This is the PIVOT 4A Learner’s Material for MAPEH (Music), Grade 2, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Second Edition, 2021. It was published by DepEd Region 4A CALABARZON through its Curriculum and Learning Management Division. It is written in Filipino for Grade 2 learners studying at home with a parent’s guidance. Over eight weeks, learners imitate sounds with their bodies, identify musical instruments, tell speaking from singing, learn proper singing habits, and use dynamics (loud and soft) when they sing.
On this page 6 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners should be able to:
- Imitate sounds from nature and man-made objects using only their voice and body
- Identify common musical instruments by their sound and appearance
- Tell the difference between speaking and singing
- Sing using the proper posture, breathing, voice quality, and tone
- Identify loud and soft parts of a song or music by listening and performing
- Use levels of dynamics: louder, loud, soft, and softer
- Make their voice louder or softer while singing, to match the feeling of a song
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 | Mga Tunog-Tao (body sounds) | Making sounds with the voice, hands, feet, and mouth to copy things like rain, thunder, and birds |
| 2 | Mga Instrumentong Musikal (musical instruments) | How instruments make sound: struck, shaken, blown, or with strings |
| 3 | Pagkakaiba ng Pagsasalita at Pag-aawit (speaking vs. singing) | Both use the voice, but singing has a clear rise and fall of tone |
| 4 | Wastong Pag-awit (proper singing) | Eight habits for good singing |
| 5 | Lakas o Hina ng Musika (loudness or softness of music) | The idea of dynamics |
| 6 | Mga Antas ng Paglakas o Paghina ng Tunog (levels of loudness) | Four levels of dynamics and how force changes loudness |
| 7–8 | Paglakas at Paghina sa Pag-awit (getting louder and softer in singing) | Matching loudness to the mood of song lyrics |
Key ideas, week by week
Body sounds and instruments (Weeks 1–2)
People can make many sounds by changing the shape and position of the tongue, lips, teeth, and palate. Learners copy sounds with their bodies, such as clapping, tapping their legs, or whistling for the wind. In one activity, they read a short story about Elsa and make a body sound each time they see a music note: a rooster crowing, a dog barking, rain, and thunder.
Musical instruments make sound when a part of them moves or vibrates. The module gives four examples:
- Striking a drum (tambol) makes a booming sound.
- Strumming a guitar makes its strings vibrate.
- Pressing piano keys makes small hammers strike metal strings.
- Blowing into a flute (plawta) sends air through it.
Instruments are sorted into three kinds: blown (hinihipan), such as the whistle, flute, and trumpet; strings that are plucked or bowed, such as the guitar, cello, and violin; and struck, tapped, or shaken, such as the drum and tambourine. Timbre, the quality of a sound, depends on the material an instrument is made of.
Speaking, singing, and proper singing (Weeks 3–4)
Speaking and singing both use the voice and words. Plain speech stays on almost one tone. Singing has a tune that clearly goes up and down. Learners recite and then sing familiar songs like “Leron, Leron Sinta” and “Sitsiritsit Alibangbang.” They also sing a short poem about a star to the tune of Twinkle, Twinkle, Little Star.
Week 4 lists eight tips for proper singing:
- Stand straight and comfortably.
- Breathe enough to keep the tones connected.
- Warm up the voice through vocalization. Start soft and low, then get louder and higher.
- Listen to many kinds of songs to train your ear.
- Try different voice qualities to find your natural timbre.
- Choose songs that fit your voice range.
- Practice the song before performing.
- Take care of your body. Avoid cold drinks and sweet, sticky foods before and after singing.
Dynamics (Weeks 5–8)
Dynamics means how loud or soft music is. It gives music color and expresses feeling. Week 6 introduces four levels: mas mahina (softer), mahina (soft), malakas (loud), and mas malakas (louder). On an instrument, a bigger swing or more force makes a louder sound. The more musicians play together, the more levels of loud and soft they can make.
In Weeks 7–8, learners learn when to sing loud or soft. Happy, lively, or surprising lyrics should be sung loud or getting louder. Sad, gentle, or solemn lyrics should be sung soft or getting softer. Learners mark song lines with < (getting louder) or > (getting softer). They then practice with “Paru-parong Bukid,” “Leron, Leron Sinta,” and “Bayan Ko.”
How to use this module
Each lesson follows the same parts, marked I, D, E, and A:
- I introduces the topic with questions and pictures.
- D explains the key ideas.
- E has the activities to try.
- A ends with a fill-in-the-blanks summary using a word bank.
Learners write their answers on a separate answer sheet (sagutang papel), not in the module.
- Learners: Do the activities in order (Gawain sa Pagkatuto Bilang 1, 2, 3, and so on). Many of them ask you to sing, clap, or make sounds, not just write.
- Parents: Almost every activity says “sa gabay ng iyong mga magulang” (with your parents’ guidance). Read the instructions aloud, and listen as your child sings or makes the sounds.
- Teachers: Check work against the answer key (Susi sa Pagwawasto) near the end. Some tasks use rubrics, such as the one for singing “Pilipinas Kong Mahal” with proper dynamics.
At the end, the PIVOT Assessment Card lets learners rate each activity. A star means “I did it well,” a check means “I did it with slight difficulty,” and a question mark means “I need more help.” For Weeks 7–8, which share one lesson, learners put the same mark under both weeks.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Music module for?
It is for Grade 2 MAPEH (Music), Quarter 3. It is the Second Edition, 2021, of the PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region 4A CALABARZON.
What lessons are included?
There are seven lessons over eight weeks: body sounds, musical instruments, speaking versus singing, proper singing, loudness and softness of music, levels of dynamics, and getting louder and softer while singing (Weeks 7–8).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto (answer key) near the end gives answers for the written activities in each week.
What does dynamics mean in this module?
Dynamics is how loud or soft a song or piece of music is. The module teaches four levels: softer, soft, loud, and louder.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino, and its activities are meant to be done with a parent’s guidance at home.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL GRADE 2 – MAPEH (Music) QUARTER 3
[illustration: children playing and studying, with a television showing the numbers 1 to 10]
DepEd CALABARZON, Curriculum and Learning Management Division
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
MAPEH (Music) Ikalawang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Waltan Taikun O. Taccad Content Creator & Writer
Eugene Ray F. Santos & Arthur M. Julian Internal Reviewer & Editor
Lhovie A. Cauilan & Jael Faith T. Ledesma Layout Artist & Illustrator
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Aleajandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Roy Rene S. Cagalingan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
Aralin I: Mga Tunog-Tao
WEEK 1
Aralin
Nasubukan mo na bang gumawa ng iba’t ibang tunog gamit lámang ang katawan? Ano-ano ang mga bahagi ng katawan na may kakayahang lumikha ng tunog? Káya mo bang tularan ang mga tunog ng kalikasan o iba pang bagay gamit ang iyong kamay, paa, o bibig?
Sa araling ito, makatutulad ka ng iba’t ibang tunog ng kalikasan o mga bagay na gawa ng tao gamit lamang ang iyong tinig at katawan. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kaya mo bang tularan ang mga tunog ng mga bagay na ito? Paano mo ito gagawin?
Pagtalbog ng bola
[illustration: basketball bouncing, with motion lines]
Pagpatak ng Ulan
[illustration: rain falling from a gray cloud]
D
Maraming matutularang tunog gamit ang iba’t ibang abilidad ng iyong bibig. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng samo’t saring tunog sa pamamagitan ng pagbabago ng hitsura at posisyon ng dila, labi, ngipin, at ngalangala. Tandaan na ang uri ng tinig ay nakaayon din sa hugis at anyo ng bibig.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Piliin ang tamang pagtulad ng tunog ng sumusunod na bagay o hayop. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
- pagaspas ng pakpak ng agila
A. pagpalakpak ng kamay B. pagtapik-tapik sa binti C. pagpitik ng mga daliri
[illustration: eagle flapping its wings]
- pagkulog
A. paglundag sa sementong sahig B. pagsampal sa dibdib C. pagpadyak-padyak sa kahoy na sahig
[illustration: thunderstorm with lightning bolts]
- lagaslas ng tubig
A. pagkiskisan ng mga palad B. pagpapatulo ng pawis C. pagkatok ng ulo
[illustration: faucet running water]
- pag-ihip ng hangin
A. paghinga B. pagsipol C. paglanghap
[illustration: clouds and swirling wind]
- huni ng ibon
A. “tik-ti-laok!” B. “Twit! Twit” C. “Kokak! Kokak!”
[illustration: small bird chirping]
Ano-ano pa ang ibang paraan sa paglikha ng tunog-tao? Ngayon ay maaari mo nang pagsamahin ang iyong kakayahan sa pagtulad ng ibang tunog gamit ang iyong tinig at iba pang bahagi ng katawan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, gawin ang mga sumusunod na tunog-tao. Lagyan ng tsek (✓) kung nagawa at ekis (✘) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| Gawain | Nagawa | Hindi nagawa |
|---|---|---|
| 1. pagpalakpak nang malakas | ||
| 2. pagtapik nang dalawang daliri sa palad | ||
| 3. pagpalakpak nang nakakurbang mga palad | ||
| 4. pag-ihip sa loob nang magkadikit na nakakurbang palad | ||
| 5. pagtapik ng binti |
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa gabay ng iyong mga magulang, basahin ang maikling kuwento. Kapag nakita ang simbolo ng nota ay lumikha ng tunog-tao, upang matularan ang bagay na nabanggit sa kuwento. Lagyan ng tsek (✓) kung nagawa at ekis (✘) kung hindi nagawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Nagising si Elsa dahil sa tilaok ng manok ♪. Bumangon siya at naghilamos ng mukha ♪. Kumain siya ng sitsaron ♪ habang naglalambing ang kanilang pusa ♪. Kumahol ang kanilang aso ♪ nang may marinig itong motorsiklo sa labas ♪. May kumatok sa pinto ♪ at ito ay dahan-dahang bumukas ♪ Pumasok ang kaniyang kapatid na si Anna. Biglang umulan nang malakas ♪ na may kasama pang kulog ♪. Nagulat si Elsa at siya ay napasigaw ! ♪. Masaya silang nagtawanan ng kaniyang kapatid.
| Gawain | Naisagawa | Di-naisagawa |
|---|---|---|
| tilaok ng manok | ||
| naghilamos ng mukha | ||
| kumain ng sitsaron | ||
| naglambing ng pusa | ||
| kumahol ang aso | ||
| motorsiklo sa labas | ||
| kumatok sa pinto | ||
| dahan-dahang bumukas | ||
| umulan nang malakas | ||
| kumulog | ||
| Si Elsa at siya ay napasigaw |
A
Ang _________ ay nakadaragdag ng aliw sa bawat pangyayari, kuwento, o pagtatanghal. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng tinig o tunog na gawa ng ating _________. Nagkakaiba-iba ang tunog batay sa lakas o hina, haba o ikli, taas o baba, at _________ nito. Ginagamit rin ang mga ito upang tukuyin ang isang tono at ilarawan ang musika.
tunog timbre katawan
Week 2
Mga Instrumentong Musikal
Aralin I
Nakakita ka na ba ng isang instrumentong pangmusika? Ano-ano ang iba’t ibang instrumentong pangmusika na nalalaman mo?
Sa araling ito, matutukoy mo ang mga karaniwang instrumentong pangmusika ayon sa tunog at hitsura nito.
Mahalagang matutunan mo ang iba’t ibang instrumentong musikal at paraan ng pagtugtog nito na makapagpapahayag ng damdamin at saloobin ng isang tao.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Paano kaya tinutugtog ang mga instrumentong ito? Narinig mo na ba ang mga tunog ng mga ito? Sa iyong palagay, ito ba ay kaaya-ayang pakinggan?
| percussive lyre | piano |
|---|---|
| [illustration: percussive lyre with two mallets] | [illustration: grand piano] |
| cello | saxophone |
|---|---|
| [illustration: cello with bow] | [illustration: saxophone] |
D
Ang musika ay maaaring likhain sa pagpapatunog ng mga bagay. Upang makalikha ng kaaya-ayang tunog tulad ng mga ritmo at himig, nakaimbento ang tao ng mga bagay na ang layunin ay tumugtog ng musika. Ang mga ito ay tinatawag na instrumentong pangmusika.
Upang makalikha ng tunog, ang isang bahagi ng instrumento ay kailangang gumalaw o tumaginting. May mga instrumentong hinahampas, inaalog, hinihipan ng hangin, o pinapagalaw ang kuwerdas. Ang timbre o kalidad ng tunog ay nakaayon sa bagay o materyal na bumubuo ng instrumento.
Narito ang ilang halimbawa ng paraan ng pagtugtog ng iba’t ibang karaniwang instrumentong pangmusika at kung papaano ang mga ito lumilkha ng tunog.
- Sa paghampas sa tambol ay lilikha ito ng dumagundong na tunog.
- Sa pag-strum ng gitara ay tumataginting ang kuwerdas nito.
- Sa pagtipa ng teklado ng piano ay mayroong maliliit na martilyong pumupukpok sa mga bakal na kuwerdas nito.
- Sa pag-ihip ng plawta ay dumadaloy ang hangin sa iba’t ibang bahagi nito.
| harp | telescope | cymbals |
|---|---|---|
| [illustration: harp] 1. | [illustration: telescope] 2. | [illustration: cymbals] 3. |
| crayons | xylophone | bicycle |
|---|---|---|
| [illustration: crayons box] 4. | [illustration: xylophone with mallets] 5. | [illustration: bicycle] 6. |
| trumpet | TV | violin |
|---|---|---|
| [illustration: trumpet] 7. | [illustration: television] 8. | [illustration: violin with bow] 9. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa gabay ng iyong mga magulang, iguhit ang simbolo ng nota (♪) kung ang bagay sa larawan ay isang instrumentong pangmusika, at ang ekis (✕) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa gabay ng iyong mga magulang, gumuhit ng bilog (O) kung ang instrumento ay hinihipan, gitling — kung ito ay may nakaunat na kuwerdas na kinakalabit o kinikiskis, at titik ( Z ) kung ito ay hinahampas, tinatapik, o inaalog. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| [illustration: whistle] ____1. pito – gawa sa plastik o metal, maliit, diretso at mataas ang tono | [illustration: guitar] ____ 2. gitara – gawa sa kahoy, may mahabang tunog at katamtamang lakas | [illustration: drum with sticks] ____ 3. tambol – may patag na gomang nakaunat, pinatutunog ng patpat o kamay |
|---|---|---|
| [illustration: flute] ____ 4. plawta – gawa sa kahoy o kawayan, mahangin at may nakagiginhawang tono | [illustration: cello with bow] ____ 5. baho – gawa sa kahoy, may mababa at mahabang tunog na katamtaman ang lakas | [illustration: grand piano] ____6. piano – may tikladong pinipindot, maraming tonong nag-iiba ang lakas at haba |
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ano ang iyong paboritong instrumentong pangmusika? Sa gabay ng iyong mga magulang, iguhit ito sa papel gamit ang lapis. Husayan ang iyong pagguhit. Maaari mo rin itong kulayan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
- Bakit ito ang napili mong instrumento?
- Paano tugtugin ang instrumentong ito?
- Ilarawan ang tunog o tono nito batay sa lakas, taas, o haba ng tunog.
| [illustration: trumpet] _____7. trumpeta – gawa sa metal o tanso, mataas at malakas ang tono | [illustration: violin with bow] _____8. biyolin – kinikiskis ng “bow” na may buhok ng kabayo, mataas at matining ang tono | [illustration: tambourine] _____9. tamburin – may mga mala-tansang nag-uumpugan kapag inaalog, mabilis at maikli ang tunog |
|---|
A
Ang mga instrumentong musikal ay naimbento ng tao upang makatugtog ng iba’t ibang uri ng kaakit-akit na tunog.
May mga instrumentong [illustration: flute] _____________,
may mga instrumentong [illustration: guitar] _____________,
at may mga instrumentong [illustration: drum with sticks] _____________.
pinapalo hinihipan kinukulbit
Karamihan sa mga instrumentong musikal ay maaaring tugtuging mag-isa, ngunit maaari din silang tugtugin nang sabay-sabay. Maraming mabubuting naidudulot ang pag-aaral at pagtugtog ng instrumento, tulad ng ginhawa, talino, disiplina, kumpiyansa sa sarili, pagyabong ng talento, at magandang samahan sa mga kapuwa manunugtog at madlang nakikinig.
Week 3
Pagkakaiba ng Pagsasalita at Pag-aawit
Aralin I
Ano ang pagkakapareho ng pagsasalita at pag-awit? Ano naman ang pagkakaiba nila? Sa araling ito, malalaman mo ang pagkakaiba ng pagsasalita at pag-aawit. Ikompara ang mga larawan sa ibaba. Alin dito ang nagsasalita? Alin naman ang umaawit?
“Mahalagang malaman mo ang kaibahan ng pagsalita sa pag-awit upang magamit mo ito ng wasto sa iba’t ibang sitwasyon. Kinakailangang matutuhan mo ang magsalita upang mabigkas mo ang mga linya ng isang awitin.”
| Taong may kausap sa telepono | Taong kumakanta, may hawak ng mikropono |
|---|---|
| [illustration: girl talking on a telephone] | [illustration: boy singing into a microphone with music notes] |
Aralin 1 (Pahina 17)
D
Ang pagsasalita at pag-aawit ay parehong gumagamit ng tinig. Ang mga sinasambit o kinakanta natin ay binubuo ng mga salita, na siyang nagbibigay ng kahulugan dito. Sa tulong ng bibig at iba’t ibang panloob na bahagi ng katawan ay nakapagsasalita o nakaaawit ang isang tao.
Mapapansin mo na ang payak na pagbigkas ng mga salita ay walang malinaw na tono. Samantala, ang pag-awit ng mga salita ay may malinaw na may pagtaas o pagbaba ng tono.
Mapapansin mo rin na habang ikaw ay nagsasalita ay halos iisang tono lamang ang iyong ginagamit. Ang pagsasalita ay binubuo ng tunog at baybay. Samantalang kung ikaw ay umaawit, ito ay may tono o himig na tumataas at bumababa. Kinakailangan munang matutuhan ng batang tulad mo ang magsalita upang mabigkas niya ang mga linya ng isang awitin.
[illustration: three children; one singing while holding a book with a music staff, one standing and singing into a microphone, one sitting under a tree playing a guitar]
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
Nabigkas mo ba nang wasto ang mga salita? Nakanta mo ba ito ng may kaaya-ayang baybay at tono? Ano ang mas nagustuhan mo, ang pagtula o ang pag-awit ng liriko? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, isulat ang letrang PS kung ang pahayag ay ukol sa pagsasalita, at ang letrang PA kung ito ay ukol sa pag-aawit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Walang malinaw na pagtaas o pagbaba tono
- Mayroon malinaw na himig o takbo ng mga nota
- Mabilis ang pagbigkas o pagbaybay ng mga salita
- May mahahabang pagbigkas o tunog ng mga baybay
- Likas itong natututuhan at ginagawa ng tao
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa gabay ng iyong mga magulang, basahin ang iba’t ibang titik ng awit-pambata, bigkasin, at subukan naman itong awitin. Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung ito ay nagawa at malungkot na mukha [illustration: frowning face] kung hindi.
| Awit-Pambata | Nabigkas | Naawit |
|---|---|---|
| 1. “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo” | ||
| 2. “Leron, leron sinta, buko ng papaya | ||
| 3. “Sitsiritsit alibangbang, Salaginto salagubang” | ||
| 4. “Bayang magiliw, Perlas ng silanganan” |
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Basahin ang tula. Bigkasin ang mga salita ng may puso at damdamin. Pagkatapos, subukan itong kantahin gamit ang himig ng awiting Twinkle, Twinkle, Little Star.
[illustration: a child sitting on the ground looking up at a shooting star in the night sky]
Tala, talang maningning Kumikislap sa dilim Mataas at marikit Tila dyamante sa langit Tala, talang maningning Tinatawag ring bituin.
Nabigkas mo ba nang wasto ang mga salita? Nakanta mo ba ito ng may kaaya-ayang baybay at tono? Ano ang mas nagustuhan mo, ang pagtula o ang pag-awit ng liriko? Bakit?
A
Tulad ng pagsasalita, ang isang awitin ay binubuo rin ng iba’t ibang ________ at ginagamitan ng tinig o boses – may kaukulang lakas, diin, at haba ang bawat tunog ng babay. Ang pagsasalita at pag-aawit ay mabisang paraan ng paglahad ng ____________.
Tandaan na ang bawat salita ay maaaring magdulot ng saya o __________ sa ibang tao, tulad sa isang awitin. Kaya, ingatan ang mga salitang sasambitin at maging ang tono at lakas nito. _________ muna ang sasabihin bago ito bigkasin, at pumili lamang ng mga angkop na salita o awitin para sa isang tao o pangyayari.
salita lungkot damdamin isipin
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
WEEK 4
Wastong Pag-awit
Aralin I
Sino-sino ang mga paborito mong mang-aawit? Ano-ano ang mga paborito mong kanta? Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-awit?
Sa araling ito, matututuhan mo ang wastong paraan ng pag-awit. Kaya makatatanghal ka rin ng awitin sa tamang paraan gamit ang wastong kalidad ng tinig at tono.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sino sa mga batang ito ang maaaring makapagtanghal nang isang maayos na awitin?
| Naka-upo habang kumakanta | Nakadapa habang kumakanta |
|---|---|
| [illustration: boy standing and singing into a microphone] | [illustration: boy lying face down singing into a microphone] |
| Nakatayo habang kumakanta | Nakayuko habang kumakanta |
| [illustration: girl sitting on a stool singing into a microphone] | [illustration: girl bending forward singing into a microphone] |
“Mahalagang matutuhan mo ang wastong pag-awit ng mga angkop na tinig at tono upang maging kaaya-aya sa pagtatanghal ng awitin.”
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
D
Narito ang iba’t ibang paraan ng wastong pag-awit.
- Tumayo ng tuwid at komportable. Ang tinig ay mas malinaw na lalabas mula sa iyong lalamunan kung ikaw ay nakatayo, sapagkat maluwag na nakaunat ang iba’t ibang panloob na bahagi ng katawan.
- Huminga nang sapat. Ang paglikha ng himig ay nangangailangan ng mas maraming hangin mula sa baga upang mapahaba ang hininga at mapanatiling konektado ang mga tono.
- Ikondisyon ang boses. Sa pamamagitan ng vocalization o pag-ehersisyo ng voice box, mapananatiling nasa wastong kalagayan ang boses. Huwag biglain ang pag-awit. Simulan muna sa mahina at mababang tinig, at unti-unti itong ilakas at itaas.
- Laging makinig ng iba’t ibang awitin. Makatutulong ito upang masanay ang pandinig sa wastong tono at tiyempo ng isang himig, at matutuhan ang iba’t ibang pamamaraan o estilo ng pag-awit. Ang iyong pandinig ang gabay upang tamaan ang wastong nota ng isang awitin.
- Subukan ang iba’t ibang uri ng tinig. Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kalidad ng boses, tulad ng buo, mahangin, matinis, o malalim. Subukan ang mga ito upang mapagtanto ang timbreng naaayon sa iyong likas na tinig.
- Piliin ang awit na bagay sa iyong tinig. Alamin ang hangganan ng taas at baba ng iyong tinig, upang makapili ng awiting mapananagutan ng iyong kakayahan. Subukang kumanta ng iba’t ibang awitin at pakinggan ang sarili.
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
PIVOT 4A CALABARZON Music G2 22
- Biglain ang pag-awit ng malalakas at matataas na nota.
- Laging makinig ng iba’t ibang awitin upang masanay ang pandinig sa wastong tono.
- Umawit lamang sa iisang timbreng nais mo. Huwag sumubok ng ibang uri ng tinig.
- Ensayuhin ang awitin. Bago magtanghal, seguraduhing may sapat na pagsasanay sa pag-awit ng napiling kanta. Planuhin ang paghinga, mga pagbabago sa lakas at hina ng tinig, at higit sa lahat ay ang pag-akyat-baba ng tono nito.
- Alagaan ang iyong pangangatawan. Ang pagkanta ay nangangailangan din ng malusog na pangangatawan upang makalikha ng kaaya-ayang tinig, at makatanghal nang walang sagabal na sakit. Iwasan ang inuming malalamig at pagkaing matatamis at malalapot bago at pagkatapos umawit.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa gabay ng iyong mga magulang, isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa wastong paraan ng pag-awit, at MALI kung ito ay maling paraan ng pag-awit. Gawin ito sa sagutang papel.
- Umupo nang matuwid at matigas ang katawan.
- Huminga ng sapat upang mapanatiling konektado ang mga tono ng awitin.
- Biglain ang pag-awit ng malalakas at matataas na nota.
- Laging makinig ng iba’t ibang awitin upang masanay ang pandinig sa wastong tono.
- Umawit lamang sa iisang timbreng nais mo. Huwag sumubok ng ibang uri ng tinig.
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
- Bakit kailangang tumayo nang matuwid habang umaawit?
a. upang magising ang natutulog mong voice box
b. upang malinaw na lumabas ang iyong tinig - Ano ang naitutulong ng paghikab bago umawit?
a. Nakatutulong ito upang mag-imbak ng hangin sa baga.
b. Nakatutulong ito upang maging komportable. - Sa paanong paraan ikinokondisyon ang boses?
a. sa biglaang pag-abot ng matataas na tono
b. sa vocalization o pag-eehersisyo ng voice box
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa gabay ng iyong mga magulang, gawin ang mga sumusunod na hakbang sa wastong vocalization at pag-eensayo ng pag-awit. Isulat sa sagutang papel ang bilang ng mga nagawang hakbang.
- Tumayo nang komportable at mag-unat-unat ng katawan.
- Humikab at lumikha ng pinakamahabang tonong kaya mo.
- Kumanta ng tonong mahina at mababa, na unti-unting lumalakas at tumataas.
- Mag-isip ng awit na nababagay sa iyong tinig.
- Basahin at unawain ang liriko nito upang matukoy ang tamang damdamin o mensahe ng awitin.
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
A
Ang __________ ay isa sa pinakanakalilibang, kawili-wili, at kaakit-akit na gawain. Ito ay nakagagaan ng loob at nakatutulong upang maipahayag ang __________. Maraming tao ang napapasaya ng mahusay na pag-awit at may wastong _________ at ___________.
pag-awit damdamin tinig tono
PIVOT 4A CALABARZON Music G2
WEEK 5
Lakas o Hina ng Musika
Aralin
Sa araling ito, matutukoy mo ang lakas o hina ng isang awitin o musika sa pamamagitan ng pakikinig at pagsasagawa nito. Ito ay tinatawag na “dynamics.”
Sa mga nakaraang aralin ay natutuhan mo ang iba’t ibang halimbawa ng malalakas at mahihinang tunog. Ganun din ang mga instrumentong may malalakas o mahihinang tunog, at maging ang malakas o mahinang pag-awit.
Mahalagang matutuhan mo ang dynamics ng musika upang malaman mo kung kailan ito angkop gamitin upang hindi magdulot ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa ating katawan
Paghambingin ang mga larawan sa ibaba. Alin dito ang nagpapakitang dapat lakasan o hinaan ang narinig na musika?
[illustration: two cartoon children; the girl covers both ears with her hands, the boy cups one ear with his hand]
D
Ang dynamics ay nagbibigay buhay sa musika. Maipakikita natin ang dynamics sa pamamagitan ng paglakas o paghina ng tunog sa musika. Nagbibigay ito ng kulay at nagpapahayag ng damdamin sa isang awitin. May mga musikang kailangang malakas ang tunog, at mayroon ding kailangang mahina ang tunog, batay sa uri, gamit, o layunin nito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa gabay ng iyong mga magulang, gumuhit ng bilog (○) kung ang tunog ng musika sa larawan ay mahina, at tatsulok (△) kung malakas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: karaoke machine with a microphone and a speaker]
- [illustration: a woman holding a baby]
- [illustration: a band of musicians with guitar, drums, and a singer]
- [illustration: two birds singing, with musical notes]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, awitin ang Pilipinas Kong Mahal ng may angkop ng dynamics. Kopyahin ang Rubric at lagyan ng tsek (✓) ang angkop na kolum kung paano ito naisagawa. Gawin ito sa sagutang papel.
| Kaalaman | Mahusay | Higit na mahusay | Pinakamahusay |
|---|---|---|---|
| Nabigyan ng tamang kahulugan sa pag-awit . | |||
| Naawit ang bahaging mahina at bahaging makalas na dynamics ng awit. | |||
| Naipakita ang kawilihan sa pag-awit. | |||
| Naipakita ang pagkamalikhain sa pag-awit |
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa gabay ng iyong mga magulang, awitin ang kantang May Tatlong Bibe nang dalawang beses. Sa unang beses, awitin ito sa mabagal at mahinang paraan. Sa pangalawang beses, awitin ito sa mabilis at malakas na paraan. Kopyahin ang Rubric at lagyan ng tsek (✓) kung naisagawa o hindi.
May Tatlong Bibe May tatlong bibe akong nakita Mataba, mapayat, ang mga bibe Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak Kwak kwak kwak, kwak kwak kwak Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak
[illustration: three ducklings following a winding path, with the label “kwak kwak”]
| Batayan | Naisagawa | Hindi naisagawa |
|---|---|---|
| Naawit nang mabagal at mahinang paraan | ||
| Naawit nang mabilis at malakas na paraan |
A
Ang _____ ay mas kaaya-ayang pakinggan kung ito ay may bahaging _____ at may bahaging _____. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging malakas o laging mahina ang isang buong musika. Tandaan, ang _____ ng musika ay nakadaragdag ng kakaibang _____ para sa musikero at kiliti naman sa pandinig ng mga nakikinig.
timpla malakas paglakas-hina mahina musika
WEEK 6
Mga Antas ng Paglakas o Paghina ng Tunog
Aralin
I
Naaalala mo ba ang aralin tungkol sa dynamics ng musika? Gaano kalakas o gaano kahina ang mga tunog ng iba’t ibang bagay o musika na iyong narinig? Ilang pagbabago ng lakas at hina ng tunog ang kaya mong gawin?
Sa araling ito, magagamit mo ang mga antas ng dynamics tulad ng malakas, mas malakas, mahina, at mas mahina.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Nasa aling panig ang mga sasakyang may malakas o mas malakas na tunog? Nasa aling panig naman ang may mahina o mas mahinang tunog?
| bisikleta) [illustration: bicycle] | bus [illustration: bus] |
|---|---|
| traysikel [illustration: tricycle] | trak [illustration: truck] |
Mahalagang matutuhan mo ang tamang paggamit ng iba’t ibang antas ng dynamics na musika sa pag-awit upang maging kaaya-aya ang pag-awit.
D
Sa pagtugtog ng instrumento, ang lakas o hina ay umaayon sa tindi ng buwelo at puwersa ng pagkilos ng musikero. Ang mas malaking buwelo ay makalilikha ng puwersa at tunog na mas malakas. Ang mas maliit na buwelo ay makalilikha ng puwersa at tunog na mas mahina.
Habang dumarami ang musikerong umaawit o tumutugtog nang sabay ay mas marami pang antas ng lakas o hina ang maaaring gawin. Kaya nilang lumikha ng tunog na ubod ng hina o saksakan ng lakas. Dahil dito, mas malawak ang mga damdaming naipahahayag ng musika, at mas nagiging kasiya-siya itong pakinggan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa gabay ng iyong mga magulang, pagsunod-sunurin ang mga bagay sa sa ibaba mula sa pinaka-mahina hanggang pinakamalakas gamit ang bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1 – Mas mahina ang tunog 2 – Mahina ang tunog 3 – Malakas ang tunog 4 – Mas malakas ang tunog
| A. | B. |
|---|---|
| ___ baka | ___ bato |
| ___ pusa | ___ kahoy |
| ___ daga | ___ plastik na balde |
| ___ langaw | ___ yero |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, isulat ang code na nasa ibaba ayon sa tunog na magagawa ng buwelo o puwersang ipinapakita sa bawat larawan.
mm – mas mahina M – malakas m – mahina MM – mas malakas
[illustration: boy playing a drum, numbered 1] [illustration: boy playing a drum, numbered 2] [illustration: boy playing a drum, numbered 3] [illustration: boy playing a drum, numbered 4]
[illustration: girl playing a flute, numbered 5] [illustration: girl playing a flute, numbered 6] [illustration: girl playing a flute, numbered 7] [illustration: girl playing a flute, numbered 8]
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa gabay ng iyong mga magulang, tularan ang tunog ng mga bagay sa ibaba. Gawin ito mula sa pinakamahina hanggang sa pinakamalakas. Kopyahin ang batayan at lagyan ng tsek (✓) kung naisagawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Batayan | Mas Mahina | Mahina | Malakas | Mas Malakas |
|---|---|---|---|---|
| 1. aso | ||||
| 2. ibon | ||||
| 3. hangin | ||||
| 4. kulog |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa gabay ng iyong mga magulang, isagawa ang mga sumusunod na kilos ayon sa antas ng dynamics mula mas mahina, mahina, malakas, hanggang mas malakas. Isagawa ang batayan ng gawain. Lagyan ng tsek (✓) kung naisagawa ang apat na atas ng dynamics. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Batayan | Mas Mahina | Mahina | Malakas | Mas Malakas |
|---|---|---|---|---|
| pagtapik o paghampas sa mesa | ||||
| pag-alog ng tabong may maliliit na bato |
A
Ang musika ay may iba’t ibang antas ng dynamics, ang _____ at _____. Ang bawat tinig o instrumento ay maaaring magkaroon ng kani-kanilang lakas at _____.
Habang dumarami ang musikerong umaawit o _____ ng sabay ay mas marami pang antas ng _____ ang maaaring gawin. Kaya nilang lumikha ng tunog na ubod ng hina o saksakan ng lakas. Dahil dito, mas malawak ang mga _____ naipahahayag ng musika, at mas nagiging kasiya-siya itong pakinggan.
paglakas paghina hina tumutugtog dynamics damdaming
WEEKS 7-8
Paglakas at Paghina sa Pag-awit
Aralin
I
Kaya mo bang baguhin ang lakas o hina ng iyong tinig habang umaawit? Kailan dapat lakasan o hinaan ang pagkanta? Bakit mahalaga ang paglakas at paghina ng tinig sa pag-awit?
Sa araling ito, magagamit mo ang iyong natutuhan sa wastong paggamit ng iba’t ibang antas ng dynamics ng tunog, at timbre ng boses. Magagamit mo ito sa pagtatanghal ng isang awitin.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga ito ang may tunog na papalakas? Alin naman ang may tunog na papahina?
| (Pagpihit ng volume ng radio nang pa-clockwise) | (Pagpihit ng volume ng radio nang pa-counter clockwise) |
|---|---|
| [illustration: hand turning a radio volume knob clockwise] | [illustration: hand turning a radio volume knob counter-clockwise] |
| (Pagpindot ng plus sign + ng remote control) | (Pagpindot ng minus sign – sa screen ng cellphone) |
| [illustration: hand pressing the plus sign on a remote control] | [illustration: hand pressing the minus sign on a cellphone screen] |
Nalaman mo sa mga nakaraang aralin ang kahalagahan ng pagbabago sa lakas at hina ng tinig sa pagkanta. Ito ay upang maipahatid ang angkop na damdamin mula sa mang-aawit patungo sa mga nakikinig. Ngunit kailan ba dapat lumakas o humina ang tinig sa pag-awit?
Mababatid mo na ang paglakas o paghina ng pagkanta ay nakaayon sa damdamin o mensahe ng liriko o pahayag ng isang awitin. Kung ito ay masaya, masigla, o nakagugulat, nararapat lamang na ito ay awitin ng malakas o papalakas. Kung ito naman ay malungkot, matamlay, o taimtim, nararapat lamang na ang pag-awit nito ay mahina o papahina.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa gabay ng iyong mga magulang, kantahin ang mga sumusunod na linya ng kanta. Lagyan ng simbolong < kung ito ay dapat awitin nang papalakas, at ng simbolong > kung ito ay dapat awitin ng papahina. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.
_____ 1. “Pagdating sa dulo, nabali ang sanga!” _____ 2. “Di ko na nakita, pumutok na pala” _____ 3. “Maligayang, maligayang, maligayang bati!” _____ 4. “Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino, ang Pilipino ay ako!” _____ 5. “May payneta pa siya, uy! May suklay pa man din!
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa gabay ng iyong mga magulang, suriin ang mga sumusunod na paraan ng paglikha ng himig ng boses. Isulat ang letrang L kung ito ay patungo sa paglakas ng tinig, at letrang H kung ito ay patungo sa paghina ng tinig.
_____ 1. pagkanta nang mabilis na awit _____ 2. pagkanta nang mabagal na awit _____ 3. pag-abot sa matataas na tono _____ 4. pag-abot sa mababang tono
Mas magandang pakinggan ang isang awit kapag ito ay gumagamit ng iba’t ibang antas ng lakas o hina. Nagiging mas madamdamin ang musika dahil dito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa gabay ng iyong mga magulang, suriin ang buong liriko ng awit. Isulat ng mga salitang “mas mahina,” “mahina,” “malakas,” at “mas malakas” ang bawat bahaging may salungguhit ayon sa wastong paglakas o paghina ng awitin. Gawin ito sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the lyric verses are printed in a four-part grid, with the part numbers (1)–(4) shown beside each verse. The underlined lines are not marked here; the underlining is not reproduced in Markdown.]
| (1) Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag | (3) Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal-dilag Ang ‘di magnasang makaalpas |
|---|---|
| (2) At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa | (4) Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya! |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa gabay ng iyong mga magulang, awitin ang kantang Paru-parong Bukid nang may wastong pagbabago sa lakas at hina ng tinig. Lakasan ang pag-awit ng mga salitang MALALAKI ANG LETRA AT NAKASALUNGGUHIT. Kopyahin ang batayan sa ibaba at gumuhit ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung naisagawa at malungkot na mukha [illustration: frowning face] kung hindi.
Paru-parong Bukid
Paruparong bukid NA LILIPAD-LIPAD Sa gitna ng daan PAPAGA-PAGASPAS Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola ISANG PIYESA ANG SAYAD May payneta pa siya, UY! May suklay pa man din, UY! Nagwas de-ohetes ang palalabasin Aakyat sa altar AT MANANALAMIN AT SAKA LALAKAD NG PAKENDENG-KENDENG
[transcriber’s note: in the original, the capitalized words are underlined in the lyric box; the underlining is not reproduced.]
| Liriko | Naisagawa | Hindi naisagawa |
|---|---|---|
| NA LILIPAD-LIPAD | ||
| PAPAGA-PAGASPAS | ||
| ISANG PIYESA ANG SAYAD | ||
| UY! | ||
| AT MANANALAMIN | ||
| AT SAKA LALAKAD NG PAKENDENG-KENDENG |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Ang awitin sa ibaba ay may apat na bahagi. Kantahin ang bawat bahagi sa iba’t ibang antas ng dynamics. Magsimula sa pinakamahina hanggang pinakamalakas na tinig.
| Dynamics | Awitin | Naisagawa | Hindi naisagawa |
|---|---|---|---|
| Mas mahina | Leron, leron sinta Buko ng papaya | ||
| Mahina | Dala-dala’y buslo Sisidlan ng bunga | ||
| Malakas | Pagdating sa dulo’y Nabali ang sanga | ||
| Mas malakas | Kapos kapalaran Humanap ng iba |
Tulad ng pananalita, ang musika ay ginagamit sa paghahatid ng mensahe o saloobin, kung kaya’t mas __________ ang paglalahad ng damdamin kung may angkop na lakas ng tunog o diin ang mga ________. Tandaan, ang isang mahusay na mang-aawit ay may likas at madalas na pagbabago sa lakas at hina ng kanyang ________.
mabisa salita tinig
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed rotated 180 degrees on this page. Symbols and letters that are unclear after rotation are marked [?].]
Week 1
Gawain sa Pagkatuto 1
- B
- C
- A
- B
- A
Week 2
Gawain sa Pagkatuto 1
- [illustration: musical note symbol]
- X
- [illustration: musical note symbol]
- X
- [illustration: musical note symbol]
- X
- [illustration: musical note symbol]
- X
- [illustration: musical note symbol]
Gawain sa Pagkatuto 2
- O
- –
- Z [?]
- O
- –
- Z [?]
- O
- –
- Z [?]
Week 3
Gawain sa Pagkatuto 2
- PS [?]
- PA [?]
- PS [?]
- PA [?]
- PS [?]
Week 4
Gawain sa Pagkatuto 1 (middle panel)
- Mgili [?]
- Tgmg [?]
- Mgili [?]
- Tgmg [?]
- Mgili [?]
Gawain sa Pagkatuto (right panel; label unclear [?])
- B
- A
- B
Week 5
Gawain sa Pagkatuto 1
- ▼
- ○
- ○
- ▲
Week 6
Gawain sa Pagkatuto 1
| Left | Right |
|---|---|
| 4 | 1 |
| 3 | 2 |
| 2 | 3 |
| 1 | 4 |
Gawain sa Pagkatuto 2
- mm
- m
- m
- MM
- MM
- M
- m
- mm
[transcriber’s note: the Week 6 Gawain 2 letters are read after rotation and may be inexact.]
Week 7–8
Gawain sa Pagkatuto 1
- <
- <
- <
Gawain sa Pagkatuto 2
- L
- H
- L
- H
Gawain sa Pagkatuto 3
- Mas mahina
- Mahina
- Malakas
- Mas malakas
PIVOT Assessment Card for Learners
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Salud, G. P. & Dela Cruz, E. (2017). Prototype Lesson Plan Grade 6. Lipa City: Department of Education-SDO Lipa City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 locals 420/421 Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply