This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 4 MAPEH (Arts), Quarter 4, published by DepEd Region IV-A CALABARZON (first edition, 2022). It is an eight-week self-learning module on textile designs, banig (woven mat) weaving, and tie-dye. It is written in Filipino for Grade 4 learners studying at home with a parent or guardian. By the end, learners will have woven their own mats and designed their own tie-dyed cloth.
On this page 7 sections
What learners will learn
- Discuss textile designs from the Philippines and other countries, and understand how the right design suits different kinds of clothing (Week 1)
- Understand the ways of weaving banig in the Philippines (Weeks 2 and 3)
- Make tie-dye designs on cloth (Weeks 4 and 8)
- Use design, color, and pattern to weave a mat that shows their creativity (Week 5)
- Make a paper mat and a woven placemat (Week 6)
- Weave using their own design (Week 7)
Lessons in this module
- Week 1: Disenyo ng Tela (textile design). Traditional textile designs and dyeing methods from the Philippines, Indonesia, Japan, China, India, and Lao.
- Week 2: Paglalala ng Banig sa Pilipinas (mat weaving in the Philippines). How banig is woven in different regions, such as the tikog mats of Basey, Samar.
- Week 3: Iba’t Ibang Disenyo ng Banig (different banig designs). Looking at mat designs and the materials used to make them.
- Week 4: Paggawa ng Tina-tali (tie-dye) na Disenyo (making tie-dye designs). Tie-dye patterns and the step-by-step dyeing process.
- Week 5: Disenyo, Kulay at Pattern (design, color, and pattern). Mat patterns, light and bright colors, and how designs are arranged.
- Week 6: Paggawa ng Banig na Papel (making a paper mat). Weaving a mat from paper strips, then a placemat from buri or coconut leaves.
- Week 7: Paglalala Gamit ang Sariling Disenyo (weaving with your own design). Making a simple mat, then a picture frame or bayong (woven bag).
- Week 8: Paggawa ng Tie-dyed (making tie-dyed cloth). Dyeing cloth in one and then two colors, and printing designs on cloth.
Key ideas: textile designs and tie-dye
Every place has its own textile design that shows its culture and tradition. The module gives these examples:
- T’nalak of the T’boli in the Philippines, made by dyeing abaca fibers
- Shibori of Japan and Indonesia
- Batik from Java, Indonesia, a wax-resist dyeing method. Wax is drawn on with a tool called a tjanting or stamped with a copper seal called a cap, so only the unwaxed parts take the dye. Ethnic groups in Mindanao, especially Muslims, traditionally wear batik.
- Seersucker, a light cotton cloth from India, suited to hot weather
- Silk from China, shiny, soft, and easy to dye
- Katazome of Japan, which uses a resist paste applied through a stencil
- The Phabieng shawl of Lao, worn by women on important occasions such as weddings
Tina-tali (tie-dye) means tying cloth before dyeing it, so that only the untied parts take color. It is a simple way to make old clothes, towels, and handkerchiefs look new. The module teaches four patterns:
- Spiral: twist the center of the cloth with a fork into a circle, then tie it with rubber bands
- Random: tie the cloth any way you like before dyeing
- Polka dot: wrap beads or dried beans in the cloth and tie each one tightly
- Target: pinch the center, tie it, then add rubber bands about 1 to 2 inches apart
The dyeing steps are:
- Fold and tie the cloth.
- Soak it in water to soften it.
- Put on a face mask and gloves.
- Mix 2 packets of dye, 2 tablespoons of vinegar, and 1 tablespoon of salt in water.
- Soak the cloth in the mix for 5 to 15 minutes.
- Rinse it in clean water.
- Untie it, dry it, and iron it.
In Week 8, learners repeat the process with a second color and sew the dried cloth into a small throw pillow.
Key ideas: banig designs and colors
The banig is a mat commonly used for sleeping in the Philippines and East Asia, and each region has its own designs. The Samal of Sulu usually weave with buri and pandan leaves, often dyeing the strips first. Common banig patterns are:
- Plain (karaniwan)
- Stripes: diagonal lines in different colors
- Checkered: a mix of diagonal, horizontal, and vertical lines
- Square: same-colored strips woven into square shapes
- Zigzag: zigzag lines in one color or a mix of colors
Colors can be matingkad (bright) or mapusyaw (light), and the color wheel divides them into warm and cool colors. A mat’s design can be arranged by pagsasalit-salit (alternating) or in a radial (circular) arrangement.
To make a paper mat, learners cut long, narrow strips about 1 or 2 centimeters wide. They weave the strips over and under each other, glue the ends, and clean up afterward.
How to use this module
- Learners: Read the directions before each activity and finish one task before starting the next. Write your answers on a separate answer sheet or notebook, not on the module. After each week, record how you did in the PIVOT Assessment Card: a star means you did it well, a check means you had a little difficulty, and a question mark means you need more help.
- Parents and guardians: Several activities need adult supervision, especially those with scissors, sharp tools, and dye. Some weeks include an open forum (talakayan) between you and your child. The module asks families to display finished artworks at home as a small exhibit and to give comments.
- Teachers: Rubrics are included for the placemat, the picture frame or bayong, and the tie-dye project. The Susi sa Pagwawasto (answer key) covers activities in Weeks 3, 4, 5, 6, and 8. Learners return the module when all activities are done.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 4 MAPEH (Arts), Quarter 4. It is a PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region IV-A CALABARZON, first edition, 2022.
What topics does the module cover?
Over eight weeks, it covers textile designs from the Philippines and other countries, banig weaving and its designs, design, color, and pattern, paper mat making, weaving with your own design, and tie-dye.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for selected activities in Weeks 3, 4, 5, 6, and 8. The hands-on projects are checked with rubrics instead.
What materials are needed for the tie-dye activity?
You need old cloth, string or rubber bands, dye, a basin, a stirring stick, water, vinegar, and salt, plus a face mask and gloves. Each color uses 2 packets of dye, 2 tablespoons of vinegar, and 1 tablespoon of salt.
What is tina-tali?
Tina-tali is the Filipino term for tie-dye. The cloth is tied before it is dyed, so only the untied parts take the color.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material – Grade 4 MAPEH (Arts) – Quarter 4
GRADE 4 MAPEH (ARTS) PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL QUARTER 4
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
MELC SLM
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
Cover and Credits
PIVOT 4A Learner’s Material Ikaapat Markahan Unang Edisyon, 2022
MAPEH (Arts)
Ikaapat na Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Rodelito T. Parco & Delma C. Dinglasan Content Creator & Writer
Angela A. Morando & Joylet D. Martinez Internal Reviewer & Editor
Michael O. Autor Language Editor
Fe M. Ong-ongowan, Raphael Gorospe, Ednelinda Robles & Cyrus T. Festijo Layout Artists & Illustrators
Alvin G. Alejandro, John Albert A. Rico, Jeewel L. Cabriga & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape, Jr.
Disenyo ng Tela
Aralin I
Ang araling ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo upang matulungan ka na maunawaan ang aralin tungkol sa disenyo ng tela. Ito ay makatutulong rin upang maunawaan mo ang mga uri ng tela at kung saan ito nagmula. Ang mga salita ay angkop para sa iyo. Ang aralin ay naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod para sa iyong pagkatuto.
Matapos basahin at gawin ang araling ito, inaasahang matatalakay mo ang disenyo ng tela at maunawaan mo ang paggamit ng tamang disenyo sa uri ng mga kasuotan.
WEEK 1
Pagmasdan ang mga larawan.
[illustration: five textile design patterns labeled Indonesia, Pilipinas, Tsina, Hapon, India]
Indonesia Pilipinas Tsina Hapon India
- Ano ang napansin mo sa mga larawan?
- Sa palagay mo, paano kaya nila napapaganda ang isang gawaing pantela (textile craft) gamit ang tradisyonal na mga hakbang sa pagtitina?
D
Ang bawat lugar dito sa Pilipinas o sa ibang bansa ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon tulad ng T’nalak ng mga T’boli sa Pilipinas na tinitina ang mga hibla ng abaca para makabuo ng magandang disenyo at ang Shibori ng Japan at Indonesia.
Ang batik at pagtina-tali (tie-dye) ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit (wax-resist dyeing) na ikinakapit sa buong tela. Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia. Nagagawa ang batik sa pagguguhit ng mga tuldok at linya ng panghadlang gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na tjanting, o sa paglilimbag ng panghadlang gamit ang isang selyong tanso na tinatawag na cap. Pinipigilan ng ikinapit na pagkit ang pagtitina at nang sa gayon ay pinapayagan ang artisano na piliin ang kukulayin sa pagbababad ng tela sa isang kulay, pagtatanggal ng pagkis gamit ang kumukulong tubig, at pag-uulit nito kung ninanais ang maraming kulay.
Ang Seersucker ay isang uri ng magaan na tela na gawa sa koton na nagmula sa India. Ito ay ginawa ng isang proseso ng paghabi ng slack-tension, at karaniwang ginagamit upang makagawa ng mga suit at kamiseta na pinakaangkop para sa mainit na panahon. Ang mga suit ng Seersucker ay naging tanyag sa timog ng Estados Unidos, dahil ang magaan na pantalon at kamiseta ay ginawang perpektong tela para sa mainit na klima sa Timog.
Matatagpuan ang tradisyon ng paggawa ng batik sa mga iba’t ibang bansa; gayunman, masasabi na ang batik ng Indonesia ang pinakakilala. Ang batik Indones na gawa sa pulo ng Java ay may mahabang kasaysayan ng akulturasyon, na may mga magkakaibang disyeno na naimpluwensyahan ng mga iba’t ibang kultura, at ito rin ang pinakamalinang ayon sa disenyo, kasiningan, at kalidad ng pagkakagawa.
Naipapakita natin ang angking talino sa pagdidisenyo sa pamamagitan ng prosesong tie-dye at nakamamangha kung anong linya, hugis at elemento ng kulay ang makikita sa natapos na proyekto.
5 PIVOT 4A CALABARZON Arts G4
Ito ay larawan ng iba’t ibang disenyo ng tradisyonal na paghahabi sa ibang bansa.
[illustration: six black-and-white woven fabric patterns]
- Tela ng sutla (seda) mula sa bansang Tsino – ito ay mayaman sa ningning, ilaw at malambot, at may mahusay na pagtitina, na nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng isang malawak na hanay ng pagtitina at paghabi ng kagandahan. Bagaman hindi ito mas mababa sa iba pang mga likas na hibla sa mga tuntunin ng lakas at paglaban ng hadhad, mahina ito sa alkali at sikat ng araw, at medyo di gaanong pinapanatili ang init kaysa sa tela ng lana at koton.
- Ang Katazome ay isang pamamaraan ng pagtitina ng Hapon gamit ang isang resist paste na inilapat sa pamamagitan ng isang stencil. Sa ganitong uri ng resisting dyeing, ang isang timpla ng harina ay inilalapat gamit ang isang brush o isang tool tulad ng kutsilyo ng palette. Ang katazome sa manipis na tela ay nagpapakita ng isang pattern sa likod; sa mas makapal o mas mahigpit na pinagtagping tela, ang reverse side ay isang solid na kulay, karaniwan ay indigo blue para sa cotton fabrics. Ang pagkahumaling sa katazome ay nagbigay ng isang murang paraan para sa lahat na mga pattern na katulad ng mahal na mga brocades na nakamit sa koton. Bukod sa koton, ang katazome ay ginagamit upang palamutihan ang linen, sutla at tela.
- Ang batík ay isang tradisyonal na paraan ng pagkukulay ng tela. Tradisyonal itong isuot ng mga pangkat etniko sa Mindanao, lalo na ng mga Muslim. Bunga ito ng pangyayari na isang kinikilálang mulaan ng sining ng disenyong batik sa Java, Indonesia. Ang pangalan ay mula diumano sa wikang Javanese na amba (sumulat) at titik (tuldok o tulis). Ang paglalarawan sa proseso ay nahahawig sa paglikha ng tattoo, na tinatawag namang fátek sa Cordillera. Mabilis ang bigkas natin sa “batik” ngunit malumay (bátik) sa Javanese.
6 PIVOT 4A CALABARZON Arts G4
7 PIVOT 4A CALABARZON Arts G4
- Phabieng Balabal: Ang balabal na ito ng Lao (India) ay karaniwang isinusuot ng kababaihan sa mga importanteng okasyong panlipunan gaya ng mga seremonyang pangkasal. Bilang dagdag, may mga babae na nagsusuot ng ganitong balabal kapag nagpunta silá sa templo. Isinusuot ang balabal para matakpan ang katawan at ang balikat. Maaari din itong isuot para sa ibang layunin at maaaring isuot ng mga lalaki. Ilang dantaón nang naghahabi ng tela ang kababaihang Lao, kayâ naging bahagi na ito ng kaugalian at tradisyong Lao. Bunga ng ganitong tradisyonal na gawain, ang Lao ay kilalá sa buong mundo bilang sentro sa paghabi ng tela.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magsaliksik at pumili ng isang lugar sa Pilipinas na may natatanging disenyo ng tela na nagpapakita ng kanilang tradisyon. Alamin kung paano nila ito nabuo at napaganda ang disenyo. Anong mga kagamitan ang ginamit nila? Ilahad ito sa pagsulat ng isang maikling talata. Gawin ito sa short bond paper.
[illustration: blank scroll for writing the short paragraph]
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bawat bansa ay may kaniya – kaniyang paraan ng paghahabi. Ibigay ang hinihingi ng talahayan sa ibaba.
| Bansa | Paraan ng Paghahabi | Katangian |
|---|---|---|
A
Sa iyong sagutang papel, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na ____________________________________________
_____________________________________________________________.
Nababatid ko na ____________________________________________
_____________________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa
_____________________________________________________________.
8 PIVOT 4A CALABARZON Arts G4
Arts 4 – Week 2: Paglalala ng Banig sa Pilipinas
I
Aralin
Ang araling ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan ka na maunawaan mo ang aralin tungkol sa paglala ng banig sa Pilipinas. Ito ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga paraan ng paglalala ng banig. Ang mga salita ay angkop para sa iyo. Ang aralin ay naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod para sa iyong pagkatuto.
Nakatutuwa na tayo ay marunong maglala ng banig gamit ang disenyong batay sa ginawa ng ibang tao o batay sa disenyo ng mga pamayanang kultural ng ibang rehiyon. Subali’t mas nakalulugod kung tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating disenyo dahil maipakikita natin ditto ang ating pagkamalikhain.
D
Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ng banig.
Isa na dito ay ang tikog (banig) na mga paraglara o “weaver” ng Basey, Samar. Ang mga babae ay nagtatrabaho sa lilim ng isang yungib upang ang mga dahon ng tikog ay manatiling malambot, huwag maging malutong at gumuho sa ilalim ng mas maiinit na temperatura. Ginagawa nila ito bilang hanapbuhay para sa pagtustos ng kanilang mga gastusin sa pang – araw – araw na pamumuhay.
[illustration: woven mat patterns from Luzon (Albay), Mindanao (Sulu), Visayas (Samar), and Mindanao (Tawi-tawi)]
Luzon (Albay) Mindanao (Sulu)
Visayas (Samar) Mindanao (Tawi – tawi)
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdan ang mga halimbawang nilalang banig (mat weaving) sa naunang pahina at gawin ang kasunod na gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paraan ng paglalala ng banig batay sa larawan? Ilagay ang inyong kasagutan sa Venn Diagram.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong at patnubay ng kasama sa bahay, bumuo ng isang simpleng nilalang banig, gamit ang anumang materyal na makikita sa inyong lugar na maaaring gamitin sa paglalala tulad ng dahon ng niyog, pandan at iba pa.
Gamitin ang natutuhang hakbang sa paglalala.
(Tandaan: Sa pagsasagawa ng gawain, kailangan ang patnubay ng kasamang nakatatanda sa bahay upang masigurado ang kaligtasan sa paggamit ng matutulis at matatalim na bagay nang sa ganoon ay maiwasan ang sakuna habang gumagawa nito.)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- Bakit kailangan nating ipagmalaki ang ibat ibang uri o disenyo ng banig sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas?
- Ano ang magandang naidudulot ng paglalala sa kabuhayan ng mga tao?
A
Sa iyong sagutang papel, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na ____________________________________________ ____________________________________________________________________.
Nababatid ko na ___________________________________________ ____________________________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa ____________________________________________________________________.
Iba’t Ibang Disenyo ng Banig
I
Aralin
Ang araling ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan ka na maunawaan mo ang aralin tungkol sa iba’t ibang disenyo ng banig. Ito ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga paraan ng paglalala ng banig. Ang mga salita ay angkop para sa iyo. Ang aralin ay naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod para sa iyong pagkatuto.
Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ng banig.
Nasubukan mo na bang maglala ng papel o maglala ng banig? Paano mo ito pinaganda?
[illustration: three woven or patterned fabric samples]
Naranasan mo na bang matulog sa banig? Ano ang pakiramdam mo kapag nakahiga ka sa banig?
[illustration: woven mat with flower-printed pillow on top]
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pansinin ang mga “jumbled” na letrang ito. Anong salita o parirala ang mabubuo dito?
- amt veawing ______________________________________
- bniga ______________________________________
- nihaib ______________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Masdan ang iba ibang disenyo ng banig sa larawan. Kilalanin at suriin kung anong materyales ang ginamit sa pagbuo nito. Isulat ang inyong kasagutan sa loob ng kahong katapat ng bawat larawan.
[illustration: five woven mat designs numbered 1 to 5]
Sa iyong sagutang papel, magsulat ng naramdaman o realisasyon gamit ang sumusunod na prompt:
Paano ninyo pahahalagahan ang mga disenyo ng banig na gawa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas?
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: (Magkaroon ng open forum o talakayan sa tahanan ang bata at magulang ukol dito.) Ilagay sa loob ng disenyong ito ang iyong kasagutan sa tanong sa ibaba.
Alin sa mga disenyo ng banig ang pinakanagustuhan mo? Bakit mo ito nagustuhan? Isulat ang iyong sagot sa larawan ng banig sa ibaba.
[illustration: mat design frame with blank center for writing the answer]
E
Sa iyong sagutang papel, magsulat ng naramdaman o realisasyon gamit ang sumusunod na prompt:
Paano ninyo pahahalagahan ang mga disenyo ng banig na gawa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas?
Disenyo ng Tela
Paggawa ng Tina-tali (tie-dye) na Disensyo
I
Aralin
Ang araling ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan ka na maunawaan mo ang aralin tungkol sa iba’t ibang disenyo ng banig. Ito ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga Paggawa ng tina-tali (tie-dye) na disenyo. Ang mga salita ay angkop para sa iyo. Ang aralin ay naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod para sa iyong pagkatuto.
Alam mo ba kung saang bansa nagsimula ang pagtina-tali (tie-dye) ng tela?
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.
[illustration: three tie-dye circular swirl patterns]
Ano ang napansin mo sa mga larawan? Alam mo ba kung paano ito nagawa?
D
Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng pagtina-tali (tie-dye).
Ang tina-tali (tie-dye) ay isang simple at nakawiwiling paraan upang gawing bago ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at iba pa. Makabubuo dito ng iba’t ibang istilo at disenyo.
Ang pagtitina ay kadalasang ginagawa gamit ang matitingkad na kulay at kaayusan (pattern) sa tela. Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pagtina-tali subalit mas maganda kung gagamit ng dalawa o higit pang mga kulay sa pagtitina.
Spiral – isang klasikong hitsura ng kurbadang paikot. Ilapat sa pinakagitnang bahagi ng tela ang tinidor at ito’y paikutin hanggang sa magmistulang bilog. Talian ang tela gamit ang goma o rubber band. Lagyan ng kulay ayon sa iyong gustong disenyo.
[illustration: spiral tie-dye examples with steps; labels: Spiral, Target, Striped]
Random o hindi regular na pattern – ang paggamit ng pamamaraan na ito ay madali. Maari itong gawin sa pamamagitan ng pagtatali ng tela ayon sa iyong gustong disenyo bago lapatan ng pangkulay. Ang pattern na ito ay maaaring gamitan ng kombinasyon ng iba’t ibang pamamaraaan ng pagtina-tali.
[illustration: grid of random tie-dye pattern samples and tying steps]
Polka dot – ang pattern o disenyo na bilog-bilog na makikita sa tela. Narito ang paraan sa paggawa ng tina-tali sa disenyong polka dot. Una, ihanda ang ilang pirasong beads o pinatuyong beans, maglagay ng isang bean o bead sa loob ng shirt pagkatapos, lagyan ng plastik na balot sa ibabaw ng tela. Balutin nang mahigpit gamit ang isang goma sa paligid ng bead o bean na natakpan ng tela at plastik. Ulitin ng ilang beses upang makagawa ng higit pang mga bilog na disenyo.
Target – ang pattern na ito ng tina-tali ay mukhang isang target o bullseye. Narito kung paano ito gawin: Ilatag ang T-shirt ng patag. Kurutin ang gitna ng damit at talian ito ng goma o rubber band. Magsukat ng 1-2 pulgada mula sa gitna at talian muli ang tela o t-shirt. Magpatuloy na magtali ng mga goma o rubber band sa pattern na ito ng may 1 pulgada ang layo mula sa bawat isa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ito ang mga materyales na puwede mo gamitin sa paggawa ng pagtina-tali o tye-die. Ihanda ang mga ito para sa pagsasagawa ng mga susunod na gawain.
[illustration: tie-dye materials: squeeze bottles, rubber bands, gloves, and a folded shirt]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Gawin ang mga gawain sa tulong at gabay ng magulang o nakatatandang kasama sa bahay.
Panuto: Ihanda ang mga kagamitan tulad ng lumang damit, tali/pisi, lastiko, tina (dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka at asin. (Kailangan ng patnubay o subaybay ng magulang o kasama sa bahay sa paggawa ng gawain.)
[illustration: set of materials for tie-dye showing 2 pakete ng tina, 2 kutsara ng suka, 1 kutsara ng asin, patpat, and tubig]
2 pakete ng tina
2 kutsara ng suka
1 kutsara ng asin
patpat
tubig
Mga Hakbang sa Paggawa
- Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
- Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
- Magsuot ng face mask at gloves bago maghalo ng tina (dye).
- Ihalo ang isang kulay ng 2 pakete ng tina, 2 kutsara ng suka at 1 kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo.
- Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto.
- Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
- Alisin ang tali, isampay, patuyuin, at plantsahin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Pag-aralan ang mga larawan sa pahina 15. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Paano gumawa ng tie-dye shirt?
- Ano ang mga kakailanganing kagamitan sa paggawa ng tie-die shirt?
- Ano-anong mga hakbang at pamamaraan ang dapat tandaan sa pagsasagawa nito?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
(Open Forum ng magulang at bata sa tahanan).
Ang disenyo sa tela ay napapaganda kapag sinusunod ang tamang hakbang sa pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring maging malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang natapos na likhang sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang anyo.
Sagutin ang mga tanong:
- Paano tayo makalilikha ng isang magandang disenyo sa tela gamit ang dalawang kulay?
- Ano ang dapat nating sundin at alalahanin kapag magsasagawa ng pagtina-tali (tie-dye)?
- Bakit kailangang mag-ingat sa pagsasagawa ng tina-tali?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Isaayos ang mga hakbang sa paggawa ng tina-tali o tie dye. Ilagay ang wastong bilang mula 1-8 ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Gawin ito sa iyon
_____ 1. Ilagay ang tinaliang tela sa solusyon mula 5 hanggang 15 minuto. _____ 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. _____ 3. Magsuot ng face mask o gloves bago maghalo ng tina (dye). _____ 4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gusting disenyo. _____ 5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. _____ 6. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin. _____ 7. Ihalo ang tina, suka at asin sa tubig. _____ 8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng ikhang sining.
Sa iyong kuwaderno, magsulat ng naramdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Paano mo pahahalagahan ang mga damit na nilagyan ng disenyo?
Paano mapagkikitaan ng pera ang gawaing ito?
Disenyo, Kulay at Pattern
Aralin
Likas sa mga Pilipino ang gumawa ng mga kaakit-akit na mga disenyo. Ang kanilang angkin talino at kasanayan sa paglikha ng disenyo ay ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay at hugis. Sa araling ito, makagagawa ka ng banig sa pamamagitan ng paglala na magpapakita ng iyong pagiging malikhain.
Ang paggawa ng banig ay may iba’t ibang patterns. May karaniwan (plain), checkered, pa-zigzag, square, at stripes. Lumilitaw ang mga disenyong ito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay.Ang mga Samal ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at pandan. Madalas tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang disenyo.
Sa disenyong stripes makikita ang mga linyang pahilis sa banig at ang bawat stripes ay nag-iiba-iba batay sa iba’t ibang kulay na ginagamit sa paglalala.
Sa disenyong checkered naman may mga kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo.
Maaaring gumamit ng dalawa o maraming kumbinasyon ng kulay upang makita ang disenyo.Ang disenyong parisukat ay makikita sa banig sa pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulayupang makabuo ng parisukat na porma.
Ang disenyong pa-zigzag naman ay nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang pasigsaggamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.
[illustration: three rolled banig mats showing stripes, a hexagon-like pattern, and checkered designs]
Ang mga kulay ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao maaring matingkad o mapusyaw. Nanggagaling ang kulay ng kalikasan mula sa sinag ng araw. Pinaghihiwalay ng bahaghari ang lahat sinag at araw. Makikita sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng bawat kulay.
[chart: color wheel; unnumbered, no title printed]
Warm
Cool
Sa paglalala ng banig maari maging anyo nito ay pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot), upang magkakaroon ng maganda at kaayaayang disenyo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin ang bawat pahayag at isulat ang T kung ito ay tama at M kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
____1. Kailangan maging malikhain sa pagbuo ng isang disenyo. ____2. Ang paggamit ng ibat –ibang pattern o anyo ay makakatulong sa pagbuo ng magandang likhang sining ____3. Lumulutang ang disenyo sa paggamit lang ng mapusyaw na kulay. ____4. Sa paggawa ng banig , kailangan ang ibat– ibang pattern. ____5. Ang mga kulay ay nahahati sa mapusyaw at matingkad.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan D kung nagpapaliwanag ng disenyo, K kung nagpapaliwanag ng kulay at A kung nagpapaliwanag ng anyo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
___________1. Pumunta si Aling Maring sa palengke, nakita niya ang magandang banig na may kumbinasyon ng ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo na tinatawag na disenyong checkered.
___________2. Ang nabiling banig ni Aling Maring sa palengke ay gumamit ng kumbinasyon ng matingkad at mapusyaw na kulay.
___________3. Nakita ng asawa ni Aling Maring na ang anyo ay pinagsalit salit ang mapusyaw at matingkad na kulay ng banig.
___________4. Sa kalibang dulo ng tindihan nakakita pa silang ibang disenyo tulad ng pazigzag at stripes. Sabi ng Mang Juan maganda pala pazigzag na disenyo ng banig.
___________5. Sa kanilang pagikot sa tindahan hindi mawala sa isip ni Aling Maring na gumaganda pala ang banig kapag ginamitan ng iba ibang kumbinasyon ng mga kulay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Pag–aralan ang sumusunod na larawan. Piliin ang angkop na pangungusap nagpapaliwanag sa bawat larawan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
________1.
[illustration: diamond-patterned mat in black, gray, and white]
A. Ang banig ay ginamitan ng disenyong zigzag upang maipakita ang paging malikhain B. Gumamit ng disenyong stripes upang maipakita ang paging malikhain C. Disenyong checkered naman ang ginamit upang maipakita ang paging malikhain. D. Ibat–ibang disenyo ang ginamit upang maipakita ang paging malikhain
________ 2.
[illustration: mat with diagonal stripes in dark and light tones]
A. Gumamit ng matingkad na kulay upang makita ang disenyo B. Mapusyaw naman na kulay ang ginamit upang makita ang disenyo C. Ang kumbinasyon ng matingkad at mapusyaw na kulay ang ginamit upang makita ang disenyo D. Walang ginamit na kulay
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Kompletuhin ang pangungusap. Gamitin ang mga salita na nasa kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| pahalagahan | disenyo | paniniwala | kultural | tradisyon |
|---|
Ang kulay, ______________ at pattern ng likhang sining ng iba ibang pamayanang ______________ ay nababatay sa kanilang ____________, ____________ at kultura kaya dapat natin itong igalang at _____________.
Paggawa ng Banig na Papel
Aralin
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa pagiging malikhain at mapamaraan. Isang patunay dito ang paggawa nila ng maganda, matibay at makulay na mga banig.
Ang paggawa ng banig ay may iba’t ibang patterns. May karaniwan (plain), checkered, pa-zigzag, square, at stripes. Sa araling ito lilitaw ang mga disenyong ito sa pamamagitan ng iyong sariling paraan ng pagkumbinasyon ng mga kulay.
Ang mga Samal ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at pandan. Madalas tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang disenyo.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Banig na Papel
- Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad at mapusyaw na kulay.
- Pagdikit–dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang naglalala.
- Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala, maaring lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin.
- Ihanda ang lugar na ginagamitan sa paggawa at mga kagamitan, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
A. Gupitin ang papel na lalalahin.
B. Gawin mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maari isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa.
[illustration: paper and scissors, with a second illustration of paper cut into strips]
C. Lalahin nang salitan ang papel.
D. Gamitin ang pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos ng paglala.
[illustration: woven mat pattern with scissors and a glue stick]
E. Iligpit ang mga kagamitan na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahing Mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng Banig na papel. Pagsunod–sunurin ang hakbang sa paggawa. Lagyan ng titik a hanggang e ang patlang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____1. Iligpit ang mga kagamitan na hindi nagamit at linisin ang lugar nga pinaggawaan. _____2. Gupitin ang papel na lalalahin. _____3. Gawin mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maari isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa. _____4. Gamitin ang pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos ng paglalala. _____5. Lalahin nang salitan ang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gawin ang gawain sa tulong ng kasama sa bahay.
Gawaing Pansining (Paggawa ng Placemat)
Kagamitan:
- Gunting
- Buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala
Suriin ang iyong likhang sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubric.
Panuto: Iguhit ang sa kakayahang ipinakita mo sa paglalala ng sariling disenyo.
Hakbang Sa Paggawa
- Pumili ng 2 kumbinasyon ng matingkad (bright, at mapusyaw (light) na kulay bago mag-umpisa sa paglalala, gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.
- Lalahin ng salitan ang buri o dahon ng niyog na ginagawa ang disenyong napili (zigzag, square etc…)
- Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
- Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.
(Idisplay ang nabuong likhang sining (placemat) sa isang lugar sa inyong tahanan para bigyan ng komento ng mga kasama sa bahay.)
Mga Pamantayan
| Mga Pamantayan | Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) | Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) | Hindi nakasunod sa pamantayan (1) |
|---|---|---|---|
| 1. Naipapamalas ko ang kakayanan sa paglalala | |||
| 2. Ang kumbinasyon ng kulay, linya, hugis, disenyo, at pattern ay naipakita ko sa likhang sining. | |||
| 3. Nakasunod ako nang tama ang pamamaraan sa paggawa | |||
| 4. Naibahagi ko ang damdamin sa kapareha tungkol sa likhang sining na nabuo |
Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata. Pilin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo. Ang kanilang _____________ at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng _____________ na nilala. Ang _____________ ay isang paraan ng pagsasalit– salit ng material gaya ng _____________ o pira–pirasong papel na inianyong _____________ at pabalagbag upang makabuo ng kahanga– hanga _____________.
talino banig paglalala pagsalit-salit disenyo
WEEK 7
Paglalala Gamit ang Sariling Disenyo
Aralin
Ang paglalala ng banig ay katulad din ng ibang sining na napagaganda sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng disenyo nito. Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga Samal at Sulu.
Madalas na tinitina ang piraso ng buri at pinagtatagpi – tagpi upang makabuo ng makulay na disenyo.
Piliin din natin ang mga materyales na makikita at mayaman sa ating pamayanan. Kailangan lamang ang ibayong tiyaga para makabuo ng isang magandang disenyo.
Napagaganda ang isang likhang-sining sa pamamagitan ng paglalagay ng sariling disenyo na hindi nalalayo sa mga nilikha ng ating mga ninuno.
[illustration: three woven-pattern objects (a round ornament, a square mat, and a star-shaped piece)]
Larawan ng mga Bagay na Nilalala
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pumili ng isang disenyong napag – aralan sa paglalala. Gumawa ng isang simpleng banig gamit ang mga disenyong natutuhan.
Itanghal ang nabuong disenyong banig. Palagyan ng komento sa mga kasama sa bahay.
[transcriber’s note: the printed box below is an empty frame for drawing the design; its title is shown inside the frame]
ANG AKING SARILING DISENYO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gumawa ng picture frame o bayong ng naaayon sa iyong kagustuhan gumamit ng hinabing banig na papel o dahon bilang pandekorasyon. Magpatulong sa kasama nasa bahay sa pagbuo ng iyong likhang sining. Ipakita ang pagiging malikhain sa pagbuo nito.
Halimbawa ng bayong at picture frame:
[illustration: a woven bag with a handle and a woven-border picture frame]
Rubriks para sa Gawain Pagkatuto Bilang 2
Suriin ang iyong likhang – sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik sa ibaba.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng napiling sagot sa bawat sukatan. Gawin ito sa iyong sagutang papel
| Mga Sukatan | Oo | Hindi | Di-tiyak |
|---|---|---|---|
| 1. Naipakita ko ang kakayahan sa paglalala ng bayong o picture frame. | |||
| 2. Nagamit ko ang sarili kong disenyo sa paggawa. | |||
| 3. Naunawaan ko ba ang mga paraan sa paggawa ng bayong o picture frame. | |||
| 4. Nasiyahan ba ako habang gumagawa? | |||
| 5. Natapos ko ba ang gawain sa itinakdang oras? |
Buoin ang mga talata. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang _________ng banig ay katulad din ng ibang sining na napagaganda sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng disenyo nito. Karaniwang gawa sa dahon ng _________ang banig ng mga taga _________at Sulu.
Madalas na _________ang piraso ng buri at pinagtatagpi-tagpi upang makabuo ng makulay na ________.
paglalala disenyo buri samal tinitina
[illustration: star shape with word labels: paglalala, disenyo, buri, samal, tinitina]
Paggawa ng Tie– dyed
Aralin
Ang pagtitina ay kadalasang ginagawa gamit ang matitingkad na kulay at kaayusan (pattern) sa tela. Karamihan sa mga taga-Asya ay gumagamit ng tradisyonal na paraan ng pagtitina. Ang pagtitina ay naging bantog sa Kanluran noong taon 1960 at 1970.
Ang kadalasang paraan sa pagtitina-tali (tie-dye) ay ang pagtali ng tela bago ito lagyan ng tina (dye) upang magkaroon lamang ng kulay ang mga bahagi ng tela na walang tali.
Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pagtina-tali, subalit mas maganda kung gagamit ng dalawa o higit pang mga kulay sa pagtitina.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Gawin ang sumusunod na gawain sa tuong at gabay ng iyong kasama sa bahay.
Mga hakbang sa Paggawa
- Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
[illustration: hands folding and tying a cloth]
- Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
[illustration: hands dipping a folded cloth into water]
- Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye)
[illustration: a pair of gloves]
- Ihalo ang isang kulay ng dalwang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo.
[illustration: hand stirring dye in a bucket]
- Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hangang 15 minute.
[illustration: tied cloth being placed in a dye bucket]
- Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
- Alisin ang tali, isampay, patuyin at plantsahin.
[illustration: folded fabric tied with string, and an iron pressed on the fabric]
- Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang sining.
- Tahiin ang natuyong tela upang makabuo ng isang maliit na unan o throw pillow.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali ang pahayag.
_____1. Hindi dapat magsuot ng mask o panyo bago maghalo ng tina. _____2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. _____3. Pagkatapos, huwag banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. _____4. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang sining. _____5. Alisin ang tali, isampay, patuyuin, at plantsahin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Gawain ang sumusunod na gawain sa tulong at gabay ng iyong magulang o kasama sa bahay.
Paalaala sa mga Mag-aaral: Dahil sa modyular ang paraan ng ating pag – aaral sa kasalukuyan, lahat ng mga gawaing pansining na ginawa ninyo ay pansamantalang ididisplay sa tahanan. Pumili ng isang lugar kung saan doon makikita ang lahat ninyong ginawa. Ang inyong mga likhang-sining ay maayos na ihanay sa itinalagang lugar para sa isang iksibisyon. Palagyan ito ng komento o suhestiyon sa mga kasama sa bahay.
Materyales:
- tali/pisi, lastiko (rubber band)
Hakbang Sa Paggawa:
- Talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
- Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
- Magsuot ng face or dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina
- Maghanda ng 2 timpla ng magkaibang kulay sa magkaibang llagyan.
- Ihalo ang 2 pakete ng tina, 2 kutsara ng suka at 1 kutsara ng asin sa tubig.(Ganoon din ang gagawin sa isa pang kulay).
- Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto sa unang kulay.
- pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
- Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
- Tupiin ng panibago at talian ang tela ayon sa naiisip na disenyo.
- Pagkatapos ay ibabad naman ang tela sa ikalawang kulay.
- Muli ay banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
- Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
- Linisin ang lugar na pinaggawaan ng likhang-sining.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Lagyan ng √ ang kaukulang hanay na nagsasabi ng iyong kasagutan:
| Mga Pamantayan | Nakasunod sa mga pamantayan nang higit sa inaasahan | Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang | Hindi nakasunod sa pamantayan |
|---|---|---|---|
| 1. Nakabuo ako ng isang orihinal na disenyo. | |||
| 2. Naipahayag ko ang aking kaisipan at damdamin sa paggawa ng tie dye | |||
| 3. Naksunod ko ang tradisyunal na paraan sa pagtatie-dye | |||
| 4. Naibalik ko nang maayos sa kinalalagyan ang mga bagay na ginamit sa pagtitina |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Pagmasdan ang natapos na Relief Mold. Gamit ang rubric sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ★ ) sa inyong kasama sa bahay ang kolum na naaayon sa inyong kakayahan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
| Pamantayan | Napakahusay | Mahusay | Di -Gaanong mahusay |
|---|---|---|---|
| 1. Nakagawa ako ng disenyo gamit ang relief | |||
| 2. Naging makulay ang aking disenyo | |||
| 3. Nasunod ko nang tama ang mga pamamaraan | |||
| 4. Naging makabuhuhan ang aking likhang sining ko | |||
| 5. Naging malikhain ako sa natapos na gawain |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Lagyan ng tsek( /) ang angkop na kolum batay sa iyong kakayahan.
| Kasanayan | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 1. Nagawa ko ang relief mold mag-isa | ||
| 2. Naging malinis at maingat ako sa aking gawain | ||
| 3. Naibigay ko ng buhay ang natapos na likhang sining | ||
| 4. Naging kaakit– akit ang limbang na nagawa | ||
| 5. Natapos ko sa tamang oras |
Gumawa ng disenyo ng table mat, panyo o tela na makikita sa inyong tahanan. Sundin ang sumusunod na hakbang.
Kagamitan: acrylic paint, katsa o anumang tela na kasing laki ng mat o panyo, disposable spoon ( maliit at malaki), craft paper at lapis
- Ihanda ang mga kagamitan.
- Lagyan ng lumang dyaryo ang lugar na paggagawaan. Ayusin ang tela sa ibabaw nito nang maayos.
- Mag isip ng isang disenyo na binubuo ng ibat– ibang hugis na maliit at Malaki gamit ang mga disposable spoon.
- Kunin ang disposable spoons at dahan –dahang lagyan ng pintura ang likod nito.
- Dahan—dahang idikit ang bahaging may pintura ng disposable spoon sa tela paulit– ulit hangang mabuo ang disenyo naisip.
- Patuyuin ang telang may disenyo.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down; they are transcribed in their upright reading order]
WEEK 3
Gawain sa Pagkatuto 1
- mat weaving
- banig
- hinabi
WEEK 4
Gawain sa Pagkatuto 5
- 5
- 2
- 3
- 1
- 6
- 7
- 4
- 8
WEEK 5
Gawain sa Pagkatuto 1
- T
- T
- M
- T
- T
Gawain sa Pagkatuto 2
- C
- B
- B
- D
- A
Gawain sa Pagkatuto 3
- A
- A
WEEK 6
Gawain sa Pagkatuto 1
- e
- a
- b
- d
- c
WEEK 8
Gawain sa Pagkatuto 2
- M
- T
- M
- T
- T
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
[illustration: two students reading a book, under the banner “PIVOT Assessment Card for Learners”]
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply