MAPEH (PE) Grade 2 Quarter 3 PIVOT 4A Learner’s Material

Grade 2 PE Quarter 3 PIVOT 4A module: time, force, and flow of movement, five basic dance steps to 2/4 songs, and ball relays and races.

This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 2 MAPEH (Physical Education), Quarter 3, Second Edition (2021), from DepEd Region 4A CALABARZON. It covers eight weeks in three lessons on body movement, simple dance steps, and ball relays and races. The lessons are in Filipino and are meant for Grade 2 learners studying at home with an older family member, and for the teachers and parents who guide them.

On this page 8 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners should be able to:

  • Identify, compare, and perform different body movements based on time (oras), force (lakas), and flow (daloy)
  • Perform different movements in response to the sounds and music they hear, using simple dance steps
  • Join and carry out relays and races that use a ball

Lessons in this module

WeeksLessonWhat it covers
1 to 2Oras, Lakas, at Daloy (time, force, and flow)Comparing movements by speed, weight, and flow
3 to 5Ritmikong Gawain (rhythmic activities)Five basic dance steps performed to songs in 2/4 time
6 to 8Pakikiisa sa mga Masasayang Gawaing Pisikal (joining fun physical activities)Ball skills used in relays and races

Lesson 1: Time, force, and flow

The lesson opens with a story about a 500-meter race. A runner who led at the start finished last, while another saved a fast, strong sprint for the final 100 meters and won. The module then explains the three elements that affect every movement.

  • Oras (time) is how fast (bilis) or slow (bagal) a movement is. Movements are compared using mabilis, mas mabilis, and pinakamabilis (fast, faster, fastest). The module’s example: crawling is mabilis, walking is mas mabilis, and running is pinakamabilis.
  • Lakas (force) is how heavy (mabigat) or light (magaan) a movement feels. The module’s example is carrying the same school bag. A child struggles with it, a young man carries it with some ease, and a strong man carries it with no effort at all.
  • Daloy (flow) can be malaya (free) or di-malaya (not free). Free movement has no set steps or order and goes on without stopping. Movement that is not free is limited, follows set steps, and has deliberate pauses between movements.

The activities ask learners to pick the lightest, heaviest, fastest, and slowest movement from a list. They also rank movements and tasks, such as lifting paper, a chair, and a table, and draw movements. In one activity, an older family member times the learner walking, running, and jumping between two marked points, A and B.

Lesson 2: Simple dance steps

Learners study five dance steps:

  • Swing Step (step, close, point): step with the right foot, close with the left, then rise slightly on the toes. Repeat on the other side.
  • Touch Step (point, close): step the right foot diagonally forward, at 45 degrees to the right, and point the toes to the floor. Bring the foot back, then do the same on the left.
  • Point Step (step, point): step with one foot and point with the other. It can be done in any direction.
  • Close Step (step, close): step forward with one foot and bring the other foot beside it. It can be done in any direction.
  • Hop Step (step, hop): step with one foot, then hop slightly, alternating feet.

These steps fit songs with a 2/4 meter. The module uses Pamulinawen, an Ilocano song about a woman’s hard heart, and Sitsiritsit. Learners practice each step for 16 counts and dance the combination to Pamulinawen. They then try the same dance with Sitsiritsit. Later they list five more 2/4 songs and make their own simple dance to one of them. The lesson ends with a checklist, where learners tick a happy or sad face for each step they did correctly or not.

Lesson 3: Ball relays and races

A relay or race is a group activity where teams race to finish a task. This lesson’s relays use a ball and teach these skills:

  • Pagpasa ng bola (passing): push the ball away with both hands, judging how much force to use for the distance.
  • Pagsalo ng bola (catching): open both palms, firm up the arms and hands, and catch the ball with both palms.
  • Pagdribol habang tumatakbo (dribbling while running): push the ball to the floor again and again with one hand while moving.
  • Pagtakbo habang hawak ang bola (running while holding the ball): hold the ball firmly with both hands so it does not drop.

Learners describe these skills and write about a relay they joined. They also invent their own ball relay, draw its route, and explain how relays and races are used at school and in life.

How to use this module

  • Learners: Work through the lessons in order. Write all answers on a clean answer sheet, not in the module. Several activities need a partner, such as a parent, older sibling, or other older person at home. Choose a safe space indoors where you can walk, run, and jump.
  • Parents: Help time the movements in Lesson 1 and play the songs for Lesson 2. Join your child in the relay activities.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers for the objective activities. Most other activities are marked “Sukatan ng kakayahan” (performance-based) and need your own checking. Learners record how well they did each activity, week by week, using a star, a check, or a question mark on the self-assessment chart (Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans). For lessons that span more than one week, they enter the same mark for each of those weeks.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this PIVOT module for?

It is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 2 MAPEH (Physical Education), Quarter 3, Second Edition (2021), published by DepEd Region 4A CALABARZON.

What do oras, lakas, and daloy mean in this module?

Oras (time) is how fast or slow a movement is. Lakas (force) is how heavy or light a movement is. Daloy (flow) describes whether a movement is free and continuous (malaya) or limited with set steps and pauses (di-malaya).

What dance steps are taught in Quarter 3?

The module teaches the swing step, touch step, point step, close step, and hop step. Learners perform them to songs in 2/4 time such as Pamulinawen and Sitsiritsit.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the objective activities. Many activities are performance-based and marked Sukatan ng kakayahan, so the teacher checks them.

Does my child need a partner for the activities?

Yes, several activities ask for a partner, such as a parent or older sibling. The partner times movements in Lesson 1 and joins the ball relays in Lesson 3.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

GRADE 2 – MAPEH (Physical Education)

PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL

QUARTER 3

[illustration: children at home and school doing activities, including a girl with a doll, a boy reading, a girl playing a xylophone, and a TV screen showing numbers 1 2 _ 4 5 6 7 8 _ 10]

DepEd CALABARZON, Curriculum and Learning Management Division

PAG-AARI NG PAMAHALAAN, Hindi Ipinagbibili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A Learner’s Material Ikaltlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021

MAPEH (Physical Education) Ikalawang Baitang

Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Psalm John Mico F. Manalo Content Creator & Writer

Eugene Ray F. Santos & Angela A. Morando Internal Reviewer & Editor

Lhovie A. Cauilan, Jael Faith T. Ledesma, Jayson K. Latade & Michelle Anne V. Medillo Layout Artist & Illustrator

Jeweel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas IT & Logistics

Kirt John Segui, Komisyon ng Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

Weeks 1-2

Aralin I: Oras, Lakas, at Daloy

Naranasan mo na bang makasali sa isang karera o larong may pabilisan? Ano ang nangyari? Ikaw ba ay nauna o nahuli? Bakit sa tingin mo ay nauna ka o nahuli sa larong pabilisan na iyong nasalihan?

Sa aralin na ito ay matutuhan mo ang pagsasagawa ng iba’t ibang kilos ng katawan base sa oras, lakas, at daloy. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay magagawa mo na naring matukoy, maihambing at maisagawa ang iba’t ibang kilos o paggalaw ng katawan base sa oras, sa daloy, at sa lakas.

Basahin ang kuwento.

[illustration: four students running a race on a track, with a FINISH banner in front of the runners]

Sa isang patimpalak ng pabilisan sa 500 metrong takbuhan ay kasali sina Joy, Jigs, Harry, at Earl. Alam ng lahat na ito na ang pagkakataon nila na maipakita ang bunga ng kanilang araw-araw na ensayo at pagpapalakas. Dahan-dahan na pumuwesto ang mga manlalaro sa kani-kanilang linya ng pagtakbo.

Lahat ay nakaabang sa mga mangyayari at sa kalalabasan ng patimpalak.

Ready! Get set! Go! Kasabay ng pagputok ng baril ay simula ng pagtakbo ng bawat manlalaro.

Sa unang 100 metro ng laro ay nangunguna sa pagtakbo si Earl na nasa unang linya. Sinusundan siya ni Jigs sa ikalawang linya ng pagtakbo. Magkasunod naman sa ikatlong linya ng pagtakbo sina Noy at Harry na nasa pangatlo at pang-apat na puwesto. Bagama’t malapit ang pwesto nila sa isa’t-isa, ang bawat manlalaro ay patuloy lamang sa normal na bilis ng kanilang pagtakbo.

Papalagpas na sa ika-300 metro ang mga mananakbo. Dito ay dahan-dahan nang napapantayan ni Jigs si Earl sa unang puwesto, kasunod pa din nila ang mga manlalarong sina Noy at Harry.

Sa huling ika-100 metro ng takbuhan ay nakakita ng pagkakataon si Noy na mapunta sa unang puwesto at makalipat sa unang linya ng pagtakbo. Kasabay ng isang mabilis at malakas na pagtakbo ay naunahan ni Noy sina Jigs at Earl. Si Harry naman ay patuloy pa din sa paghabol sa mga nauna sa kaniya.

Sa pagtatapos ng patimpalak ay nagawang mauna ni Noy sa tatlong mga manlalaro. Nagawang makahabol ni Harry kina Earl at Jigs. Pumangalawa sina Jigs at Harry na tabla sa pagtatapos ng karera. Kasunod nila ay si Earl na mula sa unang puwesto sa umpisa ng karera ay natapos sa huling pwesto.

Sino sa mga manlalaro ang nauna sa pagtapos ng patimpalak? Ano ang maaaring naging dahilan ng kanyang pagkakauna sa patimpalak? Sino sa mga manlalaro ang nahuli? Ano ang maaaring dahilan ng kanyang pagkahuli sa nasabing patimpalak?

Ang bawat pagkilos natin ay naaapektuhan ng iba’t ibang elemento sa iba’t ibang pagkakataon. Ang mga elementong ito ay ang oras, lakas, at daloy.

Oras

Ang elemento ng oras ay nakakaapekto sa bilis o bagal ng ating kilos. Kung iyong mapapansin, may mga pagkakataon na ikaw ang nauuna at mayroon din namang pagkakataon na ikaw ang nasa hulihan. Maaring minsan ay mabilis ka o minsan naman ay may mga tao, hayop, o bagay na mas mabilis sa iyo.

[chart: flowchart; Oras]

  • Oras
    • bilis
      • mabilis
        • mas mabilis
          • pinakamabilis
    • bagal
      • mabilis
        • mas mabilis
          • pinakamabilis

Ang oras ay tumutukoy sa bilis o bagal ng isang kilos. Halimbawa, ang mga kilos na paggapang, paglakad, at pagtakbo ay tatlong magkakaibang kilos. Ang mga ito ay maihahambing sa bawat isa ayon sa kanilang bilis kapag isinasagawa. Ang paglakad ay masasabing “mas mabilis” kung ikukumpara sa kilos ng paggapang. Ngunit, ang kilos ng pagtakbo ay ang “pinakamabilis” sa mga nasabing kilos.

[illustration: boy crawling on the floor] [illustration: boy standing with a PE shirt] [illustration: girl running in a PE shirt]

Kung aayusin ang mga kilos ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang bilis ay:

paggapang – mabilis paglakad – mas mabilis pagtakbo – pinakamabilis

Lakas

May mga sitwasyon din na nagpapakita tayo ng ating kalakasan. Dito ay nabibigyan ka ng pagkakataon na maipakita na mas malakas ka sa ibang tao, hayop, o bagay. May mga pagkakataon din na ang ibang tao, hayop, o bagay ay nagpapakita na mas malakas sila sayo.

[chart: flowchart; Lakas]

  • Lakas
    • bigat
      • mabigat
        • mas mabigat
          • pinakamabigat
    • gaan
      • magaan
        • mas magaan
          • pinakamagaan

Ang bawat kilos ay maaari mo din maihambing ng ayon sa kanilang lakas. Sa paghahambing ng mga kilos ayon sa lakas ay masasabi natin kung ang isang kilos ay magaan o mabigat. Halimbawa ay ang pagbuhat ng isang bag na may mga kuwaderno at mga aklat. Kung ito ay ipapagawa sa isang bata, makikita mo na tunay na mahihirapan ito sa gawain. Masasabi na mabigat na gawain ito para sa isang bata. kung ang ganitong gawain ay isasagawa ng isang lalaki na may matipunong katawan ay magiging magaan para rito ang gawain.

Sa paghahambing ng ayon sa gaan at bigat ay maaari mong gamitin ang mga salitang mabigat, mas mabigat o pinakamabigat.

Maaaring magamit ang mga salitang magaan, mas magaan at pinakamagaan.

[illustration: batang nahihirapan sa pagbubuhat ng bag] [illustration: binatang may buhat na bag] [illustration: matipunong lalaking may buhat na bag]

Masdan ang mga larawan sa itaas. Ang bata na may buhat ng bag ay makikita na nahihirapan sa kanyang ginagawa. Ang binata na may buhat din na parehong bag ay hindi masyadong hirap sa pagbubuhat nito. Sa pangatlong larawan, ang matipunong lalaki na may buhat na bag ay walang kahirap-hirap sa pagsasagawa ng gawain.

Kung aayusin ang mga kilos ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang bigat ay:

batang may buhat na bag – magaan binatang may buhat na bag – mas magaan matipunong lalaking may buhat na bag – pinakamagaan

Daloy

Ang daloy ng bawat kilos ay maaaring tingnan kung malaya o di-malaya. Masasabi mo na ang pagkilos ng isang tao ay malaya kung hindi limitado ang mga kilos na isinasagawa. Walang dapat na sundin na hakbang at pagkakasunod-sunod sa bawat kilos. Ang malayang kilos ay walang paghinto sa bawat gawain. Ito ay isinasagawa nang tuloy-tuloy.

Masasabi mo na ang kilos ay di-malaya kung ang mga kilos na isinasagawa ay limitado. May tamang hakbang ng mga kilos na dapat sundin. Sa pagitan ng bawat kilos ay inaasahan ang sadyang paghinto.

[chart: flowchart; daloy]

  • daloy
    • malaya
      • hindi limitado ang galaw
      • walang istrukturang kilos
      • tuloy– tuloy ang kilos
    • di-malaya
      • hindi limitado ang galaw
      • walang istrukturang kilos
      • tuloy– tuloy ang kilos

Ang bawat kilos ay maaari nating maihambing ayon sa oras, daloy at lakas. Maaring makaapekto ang mga elementong ito sa iyong mga kilos. Ang bawat pagkilos na ating isinasagawa ay may wastong paraan ng pagawa kay nararapat lamang na iyong bigyang pansin ang bawat elemento sa lahat ng ating pagkilos.

[illustration: babaeng nakasuot ng tradisyonal na baro’t saya, nakataas ang kamay na may pamaypay] [illustration: batang lalaking nakasuot ng sports jersey, nakayuko]

Ang pagkamit ng malusog na pangangatawan ay nagsisimula sa pagawa ng maliliit na kilos sa wastong paraan. Mula rito ay maisagawa mo ang iba pang mas komplikado at mahirap na kilos. Ang bawat kilos ay dapat na naisasagawa ng wasto hindi lang sa bawat pagalaw kundi pati na rin sa bilis, lakas, at sa daloy ng bawat gawain.

D

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Hanapin ang sagot sa mga pagpipilian pagtapos ng mga pangungusap. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.

  1. Alin sa mga kilos sa ibaba ang may pinakamagaan na kilos?

    • A. paghiga
    • B. pag-upo
    • C. pagtayo
    • D. paglakad
  2. Alin sa mga kilos sa ibaba ang may pinakamabigat na kilos?

    • A. paghiga
    • B. pagtayo
    • C. paglakad
    • D. pagtakbo
  3. Alin sa mga kilos sa ibaba ang may pinakamabilis na kilos?

    • A. paggapang
    • B. paglakad
    • C. pagtakbo
    • D. paglukso
  4. Alin sa mga kilos sa ibaba ang may pinakamabagal na kilos?

    • A. pagkandirit
    • B. pag-igpaw
    • C. paglakad
    • D. pagtakbo
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

Tukuyin at ihambing ang bawat pagkilos sa bawat bilang. Isulat kung mabilis, mas mabilis at pinakamabilis sa bawat kilos. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.

  1. Pag-igpaw
    Paglukso-lukso
    Pagpapadulas



  2. Pag-eskape
    Paglalakad
    Pagtakbo



  3. Paggulong
    Pagtakbo
    Paglukso-lukso



Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Tukuyin at ihambing ang bawat pagkilos sa bawat bilang. Isulat kung mabigat na kilos, mas mabigat na kilos, o pinakamabigat na kilos sa bawat nakasaad na mga salita. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.

  1. Pagbuhat ng papel Pagbuhat ng silya Pagbuhat ng mesa



  2. Paglakad sa patag Pagtakbo sa patag Pagtakbo sa hagdan



  3. Pagbuhat ng baso Pagbuhat ng TV Pagbuhat ng kaldero



E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Gumuhit ng tatlong kilos na nagpapakita ng paggalaw base sa kanilang bilis. Tukuyin ang tawag sa bawat kilos at isulat ito sa ilalim ng bawat iginuhit na kilos. Tukuyin din ang bilis ng bawat kilos. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.

[transcriber’s note: empty bordered box for the learner’s drawing]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

Gumuhit ng tatlong kilos na nagpapakita ng paggalaw base sa kanilang lakas. Tukuyin ang tawag sa bawat kilos at isulat ito sa ilalim ng bawat iginuhit na kilos. Tukuyin din ang lakas o puwersa na ginamit sa bawat kilos. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.

[transcriber’s note: empty bordered box for the learner’s drawing]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Gawin ang sumusunod na panuto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.

Mga Panuto:

  1. Humanap ng kasama sa paggawa ng aktibidad na ito. Maaaring imbitahan ang iyong magulang, ate, kuya, o kung sino man na nakatatanda .
  2. Humanap ng puwesto sa loob ng bahay na maaari kang makakilos tulad ng pagtakbo, paglalakad, at iba pang mga kilos lokomotor.
  3. Magtakda ng dalawang lugar o puwesto at markahan ito bilang A at B. Siguraduhin na may malayong espasyo sa distansiya ng A at B. Ito ang gagamitin nating simula at dulo ng tatahakin nating mga pagkilos.
  4. Gawin ang sumusunod na kilos mula A papunta sa B habang inoorasan ng ating kasamang nakatatanda ang bawat nating pagkilos.
    • A. Paglalakad
    • B. Pagtakbo
    • C. Paglukso o Pagtalon

Mga Katanungan:

  1. Ilang segundo ang inabot ng iyong paglalakad mula A hanggang B?



  2. Ilang segundo ang inabot ng iyong pagtakbo mula A hanggang B?



  3. Ilang segundo ang inabot ng iyong paglukso o pagtalon mula A hanggang B?



  4. Kung titingnan o susuriin ang bawat kilos, alin sa mga ito ang pinakamabilis na uri ng kilos base sa kanilang bilis?



  5. Kung titingnan o susuriin ang bawat kilos, alin sa mga ito ang pinakamabagal na uri ng kilos base sa kanilang bilis?



A

Ang bawat kilos na isinasagawa ay naaapektuhan ng elemento ng [illustration: orasan], [illustration: flex braso na may muscle], at [illustration: nagsasayaw na bata].

Ang [illustration: orasan] ay naihahambing sa pamamagitan ng ____________ at ____________. Ang [illustration: flex braso na may muscle] ay naihahambing sa pamamagitan ng ____________ at ____________. Ang [illustration: nagsasayaw na bata] ay naihahambing sa pamamagitan ng ____________ at ____________.

Printed picture captions: “*Imahe:” (flex braso na may muscle), “Relos o orasan.” (orasan), “Nagsasayaw na bata” (nagsasayaw na bata).

WEEKS 3 – 5

I

Ritmikong Gawain

Aralin

Nasubukan mo na bang kumilos o gumalaw na naaayon sa ritmo ng isang kanta? Naranasan mo na bang sumayaw o subukang ilapat ang iyong paggalaw o kilos sa saliw ng isang tugtog? Sa ngayon ay nauuuso sa iba’t-ibang social media platform ang pag-video ng mga sayaw sa iba-iba at sari-saring mga kanta. Maging bata at matatanda ay nakikisali sa mga ganito.

Sa aralin na ito ay matututuhan mong isagawa ang ibat-ibang klase ng kilos na naaayon bilang tugon sa mga tunog na iyong maririnig.

[illustration: magkapares na nagsasayaw, babaeng nakasuot ng mahabang saya at lalaking nakasuot ng barong]

Ang bawat pagkilos kapag isinasagawa sa wasto at sa tamang paraan na may tamang bilis, lakas, at daloy ay nagiging isang kilos na hindi pangit tingnan at hindi nakasasama sa mga parte ng katawan na ating ginagamit sa naturang pagkilos.

Ibig sabihin, ang wastong paggamit ng ating katawan sa wastong pagkilos ay nakatutulong nang husto upang mapanatiling maayos ang ating katawan. Kagaya rin ito ng wastong pagkilos sa pagsasayaw.

Ang ating pagkilos ay maihahalintulad sa pagsasayaw. May mga kilos tayong isinasagawa sa limitadong pagkilos at may mga kilos na naisasagawa sa malayang pagkilos. Ang mga pagkilos na katulad ng pagsasayaw ay maaaring alinman sa dalawa.

Sa ngayon ay mag-aaral tayo ng iba’t ibang kilos sa pagsayaw na ating gagamitin sa iba’t ibang tugtog o tunog.

Swing Step (Step, Close, Point) – Humakbang gamit ang kanang paa kasunod ng pagsasara ng hakbang gamit ang kaliwang paa. Iangat ang katawan nang bahagya sa pamamagitan ng pagtingkayad o pag-angat gamit ang mga daliri sa paa. Gawin din ito sa kaliwa, gamit ang kaliwang paa upang ihakbang kasunod ng pagsara ng kanang paa. Muling iangat nang bahagya ang katawan sa pamamagitan ng pagtingkayad.

[illustration: feet performing the swing step in four positions]

Touch Step (Point, Close) – Ihakbang ang kanang paa sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng iyong puwesto o 45° mula sa harap papuntang kanan. Sa paglapag ng iyong paa ay ituro gamit ang mga daliri sa paa ang lapag. Isara ang mga paa sa pamamagitan ng pagbalik ng paa sa unang puwesto. Matapos ito ay ihakbang ang kaliwang paa sa harap at kaliwang bahaga ng iyong puwesto o 45° mula sa harap papuntang kaliwa. Muli ay sa paglapag ng iyong kaliwang paa ay ituro ang sahig o lapag gamit ang mga daliri mo sa paa. Mula sa ganitong puwesto ay ibalik ang kaliwang paa sa una nitong puwesto sa pamamagitan ng pagsara ng mga paa gamit ang kaliwang paa na iyong inihakbang.

[illustration: feet performing the touch step in five positions]

Point Step (Step, Point) – Ihakbang ang kanang paa kasunod ng pagturo gamit ang kaliwang paa papunta sa kaliwa. Kasunod nito ay ihakbang ang kaliwang paa kasunod naman ang pagturo gamit ang kanang paa. Maaari itong gawin sa kahit anong direksiyon.

[illustration: feet performing the point step in five positions]

Close Step (Step, Close) – Ihakbang ang kanang paa sa harapang bahagi ng iyong puwesto. Isara ang mga paa gamit ang paghakbang ng kaliwang paa papunta sa kanang paa. Gawin din ito sa kaliwang paa sa pamamagitan ng paghakabang ng kaliwang paa at pagsara ng mga paa gamit ang kanang paa. Maaari itong gawin sa kahit na ano at paanong direksyon.

[illustration: feet performing the close step in three positions]

Hop Step (Step, Hop) – Humakbang gamit ang kanang paa. Kasunod nito ay bahagyang paglukso gamit ang kaliwang paa at paghakbang ng kaliwang paa at kasunod ang bahagyang paglukso ng kanang paa.

[illustration: feet performing the hop step in three positions]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Tukuyin ang iba’tibang kilos pagsayaw na ating inaral sa paksang ito. Hanapin ang mga kilos sa pagsayaw na ito sa puzzle sa ibaba.

SWING STEP TOUCH STEP CLOSE STEP POINT STEP HOP STEP

DIKBFUNDRQSFP
ISWINGSTEPCH
CGABYEBOWEFG
PTJDERAUASOR
OEJKAWACZUFE
IRLANGRHDTUW
NYCLOSESTEPI
TWCHTUUTGSTY
SQELDDWEJBEU
TYSEAIOPOPPH
EVSINOEDHFOP
PXSSHOPSTEPO

Maaaring gamitin ang mga pagkilos ng pagsayaw na mga ito sa mga tugtog na may 2/4 na metro o sukat. Halimbawa ay ang kantang Pamulinawen. Ang Pamulinawen ay isang kantang Ilokano na patungkol sa matigas na puso ng isang babae. Maaari nating gamitin ang mga kilos sa sayaw sa mga ganitong uri ng awitin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung anong kilos sa pagsayaw ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

_________________ 1. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa papamagitan ng paghakbang gamit ang kanang paa na sinusundan ng paglukso at pagbagsak gamit pa din ang parehong paa. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

_________________ 2. Ang pagsasayaw na ito ay Humakbang gamit ang kanang paa. Kasunod nito ay bahagyang paglukso gamit ang kaliwang paa at paghakbang ng kaliwang paa at kasunod ang bahagyang paglukso ng kanang paa.

_________________ 3. Ang pagsasayaw na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa kasunod ang pagsasara ng mga paa gamit ang kaliwang paa. Pagkasara ng mga paa ay ang bahagyang pag-angat ng katawan sa pamamagitan ng pagtingkayad. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

_________________ 4. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng puwesto ng mananayaw o sa 45° mula sa harap papuntang kanang bahagi ng puwesto. Sa paglapag ng iyong paa ay ituro gamit ang mga daliri sa paa ang sahig o lapag. Matapos nito ay ibalik ang parehong paa pa din sa una nitong puwesto. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

_________________ 5. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa harapang bahagi ng puwesto. Kasunod nito ay ang pagsasara ng mga paa gamit ang kaliwang paa. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa. Maaari itong gawin sa kahit na anong direksiyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Pumili ng isa sa mga kilos ng pagsasayaw na iyong natutuhan sa araling ito. Iguhit ang kilos sa pagsayaw na ito. Sumulat ng maikling paglalarawan sa kung paano ito naisasagawa. Gawin ang gawaing ito sa isang malinis na papel.

Mga Panuto:

  1. Pag-ensayuhan ang bawat kilos sa pagsayaw na ating inaral.
  2. Isagawa ang sumusunod na simpleng sayaw at ritmikong kombinasyon sa wastong paraan at sa nakasaad na bilang:
    • Swing Step (16 counts)
    • Touch Step (16 counts)
    • Point Step (16 counts)
    • Close Step (16 counts)
    • Hop Step (16 counts)
  3. Pakinggan at aralin ang ritmo ng kantang Pamulinawen.
  4. Isalin at isagawa ang mga simpleng sayaw at ritmikong kombinasyon na nakasulat sa itaas kasabay ng kantang Pamulinawen.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Basahin ang mga panuto sa ibaba. Gawin ang sinasabi sa bawat panuto. Sagutin ang mga katanungan pagkatapos gawin ang nakasaad sa panuto. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang malinis na sagutang papel.

  1. Ano ang iyong naramdaman sa paggawa ng mga kilos sa pagsayaw na ating pinag-aralan?




  1. Alin sa mga kilos na ito ang nahirapan kang maisagawa nang wasto? Bakit?




  1. Alin sa mga kilos na ito ang nadalian kang maisagawa nang wasto? Bakit?




  1. Ano ang iyong napansin o naramdaman habang isinasagawa ang mga simpleng sayaw at ritmikong kombinasyon sa saliw ng kantang Pamulinawen?




  1. Ano ang iyong natutuhan sa ating isinagawang aktibidad o gawain?




Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Pakinggan ang kantang Sitsiritsit. Isagawa ang parehong sayaw at bilang mula sa naunang gawain sa kantang ito. Matapos maisagawa ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.

Mga Tanong:

  1. Nagtugma ba ang sayaw na ginawa natin sa Pamulinawen sa kantang Sitsiritsit? Bakit?

  1. Ano ang pagkakapareho ng kantang Pamulinawen sa kantang Sitsiritsit?

  1. Ano ang iyong natutuhan sa paglalapat ng parehong sayaw sa Pamulinawen sa kantang Sitsiritsit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Humanap ng lima pang awiting may 2/4 na sukat. Maaaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o kung sinuman ang maaari na kasama mo sa bahay. Isa-isahin ang mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa isang malinis na sagutang papel.






Gawain sa Pagkatuto Bilang 7

Pumili ng isa sa mga kantang naisulat mo bilang sagot sa naunang gawain. Pakinggan at araling mabuti ang awiting ito. Gumawa ng simpleng sayaw at ritmikong kombinasyon sa wastong bilang ng napili mong kanta gamit ang mga kilos na naituro sa aralin. Isulat ang nagawa mong sayaw sa isang malinis na sagutang papel.

[transcriber’s note: blank answer box in the original]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8

Sagutan at kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang hanay ng masayang mukha kung ang kilos na nakasaad ay naisagawa nang wasto. Lagyan naman ng tsek ( ✓ ) ang hanay ng malungkot na mukha kung ang kilos na nakasaad ay hindi mo naisagawa nang wasto.

Mga Kilos/Hakbang🙂🙁
Hop Step
Touch Step
Swing Step
Close Step
Point Step

25 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

A

Punan ang patlang ng wastong salita. Isulat sa sagutang papel.

Ang _____ ay isang paraan upang mapanatiling _____ at _____ ang ating pangangatawan. Sa saliw ng mga awiting Pilipino tulad ng _____ at _____ ay hindi mo lang natututunang sumayaw kundi pati na rin ang magpahalaga sa sarili nating _____ at _____.

pagsasayaw Sitsiritsit Pamulinawen

masigla kultura tradisyon malusog

26 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

Pakikiisa sa mga Masasayang Gawaing Pisikal

WEEKS 6-8

I

Aralin

Nakapunta ka na ba sa isang handaan o birthday party? Mayroon bang palaro ang mga handaang iyong napuntahan? Nakilahok o sumali ka ba sa kanilang mga palaro? Ano-anong palaro ang iyong nasalihan?

[illustration: children playing a sack race and a relay race]

Maraming klase ng mga laro ang isinasagawa sa isang handaan o mga party, at isa na ang paglalaro ng relay at races. Sa aralin na ito ay matututunan natin kung paano makisali at magsagawa ng mga larong relay at races. Sa aralin din na ito ay kinakailangan natin ng kasama habang inaaral at isinasagawa ang mga aktibidad o gawain na nakahanda.

Maaaring nakapaglaro ka na ng ibat-ibang klase ng relay at races. At sa dami ng klase ng mga ganitong mga palaro ay nasubukan mo ng laruin ang Calamansi Race o Sack Race.

27 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

Ito ay halimbawa ng mga relay o races na madalas na naisasagawa sa mga palaro. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang klase ng relay at races ang ating isasagawa.

Ang relay o races ay isang gawain na isinasagawa ng may mga kasama o pangkat. Ito ay paunahan na makatapos sa isang gawain. Maaaring iba-iba o pare-pareho ang mga gawain na isinasagawa. Sa pagkakataong ito, ang relay o races na aaralin natin ay ginagamitan ng bola.

[illustration: two students passing a ball to each other]

Pagpasa ng Bola – Maaaring ipasa ang bola gamit ang dalawa o parehong kamay. Kumuha ng puwersa mula sa mga braso upang maitulak ang bola papalayo sa iyong katawan at papunta sa iyong pagpapasahan. Siguraduhin na tantyahin ang lakas na gagamitin upang masiguro din ang layo na mararating ng bolang ibabato.

PIVOT 4A CALABARZON PE G2 28

Pagsalo ng Bola – Gamit ang pareho o dalawang kamay ay ibuka ang mga palad na tila may tatanggapin na gamit. Tigasan o lagyan ng lakas ang mga braso at palad upang maging handa sa puwersa o lakas na ibibigay ng pagbagsak ng bola. Gamitin ang parehong palad sa pagsalo ng babagsak na bola.

[illustration: two students, one catching a falling ball]

29 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

Pagtakbo ng may Kasamang Bola – May dalawang uri ng pagkilos na may kasamang bola. Ito ang sumusunod:

A. Pagdribol ng bola habang tumatakbo – Gamit ang mga palad ng kanan o kaliwang kamay ay itulak ang bola papunta sa lapag nang paulit-ulit habang tumatakbo o lumilipat mula sa isang puwesto papunta sa isa pa.

[illustration: student dribbling a basketball while running]

B. Pagtakbo habang hawak ang bola – Maaari ring kumilos o tumakbo na hawak lang ang bola. Gamit ang dalawang kamay ay hawakan nang may tibay ang bola upang hindi ito malaglag sa paggalaw. Tumakbo na hawak ang bola mula sa isang puwesto papunta sa isa pa.

[illustration: student running while holding a basketball with both hands]

PIVOT 4A CALABARZON PE G2 30

D

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

_____ 1. Ito ay isinasagawa gamit ang dalawang kamay sa pamamagitan ng paghawak ng bola nang may tibay upang hindi ito malaglag sa paggalaw. Tumakbo na hawak ang bola mula sa isang lugar papunta sa isa pa.

_____ 2. Ito ay isang gawain na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtulak ng bola gamit ang dalawang kamay papalayo sa iyong katawan at papunta sa isang lugar.

_____ 3. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbukas ng dalawang palad at paglalagay ng lakas at puwersa sa iyong braso at palad upang masalo ang bola.

_____ 4. Ito ay gamit ang mga palad ng kanan o kaliwang kamay ay itulak ang bola papunta sa lapag nang paulit-ulit habang tumatakbo o lumilipat mula sa isang lugar papunta sa isa pa.

31 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Pumili ng isa sa mga gawain o kilos na natutunan sa aralin na ito. Ipaliwanag ng hindi bababa sa tatlong pangungusap kung paano ito isinasagawa. Iguhit ang iyong gawain sa isang malinis na sagutang papel.

[illustration: blank box for drawing the chosen activity]







32 PIVOT 4A CALABARZON PE G2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng isang talata patungkol sa iyong karanasan o pangyayari na iyong naranasan kung saan ay naisagawa o nakisali ka sa isang palaro na tulad ng relay o races. Sumulat ng hindi bababa sa limang pangungusap. Isulat ang iyong gawain sa isang malinis na sagutang papel.









Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng isang palaro na relay o races gamit ang mga natutunan sa araling ito. Pangalanan ang relay na iyong nagawa at bigyan ng maikling paglalarawan at paliwanag kung paano ito isinasagawa. Isulat ito sa isang malinis na sagutang papel.





Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Humanap ng ibang relay o races na ginagamitan ng bola. Iguhit ito at gumawa ng maikling paglalarawan sa kung paano isinasagawa ang relay o races na ito.

[illustration: empty bordered box for drawing the ball relay or races]











______________________________________________.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gumawa ng ruta ng relay o races na iyong ginawa sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Iguhit ang iyong naisip na ruta sa isang malinis na sagutang papel.

[illustration: empty bordered box for drawing the route]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sumulat ng maikling talata na nagsasaad kung paano naisasagawa o nagagamit sa buhay at sa paaralan ang races o relay. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.








A

Punan ang patlang ng wastong salita. Isulat sa sagutang papel.

Ang pagtakbo ay isang ______________ na madalas maisagawa sa maraming pagkakataon. Ang paglalaro nito ay maihahalintulad rin natin sa ating ______________ . Kadalasan ay sinasabing ang buhay ay isang ______________ . Ngunit kailangan nating maintindihan na mayroon tayong kanya-kanyang ______________ sa kung paano natin matatapos ang ______________ ng ating karera.

Word box: laro sarili karera bilis buhay

Susi sa Pagwawasto

Weeks 1—2

Gawain 1

  1. Noy
  2. Earl
  3. Noy
  4. Naubos ang lakas
  5. Lakas
  6. Malungkot
  7. Pagkapanalo
  8. Sportsmanship

Gawain 2

  1. Mabilis, Mas Mabilis, Pinakamabilis
  2. Mas mabilis, Mabilis, Pinakamabilis
  3. Pinakamabilis, mabilis, mas mabilis
  4. Mas mabilis, mabilis, pinakamabilis
  5. Mabilis, pinakamabilis, mas mabilis

Gawain 3

  1. Mabigat, mas mabigat, pinakamabigat
  2. Mabigat, mas mabigat, pinakamabigat
  3. Mabigat, pinakamabigat, mas mabigat
  4. Pinakamabigat, mas mabigat, mabigat

Gawain 4 Sukatan ng kakayahan

Gawain 5 Sukatan ng kakayahan

Gawain 6 Sukatan ng kakayahan

Weeks 3—5

Gawain 1 Sukatan ng kakayahan

Gawain 2

  1. Hop Step
  2. Point Step
  3. Swing Step
  4. Touch Step
  5. Close Step

Gawain 3—8 Sukatan ng kakayahan

Weeks 6—8

Gawain 1

  1. Pagtakbo na may hawak na bola
  2. Pagpasa ng bola
  3. Pagsalo ng bola
  4. Pagtakbo hawak – hawak ang boloa [?]

Gawain 2—7 Sukatan ng kakayahan

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

  • ☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
  • ✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
  • ? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

transcriber’s note: the symbols ☆, ✓, and ? are printed as icons beside each description.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1LPWeek 2LPWeek 3LPWeek 4LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8
Week 5LPWeek 6LPWeek 7LPWeek 8LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8

Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.

Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Salud, G. P. & Dela Cruz, E. (2017). Prototype Lesson Plan Grade 6. Lipa City: Department of Education-SDO Lipa City.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district