This is Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 2, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3: “Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan” (fight fear, be proud of your abilities). It is a self-learning module for home study, prepared by DepEd Region III (first edition, 2020). It helps young learners show their own abilities so they can overcome fear when someone bullies them.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module covers the competency EsP2PKP-Ic-10: showing one’s abilities to overcome fear when someone is bullying (nangbubuska or nangbubully). After the module, learners are expected to:
- List ways to overcome fear of people who bully them.
- Explain why it matters to have a good relationship with oneself and with others (sarili at kapuwa).
Key ideas in the module
Everyone is different
The single lesson, Aralin 1, starts from a simple idea: every person has their own traits, such as physical condition, level of understanding, and way of doing things. Learners should be positive and understanding when they meet these differences.
The poem “Tayo ay Iba, Halina’t Magkaisa” (we are different, let us unite) describes people with big eyes, small legs, a heavy build, a hard time learning, or a hard life, and invites everyone to walk together and help each other. Accepting these differences shows respect and care for others.
A follow-up activity uses the eye, foot, hand, and ear to show the right use of what we have been given. For example, use your eyes to see your own good traits, your feet to go to people who need help, your hands to share what you can, and your ears to listen to the needs of others.
Positive ways to lose the fear of bullies
The module says that getting along well with others and trusting yourself help you fight the fear of bullies. It lists these positive ways (positibong pamamaraan):
- Trust in your own abilities (pagtitiwala sa sariling kakayahan). Self-trust helps develop hidden talents.
- Stay positive about what others say. Respecting and accepting others’ opinions can help you change and see things positively.
- Develop your abilities (pagpapaunlad ng sariling kakayahan). Growing your strengths builds confidence.
- Think of and do things that show kindness to others.
- Be good to others, which improves your relationships with people.
The module is clear that fighting back with violence or revenge is not the answer. The right response is to show what you can do, for example dancing well if you cannot sing, and asking parents, teachers, and friends for help and advice.
Stories used in the activities
- Julia is teased by classmates because of her height and is called “pandak” or “unano” (short or dwarf). Learners write encouraging words they could tell her.
- Lito comes from a poor family and has poor eyesight, so reading is hard for him. Nina has many talents and a comfortable life. Learners choose what each child can do to show understanding and unity, such as helping with reading, sharing old school things, and staying positive.
The key message (Isaisip): your weaknesses and physical condition should not stop you from doing what you can do.
Parts of the module
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Draws a happy or sad face for good or hurtful behavior |
| Aralin 1 and Balikan | Reads the poem and checks the right use of eyes, feet, hands, and ears |
| Tuklasin | Reads the positive ways to overcome fear of bullies |
| Suriin | Gives a thumbs up or thumbs down to each statement |
| Pagyamanin | Writes encouraging words for Julia inside three hearts |
| Isaisip | Completes the key message |
| Isagawa | Marks a check (/) for brave habits and X for fearful ones |
| Tayahin (final test) | Matches helpful actions to Lito and Nina |
| Karagdagang Gawain | Writes about one personal ability, how they use it, and how they will improve it |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers in a notebook or on answer sheets. Do not write on the module, so other learners can use it.
- Parents and guardians: Help your child read the poem and stories, and talk about how to stay brave and kind. Contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.
- Teachers: The module includes a teacher’s note and an answer key (Susi sa Pagwawasto). The Pagyamanin activity has many correct answers, and the Tayahin answers may come in any order.
Some answers in the printed key do not seem to match the questions, such as the pretest item about giving nicknames to people with an unusual physical condition. Teachers should check the key before using it to grade.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 2 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.
What competency does the module cover?
It covers EsP2PKP-Ic-10: showing one’s abilities to overcome fear when someone bullies (nangbubuska or nangbubully).
What does nangbubuska mean?
The module uses nangbubuska to mean someone who bullies, and puts the word nangbubully beside it to explain it.
Does the module have an answer key?
Yes. It includes a Susi sa Pagwawasto for the pretest and activities. Some printed answers seem not to match the questions, so teachers should review it first.
How many lessons are in the module?
It has one lesson, Aralin 1: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan, with activities, a final test, and an additional activity.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan
2
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan
[illustration: children and a teacher reading, studying, and working together under a tree and at a desk, with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_ESP 2_ Module 3
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Al John U. Febrero Editor: Bennedick T. Viola, Marie Ann C. Ligsay Tagasuri: Augusto A. Mateo, Rosalinda S. Ibarra Tagaguhit: Jinky H. Martin, Imelda B. Sicat Tagalapat: Aiza G. Dingle Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Larry B. Espiritu, Rodolfo A. Dizon, Mercedita D. Saldero
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Region III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay isang kahandaan sa mga gawain na makatutulong sa iyo na makapagpakita ka ng mga kakayahan na malabanan ang takot kapag may nangbubuska (nangbubully). (EsP2PKP-Ic-10)
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na
- Naiisa-isa ang mga paraan upang malabanan ang takot sa mga nangbubuska (nangbubully).
- Nahihinuha ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting relasyon sa iyong sarili at sa kapuwa.
Subukin
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ☺ kung ang pahayag ay nagsasaad ng magandang pag-uugali at malungkot na mukha ☹ kung ang pahayag ay hindi magandang pag-uugali at nakasasakit sa kapuwa. Iguhit ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
- Pinupuri ang magagandang katangian ng kamag-aaral.
- Tinutulungan ang may kapansanan at kahinaan.
- Binibigyan ng pangalan o bansag ang taong may kakaibang pisikal na kondisyon.
- Masayang tinutulungan ang may kapansanan.
- Tapat sa pakikipag-usap sa taong may kahinaan.
Aralin 1: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan
Bawat tao ay may kaniya kaniyang katangian tulad ng pisikal na kondisyon, lebel ng kaisipan at sariling pamamaraan ng pagsasagawa ng iba’t ibang bagay. Mahalagang maging positibo at maunawain sa pagtanggap sa mga pagkakaibang ito.
Tayo ay iba, Halina’t Magkaisa
Ako’y may malaki at bilog na mga mata
kaya maraming nakikita,
Sa akin ay maliit ang buka,
ating tingnan ang maganda,
Maliliit ang aking mga binti
at may matabang hulma,
Sa aki’y matatag,
tayo nang maglakad
ikaw ay sumama,
Hirap akong matuto,
tila kulang ang lakas ko,
Ako’y aktibo at buhay ang isip ko
halika’t magtulungan tayo,
Hirap ng buhay ay aking nakikita at nararanasan,
Kami’y nakaluluwag at may kakayahan,
hayaan mong ikaw ay aming tulungan.
Ang tula ay nagpapakita ng iba’t ibang katangian na taglay ng bawat tao. Ang pagkakaibang mayroon ang bawat isa ay kailangang unawain at tanggapin. Sa pagsasagawa nito, iyong maipakikita ang paggalang at pagpapahalaga sa kapuwa.
Tingnan ang sariling katangian Tingnan ang masama. Humakbang upang lumayo sa may kapintasan Takbuhan ang nangangailangan Lapitan ang kapuwa at tulungan Lumakad upang iwasan ang may kapansanan Tingnan ang kapintasan ng iba. Tingnan ang sariling kakulangan at panghinaan ng loob
Balikan
Panuto: Balikan natin ang mga kaisipan mula sa tulang “Tayo ay Iba, Halina’t Magkaisa”. Iyong tukuyin ang tamang gamit ng mga ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
- [illustration: eye]
☐ Tingnan ang sariling katangian ☐ Tingnan ang kapintasan ng iba. ☐ Tingnan ang sariling kakulangan at panghinaan ng loob ☐ Tingnan ang masama.
- [illustration: foot]
☐ Humakbang upang lumayo sa may kapintasan ☐ Takbuhan ang nangangailangan ☐ Lapitan ang kapuwa at tulungan ☐ Lumakad upang iwasan ang may kapansanan
[illustration: open hand with fingers spread]
- ☐ Kunin ang nakalaan para sa iba.
- ☐ Mag-abot ng tulong na kayang ibahagi.
- ☐ Isarado upang pagdamutan ang kapuwa mo
[illustration: ear]
- ☐ Pakinggan ang masasamang bagay.
- ☐ Dinggin lamang ang sariling kagustuhan
- ☐ Pakinggan ang hinaing at pangangailagan ng iba
- ☐ Makinig ngunit huwag gawin ang dapat
Mga Tala para sa Guro
Ang pagkakaroon ng magaganda at di- magagandang katangian bilang tao ay kaloob ng Dakilang Lumikha. Mas magiging makabuluhan ang mga ito kung gagamitin sa magagandang pamamaraan na makabubuti sa sarili at kapuwa.
Ang pagtuklas at paggamit ng iyong sariling katangian ay makatutulong upang maging positibo sa kabila ng pangbubuska (pangbubully) ng iba.
Tuklasin
Ang mga angkin mong kakayahan at katangian ay maaaring magdulot ng negatibo at positibong kaisipan mula sa iba. Ang makatutulong upang labanan ang takot sa mga nangbubuska (nangbubully) ay ang mabuting pakikisama at tiwala sa iyong sarili. Sapagkat, magiging kapakipakinabang ang mga ito kung ikaw ay magkakaroon ng magandang relasyon sa iyong kapuwa.
Ang pagiging handa at pagtitiwala sa sarili ay makatutulong upang iyong malabanan ang masasamang epekto ng pangbubuska (pangbubully).
Positibong Pamamaraan upang Mawala ang Takot sa Nangbubuska (Nangbubully)
Pagtitiwala sa sariling kakayahan.
- Ang tiwala sa sarili ay makatutulong upang mas mahubog ang angkin at natatagong kakayahan
Pagiging positibo sa sasabihin ng iba.
- Ang paggalang at pagtanggap sa mga sinasabi at opinyon ng iba ay makapagbibigay ng mga hakbang upang magbago at magkaroon ng positibong pananaw.
Pagpapaunlad ng sariling kakayahan
- Ang pagpapaunlad ng lakas at kakayahan ay hakbang upang makamtan ang tiwala (confidence) sa sarili.
Ang pagsasaisip at pagsasagawa ng mga bagay na magpapakita ng kabutihan sa iba.
Ang pagiging mabuti sa kapuwa ay isang paraan upang umunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa-tao.
Suriin
Panuto: Pulsuhan sa pamamagitan ng thumbs up kung ang mga pahayag ay dapat gawin upang labanan ang takot sa mga nangbubuska (nangbubully) at thumbs down kung mali at hindi dapat ang pahayag. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
[illustration: an older boy in a cap and jersey with his arm around a younger boy who looks worried]
- ☐ Makinig sa maling pahayag ng iba at panghinaan ng
- ☐ Lumaban sa pamamagitan ng pagpapakita ng sariling kakayahan.
- ☐ Gumanti at maging marahas sa mga nangbubuska (nangbubully)
- ☐ Igalang ang opinyon ng iba kung ito ay makatutulong.
- ☐ Magsikap sa pagpapaunlad ng mga kakayahan.
- ☐ Maghiganti dahil sa masamang bagay na ginawa ng kapuwa.
Si Julia ay laging tinutukso ng kaniyang mga kamag-aral dahil sa taglay niyang panlabas na kaanyuan. “pandak” o “unano” ang ngalan na bansag sa kaniya. Pinagtatawaan at laging tinitingnan ang kaniyang mga kapintasan
[illustration: a girl with pigtails and a bow standing with arms crossed and looking sad, beside a boy waving and smiling]
Pagyamanin
Panuto: Punan ang mga puso ng mga pahayag na maaari mong ibahagi at sabihin kay Julia upang mapalakas ang kaniyang loob. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
[transcriber’s note: three hearts, each with three blank lines, printed below the instruction]
Heart 1:
Heart 2:
Heart 3:
Isaisip
Magpakita ng mga _________________________ upang malabanan ang pangbubuska (pangbubully) ng iba sa pamamagitan ng positibong pagtanggap sa sarili at sa iyong kapuwa. Ang iyong kakulangan at pisikal na kalagayan ay hindi dapat maging sagabal para sa mga bagay na kaya mong gawin.
Isagawa
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang mga gawi upang labanan ang takot sa mga nangbubuska (nangbubully) at ekis (X) naman kung ito ay nagpapakita ng takot. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
- Galingan sa pagsayaw kung di marunong sa pag-awit.
- Magtago sa mga nangbubuska (nangbubully) at lagi silang iwasan.
- Yayain ang mga may kaparehas na kalagayan para gumanti sa iba.
- Humingi ng tulong at payo sa magulang, guro at mga kaibigan upang mapaunlad ang kakayahan.
- Bigyan ng pagkakataon ang sarili na maunawan ang iyong mga kahinaan.
Tayahin
Panuto: Piliin sa kahon ang mga pahayag na maaaring gawin nina Lito at Nina upang maipakita ang pangunawa at pagkakaisa. Isulat ang bilang ng iyong sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
[illustration: a boy with eyeglasses and arms crossed]
Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya at may kapansanan sa kaniyang paningin kaya nahihirapan siya sa pagbabasa.
Bilang: _____
[illustration: a girl with pigtails and a bow, hands behind her back, smiling]
Si Nina naman ay mayroong iba’t ibang talento at may matiwasay na pamumuhay.
Bilang: _____
Tumulong sa pagbabasa at iba pang mga gawain sa pag-aaral
Magtiwala sa sarili at mag-isip ng tulong na maaaring ibahagi sa kaibigan.
Magbigay ng mga lumang kagamitan na magiging kapaki-pakinabang sa kaibigan.
Tratuhin ng maganda at puno ng pagmamahal ang nangangailangan.
Makinig sa mabubuting opinyon ng kaibigan para mapaunlad ang sarili.
Maging positibo sa lahat ng bagay sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan.
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang mga patlang upang mas makilala ang iyong sarili at makapagbigay ng paraan upang mapaunlad ang iyong kakayahan o talento. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
Ako ay may kakayahang
Ginagamit ko ito sa
Upang mapaunlad ito, ako ay
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the content below is transcribed in reading order after rotation. Its printed page number is 12.]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- [illustration: smiley face icon]
- [illustration: smiley face icon]
- [illustration: smiley face icon]
- [illustration: smiley face icon]
- [illustration: smiley face icon]
Balikan
- Pahayag → 1
- Pahayag → 3
- Pahayag → 3
- Pahayag → 3
[transcriber’s note: the answer numbers are printed beside each Pahayag item; the arrow marks their placement]
Suriin
- [illustration: thumbs-up icon]
- [illustration: thumbs-down icon]
- [illustration: thumbs-down icon]
- [illustration: thumbs-down icon]
- [illustration: thumbs-up icon]
Pagyamanin
- May iba’t ibang tamang kasagutan
Isagawa
- /
- X
- X
- /
- /
Tayahin
| Lito | Nina |
|---|---|
| 1. 2 | 1. 1 |
| 2. 5 | 2. 3 |
| 3. 6 | 3. 4 |
Maaaring magkaiba ng pagkakasunod-sunod.
Sanggunian
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales. 2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Kakayahan mo, Ipakita mo; Kakayahan mo, Paunlarin mo; Kakayahan ko, Kahinaan Ko; Kakayahan ko, Papahalagahan ko. pp. 2-19.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales. 2013. Patnubay ng Guro. Kakayahan mo, Ipakita mo; Kakayahan mo, Paunlarin mo; Kakayahan ko, Kahinaan Ko; Kakayahan ko, Papahalagahan ko. pp. 3-13.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply