This is Module 4 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School subject. Its title, “Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan,” means the language situation in education, government, and business. After the lesson, learners should be able to explain out loud how Filipino, English, and other languages are used in these three fields, and choose the right language for each one.
The module is a self-learning module (SLM) published by DepEd Region 4A CALABARZON (First Edition, 2021). It is written in Filipino and has a pretest, activities, a final test, and an answer key.
On this page 6 sections
What learners will learn
The learning competency (kasanayang pampagkatuto) printed in the module is:
- Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang anyo at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (explains orally the different forms and ways of using language in different situations), F11PS-IIb-89
The module’s objectives (layunin) are that learners:
- Explain orally the form (anyo) of language use in business, government, and education.
- Explain orally the way (paraan) language is used in business, government, and education.
- Use the appropriate language for business, education, and government.
Language in education, government, and business
The lesson, Aralin 4, starts from a simple point: many Filipinos use English at different levels even though the Philippines has a national language. English is still strong in education and print media, while Filipino is used in local communication and TV shows.
Sitwasyong pangwika sa edukasyon (education)
- In 2003, former President Gloria Macapagal-Arroyo signed Executive Order 210, which aimed to strengthen teaching and learning using English in basic education.
- Under the newer K to 12 curriculum signed by former President Benigno C. Aquino III, the learner’s mother tongue became the official language of instruction from Kindergarten to Grade 3 in public and private schools. This is Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Filipino and English are still used and taught in higher grades.
- Former Secretary Armin Luistro explained that using the home language in the early grades helps develop learners’ language and thinking and strengthens their socio-cultural awareness.
- Because of the new curriculum, CHED’s General Education Curriculum was reduced from 60 units to 36 units, and the Filipino subject was removed in college.
Sitwasyong pangwika sa pamahalaan (government)
- Former President Corazon C. Aquino’s Atas Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 (Executive Order No. 335, series of 1988) widened the use of Filipino across levels and branches of government.
- Former President Benigno C. Aquino III used Filipino in his State of the Nation Address (SONA) so ordinary citizens could understand him.
- Today, Filipino is used in official government hearings, but officials sometimes use code switching, especially for technical words with no ready Filipino equivalent.
Sitwasyong pangwika sa kalakalan (business)
- Using a leading brand name as the generic name of a product is one effect of trade on Filipino, and it can confuse buyers and sellers.
- Call center agents in the Philippines use English because their clients are foreign.
- Multinational companies mostly use English in memos, contracts, business letters, press releases, and print ads, since they target a wider range of consumers.
- Filipino and its varieties remain the language of markets, factories, and workplaces, and of product commercials meant to win over local buyers, often with famous endorsers.
Forms and levels of language
The Karagdagang Kaalaman (additional knowledge) part explains two more ideas.
Anyo ng wika (forms of language). Speaking is the simplest form, but writing, sign language, music, painting, dance, and even mathematics count as language in its broad sense.
Kategorya ng paggamit ng wika (categories of language use).
| Category | Type | Meaning |
|---|---|---|
| Pormal (formal) | Pambansa o karaniwan | Common words used in grammar books, schools, and government |
| Pormal (formal) | Pampanitikan o panretorika | Deep, colorful, artistic words used in literature |
| Impormal o di-pormal (informal) | Lalawiganin | Regional or dialect words used in certain places |
| Impormal o di-pormal (informal) | Balbal | Slang that comes from changing times and the street |
| Impormal o di-pormal (informal) | Kolokyal | Everyday words, including shortened forms such as mayroon to meron and ayaw ko to ayoko |
How to use this module
The module follows the usual SLM parts. Answer everything on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it.
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions on language use in the three fields.
- Balikan (review): 5 questions on lines from Filipino films such as One More Chance, Seven Sundays, Kita Kita, and Miss Granny.
- Tuklasin and Karagdagang Kaalaman: the main reading.
- Suriin: explain to a friend the meaning of “No return, no exchange,” “Do you have any question, class?” and “Vote wisely!” and record the talk on a phone.
- Pagyamanin: explain how the right language persuades people to vote for a politician, buy a product, or join a school activity.
- Isaisip: write and perform a spoken poetry piece and post the video on your section’s Facebook page.
- Isagawa: create a jingle, rap, or speech promoting the right language for each field.
- Tayahin (final test): 15 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain: write spoken word poetry proving Filipino is widely used in government, education, and business.
Each performance task has a scoring rubric of 2 to 10 points. The Susi sa Pagwawasto (answer key) covers Subukin, Balikan, and Tayahin.
- Learners: take the pretest honestly before reading, and contact your teacher if a part is unclear.
- Parents and guardians: help with recording and posting the performance tasks, and check that the answer key is used only after answering.
- Teachers: the module’s teacher note asks you to give clear directions, check that they are followed, and remind learners to answer honestly.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 2, Module 4. Its competency code, F11PS-IIb-89, is a Grade 11 code.
What competency does the module cover?
It covers F11PS-IIb-89: explaining orally the different forms and ways of using language in different situations, focused on education, government, and business.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, the Balikan review, and the Tayahin final test.
What is MTB-MLE?
Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education makes the learner’s first language the official language of instruction from Kindergarten to Grade 3, while Filipino and English are still taught in higher grades.
Why do call centers use English?
According to the module, call center agents use English because the clients they serve are foreigners, even though the agents are based in the Philippines.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan
Senior High School
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan
[illustration: students reading under a tree, a teacher with students at a desk, a child by a lamp writing, and two students with a globe]
CO_Q2_KPWKP SHS Module 4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Imelda H. Aglibot Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr., Leilani E. Vizarra, Maria Ildena L. Cuadro, Randy Ciruelos, Shaine Rita I. Krebs Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Crusado, Kaycee Lheine G. Cortez Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a circular button]
Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang mga sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin:
Kasanayang Pampagkatuto:
- Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang anyo at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS-IIb-89)
Layunin:
- Naipaliliwanag nang pasalita ang anyo ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon
- Naipaliliwanag nang pasalita ang paraan ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon
- Nagagamit ang angkop na wikang dapat gamitin sa kalakalan, edukasyon at pamahalaan
1 CO_Q2_KPWKP SHS Module 4
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang mga sumusunod na kasanayan.
A. Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon?
a. “Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”.
b. “Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!”
c. “Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!”
d. “Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website?
a. Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika.
b. Ingles ang itinuturing na universal language.
c. Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa website.
d. Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles.Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?
a. Walang katumbas na linya sa Ingles
b. Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin.
c. Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.
d. Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
a. Big SALE!
b. Bagsak-presyo!
c. Pwede utang!
d. Buy 1 Take 2!Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?
a. paggamit ng Pilipino
b. pag-aaral gamit ang Filipino
c. bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles
d. paggamit ng diyalekto sa ugnayan
2 CO_Q2_KPWKP SHS Module 4
Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?
a. Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa
c. Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.
d. Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang FilipinoIto ang layunin kaya nilagdaan at ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 210 noong 2003.
a. Hindi naging matagumpay ang bilingguwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
b. Layunin nitong makatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang Filipino kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.
c. Layunin nitong maipalaganap ang paggamit ng mga opisyal na wika ng bansa.
d. Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto sa pamamaraang paggamit ng wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.Ano pamamaraang sa wikang ginamit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mahahalagang panayam at talumpati tulad ng State of the Nation Address (SONA)?
a. Pormal na wikang Filipino, dahil may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang ito si dating Pangulong Corazon C. Aquino.
b. Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang inihahatid na mensahe.
c. Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.
d. Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.Ito ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.
a. Maaaring maipalabas sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang patalastas.
b. Makapagbibigay ito ng pagkakataon upang pasikatin ang mga endorser ng produkto.
c. Makatutulong ito upang maakit ang mamimili na tangkilikin ang produkto.
d. Makatutulong ito upang maintindihan ang palitan ng diyalogo ng mga artistang nag-eendorso ng produkto.Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang mother tongue o unang wika sa K to 12 Kurikulum?
3 CO_Q2_KPWKP SHS Module 4
a. Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kinagisnang wika sa pakikipagkomunikasyon. b. Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin. c. Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural. d. Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging ang Filipino.
Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo, pamilihan, direct selling, at production line ay nananatiling ____.
a. Pormal
b. Di- Pormal
c. Balbal
d. PampanitikanAng paraan ng wikang gagamitin ayon sa polisiyang “Mother Tongue Based Multi-Lingual Education.
a. Wikang Ingles ang pananatilihing wika sa paaralan.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa paaralan
c. Filipino at ibang diyalektal ang gagamitin sa paaralan.
d. Ingles ang pinananatiling gamiting panturo hanggang sa mataas na antas.Ang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan gamit ang wika ng mga namamahala ng tinatawag na multinational companies at Business Process Outsourcing (BPO).
a. Pormal na ginagamit ang kanilang wikang diyalektal.
b. Pormal na ginagamit ang wikang Ingles.
c. Impormal na pakikipag-ugnayan upang tangkilikin ang produkto.
d. Pormal at wikang FilipinoSiya ang nagtaguyod upang maipalaganap ang paggamit ng wikang Filipino sa pamahalaan.
a. Pangulong Corazon C. Aquino
b. Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
c. Pangulong Ferdinand E. Marcos
d. Pangulong Fidel V. RamosSa paanong paraan nagagamit ang wika sa merkado, pabrika, at sa mga pagawaan.
a. diyalektal at gumagamit ng balbal na salita
b. nananatiling Filipino at gumagamit ng iba’t ibang barayti nito
c. pormal na pakikipag-ugnayan sa Filipino at Ingles
d. paggamit ng monolingguwal
4 CO_Q2_KPWKP SHS Module 4
Aralin 4 Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan
Ang araling ito ay lubos na makatutulong sa pag-unawa sa kalagayan ng ating wika pagdating sa paggamit sa iba’t ibang larangan tulad ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay isagawa mo ang mga susunod na gawain nakatala dito.
Balikan
Panuto: Suriin ang mga pamagat at dayalogo sa pelikula at sagutin ang mga tanong kaugnay nito tungkol sa lingguwistiko at kultural na ugnayan nito sa sitwasyong pangwika Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat…and you chose to break my heart.” (Popoy – One More Chance) Anong wika ang ginamit sa pahayag?
a. Barayti ng Filipino
b. Code Switching
c. Ingles
d. TagalogGusto ko magkakasama tayo bago ako makipagkita kay San Pedro. Tutal pitong linggo na lang naman.” (Tatay – Seven Sundays) Alin sa mga kultura ng Pilipino ang mahihiwatigan sa pahayag?
a. Close Family Ties
b. Extended Family
c. Pamamanhikan
d. PiyestaAnong nais ipahiwatig ni Tonyo sa pelikulang Kita Kita nang sabihin niya kay Lea na “Alam mo click tayo.”?
a. Bagay sila
b. Magkaibigan na sila
c. Pumindot na sila
d. Magkapatid sila.Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage?
a. Bagaheng di nakailangan
b. Dating kasintahan
c. Lumang maleta
d. Sobrang bagahe“Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey – Miss Granny). Anong kultura ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?
a. Paghihigpit ng magulang
b. Pagpapahalaga sa anak
c. Pagpapahalaga sa magulang
d. Pagtitiis ng hirap
Mga Tala para sa Guro
Tiyaking malinaw at maayos ang pagbibigay ng panuto. Alamin kung nasusunod ito nang wasto. Ipaalala sa mag-aaral na laging maging matapat sa pagsagot sa mga gawain,
Tuklasin
Maraming Pilipino ang naiimpluwensyahan at gumagamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas. Subalit hindi maitatatwa na Ingles pa rin ang ginagamit sa sistema ng edukasyon at print media, kaya itinuturing pa ring makapangyarihan ang wikang Ingles sa ating lipunan at dominanteng wika sa edukasyon.
Sa kasalukuyan, wikang Filipino ang ginagamit sa pamamahala, lehislatura at mga korte sa Pilipinas, ngunit Ingles pa rin ang namamayaning wika na ginagamit ng mga mambabatas at ng mga pulitiko. Gayondin sa mga intelektuwal na usapin, komersyo o negosyo ay Ingles din ang ginagamit habang Filipino naman sa lokal na komunikasyon at mga palabas sa telebisyon.
Binigyang-diin ni Boudieu (1991) sa kanyang Language and Symbolic Power na ang pagkakaroon ng lehitimong wika sa isang lipunan ang nagpapatatag sa ekonomiya at pulitika ng isang bansa kung gagamitin ito bilang wika sa pagunlad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
Taong 2003 nang lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ipatupad ang Executive Order 210 na may pangkalahatang layunin na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno C. Aquino III, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man – Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Sa kurikulum na ito pinanatili ang wikang Filipino at Ingles na gamitin at ituro pa rin sa mga paaralan maging sa mas mataas na antas.
Binigyang-diin ni dating Kalihim Armin Luistro na ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral. Makapagpapatibay din sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.
Dahil sa bagong kurikulum, binago rin ang asignaturang itinatadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa General Education Curriculum (GEC), ginawa itong 36 units na lamang at inalis na rin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Ang pagsunod sa mga pamantayan na inilalabas ng DepEd, CHED at ng KWF ay makatutulong sa mag mag-aaral upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng Ingles upang mas maunawaan nila ang mga aralin na pinag-aaralan.
SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
Isa sa malaking kontribusyon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988. Nakatulong ito upang maging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
Maging si dating Pangulong Benigno C. Aquino III ay itinaguyod din ang pagpapahalaga sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang Filipino sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon sa kanya, mas makabubuti na maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang sinasabi.
Sa kasalukuyan, wikang Filipino na rin ang ginagamit sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan subalit may mga pagkakataon na gumagamit ng code switching ang mga nanunungkulan sa gobyerno lalo na kapag teknikal ang mga salita o sadyang walang mahanap na katumbas nito sa Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN
Masasabing malaki ang epekto ng pangangalakal sa wika ng isang bansa sapagkat sa pakikipagtalastasan nagaganap ang pakikipagkalakalan. Isa sa epekto ng kalakalan sa wikang Filipino ay ang paggamit sa tatak ng isang pangunahing produkto bilang generic name nito na nagdudulot ng kalituhan sa mga mamimili at nagtitinda.
Dahil sa pagbabagong nagaganap sa mundo, nagbabago rin ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng tao. Umusbong sa bansa ang call center na nagbigay ng bagong trabaho para sa mga Pilipino. Ingles ang wikang ginagamit ng mga call center agent bagamat nakabase sa Pilipinas sapagkat dayuhan ang mga kliyente na kanilang binibigyan ng serbisyo.
Sa mga tanggapan ng malalaking kumpanya na tinatawag na multinational companies wikang Ingles din ang higit na ginagamit. Maging ang mga inilalabas na memo, kontratang pinapipirmahan at mga liham-pangangalakal ay nakasulat sa wikang Ingles. Ang mga press release na inilalathala sa social media, maging sa print advertisement tulad sa broadsheet at magazine ay ito rin ang ginagamit sapagkat mas malawak na uri ng konsyumer ang kanilang target at hindi lamang nakatuon sa mga Pilipino.
Subalit sa kabilang banda, mapapansin na pinanatili ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang barayti nito sa mga merkado sa bansa at maging sa mga pabrika at pagawaan. Filipino rin ang ginagamit na wika sa mga patalastas ng produkto upang mahikayat ang mamamayan na tangkilikin ito. Naniniwala ang mga prodyuser na kapag sikat na artista o endorser ang kanilang kinuha ay mahihikayat ang mga mga mamimili na tangkilikin at bumili ng kanilang produkto.
Karagdagang Kaalaman
ANYO NG WIKA
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo) ang wika.
KATEGORYA NG PAGGAMIT NG WIKA
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.
Pormal
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapagaral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
- Pambansa o karaniwan – mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
- Pampanitikan o panretorika – mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Impormal o di pormal
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:
Lalawiganin – mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
Balbal – mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
Kolokyal – mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa: Mayroon-meron ayaw ko-ayoko nasaan-nasa’
Suriin
Panuto: Ipaliwanag mo sa isang kaibigan o kakilala ang kahulugan o layunin ng sumusunod na pahayag at kung saan ito karaniwang makikita o ginagamit. Sikaping i-record sa iyong mobile phone ang inyong usapan upang mapakinggang muli.
- “No return, no exchange”
- “Do you have any question, class?”
- “Vote wisely!”
Panuto: Bilugan sa talahanayan ang iyong puntos sa gawaing ito batay sa naging pagpapaliwanag.
Pamantayan sa Pagmamarka
| PUNTOS | PAMANTAYAN |
|---|---|
| 10 | Lubusang naunawaan ng aking kaibigan ang kahulugan o layunin ng lahat ng pahayag na ipinaliwanag ko sa kanya at kung saan ito ginagamit o makikita. |
| 8 | Naunawaan ng aking kaibigan ang kahulugan o layunin ng 2 (dalawa) sa pahayag na ipinaliwanag ko sa kanya at kung saan ito ginagamit o makikita. |
| 6 | Naunawaan ng aking kaibigan ang kahulugan o layunin ng 1(isa) sa pahayag na ipinaliwanag ko sa kanya at kung saan ito ginagamit o makikita. |
| 4 | Hindi gaanong naunawaan ng aking kaibigan ang kahulugan o layunin ng lahat ng pahayag na ipinaliwanag ko sa kanya at kung saan ito ginagamit o makikita. |
| 2 | Walang naunawaan ang aking kaibigan sa kahulugan o layunin kahit isa man sa pahayag na ipinaliwanag ko sa kanya subalit alam niya kung saan ito ginagamit o makikita. |
Pagyamanin
Sa bahaging ito ay higit mo pang paunlarin ang iyong kaalaman sa aralin kaya iyong ipagpatuloy ang gawaing nakatala sa ibaba
Panuto: Sa pamamagitan ng mga nakikita at napapanood sa mga kaganapan sa ating pamahalaan, sa edukasyon at sa mga patalastas sa telebisyon, ipaliwanag mo kung paano nakatutulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang mahikayat ang mga tao na:
- iboto ang isang pulitiko
- tangkilikin ang isang produkto
- makiisa sa gawaing pampaaralan
Bilugan sa talahanayan ang iyong puntos sa gawaing ito.
