Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul na ito.
Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang mga sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin:
Kasanayang Pampagkatuto:
- Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
Layunin:
1. nasusuri ang mga dayalogong ginagamit sa mga pelikula;
2. nasusuri ang kulturang nakapaloob sa mga pelikula; at
3. nabibigyang-halaga ang mga pelikulang Pilipino.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.