Grade 3 MAPEH (Health) Quarter 3 PIVOT Module: Consumer Health

Grade 3 MAPEH Health Quarter 3 PIVOT module on consumer health: smart buying, consumer rights and duties, and reliable health information.

This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 3 MAPEH (Health), Quarter 3, from DepEd CALABARZON (Second Edition, 2021). It covers consumer health over eight weeks: who consumers are, how to buy wisely, consumer rights and responsibilities, and where to find reliable health information. The module is written in Filipino and is meant for Grade 3 learners working at home or in class, with help from parents and teachers.

On this page 7 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners should be able to:

  • Explain what a mamimili or konsyumer (consumer) is.
  • Describe consumer health and its three parts: health information, health products, and health services.
  • Name the factors that influence what people buy.
  • Describe the traits of a smart shopper.
  • Identify the basic rights of consumers.
  • Explain the duties of a responsible consumer.
  • Tell reliable sources of health information from unreliable ones.

Lessons in this module

WeeksLessonWhat it covers
1-2Ang Mamimili (the consumer)Who consumers are, what consumer health means, and the factors that influence buying.
3-4Ang Matalinong Mamimili (the smart consumer)Six traits of a smart shopper, practiced with price and quality comparisons.
5-6Ang Karapatan ng mga Mamimili (the rights of consumers)Four consumer rights and what to do when a purchase goes wrong.
7Ang Responsableng Pamimili (responsible buying)Five duties that go with consumer rights.
8Impormasyong Pangkalusugan (health information)Trusted sources of health information and how to avoid fake news.

Key ideas: consumers and consumer health

A consumer is a person who buys products or uses services to meet their needs. The module stresses that everyone, children included, is a consumer. Products include fruits and vegetables, clothes, shampoo and soap, and appliances. Services include health care, a haircut, and public transport.

Consumers Health means the decisions you make about buying products and using health information and services that affect your health. It has three parts:

  • Impormasyong Pangkalusugan (health information): data from the media, doctors, health workers, and health agencies, such as DOH announcements and medical records.
  • Produktong Pangkalusugan (health products): things made to keep us healthy or cure illness, such as medicine, food, and clothing.
  • Serbisyong Pangkalusugan (health services): services that improve our lives and health, such as a doctor’s consultation, transportation, and water supply.

The module lists six factors that influence buying: presyo (price), anunsyo (advertising, such as celebrity endorsements), kalidad ng produkto (quality), panggagaya o uso (copying trends of famous people, friends, or neighbors), panahon (season, such as buying halo-halo in summer and soup in the rainy season), and kita (family income).

Key ideas: smart, rights-aware, and responsible buying

Traits of a smart shopper

  1. Mapanuri (careful): checks ingredients, weight, and expiration date.
  2. Hindi nagpapadaya (not easily cheated): alert and ready to correct a seller’s mistake, such as counting change.
  3. Marunong maghanap ng alternatibo: knows how to find a substitute product.
  4. Makatwiran (reasonable): compares quality and price before buying.
  5. Sumusunod sa badyet: buys within their means and avoids things they do not need.
  6. Hindi nagpapadala sa anunsyo: values quality and usefulness over ads.

Consumer rights

  • Right to basic needs: enough food, clothing, health services, and education.
  • Right to safety: products should be safe; always check the contents and expiration date.
  • Right to choose: pick products that fit your wants and budget, after comparing price and quality.
  • Right to information (Karapatan sa Patalastasan): correct product information and protection from false claims; a product that does not deliver what it promised can be reported.

Consumer duties

Every right comes with a duty. Consumers should be mapanuri (ask about use, price, and quality before buying), take action by complaining to the right people, show concern for others (for example, not hoarding alcohol or vitamins during the pandemic), be aware of the environment (such as using an eco bag), and join consumer groups to help improve products and services.

Reliable health information

Trusted sources are doctors, nurses, and health workers; government agencies such as the Department of Health, Department of Trade, Department of Agriculture, and Food and Drug Administration; and legitimate websites, news media, newspapers, and books. Learners are reminded to check official websites and social media pages to avoid fake news.

How to use this module

Each lesson opens with questions about everyday shopping, explains the topic, and then gives several Gawain sa Pagkatuto (learning activities). These include sorting, matching, true or false, situation questions, a drawing task with a rubric, and charts to fill in. Answers are written on separate answer sheets.

  • Learners: Do one lesson in the weeks shown, read the explanations first, then answer the activities on paper. Use the PIVOT Assessment Card at the end to rate each activity with a star (done well), a check (done with some difficulty), or a question mark (needs help).
  • Parents: Help with activities that ask about real purchases, such as what your child would buy with 100 or 50 pesos, and talk about the family’s trusted health information sources.
  • Teachers: The module includes a Susi sa Pagwawasto (answer key) for most activities and an assessment card to see where learners need more help.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 3 MAPEH (Health), Quarter 3, published by DepEd CALABARZON as a second edition in 2021.

What topics does the module cover?

It covers consumer health in five lessons over eight weeks: the consumer, the smart consumer, consumer rights, responsible buying, and sources of health information.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for most of the activities in each week.

What are the three parts of consumer health in this module?

Health information (Impormasyong Pangkalusugan), health products (Produktong Pangkalusugan), and health services (Serbisyong Pangkalusugan).

What are the consumer rights taught in the module?

The right to basic needs, the right to safety, the right to choose, and the right to correct product information.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

GRADE 3 – MAPEH (Health)

[illustration: cover art of children doing various activities, with a television showing numbers]

PIVOT 4A Learner’s Material

GRADE 3 – MAPEH (Health)

QUARTER 3

DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division

PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili

MELC SLM

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

MAPEH (Health)

PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021

Ikatlong Baitang

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Catherine Joyce F. Ledesma Content Creator & Writer

Eugene Ray F. Santos & Angela A. Morando Internal Reviewer & Editor

Fe M. Ong-ongowan, Alexandro Maghari & Katrina Marie Unida Layout Artist & Illustrator

Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas IT & Logistics

Kirt John Segui, Komisyon sa Wikang Filipino Language Editor & Reviewer

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Aralin

Ang Mamimili

WEEKS 1-2

[illustration: people shopping at a crowded market with a tricycle, a vendor selling fruits, and a customer paying with money]

Nakapunta ka na ba sa palengke o pamilihan?

Ano ang madalas mong makita sa pamilihan?

Ang pamilihan ay ang ating pinpuntahan kapag tayo ay may kailangan o nais bilihin. Dito natin makikita ang karamihan ng pangangailangan ng pamilya. Iba’t ibang produkto at serbisyo ang ating makikita sa isang pamilihan. Bilang isang mamimili mahalagang malaman natin ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa ating pamimili.

Sino nga ba ang mamimili? Paano ito pumipili ng kanyang bibilihin?

Sa araling ito ay matututuhan ninyo tungkol sa mamimili, consumers health at mga salik na nakakaimpluwensiya sa pamimili.

5 PIVOT 4A CALABARZON Health G3

D

Ano ang isang Mamimili?

Ang mamimili o konsyumer ay taong bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo para matugunan ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng produkto o serbisyong binili.

Sino ang mga mamimili?

Ikaw, at ako ay tinatawag na mamimili o konsyumer.

[illustration: two children carrying shopping bags]

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ang mga larawan ay nagpapakita ng ilang mga produkto at serbisyo na madalas nating binibili. Maari mo bang pangalanan ang mga ito?

Mga Serbisyo

  1. [illustration: a patient being fed soup in bed by a health worker]
  2. [illustration: a girl having her hair brushed or combed by a woman, with a bottle nearby]
  3. [illustration: passengers riding in a jeepney or bus]

Produkto

  1. [illustration: fruits and vegetables]
  2. [illustration: clothing items hanging on hangers, shirts and pants]
  3. [illustration: shampoo, alcohol, and soap bottles]
  4. [illustration: a television, computer, and radio]

PIVOT 4A CALABARZON Health G3 6

Ang Kalusugan ng isang Mamimili (Consumers Health)

Ang Consumers Health ay tumutukoy sa mga desisyon na iyong ginawa tungkol sa pagbili ng produkto, paggamit ng impormasyong pangkalusugan at serbisyo na may epekto sa iyong kalusugan.

Ano ang mga Sangkap sa Kalusugan ng Mamimili?
1. Impormasyong Pangkalusugan

Ito ay tumutukoy sa datos at mga impormasyon na nakukuha mula sa media, mga doctor, health workers, at mga ahensyang pangkalusugan. Halimbawa nito ay ang mga anunsyo mula sa DOH, medical records at iba pa.

[chart: infographic; Maghugas lagi ng mga kamay]

Maghugas lagi ng mga kamay

[illustration: six steps of handwashing]

2. Produktong Pangkalusugan

Ito ay tumutukoy sa mga produkto na ginawa upang mapanatili ang kalusugan at mapagaling ang mga sakit.

Halimbawa nito ay mga gamot, pagkain, damit, at iba pa.

[illustration: medicine bottle and pills, clothing, and a bowl of food with a glass of drink and fruit]

7 PIVOT 4A CALABARZON Health G3

3. Serbisyong Pangkalusugan

[illustration: hospital building with the word OSPITAL]

Ito ay tumutukoy sa mga serbisyong ginagawa o inaalok upang mapabuti ang ating buhay at kalusugan.

Halimbawa nito ay ang konsultasyon sa doktor, transportasyon, suplay ng tubig at iba pa.

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Pamimili

[illustration: a box of BISKWIT with the label “Plus Free Toy!”] Produktong may promo o diskwento

[illustration: a pair of baby shoes with bows] Produktong uso at ginagamit ng iyong mga kaibigan

[illustration: shopping bags with SALE signs] Produktong sale ang presyo

Tingnan ang mga larawan.

Alin sa mga sumusunod ang makakahikayat sa iyong bumili ng produkto?

May iba’t ibang aspekto na tinitingnan ang bawat mamimili sa pagpili ng produkto o serbisyong bibilhin.

PIVOT 4A CALABARZON Health G3 8

Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya sa ating pamimili?

  1. Presyo. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto o serbisyo. Sinisigurado ng mga mamimili na ang produkto ay pasok sa kanilang bulsa.


  2. Anunsyo. Ang paggamit ng kilalang artista o makatawag pansin na anunsyo ay humihikayat sa mga mamimili na bilhin ang produkto.


  3. Kalidad ng Produkto. Ito ay pagtingin sa tibay o ganda ng klase ng produkto o serbisyong binebenta.


  4. Panggagaya o “Uso”. Ito ay ang paggaya sa ginagamit ng mga kilalang tao, mga kaibigan, kapamilya o kapitbahay.


  5. Panahon. Ang pagbabago ng panahon ay maaring makaapekto sa produktong kinokonsumo. Halimbawa, tuwing tag-init, mas pinipili nating bumili ng malamig na pagkain tulad ng halo-halo at ice cream samantalang, mas bumibili tayo ng mainit na pagkain tulad ng sopas tuwing tag-ulan.


  6. Kita. Ang kita ay tumutukoy sa halagang natatanggap ng isang tao kapalit ng serbisyo na kanyang ginagawa. Naaayon sa laki ng kita ng pamilya ang produkto o serbisyong kanyang binibili.


PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Gawain sa Pagkatuto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat sa papel ang IP kung Impormasyong Pangkalusugan, PP kung Produktong Pangkalusugan at SP kung Serbisyong Pangkalusugan.

  1. Gamot sa ubo at sipon
  2. Pagbabakuna ng vaccine laban sa covid-19
  3. Talaan ng iyong timbang, taas, at kondisyong medikal
  4. Konsultasyon sa Health Center
  5. Mga paalala sa tamang paghuhugas ng kamay
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Isulat sa papel ang tinutukoy at inilalarawan ng bawat salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

KonsyumerKalusugan ng Mamimili
Produktong Pangkalusugan
Serbisyong PangkalusuganImpormasyong Pangkalusugan
  1. Taong bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo
  2. Produkto na ginawa upang mapanatili ang kalusugan at mapagaling ang mga sakit.
  3. Serbisyong na ginagawa o inaalok upang mapabuti ang ating buhay at kalusugan.
  4. Desisyon na ginagawa tungkol sa pagbili ng produkto at paggamit ng impormasyong pangkalusugan at serbisyo.
  5. Datos at mga impormasyon na nakukuha mula sa media, mga doctor, health workers, at mga ahensyang pangkalusugan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay totoo at MALI kung hindi tama ang pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang mga konsyumer ay mga tatay at nanay lamang.
  2. Nakakaapekto ang presyo ng produkto sa pamimili ng isang konsyumer.
  3. Ang mga anunsyo ay nakakaimpluwensya sa ating pamimili.
  4. May iba’t ibang aspekto na tinitingnan ang bawat mamimili na sa pagpili ng produkto o serbisyo.
  5. Ang doktor ay maaaring pagmulan ng impormasyong pangkalusugan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pamimili sa Hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa papel.

AB
1. Pagtingin sa halaga ng isang produkto o serbisyo.A. Anunsyo
2. Pagbili ng jacket tuwing taglamig.B. Kalidad ng Produkto
3. Pagbili ng damit na katulad ng suot ng paborito mong artista.C. Panahon
4. Pagbili ng inuming nakita mo sa ads sa Facebook.D. Panggagaya
5. Pagpili ng isang produkto dahil ito ay matibay at tumatagal.E. Presyo

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

  1. Kung ikaw ay bibigyan ng 100 piso, Ano ang iyong bibilihin at bakit?
  2. Ano ang nakakaimpluwensya sa iyong pamimili ng bibilihin? Bakit ito ang iyong nasabi?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Kopyahin ang tsart sa iyong sagutang papel. Punan ang bawat kolum ng impormasyong hinihingi.

Produkto o Serbisyong binili noong nakaraang arawDahilan ng iyong Pagbili ng produkto o serbisyoSaan ito Binili (ex. tindahan, palengke, mall, botika etc)

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

A

Ang mamimili o konsyumer ay taong bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo.

  • Ang Consumers Health ay ang desisyon na ginagawa tungkol sa pagbili ng produkto, paggamit ng impormasyong pangkalusugan at serbisyo.
  • Ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pamimili ay kita, presyo, anunsyo, kalidad ng produkto, panggagaya at panahon.

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Bahagi na ng buhay ng bawat mamimili na bumili ng produkto at serbisyo upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Bilang mamimili, dapat tayo ay may kaalaman sa mga pamamaraan ng tamang pagpili at pagsusuri ng produkto at serbisyo. Ang pagiging matalinong mamimili ay mahalaga upang hindi masayang ang perang ating ginamit sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.

Ano ang mga katangian ng isang matalinong mamimili?

Alamin natin.

I

WEEKS 3-4

Ang Matalinong Mamimili

Aralin

[illustration: woman holding two shopping bags, one marked “50% OFF” and one marked “Php 1,500.00”, looking worried]

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Mga Katangian ng isang Matalinong Mamimili
1. Mapanuri

Ang matalinong mamimili ay matiyagang tinitingnan ang sangkap, timbang, at expiration date ng produkto.

[illustration: woman examining a product in her hand]

2. Hindi Nagpapadaya

Ang matalinong mamimili ay alerto, mapagmasid at handang itama ang pagkakamali ng nagtitinda.

[illustration: vendor using a weighing scale while a customer watches]

3. Marunong maghanap ng Alternatibo

Ang matalinong mamimili ay marunong humanap ng kapalit na produkto upang matugunan ang pangangailangan.

[illustration: three students in uniform shirts, one looking at the other two]

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

4. Makatwiran

Ang matalinong mamimili ay sinisigurado na kapaki–pakinabang ang kaniyang binibiling produkto. Masusi niyang pinag-aaralan ang kalidad at presyo ng produkto bago ito bilihin.

[illustration: woman with a basket looking at goods in a store window]

5. Sumusunod sa badyet

Ang matalinong mamimili ay bumibili ayon sa kakayahan. Iniiwasan nito ang pagbili ng mga produkto na hindi kailangan.

[illustration: one person handing money to another at a counter]

6. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo

Ang matalinong mamimili ay mas binibigyang halaga ang kalidad at pakinabang ng isang produkto at hindi nagpapadala sa mga anunsyo na makikita sa media o ads.

[illustration: shopping bags with “SALE!” signs]

PIVOT 4A CALABARZON Health G3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Kopyahin ang graphic organizer sa inyong papel. Isulat sa kahon ang mga katangian ng isang matalinong mamimili.

[chart: graphic organizer; Gawain sa Pagkatuto Bilang 1]

Matalinong Mamimili

[transcriber’s note: the graphic organizer is an oval labeled “Matalinong Mamimili” with six empty boxes connected to it; the boxes are not labeled and no values are printed]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Anong katangian ng matalinong mamimili ang ipinapakita sa mga sumusunod na sitwasyon? Piliin ang sagot sa kahon. Gawin ito iyong sagutang papel.

  1. Binibilang ni Alex ang sukli bago umalis sa tindahan.
  2. Mas pinili ni Ana na bilhin ang bag na matibay kaysa sa bag na ineendorso ng isang sikat na artista.
  3. Tinitignan ni Joyce ang expiration date ng mga de lata bago ito bilhin.
  4. Hindi bumibili si Jeffrey ng mga bagay na hindi niya kailangan.
  5. Sinusuri ni Cherie kung ang presyo ng pantalong nais niyang bilihin ay angkop sa kalidad nito.
Hindi nagpapadayaMapanuri
Sumusunod sa BadyetHindi nagpapadala sa Anunsyo
MakatwiranMarunong humanap ng Alternatibo
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bilang isang matalinong mamimili, Alin sa mga sumusunod ang mas mainam bilihin? Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.
  • A. [illustration: toothpaste tube] “P149 for 2 tubes” / “TOOTHPASTE”. Halaga 149 pesos
  • B. [illustration: two toothpaste tubes] “TOOTHPASTE”. Halaga: P 160 pesos
  • A. [illustration: T-shirt] “50% off”
  • B. [illustration: T-shirt] “10% off”
  • A. [illustration: pencil] P 26.00
  • B. [illustration: pencil] P 19.00
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
  1. Ano ang bagay na huli mong binili? Bakit mo ito binili?


  2. Ano ang naging pamantayan mo sa pamimili?


  3. Sa tingin mo ba tama ang iyong naging pamantayan sa pagbili? Bakit?


  • A. [illustration: pair of shoes] Murang sapatos pero madaling masira
  • B. [illustration: pair of shoes] Mahal na sapatos pero matibay at tumatagal
  • A. [illustration: three apples] P 30.00
  • B. [illustration: two apples] P30.00

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
  1. Ano ang bagay na huli mong binili? Bakit mo ito binili?
  2. Ano ang naging pamantayan mo sa pamimili?
  3. Sa tingin mo ba tama ang iyong naging pamantayan sa pagbili? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Binigyan ka ng iyong magulang ng halagang P50 pambili ng iyong pagkain habang ikaw ay nag-aaral. Alin sa mga ito ang pipiliin mo? Bakit? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Hamburger P35.00Tsitsirya P 15.00Sopas P 20.00
Frensh Fries P 15. 00Softdrinks P 35.00Squidballs P 10.00

[transcriber’s note: the cells above are pictures of food items, each with its label printed beneath it; the first row is shown as the header]

A

Ang kasanayan sa pagiging isang Matalinong Mamimili ay mahalaga upang hindi masayang ang perang ating ginamit sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.

Ang Karapatan ng mga Mamimili

WEEKS 5-6

I

Aralin

[illustration: girl with a coin in her open palm, looking worried, and a second coin on the table]

[illustration: girl smiling and holding a doll]

Naranasan mo na bang masuklian ng hindi tama nung ikaw ay namimili o di kaya mapagbentahan ng produktong hindi maganda ang kalidad? Ano ang iyong naramdaman?

Sa dami ng maaring mabili sa pamilihan, nararapat na tayo ay maging matalino sa pagpili ng produkto at serbisyo na ating bibilhin. Bilang isang mamimili, dapat tayo ay may kaalaman sa ating mga karapatan upang maiwasan ang mga hindi magandang karanasan sa ating pamimili.

Ano ang mga karapatan ng isang mamimili? Alamin natin.

D

Mga Karapatan ng isang Mamimili
1. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan

Tayo ay may karapatan na magkaroon sapat na pagkain, pananamit, serbisyong pangkalusugan at edukasyon.

[illustration: food items, clothing, and a girl holding a box; box reads “CALABARZON PRODUCTS” and “Buy local”]

2. Karapatan sa Kaligtasan

Tayo ay may karapatan na matiyak na ang mga produktong ating bibilihin ay ligtas laban sa mga panganib na maaring makaapekto sa ating kalusugan. Ugaliing tingnan ang nilalaman at expiration date ng mga produktong ating bibilihin.

[illustration: woman holding a cup]

[illustration: boy sitting on a box holding a can]

3. Karapatang Pumili

Tayo ay may karapatang pumili ng produkto at serbisyong nais nating bilihin na naaayon sa kagustuhan at sa halagang kaya ng badyet. Matutong magkumpara ng presyo at kalidad ng mga produktong bibilihin.

[illustration: boy holding two polo shirts with price tags]

4. Karapatan sa Patalastasan

Tayo ay may karapatan na mabigyan ng tamang impormasyon tungkol sa produktong ating bibilihin. May karapatan tayong mapangalagaan laban sa mapanlinlang at hindi totoong impormasyon at maging biktima ng mga maling gawain. Maaring ireklamo ang anumang produkto o serbisyo na hindi sinunod ang ipiningako nito.

[illustration: bowl of fruits] Masustansiyang Pagkain

[illustration: milk carton and glass] Gatas Pampalakas

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang karapatan ng mamimili sa bawat larawan. Isulat ang A kung ito ay Karapatan sa pangunahing pangangailangan, B kung Karapatan sa Kaligtasan, C kung Karapatang pumili o D kung Karapatan sa Patalastasan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  1. [illustration: boy and two girls wearing polo shirts with price tags]


  2. [illustration: woman holding a cup]


  3. [illustration: bowl of fruits]


  4. [chart: nutrition facts label; untitled]


    Nutrition Facts
    6 serving per container
    Serving size 2/3up (55g)
    Amount per serving
    Calories 230


Nutrient% Daily Value
Total Fat 8 g10%
Vitamin D 2 mcg10%
Calcium 260 mg20%
Iron 8mg45

The % Daily Value (DV) tells you how much a nutrient in a serving of food contributes to a daily diet 2,000 calories a day is used for general nutrition advice.

  1. [chart: fast food menu; untitled]


    FAST FOOD
    Burger P50 | Donut P25
    French Fries P25 | Ice Cream P25


  2. [illustration: woman carrying a bag of food items]


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kopyahin sa papel ang graphic organizer. Isulat sa kahon ang mga karapatang ng isang mamimili.

[chart: graphic organizer; untitled. A star at the center labeled “Karapatan ng Mamimili” is linked to five empty boxes (one at top, two at the sides, two at the bottom).]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutan ang sumusunod na mga sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
  1. Nabasa mo na ang binili mong sardinas ay anim na buwan nang expired.
  2. Kulang ang sukli na ibinigay sa iyo ng tindera sa palengke.
  3. Hindi nyo alam kung paano paganahin ang bagong TV.
  4. Hindi gumagana ang laruan na binili nyo sa pamilihan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang Oo kung ang pangungusap ay naglalaman ng tamang pahayag. Isulat ang Hindi kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  1. Tingnan ang expiration date bago bilhin ang isang produkto.
  2. Hindi na pwedeng magreklamo kung ang produkto ay nagamit na.
  3. Maaaring pumili ang mga mamimili kung ano ang gusto niyang bilihin sa pamilihan.
  4. Karapatan ng mga mamimili na magkaroon ng sapat na pagkain at wastong serbisyo.
  5. Maaaring isuplong sa kinauukulan ang sinumang tinderang nahuling nandadaya .
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa isang papel, gumuhit ng larawan na nagpapakita ng karapatan ng isang mamimili na iyong natutunan. Sa ibaba ng iyong iginuhit, magsulat ng 2 pangungusap na nagpapaliwanag kung ano ang iyong iginuhit.
Rubrik sa Pagsasagawa

[transcriber’s note: the rubric table has no printed header row]

5 puntosNakaguhit ng larawan at nakasulat ng 2 pangungusap.
4 puntosNakaguhit ng larawan at nakasulat ng isang pangungusap.
3 puntosNakaguhit ngunit hindi nakasulat ng pangungusap
2 puntosHindi natapos ang iginuguhit at walang pangungusap.
1 puntosHindi nakaguhit at nakasulat ng pangungusap

Ang matalinong mamimili ay dapat may kaalaman sa kaniyang karapatan upang maiwasan ang mga hindi magandang karanasan sa pamimili.

Ang Responsableng Pamimili

Aralin

WEEK 7

[illustration: woman holding a can, thinking; speech bubble: “Expired na pala itong nabili kong delata. Sayang naman.”]

[illustration: boy with hand on chest, thinking; speech bubble: “Masikip pala itong nabili kong sapatos. Masakit sa paa.”]

Ano ang nakikita mo sa mga larawan?

Ang mga masamang karanasan sa pamimili tulad nang nasa larawan ay maaring maiwasan kung tayo ay magiging responsable sa ating pamimili. Tandaan na ang bawat karapatan ay may kaakibat na panangutan o tungkulin Ang bawat mamimili ay may responsibilidad sa pagpili at pagdedesisyon sa produkto o serbisyong ating bibilihin.

Ano–ano ang tungkulin ng isang mamimili na gaya mo?

Mga Tungkulin ng Isang Mamimili

1. Maging Mapanuri

Tungkulin ng mamimili na maging responsable sa kanyang pagpili o pagdedesisyon sa pagbili. Bago bumili ng isang produkto o serbisyo, ugaliing magtanong tungkol sa gamit, halaga at kalidad ng produkto o serbisyo.

2. Pag-aksiyon

Tungkulin ng mamimili na maipagtanggol ang sarili sa mga pagkakataon na nagkaroon ng di magandang karanasan sa pamimili. Dapat sabihin ang reklamo sa tamang kinauukalan upang mabigyan ng tamang solusyon ang naging problema at mapagbuti pa ang serbisyo at produkto ng nagtitinda.

3. Pagmamalasakit sa iba

Tungkulin ng isang mamimili na alamin kung ano ang maaaring epekto ng pagbili ng mga produkto o serbisyo sa iba pang mamimili.

4. Pagkakaroon ng Kamalayang Pangkapaligiran

Tungkulin ng isang mamimili na alamin ang epekto ng produkto o serbisyong binili sa kapaligiran.

5. Pakikiisa sa iba pang Mamimili

Tungkulin ng mamimili na isulong ang karapatan at mapangalagaan ang kapanan ng bawat mamimili. Ang pagsali sa mga samahan ng mga mamimili kung saan maaring makapagbibgay ng komento at mungkahi ay makakabuti upang mapaayos ang serbisyo at kalidad ng produkto at serbisyo sa bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang ♥ kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging responsableng mamimili. Iguhit ang ♦ kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  1. Ipinalagay ni Nicole ang kaniyang ipinamili sa eco bag na kaniyang dala upang mabawasan ang basurang plastik sa kanilang lugar.
  2. Pina-test muna ni Emile ang laruang kotse na kaniyang bibilihin bago niya ito binayaran sa cashier.
  3. Binili ni Aling Martha ang lahat ng alcohol sa pamilihan noong nabalitaan niya ang paglaganap ng COVID –19.
  4. Binili ni Rene ang sapatos sa malapit na pamilihan na hindi muna isinusukat.
  5. Nagbigay ng komento at mungkahi si Sora sa serbidora upang mapaganda ang serbisyo ng kinainang restawran.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang Tungkulin ng Mamimili na ipinapakita sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Piliin ang sagot mula sa kahon:

  • Maging Mapanuri
  • Pag aksyon
  • Pagmamalasakit sa iba
  • Pakikiisa sa iba pang Mamimili
  • Pagkakaroon ng Kamalayang Pangkapaligiran
  1. Nireklamo ni Lexie ang nabili niyang depektibong produkto.
  2. Mas pinili ni Aling Nena na bilihin ang produktong may nakalagay na “environment friendly”.
  3. Sumali si Mang Ramil sa organisasyon ng mamimili sa kanilang barangay.
  4. Kahit na malaki ang pangangailangan ng bitamina sa panahon nang pandemya, bumili si Micolo ng isang bote na sapat lamang sa kanilang pamilya.
  5. Tiningnan muna ni Raine ang presyo at kalidad ng produkto bago niya ito binili.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pumili ng dalawa sa mga tungkulin ng mamimili na ating tinalakay. Magbigay ng isang sitwasyon kung saan maari mo ito maipakita ang napili mong tungkulin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.






  • Ang bawat mamimili ay may tungkulin sa pagpili at pagdedesisyon sa produkto at serbisyong bibilhin.
  • Tungkulin ng isang mamimili ang maging mapanuri, pagaksyon, Pagmamalasakit sa iba, Pagkakaroon ng Kamalayang Pangkapaligiran at Pakikiisa sa iba pang Mamimili.

Impormasyong Pangkalusugan

Aralin

WEEK 8

[illustration: poster titled “Social Distancing” showing two people standing 3 meters apart; “Pag disinfectant/pagsusuot ng mask” showing hands being sanitized with alcohol and a face mask; caption: “MGA DAPAT KONG GAWIN, UPANG MAIWASAN ANG COVID-19!”]

[illustration: stack of books]

[illustration: doctor and nurse]

[illustration: newspaper clipping titled “BALITA NGAYON”, dated “Enero 21, 2021”, with the headline “Wastong paghugas ng kamay” and a text block of blank lines]










_____.

Tingnan at suriin ang mga larawan.

Ang mga larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang pinagmumulan ng impormasyong ating nakukuha.

May iba’t ibang pinagmumulan ang mga impormasyon na ating nasasagap. Ito ay maaaring galing sa tao, media at mga websites na ating madalas na binubuksan. Mahalagang maging mapanuri tayo sa mga nababasa, napapanood at napapakinggang impormasyon lalo na kung tungkol sa kalusugan.

Ano ang mga mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyong pangkalusugan?

Mga Pinagmumulan ng Impormasyong Pangkalusugan

1. Mga Doktor, Nars at mga Healthcare workers

Sila ay mga lisensyadong propesyonal na may sapat na kaalaman tungkol sa ating kalusugan.

[illustration: a doctor and a nurse]

2. Ahensya ng Gobyerno

Tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan. Ilan sa mga ahensya na maari nating pagkunan ng lehitimong impormasyon ay ang mga sumusunod:

[logo] Department of Health

[logo] Department of Trade and

[logo] Department of Agriculture

[logo] Food and Drug Administration

3. Mga Anunsyo mula sa mga pinagkakatiwalaang websites , news media, pahayagan at aklat

Ang media tulad ng mga pahayagan, programa sa telebisyon at social media ay tumutulong sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyong pangkalusugan. Ugaliin na tumingin sa mga lehitimong websites at social media page upang maiwasang makakuha ng maling impormasyon o “Fake News“.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa papel ang letra ng mga ahensya na pinagmumulan ng impormasyong pangkalusugan.
A. [logo]B. [logo]C. [logo]
D. [logo]E. [logo]F. [logo]
  1. Mga Kapitbahay

[illustration: neighbors]

  1. Pahayagan

[illustration: newspaper headed “BALITA NGAYON”, dated “Enero 21, 2021”, with the printed heading “Wastong paghugas ng kamay” and two small illustrations of people washing hands; writing lines follow]











____________________________.

  1. Doktor

[illustration: a doctor]

  1. Health Center

[illustration: a building labeled “Health Center”]

  1. Tindera

[illustration: a vendor at a stall; printed signs read “100% Lokal” and “Puto”; a third small sign is [illegible]]

  1. [illustration: printed text “doh.gov.ph”]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa isang papel, isulat ang ang M kung ang pinagmulan ng impormasyon ay mapagkakatiwalaan. HM kung hindi.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Maglista ng 6 na pinagkukunan ng impormasyong pangkalusugan ang inyong pamilya. Pangkatin ang iyong nailista tulad ng tsart sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mapagkakatiwalan na Pinagmumulan ng ImpormasyonHindi Mapagkakatiwalan na Pinagmumulan ng Impormasyon

Ang mga mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyong pangkalusugan ay doktor, nurse at mga health workers, mga ahensya ng gobyerno at mapagkakatiwalaang website, social media page ,pahayagan at aklat.

Susi sa Pagwawasto

<!– transcriber’s note: this answer key page is printed rotated 180 degrees; the week blocks are read in the order their printed labels appear, and the assignment of some activity blocks to a week is inferred from the layout –>

Week 1-2

Gawain sa Pagkatuto 1

  1. PP
  2. PP
  3. SP
  4. SP
  5. IP
  6. IP
  7. IP

Gawain sa Pagkatuto 2

  1. Konsyumer
  2. Produktong Pangkalusugan
  3. Serbisyong Pangkalusugan
  4. Kalusugan ng Mamimili
  5. Impormasyong Pangkalusugan

Gawain sa Pagkatuto 3

  1. Mali
  2. Tama
  3. Tama
  4. Tama
  5. Tama

Gawain sa Pagkatuto 4

  1. E
  2. C
  3. D
  4. A
  5. B
Week 3-4

Gawain sa Pagkatuto 2

  1. Hindi Nagpapadaya sa anunsyo
  2. Hindi nagpapadala sa anunsyo
  3. Mapanuri
  4. Sumusunod sa Badyet
  5. Makatwiran

Gawain sa Pagkatuto 3

  1. A
  2. A
  3. B
  4. B
  5. A
Week 5-6

Gawain sa Pagkatuto 1

  1. C
  2. B
  3. A
  4. B
  5. C
  6. A

Gawain sa Pagkatuto 2

  1. Oo
  2. HINDI
  3. Oo
  4. Oo
  5. Oo
  6. Oo
Week 7

Gawain sa Pagkatuto 1

  1. ♥
  2. ♥
  3. ♦
  4. ♦
  5. ♥

Gawain sa Pagkatuto 2

  1. Pag aksyon
  2. Pagkakaroon ng Kamalayang Pangkapaligiran
  3. Pakikiisa sa iba pang Mamimili
  4. Pagmamalasakit sa iba
  5. Maging Mapanuri
Week 8

Gawain sa Pagkatuto 1

  1. A
  2. C
  3. E
  4. F

Gawain sa Pagkatuto 2

  1. HM
  2. M
  3. M
  4. M
  5. HM
  6. M

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

PIVOT Assessment Card for Learners

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang

[illustration: two students reading a book]

☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1LPWeek 2LPWeek 3LPWeek 4LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8
Week 5LPWeek 6LPWeek 7LPWeek 8LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8

Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.

Sanggunian

Books

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education. (2014). Health Grade 3 Learner’s Material. Pasig City: Department of Education.

Online Sources

Vennage.net Mga Katangian ng Matalinong Mamimili. Retrieved from https://venngage.net/p/234930/katangian-ng-matalinong-mamimili

DTI Philipines. Consumer Education. Retrieved from https://www.dti.gov.ph/konsyumer/consumer-education/

Soriano Elsha Marie B. 2020 February 19. DTI to public: Assert your con sumer rights. Retrieved from https://pia.gov.ph/news/articles/1018639

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

[logo] [logo] [logo]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district