| PUNTOS | PAMANTAYAN |
|---|---|
| 10 | Naipaliwanag ko sa vlog kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat ng tao at may nagbigay ng 3 (tatlo) na positibong komento. |
| 8 | Naipaliwanag ko sa vlog kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat ng tao at may nagbigay ng 2 (dalawa) na positibong komento. |
| 6 | Naipaliwanag ko sa vlog kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat ng tao at may nagbigay ng 1 (isa) na positibong komento. |
| 4 | Hindi ko gaanong naipaliwanag nang maayos at malinaw ang tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat. |
| 2 | Hindi ko naipaliwanag nang maayos at malinaw ang tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat. |
[transcriber’s note: the printed folio on this page reads 13; the marker follows the requested sequence]
Isaisip
Ang bahaging ito ay naglalaman ito ng mga katanungan upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Panuto: Subukin mong gumawa ng isang spoken poetry na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon.
Ang hamon ko sa iyo ay bigkasin mo ang iyong nagawang spoken poetry at i-post ang video nito sa Facebook page ng inyong seksyon upang marinig ng mas nakararami ang iyong nais ipaliwanag tungkol sa paraan ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon.
Bilugan sa talahanayan ang iyong puntos sa gawaing ito.
| PUNTOS | PAMANTAYAN |
|---|---|
| 10 | Nabigkas ko nang maayos at nai-post ko ang video sa FB ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon at nakatanggap ako ng 3 (tatlo) na positibong komento ukol dito. |
| 8 | Nabigkas ko nang maayos at nai-post ko sa FB ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon at nakatanggap ako ng 2 (dalawa) na positibong komento ukol dito. |
| 6 | Nabigkas ko at nai-post ko sa FB ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon at nakatanggap ako ng 1 (isa) na positibong komento ukol dito. . |
| 4 | Hindi ko nabigkas at ‘di ko nai-post sa FB ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon subalit ipinarinig ko ito sa ilang mga kaibigan at kakilala. |
| 2 | Hindi ko nabigkas at ‘di ko nai-post sa FB o sa kaibigan ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Subukin natin kung paano mo naisakatuparan ang iyong pagkatuto sa araling nakapaloob dito.
Panuto: Gumawa ng isang jingle, rap, o talumpati (pumili lamang ng isa ayon sa kakayahan) na maaaring makatulong upang mapalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Iparinig ito sa mga kaibigan, pabigyan ito ng puntos ayon sa sumusunod na pamantayan. (Iangkop ang iyong puntos ayon sa bilang ng mga taong nakarinig ng iyong ginawang jingle, rap o talumpati).
Paksa
Pamantayan sa Pagmamarka
| PUNTOS | PAMANTAYAN |
|---|---|
| 10 | Gustong-gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag dito kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
| 8 | Gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag dito kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
| 6 | Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati bagamat naipaliwanag kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
| 4 | Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat hindi malinaw na naipaliwanag kung paano maipalalaganap angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
| 2 | Walang dating para sa akin ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati, sapagkat hindi naipaliwanag nang maayos at kulang sa kaisipan kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. |
Tayahin
“Kapag may simula ay mayroon ding wakas!” Tiyakin natin ang iyong pagkatuto.
Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?
a. Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa.
c. Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.
d. Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang Filipino.Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?
a. Walang katumbas na linya sa Ingles
b. Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin
c. Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.
d. Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
a. Big SALE!
b. Bagsak-presyo!
c. Pwede utang!
d. Buy 1 Take 2!Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?
a. paggamit ng Pilipino
b. pag-aaral gamit ang Filipino
c. bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles
d. paggamit ng diyalekto sa ugnayanIto ang layunin kaya nilagdaan at ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 210 noong 2003.
a. Hindi naging matagumpay ang bilingguwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
b. Layunin nitong makatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.c. Layunin nitong maipalaganap ang paggamit ng mga opisyal na wika ng bansa.
d. Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.Ano pamamaraang sa wikang ginamit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mahahalagang panayam at talumpati tulad ng State of the Nation Address (SONA)?
a. Pormal na wikang Filipino, dahil may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang ito si dating Pangulong Corazon C. Aquino.
b. Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang inihahatid na mensahe.
c. Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.
d. Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.Ito ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.
a. Maaaring maipalabas sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang patalastas.
b. Makapagbibigay ito ng pagkakataon upang pasikatin ang mga endorser ng produkto.
c. Makatutulong ito upang maakit ang mamimili na tangkilikin ang produkto.
d. Makatutulong ito upang maintindihan ang palitan ng diyalogo ng mga artistang nag-eendorso ng produkto.Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang Mother Tongue o unang wika sa K to 12 Kurikulum?
a. Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kinagisnang wika.
b. Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin.
c. Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyokultural.
d. Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging ang Filipino.Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo ay nananatiling ____.
a. Diyalekto
b. Filipino
c. Ingles
d. TagalogAng alituntunin ng polisiyang “Mother Tongue Based Multi-Lingual Education.
a. Dayuhang wika ang pananatilihing wika sa paaralan.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa paaralan.
c. Filipino at mga ibang diyalekto ang gagamitin sa paaralan.
d. Ingles at Filipino ang pinanatiling gamiting panturo hanggang sa mataas na antas.Ang wikang nananaig sa merkado, sa mga pabrika, at sa mga pagawaan.
a. Diyalektal
b. Filipino
c. Filipino at Ingles
d. Ingles
12.Sa mga naiisip na sari-saring panghikayat ang mga kandidato tuwing sasapit ang eleksyon (tulad ng JINGLE), anong wika ang kadalasang nakapaloob dito? a. pormal b. di- pormal c. balbal na salita d. diyalektal
13.Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website? a. Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika. b. Ingles ang itinuturing na universal language. c. Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa website. d. Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles.
14.Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo, pamilihan, direct selling, at production line ay nananatiling ____. a. Pormal b. Di- Pormal c. Balbal d. Pampanitikan
15.Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon? a. “Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”. b. “Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!” c. “Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!” d. “Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Pinatunayan sa aralin na ito na ang wikang Filipino ay nagagamit sa iba’t ibang larangan.
Panuto: Sumulat ng Spoken Word Poetry kung paano nagagamit ang angkop na wika sa iba’t ibang larangan batay sa pahayag na nakasulat ng itim na tipo. Bumuo ng sariling pamagat nito at ipaliwanag.
“Batay sa iyong karanasan, patunayan na malawak na ang paggamit ng Wikang Filipino sa pamahalaan, edukasyon at kalakalan”
Paksa
Pamantayan sa pagmamarka
| PUNTOS | PAMANTAYAN |
|---|---|
| 10 | Naipaliwanag nang buong linaw sa spoken word poetry kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang malawak ang wika. Nagbigay ng 3 (tatlo) na patunay. |
| 8 | Naipaliwanag nang malinaw sa spoken word poetry kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang malawak ang wika. Nagbigay ng 2 (dalawa) na patunay. |
| 6 | Naipaliwanag sa spoken word poetry kung paano nakatulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang mapalawak ang wika. Nagbigay ng 1 (isa) na patunay. |
| 4 | Hindi ko gaanong naipaliwanag nang maayos at malinaw ang tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat. |
| 2 | Hindi ko naipaliwanag nang maayos at malinaw ang tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang makapanghikayat. |
Susi sa Pagwawasto
Iwasto ang sagot mula sa panimula at pangwakas na pagtataya na ginawa sa naunang bahagi ng modyul na ito.
[transcriber’s note: the three answer panels are printed upside down; they are transcribed upright below]
Subukin
- A
- D
- D
- A
- C
- A
- D
- B
- C
- C
- B
- C
- B
- A
- B
Balikan
- B
- A
- A
- B
- D
Tayahin
- A
- D
- A
- C
- D
- B
- C
- C
- C
- C
- B
- C
- D
- B
- A
Sanggunian
Alcaraz, Cid. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon City: Educational Resources Corporation.
Bernales, Rolando A. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. 2017. Pinagyamang Pluma – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply