PIVOT 4A Grade 1 MAPEH Music Quarter 3: Sounds, Loud and Soft

Grade 1 MAPEH Music Quarter 3 PIVOT 4A module: sources of sound, pure and unpure sounds, loud and soft sounds, animal sounds, and using the voice.

This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1 MAPEH (Music), Quarter 3, published by DepEd Region 4A CALABARZON (Second Edition, 2021). It is written in Filipino for Grade 1 learners, who work through it with a parent’s guidance. Over eight weeks, learners find out where sounds come from, tell pure sounds from unpure ones, and use loud and soft sounds and voices to express feelings in songs, poems, and stories.

On this page 6 sections

Lessons in this module

WeeksLessonWhat it covers
1-2Mga Pinagmumulan ng Tunog (sources of sound)Sounds from the body, from nature, and from man-made objects
3-4Iba’t ibang Uri ng Tunog (different kinds of sound)Pure and unpure sounds, and simple objects that can be played as instruments
5Paglakas at Paghina ng Tunog (loud and soft sounds)Noticing and making sounds that get louder or softer
6-7Mga Tunog ng Hayop (animal sounds)How an animal’s size and movement relate to how loud its sounds are
8Paglakas at Paghina ng Tinig (loud and soft voice)Using a loud or soft voice to improve a poem, play, song, or musical story

What learners will learn

The module states these goals at the start of its lessons. Learners will be able to:

  • identify the sources of sound and make their own sounds with their body, their surroundings, or man-made objects;
  • identify simple objects that can be used to play music, and make sounds in different ways and with different materials;
  • recognize changes in how loud or soft a sound is, and make sounds that get louder or softer;
  • relate the loudness or softness of a sound to the size and movement of animals, and estimate how loud a thing or creature sounds from its size;
  • use a loud or soft voice and other sounds to improve a poem, play, song, or musical story.

Key ideas in the module

Where sounds come from

Sound makes up everything we hear. We use it to talk and to share our feelings, and without sound there would be no music. The module groups sounds by where they come from:

  • The body: snapping fingers, clapping, tapping the thigh, stamping, singing.
  • Nature: wind, water, trees moving in the wind, and animals such as birds, dogs, roosters, and cows.
  • Man-made objects: telephones, televisions, speakers, trucks, trains, hammers, and bells.

Learners also sort sounds into pleasant and unpleasant ones, such as waves on the shore versus a breaking plate.

Pure and unpure sounds

  • Purong tunog (pure sound) is fine, clean, smooth, and has a definite pitch. It can be high or low and is usually long. Examples are whistling and plucking a rubber band.
  • Tunog na hindi puro (unpure sound) is rough and has no definite pitch. It is hard to say whether it is high or low, and it is usually short. Examples are pounding on a table and a moving vehicle.

Some objects cannot make pure sounds, but they still sound pleasant when played in a steady rhythm, such as a can tapped with a stick. Pagtugtog (playing) means using an object to make a pleasant sound that forms the rhythm or melody of music. Learners match everyday objects to ways of playing them: tapping a metal fork on glasses, blowing into an empty bottle, stretching and plucking a rubber band, and shaking pebbles in a box.

Loud and soft

People can change how loud their voices, movements, and music are, and they should fit the place. Learners decide where a loud voice is fine, such as a playground or park, and where it is not, such as inside a church or beside someone sleeping. They sing or listen to “Lupang Hinirang” and mark which parts are soft and which are loud. The module explains that music with changing loudness is more moving to perform and to hear.

Animal sounds

Animals can make their calls louder or softer depending on what they think, feel, want, and do. Large animals and objects usually make loud sounds, and small ones usually make soft sounds. An animal’s movements also make sounds, some loud and some soft. Learners match calls to animals (a puppy, a lizard, a sparrow, a cobra), copy animal sounds and movements, and act out a short story about Kabayo (Horse), who looks for a playmate.

Using the voice to show feeling

The voice box in the throat lets us make long or short sounds, loud or soft voices, and high or low pitches. Changing the voice makes poems, plays, songs, and musical stories more moving. Learners practice with the poem “Ang Aking Alaga” (my pet), the “Mang Kiko” chant, short sentences that show different feelings, and the song “Ako ay May Lobo” (I have a balloon). Each activity comes with a simple yes-or-no rubric for correct loudness and softness, and some also check pitch.

How to use this module

  • Learners: Do the activities (Gawain sa Pagkatuto) in order and write your answers on a separate answer sheet (sagutang papel). Each lesson ends with a short fill-in-the-blank summary using a word bank.
  • Parents: Almost every activity is done “sa gabay ng iyong mga magulang” (with your parents’ guidance). Read the instructions aloud, help your child make the sounds, and check off the rubrics for the speaking and singing tasks.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the activities for Weeks 3-4, Week 5, and Weeks 6-7. The PIVOT Assessment Card lets learners rate each activity per week with a star (did it well), a check (did it with some difficulty), or a question mark (could not do it or needs more help). For a lesson that spans two weeks, learners give both weeks the same mark.

For questions or feedback, the module lists DepEd Region 4A CALABARZON, Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal, landline 02-8682-5773, locals 420/421.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1 MAPEH (Music), Quarter 3, from DepEd Region 4A CALABARZON, Second Edition, 2021.

What lessons does it include?

It has five lessons over eight weeks: sources of sound (Weeks 1-2), kinds of sound (Weeks 3-4), loud and soft sounds (Week 5), animal sounds (Weeks 6-7), and loud and soft voice (Week 8).

What is the difference between purong tunog and tunog na hindi puro?

A pure sound (purong tunog) is clean and smooth, has a definite pitch, and is usually long, like whistling. An unpure sound is rough, has no definite pitch, and is usually short, like pounding on a table.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the activities in Weeks 3-4, Week 5, and Weeks 6-7. The activities for Weeks 1-2 and Week 8 are performance tasks, and the Week 8 tasks come with simple rubrics instead.

Is the module in English or Filipino?

The module is written in Filipino. Its activities are meant to be done at home with a parent’s guidance.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL

GRADE 1 – MAPEH (Music)

QUARTER 3

DepEd CALABARZON, Curriculum and Learning Management Division

PAG-AARI NG PAMAMAHALAAN, Hindi Ipinagbibili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021

MAPEH (Music)

Unang Baitang

Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Waltan Taikun O. Taccad Content Creator & Writer

Eugene Ray F. Santos Internal Reviewer & Editor

Ephraim L. Gibas & Michelle Anne V. Medillo Layout Artist & Illustrator

Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas IT & Logistics

Roy Rene S. Cagalingan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

Aralin I

Mga Pinagmumulan ng Tunog

WEEKS 1-2

Paano nagkakaroon ng tunog? Saan nanggagaling ang iyong mga naririnig? Ano-ano ang mga bagay na nagbibigay ng tunog?

Sa araling ito, malalaman mo ang mga pinagmumulan ng tunog. Makagagawa ka rin ng sarili mong tunog gamit ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan, kapaligiran, o mga bagay na gawa ng tao.

[illustration: six line drawings in two rows: a barking dog, clouds, a television set, a lit candle, a jeepney, and an eye]

Mahalagang matutuhan ang tunog dahil ito ang bumubuo sa ating mga naririnig. Ginagamit natin ang tunog upang makipag-usap at magpahayag ng ating damdamin sa salita man o sa kilos. Kung walang tunog ay wala ring musika.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Sa gabay ng iyong mga magulang, gawin ang mga sumusunod na kilos upang makagawa ng sarili mong tunog. Kopyahin ang talaan sa sagutang papel at lagyan ng tsek ✓.

Mga KilosNaisagawaHindi naisagawa
1. Pumalakpak nang tatlong beses.
2. Tapikin ang iyong hita.
3. Bigkasin ang iyong pangalan.
4. Umawit ng A, B, C.
5. Pumadyak nang dalawang beses.
6. Tumalon nang mataas.

Maaari kang gumawa ng maraming uri ng tunog gamit ang iba’t ibang parte ng iyong katawan, tulad ng kamay, paa, at bibig. Masdan ang mga larawang ito:

  1. [illustration: hand with fingers snapping]
  2. [illustration: boy running and tapping his thigh]
  3. [illustration: girl clapping her hands]
  4. [illustration: boy with music notes singing]

Ang kapaligiran ay nagbibigay ng mga likas na tunog. Marami tayong maaaring madinig na hindi gawa ng tao, tulad ng hangin, tubig, at mga hayop.

(water)

[transcriber’s note: “(water)” is printed by itself in the source, placed among the picture labels; its exact position on the page is unclear]

[illustration: tree with leaves blown by wind] [illustration: water splashing] [illustration: cat sitting]

Hindi man natin nakikita ang hangin, naririnig natin ang malakas na ihip nito. Ang mga puno ay hindi nakapagsasalita, ngunit nakalilikha ang mga ito ng tunog sa paggalaw ng mga sanga at dahon. Ang pagpatak at pag-agos ng tubig ay nakagiginhawa namang pakinggan.

Nakaranas ka na ba ng isang bagyo? Ano-ano ang mga tunog na iyong naririnig sa tuwing sasapit ang isang malakas na bagyo?

[illustration: four drawings: strong wind blowing a cloud, rain falling from a cloud, a tree bent by the wind, and a storm cloud with lightning and rain]

Maraming nilalang na buhay ang gumagawa ng iba’t ibang uri ng tunog tulad ng mga hayop, insekto, at halaman. Ano-ano ang mga halimbawa ng tunog ng mga ito?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Sa gabay ng iyong mga magulang, lumikha ng tunog ng mga sumusunod na hayop gamit ang iyong tinig. Isulat sa sagutang papel kung NAISAGAWA o HINDI NAISAGAWA.

huni ng ibonkahol ng aso
[illustration: bird singing with music notes][illustration: barking dog]
tilaok ng manoktunog ng baka
[illustration: rooster crowing][illustration: cow mooing]

Maraming bagay na gawa ng tao ang nakalilikha rin ng tunog, tulad ng telepono, telebisyon, o ispiker. Ang mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang dahil sa kanilang paglikha ng tunog.

9 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Sa gabay ng iyong mga magulang, lumikha ng tunog ng sumusunod na bagay gamit ang iyong tinig. Sa sagutang papel, gumuhit ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung naisagawa at malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi

  1. ugong ng umaandar na trak
  2. busina ng tren
  3. pagpukpok ng martilyo
  4. pagkalembang ng kampana

[illustration: dump truck] [illustration: train on curved track] [illustration: hammer held in a hand] [illustration: hand bell]

10 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Sa gabay ng iyong magulang, gumuhit ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung ang nasa larawan ay may kaaya-ayang tunog at malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: waves on a shore with a shell and a starfish] [illustration: broken plate] [illustration: car with “Beep!” sounds] [illustration: two birds singing with musical notes]

alon ng dalampasigan nabasag na pinggan busina ng mga sasakyan huni ng mga ibon

11 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Sa gabay ng iyong mga magulang, lumikha ng tunog gamit ang mga kagamitang nakatala sa ibaba. Sa sagutang papel, iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face] kung naisagawa at malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi.

Mga Kagamitan[illustration: smiling face][illustration: sad face]
1. kutsara at tinidor
2. pares ng tsinelas
3. kumot at unan
4. walis at pandakot
5. papel at kuwaderno

A

Ang tunog ay isa sa mga biyaya ng Diyos sa mga tao. Binigyan niya tayo ng dalawang [illustration: ear] upang makadinig ng iba’t ibang ____________, tulad ng mga salita at magagandang [illustration: musical notes].

Kaya ingatan mo ang iyong mga pandinig at pati na rin ang iyong buong ____________. Sikaping gumawa lamang ng mga tunog na kaaya-ayang ____________.

pakinggan tunog katawan

Mga Kagamitan

  1. kutsara at tinidor
  2. pares ng tsinelas
  3. kumot at unan
  4. walis at pandakot
  5. papel at kuwaderno

[transcriber’s note: the word bank “pakinggan / tunog / katawan” is printed in a box below the passage; the blanks are as printed]

12 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

WEEKS 3-4

Iba’t ibang Uri ng Tunog

Aralin

I

Ano-ano ang mga tunog na kaaya-ayang pakinggan? Paano nakalilikha ng magagandang tunog? Anong uri ng mga tunog ang bumubuo sa musika?

Sa araling ito, matutukoy mo ang mga payak na bagay na maaaring gamitin sa pagtugtog ng musika. Makalilikha ka ng mga tunog sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan at materyal.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa dalawa ang maaaring lumikha ng pino o purong tono? Alin naman kaya ang maaaring magdulot ng basag o sabog na tunog?

[illustration: person playing a guitar with musical notes] [illustration: drum]

13 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

D

Ang purong tunog ay ang tunog na pino, malinis, makinis, diretso, at may kaukulang tono. Ito ay maaaring lumikha ng mataas o mababang tono, at kadalasan ay mahaba ang tunog. Halimbawa:

[illustration: boy whistling with musical notes] pagsipol [illustration: hands snapping or stretching a rubber band] pagpitik o paghila ng goma

Ang tunog na hindi puro ay may tunog na hindi pino, magaspang at walang kaukulang tono. Mahirap tukuyin kung ito ay mataas o mababa, at kadalasan ay maikli lamang ang tunog nito. Halimbawa:

[illustration: fist striking a table] pagyabog sa mesa [illustration: moving train] umaandar na sasakyan

14 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

May mga bagay na sadyang hindi nakalilikha ng purong tunog, ngunit kapag ito ay ginawan ng ritmo ay magiging kaaya-aya pa ring pakinggan. Halimbawa, ang pagtugtog ng ritmong maayos gamit ang lata at istik.

Ang pagtugtog ay ang paggamit ng isang bagay upang makalikha ng kaaya-ayang tunog. Ito ay ginagawa upang bumuo ng ritmo o himig ng musika.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Sa gabay ng iyong mga magulang, lagyan ng tsek [illustration: check mark] kung ang mga nalikhang tunog ay may purong tunog, at ekis [illustration: cross mark] kung ito ay hindi purong tunog. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. Pag-awit ng “Paa, tuhod, balikat, ulo…”
  2. Paghampas ng silya
  3. Pagputok ng bulkan
  4. Pagtapik ng tinidor sa baso
  5. Pagpindot sa tiklado ng piano

15 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Sa gabay ng iyong mga magulang, pagtugmain ang mga bagay sa kaliwa, at ang mga paraan ng pagtugtog sa kanan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga BagayMga Paraan ng Pagtugtog
1. bakal na tinidor [illustration: fork]A. Ilagay sa loob ng box at alugin
2. boteng walang laman [illustration: bottle]B. Unatin at pitikin
3. goma o garter [illustration: rubber bands]C. Hipan sa loob ng butas
4. maliliit na bato [illustration: pebbles]D. Ipalo nang mahina sa mga baso

16 PIVOT 4A CALABARZON Music G1

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Sa gabay ng iyong mga magulang, kilalanin ang mga bagay na nasa larawan. Sa iyong sagutang papel, lagyan ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung ang mga ito ay may kaaya-ayang tunog at malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi.

Mga bote na may iba’t ibang dami ng tubig sa loob [illustration: three bottles]Mga lata na iba’t iba ang laki [illustration: three cans of different sizes]
Goma o garter [illustration: rubber bands]Kutsara at tinidor [illustration: fork and spoon]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Sa gabay ng iyong mga magulang, piliin ang titik ng mga larawan na nakagagawa ng malakas na tunog. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. A. [illustration: ambulance] B. [illustration: bicycle]
  2. A. [illustration: dog] B. [illustration: cow]
  3. A. [illustration: flute] B. [illustration: drum]
  4. A. [illustration: broken globe] B. [illustration: hammer striking a surface]

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 17

A

Sa araling ito ay matututuhan ko ang iba’t ibang uri ng tunog. May tunog na [illustration: whistle] ___________. Ito ay pino, malinis, at makinis.

May tunog [illustration: person sawing wood] na _________. Ito ay magaspang, hindi pino, at walang kaukulang tono.

At may tunog na [illustration: hand striking a gong or cymbal] _______

Purong tunog di–puro malakas

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 18

Paglakas at Paghina ng Tunog

Aralin

WEEK 5

Nasubukan mo na ba ang bumulong? Nasubukan mo na ba’ng sumigaw? Ano ang pagkakaiba ng bulong at sigaw?

Tama! Sa araling ito, matutukoy mo ang pagbabago sa lakas o hina ng tunog. Makalilikha ka rin ng mga tunog na lumalakas o humihina.

[chart: four-panel picture chart; Paglakas at Paghina ng Tunog (no number printed)]

Pagsulat ng lapisPagdaan ng tren
[illustration: pencil writing][illustration: train with smoke]
Pagputok ng bulkanPagpatak ng kandila
[illustration: erupting volcano][illustration: dripping candle]

Mahalagang matutuhan ang paglakas o paghina ng tunog. Nakatutulong ito upang magpahiwatig ng angkop na saloobin sa pagsasalita, pag-awit, o pagtugtog ng musika.

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 19

D

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Sa gabay ng iyong mga magulang, basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letrang “O” kung ang iyong tinig ay maaaring lakasan. Isulat naman ang gitling “H” kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Nasa loob ka ng simbahan [illustration: church interior with pews]2. Naglalaro ka sa palaruan [illustration: child on swing set and slide]
3. Namamasyal ka sa parke [illustration: child walking in a park]4. Natutulog ang isang tao sa iyong tabi [illustration: two people sleeping in a bed]

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 20

May mga tunog na maaaring baguhin o kontrolin ng tao, tulad ng boses, tunog ng pagkilos, o musika.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging malakas o laging mahina ang tunog.

Kailan natin dapat baguhin ang lakas o hina ng ating tinig o mga tunog na ating nililikha?

[illustration: woman speaking, with speech bubble] [illustration: person playing guitar] [illustration: boy singing into a microphone] [illustration: television set]

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 21

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Sa gabay ng iyong mga magulang, awitin o pakinggan ang “Lupang Hinirang” gamit ang mga titik na nakapaloob sa bawat kahon sa ibaba. Gumuhit ng isang bituin ( ) kung ang tunog ng bahagi ng awit ay mahina at gumuhit ng araw ( ) kung ito ay malakas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.Bayang magiliw, perlas ng silanganan
Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil
2.Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning
Ang bituwin at araw niya, kailan pa ma’y di magdidilim
3.Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa’yo

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 22

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Sa gabay ng iyong mga magulang, suriin ang mga larawan sa ibaba.

Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng parisukat, [illustration: empty square] at kulayan ng pula kung ito ay may malakas na tunog at dilaw kung ito ay mahina.

1. [illustration: frog] 2. [illustration: jeepney-style vehicle with driver]
3. [illustration: river landscape] 4. [illustration: hand striking a gong or cymbal]

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 23

A

May mga tunog na kailangang lakasan, at mayroon ding kailangang hinaan. Sa musika, may mga bahaging mahina at mayroon ding malakas. Mas kaaya-ayang dinggin ang musikang may pabago-bagong lakas o hina dahil ito ay mas madamdaming itanghal at pakinggan.

[illustration: child praying with hands together] [illustration: three children singing from books]

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 24

PIVOT 4A CALABARZON Music G1 — Aralin: Mga Tunog ng Hayop

Aralin

Mga Tunog ng Hayop

WEEKS 6-7

Ano-ano ang mga paborito mong hayop? Bakit kaya sila gumagawa ng malalakas o mahihinang tunog? Paano sila nakalilikha ng mga kakaibang uri ng tunog?

Sa araling ito, maiuugnay mo ang lakas at hina ng tunog sa laki at kilos ng mga hayop. Matatantiya mo rin kung gaano kalakas o kahina ang tunog ng isang bagay o nilalang ayon sa laki o liit nito.

DagaBaka
[illustration: mouse][illustration: cow]
KabayoLangaw
[illustration: horse][illustration: housefly]

D

Ang iba’t ibang uri ng mga hayop ay nakalilikha ng malalakas o mahihinang tunog. Kaya nilang baguhin ang lakas o hina ng kanilang huni, ayon sa kanilang naiisip, nadarama, ninanais, at kinikilos.

[illustration: duck saying “kwak” in three speech bubbles]

[illustration: whale with music notes]

[illustration: sleeping bear with “zzz”]

[illustration: dog carrying a book]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa gabay ng iyong mga magulang, pagtugmain ang bawat huni sa kaliwa at bawat hayop sa kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. “Aw-aw-aw!” — A. butiki
  2. “Tsk tsk tsk tsk” — B. tuta
  3. “Ssss… Ssss…” — C. maya
  4. “Twit, twit” — D. kobra

Ang malalaking hayop o bagay ang kadalasang nakalilikha ng malalakas na tunog. Ang maliliit na hayop o bagay naman ang kadalasang nakalilikha ng mahihinang tunog.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa gabay ng iyong mga magulang, gumuhit ng bilog ( O ) kung ang hayop ay lumilikha ng malakas na tunog, at gitling ( – ) kung mahinang tunog. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. sisiw – ______
  2. kambing – ______
  3. kalabaw – ______
  4. Kuting – ______

Ang kilos o galaw ng hayop ay nakalilikha rin ng iba’t ibang tunog. Mayroong malakas at mayroon ding mahina.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng tsek [check mark] kung ang hayop ay may malaking pagkilos o galaw. Gumuhit naman ng ekis [X] kung ang hayop ay may maliit na pagkilos o galaw. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. Tumatakbong kabayo
  2. Gumagapang na gagamba
  3. Naglalakad na langgam
  4. Lumilipad na agila
  5. Lumalangoy na balyena

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa gabay ng iyong mga magulang, tularan ang mga huni at galaw ng mga hayop sa bawat kalagayan sa ibaba. Gumuhit ng tsek (/) sa sagutang papel kung ang hayop ay may malaking kilos o galaw at ekis (X) kung maliit na pagkilos o galaw.

  1. Ahas na gumagapang
  2. Manok na tumitilaok sa umaga
  3. Asong nakakita ng taong hindi kilala
  4. Kuting na naglalambing sa kaniyang amo
  5. Bubuyog na umaali-aligid sa isang bulaklak.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang maikling kwento sa ibaba. Kapag nakita ang simbolong ito ☺ ay sabayan mo ng akmang kilos at tunog ng hayop ang nilalaman ng salaysay. Ang mga tunog ng hayop sa loob ng kahon ang magsisilbing gabay sa iyo.

Awwooooo…Takatak-takatak…Meow, meow
Me-eh-eh, me-eh-ehBlop-blop-blopHoo-ah-ah, hoo-ah-ah

Isang araw, naghanap ng kalaro si Kabayo. Niyaya niya si Pusa, ngunit ito ay inaantok ☺. Niyaya niya si Kambing, ngunit ito ay kumakain ☺. Pumunta siya kay Aso, ngunit ito ay natakot ☺. Pumunta siya kay Isda, ngunit hindi ito makaahon sa tubig ☺. Nakita siya ni Unggoy at pumayag itong makipaglaro ☺. Sumakay si Unggoy sa likod ni Kabayo at masaya itong tumakbo nang mabilis ☺.

A

Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

Mahalagang matutuhan ang mga tunog at pagkilos ng mga _____ upang maunawaan ng ibang nilalang ang kanilang naiisip at _____. Sa paraang ito, magiging maayos at mapayapa ang pamumuhay ng mga hayop kasama ng mga _____ at iba pang nilalang sa daigdig.

tao hayop nadarama

Aralin

Paglakas at Paghina ng Tinig

WEEK 8

Sa nakaraang aralin ay nakilala mo ang mga uri ng tunog na likha ng tao, hayop, kalikasan, at bagay. Ito ay maaaring malakas, mahina, puro, at hindi puro.

Sa araling ito, magagamit mo ang paglakas at paghina ng tinig at iba pang tunog upang mapahusay ang isang tula, dula, awit, o kuwentong musikal.

Mahalaga ang araling ito upang maipakita mo ang iyong damdamin at saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng tunog.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin rito ang nagpapakita ng isang taong tumutula o gumaganap sa isang dula? Alin naman ang nagpapakita ng taong umaawit sa isang kuwentong musikal?

[illustration: woman with a skull reciting or acting]

[illustration: person singing into a microphone with music notes]

D

Ang tao ay may puso at pakiramdam. Likas na lumalabas ang pagbabago ng tunog sa ating mga tinig, sa pagsalita man o pag-awit

[illustration: boy speaking in a speech bubble]

Biniyayaan tayo ng Diyos ng maliit na kahon ng boses o voice box sa loob ng ating mga lalamunan. Ito ay nakalilikha ng iba’t ibang uri ng tunog, tinig, o tono.

[illustration: girl speaking in a speech bubble]

Dahil dito, kaya nating gumawa ng mahaba o maikling tunog, malakas o mahinang tinig, at mataas o mababang tono.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa gabay ng iyong mga magulang, bigkasin ang tulang Ang Aking Alaga sa paraang mahina at pagkatapos ay sa paraang malakas:

Ako ay may alaga, Asong mataba, Buntot niya’y mahaba, Makinis ang mukha, Mahal niya ako, Mahal ko rin siya, Kaya kaming dalawa Ay laging magkasama.

[illustration: puppy]

Narito ang rubrik bilang gabay sa gawain.

  1. Nabigkas ang tula na may tamang lakas.
    Oo ____ Hindi ____
  2. Nabigkas ang tula na may tamang hina.
    Oo ____ Hindi ____
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa gabay ng iyong magulang, bigkasin sa paraang chant ang “Mang Kiko Chant .”

“Mang Ki, Mang Ki Mang Kiko Pupunta, pupunta sa Quiapo, Bibili, bibili ng pako, Gagawa, gagawa ng bangko”

Narito ang rubrik bilang gabay sa gawain.

  1. Nabigkas ang chant na may tamang lakas.
    Oo ____ Hindi ____


  2. Nabigkas ang chant na may tamang hina.
    Oo ____ Hindi ____


Ang pagbabago ng tinig ay nakatutulong sa mahusay na pagtatanghal ng mga tula, dula, awit, at kuwentong musikal. Napauunlad nito ang pagganap ng mga artista o pagkanta ng mga mang-aawit. Mas kagila-gilalas ang pag-arte o pagkanta na may wastong lakas at diin ang tinig. Nakadaragdag ito ng emosyon sa mga artista o mang-aawit, at pati na rin sa mga nanonood.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa gabay ng iyong mga magulang, basahin ang sumusunod na pangungusap ayon sa tamang lakas o hina ng tinig, at taas o baba ng tono.
  1. “Iiwan ko na ang aking alagang tuta.”
  2. “Yehey! May bago akong laruan!”
  3. “Magpahinga muna tayo dahil pagod na ako.”
  4. “Ha ha ha! Nakakatawa ang palabas na ito!”
  5. “Gusto ko nang matulog.”

Narito ang rubrik bilang gabay sa gawain.

  1. Nabigkas ang mga pahayag na may tamang lakas.
    Oo ____ Hindi ____


  2. Nabigkas ang mga pahayag na may tamang hina.
    Oo ____ Hindi ____


  3. Nabigkas ang mga pahayag na may tamang taas ng tono.
    Oo ____ Hindi ____


  4. Nabigkas ang mga pahayag na may tamang baba ng tono.
    Oo ____ Hindi ____


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa gabay ng iyong mga magulang, awitin ang kanta sa ibaba ayon sa tamang lakas o hina ng tinig, bilis ng pagbigkas, at taas o baba ng tono.

Ako ay may lobo Lumipad sa langit Di ko na nakita Pumutok na pala!

Sayang ang pera ko Binili ng lobo Sa pagkain sana Nabusog pa ako!

[illustration: cartoon boy holding a popped balloon on a stick, with a burst balloon]

Narito ang rubrik bilang gabay sa gawain.

  1. Nabigkas ang awit na may tamang lakas.
    Oo ____ Hindi ____


  2. Nabigkas ang awit na may tamang hina.
    Oo ____ Hindi ____


Ang iniisip o nararamdaman ng isang tao ay maaaring magdulot ng pagbabago sa tunog ng kaniyang _____________. Mararamdaman din ng ibang taong nakaririnig ang emosyon ng iba ayon sa lakas o taas ng __________ na gamit nito. Kaya, dapat ay laging mag-ingat sa tono, lakas, o bilis ng iyong pananalita, kahit saan ka man magpunta o sino man ang iyong ____________ .

Ang maingat na ____________ ng lakas, tono, at bilis ng pananalita ay nakatutulong upang malinaw na maisaad ang ______________.

Mga pagpipilian:

  • boses
  • kausap
  • pagsasalita
  • damdamin
  • paggamit

Susi sa Pagwawasto

Weeks 3-4
Gawain 1
  1. /
  2. X
  3. X
  4. /
  5. /
  6. X
Gawain 2
  1. D
  2. C
  3. B
  4. A
Gawain 3
  1. ☺
  2. ☹
  3. ☺
  4. ☹
Gawain 4
  1. A
  2. B
  3. B
  4. B
Week 5
Gawain 1

H O O H

Gawain 2
  1. ★
  2. ★
  3. ★
Gawain 3
  1. yellow square
  2. red square
  3. yellow square
  4. red square
Week 6-7
Gawain 1
  1. B
  2. A
  3. D
  4. C
Gawain 2
  1. –
  2. O
  3. –
  4. O
Gawain 3
  1. /
  2. X
  3. X
  4. /
  5. /

PIVOT Assessment Card for Learners

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

[illustration: two children reading a book]

☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1LPWeek 2LPWeek 3LPWeek 4LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8
Week 5LPWeek 6LPWeek 7LPWeek 8LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8

Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

[logo] [logo] [logo]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district