This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education) Grade 4, Quarter 4, published by DepEd Region 4A CALABARZON (First Edition, 2022). It covers eight weeks under one theme, “Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha” (valuing all of creation). Learners study how to care for themselves, other people, animals, plants, and material things. The module is written for learners studying at home with help from a parent, guardian, or teacher.
On this page 6 sections
What learners will learn
By the end of the quarter, learners should be able to:
- Value themselves and others by staying healthy, avoiding illness, and respecting other people
- Value and properly care for animals, especially wild and endangered ones
- Show care for plants, such as fixing fallen plants, putting soil in pots, and loosening the soil around plants
- Value and look after material things, whether natural or made by people
The module does not print competency codes for these lessons.
Lessons in this module
| Weeks | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1-2 | Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Sarili at Kapuwa-Tao (valuing yourself and others) | Healthy habits, preventing illness, and respect and kindness toward others |
| 3-4 | Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Hayop (valuing animals) | Caring for wild and endangered animals and reporting them to the proper agency |
| 5-6 | Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Halaman (valuing plants) | Planting, watering, weeding, and protecting plants at home and in the community |
| 7-8 | Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Materyal na Kagamitan (valuing material things) | Using and maintaining things at home, in school, and in public places carefully |
Key ideas in each lesson
Weeks 1-2: Valuing yourself and others
The lesson teaches that life is a gift from God (Poong Maykapal) that should be valued. Learners value their own life by eating nutritious food, exercising, and getting enough sleep. They avoid illness by using a face mask, face shield, and alcohol and by washing their hands. Valuing others means helping people, showing love, and respecting elders, for example by saying “po” and “opo.” The lesson opens with a poem, “Pagpapahalaga sa Sarili at sa Ating Kapuwa” (valuing ourselves and others). Learners also answer situation questions, such as what to do when a grandmother is struggling with a heavy bag.
Weeks 3-4: Valuing animals
The lesson explains two terms:
- Endangered animals: animals that are at risk of disappearing.
- Ligaw na hayop (wild animals): animals that do not usually live in a community, have no owner, or have no one directly caring for them.
Ways to care for these animals include:
- Not catching them
- Giving first aid to injured or sick ones
- Reporting them to the government agency in charge
- Giving them safe temporary shelter and food while they are in someone’s care
The module explains that under Republic Act No. 9147, the Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, the agency that protects wildlife and endangered species is the Department of Environment and Natural Resources (DENR). A short story, “Ang Maligayang Paglalakbay-aral” (the happy field trip), follows siblings Renz and Juan on a class visit to a zoo.
Weeks 5-6: Valuing plants
Plants give fresh air and food, so people and animals depend on them. The story “Ang Munting Hardin” (the little garden) shows siblings Nicole and Brix supporting their school’s Gulayan sa Tahanan (home vegetable garden) program. They plant vegetable seeds in their backyard, water them daily, pull weeds, add fertilizer, and loosen the soil. Other examples in the lesson include:
- Joining community projects such as a Clean and Green Project
- Removing worms from vegetable leaves
- Planting ornamental plants in used softdrink bottles when there is no land
Weeks 7-8: Valuing material things
Material things may be natural or made by people, and caring for them makes them last longer. The lesson opens with the poem “Kagamitang Materyal, Pahahalagahan Ko!” (I will value material things). It reminds learners that the things their parents buy come from hard work. Examples of good care include:
- Covering modules and books with plastic
- Cleaning the electric fan
- Saving blank notebook pages
- Handling a cellphone or laptop for online class carefully
- Washing used kitchen items
- Keeping park tables and benches clean
How to use this module
Each lesson follows the PIVOT parts: introduction, development, engagement, and assimilation. Each lesson has eight learning tasks (Gawain sa Pagkatuto). The tasks include reading a poem or story, true-or-false items, multiple-choice situations, self-checklists, and creative outputs. The creative outputs include posters, a prayer, a slogan, a paragraph, a jingle, and a short story, each with a scoring rubric. Each lesson ends with a fill-in-the-blank summary.
- Learners: Do not write on the module; use separate answer sheets. Read the directions carefully, finish one task before moving to the next, and be honest when checking your answers. After each task, fill in the PIVOT Assessment Card for Learners on page 38 with a star, a check, or a question mark. Return the module to your teacher when you are done.
- Parents and guardians: Many tasks are meant to be done with your help. For the Weeks 5-6 jingle, the module asks you to listen to your child’s jingle if you cannot record it. Score it with the rubric, write your child’s name on the paper, and send the score to the teacher.
- Teachers and facilitators: The answer key (Susi sa Pagwawasto) is on page 37. Outputs such as the jingle may be recorded on video or audio and sent to you.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan). It is a PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region 4A CALABARZON, First Edition 2022.
What lessons are in this module?
There are four two-week lessons on valuing all of creation. They cover yourself and others (Weeks 1-2), animals (Weeks 3-4), plants (Weeks 5-6), and material things (Weeks 7-8).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto (answer key) is on page 37 and covers the objective tasks of each lesson.
Which agency protects wild and endangered animals, according to the module?
The module says that under Republic Act No. 9147, the Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) protects wildlife and endangered species.
What is the PIVOT Assessment Card for Learners?
It is a self-assessment table on page 38. Learners mark each task with a star if it was done well, a check if it was done with some difficulty, or a question mark if they could not do it and need help.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material
[illustration: cartoon students reading, writing, playing music, and using a magnifying glass on the cover]
GRADE 4
EsP
QUARTER 4
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikaapat na Markahan Unang Edisyon, 2022
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Myrasol D. Beltran & Beverly D. Sastrillo Content Creator & Writer
Carolyn I. Chavez Content Reviewer
Renante R. Soriano Language Reviewer
Philips T. Monterola Internal Reviewer & Editor
Myrasol D. Beltran, Beverly D. Sastrillo & Cherry Amor D. Laroza Layout Artists & Illustrator
Alvin G. Alejandro, John Albert A. Rico, Jeewel L. Cabriga & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang EsP. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
- Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
| Stage | K to 12 Learning Delivery Process | Nilalaman |
|---|---|---|
| Panimula (Introduction) | Alamin | Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. |
| Suriin | ||
| Pagpapaunlad (Development) | Subukin | Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. |
| Tuklasin | ||
| Pagyamanin | ||
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Isagawa | Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. |
| Linangin | ||
| Iangkop | ||
| Paglalapat (Assimilation) | Isaisip | Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan. |
| Tayahin |
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.
Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Sarili at Kapuwa-Tao
Aralin
WEEKS 1-2
Ang lahat ng bagay na mayroon sa mundo ay biyaya ng Poong Maykapal. Isang magandang halimbawa ay ang buhay na ipinagkaloob sa bawat isa. Ito ay isang napakagandang regalo mula sa Kaniya na dapat pahalagahan.
Sa araling ito ay iyong matututuhan ang mga paraan ng pagpapahalaga sa lahat ng mga likha katulad ng may buhay at mga materyal na bagay. Mapag-aaralan mo rin kung paano mo mapahahalagahan ang iyong sarili at kapuwa-tao sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit at ang paggalang sa kapuwa-tao.
Halina’t masdan at suriin ang mga larawan sa ibaba kung anong mensahe ang nais iparating ng bawat isa.
[illustration: four drawings: a family eating together at a table; two children wearing face masks and washing or using sanitizer; a child hugging an adult; a girl helping an elderly man with a cane]
Ang bawat larawan na iyong sinuri ay mga paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili at sa iyong kapuwa-tao. Ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, pag-eehersisyo, pagtulog ng sapat, at iba pang kaugnay na gawain ay mga paraan kung paano mapahahalagahan ang buhay na bigay ng Poong Maykapal.
Ang paggamit ng face mask, face shield, at alcohol ay ilan sa mga pamamaraan kung paano ka makaiiwas sa pagkakaroon ng sakit na bahagi rin ng iyong pagpapahalaga sa buhay na ipinagkaloob sa iyo.
Kaugnay ng mga gawaing ito para sa iyong sarili ay ang paggalang sa iyong kapuwa-tao bilang bahagi rin ng pagpapahalaga sa lahat ng mga likha. Ang pagtulong sa kapuwa, pagpapakita ng pagmamahal, at pagkalinga sa lahat ng may buhay at maging sa mga materyal na bagay ay mga paraan kung paano mo maipakikita ang pagbibigay-halaga.
Hangad ng araling ito na sa iyong murang edad ay matutuhan mong gawin ang mga paraang magpapakita ng pagiging isang mabuting batang Filipino.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin at unawain ang maikling tula. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Pagpapahalaga sa Sarili at sa Ating Kapuwa ni: Myrasol D. Beltran
Ang lahat ng bagay dito sa mundo,
biyayang bigay sa atin ng Diyos na totoo.
May buhay man o wala ay napakahalaga,
kaya’t pag-ingatan at dapat italaga.
Ang ating sarili ay dapat ingatan,
dapat mahalin at huwag pabayaan.
Kumain nang wasto sa takdang-oras,
mag-ehersisyo upang maging malakas.
Sa pagpapahalaga ng ating sarili,
kagandahang-asal paunlari’t huwag ikubli.
Pagpapahalaga sa kapuwa ay ibigay,
taos-pusong pagdamay ay siyang ialay.
Kaya’t pagmamahal sa kapuwa ay ugaliin,
paggalang at pagtulong ay pag-ibayuhin.
Pagrespeto sa bata lalo sa mga nakatatanda,
gawing pamantayan ng ugaling maganda.
Pagpapahalaga sa sarili at sa ating kapuwa,
isang tanda ng taong may lubos na pang-unawa.
Pagmamahal sa sarili at maging sa ibang tao,
tanda ng kabutihan at pagiging totoo.
Kaya halina’t gawing gawi mga katoto,
ang lahat ng nabanggit ay gawing totoo.
Itatak sa puso at isipan,
palaging isabuhay at pahalagahan.
Mga tanong:
- Ano ang pamagat ng tula?
- Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapahalagahan ang sarili?
- Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapahalagahan ang kapuwa-tao?
- Batay sa tula, paano maipakikita ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapuwa-tao?
- Bilang isang batang Filipino, bakit mahalagang gawin ang mga pagpapahalagang nabanggit sa tula? Patunayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Pag-aralan ang dayagram sa ibaba. Maaari mo bang tulungan si Jao na mahanap ang tamang landas upang maipakita niya ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapuwa-tao. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[chart: flowchart diagram; Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (tree of choices leading to the central heart “PAGPAPAHALAGA SA SARILI AT SA KAPUWA-TAO”); a boy pointing is shown at the lower left]
Mga pagpipilian sa dayagram:
- A. Pagtulong sa maysakit
- B. Pag-inom ng softdrinks
- C. Pagkain ng gulay at prutas
- D. Pag-inom ng vitamins
- E. Paggamit ng “Po” at “Opo”
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag sa bawat bilang at salitang MALI naman kung di-wasto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ang pagkain sa takdang-oras ay isang magandang paraan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.
- Ang pag-iwas sa mga pulubi ay halimbawa ng pagpapahalaga sa kapuwa-tao.
- Ang pagluluto ng malinis at masarap na pagkain para sa pamilya ay isang tugon sa pagpapahalaga sa may buhay.
- Ang pagpapasalamat sa anumang bagay na natatanggap ay isang paraan ng paggalang at pagpapahalaga sa kapuwa.
- Ang pagkain ng sobrang matatamis na pagkain ay nakatutulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit ang isang may likha.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong sarili katulad ng pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| BATAYAN SA PAGMAMARKA | ISKOR | |
|---|---|---|
| Mahusay (10-9) | Mahusay na naipakita sa poster ang paksa ng gawain. Naging malikhain sa paggawa. Malinis ang ginawang awtput. | |
| Hindi Gaanong Mahusay (8-6) | Hindi gaanong mahusay na naipakita sa poster ang paksa ng gawain. May kaunting dumi sa ginawang awtput. | |
| Nangangailangan ng Patnubay (5-3) | Hindi naipakita sa poster ang paksa ng gawain. Madumi ang ginawang awtput. | |
| KABUUAN |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumawa ng isang maikling panalangin na nagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong kapuwa-tao. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| BATAYAN SA PAGMAMARKA | ISKOR | |
|---|---|---|
| Mahusay (10-9) | Mahusay at maayos ang ginawang panalangin. Nailahad nang masusi ang pagpapahalaga sa kapuwa-tao. | |
| Hindi Gaanong Mahusay (8-6) | Hindi gaanong mahusay at maayos ang ginawang panalangin. Hindi buo ang ideya ng pagpapahalaga sa kapuwa-tao. | |
| Nangangailangan ng Patnubay (5-3) | Hindi maayos ang ginawang panalangin. Hindi nailahad ang pagpapahalaga sa kapuwa-tao. | |
| KABUUAN |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha (☺) kung masaya ang iyong naramdaman sa bawat pahayag at malungkot na mukha (☹) naman kung malungkot ang iyong naramdaman. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Pagdamay sa kaibigan na maysakit at pagbibigay ng anumang tulong na makakayanan.
- Pagpaparaya sa nakababatang kapatid sa iyong paboritong pagkain.
- Pagbili ng mga sitsiriya at inuming de-bote sa tuwing nakararamdam ng gutom.
- Paggalang sa dalawang taong nag-uusap sa iyong dadaanan.
- Pagsasabi ng totoong nararamdaman sa tuwing makararamdam ng sama ng loob sa iyong kapuwa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, suriin ang iyong sarili kung naisasabuhay mo ang mga pagpapahalaga sa sarili at sa iyong kapuwa-tao. Lagyan ng tsek (✓) ang angkop na hanay para sa iyong kasagutan.
| MGA PAGPAPAHALAGA SA SARILI AT SA IYONG KAPUWA-TAO | MADALAS | PAMINSAN-MINSAN | HINDI |
|---|---|---|---|
| 1. Pagkain ng gulay at prutas upang mapanatili ang malusog na pangangatawan | |||
| 2. Pag-inom ng vitamins na nakatutulong sa paglaban sa sakit | |||
| 3. Paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain | |||
| 4. Pakikipaglaro sa mga kaibigan upang mapalakas ang mga buto at kalamnan | |||
| 5. Pag-iwas sa matataong lugar sa panahon ng pandemya | |||
| 6. Paggamit ng “Po” at “Opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda | |||
| 7. Pag-aabot ng makakayang tulong sa kapuwa-tao | |||
| 8. Pagdamay sa mga kaibigan na nalulungkot | |||
| 9. Pagsali sa usapan ng mga matatanda | |||
| 10. Pagsunod sa mga ipinag-uutos nang padabog |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot na angkop sa bawat katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Nakita mo ang iyong lola na nahihirapan sa kaniyang dalang malaking bag. Naghihintay siya ng traysikel upang sumakay pauwi sa kanilang bahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Tutulungan siya sa kaniyang dala-dala at sasamahan na mag-abang ng traysikel
b. Pagtatawanan siya dahil madami siyang dala-dala
c. Sasabihin kay lola na huwag nang sumakay
d. Tititigan lamang si lola hanggang sa makakuha ng traysikel na sasakyan.Inaalala ng iyong nanay ang iyong kalusugan. Pinapipili ka niya ng nais mong baon sa iyong Recess. Alin ang pipiliin mo?
a. hotdog, french fries, at juice
b. mais, tinapay, at tubig
c. kendi, popcorn, at soda
d. cotton candy, pancit, at juiceMadalas mong nakikita si Carlo na naghuhugas ng kamay bago tumulong sa pagluluto ng pagkain. Dapat mo ba siyang tularan?
a. Opo, dahil matapat na bata si Carlo.
b. Hindi, dahil nag-aaksaya lamang siya ng tubig.
c. Hindi, dahil hindi siya tumutulong sa mga gawaing-bahay.
d. Opo, dahil pinapahalagahan niya ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.Nais lumabas ng silid-aralan ni Benjie dahil bibili siya sa kanilang kantina. Subalit nag-uusap sa kaniyang dadaanan sina Gng. Raquel M. De Jesus at Gng. Leonarda D. Arellano. Ano ang dapat gawin ni Benjie?
a. Abalahin sa pag-uusap ang dalawang guro.
b. Magpaalam at makiraan sa paglabas.
c. Manakbo palabas at sumigaw habang nagpapaalam.
d. Magpaalam at huwag nang bumalik sa silid-aralan.Kaarawan ng iyong Lola Coring. Nadinig mo na binati siya ng iyong Lolo Zaldy. Bilang pagpapahalaga sa iyong lola, ano ang gagawin mo?
a. Itatanong ko kung bakit siya binati ng aking lolo.
b. Sasabihin ko sa aking lola na maghanda siya ng marami.
c. Babatiin ko siya at yayakapin nang mahigpit.
d. Kinabukasan ko na lamang siya babatiin upang hindi ako makasabay ni lolo sa pagbati.
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Maraming paraan upang maipakita ang (1) _____ sa sarili at sa iyong kapuwa-tao. Ang pangangalaga sa (2) _____ at pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit ay mga paraan kung paano mapahahalagahan ang buhay na bigay ng Poong Maykapal.
Kaugnay ng mga gawaing ito para sa iyong sarili ay ang paggalang sa iyong kapuwa-tao bilang bahagi rin ng pagpapahalaga sa lahat ng mga likha. Ang pagtulong sa (3) _____ , pagpapakita ng pagmamahal, at pagkalinga sa lahat ng may (4) _____ at maging sa mga (5) _____ na bagay ay mga paraan kung paano mo maipakikita ang pagpapahalaga.
[transcriber’s note: crossword grid; the numbered clues are not printed, and blank cells are empty squares]
| 4 B | ||||||||||||
| 2 S | 3 K | 5 M | ||||||||||
| 1 P | G | P | H | L | G | |||||||
| R | P | T | ||||||||||
| Y | ||||||||||||
| L | W | R | ||||||||||
| Y | ||||||||||||
| L |
Aralin I
WEEKS 3-4
Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Hayop
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa mga pamamaraan ng pagpapahalaga sa lahat ng mga likha katulad ng may buhay at mga materyal na bagay. Natutuhan mo rin kung paano mapahahalagahan ang iyong sarili at kapuwa sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit at ang paggalang sa kapuwa-tao.
Ngayon naman sa isang panibagong linggo ng pag-aaral ay iyong matututuhan ang pagpapahalaga sa lahat ng mga likha na may buhay katulad ng hayop. Malalaman mo rin kung paano ang wastong pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered.
Halina’t masdan at suriin ang mga larawan sa ibaba kung anong uri ng pagpapahalaga sa hayop ang ipinakikita sa bawat isa.
[illustration: four panels: a child feeding a deer; a child with a turtle beside a box labeled “FIRST AID KIT”; a person with a deer crossed out by a prohibition sign; a child and a woman at a counter labeled “ANIMAL WELFARE” with a cage]
Sa kasalukuyang panahon ay may mga tinatawag na endangered animals o mga hayop na nanganganib nang maubos. May mga hayop naman na itinuturing na ligaw o mga hayop na hindi pangkaraniwang nabubuhay sa isang komunidad, walang nagmamay-ari, o walang direktang nangangalaga.
Ang mga ito ay katulad ng ipinakikita sa mga larawan. Ang mga hayop ay kabilang sa nilikha ng Poong Maykapal na may buhay. Itinuturing man na ligaw na hayop at endangered, mas nangangailangan ang mga ito ng angkop na pagpapahalaga at pagkalinga mula sa mga tao.
Maraming paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga hayop na ligaw at endangered. Ilan sa mga ito ay ang pag-iwas sa panghuhuli ng mga ganitong uri ng hayop. Mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ng pamahalaan ang panghuhuli ng mga hayop na ligaw at endangered. Isa pang paraan ay ang paggamot o paglalapat ng paunang lunas sa mga pagkakataon na makakita ng ganitong uri ng hayop na may sugat o karamdaman.
Ang isa pang magandang paraan sakaling magkaroon ng pagkakataon na makakita ng mga hayop na ganito ay ang pagbibigay-alam sa ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa animal welfare. Ayon sa Republic Act No. 9147 o mas kilala sa tawag na “Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001”, ang ahensya na nangangalaga sa mga wildlife at endangered species ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang pagbibigay rin ng pansamantala ngunit maayos na tirahan at pagkain sa mga hayop na ligaw at endangered habang nasa pangangalaga o kustodya ng isang tao ay isang mabisa rin na paraan ng pagpapahalaga at pagkalinga sa mga hayop.
Kaya ano pang hinihintay mo? Ihanda ang sarili sa sumusunod na gawaing pagkatuto upang mas malinang ang iyong kaisipan at damdamin sa pagpapahalaga at pagkalinga sa mga likha na may buhay katulad ng hayop.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang Maligayang Paglalakbay-aral ni: Myrasol D. Beltran
“Paalam mga bata! Magkita-kita tayong muli bukas! Mag-iingat kayo sa inyong pag-uwi.”
“Paalam din po Bb. Ramos! Sabik na po agad kaming lahat para sa pagpasok bukas. Mag-iingat din po kayo!”
Ito ang mga masasayang kataga na madidinig mula sa loob ng klase ni Bb. Ramos. Sabik ang lahat ng mga bata sa pag-uwi upang maghatid ng magandang balita sa kanilang pamilya.
Nasa may tarangkahan pa lamang ng kanilang bakuran ang magkapatid na sina Renz at Juan ay nag-uunahang nang lumapit sa kanilang Nanay Vilma. Kaagad silang nagmano at sabay na yumakap sa baywang ng kanilang nanay. Nagdidilig ng mga halaman si Aling Vilma ng mga oras na iyon.
“Bakit ba tila ang saya-saya ninyong dalawa? Anong mayroon mga anak? Ano ang nangyari sa inyong maghapon sa paaralan?” ang sunod-sunod na tanong naman ng nanay nila.
“Kasi po nanay, magkakaroon daw po kami ng lakbay-aral sa zoo. Nais po namin na sumama sa aming guro at mga kaklase kung kami po ay inyong papayagan. Ito po ay bahagi ng aming aralin sa Science,” ang hindi magkamayaw na pagpapaliwanag ng magkapatid.
“Walang problema mga anak, basta’t ipangako ninyo sa amin ng inyong tatay na kayo ay mag-iingat at makikinig sa inyong guro,” ang sagot ni Aling Vilma.
“Mga bata, narito na tayo sa loob ng zoo. Ang inyong makikita sa loob ng lugar na ito ay iba’t ibang uri ng mga hayop. May mga hayop na ligaw, endangered, at mga hayop na hindi pangkaraniwang makikita sa isang komunidad. Nais kong kilalanin ninyo ang bawat isa. May mga paalala sa bawat lugar kung saan ang bawat isa sa inyo ay pinaaalalahanan na magsagawa ng ibayong pag-iingat habang nasa loob ng zoo. Layunin ng bawat babala ang kaligtasan ng mga hayop gayundin ng mga taong bumibisita sa lugar na ito. Gawin ninyong makabuluhan ang araw na ito para sa inyong natatanging karanasan.” Ito ang mga tagubilin at paalala ni Bb. Ramos sa buong klase na kasama sa lakbay-aral.
[illustration: zoo scene with barred cages, a zebra, a crocodile, and a sign reading “ZOO”; a sign reading “BAWAL MANIGARILYO DITO” stands near the animals]
Bawat bata ay masayang naglakbay sa loob ng zoo. Doon nila nalaman na ang mga ligaw na hayop, endangered, at mga hayop na hindi pangkaraniwang makikita sa isang komunidad ay nangangailangan ng masusing pagpapahalaga at pagkalinga. Nakita nila sa personal ang iba’t ibang uri ng hayop katulad ng Peacock, unggoy, Philippine Eagle, buwaya, Ostrich, ahas, iba’t ibang uri ng mga ibon, leon, tigre, Zebra, Hippopotamus, at marami pang iba. Sila ay mga likha na may buhay na nangangailangan ng wastong pagmamahal at angkop na pagkalinga.
Ang pagbibigay ng maayos na tirahan, pagkain, pagpaparami ng lahi ng mga ito, at paglalapat ng angkop na paggagamot ay ilan sa mga paraan ng pagpapahalaga sa mga hayop.
Binaon ng mga mag-aaral ang isang napakagandang karanasan bunga ng isang maligayang paglalakbay-aral. Ang lahat ng kanilang natutuhan kay Bb. Ramos ganoon din ang mga aral na kanilang napulot sa mga staffs ng zoo na nangangalaga sa mga hayop ay kanilang tinandaan. Dito nila nabatid ang kahalagahan ng wastong pagmamahal at angkop na pagkalinga sa lahat ng likha na may buhay katulad ng mga hayop.
Masayang umuwi ang magkapatid na Renz at Juan. Muli ay sabik na ibinalita ang lahat ng nasaksihan sa kanilang nanay at tatay. Nabuo rin mula sa murang isipan ng magkapatid ang isang pangako na anumang uri ng hayop ay kanilang buong-pusong pahahalagahan at kakalingain.
Masayang natulog ang magkapatid habang puno ng pag-asa na sila ay muling makababalik sa lugar para sa isa na namang maligayang paglalakbay-aral.
Mga tanong:
- Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong iyong binasa?
- Saan naglakbay-aral ang mga mag-aaral ni Bb. Ramos? Ano-ano ang kanilang nakita roon?
- Ano-ano ang mga natutuhan ng magkapatid sa kanilang lakbay-aral?
- Bakit mahalagang maisabuhay ang kanilang natutuhan sa loob ng zoo?
- Bilang isang bata, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga hayop katulad ng mga ligaw at endangered?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Suriin ang bawat larawan. Ilagay ang tsek (✓) sa bawat bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng angkop na pagpapahalaga at wastong pagkalinga sa mga hayop at ekis (✗) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: a girl and a boy tending a zebra behind a wooden fence]
[illustration: a girl working at a table with a small animal, bottles, and a comb]
[illustration: a boy aiming a slingshot at an owl perched on a branch]
[illustration: children holding a turtle on a tray, one wearing a shirt with an ENR logo]
[illustration: children standing at a fence above a crocodile in a pool]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumawa ng isang poster na nagpapakita kung paano mo mapahahalagahan ang mga ligaw na hayop at endangered. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Antas | BATAYAN SA PAGMAMARKA | ISKOR |
|---|---|---|
| Mahusay (10-9) | Mahusay na naipakita sa poster ang paksa ng gawain. Naging malikhain sa paggawa. Malinis ang ginawang awtput. | |
| Hindi Gaanong Mahusay (8-6) | Hindi gaanong mahusay na naipakita sa poster ang paksa ng gawain. May kaunting dumi sa ginawang awtput. | |
| Nangangailangan ng Patnubay (5-3) | Hindi naipakita sa poster ang paksa ng gawain. Madumi ang ginawang awtput. | |
| KABUUAN |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Suriin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha (☺) kung masaya ang iyong naramdaman sa bawat pahayag at malungkot na mukha (☹) naman kung malungkot ang iyong naramdaman. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ipinagbigay-alam ng pamilya ni Mariolle sa kanilang Barangay Captain ang isang malaking kuwago na nakita nila sa kanilang bakuran.
- Binato ni Yuan ang unggoy na nasa loob ng kulungan dahil nakita niyang inaaksaya nito ang saging na kaniyang ibinigay.
- Pansamantalang inilagay nina Amarra at Jay sa isang maayos na kulungan ang agila na aksidenteng napadpad sa kanilang punong mangga.
- Kaagad ginamot ng pamilya ni Ben ang isang ligaw na aso na kanilang nakita sa kakahuyan.
- Dahil sa pagkamangha, binigyan ni Jao ng angkop na pagkain na mula sa staff ang isang elepante na nakita niya sa loob ng zoo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Pag-aralan ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung ano ang angkop na dapat gawin upang maipakita ang pagpapahalaga at pagkalinga sa mga hayop. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.
Kahon:
ipinagbigay-alam sa DENR ilagay muna sa maayos na kulungan ibalik sa dagat ang mga inakay bigyan ng pagkain bigyan ng paunang-lunas
- May isang pawikan ang nangitlog sa tabing-dagat. Nakita ng iyong tatay na napisa na ito at nagsisimula nang gumapang ang mga bagong inakay.
- Isang ibon ang biglang bumagsak sa inyong harapan. May bali ang kabila nitong pakpak.
- Habang nangangahoy si Mang Leo ay nakakita siya ng isang baboy-ramo na tila nagugutom.
- Napadpad sa tabing-dagat ang isang balyena. Nakita ito ng iyong Lolo Ben habang siya ay nag-aayos ng kaniyang bangka.
- Isang malaki at kakaibang ibon ang nakita mo at ng iyong kuya na lumalapit sa kulungan ng inyong alagang manok. Wala pa ang inyong tatay upang matulungan kayo sa nararapat gawin.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, magtala ng lima (5) pang paraan kung paano mo maipakikita ang pagkalinga at pagpapahalaga sa mga ligaw na hayop at endangered. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Antas | BATAYAN SA PAGMAMARKA | ISKOR |
|---|---|---|
| Mahusay (10-9) | Mahusay na naitala ang hinihingi ng gawain. Malinis ang ginawang awtput. | |
| Hindi Gaanong Mahusay (8-6) | Hindi gaanong mahusay na naitala ang hinihingi ng gawain. May kaunting dumi sa ginawang awtput. | |
| Nangangailangan ng Patnubay (5-3) | Hindi naitala ang hinihingi ng gawain. Madumi ang ginawang awtput. | |
| KABUUAN |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumawa ng isang islogan kung saan maipakikita ang pagpapahalaga at pagkalinga sa mga ligaw na hayop at endangered. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Antas | BATAYAN SA PAGMAMARKA | ISKOR |
|---|---|---|
| Mahusay (10-9) | Mahusay na naipakita sa islogan ang paksa ng gawain. Naging malikhain sa paggawa. Malinis ang ginawang awtput. | |
| Hindi Gaanong Mahusay (8-6) | Hindi gaanong mahusay na naipakita sa islogan ang paksa ng gawain. May kaunting dumi sa ginawang awtput. | |
| Nangangailangan ng Patnubay (5-3) | Hindi naipakita sa islogan ang paksa ng gawain. Madumi ang ginawang awtput. | |
| KABUUAN |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Suriing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag at salitang MALI naman kung hindi wasto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Mahalagang maipakita ang pagpapahalaga at pagkalinga sa lahat ng likha na may buhay katulad ng hayop.
- Sa iyong murang edad, nararapat mong matutuhan ang wastong pagpapahalaga at pagkalinga sa mga hayop.
- Hindi madaling gawin ang mga nabanggit na paraan ng pagpapahalaga sa mga ligaw na hayop at endangered kaya hindi mo na lamang gagawin ang mga ito.
- Palaging isaisip at isapuso ang pagpapahalaga na dapat ibigay sa mga may buhay at materyal na bagay tulad ng mga hayop at pangangailangan ng mga ito.
- Iwasang gawin ang mga bagay na makabubuti para sa mga hayop upang hindi ka mapahamak.
A
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Sa kasalukuyang panahon ay may mga tinatawag na (1) _____________________ animals o mga hayop na nanganganib nang maubos. May mga hayop naman na itinuturing na (2) _____________________ o mga hayop na hindi pangkaraniwang nabubuhay sa isang komunidad, walang nagmamay-ari, o walang direktang nangangalaga.
Ang mga ito ay uri ng mga (3) _____________________ na nilikha ng Poong Maykapal na may buhay. Itinuturing man na ligaw na hayop at endangered, mas nangangailangan ang mga ito ng angkop na (4) _____________________ at (5) _____________________ mula sa mga tao.
[chart: crossword puzzle; numbered 1 to 5, answer boxes shown as a grid. Only the printed letters are transcribed below, in reading order, with blank boxes as _. Transcriber’s note: the exact box positions could not be fully resolved, so the letter placement is approximate.]
- e n _ a n _ e _
- _ i _ _ w [?]
- _ a _ o _
- _ a n _ a n _ a _ a
- _ a _ _ a _ i n _ a
I
WEEKS 5-6
Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Halaman
Aralin
Lahat ng mga bagay sa mundo ay nilikha ng Diyos. Isa na rito ang mga halaman na nagbibigay ng sariwang hangin at pagkain kaya nararapat na pahalagahan sa bawat isa.
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga paraan sa pagpapahalaga sa mga hayop. Ngayon naman, matututuhan mo ang mga paraan kung paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga halaman.
Suriing mabuti ang mga larawan. Ano o ano-ano ang mga ipinapakita ng mga ito?
[illustration: four panels: children planting seedlings near a mountain; a boy filling pots with soil; a girl with a hoe beside a grassy slope; children with trowels and a cart planting in a garden plot]
Tama! Makikita sa mga larawan ang iba’t ibang paraan kung paano mapahahalagahan ang mga halaman sa kapaligiran.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na maipakikita mo ang mga paraan ng pagpapahalaga sa mga halaman tulad ng pag-aayos ng mga nabuwal na halaman, paglalagay ng mga lupa sa paso, at pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid.
D
Ang mga halaman ay mahalaga hindi lamang sa mga hayop maging sa mga tao rin. Nagbibigay ito ng ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao kaya dapat lamang na alagaan at pahalagahan ang mga ito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang Munting Hardin
ni: Beverly D. Sastrillo
Isang araw nagkukuwentuhan ang magkapatid na Nicole at Brix tungkol sa pagsuporta nila sa programang “Gulayan sa Tahanan”.
“Kuya, ano ang maaari nating gawin upang masuportahan natin ang programa ng ating paaralan na Gulayan sa Tahanan?” tanong ni Nicole.
“Maaari tayong gumawa ng munting hardin sa ating likod-bahay na pagtataniman natin ng mga buto ng gulay. Natutuhan naman natin sa ating guro kung paano gumawa ng garden plot at kung paano natin itatanim ang mga buto tulad ng sitaw, petsay, kalabasa, at iba pa,” sagot ni Brix.
“Tama ka, kuya! Simulan na kaagad natin upang mas madaling tumubo ang mga gulay na ating itatanim upang makapagbigay tayo ng ulat sa ating guro,” masayang sabi ni Nicole.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga natutuhan sa paaralan tungkol sa tamang pagtatanim ay nakagawa ang dalawa ng munting hardin sa kanilang likod-bahay. Araw-araw nila itong dinidiligan. Hanggang dumating ang araw na tumubo na ang kanilang itinanim na mga buto. May kasiyahan sa pusong pinanood ng dalawa ang kanilang mga tanim.
“Nicole, tanggalin natin ang mga damong tumutubo sa paligid ng ating mga tanim upang mas mabilis silang lumaki. Atin din lagyan ng pataba,” sabi ni Brix.
“Oo, kuya! Bungkalin din natin ang lupa sa paligid ng ating mga tanim,” sabi ni Nicole.
Ilang linggo ang lumipas at ganap nang lumaki ang mga tanim nilang petsay. Masayang iniulat ng magkapatid ang resulta ng kanilang proyekto. Nagpadala sila ng larawan ng kanilang pagsasagawa sa pammagitan ng FB messenger na ikinatuwa naman ng kanilang guro.
[illustration: a boy with a hoe and a girl with a basket working on soil beside seedlings]
Naging huwaran ang magkapatid sa ipinakita nilang pagpapahalaga sa kapaligiran at pagsuporta sa programang “Gulayan sa Tahanan”.
Mga tanong:
- Ano ang pinag-usapan ng magkapatid na sina Nicole at Brix?
- Ano ang kanilang ginawa bilang pagsuporta sa programang “Gulayan sa Tahanan”?
- Ano-ano ang kanilang ginawa upang maalagaan ang kanilang tanim?
- Ano-ano ang mga katangian ang ipinakita nina Nicole at Brix?
- Bilang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang iyong pagpapahalaga at pangangalaga sa mga halaman?
Ang mga halaman na nakikita sa kapaligiran ay dapat na pahalagahan at alagaan sapagkat ang mga ito ay ibinigay ng Diyos upang magbigay ng buhay at kulay sa mundo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga halaman sa kapaligiran at salitang Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Si Mika ay tumulong sa paglilipat ng mga punla sa taniman.
- Ang pamilya Santos ay nakiisa sa programa ng barangay na “Clean and Green Project” sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang namumulaklak sa kanilang bakuran.
- Hindi dinidiligan ni Ramil ang mga itinanim niyang mga gulay sa likod-bahay.
- Tinulungan ni Lester ang kaniyang tatay sa paglalagay ng bakod sa mga bagong tanim nilang gulay.
- Ipinagwalang-bahala ni Lisa ang mga nakita niyang insekto sa mga tanim niyang sitaw.
25 PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 and 4
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, isipin ang mga ginawa mo at ng iyong pamilya na nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga halaman sa inyong tahanan. Pagkatapos, sa iyong sagutang papel ay sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba.
| Pamantayan | 5 | 3 | 2 |
|---|---|---|---|
| Pagkamalikhain | Lubos na nagpamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat ng talata | Naging malikhain sa pagsulat ng talata | Hindi gaanong naging malikhain sa pagsulat ng talata |
| Kaangkupan sa Paksa | Angkop na angkop ang mga salita sa paksa sa sinulat na talata | Angkop ang mga salita sa paksa ng sinulat na talata | Hindi gaanong angkop ang mga salita sa paksa ng sinulat na talata |
| Organisasyon | Buo at malinaw ang kaisipang ipinahayag sa paksa | May kakulangan at hindi gaanong malinaw ang kaisipang ipinahayag sa paksa | Hindi malinaw at walang kaugnayan ang kaisipang ipinahayag sa paksa |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang graphic organizer. Isulat ang mga paraan kung paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pangangalaga sa mga halaman sa iyong paligid.
[chart: graphic organizer; Gawain sa Pagkatuto Bilang 4]
Center: Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa mga Halaman
Surrounding boxes (left, right, and bottom) are blank.
E
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 26
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan.
Naglunsad ang pamunuan ng inyong barangay ng isang proyekto. Ito ay ang pagtatanim ng mga gulay sa likod-bahay. Paano ka lalahok dito?
A. Ipagpapawalang-bahala ko ang proyekto.
B. Hindi ako makikilahok sapagkat bata lamang ako.
C. Panonoorin ko ang aking mga kapitbahay habang nagtatanim.
D. Lalahok ako at tutulong sa aking mga magulang sa pagtatanim sa aming likod-bahay.Nakatira ang iyong pamilya sa isang apartment. Walang lupang maaaring pagtaniman ngunit may mga nakita kang mga basyo ng mga softdrinks. Ano ang iyong gagawin bilang pakikiisa sa programang “Green Project” ng inyong lugar?
A. Itatapon ko na lamang ang mga basyo.
B. Bibili na lamang ako ng mga artipisyal na halaman.
C. Hindi ako interesado kaya hindi ko na lamang papansinin.
D. Gagamitin ko ang mga basyo upang mapagtaniman ng mga halamang ornamental.Napansin mo na nasisira ang mga tanim na mustasa ng iyong nanay sa inyong bakuran. Nakita mo ang mga maliliit na uod na kumakain sa mga dahon nito. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko na lamang ito papansinin.
B. Sasabihin ko na lamang kay ate ang aking nakita.
C. Makikipaglaro na lamang ako sa aking mga kaibigan.
D. Tatanggalin ko ang mga nakita kong uod sa mga dahon.
27 PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
Naglunsad ang inyong paaralan ng programang “Gulayan sa Tahanan” para sa responsableng pangangalaga sa mga halaman sa inyong pamayanan. Bilang pakikiisa sa programang ito, ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko na lamang si ate habang nagtatanim.
B. Maglalaro na lamang ako dahil hindi ako marunong magtanim.
C. Kukunan ko na lamang ng larawan si kuya habang nagtatanim.
D. Tutulungan ko si Inay sa pagbubungkal ng lupa sa aming bakuran na pagtataniman.Isa ka sa mga YES-O Officers ng inyong paaralan at napagkasunduan ninyong ipagpatuloy ang proyektong “Tree Planting”. Nakita mong may tumubong santol sa inyong bakuran. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko na lamang ito papansinin.
B. Sasabihin ko kay kuya na siya na lamang ang magtanim para sa akin.
C. Sasabihin ko sa aming pangulo na walang mapapagtaniman sa aming likod-bahay.
D. Magbubungkal ako ng lupa at ililipat ko ang mga tumubong buto sa likod bahay upang mas madali itong lumaki.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga halaman sa kapaligiran at ekis (✗) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Pagbubungkal ng lupang pagtataniman ng mga bagong sibol na halaman.
- Hindi pagpansin sa mga insektong naninira sa mga tanim na gulay.
- Palaging pagdidilig sa mga halaman sa bakuran.
- Pakikilahok sa mga proyektong pangkapaligiran sa komunidad.
- Pagtatanim ng mga halamang ornamental sa mga lata at paso.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 28
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sa iyong sagutang papel, iguhit ang masayang mukha (☺) kung ang larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga halaman at malungkot na mukha (☹) kung hindi.
[illustration: five numbered panels (1–5) showing people interacting with plants: planting seedlings in pots; a boy fixing a fence beside a garden; a girl watering plants with a hose; a boy digging soil with a hoe; a girl with a stick kicking over potted plants and broken pots]
29 PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Naglalaman ng komprehensibo, tumpak, at may kalidad na detalye | 5 |
| Sapat, malinaw, at maayos ang detalye | 4 |
| May nilalaman ngunit kulang ng detalye | 3 |
| Hindi maayos at hindi maunawaan ang detalye | 2 |
| Walang malinaw na detalye | 1 |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sumulat ng isang jingle na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga halaman sa iyong paligid. Maaaring i-video, i-record, ang aktuwal na awtput.at ipadala sa guro.
Paalala para sa mga magulang o guardian: Sakaling walang kakayahang mai-video, mai-record ang awtput, pakinggan ang jingle ng inyong anak. Bigyang-halaga ang performans niya batay sa rubriks na nasa ibaba. Isulat ang iskor sa isang papel. Lagyan ng pangalan ng iyong anak at ipadala sa guro.
A
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo. Kabilang dito ang mga luntiang __________________ na makikita sa kapaligiran. Hindi mabubuhay ang mga tao na walang mga halaman na nagbibigay ng sariwang hangin at pagkain. Bilang mga tagapangalaga ng mga likha ng Diyos, nararapat lamang na pahalagahan ang mga halaman sa pamamagitan ng _________________ng tanim na halaman, _______________ ng mga lupa sa paso, at _______________ ng mga nabuwal na halaman.
[word box: pag-aayos, halaman, pagbubungkal, pagtatanim, pagtatanggal, paglalagay]
WEEKS 7-8
I
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 30
Pagpapahalaga sa Lahat ng mga Likha: Sa Materyal na Kagamitan
Aralin
Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang pagpapahalaga sa mga halaman sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga nabuwal na halaman, paglalagay ng mga lupa sa paso, at pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid.
Ngayon naman ay iyong matututuhan ang mga paraan ng pagpapahalaga sa mga materyal na kagamitan tulad ng pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ano-anong mga kagamitan ang nakikita mo rito? Paano mo naipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga kagamitan na nasa loob ng bawat lugar na nasa larawan?
[illustration: four line drawings of places: a playground with swings, slide, bench and fountain; a classroom with chairs, tables, a board, clock and bookshelves; a living room with TV, sofa, fan, plants and table; a school library with bookshelves, a desk and tables, labeled “SILID-AKLATAN”]
Sa pagtatapos ng aralin ay inaasahan na makapagpapakita ka ng pagpapahalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga ito.
31 PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
D
Maraming mga materyal na kagamitan ang iyong ginagamit na nilikha ng tao mula sa kalikasan. Ang pangangalaga sa mga kagamitan ay paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga ito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang maikling tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Kagamitang Materyal, Pahahalagahan Ko! ni: Beverly D. Sastrillo
Mga materyal na bagay na aking nahahawakan, lubos na iniingatan sapagkat pinagpaguran. Hindi biro ang hirap at pawis ng aking magulang, maibigay lamang ang mga bagay na aking kailangan.
Mga kagamitan, personal man o pampaaralan, nararapat na pinahahalagahan ‘pagkat kailangan. Wastong paggamit at pangangalaga, aking isinasabuhay at isinasagawa.
Maraming mga kagamitan ang ating nakikita, maaaring likas o gawa ng ating kapuwa, Sa modernong mundo at teknolohiya sa ngayon, pag-iingat sa paggamit ang nararapat ituon.
Pangangalaga’y isasapuso at paghuhusayan, upang magamit nang pangmatagalan. Wastong paggamit at pagpapahalaga, sa mga bagay na bigay ng Dakilang Lumikha.
Mga tanong:
- Ano ang paksa ng tula?
- Ayon sa tula, ano ang dapat gawin sa mga kagamitang materyal?
- Bakit kailangan gamitin nang wasto ang mga kagamitang ito?
- Ano ang katangiang dapat taglayin ng batang tulad mo upang magamit nang matagal ang mga kagamitang materyal na ito?
- Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin sa mga kagamitang materyal na binibili ng iyong mga magulang para sa iyong pag-aaral?
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 32
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (✓) ang bilang ng pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao at ekis (✗) kung hindi.
- Iniingatan ni Erica ang kaniyang gamit sa paaralan upang magamit nang matagal.
- Hinahayaan kong sulatan ng aking nakababatang kapatid ang bagong pinturang silya sa aming tahanan.
- Nililinis ni Ramil ang electric fan linggo-linggo.
- Nilalagyan ni Lea ng pabalat ang kaniyang modyul.
- Tinitipon ni Lester ang mga pahina ng notebook na walang sulat upang magamit pa niya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang talahanayan. Iguhit ang puso (♥) kung ang gawain na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa materyal na kagamitang likas o gawa ng tao ay madalas mong ginagawa, tatsulok (△) kung minsan, at bilog (○) kung hindi.
| Gawain | Palagi | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Inilalagay ko sa tamang lalagyan ang mga pinggan, kutsara, at baso na aking ginamit. | |||
| 2. Iniingatan ko ang aking mga gamit sa paaralan. | |||
| 3. Tinutulungan ko si nanay sa paglilinis ng mga kasangkapan sa aming tahanan. | |||
| 4. Nililinis ko ang mga kagamitang ginamit sa pagluluto. | |||
| 5. Maingat ang paggamit ko ng mga kagamitan sa palaruan. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isulat ang salitang Tama kung ang ipinakikita sa pangungusap ay pagpapahalaga sa mga kagamitang materyal at salitang Mali kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Maingat ang paggamit ni Leo ng kaniyang mga gamit sa paaralan upang hindi ito masira.
- Hindi nilalabhan ni Mira ang kaniyang bag kahit matagal na itong ginagamit.
- Tinutulungan ni Ella ang kaniyang ina sa paglalagay ng plastic cover sa kaniyang mga aklat.
- Maingat ang paggamit ni Patrick sa laptop na binili na kaniyang tatay para sa kaniyang online class.
- Hinahayaan ni Jannah na sulatan ng kaniyang kapatid ang mesa at upuan sa kanilang tahanan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga kagamitang materyal na likas o gawa ng tao. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba.
| Pamantayan | 5 | 3 | 2 |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Naipakita nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster | Di–gaanong naipakita nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster | Hindi naipakita ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster |
| Kaangkupan ng Konsepto | Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto | Angkop ang mensahe ng paglalarawan ng konsepto | Hindi gaanong angkop ang mensahe ng paglalarawan ng konsepto |
| Kabuuang Presentasyon | Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon | Malinis ang kabuuang presentasyon | Di-gaanong malinis at maayos ang kabuuang presentatyon |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Iguhit ang dayagram sa iyong sagutang papel. Sa tulong ng iyong magulang o guardian, magtala ng limang (5) pamamaraan upang maipakita ang pagpapahalaga at pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao.
[chart: graphic organizer diagram, Gawain sa Pagkatuto Bilang 6; one top box connected by arrows to five boxes below]
Top box: MGA PAMAMARAAN NG PAGPAPAHALAGA AT PANGANGALAGA SA MGA KAGAMITANG MATERYAL
transcriber’s note: the five lower boxes are empty in the source.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Si Brix ay ibinili ng kaniyang tatay ng bagong cellphone upang magamit niya sa online class. Ano ang dapat niyang gawin upang magamit niya ito nang matagal na panahon?
A. Iingatan at iiwasan na maibagsak ito sapagkat maaari itong masira.
B. Hindi na lamang gagamitin para hindi masira.
C. Ipagagamit sa nakababatang kapatid.
D. Hahayaang ma-overcharge ito.
Natanggap na ni Arill ang mga modyul na kailangan niyang sagutan mula sa kaniyang guro. Ano ang dapat niyang gawin upang mapangalagaan ito?
A. Lalagyan ng plastic cover at ingatan ang pagbuklat sa mga pahina nito.
B. Hahayaan itong pakialaman ng nakababatang kapatid
C. Susulatan ang mga pahina ng modyul.
D. Itatago ito sa bag at huwag gamitin.
Tinulungan mo ang iyong nanay sa pagluluto ng meryenda. Pagkatapos magluto, ano ang iyong gagawin sa mga ginamit na kagamitan?
A. Iiwanan na lamang ang mga ito sa lababo.
B. Liligpitin at huhugasan ang mga ginamit na kagamitan.
C. Sasabihin kay ate na hugasan ang mga ginamit na kagamitan.
D. Hahayaan na lamang na si nanay ang magligpit ng mga kagamitan.
Si Hannah at Carol ay nagpunta sa parke. Nakita nila ang bagong gawang mga mesa at upuan. Ano ang kanilang dapat tandaan sa paggamit ng mga ito?
A. Iiwasang madumihan ang mga ito habang ginagamit.
B. Susulatan ng pentel pen ang mga upuan at mesa.
C. Iiwan ang mga basura sa ibabaw ng mesa.
D. Tatapakan ang mga upuan.
Napansin mo na madumi na ang mga kasangkapan sa inyong sala. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin na lamang kay kuya na siya ang maglinis ng mga kagamitan.
B. Pupunasan at tatanggalan ng alikabok ang mga kasangkapan.
C. Hahayaan na lamang dahil nakakapagod maglinis.
D. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:
Gumawa ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong karanasan na nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gawing gabay sa paggawa ang pamantayan sa ibaba.
| Pamantayan ng Kasanayan Ang gawa ay … | Napakahusay (5) | Nagpapakita ng kahusayan (3) | Kailangan ng Pag-unlad (2) |
|---|---|---|---|
| 1. nakapagpakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga materyal na kagamitang [transcriber’s note: letter-spaced in the source; normalized here] | |||
| 2. nagkapagbigay ng maganda at malinaw na mensahe. [transcriber’s note: letter-spaced in the source; normalized here] | |||
| 3. nakapagpakita ng pagkamalikhain. [transcriber’s note: letter-spaced in the source; normalized here] |
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ang mga _____ na makikita sa tahanan, paaralan, at sa komunidad ay maaaring likas o _____ ng tao mula sa kalikasan. Ang pagpapahalaga at _____ sa mga ito ay makatutulong upang magamit ang mga ito sa mahabang panahon. Ang bawat isa ay may magagawa upang maipakita ang _____ sa mga _____ na kagamitang likas o gawa ng tao.
materyal pagpapahalaga kagamitan gawa pangangalaga likas
Susi sa Pagwawasto
transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees. Answers were read from the rotated image; items marked [?] are uncertain.
Weeks 1-2
Gawain sa Pagkatuto 2:
A [?] C [?] D [?] E [?]
Gawain sa Pagkatuto 3:
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
- MALI
Gawain sa Pagkatuto 6:
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
Gawain sa Pagkatuto 8:
- a [?]
- b [?]
- d [?]
- b [?]
- c [?]
Weeks 3-4
Gawain sa Pagkatuto 2:
- ✓
- ✓
- ×
- ✓
- ×
Gawain sa Pagkatuto 4:
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
Gawain sa Pagkatuto 5:
- ibalik sa dagat
- lunas – bigyan ng paunang
- bigyan ng pagkain
- ipaalam sa DENR
- ilagay muna sa maayos na ku-
Gawain sa Pagkatuto 8:
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
- MALI
Weeks 5-6
Gawain sa Pagkatuto 2:
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
- Mali
Gawain sa Pagkatuto 5:
- D
- D
- D
- D
- A
Gawain sa Pagkatuto 6:
- ✓
- ×
- ✓
- ✓
- ✓
Gawain sa Pagkatuto 7:
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
Weeks 7-8
Gawain sa Pagkatuto 2:
- ✓
- ×
- ✓
- ✓
- ✓
Gawain sa Pagkatuto 7:
- A
- A
- B
- A
- B
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
PIVOT Assessment Card for Learners
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Department of Education. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang (Kagamitan ng mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply