This is the Grade 2 Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) self-learning module for Quarter 1, Module 4: “Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan” (expressing one’s own ideas). It is written in Filipino (Tagalog) for home study. Learners use short stories as a starting point to make posters and character profiles that show their own ideas.
The module has one lesson. It was prepared by DepEd Region III as part of the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020), and its writer is Sheilah S. Fernandez.
On this page 5 sections
What learners will learn
After the lesson, learners are expected to:
- Express their own ideas by making a poster, using stories as a starting point (MT2C-Ia-i-1.4)
- Make different kinds of posters, such as a character profile (karakter profayl), news posters, and posters for lost items (mga nawawalang gamit)
Key ideas in the lesson
Aralin 1, “Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan,” starts with a simple point. People share their thoughts and feelings in many ways, such as songs, poems, stories, paintings, and drawings. Making a poster is another common way to share information.
What a poster is
A poster is a drawing that shares information or an idea. It often uses different shapes, colors, and symbols. These help show the information, the idea, and even the feelings of the person who made it.
What a character profile is
A karakter profayl (character profile) presents information that describes a person or a character in a story. It can include the person’s name, age, traits, wants, hobbies, and more. In the module, learners make a profile of Juan by listing five of his traits. They also fill in a profile of Boyet with his name, age, sex, and interests.
The module stresses that learners must first understand the message of a story, picture, or piece of information. Only then can they express their own ideas about it.
Tips for making a poster
The module gives five things to remember when making a poster:
- Show clearly how all the ideas connect.
- Make the picture of the idea clear and fitting.
- Make sure the poster is your own original idea.
- Keep the whole poster clean and neat.
- Use the right colors.
Stories and situations used in the activities
Most activities ask learners to read a short text and then make a poster or a profile about it:
- “Ang Batang Maraming Katangian” (the child with many good traits): Juan, a ten-year-old, prays, helps his siblings, says goodbye to his parents with a mano, and shares food with classmates who have no baon.
- “Huwarang Mag-aaral” (model student): Daniel cleans the classroom, helps teachers, and helps classmates with homework.
- Bb. Marita: a teacher who brings biscuits, school supplies, and clothes for needy learners. Learners make a “Guro Ko, Bayani Ko!” (my teacher, my hero) thank-you poster.
- “Bata pa si Boyet” (Boyet is still young): a seven-year-old who loves singing, playing the guitar, and orange juice.
- “Nagbago na si Tess” (Tess has changed): learners draw Tess as a baby and as a Grade 2 learner.
- A found bag with money: learners make a poster to find the owner.
- “Polusyon sa Katubigan” (water pollution): a warning poster against throwing trash into rivers, canals, streams, and lakes.
- Onyok’s barangay: a poster on ways to prevent flooding, since cut trees and clogged canals cause the floods.
- Mark’s parents: a doctor and a soldier serving as front liners during Covid-19.
How to use this module
The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:
- Alamin – read the learning goal.
- Subukin – a pretest where learners match five pictures to poster topics, such as proper nutrition, Christmas, graduation day, the national language, and caring for the environment.
- Balikan – read a paragraph about Barangay Mapayapa and pick the ideas that describe the place and its people.
- Tuklasin – read Juan’s story, answer the questions, and make his character profile.
- Suriin – learn what a poster and a character profile are, plus the poster tips.
- Pagyamanin – guided and independent practice and assessments (Pinatnubayang and Malayang Pagsasanay and Pagtatasa).
- Isaisip – fill in the blanks using the word box to sum up the lesson.
- Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain – make and color posters about flooding, Mark’s story, and one chosen topic: caring for trees, recycling and sorting waste, or avoiding bullying.
For learners: Write your answers and draw your posters on a separate sheet of paper. Do not write on the module, so others can still use it. Ask your teacher right away if a part is hard to understand.
For parents: Read the stories with your child and talk about the message before your child starts drawing. Remind your child to keep the poster neat and original.
For teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers for the pretest, Balikan, Tuklasin, and Isaisip. Posters and profiles are checked with a simple rubric. It has two criteria, clearly expressing one’s own idea and showing creativity, scored as Mahusay (5 points), Kainaman (4 points), or Sakto lang (3 points).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 2 MTB-MLE, Quarter 1. It is Module 4 of the quarter.
What competency does this module cover?
It covers MT2C-Ia-i-1.4. Learners express their own ideas by making posters, such as character profiles, news, and lost-item posters, using stories as a starting point.
What is a karakter profayl?
A karakter profayl (character profile) presents information that describes a person or story character. It can include name, age, traits, wants, and hobbies.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and the short-answer parts. Poster activities are checked with a rubric on clear expression of ideas and creativity.
What language is the module written in?
The module is written in Filipino (Tagalog), and its references are the MTB-MLE Tagalog learner’s material and teacher’s guide.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 4: Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan
2
[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, a teacher helping, and a child with a lamp and a globe]
CO_Q1_MTB2_MODULE 4
MTB-MLE – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sheilah S. Fernandez Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor Tagaguhit: Geraldine A. Pardillo, Karen D. Romero Tagalapat: Cristina T. Fangon Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _____________________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 4: Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
CO_Q1_MTB2_MODULE4
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling kaisipan sa pamamagitan ng paggawa ng poster (hal. karakter profayl, mga balita, mga nawawalang gamit) gamit ang mga kuwento bilang lunsaran.
MT2C-Ia-i-1.4
Subukin
Panuto: Iugnay ang mga sumusunod na paksa sa hanay A sa angkop na poster sa hanay B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. [illustration: church with a decorative rose window and people in front] | A. Wastong Nutrisyon |
| 2. [illustration: graduation caps being tossed into the air] | B. Pagdiriwang ng Pasko |
| 3. [illustration: a person in a flowing cape with a sun-like shape behind] | C. Araw ng Pagtatapos |
2
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 4. [illustration: poster reading “HEALTHY DIET GAWING HABIT FOR LIFE!” with a figure and leaves] | D. Pagpapahalaga sa Pambansang Wika |
| 5. [illustration: tree growing from a globe held by two hands] | E. Pangangalaga sa kapaligiran |
Aralin 1 Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan
Bawat isa ay maaaring makapagpahayag ng kaniyang kaisipan o saloobin sa iba’t ibang paraan. May mga lumilikha ng awit, tula, kuwento, pinta o guhit upang mas madaling maunawaan ang mensaheng kanilang ibig ipabatid. Ang isa pa sa mga paraan upang magpahatid ng impormasyon na karaniwang ginagamit din natin ay ang paggawa ng mga poster.
3
Balikan
Panuto: Basahin ang talata at piliin ang mga kaisipang maglalarawan sa mga paksang nasa kahon.
Masarap tumira sa Barangay Mapayapa. Tahimik ang paligid. Payapa ang mga taong naninirahan dito at may sariwang hanging nalalanghap.
Nagkakaunawaan ang mga nakatira dito. Madalas silang nagtutulungan sa iba’t ibang proyekto para sa katahimikan at kaunlaran ng kanilang barangay.
Barangay Mapayapa
Mga Nakatira sa Barangay [transcriber’s note: the second line of this box label is cut off in the page image; the label is read from the section’s text as “Mga Nakatira sa Barangay Mapayapa”]
Tuklasin
Basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong.
[illustration: boy smiling while writing at a desk]
Ang Batang Maraming Katangian
Sheilah S. Fernandez
Si Juan ay sampung taong gulang na bata. Maaga siyang gumigising upang tulungan ang kanyang mga kapatid na maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nagdarasal siya pagkagising at pagkatapos nililigpit niya ang kanyang higaan.
Bago pumasok sa paaralan, nagmamano at nagpapaalam siya sa kanyang mga magulang. Sa paaralan, pinagbubuti niya ang kanyang pag-aaral.
Aktibo siya sa oras ng talakayan at paggawa ng gawain. Nagbibigay siya ng pagkain sa mga kaklaseng walang baon. Sa hapon, sabay-sabay silang umuuwi ng kanyang mga kapatid dahil iyon ang bilin ng kanilang ina.
Mga Tanong:
- Sino ang batang may maraming katangian?
- Ano-ano ang mga katangiang nagpapakilala kay Juan?
- Anong katangian ang gusto mong tularan kay Juan? Bakit?
- Paano nagpapaalam si Juan sa kanyang magulang bago pumasok ng paaralan?
- Igawa mo ng karakter profayl si Juan. Isulat mo ang kanyang mga katangian gamit ang talaan sa ibaba.
Ang Karakter Profayl ni Juan
Unang katangian: _____
Pangalawang katangian: _____
Ikatlong katangian: _____
Ikaapat na katangian: _____
Ikalimang katangian: _____
Suriin
Upang higit mong maunawaan ang aralin, kilalanin mo kung ano ang poster at karakter profayl. Paano mo maipapahayag ang iyong kaisipan gamit ang mga ito?
Ang poster ay iginuhit na larawan na nagpapahayag ng impormasyon o kaisipan. Karaniwang ginagamitan ito ng iba’t ibang hugis, kulay at simbolo upang mas maging maganda ang paglalarawan ng impormasyon, kaisipan at maging ang damdamin ng gumawa nito.
Ang karakter profayl ay ang paglalahad ng mga impormasyong nagpapakilala sa isang tao o tauhan. Ang mga mahahalagang impormasyon ay maaaring maitala dito ay pangalan, edad, katangian, mga nais, mga libangan, at iba pa.
Mahalaga na nauunawaan mo ang mensahe ng isang kuwento, larawan o impormasyon upang maipahayag mo ang iyong kaisipan tungkol dito.
Mga Dapat tandaan sa Paggawa ng Poster
- Ipakita nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto.
- Gawing maliwanag at angkop ang paglalarawan sa konsepto.
- Siguraduhing orihinal o sariling ideya ang gagawing poster.
- Sikaping maging malinis at maayos ang kabuuan.
- Gumamit ng tamang mga kulay.
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Gamit ang kuwento ni Juan, gumawa ng poster sa iyong sagutang papel. Sundan lamang ang pattern sa ibaba bilang batayan.
[chart: pattern diagram; Pinatnubayang Pagsasanay 1 (poster pattern)]
- Top left: Iguhit ang ikalawang katangian
- Center top: Iguhit si Juan
- Top right: Iguhit ang unang katangian
- Bottom left: Iguhit ang ikatlong katangian
- Center bottom: Iguhit ang ikalimang katangian
- Bottom right: Iguhit ang ikaapat na katangian
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Gumawa ng poster sa iyong papel tungkol sa ugali ng isang mabuting mag-aaral. Gamitin ang mga katangian sa kuwento bilang gabay.
Huwarang Mag-aaral
Sheilah S. Fernandez
Si Daniel ay tinaguriang isang huwarang mag-aaral. Masigasig sa pag-aaral dahil laging mataas ang kanyang mga marka. Kusa siyang naglilinis ng kanilang silid–aralan pagkatapos ng klase.
Tuwing makakasalubong siya ng mga guro, nagmamano at tinutulungan niya ang mga ito sa pagdadala ng kanilang kagamitan. Binibigyan niya ng baon ang mga kaklase na kapus-palad. Tinutulungan din niya ang mga kaklaseng nahihirapan sa paggawa ng kanilang takdang-aralin. Hindi siya nakikipag-away o nakikipag-tuksuhan sa kanilang paaralan. Siya ay isang tunay na huwaran.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pasasalamat sa mga gurong katulad ni Bb. Marita. Ipakita sa poster kung bakit mo siya itinuturing na bayani.
Si Bb. Marita ay isang guro. Kahit puyat ay maagang gumigising upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nagdadala siya ng maraming biskuwit, mga gamit sa pag-aaral, at ilang damit upang ipamahagi sa mga mag-aaral na nangangailangan. Kapag may
nasusugatan sa mga bata, siya rin ang gumagamot dito. Pinapayuhan niya ang kanyang mga mag-aaral tungkol sa pagiging isang mabuting bata. Pag-uwi sa tahanan, ginagawa niya ang mga kagamitang panturo na gagamitin kinabukasan.
[illustration: superhero woman with raised fists]
Guro Ko, Bayani Ko!
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Batay sa kuwento igawa ng karakter profayl si Boyet. Gamitin ang detalye sa kahon bilang gabay.
Bata pa si Boyet
Si Boyet ay pitong taong gulang na bata. Tuwing Sabado, lagi siyang naglalaro sa labas ng kanilang tahanan kasama ang kanyang mga kaibigan. Magaling umawit si Boyet at marunong siyang tumugtog ng gitara. Pag-uwi niya, nagpapatimpla siya ng orange juice sa kanyang ina sapagkat paborito niya ito. Pagkatapos ay manonood siya ng telebisyon hanggang sa makatulog at makapagpahinga.
Ang Karakter Profayl ni Boyet
Pangalan: _____
Edad: _____ Kasarian: _____
Mga Hilig: _____
[illustration: smiling face of a boy]
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Pumili ng isang larawan na nagpapakita ng pagiging mabuting bata. Ipakita sa pamamagitan ng poster ang sariling kaisipan tungkol sa napiling larawan.
[illustration: adult giving something to a child] Pagbibigay
[illustration: girl reading a book] Pagbabasa
[illustration: older man patting a boy’s head] Paggalang
[illustration: children listening to a teacher in class] Pakikinig
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagkakaiba ng katangian ni Tess noong siya ay sanggol pa lang at ngayong siya ay nag-aaral na. Gamitin ang larawan sa ibaba bilang gabay.
Nagbago na si Tess
Sheilah S. Fernandez
Noong sanggol pa lamang si Tess, siya ay iyakin. Madalas siya ay tulog. Gatas at malalambot na pagkain lamang ang kanyang nakakain. Gustong-gusto niyang gumapang sa kanilang sala at maglaro. Lagi rin siyang nadarapa sa tuwing nagpipilit siyang tumayo at lumakad.
Ngayon ay nasa ikalawang baitang na si Tess. Kaya na niyang pumasok mag-isa sa paaralan. Siya na rin ang nagtitimpla ng iinuming gatas. Kaya na rin niyang kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain. Mag-isa siyang nag-aaral. Sa katunayan, nakatutulong na siya sa pag-aalaga ng kanyang kapatid na sanggol.
Iguhit si Tess noong siya ay sanggol pa lang at ang mga bagay na ginagawa niya.
Iguhit si Tess ngayong siya ay nasa ikalawang baitang na at ang mga bagay na ginagawa niya.
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Gumawa ng sariling poster ayon sa iyong sagutang kuwento sa ibaba.
Isang araw, naglalakad ka pauwi sa inyo nang bigla mong natapakan ang isang nakabalot na bagay. Nang buksan mo, ito ay isang maliit na bag na may lamang pera sa loob. Gusto mo itong isauli ngunit hindi mo kilala ang may-ari.
Batay sa sitwasyon, gumawa ng poster upang mahanap mo kung sino ang nagmamay-ari ng napulot mong bag.
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Mula sa larawan at teksto, gumawa ng poster sa iyong sagutang papel hinggil sa isang babala sa pagtatapon ng basura sa mga ilog, kanal, sapa at lawa.
[illustration: a boy pouring trash from a container into a river bank, with scattered litter and grass]
Polusyon sa Katubigan
Sheilah S. Fernandez
Ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at iba pang anyong tubig ay isang masamang gawi at nagbubunga ng polusyon. Maaari itong maging sanhi sa pagkamatay ng mga isda na nakatira dito. Ito rin ay magdudulot ng pagkalason sa tubig. Bukod pa rito, ang mga kemikal mula sa mga basurang itinapon ay kakalat sa tubig at magiging sanhi ng maraming sakit. Nalalason ang mga anyong tubig kung kaya hindi na rito naglalagi ang mga lamang dagat. Dapat nang itigil ang pagtatapon ng basura sa lahat ng anyong tubig.
Isaisip
Mula sa araling tinalakay, isulat ang angkop na salita sa mga patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang salita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the word box is printed on the next page]
Ang _____ ay isang iginuhit na _____ na nagpapahayag ng impormasyon o kaisipan.
Ang paggawa ng poster ay isang mabisang o malikhaing paraan ng pagpapahayag ng sariling _____.
Ang _____ ay ang paglalahad ng mga mahahalagang _____ nagpapakilala sa isang tao o tauhan.
kaisipan impormasyong
poster malikhain
karakter profayl larawan
Isagawa
Panuto: Gumawa ng poster sa iyong sagutang papel na nagpapakita ng mga paraan upang mapigilan ang pagbaha. Kulayan ito
Ang barangay nina Onyok ay agad na binabaha kahit kaunti lamang ang ulan. Lagi silang naaapektuhan dahil nahihirapan silang pumasok sa eskuwela at kinakailangan nilang itaas ang kanilang mga kagamitan. Nagsimula ito noong putulin ang mga puno sa kanilang barangay upang mapalawak ang mga kalsada.
Isang araw, napansin niyang punong-puno ng mga plastik at iba pang basura ang kanilang estero kaya hindi makadaloy ang tubig dito. Naisip ni Onyok na bukod sa kawalan ng puno na sisipsip sa tubig ulan, ang isa pa ring sanhi ng pagbaha ay ang mga barado nilang estero.
Tayahin
Panuto: Bumuo ng sariling poster sa iyong sagutang papel tungkol sa mensaheng hatid ng kuwento. Kulayan ito.
Si Mark ay anak ng isang doktora at sundalo. Ang kanyang ama ay nagbabantay sa mga “checkpoint”. Ang kanyang ina naman ay naggagamot sa mga taong nadapuan ng sakit. Ang mga magulang niya ay hindi nakauuwi sa kanilang tahanan dahil sila ay nagseserbisyo bilang “front liners”. Laging kinukumusta ni Mark ang kanyang mga magulang dahil hindi niya mapigilang mag-alala sa kanilang kalusugan. Ipinagmamalaki ni Mark ang kaniyang mga magulang dahil kasama silang lumalaban sa Covid-19.
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isang paksa mula sa mga kahon sa ibaba. Gumawa ng poster sa iyong sagutang papel tungkol dito at kulayan.
Mahalin at Alagaan ang mga puno
Recycling at Paghihiwalay ng mga Basura
Iwasan ang Bullying
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down in a grid layout; its sections are transcribed below in reading order]
Subukin
- D
- A
- B
- C
- E
Balikan
A. Masarap tumira dahil payapa. Malinis dahil sariwa ang hangin
B. Nagtutulungan at nagkakaunawaan ng mga nakatira dito.
Tuklasin
- Si Juan
- Matulungin, makadiyos, Magalang, Masunurin at mapagbigay
- Mabuting bata, Disiplinado
- nagmamano at nagpapaalam siya sa kanyang mga magulang.
Ang Karakter Profayl ni Juan
- Matulungin
- Makadiyos
- Magalang
- Masunurin
- Mapagbigay
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1: Suriin at itama ang ginawang poster.
| Pamantayan | Mahusay (5 puntos) | Kainaman (4 puntos) | Sakto lang (3 puntos) |
|---|---|---|---|
| Malinaw na naipahayag ang sariling kaisipan sa poster | |||
| Naipakita ang pagiging malikhain |
Pinatnubayang Pagtatasa 1: Suriin at itama ang ginawang poster.
Pinatnubayang Pagsasanay 2: Suriin at itama ang ginawang poster.
Pinatnubayang Pagtatasa 2: Suriin at itama ang ginawang karakter profayl.
Malayang Pagsasanay 1: Suriin at itama ang ginawang poster.
Malayang Pagtatasa 1: Suriin at itama ang ginawang poster.
Malayang Pagsasanay 2: Suriin at itama ang ginawang poster.
Malayang Pagtatasa 2: Suriin at itama ang ginawang poster.
Isaisip
poster, larawan, kaisipan, karakter profayl, impormasyon.
Isagawa
Suriin at itama ang ginawang poster.
Tayahin
Suriin at itama ang ginawang poster.
Karagdagang Gawain
Suriin at itama ang ginawang poster.
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply