This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 4 MAPEH (Music), Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), published by DepEd Region 4A CALABARZON as a first edition in 2022. It is a self-learning module for Grade 4 learners studying at home with help from a parent, guardian, or older household member. It covers eight weeks of lessons on tempo, musical texture, two-part singing, and harmonic intervals. By the end, learners should be able to sing a simple song with a harmony part.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states these goals for its lessons:
- Use the correct musical terms for fast and slow tempo, largo and presto, and show differences in tempo.
- Identify an ostinato or a descant in a musical sample by listening and by reading the score.
- Recognize solo singing and 2-part vocal or instrumental music.
- Identify the harmonic interval (2 pitches) in a song by listening to and reading music samples.
- Create examples of harmonic intervals (2 pitches).
- Perform a song with harmonic intervals (2 pitches).
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 | Tempo (Largo at Presto) | Tempo as the movement of a song; largo is slow, presto is fast. |
| 2 | Ostinato at Descant | Two ways to make a song’s texture fuller: a repeated pattern (ostinato) and a higher countermelody (descant). |
| 3 | Ang Solo o 2-Part Vocal Instrumental Music (solo or 2-part vocal and instrumental music) | Unison singing compared with two voices singing different tones together. |
| 4 | Ang mga Harmonic Interval ng mga Awit (harmonic intervals in songs) | Harmonic and melodic intervals and how to count them. |
| 5 to 6 | Ang Paglikha ng mga Harmonic Interval (creating harmonic intervals) | Writing harmonic intervals, especially the harmonic third, into song scores. |
| 7 to 8 | Ang Pagsasagawa ng Awit na may Harmonic Interval (performing a song with harmonic intervals) | Singing a song in two parts with a household member and recording the performance. |
Key ideas: tempo and texture
Tempo is the definite movement or pace of a song or piece of music. It can be fast or slow:
- Presto means a fast tempo.
- Largo means a slow tempo.
The module compares two songs. “Mga Alaga Kong Hayop” (my pet animals) is lively. “Lullaby and Goodnight” is slow and gentle. Learners also sort familiar songs such as “Leron-Leron Sinta,” “Sitsiritsit,” and “Sa Ugoy ng Duyan” by tempo, and study the song “Kalesa.”
Texture describes how thick or thin the sounds in a piece of music are. The module teaches two ways to make a song fuller:
- Ostinato is a rhythmic pattern or tune that repeats over and over as an accompaniment. A rhythmic ostinato uses rhythm only, made with body sounds like clapping and stomping. The module’s example is “We Will Rock You” by Queen. A melodic ostinato has both rhythm and melody, with short and long pitched sounds.
- Descant is a melody sung above the main melody at the same time, but different from it. Examples in the module include “Liza Jane” and “Magtanim ay ‘Di Biro.”
Key ideas: two-part singing and harmonic intervals
A song can be sung in unison, where only one tone is heard, or in two or more voices. A 2-part vocal has two tunes sung at the same time, which adds to the song’s texture:
- Soprano is the high female voice, written on the upper part of the score.
- Alto is the low female voice, written on the lower part.
- Tenor is the high male voice, which can also be paired with soprano.
The module’s example is “The Prayer” by Celine Dion and Andrea Bocelli. Learners compare unison and two-part versions of “Manang Biday.”
An interval is the distance between two notes. There are two kinds:
- Harmonic interval: the notes are sung or played at the same time.
- Melodic interval: the notes are sung or played one after another.
Intervals are named from prime (pantay, the same note) through dalawahan (second), tatluhan (third), apatan (fourth), limahan (fifth), animan (sixth), pituhan (seventh), and waluhan (eighth). When counting an interval, always start from the lower note.
The module says the harmonic third is the most common and easiest harmony to add to a song’s main melody. Learners add harmonic thirds to songs like “Bahay Kubo,” “Tiririt ng Maya,” “Are You Sleeping,” and “Leron, Leron Sinta.” Then they sing these songs in two parts with someone at home.
How to use this module
Each lesson follows the PIVOT 4A parts: Introduction (I), Development (D), Engagement (E), and Assimilation (A). The module asks learners to:
- Handle the module with care and write nothing on it. Answer all activities (Gawain sa Pagkatuto) on a separate answer sheet.
- Read the directions carefully before each activity.
- Be honest when doing the activities and checking answers.
- Finish the current activity before moving to the next.
- After each activity, fill in the PIVOT Assessment Card for Learners on page 38. Use a star (did it well), a check (did it with slight difficulty), or a question mark (could not do it or need more help).
- Return the module to the teacher or facilitator when all activities are done.
For learners: Some activities ask you to record a song and send it to your teacher’s Messenger. Follow the rubric given with each task. Each lesson ends with reflection prompts such as “Naunawaan ko na…” (I understood that…).
For parents and guardians: Many tasks need a partner at home. You may be asked to sing the lower part, help with listening to songs, or check the rubric. A piano app on a phone or any instrument at home can help.
For teachers: An answer key (Susi sa Pagwawasto) is on page 37. Recorded performances for Weeks 1, 3, and 7 to 8 are sent through Messenger and scored with the printed rubrics.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Music module for?
It is for Grade 4 MAPEH (Music), Quarter 4. It is a PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region 4A CALABARZON, first edition 2022.
What is the difference between largo and presto?
Both are tempo terms. Presto means a fast tempo, and largo means a slow tempo.
What is the difference between an ostinato and a descant?
An ostinato is a rhythmic pattern or tune repeated over and over as an accompaniment. A descant is a different melody sung above the main melody at the same time.
What is a harmonic interval?
A harmonic interval is two or more related tones sung or played at the same time. A melodic interval has its notes played one after another. The module says the harmonic third is the easiest to add to a melody.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto (answer key) is on page 37. Performance tasks are scored with the rubrics printed beside each activity.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material – Grade 4 MAPEH (Music) – Quarter 4
GRADE 3 – SCIENCE GRADE 4 MAPEH (MUSIC)
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
GRADE 4 MAPEH (MUSIC)
QUARTER 4
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
MELC SLM
PAG-AARI NG PAMAHAHALAAN Hindi Ipinagbibili
[illustration: cartoon students reading, writing, singing, playing a xylophone-like instrument, a boy playing with a ball, and a girl holding a magnifying glass over a flower]
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material
Ikaapat na Markahan Unang Edisyon, 2022 Ikaapat na Baitang
MAPEH (Music)
Ikaapat na Baitang
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Norina M. Maderazo Content Creator & Writer
Gelsie M. Garrido & Lerma M. Baldonado Internal Reviewer & Editor
Rachael B. Chavez Technical Reviewer
Marites K. Chavez Layout Artist
Alvin G. Alejandro, John Albert A. Rico, Jeewel L. Cabriga & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang MAPEH (Music). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
- Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
| K to 12 Learning Delivery Process | Nilalaman | |
|---|---|---|
| Panimula (Introduction) | Alamin | Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. |
| Panimula (Introduction) | Suriin | (same cell as above) |
| Pagpapaunlad (Development) | Subukin | Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. |
| Pagpapaunlad (Development) | Tuklasin | (same cell as above) |
| Pagpapaunlad (Development) | Pagyamanin | (same cell as above) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Isagawa | Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Linangin | (same cell as above) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Iangkop | (same cell as above) |
| Paglalapat (Assimilation) | Isaisip | Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan. |
| Paglalapat (Assimilation) | Tayahin | (same cell as above) |
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.
Aralin
Tempo (Largo at Presto)
WEEK 1
I
Natutuhan mo sa ikatlong baitang ang paggamit ng tempo sa iba’t ibang awitin. Sa araling ito ay mahalagang matutunan mo ang wastong katawagan para sa mabilis at mabagal na tempo, upang matulungan ka na magamit ang angkop na musical terms at maipakita ang pagkakaiba-iba ng tempo. largo, at presto.
Ano-anong kilos ang ginagamit sa paglalarawan ng tempo?
Kung ating pagmasdan ang ating kapaligiran, bawat isa ay may sariling galaw. Ang pag-indayog ng mga puno, pag-ihip ng hangin, ang paghahabulan ng mga alon at paghampas sa dalampasigan, ang paglangoy ng bibe sa sapa, maging ang paglakad ng mga nagmamadaling tao sa umaga, pagpasok sa trabaho, at pagtakbo ng mga rumaragasang sasakyan ay nagpapakita ng iba’t ibang galaw o kilos.
Kaugnay ng mga bagay na ito, ang isang awitin o tugtugin ay may tiyak na kilos o galaw. Ito ay tinatawag na tempo. Ang tempo ay maaaring mabilis o mabagal. Ang mabilis na tempo ay tinatawag na presto samantalang ang mabagal na tempo ay tinatawag na largo. Ang tempo ng awitin ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang kilos ng katawan. Ang kilos o galaw ay naaayon sa daloy ng awitin o tugtugin.
Narito ang dalawang halimbawa ng awitin na may magkaibang tempo. Sa tulong ng kasama sa bahay, pag-aralan ang mga ito. (Paunawa: Kung may akses sa internet, maaaring pakinggan ang awitin sa youtube)
Mga Alaga Kong Hayop
Lumipad, lumipad ang ibon, ang ibon, ang ibon Lumipad, lumipad ang ibon sa magandang pugad Tumakbo, tumakbo ang pusa, ang pusa, ang pusa Tumakbo, tumakbo ang pusa sa loob ng bahay
Lullaby and Goodnight
Lullaby and goodnight now the daytime is over Time to sleep up to your dreamland I will keep you safe and warm Lullaby and goodnight, there is nothing to fear Lullaby and goodnight, when you wake I’ll be near”
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
- Ano ang kahulugan ng tempo?
- Ibigay ang pagkakaiba ng dalawang uri ng tempo.
- Sa dalawang awitin sa itaas, alin ang may tempong mabilis? Mabagal?
- Ipaliwanag ang pagkakaiba ng largo at presto.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong ng iyong mga magulang o guardian, awitin ang mga sumusunod na awit sa ibaba at tukuyin ang tempo sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa tamang kolum. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Pamagat ng awit | Largo | Presto |
|---|---|---|
| 1. Rock a bye baby | ||
| 2. Leron-Leron Sinta | ||
| 3. Sitsiritsit | ||
| 4. Sa Ugoy ng Duyan | ||
| 5. Paru–Parong Bukid |
PIVOT 4A CALABARZON Music G4 — 7
E
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Sa tulong ng kasama sa bahay, pag-aralan ang awiting “Kalesa” at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Kalesa
Kalesa’y may pang-akit na taglay Maginhawa’t di maalinsangan Nakahahalina kung pagmasdan Kalesa ay pambayang sasakyan
Kabayo ay di natin problema Pulot at damo lang ay tama na Matulin din sa kalsada Tumatakbong maginhawa Wala pang gasolina
Repeat all
Kalesa ay panghatid tuwina Nung panahon nina maria clara Mga bayani nitong bayan Sa kalesa’y dinuduyan
Kalesa’y nakaaaliw Lalo na pag gumagabi At kung kasama ko ang aking giliw Mangangalesa na rin kami
(Repeat first and second paragraphs)
Matulin din sa kalsada Tumatakbong maginhawa Wala pang gasolina.
Kung may akses sa internet, pakinggan ang awiting “Kalesa” na may iba’t ibang tempo: https://www.youtube.com/watch?v=lhnuniZ4RYs
Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras:15 minuto)
Ang mga awitin o tugtugin ay kumikilos tulad ng mga pangyayari sa ating paligid. May mga pagkakataon na kailangang kumilos nang mabilis at mabagal. Kaugnay nito, ang musika ay dumadaloy sa mabilis at mabagal na paraan.
- Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
- Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
- Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ng paggamit ng kalesa?
- Ano ang iyong napansin sa tempo ng awiting “Kalesa”?
- Aling bahagi ng awit ang may mabilis na tempo? Mabagal na tempo?
PIVOT 4A CALABARZON Music G4 — 8
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng nakatatandang kasama sa bahay, mag video o magrecord ng isang awiting alam mo na maaaring gamitan ng tempong pinag-aralan. Ipadala ang video sa messenger ng guro. (Paunawa: Maaaring gamitin ang awit na “Kalesa”). Gawing batayan ang Rubrik sa ibaba sa pagsasagawa mo ng gawaing ito. Kopyahin ang rubrik sa ibaba at sagutan batay sa iyong nagawang pagtatanghal.
| Gawain | Napakahusay (3 puntos) | Mahusay (2 puntos) | Di-Gaanong Mahusay (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| 1. Nagamit nang maayos ang ankop na tempo sa pag-awit. | |||
| 2.Naawit nang mahusay bahaging may tempong largo. | |||
| 3. Naawit nang mahusay ang bahaging may tempong presto. | |||
| 4. Nakilala ang mabilis at mabagal na tempo ng awitin. | |||
| 5. Naipapakita ang kasiyahan sa isinagawang gawain. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
- Alin sa sumusunod na elemento ng musika ang naglalarawan ng galaw o kilos?
A. rhythm B. melody C. dynamics D. tempo - Alin sa sumusunod ang mabilis na tempo?
A. largo B. presto C. piano D. forte - Alin sa sumusunod ang mabagal na tempo?
A. piano B. largo C. forte D. presto - Lahat ng awitin sa ibaba ay may tempong presto maliban sa isa.
A. Bahay Kubo C. Pilipinas Kong Mahal
B. Lupang Hinirang D. Sitsiritsit - Pakinggan ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. Ano ang tempo nito?
A. mabilis at mabagal C. mabagal
B. mabilis na mabilis D. katamtamang bilis
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Muli nating balikan ang pagganap mo sa pag-awit sa Gawain 4. Sipiin ang tsart sa ibaba at iguhit ang [illustration: star symbol] sa nakalaang kolum batay sa iyong naging performance. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Gawain | Napakahusay (3 puntos) | Mahusay (2 puntos) | Di-Gaanong Mahusay (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| 1. Nagamit nang maayos ang angkop na tempo sa pag-awit. | |||
| 2.Naawit nang mahusay bahaging may tempong largo. | |||
| 3. Naawit nang mahusay ang bahaging may tempong presto. | |||
| 4. Nakilala ang mabilis at mabagal na tempo ng awitin. | |||
| 5. Naipapakita ang kasiyahan sa isinagawang gawain. |
Sa iyong sagutang papel, isulat ang naramdaman o realisasyon mo sa aralin gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na ______________________________________________
Nabatid ko na ____________________________________________________
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________
Ostinato at Descant
Aralin
Nalaman mo na sa nagdaang aralin na ang isang awitin o tugtugin ay maaaring mabilis o mabagal. Ngayon naman ay matututuhan mo ang isa pang elemento ng musika na nakadadagdag ng ganda sa isang komposisyon o awitin.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na matutukoy mo sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang ostinato o descant sa isang musical sample.
Ang texture sa musika ay nailalarawan sa pamamagitan ng kapal o nipis ng mga tunog na maririnig. Kapag naririnig mo ang isa awitin na may ganitong katangian gumaganda lalo ito. May dalawang paraan upang mapaganda o maging kaaya-aya ang isang awitin:
Ostinato – ito ay ang paulit – ulit na mga rhythmic pattern o himig na ginagamit bilang pansaliw sa mga awitin. May dalawang uri ito;
1. Rhythmic ostinato ay binubuo ng rhythm lamang. Ito ay hindi aawitin kundi gagamitan ng mga pattern ng tunog na nalilikha ng katawan gaya ng pagpalakpak ng kamay, pagpadyak ng paa (stomp, stomp, clap) at iba pa. Ang isang halimbawa na ginamitan ng ganitong ostinato ay ang popular na awiting pinasikat ng Queens na “We Will Rock You”.
[illustration: two rows of quarter-note rhythm patterns; left row labeled Ta Ta Ta Ta; right row labeled Ta Ta Ti Ti Ta]
2. Melodic ostinato naman ay binubuo ng rhythm at melody, maikli at mahabang tunog na may tono. Maari itong kumbinasyon ng mababa at mataas na tono. Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga nota na maaari lagyan ng tono upang makabuo ng melodic ostinato.
Descant
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Aling elemento ng musika ang tumutukoy sa kapal o nipis na tunog ng isang awitin?
- Sa paanong paraan mapapaganda o magiging kaaya-aya ang isang awitin? Paghambingin ang mga ito.
- Ano ang dalawang uri ng ostinato at paano sila nagkakaiba?
- Sa iskor ng awiting “Liza Jane”, paano ito nilapatan ng descant?
- Base sa iyong nabasang impormasyon tungkol as ostinato at descant, alin sa dalawa ang madaling ilapat sa isang awitin? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, gawin ang ostinato patterns ng mga awiting “Rain, rain, go away” na may dalawahang kumpas at “Leron, Leron Sinta” na may tatluhang kumpas. Sundin ang mga nakalarawang bahagi ng katawan na pakikilusin.
[illustration: hand-clap pattern for “Rain Rain Go Away” with lyrics: Rain, rain, go away / Come again another day / Little children want to play / Rain, rain go away]
[illustration: footprint-stomp pattern for “Leron Leron Sinta” with lyrics: Leron Leron sinta / Buko ng papaya / Dala-dala’y buslo / Sisidlan ng bunga / Pagdating sa dulo’y / Nabali ang sanga / Kapos kapalaran / Humanap ng iba]
Descant– – ay isang himig na, inaawit sa itaas kasabay ng melody, ngunit kaiba sa pangunahing melody.
[illustration: musical score of “Liza Jane” from 150 American Folk Songs, with a boxed passage and an arrow labeled “Descant”; lyrics include “Come my love and go with me, Li-li-za Jane” and “Oh, E-li-za, Li-li-za Jane”]
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-aralang mabuti ang iskor ng awitin sa ibaba. Tukuyin at isulat sa iyong sagutang papel ang phrase na nilapatan ng descant.
[illustration: musical score of “Magtanim ay ‘Di Biro” (Tagalog Folk Song) with a label “Descant” above the second staff; lyrics include “Mag-ta-nim ay ‘di bi-ro, mag-ha-pong na-ka-yu-ko. Di manlang ma-ka-u-po, ‘Di manlang ma-ka-ta-yo.” and the descant line “‘Di bi-ro mag – ha – pon, ‘di”]
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4: Pagmasdang mabuti ang dalawang iskor ng awitin. Tukuyin kung aling titik ng awitin ang may ostinato at descant. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A
[illustration: two-staff score labeled “A” with lyrics “A ram sam sam, A ram sam sam, Gu-li gu-li gu-li” on the upper staff and “Ram sam sam Ram sam sam Ram sam” on the lower staff]
B
[illustration: score titled “I’m Gonna Sing”, Southern Spiritual/arr. Sams, labeled “B”; lyrics “I’m gon-na sing ____ all the way.” and “I’m gon-na sing, gon-na sing, gon-na sing, gon-na sing all a-long my way.”]
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 5: Sa tulong ng kasama sa bahay, magsaliksik ng tig-isang musical sample na may ostinato at descant. Maari itong kopyahin sa bond paper o kaya ay i-print at isumite sa iyong guro.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sa tulong ng kasama sa bahay, umisip kung paano mapapaganda ang tunog ng awiting “Twinkle, Twinkle, Little Star!”. Maaring pumili ng isang paraan sa ostinato o descant. Pagkatapos ng Gawain ay sagutan ang Rubrik sa ibaba upang maipakita ang antas ng pagkakagawa. Kopyahin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: musical score “TWINKLE, TWINKLE, LITTLE STAR!” anonymus lullaby, Arrangement: Andrei Lucian Drăgoi, Tempo: 110bpm (MODERATO), with chord symbols and lyrics “Twinkle, twinkle little star! How I wonder what you are! Up a-bove the world so high, Like a diamond in the sky! Twinkle, twinkle little star! How I wonder what you are!”]
| Gawain | Napakahusay (4) | Mahusay (3) | Di-gaanong Mahusay (1) |
|---|---|---|---|
| Natukoy ang ostinato o descant sa pamamagitan ng pagbasa o pagtingin | |||
| Naawit/nalapatan ng tamang ostinato o descant ang awitin | |||
| Naipakita ang pakikiisa sa itinakdang gawain | |||
| Naipakita ang lubos na kasiyahan sa gawain |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tingnan mabuti ang sumusunod na mga musical sample. Tukuyin kung ang mga ito ay may ostinato o descant. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
A
[illustration: musical sample “Ach du lieber Augustin” / “Oh, my dearest Augustine” with clap, pat, stamp percussion lines; lyrics “Ach du lie-ber Au-gus-tin, Au-gus-tin, Au-gus-tin” / “Oh, my dear-est Au-gus-tine, Au-gust-tine, Au-gust-tine”]
[illustration: musical sample with lyrics “Rock-y moun-tain high.” / “Rock-y moun-tain, rock-y moun-tain, rock-y moun-tain high.”]
[illustration: musical sample with clap and pat percussion lines; lyrics “Just let me wake up in the ear-ly morn. Just let me wake up in the ear-ly morn.”]
[illustration: musical sample with descant line; lyrics “yo. Mag-ta-nim, ‘di bi-ro, Mag-ha-pong na-ka-yu-ko, ‘Di man lang ma-ka-u-po, ‘Di man lang ma-ka-ta-yo.”]
Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _______________________________________________
Nababatid ko na __________________________________________________
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa _____________
Ang Solo o 2-Part Vocal Instrumental Music
Aralin
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na makikilala mo solo o 2-part vocal instrumental music.
Naranasan mo na bang umawit nang may kasama o kasabay?
May napansin ka bang pagkakaiba sa pag-awit nang may kasabay?
Ang isang awit ay maaaring awitin ng unison (isang tono lang ang maririnig) at dalawahang tinig o higit pa. Ang 2-part vocal ay binubuo ng dalawang tono na iaawit ng sabay. Nagbibigay ito ng maganda at kaayaayang tunog at dumadagdag sa texture ng isang awitin o tugtugin.
Ang 2-part vocal ay binubuo ng dalawang himig: ang bahaging soprano (mataas na tono sa babae) at alto (mababang tono sa babae). Ang soprano ay nasa itaas na bahagi samantalang ang alto ay nasa ibabang bahagi ng musical score. Maaari ring boses ng soprano at tenor (mataas na tono sa lalaki) na inaawit nang sabay.
Isang halimbawa ng 2-part vocal ay ang awiting “The Prayer” na pinasikat nina Celine Dion (soprano) at Andrea Bocelli (Italian tenor). Sa awiting nabanggit malinaw na maririnig ang dalawang himig.
Suriin at paghambingin mong mabuti ang halimbawa ng musical score ng awiting Manang Biday.
[illustration: two musical scores titled “Manang Biday” (Ilocano Folk Song), labeled A and B; A shows two staves with lyrics “Ma-nang Bi-day i-lo-kat mo man Ta ben-ta-na i-ka-tom-ba-tam, Ta-ki-ta-” / “Ma-nang Bi-day ma-a-ya ka na Sa bin-ta-na a-ko ay ling-nan, Pa-king-gan” / “em toy ki-na-ya-wan Ay ma-ta-ya kon no di-nak-kaa-siam.” / “ang a-awit na i-to Pa-ra sa ‘yo ga-ling sa pu-so ko.”; B shows Voice 1 and Voice 2 labels with lyrics “Ma-nang Bi-day i-lo-kat mo man Ta ben-ta-na i-ka-tom-ba-” / “Ma-nang Bi-day ma-a-ya ka na Sa bin-ta-na a-ko ay ling-” / “bam, Ta-ki-ta-em toy ki-na-ya-wan Ay ma-ta-ya kon no di-nak-kaa-siam.” / “nan, Pa-king-gan ang a-awit na i-to Pa-ra sa ‘yo ga-ling sa pu-so ko.”]
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
Sagutin ang mga katanungan. Gawin sa iyong sagutang papel.
- Alin sa dalawang musical score ang aawitin ng unison? Bakit?
- Alin naman ang 2-part vocal? Bakit?
- Ano ang napansin mo sa mga notes ng 2-part vocal?
- Ano-ano ang magkakatapat na note?
- Paano inawit ang mga bahaging may dalawang magkatapat na note?
- Aling measure ang may bahaging alto at soprano na magkaiba ang note?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa iyong sagutang papel, kopyahin ang talahanayan na nasa ibaba. Kilalanin ang solo o 2-part vocal sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa tamang kahon.
| Pamagat ng awitin | Solo | 2-part vocal |
|---|---|---|
| A Whole New World | ||
| Tagpuan | ||
| Tala | ||
| Ikaw Lamang | ||
| Wish |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Basahin ang bawat sitwasyon at kilalanin kung solo o 2-part vocal ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Napakagandang pakinggan ang rendisyon ni Marcelito Pomoy ng awiting “The Prayer”.
- Tunay na nakakapagmalaki bilang Pilipino ang ginawang pagtatahal ni Lea Salonga ka-duet si Simon Bowman sa Miss Saigon ng awiting “Sun and Moon”.
- Si H.E.R. ay isang Fil-Am singer na nagwagi ng Song of the Year (I Can’t Breathe) sa Grammy awards sa US.
- Sa ginawang pagtatanghal ng magkaibigang Jun at Jillian sa pagawit, pinuri sila ng kanilang guro sapagkat nag-blend ang kanilang boses, isang mataas at mababang himig.
- Isang haligi na ng OPM si Rey Valera na isang singer-komposer. Sa pagdaan ng panahon, hindi pa rin kumukupas ang kanyang mataas na boses lalo na pag inawit niya ang “Pangako”.
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa tulong ng kasama sa bahay, lagyan ng 2-part vocal ang musical score na “You Are My Sunshine”. Gawin ito sa isang bond paper.
You Are My Sunshine
[chart: musical score; You Are My Sunshine]
Lyrics as printed: YOU ARE MY SUN-SHINE MY ONLY SUN-SHINE YOU MAKE ME / ME HAPPY WHEN SKIES ARE GREY YOU’LL NE-VER KNOW DEAR HOW MUCH I / LOVE YOU PLEASE DON’T TAKE MY SUN-SHINE A-WAY.
Chord symbols printed above the staff: G, C, G, C, G, D, G.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Maghanap ng kapareha na lalaki kung ikaw ay babae, at babae naman kung ikaw ay lalaki sa iyong kasama sa bahay. Awitin ang 2-part vocal ng “Bahay Kubo”. I-video ang inyong pag-awit at ipadala sa messenger ng guro. Isaalang -alang ang rubrik sa gagawin ninyong pagtatanghal. (Para sa kopya ng awitin, sumangguni sa Musika at Sining Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015, p. 131)
Babae – aawit ng bahaging soprano Lalaki – aawit ng bahaging alto.
Bahay Kubo (Tagalog Folk Song)
[chart: musical score; Bahay Kubo]
Lyrics as printed: Ba-hay ku-bo, ka-hit mun-ti ang ha-la-man do-on ay sa-ri-sa-ri, sing-ka-mas at ta-long, si-ga-ril-yas at ma-ni, si-taw, ba-taw, pa-ta-ni.
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Kilalanin ang mga awiting may solo at 2-part vocal. Kopyahin ang talahanayan sa iyong sagutang papel at punan ng hinihinging detalye.
| Pamagat ng awiting solong inaawit | Pamagat ng awit na mayroong |
|---|---|
Gawain
| Gawain | Napakahusay (3 puntos) | Mahusay (2 puntos) | Di-gaanong Mahusay (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| 1. Nakilala ang bahaging soprano ng awitin sa pamamagitan ng pakikinig at pagbasa. | |||
| 2. Nakilala ang bahaging alto ng awitin sa pamamagitan ng pakikinig at pagbasa. | |||
| 3. Naawit nang tama ang bahaging soprano. | |||
| 4. Naawit nang tama ang bahaging alto. | |||
| 5. Naipakita ang ganap na kasiyahan sa pag-awit ng 2-part vocal |
A
Sa iyong Reflection Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang nang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________ Nababatid ko na _____________________________________________________ Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa _________________.
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
WEEK 4
Ang mga Harmonic Interval ng mga Awit
Aralin
I
Sa pagtatapos ng aralin na ito ay matutukoy mo ang harmonic interval (2 pitches) ng isang awitin. Makikilala mo sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ng music samples.
D
Alam mo ba na lahat ng bagay na nilalang ay mayroong pagitan? Kahit ang mga muwebles ng kahoy o iba pang bagay na magkakadikit-dikit ay mayroong pagitan.
Kapag kumakain ka, iba-iba ang iyong kinakain. Sa mga gawain mo sa bahay mas mainam din ang iba-iba ang iyong pinagkakaabalahan tulad ng paglalaro, pagbabasa, pagtulong sa gawaing bahay at hindi palaging pag-gagadget lamang ang iyong ginagawa.
Sa musika rin ay may makikita tayong pagitan. Kung mapapansin mo hindi lahat ng panahon ay magkakatabi ang mga nota. May pagitan ang mga ito upang maiba at mapaganda naman ang tono.
May dalawang uri ng interval o pagitan: ang harmony (harmonic)– kapag ito ay tinutugtog ng magkasabay at ang melodia (melodic) kapag ang mga tono ay tinutugtog ng isa – isa. May mga interval o pagitan na prime (pantay), dalawan, tatluhan, apatan, limahan, animan, pituhan o waluhan.
Sa pagbibilang ng interval o pagitan ng dalawang nota, mag-umpisa sa nasa ilalim na bilog o nota.
Tingnan mo ang mga halimbawa sa ibaba.
[chart: staff diagram; harmonic and melodic examples, labeled “harmonic” and “melodic”]
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
[chart: staff diagrams; intervals labeled Prime, dalawahan, tatluhan, apatan, limahan, animan, pituhan, waluhan]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ano ano ang dalawang uri ng interval o pagitan? Ipaliwanag kung paano sila nagkakaiba.
- Ano ang ibig sabihin ng prime interval?
- Aling bilog o nota ang uunahin mo para mabilang mo ang tamang interval o pagitan ng dalawang nota o pagitan?
- Sa pagtingin mo at pagbilang ng pagitan ng dalawang bilog o nota ng halimbawa sa itaas, may pattern bang sinusunod? Ano ang pattern na sinusunod sa pagbibilang?
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1
Masdan at kopyahin ang bahagi ng awitin sa ibaba sa iyong sagutang papel. Kulayan ng pula ang magkakatulad na harmony at berde naman ang melodia. Gawin sa iyong sagutang papel.
[chart: musical score excerpt; three staff lines of notation, no values to transcribe]
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2
Masdan ang bahagi ng awitin sa ibaba. Lagyan ng tamang bilang ng interval ang bawat sukat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[chart: staff diagrams; eight staves labeled A through H; Values are not labeled on the chart.]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Pag-aralan ang bahagi ng awiting “Bahay Kubo”. Pagkatapos, ay sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ilarawan ang piyesa ng awitin “Bahay Kubo”.
- Aling mga measure ang may bahaging soprano at alto na sabay inaawit?
- Ano anong mga nota ang bumubuo sa awitin?
- Bilugan ang mga measure sa awitin na may harmonic third Interval.
[chart: musical score; C Major Scale, Bahay Kubo, Awiting Bayan; Roman numeral chord labels I, IV, V printed above the staff]
Lyrics as printed: Ba-hay ku-bo, ka-hit mun-ti. Ang ha-la-man do-on ay sa-ri-sa-ri, Sing-ka-mas, at ta-long, si-ga-ril-yas at ma-ni, si-taw, ba-taw, pa-ta-ni.
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa iyong sagutang papel, kopyahin ang iskala na nasa lawaran. Gumuhit/lagyan ng nota o bilog na may interval o pagitan na nakasaad sa bawat iskala. Gawing batayan ang nakalagay na bilog o nota sa pagbibilang.
[chart: staff diagrams; labeled Tatluhang interval, Limahang interval, Prime, Waluhang interval]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
- Alin sa sumusunod ang binubuo ng dalawa o higit pang magkaugnay na tone?
A. Descant C. Melodic ostinato
B. Harmonic interval D. Rhythmic ostinato - Paano inaawit o tinutugtog ang harmonic interval?
A. Magkasabay B. Magkahiwalay C. Paisa-isa D. Sunod-sunod - Sa paanong paraan nakikilala ang harmonic interval?
A. Sa pakikinig C. Titik A at B
B. Sa pagbabasa D. Wala sa nabanggit
Suriing mabuti ang iskala sa ibaba:
[chart: staff diagram; four measures labeled a, b, c, d, with treble clef]
- Alin ang nagpapakita ng harmonic interval na third?
- Alin naman ang nagpapakita ng harmonic interval na fifth?
Music G4 – Pivot 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Suriing mabuti ang musical sample sa ibaba. Pagkatapos, tukuyin ang harmonic interval ng mga nota o bilog sa mga piling iskala. (Maaaring magkaroon ng isa – tatlong kasagutan sa bawat iskala). Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[chart: musical score; Manang Biday, Ilocano Folk Song]
Lyrics as printed: Ma-nang Bi-day i-lo-kat mo man Ta ben-ta-na i-ka-lom-ba-bam, Ta-ki-ta-em toy ki-na-ya-wan Ay ma-ta-ya kon no di-nak-kaa siam. / Ma-nang Bi-day ma-a-wa ka na Sa bin-ta-na a-ko ay ting-nan, Pa-king-gan ang a-wit na i-to Pa-ra sa’yo ga-ling sa pu-so ko.
A
Sa iyong Reflection Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang nang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________ Nababatid ko na _____________________________________________________ Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa _________________
Ang Paglikha ng mga Harmonic Interval
Aralin
I
Sa pagtatapos ng aralin na ito ay nakalilikha ng mga halimbawa ng harmonic intervals (2 pitches)
D
Noong nagdaang linggo ay natutuhan mo na ang mga nota ng mga awitin ay may pagitan o interval sa iba’t ibang musika. Tingnan mong muli ang mga halimbawa sa ibaba.
[illustration: five-line staff pairs showing intervals; labels: Prime, dalawahan, tatluhan, apatan]
[illustration: five-line staff pairs showing intervals; labels: limahan, animan, pituhan, waluhan]
Iyong pakatandaan na kapag magbibilang ka ng interval ng dalawang nota, magsisimula ka ng pagbilang sa nasa ilalim na nota.
Bilang balik-aral, gawin mo ang pagsasanay sa ibaba.
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1: Bilangin at isulat sa iyong sagutang papel ang interval ng sumusunod na mga nota.
[illustration: three pairs of notes on staves for counting intervals; no labels printed]
May dalawang uri ng interval; harmonic interval at melodic interval. Sa araling ito, itutuon mo ang iyong pansin sa kung paano ka makakalikha ng halimbawa ng mga harmonic interval ng dalawang pitch.
Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tone na magkaugnay at iaawit o tinutugtog nang sabay. Kapag tinugtog sa piyano ang mga nota nang sabay ay nakalilikha ito ng kaaya-ayang tunog.
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-aralan ang iskor ng awiting “Bahay Kubo”. Pagkatapos sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: two musical scores of “Bahay Kubo” (Tagalog Folk Song), the second with added notes; lyrics include “Ba-hay ku-bo, ka-hit mun-ti, Ang ha-la-man do-on ay sa-ni-sa-ri, Sing-ka-mas at ta-long, si-ga-ril-yas at ma-tai-si-taw, ba-taw, pa-ta-ni”]
- Pagkumparahin ang dalawang iskor ng awiting “Bahay Kubo”. Alin ang mas madaling awitin? Bakit?
- Ano ang mapapansin mo sa mga notes na idinagdag sa iskor ng awitin?
- Magkakapareho ba ng interval ang mga nota sa buong awitin?
- Ilan ang ang mga interval ng mga magkakatapat na nota?
- Sa paanong paraan nakakatulong ang paglalagay ng harmonic interval sa awitin?
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Kopyahin ang ilustrasyon na nasa ibaba sa iyong sagutang papel. Lumikha ng harmonic third interval sa sumusunod na mga nota.
[illustration: four-measure staff with notes in 4/4 time, to be copied for the harmonic third interval activity]
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kopyahin sa sagutang papel ang iskor ng awiting “Happy Birthday” na nasa ibaba. Lagyan ang bawat measure ng harmonic interval. Sundin kung anong interval ang gagamitin sa bawat measure.
1st measure – tatluhan 3rd measure – dalawahan 5th measure – prime 2nd measure – isahan 4th measure – isahan
[illustration: musical score of “Happy Birthday” with labels “1st phrase” and “2nd phrase”; lyrics: “Hap – py birth-day to you! Hap-py birth-day to you!”]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa tulong ng kasama sa bahay, awitin ang “Tiririt ng Maya”. Pagkatapos, lumikha ka ng harmonic third interval sa bahaging may parisukat. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: musical score “Tiririt ng Maya” (Tagalog Folk Song) with boxed measures; lyrics: “Ti-ri-rit ng ma-ya, Ti-ri-rit ng i-bon, Hu-ni ng ti-yan ko’y ti-nu-mis na ba-boy. Ti-ri-rit ng i-bon, Ti-ri-rit ng ma-ya, Hu-ni ng ti-yan ko’y ti-nu-mis na ba-boy.”]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Lumikha ng harmonic third interval para sa awiting “Are You Sleeping”. Gawin ito sa sagutang papel.
[illustration: musical score “Frère Jacques (Are You Sleeping, Brother John?)”, Traditional French Nursery Rhyme, measures 1 to 8 numbered; lyrics: “Are you sleep-ing? Are you sleep-ing? Bro-ther John Bro-ther John / Frè-re Jac-ques, Frè-re Jac-ques, Dor-mez vous? Dor-mez vous? / Mor-ning bells are ring-ing, can you hear them ring-ing? Ding, dong, ding, ding, dong, ding. / Son-nez le ma-ti-nes, son-nez le ma-ti-nes Din, din, don, din, din, don.”]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Magsaliksik ng isang simpleng musical score sa iyong aklat. (Note: Kung may kakayahan maaring mag-search sa internet). Pumili ng dalawang measure at lapatan ito ng harmonic third interval. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 8: Kopyahin ang rubrik sa iyong sagutang papel. Sa tulong ng kasama sa bahay, palagyan ng tsek (/) ang kahon bilang pagsukat sa ipinakitang kakayahan sa paglikha ng harmonic interval.
| Mga Gawain | Napakahusay (3 puntos) | Mahusay (2 puntos) | Di-Gaanong Mahusay puntos) |
|---|---|---|---|
| Nakalikha ng harmonic interval para sa awitin. | |||
| Naipakita ang pakikiisa sa mga gawaing itinakda. | |||
| Naipakita ang kasiyahan sa paglikha ng harmonic interval. |
A
Punan ng angkop na salita ang mga patlang. Pumili mula sa kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno
Ang isang _____ay higit na maganda at kaaya-aya sa pandinig kung lalapatan ito ng harmonic interval. Ang _____third interval ay ang pinakamadalas at pinakamadaling ilapat sa pangunahing melody ng isang awitin. Kung ano ang _____ na ginamit sa melody, iyon din ang gagamiting note sa paglalagay ng harmonic interval.
Kahon: awitin | harmonic | note
D
WEEKS 7-8
Ang Pagsasagawa ng Awit na may Harmonic Interval
Aralin
Ang aralín na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maisasagawa ang awitin na may harmonic intervals ( 2 pitches ).
Natutuhan mo sa nagdaang aralin na ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tone na magkakaugnay at inaawit o tinutugtog nang sabay. Sa mga harmonic interval, ang pinakamadalas at pinakamadaling ilapat sa pangunahing melody ng isang awitin ay ang harmonic third interval.
Sa aralin mo ngayon, inaasahang makapagsagawa ka ng awitin na may harmonic intervals.
Sa pakikinig sa mga mang-aawit sa radio, sa telebisyon, sa paaralan, sa simbahan, o kahit saan ay mapapansin mo ang iba’t ibang paraan ng pag-awit.
Subukin mong pakinggang mabuti ang dalawang mang-aawit na umaawit nang magkasabay. Kahit na magkaiba sila ng tone sa pag-awit ay kaaya-aya pa rin itong pakinggan sapagkat lumilikha sila ng tunog na may blending.
Halina’t subukan mong gawin ang pag-awit na may harmonic intervals na ito sa tulong at gabay ng mga kasama sa bahay.
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1: A. Kopyahin sa iyong sagutang papel ang dalawang iskor ng awitin sa susunod na pahina. Lapatan ito ng harmonic third interval. Sa tulong ng kasama sa bahay, pumili ng isa at awitin ito. Ikaw ang aawit ng itaas na bahagi at ang napiling kasama sa bahay ang aawit ng ibabang bahagi. Mag-ensayo muna bago iparinig sa iba pang kasama sa bahay ang nabuong awitin. (Note: Maaaring gumamit ng musical instrument na meron sa inyong tahanan o kaya ay mag-download ng piano apps sa cellphone)
B. Palagyan ng tsek (/) sa kasama sa bahay ang angkop na kolum base sa pagkasagawa mo ng pag-awit. Gawin ito sa sagutang appeal.
[illustration: two short musical scores; left titled “Sleep” by Jan Rizza, lyrics “Sleep, sleep, sleep. My dear child.”; right titled “Walk” by John Lester, lyrics “Walk, walk, walk, walk, my dear child” repeated]
| Gawain | Napakahusay 5 | Mahusay 3 | Di-Gaanong Mahusay 1 |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalilikha ng harmonic third interval para sa awitin. | |||
| 2. Naaawit nang tama ang harmonic interval na nalikha | |||
| 3. Naaawit nang may kaaya-aya sa pandinig ang mga awitin. | |||
| 4. Naipakita ang pakikiisa sa mga gawaing itinakda. | |||
| 5. Naipakita ang lubos na kasiyahan sa mga gawain na may kapareha. |
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2
A. Pag-aralan ang iskor ng awiting “Leron, Leron Sinta”. Sa tulong ng mga magulang/tagapangalaga/kasama sa bahay, magpaturo ng pag-awit nito. Ikaw ang aawit ng itaas na bahagi at isa sa kasama mo sa bahay ang aawit ng ibabang bahagi. (Note: Maaaring gumamit ng piano, organ, gitara or minus one upang mas maging maganda ang pagsasagawa ng gawain). Awitin ito sa harap ng ibang kasama mo sa bahay.
[chart: musical score; Leron, Leron Sinta. Lyrics as printed below the staves: “Le – ron, le – ron sin – ta. Bu – ko ng pa – pa – ya, da – la – da-la’y bus – lo si – sid – lan ng bu – nga Pag – da-ting sa du – lo’y na – ba – li ang sa – nga ka – pos ka – pa – la – ran hu – ma-nap ng i – ba.”]
B. Palagyan ng tsek (/) sa kasama sa bahay ang angkop na kolum base sa pagkasagawa mo ng pag-awit. Gawin ito sa sagutang papel.
| Gawain | Napakahusay 5 | Mahusay 3 | Di-Gaanong Mahusay 1 |
|---|---|---|---|
| 1. Naaawit nang tama ang harmonic interval ng awitin | |||
| 2. Naaawit nang may kaaya-aya sa pandinig ang awitin. | |||
| 3. Naipakita ang pakikiisa sa mga gawaing itinakda. | |||
| 4. Naipakita ang lubos na kasiyahan sa mga gawain na may kapareha. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Magsaliksik ng isang simpleng awitin sa aklat na Musika at Sining 4 o kaya ay sa internet. Lapatan ito ng harmonic third interval at awitin kasama ang kapareha at iparinig sa mga kasama sa loob ng bahay. Kopyahin ang rubriks at palagyan ng tsek (/) sa kasama sa bahay base sa pagkasagawa mo ng gawain.
| Gawain | Napakahusay 5 | Mahusay 3 | Di-Gaanong Mahusay 1 |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalilikha ng harmonic third interval para sa awitin. | |||
| 2. Naaawit nang tama ang harmonic interval na nalikha | |||
| 3. Naaawit nang may kaaya-aya sa pandinig ang mga awitin. | |||
| 4. Naipakita ang pakikiisa sa mga gawaing itinakda. | |||
| 5. Naipakita ang lubos na kasiyahan sa mga gawain na may kapareha. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa mga awiting iyong isinagawa at ipinarinig sa mga kasama sa bahay, pumili ng isang ire-record/ivi-video at ipapadala sa messenger ng iyong guro. Isaalang -alang ang mga pamantayan sa pagmamarka. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Gawain | Napakahusay 5 | Mahusay 3 | Di-Gaanong Mahusay 1 |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalilikha ng harmonic third interval para sa awitin. | |||
| 2. Naaawit nang tama ang harmonic interval na nalikha | |||
| 3. Naaawit nang may kaaya-aya sa pandinig ang mga awitin. | |||
| 4. Naipakita ang pakikiisa sa mga gawaing itinakda. | |||
| 5. Naipakita ang lubos na kasiyahan sa mga gawain ng may kapareha. |
A
Sa pakikinig sa mga mang-aawit sa radio, sa telebisyon, sa paaralan, sa simbahan o kahit saan ay mapapansin mo ang iba’t ibang paraan ng (1) _____ .
Subukin mong pakinggang mabuti ang dalawang mang-aawit na umaawit nang (2) _____. Kahit na magkaiba sila ng (3) _____ sa pag-awit ay kaaya-aya pa rin itong (4) _____ sapagkat lumilikha sila ng tunog na may (5) _____ .
Punan ng angkop na salita ang mga patlang. Pumili mula sa kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Tone blending magkasabay pag-awit pakinggan
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed rotated 180 degrees and at low resolution; several entries below are best readings and are marked [?] where not certain.]
Week 1
- Gawain sa Pagkatuto 1:
- Ang tempo ay ang tyak na kilos o galaw ng isang awitin o lugtighin. [?]
- Ang adiwang un ng tempo ay mabilis at mabagal. [?]
- Mabilis – Allegro; Mabagal – Lullaby and Goodnight [?]
- Ang presto ay mabilis na tempo at ang largo ay mabagal na tempo.
- Gawain sa Pagkatuto 2:
| Awitin | Presto | Largo |
|---|---|---|
| Rock-a-bye | ✓ | |
| Leron Leron | ✓ | |
| Sitiritit | ✓ | |
| Ugoy ng Duyan | ✓ | |
| Pan-pa-rong Build | ✓ |
[transcriber’s note: the checkmark positions in this table are uncertain at this resolution.]
- Gawain sa Pagkatuto 5: 1. D 2. B 3. B 4. C 5. C
Week 2
- Gawain sa Pagkatuto 1:
- Texture
- Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern o himig. Ang descant ay mataas na melody ng isang awitin. [?]
- Rhythmic and melodic ostinato
4-5. (maaaring magkakaiba ang mga sagot)
- Gawain sa Pagkatuto 3:
“Magtanong ng di biro.
Magtanong nakayuko.
Di man lang makapaupo. [?]
[illegible] - Gawain sa Pagkatuto 4:
A – ostinato
B – descant - Gawain sa Pagkatuto 7: 1. ostinato 2. descant 3. ostinato 4. descant
Week 3
- Gawain sa Pagkatuto 1: song list as printed: Mahal; Ikaw Lamang; Tala; Tagpuan; World; A Whole New World. Solo and 2-Part columns; checkmark placement is not legible. [?]
- Gawain sa Pagkatuto 2: 1. 2-part vocal 2. 2-part vocal 3. solo 4. 2-part vocal 5. solo
Week 4
- Gawain sa Pagkatuto 1: A. 3 B. 4 C. 5 D. 7 E. 8 F. 8 G. 8 [?] H. 7
- Gawain sa Pagkatuto 4: [illustration: music staff with four notes and labels]
- Gawain sa Pagkatuto 5: 1. B 2. A 3. C 4. A 5. B
Week 5-6
- Gawain sa Pagkatuto 3: [illustration: music staff with notes]
- Gawain sa Pagkatuto 4: [illustration: music staff with lyrics]
Week 7-8
- Gawain sa Pagkatuto 1: [illustration: two music staves with notes and lyrics]
PIVOT Assessment Card for Learners
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
- ☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
- ✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
- ? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply