MTB-MLE Grade 2 Quarter 1 Module 3: Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan

Grade 2 MTB-MLE Quarter 1 Module 3 teaches learners to identify and use nouns (salitang ngalan) for people, things, animals, places, and events.

This is the Self-Learning Module for MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education), Grade 2 (Ikalawang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3: “Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan” (identifying and using naming words, or nouns). It was prepared by DepEd Region III for learners studying at home with a parent or other facilitator. After the lesson, learners should be able to spot nouns and use them correctly in sentences.

On this page 6 sections

What learners will learn

  • Identify and use salitang ngalan (naming words) in sentences (MT2GA-Ia-2.1.1)
  • Tell whether a noun names a person (tao), thing (bagay), animal (hayop), place (pook or lugar), or event (pangyayari)

What the module teaches

The module has one lesson, Aralin 1, “Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan.” It opens with a short note on how Filipino families help one another, then asks the learner, “Do you help your family?”

The main reading is the story “Ang Magkapatid” (The Siblings). During school vacation, the siblings Akira and Akina plant vegetables in their bakuran (backyard): talong, okra, kamatis, petsay, labanos, kamote, and mustasa. They water and weed the plants every day and keep kulisap (insects) from damaging them. They sell the whole harvest at the palengke (market), so their parents no longer need to worry about money for their school supplies. The story is full of nouns for learners to find, such as the people Akira and Akina, the places bakuran and palengke, the thing gulay (vegetables), and the animal kulisap.

What is a salitang ngalan?

The module explains that a salitang ngalan is also called a pangngalan (noun). A noun names a person, thing, animal, place, or event. It is usually what the sentence talks about or describes.

The module gives these examples:

TypeExamples from the module
Tao (person)guro (teacher), nanay (mother), kaibigan (friend)
Bagay (thing)prutas (fruit), sabon (soap), papel (paper)
Pook (place)simbahan (church), parke (park), ospital (hospital)
Hayop (animal)aso (dog), pusa (cat), kambing (goat)
Pangyayari (event)Pasko (Christmas), Araw ng Kalayaan (Independence Day), kasalan (wedding)

The exercises add more examples, such as lolo (grandfather), lapis (pencil), Lungsod ng Balanga (City of Balanga), pista (town fiesta), parol (Christmas lantern), and mangingisda (fisherman).

Parts and activities

  • Alamin: the lesson objective.
  • Subukin (pretest): match five descriptions to nouns in a box, such as the one who treats sick people (doctor) and the place where we learn to read and write (paaralan, school).
  • Balikan: tell whether each underlined word in five sentences names a person, thing, animal, place, or event.
  • Tuklasin: read the story “Ang Magkapatid.”
  • Suriin: answer questions about the story, then read the explanation and examples of nouns.
  • Pagyamanin: eight practice sets. In the guided ones (Pinatnubayan), learners solve a picture crossword (moon, cup, grapes, turtle, dog), answer questions about the poem “Ang Mag-anak” (The Family), and label nouns T, B, H, L, or P. In the independent ones (Malayang), learners complete sentences using picture words, sort 16 nouns into a table by type, and match clues to nouns.
  • Isaisip: fill in the blanks of the definition of a noun.
  • Isagawa: choose the right noun to complete five sentences.
  • Tayahin (final test): five fill-in-the-blank items about a mother getting her child ready for school.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): write one noun of each type and use each in a sentence.

How to use this module

  • Learners: Take the Subukin first to see what you already know, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and ask your teacher if something is hard to understand.
  • Parents and facilitators: The module’s note for teachers asks the adult to guide the learner through the Pinatnubayang Pagsasanay (guided practice). Help with reading the story and poem aloud if needed.
  • Teachers: The answer key covers every activity. For the Karagdagang Gawain, it asks you to check and correct the nouns the learner wrote.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 2 MTB-MLE, Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 3 of the quarter.

What is a salitang ngalan?

A salitang ngalan, also called a pangngalan, is a noun. It names a person, thing, animal, place, or event, and is usually what a sentence talks about or describes.

What competency does this module cover?

It covers MT2GA-Ia-2.1.1: identifying and using naming words (nouns) in sentences.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, all practice activities, the Isaisip, Isagawa, and the final test.

What story is used in the lesson?

The lesson uses “Ang Magkapatid,” a story about siblings Akira and Akina, who grow vegetables in their backyard during vacation and sell them at the market to help pay for their school supplies.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 3: Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan

CO_Q1_MTB 2_Module 3

[illustration: children reading and studying outdoors under a tree, a woman teacher helping a student at a desk, and a boy with a lamp writing on paper beside a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

MTB-MLE – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Novina Ramirez

Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay PhD

Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor

Tagaguhit: Novina Ramirez

Tagalapat: Cristina T. Fangon

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph

2

MTB-MLE

Unang Markahan – Modyul 3: Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makatutukoy at makagagamit ng mga salitang ngalan sa pangungusap.

MT2GA-Ia-2.1.1

Subukin

Panuto: Piliin sa kahon ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat sa papel ang letra ng tamang sagot mula sa kahon.

[transcriber’s note: the answer choices are printed in a box in two columns; they are listed here in reading order]

a. Bagong Taon b. kalabaw c. paaralan d. lapis e. doctor f. Mahal na Araw

_____1. Gumagamot sa mga taong maysakit. _____2. Dito tayo natututo ng pagbasa at pagsulat. _____3. Hayop na katulong ng magsasaka sa pagtatanim. _____4. Ginagamit na panulat sa papel at kuwaderno. _____5. Ipinagdiriwang ito sa unang araw ng taon.

Aralin 1 Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng magandang pagbubuklod ng pamilya. Naipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagtutulungan sa mga gawaing-bahay. Gayundin sa masayang pagsasalo-salo at kuwentuhan kung may pagdiriwang. Nagdadamayan at nagkakaisa tayo upang malutas ang anumang problema. Ikaw, tumutulong ka ba sa iyong pamilya?

Sa ating kuwento, kilalanin natin ang mga salitang ngalan na tumutukoy sa tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. Alamin din ang mabuting aral na gustong ibahagi ng kuwento sa atin.

Balikan

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang salitang may salungguhit ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.

[transcriber’s note: the words in items 1 to 5 are underlined in the original]

_____1. Ang kalabaw ay katulong ng magsasaka sa bukid. _____2. Nagtanim sila ng mga halaman sa kanilang bakuran. _____3. Sa Sabado gaganapin ang kaarawan ni Lina. _____4. Umani ng gulay ang magkapatid. _____5. Bibili sila ng lapis at kuwarderno bago magpasukan.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Ang Magkapatid

[illustration: two children wearing wide-brimmed hats, kneeling in a garden and pulling up vegetables]

Sumapit na naman ang bakasyon. Nagkasundo ang magkapatid na Akira, at Akina na magtanim ng mga gulay tulad ng talong, okra, kamatis, petsay, labanos, kamote, at mustasa sa kanilang bakuran. Araw-araw ay dinidiligan at inaalisan ng damo ang mga pananim. Hindi nila hinayaang masira ito ng mga kulisap. Kinakausap nila ang kanilang mga pananim upang magbunga ng marami. Natuwa ang magkapatid nang maitinda nilang lahat ang mga inaning gulay sa palengke. Hindi na iisipin pa ng kanilang magulang ang pambili ng mga kagamitan para sa kanilang pag-aaral.

Suriin

Balikan natin ang kuwento upang mas makilala natin kung ano ang salitang ngalan.

Panuto: Sagutan ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento. Isulat ang letra ng iyong sagot.

  1. Ano ang pamagat ng kuwento?
    a. Ang Kapitbahay
    b. Ang Magulang
    c. Ang Magkapatid


  2. Sino ang magkapatid sa kuwento?
    a. Ara at Ana
    b. Akina at Akira
    c. Alma at Alena


  3. Aling mga salitang sa kuwento ang tumutukoy sa pook?
    a. bahay at plasa
    b. bangko at palengke
    c. bakuran at palengke


  4. Hindi nila hinayaang masira ito ng mga kulisap. Ano ang ngalan ng hayop ang tinukoy sa pangungusap?
    a. kulisap
    b. kalabaw
    c. kabayo


  5. Anong salita sa kuwento ang tumutukoy sa ngalan ng bagay?
    a. dinidiligan
    b. bakuran
    c. gulay


Ano ang salitang ngalan?

Ang salitang ngalan ay tinatawag na pangngalan. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

Karaniwan, ito ang pinag-uusapan o inilalarawan sa pangungusap.

Narito ang mga halimbawa ng mga salitang ngalan.

TaoBagayPook
guroPrutasSimbahan
nanaySabonParke
kaibiganpapelospital
HayopPangyayari
asoPasko
pusaAraw ng Kalayaan
kambingkasalan
Mga Tala para sa Guro

Patnubayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga Pinatnubayang Pagsasanay.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Kilalanin ang bawat larawan at isulat ang sagot sa angkop na kahon upang mabuo ang puzzle. Gumawa ng puzzle sa sagutang papel.

Pahalang

  1. [illustration: crescent moon with a face]
  2. [illustration: cup]

Pababa

  1. [illustration: bunch of grapes]
  2. [illustration: turtle]
  3. [illustration: dog]

[chart: crossword puzzle grid; numbered cells 2., 3., 1., 4., 5. as printed. Values are not labeled on the chart.]

Pinatnubayang Pagtatasa 1

Panuto: Basahin ang teksto. Sagutan ang mga tanong upang makilala ang ngalan na tinutukoy. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Mag-anak

Haligi ng tahanan ang aking ama Binibigyang liwanag naman ni ina. Sina ate at kuya katuwang sa gawain Madaling matatapos ano mang gawin.

Sa bawat pagngiti naman ni bunso Pampawala ng pagod kanyang trabaho. Sama-samang mag-anak puno ng kagalakan Sa puso’t isipan wagas na pagmamahalan.

  1. Sino ang haligi ng tahanan?
  2. Sino ang nagbibigay ng liwanag sa tahanan?
  3. Sino-sino ang katuwang sa gawain?
  4. Ano ang nagpapawala sa pagod ng mag-anak?
  5. Ano ang nararamdaman ng mag-anak?
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang mga nakatalang ngalan. Isulat ang letrang T kung tao, B kung bagay, H kung hayop, L kung lugar at P kung pangyayari.

_____ 1. Palengke

_____ 2. lapis

_____ 3. lolo

_____ 4. Lungsod ng Balanga

_____ 5. Araw ng Kalayaan

Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Kilalanin ang pangngalang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang T para sa tao, B para sa bagay, H para sa hayop, L para sa lugar at P para sa pangyayari.

_______1. Naghahatid ng saya ang alaga nilang pusa.

_______2. Nagluluto si nanay ng masarap na meryenda.

_______3. Abala sila sa nalalapit na pista.

_______4. Isa siyang gurong may puso sa pagtuturo.

_______5. Masarap mamasyal sa tabing dagat tuwing umaga.

Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Piliin ang angkop na salitang ngalan ng mga larawan upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang tamang letra.

a. bahay [illustration: house] b. araw [illustration: sun] c. isda [illustration: fish]

d. kalabaw [illustration: carabao] e. libro [illustration: stack of books]

  1. Mahilig sa ___________ ang pusa.
  2. Ang sikat ng ___________ ay mainit sa balat.
  3. Katulong ng magsasaka ang hayop na ___________.
  4. Sama-sama silang nagliinis ng ___________.
  5. Palaging nagbabasa ang bata ng ___________.
Malayang Pagtatasa 1

Panuto: Pangkatin at isulat ang mga sumusunod na ngalan sa tamang kolum ng talahanayan.

parke kamote magsasaka ospital
kasalan palengke binyag mag-aaral
mesa pulis tigre upuan
kaarawan usa Pilipino kabayo

TaoHayopBagay
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
LugarPangyayari
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
Malayang Pagsasanay 2

Panuto: Piliin mula sa kahon ang tamang ngalan na bubuo sa bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

a. gulay c. Araw ng Kalayaaan e. paaralan
b. pamilya d. uniporme

  1. Ang _______ ay masayang namamasyal sa parke.
  2. Magandang libangan ang pagtatanim ng mga _____.
  3. Kupas na ang aking mga ________ pamasok sa paaralan.
  4. Ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo ang ________.
  5. Lilipat na ng ibang _______ ang aking kaibigan kaya ako ay nalulungkot.
Malayang Pagtatasa 2

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na ngalang tumutukoy dito.

Araw ng Patay mangingisda
langgam bulaklak parol

_________1. Isinasabit ito sa bahay tuwing Pasko.

_________2. Dinadapuan ng paruparo sa halaman.

_________3. Ang tawag sa taong nanghuhuli ng isda.

_________4. Araw ito ng pag-alaala sa mga taong namayapa na.

_________5. Isang uri ng insektong mahilig mag-imbak ng pagkain.

Isaisip

Ang _______________ ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng __________, __________, ___________, ___________, at _____________.

Karaniwan, ang pangalan ang pinag-usapan o inilalarawan sa pangungusap.

Isagawa

Panuto: Piliin ang wastong ngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

  1. Abala ang magkakapatid sa pag-aasikaso ng ________ ng kanilang nanay.

    • a. kaarawan
    • b. Pasko
    • c. pista
  2. Maputi ang buhangin sa __________ kaya doon namin naisipang mamasyal.

    • a. paaralan
    • b. Isla ng Boracay
    • c. bundok
  3. Umarkila ng _________ ang aking kapatid para masundo sa Baguio ang kanyang anak.

    • a. traysikel
    • b. bisikleta
    • c. kotse
  4. Nakalimutan ni lola ang kanyang ________para sa pamamalengke.

    • a. banig
    • b. basket
    • c. kumot
  5. Namitas ng mangga si Kuya Miyong para ibigay sa kanilang _______.

    • a. aso
    • b. panauhin
    • c. kalabaw

Tayahin

Panuto: Punan ng angkop na ngalan ang bawat patlang. Isulat ang letra nang wastong sagot.

  1. Maagang bumangon si ________ para magluto ng almusal.

    • a. nanay
    • b. bunso
    • c. guro
    • d. tindera
  2. Inihanda din niya ang _________ isusuot ng kanyang anak sa pagpasok sa paaralan.

    • a. uniporme
    • b. relo
    • c. kuwintas
    • d. sumbrero
  3. Inilagay ni nanay ang tinapay sa loob ng ________ ng kanyang anak.

    • a. basket
    • b. bulsa
    • c. baunan
    • d. kaldero
  4. Bago lumabas ng bahay ang kanyang anak ay nagpaalam muna siya kay Loro, ang kanyang alagang _________.

    • a. pusa
    • b. isda
    • c. aso
    • d. ibon
  5. Inihatid siya ng tanaw ng kanyang nanay habang naglalakad siya patungo sa ________.

    • a. simbahan
    • b. paaralan
    • c. palengke
    • d. ospital
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang halimbawa ng pangngalan na tumutukoy sa bawat uri nito. Isulat nang wasto at gamitin sa pangungusap ang mga pangalan na sinulat.

  1. Tao

  1. Bagay

  1. Hayop

  1. Lugar

  1. Pangyayari

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the tables below are transcribed in reading order, and some wrapped cell text is split across lines as printed, so a few cells may be incomplete or uncertain]

[illustration: key icon beside the heading “Susi sa Pagwawasto”]

Subukin, Balikan, Suriin

SubukinBalikanSuriin
1. E1. Hayop1. C
2. C2. Pook2. B
3. B3. Pangyayari3. C
4. D4. Tao4. A
5. A5. Bagay5. C

Pagyamanin: Pinatnubayang Pagsasanay 1, Pinatnubayang Pagtatasa 1, Pinatnubayang Pagsasanay 2, Pinatnubayang Pagtatasa 2

Pinatnubayang Pagsasanay 1Pinatnubayang Pagtatasa 1Pinatnubayang Pagsasanay 2Pinatnubayang Pagtatasa 2
1. buwan1. Ama1. L1. H
2. ubas2. Nagbibigay liwanag2. B2. T
3. pagong3. Ate at kuya bunso3. T3. P
4. tasa4. ngiti ni4. L4. T
5. aso5. Puno ng pagmamahalan5. P5. L

Pagyamanin: Malayang Pagsasanay 1, Malayang Pagtatasa 1, Malayang Pagsasanay 2, Malayang Pagtatasa 2

Malayang Pagsasanay 1Malayang Pagtatasa 1 [?]Malayang Pagsasanay 2Malayang Pagtatasa 2
1. C1. pulis, magsasaka, mag-aaral – Tao
Pilipino, mag-aaral – Pilipino [?]
kamote, mesa, upuan – Bagay
usa, tigre, kabayo – Hayop
parke, palengke, ospital – Lugar
kasalan, kaarawan, binyag – Pangyayari
1. B1. Parol
2. B2. A2. Bulaklak
3. D3. D3. Mangingisda
4. A4. C4. Araw ng mga patay
5. E5. E5. langgam

[transcriber’s note: in the Malayang Pagtatasa 1 column, the printed text is split across lines and the grouping of “Pilipino, mag-aaral” is uncertain; the category labels are transcribed as printed]

Isaisip, Isagawa, Tayahin, Karagdagang Gawain

IsaisipIsagawaTayahinKaragdagang Gawain
Pangngalan hayop, tao, bagay, lugar at pangyayari1. a
2. b
3. c
4. b
5. b
1. a
2. a
3. c
4. d
5. b
Suriin at itama ang mga pangngalang isinulat ng mag-aaral

Sanggunian

Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district