng bansang Pilipinas ay nagsisilbing malaking tulong sa hanapbuhay ng mga mamamayan dahil ito ay nagpapataba ng kanilang lupang taniman.

( ) 4. Ang Pilipinas bilang kapuluan ay maaaring hadlang sa mabilis na pakikipag-ugnayan sa buong kapuluan lalo na sa panahon ng kalamidad.

( ) 5. Dahil sa kapuluan ang Pilipinas, isa ito sa bansa na may mahabang baybayin na nagbibigay ng maraming pook pasyalan para sa mga Pilipino at maging sa mga banyaga.

Gawain B

Basahin ang mga sitwasyon na nasa ibaba. Hanapin ang kaugnay na paliwag nito sa mga bilog. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. Gawin sa loob ng limang (5) minuto.

[chart: flowchart; Gawain B]

Mga bilog (bubbles):

  • A. Mahirap itong ipagtanggol sa mga kaaway o mananakop
  • B. Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat.
  • C. Naging sentro ng kalakalan sa Pasipiko at Asya at tinawag na Pintuan ng Asya.
  • D. Nagpapataba ito ng lupa na napakahalaga sa pagtatanim.
  • E. Ito ay sinasabing nasa lokasyong insular.

Mga kahon (boxes) at ang itinuturo ng bawat palaso:

  • Ang lokasyon ng Pilipinas ay maganda at estratehikong-daanan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid kaya _____(4.) → itinuturo ang kahon: Isang malaking tulong sa bansa ang pagiging nasa mabulkan nitong lokasyon dahil ______ (1.)
  • Isang malaking tulong sa bansa ang pagiging nasa mabulkan nitong lokasyon dahil ______ (1.) → itinuturo ang bilog B.
  • Maganda ang epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon nito ng maraming mga pulo dahil___ (2.) → itinuturo ang bilog C.
  • Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang malaking hadlang naman sa pag-unlad ng bansa dahil ____ (3.) → itinuturo ang bilog E.
  • Ang Pilipinas ay napaliligiran ng iba’t ibang bahaging tubig kung kaya ____ (5.) → itinuturo ang kahon: Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang malaking hadlang naman sa pag-unlad ng bansa dahil ____ (3.)
Karagdagang Gawain

Suriin ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito. Sa pamamagitan ng pagguhit ng isang poster. Maaaring magtanong sa iyong mga magulang tungkol sa kanilang karanasan ayon sa lokasyon ng inyong barangay o tirahan. Pag-ukulan ng pansin sa pagbuo ng poster ang mabuti at di-mabuting epekto ng katangiang heograpiya o pisikal. Gawin ito sa short bond paper. Mayroon kang tatlumpong (30)minuto para sa gawaing ito. Gawing batayan ang rubric sa ibaba.

Rubric sa Pagmamarka ng Poster

KrayteyaDi-pangkaraniwan (25 puntos)Kahanga-hanaga (20 puntos)Katanggap-tanggap (15 puntos)Pagtatangka (10 puntos)
PaksaAngkop at eksakto ang kaugnayan sa paksaMay kaugnayan sa paksaMay kaunting kaugnayanWalang kaugnayan
PagkamalikhainGumamit ng maraming kulay na may kaugnayan sa paksaGumamit ng kulay at iilang kagamitan na may kaugnayan sa paksaMakulay ngunit hindi tiyak ang kaugnayan sa paksaHindi makulay at walang kaugnayan sa paksa
Kalidad ng GinawaNakakapukaw ng interes at tumatatak sa kaisipanMakatawag pansinPansinin ngunit di makapukaw ng isipanDipansinin at di-makapukaw ng isipan
KalinisanMaganda, malinis at kahanga-hanga ang pagkagawaMalininsDi-gaanong malinisInapura ang paggawa kaya’t marumi

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its text is transcribed in reading order]

Payamanin

A

  1. /
  2. /
  3. x
  4. /
  5. /

B

  1. BULKAN
  2. DAUNGAN
  3. WIKA
  4. ARKIPELAGO
  5. TURISMO
Subukin
  1. /
  2. /
  3. /
  4. /
  5. x
  6. /
  7. x
  8. /
  9. x
  10. /
Balikan
  1. Teritoryo
  2. Saligang Batas ng 1987
  3. Timog-Silangang Asya
  4. Pulo
  5. Anyong tubig
Tuklasin
  1. heograpiya
  2. estratehiko
  3. kapuluan
  4. geothermal
  5. pangisdaan

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its text is transcribed in reading order]

ISAISIP
IKONEK

Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang-yaman.

Ang estratehiyang lokasyon ng Pilipinas ay angkop sa pagdedepensa laban sa pananalakay ng mga bansa sa Silangan.

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng maliliit at malalaking pulo na hiwa-hiwalay, ito ay may magandang at di magandang epekto sa pag-unlad ng bansa.

TAYAHIN

A

[illustration: face]1.
[illustration: face]2.
[illustration: face]3.
[illustration: face]4.
[illustration: face]5.

[transcriber’s note: the facial expressions in the five illustrations could not be told apart reliably, so each is marked only as a face]

B

  1. D
  2. B
  3. A
  4. C
  5. E
ISAGAWA
  1. B
  2. A
  3. E

Sanggunian

Cruz, Marites B. Gorobat, Julia T. Avelino, Norma C., Yaman ng Pilipinas 6 , 2010.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *