Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Quarter 3 PIVOT 4A Learner’s Material

Grade 3 EsP Quarter 3 PIVOT 4A module on Filipino customs of respect, community rules, cleanliness, road safety, and disaster preparedness.

This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education), Grade 3, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Second Edition, 2021, published by DepEd Region 4A CALABARZON. It covers eight weeks of lessons on Filipino good manners, following community rules, keeping the community clean, road safety, and getting ready for disasters. Grade 3 learners can use it at home or in class, with help from parents and teachers.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Show Filipino customs such as pagmamano, using “po” and “opo”, and following the right instructions of elders.
  • Explain that following community rules is a sign of good Filipino behavior.
  • Help keep the community clean and safe by cleaning, helping with chores at home and outdoors, throwing away trash properly, and joining community environment projects.
  • Follow safety rules, such as road signs and traffic laws, and get on and off vehicles only at the proper places.
  • Show readiness during disasters and calamities.

Lessons in this module

WeeksLessonWhat it covers
1-2Pagmamahal sa mga Kaugaliang Filipino (love for Filipino customs)Respect for elders through pagmamano, “po” and “opo”, and obedience
3Pagpapahayag ng Mabuting Pag-uugali ng mga Filipino (expressing good Filipino behavior)Why communities need rules, using pandemic rules as the example
4-5Pagpapanatili ng Malinis at Ligtas na Pamayanan (keeping the community clean and safe)Cleanliness at home, proper waste disposal, and barangay projects
6-7Pagsunod sa mga Tuntuning Pangkaligtasan (following safety rules)Road signs, crossing safely, and proper loading and unloading areas
7-8Pagiging Handa sa Sakuna o Kalamidad (being ready for disasters)Types of disasters and how families prepare

Key ideas in each lesson

Filipino customs of respect

The story “Ang Sinigang ni Papa” (Papa’s sinigang) tells of Hazel, who greets her father with a mano, answers “Opo, sige po,” thanks her sister, and still enjoys her father’s bland sinigang because she loves and respects him. The module explains three customs:

  • Pagmamano: taking an elder’s hand and placing it on the forehead while saying “mano po”; the elder answers “Kaawaan ka ng Diyos” (God bless you).
  • “Po” and “opo”: adding these respectful words when speaking to elders, together with a gentle tone.
  • Following elders’ right instructions: obeying with humility and cheerfulness as a sign of trust and love.

Rules in the community

In the story “Ang Aming Barangay Mabilis,” Kapitan Kidlat and his barangay learn that acting fast is not enough during the COVID-19 pandemic; they also need order, which comes from rules everyone follows. Pandemic rules listed include wearing a face mask and face shield, social distancing, avoiding crowded places, and going out only to buy what is needed. Learners are also reminded to respect officials who enforce rules, such as the mayor, barangay captain, and police.

A clean and safe community

In “Alam Mo Ba ang Sikreto?” (Do you know the secret?), Aniya and Nina reveal that their “secret” for staying healthy is cleanliness of body and surroundings. The module teaches:

  • Waste segregation: separating biodegradable from non-biodegradable trash.
  • Recycling: setting aside waste that can still be used.
  • Tying trash well and putting it out only when the garbage truck arrives.
  • Barangay projects such as Tapat ko Linis ko (sweeping in front of your house), cleaning canals and rivers, and tree planting.

Road safety

The “Batang Ligtas” (safe kids) Lucy, Luna, Tonton, and Jopet each explain a sign: cross only at the pedestrian lane, ride and get off only at the proper place, do not enter where there is a no-entry sign, and follow the traffic light (red to stop, yellow to get ready, green to go). Walkers and cyclists should use their own lanes and go with an adult when possible.

Disaster preparedness

A disaster or calamity (sakuna o kalamidad) is an unexpected event that can damage property and cause injury, illness, or loss of life. The module names bagyo (typhoon), sunog (fire), pagputok ng bulkan (volcanic eruption), baha (flood), lindol (earthquake), and pagguho ng lupa (landslide). In “Naku, Naku, Naku Po!” a father calmly repairs the roof, buys food and a flashlight, and asks that the cellphone be fully charged. Preparations listed include listening to the news, strengthening the house, readying a first aid kit with food, water, flashlight, and batteries, keeping a charged phone for emergency numbers, and following barangay advice.

How to use this module

  • Learners: Work through each lesson in order. Each one starts with a short activity, then a story with questions, a discussion, more practice, and a fill-in-the-blank wrap-up (Bilang pangwakas). Write all answers on your answer sheet (sagutang papel), not on the module. After each activity, mark the LP (Lebel ng Performans) table with a star (done very well), a check (done well with some difficulty), or a question mark (needs more help).
  • Parents: Some activities need you. In Weeks 1-2, an older family member rates how often the child follows home instructions and signs the sheet. In Weeks 4-5, guide your child in making a slogan or poster about cleanliness. In Weeks 7-8, check the family’s disaster readiness together.
  • Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end covers the picture activities and the word scramble. Many other activities are open-ended or self-rating checklists, so review them with learners.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 3 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Quarter 3. It is the PIVOT 4A Learner’s Material, Second Edition, 2021, from DepEd Region 4A CALABARZON.

What lessons are in this EsP 3 Quarter 3 module?

It has five lessons over eight weeks: Filipino customs of respect, following community rules, keeping the community clean and safe, following safety and traffic rules, and being ready for disasters.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the picture activities and the disaster word scramble. Open-ended questions and self-rating checklists have no fixed answers.

What is pagmamano?

Pagmamano is a Filipino custom where a child greets an elder by taking their hand and placing it on the forehead while saying mano po. The elder usually replies Kaawaan ka ng Diyos.

What is waste segregation in this module?

The module defines waste segregation as separating biodegradable trash from non-biodegradable trash. It also explains recycling as setting aside waste that can still be used.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

PIVOT 4A Learner’s Material

GRADE 3 – EsP

QUARTER 3

[illustration: children studying and playing; a girl reads a book, a boy writes at a desk, a girl plays a xylophone with music notes, and a TV screen shows numbers 1 2 _ 4 5 6 7 8 _ 10]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Baitang

PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021

Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Imelda O. Solivet Content Creator & Writer

Philips T. Monterola & Philip D. Cruz Internal Reviewer & Editor

Fe M. Ong-ongowan, Rhodora B. Crisologo & Jhucel A. del Rosario Layout Artist & Illustrators

John Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas IT & Logistics

Roy Rene Cagalingan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

WEEKS 1-2

Aralin I

Pagmamahal sa mga Kaugaliang Filipino

Maraming katangian ang maipagmamalaki ng isang batang Filipino na katulad mo. Aminin mo man ito o hindi, ang mga ito ay makikita sa iyo, sa iyong kapatid, sa iyong mga kaibigan, at sa iyong mga kalaro. Minsan ay hindi mo ito napapansin dahil iniisip mo na pangkaraniwan lamang ang mga ito.

May mga panahon na ikaw ay nakalilimot sa mga magagandang kaugalian. Kaya may mga nakatatanda na nagpapaalala sa kung ano ang dapat mong matutuhan at gawin. Ano-ano nga ba ang mga mabubuting kaugaliang Filipino? Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa ibaba.

[illustration: four-panel comic of polite Filipino customs. Panel 1: a girl and boy hugging, speech bubbles “Makinig ka.” and “Opo.” Panel 2: a girl seated at a table, speech bubble “Kain po, tiya.” Panel 3: a girl at the door, speech bubble “Tuloy po kayo.” Panel 4: a boy speaking to a woman, speech bubble “Maaari po bang lumabas?”]

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang pagpapamalas ng pag-unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Filipino.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapakita ng mga kaugaliang Filipino tulad ng pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”, at pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda.

D

Patuloy mong gawin at mahalin ang mga kaugaliang Filipino na tunay ngang maipagmamalaki sa lahat ng sulok ng mundo. Halina’t mag-aral at tuklasin ang iba pang mga kaugaliang Filipino.

Isipin mo ang mga bagay na iyong ginagawa na nagpapakita ng paggalang sa kapuwa lalo na sa mga matatanda.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Lagyan mo ng tsek (✓) sa bilang kung ito ay iyo nang nagagawa o naipakikita sa iba bilang paggalang. Lagyan mo naman ng ekis (✘) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

___ 1. Nagmamano ako sa mga matatanda.

___ 2. Nagsasalita ako nang may “po” at “opo”.

___ 3. Nagpapaalam ako kapag may gusto akong hiramin sa iba.

___ 4. Malumanay akong nakikipag-usap kay ate at kuya.

___ 5. Humahalik ako sa pisngi ng aking mga magulang.

___ 6. Nagsasabi ako ng “salamat po”.

___ 7. Binabati ko ang mga bisita sa aming tahanan.

___ 8. Sumusunod ako sa mga tuntunin at utos sa aming tahanan.

___ 9. Nagsasabi ako ng “excuse me, po”.

___ 10. Nagsasabi ako ng “makikiraan po”.

Bilangin ang tsek na iyong nailagay. Kung mayroon kang pito (7) o higit pang tsek ay batiin mo ang iyong sarili sapagkat ito ay nagpapakita ng iyong mabuting ugali ng paggalang. Kung hindi mo naman namarkahan ng tsek ang lahat, huwag mag-alala dahil ang mga ito ay maaari mong matutuhan sa araling ito.

Basahin at unawain ang kuwento tungkol sa mabuting kaugaliang Filipino.

Ang Sinigang ni Papa

ni Imelda O. Solivet

[illustration: girl seated at a table with a glass and plate]

Ako si Hazel at ito ang aking kuwento tungkol kay Papa. Oo, magkukuwento ako tungkol kay Papa kasi ngayong gabi ang unang beses na nagluto siya ng ulam para sa hapunan.

Maaga siyang umuwi galing sa trabaho. Sinalubong ko siya upang kunin ang kaniyang kamay para magmano at binati ng magandang hapon.

Ibinigay niya sa akin ang kaniyang dala-dalang karne at gulay na lulutuin at iniutos niya na dalahin ko ito sa kusina. “Opo, sige po.” ang aking sagot. Pero dahil mabigat ito ay tinawag ko ang aking kapatid. “Ate, maaari mo ba akong tulungan,” ang aking pakiusap. “Aba, oo naman,” ang malumanay niyang sagot sa akin at dali-dali kaming pumasok sa kusina. Nang ako ay nagpasalamat kay Ate ay napalingon ako kay Papa at nakita ko ang ngiti sa kaniyang mukha. “Bakit kaya siya masaya?” ang bigla kong naisip.

Sinimulan agad ni Papa ang pagluluto. Pinanood ko siya at ako ay naaliw dahil patuloy siyang nakangiti at pakanta-kanta pa. Kapag tinutulungan ko siya sa paghuhugas ng mga gulay ay lalo siyang napapangiti. Naku, lalo na nang tumulong din si Ate sa paglilinis ng kusina at paghahanda ng mga plato at baso sa mesa.

[illustration: man holding a bowl of sinigang]

Maya-maya pa ay nagsimula na kaming maghapunan. Agad naming tinikman ang sinigang at laking gulat namin dahil hindi ito lasang sinigang. Kulang ito sa lasa at walang asim. Tumingin kami kay Papa at gusto kong sumimangot at magreklamo.

Gusto ko ring magalit dahil noon lang uli ako sana makakakain ng sinigang mula nang mamatay si Mama. Ang Papa ko ay hindi marunong magluto.

Hindi ko na ba kakainin ang paborito kong sinigang na niluto ni Papa? Siyempre kakainin ko pa rin. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Mama noong nabubuhay pa siya. Mahalin at igalang ko si Papa at si Ate. Ang tagubilin sa bahay ay magtulungan at sundin ang mga matatanda. Dahil dito ay magiging masaya pa rin kami kahit wala na siya. Totoo nga, kahit walang lasa at asim ang sinigang, ito pa rin ang pinakamasarap na luto ni Papa. Hindi man siya marunong magluto ay masaya naman kami. Akin siyang mamahalin at igagalang hanggang sa kaniyang pagtanda.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Mula sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang pamagat ng kuwento? _____


  2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? _____


  3. Ano ang hindi nila nagustuhan sa sinigang? _____


  4. Bakit ito pa rin ang pinakamasarap na sinigang para kay Hazel?



  1. Paano ipinakita ni Hazel ang pagmamahal at paggalang sa kaniyang Ate? sa kaniyang Papa? _____

Ang mabuting kaugalian ng paggalang sa kapuwa lalo sa mga matatanda ay nagsisimula sa pamilya, sa loob ng tahanan. Kayong mga bata ay tinuturuan ng inyong mga magulang ng kabutihang-asal hindi lang dahil ito ay isang katangian ng mga Filipino kung di ito ay pagpapakita din ng pagmamahal sa isa’t isa. Ito ang ipinahahayag ng kuwentong iyong binasa.

Narito ang mga kaugaliang tunay na nagpapakita nito:

  1. Pagmamano. Ito ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Filipino na kung saan ay binabati ng mga bata ang mga matatanda sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang kamay at paglalagay nito sa noo sabay bigkas ng “mano po.” Ang mga bata naman ay binabasbasan ng mga matatanda sa pagsasabi ng “Kaawaan ka ng Diyos.” Ikaw, ginagawa mo ba ang pagmamano?

[illustration: boy bringing an adult’s hand to his forehead]

  1. Paggamit ng “po” at “opo“. Ang paggamit nito ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Filipino na kung saan ay nilalagyan ng “po” at “opo” ang mga salitang binibigkas sa tuwing sumasagot o nakikipag-usap lalo na sa mga matatanda. Kasabay nito ang malumanay na pagsasalita bilang tanda ng pagrespeto. Kinagigiliwan ang isang bata na nagsasalita ng may “po” at “opo“. Ang paggalang ay ugaling nakapagpapasaya sa lahat.

[illustration: comic of a woman and two girls talking; speech bubbles “Okay po.”, “Opo.”, “Naiintindihan ba?[?]“]

  1. Pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakakatanda. Isang napakabuting kaugaliang Filipino ang pagsunod sa tamang tagabulin ng mga nakatatanda na kung saan ipinapakita ang pagtitiwala sa kanilang paggabay. Ang pagsunod nang may kababaangloob at sigla ay tanda ng tunay na paggalang at pagmamahal. Ugaliin ang pagsunod. Kung hindi mo ito laging nagagawa ay simulan mo na ngayon. Hindi pa huli ang lahat at makikita mo ang sayang maibibigay mo sa iyong mga magulang at sa kaayusan ng iyong buhay at pag-aaral.

[illustration: girl and boy with speech bubbles “Makinig ka.” and “Opo.”]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali katulad ng paggalang sa kapuwa at nakatatanda. Lagyan mo naman ng ekis (✕) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: six numbered pictures of children and adults; 1: two children, one bowing toward the other; 2: a girl saying “Mano po.” while taking an older woman’s hand; 3: a boy saying “Maaari po bang lumabas?” to a teacher; 4: two boys, one holding a box and the other holding out his hand; 5: a girl saying “Makinig ka.” and a boy saying “Opo.”; 6: two boys fighting, with a bag on the ground]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kopyahin ang talaan. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas naipakikita ang iyong pagkamagalang sa kapuwa at sa mga nakatatanda . Gawin ito sa iyong sagutang papel.

GawainPalagiMinsanHindi
1. Pagmamano
2. Pagsasalita na may po at opo
3. Pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda
4. Pagsasalita o pakikipag-usap nang malumanay
5. Pagsunod sa utos ng nakatatanda nang may sigla
6. Pagpapaalam sa may-ari kung nais manghiram

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Kopyahin ang talaan sa ibaba sa iyong sagutang papel. Pumili ng isang nakatatandang kasapi ng pamilya upang suriin kung sumusunod ka ba sa mga tamang tagubilin ng iyong mga magulang at mga nakatatanda sa inyong tahanan.

Tagubilin sa Gabay: Lagyan ng tsek (✓) kung gaano kadalas naisasagawa ng mag-aaral ang bawat sitwasyon. Pagkatapos ay isulat ang pangalan at lagda ng nagsuri.

GawainPalagiMinsanHindi
1. Gumigising sa tamang oras.
2. Kumakain ng gulay at masustansiyang pagkain.
3. Pinapanatiling malinis ang katawan
4. Nag-aaral nang mabuti.
5. Naglalaro pagkatapos mag-aral.
6. Tumutulong sa gawaing bahay.

Pangalan at Lagda ng Nagsuri

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Iguhit ang hugis puso (♥) sa bilang na kung saan ang larawan ay nagpapakita ng batang nakapagsasalita nang may paggalang ayon sa kaniyang pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: four numbered children speaking, with speech bubbles]

  1. “Nanay, puwede po ba akong maglaro pagkatapos ko pong”
  2. “Tao po. Magandang araw po. Ako po si Justine. May ipinabibigay po si Nanay.”
  3. “Hoy, hoy, Mamang mataba, anong kailangan mo? Si Ronny ako.”
  4. “Lagi ninyo na lang t i n a t a w a g a n g pangalan ko… Ruby, Ruby kayo diyan! Sinabi ko na nga na ayaw kong kumain.”

Upang hindi mo makalimutan ang mabuting ugali ng isang batang Filipino, gawing palagian ang malumanay at may paggalang na pagsasalita at pagsasakilos .

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin at unawain ang mga tanong sa Kolum A. Isulat ang iyong tugon sa mga tanong sa Kolum B. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kolum AKolum B
1. Anak, kumain ka na ba?
2. Ako ang iyong guro. Anong pangalan mo?
3. Naku, nariyan na ang iyong lolo at lola. Anong sasabihin mo sa kanila?
4. Anak, puwede mo bang tulungan na maglinis ang iyong kapatid?
5. Anong dapat mong sabihin kung gusto mong magpaalam na lumabas ng bahay?

A

Bilang pangwakas, masasabi mo na:

Isang magandang ____________ ng mga Filipino ang pagbati sa mga ______________ sa pamamagitan ng pagkuha ng kamay at pagdampi nito sa iyong noo. Ang tawag dito ay _____________. Ito ay isang pagpapakita ng ____________. Sa tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa kanila ay ginagawa mo itong malumanay kasabay ng mga salitang may _____________. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang dahil sila ay _______________ sa iyo.

“po” at “opo” pagmamano paggalang n a – katatanda tuntunin pag-uugali matatanda

I

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng mga Filipino ang pagsunod sa mga tuntunin ng pamayanan.

WEEK 3

Pagpapahayag ng Mabuting Pag-uugali ng mga Filipino

Aralin

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang pagpapakita ng mga kaugaliang Filipino tulad ng mga pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”, at pagsunod sa mga tagubilin ng mga nakatatanda.

Ngayon naman ay matutuhan mo ang mga tuntunin ng pamayanan o barangay kung saan naninirahan ang iyong pamilya hanggang sa mas malaki pang pamayanan, ang bansa. Matutuklasan mo ang kahalagahan nito sa iyong sarili, sa pamilya, at sa bawat taong nakapaligid sa iyo.

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng isang maayos na pamayanan na may sinusunod na mga tuntunin. Bakit kaya may mga tuntunin sa pamayanan? Sa iyong palagay, mahalaga ba ang mga ito? Ano ang mangyayari kung walang ganito sa isang pamayanan?

[illustration: an orderly community with houses, a church, trees, benches, a parked car, and a central plaza with crosswalk stripes]

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng mga Filipino ang pagsunod sa mga tuntunin ng pamayanan.

D

Tingnan muna natin ang ibinigay na mga tuntunin ng iyong pamayanan o barangay ngayong pandemya. Narinig mo na ba ang mga ito?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang salitang PAMILYAR kung ang tuntunin ay iyo nang narinig at ang salitang DI-PAMILYAR kung hindi. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Magsuot ng face mask sa tuwing lalabas. _____ 2. Gawing madalas ang paghuhugas ng kamay. _____ 3. Tiyaking may social distancing lalo sa labas ng bahay. _____ 4. Iwasang maglagi sa mataong lugar. _____ 5. Panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay. _____ 6. Tumawid sa tamang tawiran. _____ 7. Maging magalang sa mga opisyal ng pamahalaan tulad ng mayor, kapitan, pulis, at iba pa.

[illustration: a doctor wearing a face mask, stethoscope, and glasses, with people wearing face masks behind him]

Narinig mo na ba at pamilyar ka ba sa lahat ng mga tuntuning nasa itaas? Kung oo, mabuti. Kung hindi naman, huwag mag-alala at marami pa tayong malalaman tungkol sa tuntunin ng ating pamayanan.

Narito ang kuwento tungkol sa Barangay Mabilis.

Ang Aming Barangay Mabilis

ni Imelda O. Solivet

Dahil sa pandemya ng COVID 19, nakararanas ng hirap at sakripisyo ang lahat ng barangay dito sa ating bansa kabilang na ang aming barangay, ang Barangay Mabilis. Mabilis? Opo, kasi mabibilis ang mga tao dito sa hirap man o ginhawa. Gaano kami kabilis? Heto, simulan po natin sa aming kapitan. Kapitan Kidlat ang tawag sa kaniya! Naku, dahil sa virus na ito, agad pinatawag niya ang lahat ng aming kagawad at pati na ang mga tanod. Ang bilis po di ba? Hindi kami mabagal, Barangay Mabilis nga!

Siyempre, laging handa ang Barangay Mabilis. Pero hindi sa pagkakataong ito. Natatakot ang mga tao! Nalilito rin sila. Nagagalit na rin ang iba.

[illustration: a man in a gray shirt, Kapitan Kidlat, speaking]

Mabilis ko kayong ipinatawag para magtutulong-tulong tayo upang labanan ang pandemya. Handa na ba kayo?

[illustration: a group of people looking frightened and angry, a woman with her hand to her head, and a man with his hand on his chin]

Natatakot kami! Hindi puwedeng mabilis lang! Anong gagawin natin?

Natatakot, nalilito, at nagagalit ang Barangay Mabilis! Paano na yan? Ano ang dapat gawin? Napaisip si Kapitan Kidlat at ito ang kaniyang sinabi.

Hindi maaring mabilis lang. Dapat maging maayos din. Pero paano?

Kaya naman tinanong niya ang lahat.

“Kailangan ba nating pag-usapan ang mga bagay na dapat sundin? Kailangan ba ng gabay sa kung ano ang dapat nating gawin? Kailangan ba ng malinaw na kasunduan ng pagtutulungan? Kailangan ba nating pagkaisahan kung ano ang dapat gawin?”

“Opo, kapitan!” ang sagot nilang lahat.

“Kung gayon, isa lang ang solusyon!” ang sabi ni kapitan.

[illustration: Kapitan Kidlat and a group of cheering people with raised fists]

“Ang kailangan natin ay mga tuntunin na dapat sundin. Tama ba ako, mga kabarangay?” ang sigaw din niya.

“Opo,” ang tugon naman ng lahat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Bakit tinawag ang barangay na Barangay Mabilis?
  2. Ano ang ginawang mabilis ng Barangay?
  3. Bakit sila natatakot, nalilito at nagagalit?
  4. Tama ba ang kanilang solusyon?
  5. Bilang bata, ikaw paano ka sumusunod sa mga tuntunin ng inyong barangay sa panahong may pandemya?

Ang bawat barangay o pamayanan ay nangangailangan ng tuntunin. Hindi sapat ang bilis lang sa pagbibigay ng solusyon sa lahat ng problema. Kailangan din ng kaayusan sa bawat tao, lugar, at sa lahat ng pagkakataon. Ang kaayusan ay makakamit kung may mga tuntunin lalo sa panahon ng problema, kalamidad, at pandemya. Sa nararanasan ngayon, ano-anong tuntunin ang napagkasunduan ng mga namumuno para sa kaayusan ng bawat pamayanan?

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel, isulat ang salitang OK kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting pag-ugali ng pagsunod sa mga tuntunin. Isulat mo naman ang salitang DI-OK kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: six numbered pictures; 1: a smiling child wearing a face shield; 2: a woman and a boy standing about 1 m apart, both wearing face masks; 3: a crowd of people gathered on a street without face masks; 4: a boy pouring out trash on the ground; 5: a boy and a girl wearing face masks, washing hands at a sink; 6: a woman pointing at a crying girl]

Mga tuntunin sa panahon ng pandemya:

  1. Ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield.
  2. Sundin ang protocol ng social distancing.
  3. Iwasan ang matataong lugar.
  4. Lumabas lamang kung may kailangang bilihin.
  5. Bilihin lamang kung ano ang kailangan.

Ang pagsunod sa mga tuntunin ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali ng mga Filipino. Panatilihin ito upang maipagpatuloy ang pakikiisa at pagmamahal sa mga kaugaliang itinuturo sa iyo. Gawain mo ito sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar, at mga pagkakataon. Mabuhay ka bilang batang Filipino!

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas naipakikita ang pagiging masunurin sa mga alitintunin.
GawainPalagiMinsanHindi
1. Laging magsuot ng face mask / face shield.
2. Manatili sa loob ng tahanan.
3. Iwasang pumunta sa mga matataong lugar.
4. Linisin ang paligid.
5. Sundin at igalang ang mga nagpapatupad ng tuntunin katulad ng kapitan, pulis, mayor, at iba pa.

A

Bilang pangwakas, masasabi mo na:

Mahalaga sa isang barangay o pamayanan ang kaayusan. Magkakaroon lang nito kung may mga _____________ na sinusunod ng lahat. Ang pagsunod nito ay pagkakaroon din ng mabuting pag-uugali na maipagmamalaki bilang mga batang _________.

Ang mga namumuno na nagpapatupad nito ay nararapat igalang dahil ninanais nila ang isang _________ na pamayanan lalo na sa panahon ng _________. Pasalamatan sila at ang lahat ng tao na marunong _________ sa lahat ng oras.

sumunod tuntunin maayos

Filipino pandemya utos

Aralin I

WEEKS 4-5

Pagpapanatili ng Malinis at Ligtas na Pamayanan

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo kung paano makapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng mga Filipino ang pagsunod sa mga tuntunin ng pamayanan.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang mga kaugalian na nagpapakita na kaya nating panatilihin ang isang malinis na pamayanan.

Isang mabuting gawi ng mga batang Filipino ang makiisa sa pagpapanatili ng malinis na pamayanan. Ikaw, ako, at ang lahat ay nagnanais ng malinis na kapaligiran sa loob man at labas ng mga tahanan. Pinaniniwalaan na kung ang lahat ng mga bata ay may ganitong gawi ay hindi matatakot na maglaro at gumawa kahit saanman. Ngunit paano ba mapapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng isang pamayanan? Ano-ano ang mga dapat gawin?

[illustration: children picking up litter and tidying a room] [illustration: two children smiling beside a bin, one dropping trash into it] [illustration: a person beside a smoldering pile of burnt debris]

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na makakapagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng paglilinis at pakikiisa sa mga gawaing pantahanan at pangkapaligiran, wastong pagtatapon ng basura, at palagiang pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran.

D

Ilan lamang ito sa ating pag-uusapan upang patuloy nating gawin at mahalin ang mga kaugaliang Filipino na tunay ngang maipagmamalaki sa lahat ng sulok ng mundo. Halina’t mag-aral at tuklasin ang iba pang mga kaugaliang Filipino. Alamin ang mga bagay na iyong ginagawa na nagpapakita ng pagpapanatili ng malinis na pamayanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan mo ng tsek (✓) ang bawat bilang kung ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng pagiging malinis. Lagyan mo naman ng ekis (✖) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

___ 1. Tumutulong ako sa pagwawalis.

___ 2. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan.

___ 3. Ibinabalik at inaayos ang mga laruan pagkatapos maglaro.

___ 4. Inililigpit ko ang aking modules pagkatapos kong mag-aral.

___ 5. Nagdidilig ako ng halaman.

___ 6. Sumasali ako sa mga proyekto ng pagtatanim sa aming barangay.

___ 7. Iniipon ko ang mga plastik at karton na puwedeng i-recycle.

___ 8. Itinatapon ko ang mga basura sa tamang basurahan.

___ 9. Inaayos ko ang aking higaan araw-araw.

___ 10. Hindi ako nagtatapon ng basura kung saan-saan lamang.

Bilangin ang tsek na iyong nailagay. Kung mayroon kang lima (5) o higit pang tsek ay batiin mo ang iyong sarili sapagkat ito ay nagpapakita ng iyong mabuting pag-uugali sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. Kung hindi mo naman namarkahan ng tsek ang lahat, huwag mag-alala dahil ang mga ito ay maaari mong matutuhan sa araling ito.

Alam Mo Ba ang Sikreto?

ni Imelda O. Solivet

Aniya: Narinig mo na ba, Nina, ang usapan nila tungkol sa atin? Alam mo ba ‘yun?

Nina: Oo, may sikreto daw tayong dalawa? Alam mo rin ba ‘yun?

Aniya: Siyempre, pero bakit?

Nina: Nagtataka sila kasi kung bakit hindi tayo nagkakasakit. Ang mga kalaro daw natin ay nagkasipon na. ‘Yung iba naman ay inubo at mayroon na ring nilagnat. Paminsan-minsan ay nanghihina daw sila. Pero tayo kailanman ay hindi pa nagkasakit.

Aniya: Oo nga, at tama ka diyan. Natutuwa si Nanay sa atin dahil kailanman ay hindi pa tayo nagkasakit.

Nina: Kaya ang sabi nila ay may sikreto tayo. Tayo daw ay may superpower na hindi natin sinasabi sa kanila. Pinag-uusapan nila ito ngayon kaya tara na at sabihin na natin sa kanila.

Aniya: Pero ano ang sikreto na sasabihin natin sa kanila? Wala naman tayong superpower.

Nina: Naku, Aniya, wala tayong sikreto at superpower pero si Nanay mayroon. Ituro natin sa kanila kung ano ang mga itinuro sa atin upang hindi tayo magkasakit. Natatandaan mo pa ba ang mga ito?

Aniya: Eto na, iniisip ko na. Ito ang sikretong sasabihin natin sa kanila… ang ating super secret, superpower!

Simulan natin sa isang usapan nina Aniya at Nina tungkol daw sa kanilang sikreto.

[illustration: a girl smiling, with thought bubbles showing sweeping, washing clothes, cooking, dish-washing, and cleaning a bin]

Nina: Tama lahat ng naisip mo, Aniya. Naniniwala ako na ang totoong sikreto natin ay ang pagiging malinis sa pangagatawan at sa kapaligiran.

Aniya: Sabihin natin sa kanila na hindi ito dapat maging sikreto. Ito ay dapat alam ng lahat. Dapat malinis ang ating kapaligiran at ang ating pamayanan.

Nina: Tama!

Aniya at Nina: Kayo mga bata, alam n’yo na ba ang sikretong hindi naman sikreto?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
  1. Sino-sino ang hindi nagkakasakit? _____________________


  2. Ano ang kanilang sikreto? _____________________


  3. Dapat ba itong maging sikreto? _____________________


  4. Ano-ano ang mga dapat malaman ng mga bata para sa ikabubuti ng pamayanan? _____________________


  5. Bakit kailangang maging malinis ang ating pamayanan? _____________________


Alam mo rin ba ang sikretong ito nina Aniya at Nina. Kung tutuusin, hindi naman talaga ito sikreto dahil ito lang naman ang isa sa mga mabubuting kaugalian ng mga batang Filipino. Alam mo ba ito?

Ito ay ang kalinisan na nagsisimula sa tahanan at dapat ganito rin sa lahat ng sulok ng pamayanan. Ang mga batang tulad mo ay tinuturuan ng mga magulang ng kabutihang-asal katulad ng kalinisan sa kapaligiran. Ito ay isang mabuting katangian na makapagpapakita ng pagmamahal sa lahat ng tao sa pamayanan. Halina’t alamin mo pa ang iba’t ibang paraan ng pagkakaroon ng isang malinis na pamayanan.

Alam mo ba kung paano magkaroon ng isang malinis at ligtas na pamayanan?

  1. Panatilihing malinis ang loob at labas ng tahanan.
  2. Magkaroon ng tamang gawi sa pagtapon at paghihiwalay ng mga basura.
  3. Makiisa sa mga gawaing pampayanan tulad ng Clean-up Drive.

Alam mo ba ang tamang pagtatapon ng basura?

[illustration: a boy beside three bins]

  1. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura. Ang tawag dito ay waste segregation.

[illustration: three bins labeled Papel, Glass, Plastic]

  1. Ihiwalay ang mga basurang maaari pa muling gamitin. Ang tawag dito ay recycling.

[illustration: a person carrying two garbage bags]

  1. Italing mabuti ang basura at huwag ilalabas ng bahay kung hindi pa dumarating ang trak na kumukuha ng lahat ng basura.

Alam mo ba na makatutulong ka at ang iyong pamilya sa proyekto ng barangay para sa kalinisan?

  1. Tapat ko Linis ko. Ito ay ang pawawalis sa labas ng bahay upang mapanatili ang kalinisan sa dinadaanan ng mga tao.

[illustration: signboard reading “Tapat ko Linis ko”]

  1. Linisin ang Kanal at Ilog. Ito ay ang sama-samang paglilinis ng mga kanal at ilog.

[illustration: signboard reading “Linisin ang Kanal at ilog”]

  1. Magtanim ng Puno. Ito ay ang sama-samang pagtatanim ng mga puno sa kapaligiran lalo na sa mga kabundukan.

[illustration: signboard reading “Magtanim ng Puno”]

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali katulad ng pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. Lagyan mo naman ng ekis (✖) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  1. [illustration: a boy pouring small debris from a bag onto a shore near a stream]
  2. [illustration: two children spraying graffiti reading “love” with hearts and a ball symbol on a wall]
  3. [illustration: a child playing and splashing in a muddy puddle]
  4. [illustration: two children gathering litter with a sack and a broom in a yard]
  5. [illustration: a person washing dishes at a sink]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang tama at nararapat mong gawin ayon sa mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  1. Nakita mo ang iyong kapatid na itinatapon ang basura sa labas ng inyong bahay. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
  2. Inutusan ka ng iyong Nanay na itapon ang mga bote at karton sa basurahan. Ano ang iyong gagawin?
  3. Niyaya ang iyong Ama na tumulong sa pagtatanim sa parke at gilid ng mga kalsada. Hahayaan mo ba siyang sumama? Bakit?
  4. Nakita mo na ang daming nakakalat sa loob ng inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas naipakikita ang iyong pakikiisa para sa malinis na pamayanan.
Pamantayan ng Kalinisan sa Loob ng TahananPalagiMinsanHindi
1. Pagma-mop ng sahig
2. Pagwawalis sa loob ng bahay
3. Pagtulong sa pagliligpit ng gamit
Pamantayan ng Kalinisan sa Labas ng Tahanan
4. Pagwawalis sa labas ng bahay
5. Paglalagay ng basura sa tamang lugar
6. Paghihiwalay ng bote at karton na puwedeng i-recycle
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sa gabay ng iyong magulang o guardian sa bahay, gumawa ng isang slogan, poster, o paanyaya tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng tahanan. Gawing gabay sa paggawa ang halimbawa at pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: a boy holding a broom and a bucket]

MAGING MALINIS

HUWAG MAGKALAT

Pamantayan ng **Slogan/Poster/**PaanyayaNasunod ang Pamantayan (Lagyan ng Tsek (✓)): OoNasunod ang Pamantayan (Lagyan ng Tsek (✓)): Hindi
1. Naipahayag ang paanyaya para sa kalinisan.
2. Naisulat nang may kaayusan.
3. Naisagawa ito nang may sigla o saya.
A

Bilang pangwakas, masasabi mo na:

Ako bilang batang Filipino ay may mabuting _____________.

[illustration: a neighborhood scene with houses, a church, a school, trees, benches, a parked car, and people in a plaza]

Kung magwawalis sa mga kuwarto at magliligpit, Hindi lang ako malinis sa aking sarili, pati na sa aking ___________.

Kung magwawalis sa tapat ng bahay at itatapon ang basura nang tama, Mananatiling malinis ang aking _____________________.

Kung gagawin ko ang lahat ng ito nang may sigla Tunay ngang maipagmamalaki ko ang pagiging ______________.

[transcriber’s note: word box with the following words]

pamayanan kaugalian mamamayan malinis tahanan Filipino

WEEKS 6-7

Pagsunod sa mga Tuntuning Pangkaligtasan

Aralin

[illustration: children crossing a zebra crossing near a traffic light, smiling and waving]

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusunod sa mga tuntuning may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala sa daan at sa batas trapiko.

Ating aalamin ang tamang pagsakay at pagbaba sa takdang lugar. Kaya naman, inaasahan na maipamamalas mo ang pagiging masunurin sa mga itinakdang tuntunin, patakaran, at batas para sa ligtas at maayos na pamayanan. Ang pagiging masunurin ay kaugaliang maipagmamalaki natin sa iba’t ibang pagkakataon.

Nabatid mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa mga kaugaliang Filipino na nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan.

Ngayon ay pag-aralan mo ang pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan. Ikaw, ako, at ang lahat ay nagnanais na maging ligtas sa loob at labas ng mga tahanan. Pinaniniwalaan na kung may ganitong ligtas na pamayanan ay walang matatakot na lumakad, maglaro, tumawid sa daan, at kung sasakay sa mga pampublikong sasakyan. Ngunit, paano mo mapapanatili ang kaligtasan? Ano-ano ang mga babala at batas trapiko na dapat mong sundin? Halina at tuklasin ang mga dapat alamin.

D

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang lapis, subukang gawin ang larong maze na nasa ibaba. Sundan ang tamang daan upang malaman kung paano ka makalalabas dito. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

[illustration: a maze with road signs placed along its paths, including a turn sign, a no-entry sign, a warning triangle, a “ONE WAY” sign, a no-pedestrian sign, and a no-bicycle or similar sign]

  1. Gaano mo kabilis natapos ang maze (mabilis, di-gaano, mabagal)?_____________________________________________
  2. Ilang road signs ang iyong nadaanan sa tamang daan? _____________________________________________
  3. Nakakita ka na ba ng mga ito sa daan? _____________________
  4. Ano-ano ang mga road signs ang alam mo na? _____________
  5. Bakit kailangang malaman natin ang mga road signs o babalang ito? _____________________________________________
Ang mga Batang Ligtas

Oo, kami ang mga Batang Ligtas. Tinawag namin ang aming mga sarili na Batang Ligtas dahil maingat kami sa daan at laging sumusunod sa mga babala ng batas trapiko. Gusto n’yo bang sumali at matuto? Tara na at tuturuan namin kayo!

[illustration: four children crossing a zebra crossing beside a traffic light]

[illustration: Lucy holding a pedestrian crossing sign]

Ako si Lucy. Lumakad lamang tayo sa tamang tawiran para sa ligtas na pamayanan. Sundin ang babalang ito.

[illustration: Luna holding a sign reading “Tamang babaan!”]

Ako naman si Luna. Bumaba at sumakay lamang tayo sa tamang lugar para sa ligtas na pamayanan. Sundin ang babalang ito.

[illustration: Tonton holding a no-entry sign]

Ako si Tonton. Huwag papasukin ang lugar kung may ganitong babala para sa ligtas na pamayanan. Ibig sabihin, hindi ito para sa atin.

[illustration: Jopet beside a traffic light and a STOP sign]

Jopet ang pangalan ko. Alamin ang babalang ito para sa ligtas na pamayanan. Pulang kulay para sa paghinto, dilaw para sa paghanda, at berde para sa pagtakbo muli ng sasakyan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Sino-sino ang mga batang ligtas? _______________________________
  2. Ano-ano ang itinuro sa atin ng mga Batang Ligtas? _______________
  3. Bakit dapat tayong sumunod sa mga babala? _____________________
  4. Gusto mo bang sumali sa mga Batang Ligtas? _____________________
  5. Bakit gusto mong sumali sa kanila? ________________________________

Alamin at pag-aralan mo ang mga babala at batas trapiko na dapat mong sundin para maging ligtas ang lahat.

  1. Maging maingat sa pagtawid. May tamang tawiran para sa mga tao. Kung may kasamang matanda, maaari tayong kumapit sa kanila.

[illustration: a girl and a child crossing at a pedestrian lane near a traffic light]

  1. Maging maingat sa pagbaba at pagsakay. May tamang lugar lamang para dito. Pumila kung maaari upang maiwasan ang away at aksidente.

[illustration: passengers boarding a vehicle at a crossing beside a traffic light; sign reading “TAMANG BABAAN AT SAKAYAN”]

  1. Kung lalakad o magbibisikleta, gamitin ang lugar para dito. Huwag gamitin ang daan para sa malalaki at mabibilis na sasakyan. Magsama ng matanda hanggang maaari.

[illustration: a girl riding a bicycle beside a bicycle-lane sign]

  1. Alamin at sundin ang iba pang mga babala at batas trapiko tulad ng mga ito:

[illustration: six road signs: STOP, no pedestrians, no bicycles, men at work, traffic light ahead, and a left-turn arrow]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali sa pagsunod para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng pamayanan. Lagyan mo naman ng ekis (×) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. [illustration: passengers riding on the back of a tricycle or jeepney, with a child standing on the edge]
  2. [illustration: a girl and a boy helping an elderly woman cross at a pedestrian lane near a traffic light]
  3. [illustration: children playing with a ball on the roadside while a car approaches]

[illustration: a group of people running to board a bus at a curb]

[illustration: a woman and child running across a pedestrian crossing]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Habang nagmamaneho ang jeepney driver ay huminto ito dahil naging kulay pula na ang ilaw ng trapiko. Maaari pa rin ba siyang magpatuloy sa pagpapatakbo kung wala namang ibang sasakyan? Bakit?
  2. Tanghali na. Kailangan nang pumasok sa trabaho ang iyong tatay pero malayo pa ang tawiran para makasakay. Kung nagmamadali siya, puwede na ba siyang tumawid kahit saan? Bakit?
  3. Niyaya mo ang iyong kaibigan na magbisikleta at maglaro. Saan ninyo ito maaaring gawin?
A

Bilang pangwakas, masasabi mo na:

Ako ay batang Filipino na may mabuting kaugalian.

Kaya kong sumunod sa mga babala at ____________________. Sa aking pagsunod, nakasisiguro na ako ay ______________. Kung ligtas ako, ligtas at maayos ang buong ____________________.

Sumunod sa lahat ng tuntunin kahit ____________________. Dahil ang mahalaga ay ang aking ____________________. May pulis man o wala, kailangan kong sumunod dahil ako ay _____________ na may mabuting kaugalian.

[transcriber’s note: word box with the following words]

kaligtasan Filipino saanman ligtas pamayanan batas trapiko

WEEKS 7-8

Pagiging Handa sa Sakuna o Kalamidad

Aralin

[illustration: a girl holding an umbrella]

Sa nakaraang aralin ay naipakita mo ang pagsunod sa mga tuntuning may kinalaman sa kaligtasan.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo kung paano ang paghahanda sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Maraming katangian ang maipagmamalaki ng isang batang Filipino na katulad mo. Minsan ay hindi mo ito napapansin dahil iniisip mo na pangkaraniwan lamang ang mga ito. Pero sa panahon na nakalilimot ka na at sinasabihan ka ng mga matatanda na “teka muna, anak, mukhang nakakalimutan mo nang maging handa sa oras ng sakuna at kalamidad”. Tulad ng mga larawan sa ibaba, anong paghahanda ba ang dapat gawin sa mga sitwasyong tulad ng mga ito?

[illustration: three panels showing a typhoon with a house and palm trees in strong wind and rain, an erupting volcano, and an earthquake cracking the ground beneath a house]

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay makapagpapakita ng kahandaan sa oras ng sakuna at kalamidad. Kaya naman, inaasahan na maipamamalas mo ang pagiging masunurin sa mga itinakdang tuntunin, patakaran, at batas para sa ligtas na pamayanan.

D

Alam mo ba ang mga sakuna o kalimidad na dapat pinaghandaan para magkaroon ng ligtas na pamayanan? Ano ba ang ibig sabihin ng sakuna at kalamidad? Ito ay mga pangyayari na hindi natin inaasahan na maaaring magdudulot ng pagkasira ng ating mga ari-arian at minsan ay pagkasugat, pagkakasakit, o pagkawala ng buhay. Kaya naman, dapat itong paghandaan!

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Buoin ang mga pinagpalit-palit na ayos ng mga letra na nasa loob ng kahon upang malaman ang mga sakuna at kalamidad na dapat paghandaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. GBAOY 2. LODNIL 3. SUGON 4. PANEMDAY
  2. PAGSABGO NG BLUANK 6. PAGGUOH NG APUL

Nahulaan mo bang lahat? Magaling! Kung hindi naman ay huwag mag-alala dahil ito ay mapag-aaralan mo pa lalo na ang mga kahandaang dapat gawin bago pa dumating ang mga kalamidad na ito. Simulan natin sa kuwento.

Naku, Naku, Naku Po!

Naku, naku, naku po! Naku, naku, naku po! Madilim na naman ang langit.

Halos hindi lumalabas ang araw, bakit kaya?

[illustration: a family and house being battered by a storm with strong winds and heavy rain]

“Nanay, Nanay! May bagyo po ba?” Tanong ko kay Nanay. “Oo, anak,” ang sagot naman niya.

Naku, naku, naku po! Paano na ‘yan? Akala ko pa naman makakapaglaro na ako. Sinagutan ko na at tinapos ang mga aralin sa modules. Gusto ko nang maglaro, sayang!

“Kevin, Kevin! May bagyo ba?” ang tanong ko sa aking kaibigan. “Oo daw, napanood ko sa YouTube ang paparating na super typhoon,” ang kuwento niya sa akin.

[illustration: Tatay on a ladder repairing the roof and wall of a house while a child looks up at him]

Naku, naku, naku po! Babaha na naman ba at masisira ang mga bahay? Anong gagawin natin? Parang natatakot na naman ako.

Tatay, Tatay ko po! Ano pong ginagawa n’yo diyan? Paparating na po ang bagyo, hindi po ba kayo natatakot?

Tumingin at ngumiti sa akin si Tatay at kaniyang sinabi, “Anak, nandito ako para ayusin ang ating bubong at haligi ng bahay. Papakuan at tatalian ko ang mga ito nang mabuti at mamaya pupunta ako sa tindahan para bumili ng bigas at iba pang pagkain. Bibili na rin ako ng flashlight. Ang cellphone natin ay kailangang naka-fully charge, ha.”

“Opo, Tatay!” ang magalang kong sagot. Hmmm… ayan ang tatay ko, hindi natatakot sa anumang bagyo. Kalmado lamang. Naku, naku, naku po, ‘Tay! Ikaw na ang “The Best Tatay“… laging handa! Hindi natatakot sa anumang sakuna. Salamat po, Tatay! Tulungan na rin po kita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Anong kalamidad ang darating?
  2. Sino ang naghahanda sa pagdating ng kalamidad na ito?
  3. Bakit hindi siya natatakot sa pagdating ng kalamidad?
  4. Ano-anong mga paghahanda ang kaniyang ginawa para sa pagdating ng kalamidad?
  5. Sa palagay mo, bakit mahalaga na naka-fully charge ang cellphone sa panahon ng kalamidad?

Isang pag-uugali na maaaring maipagmalaki ay ang kahandaan sa pagdating ng mga sakuna at kalamidad. Mahalaga rin na kahit ikaw ay bata pa ay nalalaman mo na ang mga ito upang ikaw ay makatulong rin sa iyong mga magulang. Dapat mo ring alamin ang mga tuntunin sa mga paghahanda na ibinibigay ng inyong barangay tuwing may paparating na kalamidad.

Narito ang mga sakuna at kalamidad na sumisira ng mga ari-arian, nagbibigay ng sakit, at minsan ay nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay. Ang mga ito ay maiiwasan kung may sapat at tamang paghahanda.

[illustration: Bagyo — a flooded street with a fallen utility pole and a car] [illustration: Sunog — a house on fire] [illustration: Pagputok ng Bulkan — an erupting volcano] [illustration: Baha — people being rescued by boat in floodwater] [illustration: Lindol — a house cracked by an earthquake fault] [illustration: Pagguho ng Lupa — houses on a slope buried by a landslide]

Bagyo | Sunog | Pagputok ng Bulkan Baha | Lindol | Pagguho ng Lupa

Ano-anong paghahanda ang dapat gawin?
  • Makinig ng balita para sa kalagayan ng pamayanan.
  • Ayusin ang bahay at gawing matibay ito sa pagdating ng sakuna.
  • Manatili sa bahay at ihanda ang paglilikas kung kinakailangan.
  • Ihanda ang first aid kit, kasama ng mga pagkain, inumin, flashlight, at baterya.
  • Tiyaking naka-fully charge ang cellphone para sa pagtawag sa mga emergency numbers.
  • Sumunod sa payo at tuntunin ng barangay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang larawan ay nagpapakita sa paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad. Lagyan mo naman ng ekis (✖) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. [illustration: a family praying together] Nagdadasal
  2. [illustration: a child playing a video game while seated in front of a television] Naglalaro
  3. [illustration: a family sitting together listening to a radio] Nakikinig ng balita
  4. [illustration: a woman carrying shopping bags] Nagsa-shopping
  5. [illustration: a man repairing the roof of a house from a ladder] Nagkukumpuni
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Sa tulong at gabay ng iyong pamilya, lagyan ng tsek (✓) kung gaano ninyo kadalas naipakikita ang pakikiisa sa paghahanda upang maging ligtas sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Pamantayan ng Kahandaan upang Maging Ligtas sa Panahon ng Sakuna at KalamidadPalagiMinsanHindi
1. Nananatili sa loob ng bahay.
2. Nag-iipon ng mga pagkain.
3. Naghahanda ng emergency kit.
4. Naghahanda ng emergency numbers na maaaring tawagan.
5. Naghahanda ng flashlight na may baterya.
6. Inaalam ang balita mula sa radyo, TV o internet.

Bilang pangwakas, masasabi mo na:

Isang mabuting pag-uugali na maipagmamalaki bilang mga Filipino ay ang kahandaan sa pagdating ng mga sakuna at _____________.

Mahalaga na kahit bata ka pa lamang ay nalalaman mo ito upang ikaw rin ay _____________ sa iyong mga magulang lalo na sa pagsunod ng mga _____________ para sa mga paghahanda na ibinibigay ng iyong barangay.

Tunay nga na ang pagiging laging _________ ay isang katangian na maipagmamalaki nating mga _____________.

[illustration: a child holding an umbrella]

Filipino tuntunin kalamidad makatulong kahandaan handa

Susi sa Pagwawasto

Weeks 1-2

Gawain sa Pagkatuto 3:

  1. X
  2. ✓
  3. ✓
  4. X
  5. ✓
  6. X

Gawain sa Pagkatuto 6:

  1. ♠ [?]
  2. ♠ [?]
Weeks 3-4

Gawain sa Pagkatuto 3:

  1. ok
  2. ok
  3. ok – di
  4. ok – di
  5. ok
  6. ok – di
Weeks 5-6

Gawain sa Pagkatuto 3:

  1. X
  2. X
  3. X
  4. ✓
  5. ✓
Week 7

Gawain sa Pagkatuto 3:

  1. X
  2. ✓
  3. X
  4. X
  5. ✓
Week 8

Gawain sa Pagkatuto 1:

  1. BAGYO
  2. LINDOL
  3. SUNOG
  4. PANDEMYA
  5. PAGSABOG NG BULKAN
  6. PAGGUHO NG LUPA

Gawain sa Pagkatuto 3:

  1. ✓
  2. X
  3. ✓
  4. X
  5. ✓
Gawain sa Pagkatuto
Week 1LPWeek 2LPWeek 3LPWeek 4LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8
Week 5LPWeek 6LPWeek 7LPWeek 8LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon.

☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.

Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Department of Education. 2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang (Kagamitan ng mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

[logo] [logo] [logo]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district