This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 3 MAPEH (Physical Education), Quarter 3, Second Edition (2021), published by DepEd Region 4A CALABARZON. It is written in Filipino and has three lessons spread over eight weeks. Learners describe movement in space, compare movements by speed, force, and flow, and do rhythmic exercises with a hoop and a ball.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module states these lesson goals. Learners will be able to:
- describe different movements and the different locations, directions, levels, pathways, and planes (spaces) in which they happen
- identify and perform different movements using the elements of time (speed), force, and flow
- perform different exercises in response to sounds, using a hoop and a ball
Lessons in this module
| Weeks | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1-2 | Lokasyon, Direksiyon, Antas, Daan, at Espasyo (location, direction, level, pathway, and space) | A hiking story introduces words for where things are and how people move toward a place. |
| 3-5 | Oras, Lakas at Daloy (time, force, and flow) | The song “Magtanim Ay ‘Di Biro” opens a lesson on fast and slow, heavy and light, and free and bound movement. |
| 6-8 | Ritmikong Gawain (rhythmic activities) | Step-by-step hoop and ball routines done to music in 4/4 time. |
Key ideas in Lesson 1: describing movement in space
The lesson starts with a story of friends Bilog, Kennedy, and Jireh, who hike up a mountain with their guide, Banyeng. Things they see along the trail become examples of each term.
- Lokasyon (location) is the exact place or position of a person, animal, or thing. It is described with words such as itaas o ibabaw (above or on top), ilalim (under), kanan (right), kaliwa (left), and likod (behind). Examples: a bird on top of a tree, a deer under a tree, a ball under a table.
- Direksiyon (direction) is movement toward a certain place: pasulong (forward), paatras (backward, like a car backing up), pakanan (to the right), and pakaliwa (to the left).
- Daanan (pathway) is the path of movement: diretso (straight), pakurba (curved), or paliko-liko (zigzag).
- Espasyo o planes (space or planes) can be pahalang o patag (horizontal or level), diyagonal (gradually rising or slanted), or patayo (vertical, going straight up).
- Antas (level) has three kinds:
- mataas (high): done standing, like standing up
- midyum or katamtaman (medium): done at the middle of the body, like kneeling or sitting
- mababa (low): done near the floor, like lying down
Key ideas in Lesson 2: time, force, and flow
- Oras (time) is about how fast or slow a movement is. For slow movements, walking is mabagal (slow), hopping on one foot is mas mabagal (slower), and crawling is pinakamabagal (slowest). For fast movements, jumping is mabilis (fast), leaping is mas mabilis (faster), and running is pinakamabilis (fastest).
- Lakas (force) is about how heavy or light a movement is. Carrying one, five, then nine books needs more and more force: heavy, heavier, heaviest. Carrying five, three, then one plate is light, lighter, lightest.
- Daloy (flow) can be malaya (free) or di-malaya (bound).
- Free movement is not limited, has no set structure, and is continuous.
- Bound movement is limited, follows a structure, and has deliberate stops between movements.
Key ideas in Lesson 3: rhythmic activities
A ritmikong gawain (rhythmic activity) is movement done in response to sounds, or dance steps done as exercise. The module lists objects that can be used: bandiritas (small flags), ribbon, stick, buklod (hoop), and bola (ball).
- Hoop routines: three short routines. Learners raise, lower, and hold the hoop at shoulder, chest, neck, and leg level, and to the right and left. Each routine uses counts of 1 to 8 and 8 to 1. The module reminds learners to grip the hoop firmly.
- Ball routines: done standing with feet close together, in three parts:
- bouncing and catching the ball with the right hand, then the left
- passing the ball around the body in both directions
- tossing the ball up, catching it, bouncing it, and catching it again
The module asks for extra care during these activities. If there is no hoop or ball at home, learners may use another object of the same shape.
How to use this module
Each lesson has an introduction, a reading part, and five Gawain sa Pagkatuto (learning tasks). Answers go on clean answer sheets.
- Learners: Read the story or song first, then the explanations, then do the tasks in order. Some tasks are drawing tasks, such as drawing a map from your home to your school. Others are movement tasks, such as timing yourself walking, hopping, running, jumping, leaping, and skipping between two points. After the tasks, rate yourself on the PIVOT Assessment Card:
- a star means you did it well
- a check means you did it with a little difficulty
- a question mark means you need more help
- Parents: Some tasks ask an adult to help. You may need to teach the song, time the movement tasks, or watch while your child does the hoop and ball routines safely.
- Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end gives answers for the identification, true-or-false, and ordering tasks. Drawing and performance tasks are marked Sukatan ng Kakayahan (performance-based), so you rate them yourself.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this PIVOT module for?
It is for Grade 3 MAPEH (Physical Education), Quarter 3. It is the Second Edition (2021) of the PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region 4A CALABARZON.
What lessons are in this module?
There are three lessons. Weeks 1-2 cover location, direction, level, pathway, and space. Weeks 3-5 cover time, force, and flow. Weeks 6-8 cover rhythmic activities with a hoop and a ball.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the written tasks. Drawing and performance tasks are marked Sukatan ng Kakayahan, meaning the teacher rates them.
What is the difference between malaya and di-malaya na kilos?
Malaya (free) movement is not limited, has no set structure, and flows continuously. Di-malaya (bound) movement is limited, follows a structure, and has deliberate stops between movements.
What if we do not have a hoop or ball at home?
The module says learners may use another object with the same shape. The routines are done to a song in 4/4 time.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material: GRADE 3 – MAPEH (Physical Education), Quarter 3
[logo] [logo]
GRADE 3 – MAPEH (Physical Education)
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
[illustration: children doing different activities on a yellow shape, including a girl reading, a boy playing a xylophone, and a child by a television showing numbers]
QUARTER 3
[logo] DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
MAPEH (Physical Education)
Ikatlong Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Psalm John Mico F. Manalo Content Creator & Writer
Eugene Ray F. Santos & Angela A. Morando Internal Reviewer & Editor
Ephraim L. Gibas & Katrina Marie A. Unida Layout Artist & Illustrator
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Roy Rene Cagalingan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
WEEKS 1-2
Aralin I: Lokasyon, Direksiyon, Antas, Daan, at Espasyo
Mayroon ka bang lugar na nais puntahan? Saan ang lugar na ito? Maaari mo bang ilarawan ang itsura ng lugar na ito? Alam mo ba ang daan kung paano makapunta rito? Maaari mo bang ikuwento kung paano makapunta sa lugar na ito?
Sa aralin na ito ay matututuhan mo ang iba-ibang pagkilos sa iba’t ibang lokasyon, direksyon, antas, daan, at espasyo. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin na ito ay mailalarawan mo ang iba’t ibang kilos at ang iba’t ibang lokasyon, direksyon, antas, daan, at espasyo.
Napadadalas sa mga gawain ng mga tao ngayon ang magpunta sa isang lugar. Minsan ay sa beach upang lumangoy, minsan ay sa isang parke upang mamasyal, at minsan ay sa isang bundok upang mag-hiking.
Basahin ang kuwento.
[illustration: four friends with backpacks hiking up a mountain path past a palm tree and trees]
Isang araw ay napagkasunduan ng magkakaibigang sina Bilog, Kennedy, at Jireh na umakyat ng bundok. Sa kanilang paglalakbay ay may iba’t ibang klase ng daanan ang kanilang mararanasan, sa kanilang pag-iingat na hindi maligaw ay kumuha sila ng isang tour guide na nakaaalam sa lugar, siya ay si Banyeng. Kabisado niya ang pasikot-sikot sa pag-akyat ng bundok at pagbabasa ng mapa na ginagamit sa pag-akyat dito.
Nagsimula ang magkakaibigan sa pag-akyat bago pa man sumikat ang araw. Dala-dala ang kanilang mga gamit, dahan-dahan at buong ingat silang sumunod kay Banyeng, na nakakaalam ng lugar.
Sa umpisa pa lang ng kanilang pag-akyat ay marami na silang dinadaanan na paahon na mga kalsada. Mayroon ding mga paliko-liko at pakurbang mga kalsada. Karamihan sa mga ito ay mabato at maputik. Napaliligaran ang mga daanan ng matataas na tubo ng mga damo, halaman, at puno. May nakita silang mga puno ng mangga sa kanang bahagi ng kanilang nilalakaran; may nakita silang mga puno ng buko sa kanilang kaliwa; mayroon ding mga tanim ng kamatis sa kanilang harapan; at mga malalaking bato sa gawing likuran.
Habang patuloy ang apat sa pag-akyat sa bundok ay nakaramdam ng pagod si Jireh. Dahil dito ay minarapat ni Banyeng na magpahinga muna ang grupo bago tumuloy sa pag-akyat. Sa kanilang pag-upo ay namangha ang tatlo sa kanilang nasilayan.
“Marami na palang hayop dito sa parte na ito ng kabundukan,” sambit ni Bilog nang may kagalakan.
“Medyo malayo na rin kasi ang narating natin kaya mas maraming bago sa inyong paningin ang inyong nakikita,” sagot ni Banyeng.
[illustration: hikers on a winding mountain trail below a mountain, with trees and rocks on both sides]
“Ayun, tingnan ninyo! May isang usa na nagtatago sa ilalim ng puno.” masayang pagbabahagi ni Kennedy sa kaniyang nakita.
“Mayroon namang ibon sa ibabaw ng parehong puno,” sambit ni Jireh.
Sa kanilang pagpapatuloy sa pag-akyat matapos magpahinga ay palapit na nang palapit sa tuktok ang magkakaibigan. Liko sa kaliwa, liko sa kanan, akyat at kaunting pagbaba lamang ay makararating na sila. Unti-unti na nilang nararamdaman sa kanilang ibabaw ang pagsikat ng araw. Sa kagustuhan nilang masilayan ito mula sa itaas ay nagmadali na sa pag-akyat ang apat.
Halos makalimutan nila ang kanilang mga pangalan sa nasilayan nilang kagandahan ng pagsikat ng araw mula sa kanilang lugar. Hindi rin nagpatalo ang ganda ng nakapalibot sa kanilang kapaligiran. Hirap man at nakakapagod ang kanilang naging lagay sa pagpunta sa taas ng bundok ay napawi ito ng pagkamangha sa kanilang nakita.
[illustration: four hikers walking toward a sunrise over hills, with trees on both sides]
Saan nagpunta ang magkakaibigan? Ano ang kanilang mga naranasan habang papunta rito? Ano-ano ang kanilang mga nakita sa kanilang paglalakad? Saan nakapuwesto ang kanilang mga nakita?
Ang lokasyon ay isang tiyak na lugar o posisyon ng isang tao, bagay, o hayop. Madalas na ginagamit ito sa paghahanap ng isang lugar tulad ng simbahan, parke, palaruan, at iba pa. Ang lokasyon ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng sumusunod.
D
[chart: concept map; LOKASYON]
| Posisyon | Halimbawa |
|---|---|
| Itaas o ibabaw | ibon sa ibabaw ng puno |
| Kaliwa | puno ng buko |
| Kanan | puno ng mangga |
| Ilalim | usa sa ilalim ng puno |
| Likod o likuran | malalaking bato |
Ilalim. Ginagamit ito upang mailarawan ang lokasyon ng isang tao, bagay, o lugar na nasa ibabang bahagi ng isa pang bagay, o lugar. Halimbawa ay ang bola na nasa ilalim ng mesa.
[illustration: a table with a lamp on top, a window behind it, a ball under the table, and a chair at its right side]
Itaas o ibabaw. Ginagamit ito upang mailarawan ang isang tao, bagay o lugar na nakapatong, nasa itaas na bahagi, o nakaibabaw sa isa pang bagay o lugar. Halimbawa ay ang lamp shade na nakapatong sa itaas ng mesa.
Kanan. Ginagamit ito upang mailarawan ang lokasyon ng isang tao, bagay, hayop, o lugar na nasa kanang bahagi ng isa pang tao, bagay, hayop, o lugar. Halimbawa nito ay ang upuan. Ito ay nasa kanang bahagi ng mesa. Kaya masasabi natin na ang upuan ay nasa kanan ng mesa.
Kaliwa. Ito ay naglalarawan sa isang tao, bagay, hayop, o lugar na nasa kaliwang bahagi o parte ng isa pang tao, bagay, hayop, o lugar. Makikita natin na ang lampshade ay nasa kaliwang bahagi ng mesa. Mula rito ay masasabi natin na ang lampshade ay nasa kaliwa ng mesa.
Likod o likuran. Ginagamit ito sa paglalarawan ng isang tao, bagay, hayop o lugar na nakapuwesto sa gawing likod o hulihan ng isa pang tao, hayop, bagay o lugar. Halimbawa sa larawan ay ang bintana. Makikita na nasa likod o hulihan ito ng mesa.
Direksiyon
[chart: flowchart; untitled]
- Direksiyon
- pasulong
- paatras
- pakanan
- pakaliwa
Ang lokasyon, puwesto, o isang lugar ay hindi lang nailalarawan kundi napupuntahan din. Sa pagpunta sa isang lugar ay ginagamitan natin ng tinatawag na direksiyon. Ang direksiyon ay ang punto ng paggalaw papunta sa isang tiyak na lugar. Maaari itong ilarawan sa pamamagitan ng pasulong, paatras, pakanan, o pakaliwa.
[illustration: a car driving forward out of a garage, a boy and two children running forward, a group of uniformed police marching to the right, and a figure moving backward and to the left]
Pasulong. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang pagkilos ng isang tao, bagay, o hayop papunta sa kaniyang harapan. Halimbawa ay ang pagtakbo ng kabataan papunta sa kung saan sila nakaharap.
Paatras. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang isang kilos ng isang tao, hayop, o bagay papunta sa kaniyang likuran sa pamamagitan ng paghakbang patalikod o pag-atras. Halimbawa ay ang paggawa ng backpedal sa pagtakbo, o ang pag-atras ng isang kotse.
Pakanan. Ang paglalarawan na ito ay ginagamit sa pagkilos ng isang tao, hayop, o bagay papunta sa kanilang kanan. Halimbawa ay ang paglalakad pakanan o pagmamartsa ng mga pulis sa kanilang kanan.
Pakaliwa. Ito ay ginagamit sa paglalarawan ng isang kilos ng tao, hayop, o bagay papunta sa kanilang kaliwa. Halimbawa ay ang pagsasayaw ng Zumba ng matatanda papunta sa kanilang kaliwa.
Sa pagpunta sa isang lugar, maliban sa lokasyon at direksiyon ay may tinatawag tayo na daanan. Ang daanan ay isa ding punto ng pagkilos o paggalaw papunta sa isang lugar. Maaari itong pasulong o paatras pero sa ibang paraan. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng diretso, pakurba o paliko-liko, o zigzag.
[chart: tree diagram; untitled. Root box “Daanan” branches to three boxes: “diretso”, “pakurba”, “paliko-liko”. Each box is linked to a road drawing: [illustration: straight road] for diretso, [illustration: curved road] for pakurba, [illustration: zigzag road] for paliko-liko]
Diretso. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar sa tuwid at diretsong daanan. Walang paliko o pakurbang daan.
Pakurba. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar na may mga pakurba o puro kurbadong daan.
Paliko-liko o Zigzag. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar na may mga paliko-liko o biglang mga liko na daanan.
Ang espasyo o planes ay halos katulad din ng daanan. Maaari itong maikategorya sa pamamagitan ng pahalang o patag, diyagonal, o patayo na espasyo o plane. Ang pahalang o patag na espasyo o plane ay may pantay na lebel ng daanan.
Ang diyagonal na espasyo o plane naman ay may unti-unting pagtaas ng daanan. Maaaring nakahilig o patikwas ang uri ng daanan.
Isa pang halimbawa ay ang patayo na espasyo o plane. Ito ay patindig o tuwid na pataas na daanan.
Ang pahalang o patag na espasyo o plane ay may pantay na lebel ng daanan.
Ang diyagonal na espasyo o plane naman ay may unti-unting pagtaas ng daanan. Maaaring nakahilig o patikwas ang uri ng daanan.
Isa pang halimbawa ay ang patayo na espasyo o plane. Ito ay patindig o tuwid na pataas na daanan.
[illustration: a boy standing and reading a book]
[illustration: a boy lying on his stomach and reading a book]
[illustration: a girl sitting on a chair and reading a book]
Ang iba-ibang hati, lebel ng espasyo ay tinatawag na antas. Ito ay nahahati sa tatlong uri. Ang mababang antas o nibel, midyum o katamtamang antas o lebel, at mataas na antas o lebel.
Ang mataas na antas o lebel ay ang mga pagkilos na naisasagawa nang nakatayo o nakaunat ang ating katawan sa normal nitong itsura patayo. Ito ay ang mga kilos na isinasagawa kapantay ng espasyo sa itaas na parte ng ating katawan. Halimbawa ng kilos ay ang pagtayo.
Ang midyum o katamtamang antas o lebel ay ang mga pagkilos na isinasagawa sa espasyo na kalebel ng nasa gitnang parte ng ating katawan. Halimbawa ng mga kilos na ito ay ang pagluhod o pag-upo.
Ang mababang antas o lebel ang huli. Ito ang mga pagkilos na isinasagawa sa bandang ibaba ng espasyo o ibabang lebel ng ating katawan. Halimbawa nito ay ang mga kilos na isinasagawa habang nakahiga sa sahig o sa isang patag na espasyo tulad ng paghiga.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa pangkat ng mga salita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
_____ 1. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang hati ng lebel sa isang espasyo.
_____ 2. Ito ay punto ng kilos o paggalaw papunta sa isang tiyak na lugar at nailalarawan kung diretso, pakurba, o paliko-liko.
_____ 3. Ito ay punto ng kilos o pagpalaw papunta sa isang tiyak na lugar na maaaring ilarawan sa pamamagitan ng pasulong, paatras, pakaliwa, o pakanan.
_____ 4. Ito ay isang tiyak na lugar o posisyon ng isang tao, hayop o bagay.
_____ 5. Ito ay halos katulad din ng daanan at nailalarawan sa pamamagitan ng mga salitang pahalang, diyagonal o patayo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Iguhit ang mga inilalarawan ng pangungusap sa bawat bilang. Gawin ito sa malinis na sagutang papel.
- Sapatos sa ilalim ng mesa.
- Tao sa ibabaw ng silya.
- Unan sa kaliwa ng balde.
- Pintuan sa likuran ng aso.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama o wastong pahayag. Isulat naman ang titik M kung ang pahayag ay mali o hindi tama. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.
____ 1. Ang daanan na paunti-unti pataas o nakahilig ay isang halimbawa ng diyagonal na espasyo.
____ 2. Ang midyum o katamtamang antas ay ang mga kilos na isinasagawa sa espasyong nasa parteng ibaba ng ating katawan tulad ng paghiga.
____ 3. Ang pakurba na daan ay isang tuwid na paggalaw o walang liko na daan.
____ 4. Kung ang tinutukoy ay sa kanan ng isang tao, hayop, bagay, o lugar ay makikita natin ito sa kaliwang parte ng isa pang tao, hayop, bagay, o lugar.
____ 5. Paatras ang ginagamit sa paglalarawan ng kilos na papunta sa kaniyang likuran sa pamamagitan ng paghakbang o pag-andar patalikod.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Humanap ng iba’t ibang bahagi ng bahay na nagpapakita ng halimbawa ng isang espasyo o plane. Iguhit ito at sagutan ang mga tanong. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.
Mga Tanong:
- Ano ang iyong iginuhit?
- Anong klase o uri ito ng espasyo o plane? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Gumawa ng mapa mula sa bahay papunta sa inyong eskuwelahan. Sumulat ng maikling talata na nagsasaad kung paano pumunta sa iyong eskuwelahan mula sa inyong bahay. Gamitin ang mga salitang natutuhan sa paglalarawan ng isang lokasyon, antas, daanan, espasyo o planes, at direksiyon. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.
Ang pagkilos ay mailarawan sa pamamagitan ng:
| Imahe: Mapa | Imahe: Arrow ng direksyon | Imahe: Kalsada | Imahe: Hagdan | Imahe: Espasyo |
|---|---|---|---|---|
| [illustration: map] | [illustration: upward arrow] | [illustration: road] | [illustration: staircase] | [illustration: trapezoid plane] |
| _____ | _____ | _____ | _____ | _____ |
Antas Daanan Direksiyon Espasyo Lokasyon
WEEKS 3-5
Oras, Lakas at Daloy
Aralin
Sa aralin na ito ay matutuhan mong matukoy at maisagawa ang iba’t ibang klase o halimbawa ng iba’t ibang kilos sa iba’t ibang oras, lakas at daloy.
Basahin at kantahin ang awiting “Magtanim Ay ‘Di Biro”. Maaaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda upang malaman ang paraan ng pag-awit sa kanta. Awitin ang lirikong nasa ibaba:
Magtanim Ay D’i Biro
Magtanim ay ‘di biro,
Maghapong nakayuko.
‘Di man lang makaupo,
‘Di man lang makatayo.
Halina, halina, mga kaliyag.
Tayo’y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas!
[illustration: a man bending over to plant rice seedlings in a flooded field while a woman stands beside him holding a basket of seedlings]
Ano ang iyong naramdaman sa pag-awit ng awitin sa itaas? Saan ito patungkol? May mga kilos ba na nabanggit sa liriko ng awitin? Ano-ano ang kilos na ito?
Araw-araw ay nakakagawa ka ng iba-ibang klase ng kilos o paggalaw. Ang bawat pagkilos ay dapat na isinasagawa sa wastong paraan. Wasto sa puwersa o lakas na ibinibigay sa paggawa, wasto sa bilis o bagal ng kilos, at wasto pagdating sa daloy ng kilos. Ang bawat kilos na ating isinasagawa ay natatangi. Madali mong makikita ang kanilang mga kaibahan kung iyo itong susuriin.
Lalo pagdating sa epekto na dulot ng oras, lakas, at daloy sa iyong mga kilos. Ang mga elementong ito ay dapat na maisaalang-alang sa tuwing ikaw ay gagalaw.
Oras. Elemento na tumutukoy sa bilis ng kilos o oras. Ang elemento ng oras ay nakaaapekto sa bilis o bagal ng iyong kilos. Sa pagkakataong ito, ay ilalarawan natin ang mga kilos sa mas tiyak na paraan. May mga pagkilos na natural na mabilis at natural na mabagal. Halimbawa ay ang pagtakbo ng kabayo na masasabi nating mabilis, at ang paglalakad ng pagong na masasabi naman natin na mabagal ang pagkilos.
[illustration: a boy crawling on the floor]
[illustration: a girl walking]
[illustration: a boy hopping on one foot]
Paghambingin ang mga larawan sa itaas. Ang unang larawan ay nagpapakita ng isang batang gumagapang. Ang ikalawa naman ay isang batang kumakandirit. Sa huling larawan ay isang batang naglalakad. Ang bawat kilos ay isinasagawa sa wastong paraan. Ibig sabihin, ang mga ito ay isinasagawa sa mabagal na paraan o pagkilos. Kaya mula sa mabagal nitong pagkilos ay ibabase natin ang ating paglalarawan. Masasabi natin na mabagal ang paglalakad ngunit mas mabagal ang pagkandirit. Mas mabagal naman ang kilos na paggapang kaysa pagkandirit. Sa kabuoan, maaari nating sabihin na ang paglalakad ay mabagal, ang pagkindirit ay mas mabagal, at ang paggapang ang pinakamabagal.
Tingnan ang mga larawan sa itaas. Ang bawat kilos na isinasagawa ng mga bata ay ginagawa sa mabilis na paraan. Ang unang larawan ay batang lumulukso. Kasunod nito ay isang bata na umiigpaw. Sa huli ay isang bata na tumatakbo. Kung aayusin mo ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa bilis ng kilos ay masasabi na ang paglukso ay mabilis, ang pag-igpaw ay mas mabilis, at ang pagtakbo ang pinakamabilis.
[illustration: three children in sequence: one jumping, one leaping upward, and one running fast]
[chart: tree diagram; Oras]
- Oras
- bilis
- mabilis: mabilis
- mas mabilis: mas mabilis
- pinakamabilis: pinakamabilis
- bagal
- mabagal: mabilis
- mas mabagal: mas mabilis
- pinakamabagal: pinakamabilis
- bilis
Lakas
Lakas. Ang elemento ng lakas ay tumutukoy sa bigat o gaan ng isang kilos. May nararapat na puwersa na ibinibigay sa mga kilos upang maisagawa ito nang wasto. May mga kilos na mas malakas na puwersa ang ibinibigay upang maisagawa. May mga kilos din naman na kaunting puwersa lang ang kinakailangan.
Kung iyong mapapansinin, may mga kilos tayong nakikita na isinasagawa ng mga mas nakatatanda sa atin. Isinasagawa nila ang mga ito sa hindi puwersadong paraan o kaunting puwersa lamang ang ginagamit. Hindi sila hirap sa paggawa sa mga kilos na ito. Ngunit kung iyong gagayahin o isasagawa ang parehong kilos ay mas mahirap itong maisagawa. Ang mga ganitong klase ng kilos ay kinakailangan na mabigyan ng mas malakas na puwersa upang maisagawa. Ito ay tinatawag na mabigat na kilos.
Ang mga pagkilos naman na hindi kinakailangan ng malakas na puwersa kapag isinasagawa ay tinatawag na magaan na kilos.
[illustration: three hands holding stacks of books, with one book, five books, and nine books]
Tingnan ang larawan sa itaas. Mula rito ay masasabi natin na mas malakas ang puwersang ibinibigay sa pagbubuhat ng limang pirasong aklat kaysa sa isang piraso lamang. Masasabi rin natin na mas malakas ang puwersang isinasaalang-alang sa pagbubuhat ng siyam na libro kung ihahambing sa pagbubuhat ng isa o limang libro. Kung isasaayos natin ang mga kilos ayon sa bigat ng lakas ay:
- pagbuhat ng isang libro – mabigat na kilos
- pagbuhat ng limang libro – mas mabigat na kilos
- pagbuhat ng siyam na libro – pinakamabigat na kilos
[illustration: three hands holding stacks of books and a plate]
Maaari din nating sabihin na ang isang kilos ay magaan. Halimbawa nito ay ang pagbubuhat ng plato. Mas kaunting plato ang buhat ay mas kaunting puwersa ang ibinibigay. Ang pagbubuhat ng limang pirasong plato ay halimbawa ng magaan na kilos. Mas magaan na kilos naman ang ibinibigay kung tatlong pirasong plato ang binubuhat. Ngunit kung ihahambing natin ang pagbubuhat ng isang pirasong plato sa dalawang nauna ay masasabi nating ito ang pinakamagaan na kilos na isinagawa.
[chart: tree diagram; Lakas]
- Lakas
- bigat
- mabigat
- mas mabigat
- pinakamabigat
- gaan
- magaan
- mas magaan
- pinakamagaan
- bigat
Daloy. Ang mga kilos ay maaari ding maapektuhan ng daloy. Dito ay naihahambing ang kilos kung ang kilos ay malaya o di-malaya. Ang malaya na kilos ay ang mga kilos na hindi limitado. Ito rin ay may walang sadyang pagtigil sa pagitan ng bawat kilos. Ibig sabihin ay wala itong sinusunod na tamang pagkakasunod ng mga kilos o hakbang. Ang di-malayang kilos naman ay nagsasagawa ng mga kilos na limitado. Ito ay may sadyang pagtigil sa pagitan ng bawat isinasagawang kilos.
[chart: tree diagram; Daloy. Values are not labeled on the chart.]
- Daloy
- malaya
- hindi limitado ang galaw
- walang istrukturang kilos
- tuloy-tuloy ang kilos
- di- malaya
- limitado ang galaw
- may istrukturang kilos
- di tuloy –tuloy ang kilos
- malaya
Sa dami ng mga isinasagawa nating pagkilos sa araw-araw, mas madali nating maihahambing ang bawat kilos. Lalo kung alam natin ang mga elemento na oras, daloy, at lakas na nakaaapekto sa ating mga kilos. Tunay nga na kinakailangan natin itong malaman upang maisagawa natin ang iba-ibang kilos sa wasto at tamang paraan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isaayos ang mga salita mula sa mabilis hanggang sa pinakamabilis na kilos sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
- Aso Langgam Kabayo
- Motor Eroplano Bisikleta
- Paglalakad Pag-iskape Paglukso
- Pagtakbo Pag-igpaw Paglalakad
- Pagkandirit Paggulong Pagtakbo
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Tukuyin alin sa mga pangkat ng salita ang nagpapakita ng mahina, mas mahina at pinakamahinang puwersa sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
- Pagbuhat ng papel Pagbuhat ng balde Pagbuhat ng barbel
- Pagbuhat ng 10 kilo Pagbuhat ng 3 kilo Pagbuhat ng 15 kilo
- Pagtulak sa 1 kahon Pagtulak sa 8 kahon Pagtulak sa 4 kahon
- Pagtulak sa 7 upuan Pagtulak sa 10 upuan Pagtulak sa 1 upuan
- Pagtulak sa 3 mesa Pagtulak sa 1 mesa Pagtulak sa 7 mesa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Basahin at isagawa ang mga nakasaad na panuto. Matapos gawin ang mga ito ay sagutin ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
Mga Panuto:
Humanap ng isang espasyo sa loob ng bahay na maaaring gumawa ng mga kilos lokomotor.
Magtakda ng dalawang lugar para kina A and B. Ang mga lugar na ito ay magsisilbing marka o ruta na iyong babagtasin habang isinasagawa ang mga kilos lokomotor.
Humanap ng kasama sa bahay na maaaring mag-oras sayo habang isinasagawa ang bawat gawain.
Gawin ang mga kilos lokomotor sa ibaba mula A papunta kay B:
A. paglakad
B. pagkandirit
C. pagtakbo
D. paglukso
E. pag-igpaw
F. paglukso-lukso
Mga Tanong:
- Ilang segundo mo natapos ang bawat gawain? Isulat ito sa loob ng talahanayan sa ibaba.
| KILOS | ORAS |
|---|---|
| Paglakad | |
| Pagkandirit | |
| Pagtakbo | |
| Paglukso | |
| Pag-igpaw | |
| Paglukso-lukso |
Ano ang pinakamabilis na kilos ang iyong naisagawa?
Ano ang pinakamabagal na kilos ang iyong naisagawa?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Gumuhit ng tatlong magkakaibang kilos ayon sa lakas. Lagyan ng pangalan o label ang bawat kilos. Sagutin ang mga tanong sa ibaba pagkatapos gumuhit. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.
[illustration: three empty square boxes for the learner’s drawings]
Mga Tanong:
Aling pagkilos sa iyong mga iginuhit ang nangangailangan ng may pinakamalakas na puwersa? Bakit?
Aling pagkilos sa iyong mga iginuhit ang nangangailangan ng pinakamahinang puwersa? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.
Paano nakatulong ang araling ito sa iyo?
Sa paanong paraan mo maisasabuhay ang araling ito?
Ano ang halimbawa ng malayang kilos at di-malayang kilos?
A
Mahalaga ang bawat oras, bahagi nito ang _________ at _________ng paggalaw. Sapagkat ang _________ ay magagamit upang ang mabigat at magaan na kilos ay ating maisagawa sa pang araw-araw nating gawain. Malaya o di-malayang kilos ang ating paggalaw ito ay bahagi nang _________ ating buhay.
| bilis | lakas | bagal | daloy |
|---|
Ritmikong Gawain
Aralin
WEEKS 6-8
D
I
Nakapunta ka na ba sa loob ng isang gym? Nakakita ka na ba ng isang gymnast? Nakita mo ba ang iba’t ibang klase ng kilos na isinasagawa niya? Sa iyong palagay, kaya mo bang maisagawa ang ganitong klase ng kilos?
[illustration: two children with hoops, one girl and one boy, both wearing PE shirts]
Sa aralin na ito ay matututuhan mo na maisagawa ang iba’t ibang ehersisyo bilang tugon sa mga tunog gamit ang buklod at bola. Paalala, na ang araling ito ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat sa paggawa ng mga nakasaad na gawain.
Ang ritmikong gawain ay isang halimbawa ng mga kilos na isinasagawa bilang tugon sa mga tunog o mga kilos ng pagsayaw sa ehersisyong paraan. Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang bagay o gamit sa paggawa ng isang presentasyon na may ritmikong gawain. Maaring gumamit ng mga bagay tulad ng bandiritas, ribbon, stick, buklod o bola. Sa pagkakataong ito ay gagamitin natin ang buklod at bola sa iba’t ibang ehersisyo na ating isasagawa.
[illustration: outline of a hoop]
Isa sa mga madalas na ginagamit sa isang ritmikong gawain ay ang buklod. Ang buklod ay isang paikot o pabilog na bagay na maaaring gawa sa metal, plastik, o kahoy. Mas kilala ito sa tawag na hoop sa wikang Ingles.
Sa paggamit nito ay marami tayong mga kilos o paggalaw na maaaring gawin upang mapanatiling malusog at mapangalagaan ang ating katawan. Narito ang ilan sa mga gawain na maaaring sabayan ng mga tugtog sa 4/4 na sukat. Siguraduhin na mahigpit ang pagkakahawak sa buklod habang isinasagawa ang gawaing ito.
Unang Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang)
| 1. Itaas ang buklod sa harap na nasa nibel ng balikat o dibdib. Siguraduhin na kahanay o kalapat ito sa lapag. [illustration: two children standing, one with hoop on the ground at feet] | 2. Ilapit ang buklod sa dibdib sa pareho pa rin nitong posisyon. [illustration: girl holding hoop at chest] |
|---|
| 3. Ibalik ang buklod sa parehong posisyon sa 1. [illustration: two children holding hoops at waist] | 4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong mga binti. [illustration: girl with hoop around her waist] |
|---|---|
| 5. Ulitin ang mga hakbang mula sa 1 hanggang 4. [illustration: three children with hoops] | 6. Ulitin ang lahat. [illustration: three children with hoops] |
Ikalawang Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang).
| 1. Itaas ang buklod sa posisyong patayo. [illustration: boy holding hoop overhead] | 2. Ibaba ang buklod sa nibel ng iyong leeg sa pareho pa ring posisyon. [illustration: boy holding hoop at neck level] |
|---|
Ikatlong Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang).
| 3. Itaas ang buklod o ibalik sa bilang 1. [illustration: boy holding hoop overhead] | 4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong mga binti. [illustration: boy with hoop at waist] |
|---|---|
| 5. Ulitin ang mga hakbang mula sa bilang 1 hanggang bilang 4. [illustration: boys with hoops] | 6. Ulitin ang lahat. [illustration: boys with hoops] |
Ikatlong Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang).
| 1. Itaas ang buklod sa iyong kanan gamit ang dalawang kamay. [illustration: boy holding hoop overhead to the right] | 2. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong mga binti. [illustration: boy with hoop at waist] |
|---|
Hindi lang ang buklod ang nagagamit sa isang ritmikong gawain. Maaari din nating gamitin ang bola sa mga ritmikong kilos. Hindi lang sa mga laro at hindi lang laro ang maitutulong ng bola upang mapanatiling malusog ang ating katawan. Maaari din natin itong gamitin na midyum upang makagawa at maisagawa ang iba-ibang routine ng mga ehersisyo.
Narito ang ilan sa mga gawain na maaari nating gawin sa tulong ng bola. Maaari natin isabay ang ating mga kilos sa gawaing ito sa mga kantang may 4/4 na sukat. Gawin ang mga ito nang patayo at may magkalapit na mga paa.
| 3. Itaas ang buklod sa iyong kaliwa gamit ang dalawang kamay. [illustration: boy holding hoop overhead to the left] | 4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong mga binti. [illustration: boy with hoop at waist] |
|---|---|
| 5. Ulitin ang mga hakbang mula sa bilang 1 hanggang bilang 4. [illustration: boys with hoops] | 6. Ulitin ang lahat. [illustration: boys with hoops] |
[illustration: boy bouncing a ball]
Unang Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang)
- Patalbugin ang bola sa kanan gamit ang iyong kanang kamay.
- Sapuhin ang bola.
- Patalbugin ang bola sa kaliwa gamit ang iyong kaliwang kamay.
- Sapuhin ang bola.
- Ulitin ang ginawa sa 1 hanggang 4.
- Ulitin ang lahat.
Ikalawang Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang
- Ipaikot ang bola sa iyong katawan mula sa kanan papunta sa kaliwa. Ipadaan ito sa iyong likuran at harapan pabalik sa kanan.
- Ipaikot ang bola sa iyong katawan mula sa kanan papunta sa kaliwa. Ipadaan ito sa harapan at likuran pabalik sa kanan.
- Ipaikot ang bola sa iyong katawan mula sa kaliwa papunta sa kanan. Ipadaan ito sa iyong likuran at harapan pabalik sa kaliwa.
- Ipaikot ang bola sa iyong katawan mula sa kaliwa papunta sa kanan. Ipadaan ito sa iyong harapan at likuran pabalik sa kaliwa.
- Ulitin ang lahat nang 2 beses.
Ikatlong Gawain (1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang)
- Ihagis ang bola pataas.
- Saluhin ang bola.
- Patalbugin ang bola sa sahig sa iyong harapan.
- Saluhin ang bola.
- Ulitin ang 1 hanggang 4.
- Ulitin ang lahat nang 2 beses.
Ang mga ehersisyo ay isinasagawa upang mapanatiling malusog at malakas ang ating pangangatawan. Maaaring nakasasawa ang mga gawaing ito kung paulit-ulit lang ang ating isinasagawa. Kaya maaari nating gawin ito sa saliw ng isang masaya at masiglang tugtog. Maaari rin nating gamitan ng iba’t ibang bagay upang mas maging kasiya-siya at nakapupukaw ang ating simpleng ehersisyo. Sa ganitong paraan ay lalo nating napapaunlad ang ating pisikal na katawan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng limang (5) bagay na maaaring gamitin sa paggawa ng isang routine sa isang ritmikong gawain na nabanggit sa ating aralin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Hanapin ang mga sagot mo sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 sa mga titik sa loob ng kahon. Kopyahin ang gawain at sagutan sa isang malinis na sagutang papel.
| P | G | I | L | A | N | I | A | L | A | R | A |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| O | D | T | A | G | A | P | S | M | P | G | N |
| H | O | H | X | G | A | T | R | S | P | A | S |
| E | L | Z | Y | S | A | I | I | X | D | L | I |
| R | K | M | A | R | I | B | B | O | N | O | D |
| Y | U | B | O | L | O | D | B | G | N | B | I |
| W | B | A | M | L | N | G | A | I | B | K | G |
| Q | V | L | K | P | A | K | N | V | E | O | T |
| R | I | T | M | I | K | O | D | Y | B | T | U |
| T | D | V | A | T | O | T | I | O | N | A | L |
| G | F | S | T | I | C | K | L | M | A | S | A |
| B | U | S | A | N | A | S | A | A | K | A | Y |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Isagawa ang routine o ang mga ritmikong gawain gamit ang buklod. Siguraduhin na sundin ang bawat hakbang mula una hanggang ikatlong gawain. Kung walang buklod ay maaaring humanap o gumamit ng ibang bagay na may parehong anyo. Gawin ito sa saliw ng awitin na may 4/4 na sukat. Sagutin ang mga tanong sa ibaba matapos maisagawa ang gawain.
- Naisagawa mo ba nang wasto ang bawat gawain?
- Anong parte ng routine ang pinakamadali para sayo?
- Naging mahirap ba na maisagawa ang routine?
- Paano makatutulong ang gawaing ito upang mapalakas ang ating pisikal na pangangatawan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isagawa ang routine o ang mga ritmikong gawain gamit ang bola. Siguraduhin na sundin ang bawat hakbang mula una hanggang ikatlong gawain. Kung walang bola ay maaaring humanap o gumamit ng ibang bagay na may parehong itsura. Gawin ito sa saliw ng awitin na may 4/4 na sukat. Sagutin ang mga tanong sa ibaba matapos maisagawa ang gawain.
- Naisagawa mo ba nang wasto ang bawat gawain?
- Anong parte ng routine ang pinakamadali para sayo?
- Naging mahirap ba na maisagawa ang routine?
- Paano makatutulong ang gawaing ito upang mapalakas ang ating pisikal na pangangatawan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Guhitan ng masayang mukha [illustration: smiley face] ang loob ng katabing kahon ng nakasaad na gawain kung naisagawa mo ito nang wasto. Kung hindi mo ito naisagawa nang wasto ay malungkot na mukha [illustration: frowning face] ang iguhit.
| GAWAIN SA BUKLOD | |
|---|---|
| Unang Gawain | |
| Ikalawang Gawain | |
| Ikatlong Gawain | |
| GAWAIN SA BOLA | |
| Unang Gawain | |
| Ikalawang Gawain | |
| Ikatlong Gawain |
Para sa Ating Katawan
Ating _____, palagi nating ingatan.
Pagpapabaya dito’y dapat nating _____.
Pisikal na _____, ating pahalagahan,
‘Pagkat makabubuti ito sa ating kalusugan.
Kapag minsan, ito’y ating kinatamaran,
Haluan lang natin ng saliw ng _____.
Puwede nating bilisan, puwede nating _____,
Iba’t-ibang kagamitan, atin itong samahan.
Pag-eehersisyo’y atin nang _____,
Upang maalagaan ang ating pangangatawan.
Ito ang mga bagay na dapat mong _____,
Para sa _____ ng iyong katawan.
| simulan | bagalan | iwasan | ikakabuti |
|---|---|---|---|
| aktibidad | katawan | tugtugan | malaman |
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer columns are transcribed below in reading order]
Susi sa Pagwawasto
Weeks 1-2
Learning Task 1
- Antas o Lebel
- Daanan
- Direksyon
- Lokasyon
- Espasyo o Planes
Learning Task 2
Sukatan ng Kakayahan
Learning Task 3
- T
- M
- M
- M
- T
Learning Task 4
Sukatan ng Kakayahan
Learning Task 5
Sukatan ng Kakayahan
Weeks 3-4
Learning Task 1
- Langgam, Aso, Kabayo
- Bisikleta, Motor, eroplano
- Paglukso, Paglalakad, Pag-iskape
- Paglalakad, Pag-igpaw, Pagtakbo
- Paggulong, Pagkandirit, Pagtakbo
Learning Task 2
- Mahina, mas mahina, pinakamahina
- Mas mahina, pinakamahina, mahina
- Pinakamahina, mahina, mas mahina
- Mas mahina, mahina, pinakamahina
- Mas mahina, pinakamahina, mahina
Learning Task 3-5
Sukatan ng Kakayahan
Weeks 5-8
Learning Task 1
- Ribbon
- Buklod
- Bola
- Bandila
- Stick
Learning Task 2-5
Sukatan ng Kakayahan
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
[illustration: banner reading “PIVOT Assessment Card for Learners”]
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili. [illustration: two children reading a book]
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Salud, G. P. & Dela Cruz, E. (2017). Prototype Lesson Plan Grade 6. Lipa City: Department of Education-SDO Lipa City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421
https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo: PIVOT 4A CALABARZON] [logo: DepEd] [logo: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON]
Leave a Reply