MTB-MLE Grade 1 Quarter 3: PIVOT 4A Learner’s Material

Grade 1 MTB-MLE Quarter 3 PIVOT 4A module: reading words, describing words, punctuation, word meanings, pictographs, retelling stories, and verbs.

This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1 Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), Quarter 3, Second Edition (2021), published by DepEd Region 4A CALABARZON. It is written in Filipino for Grade 1 learners studying at home with the help of a parent or family member. Over eight weeks, learners practice reading words, describing people and places, writing with correct capital letters and punctuation, understanding word meanings, getting information from stories and pictographs, retelling stories, and using action words.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • read words correctly and with feeling
  • describe their family, friends, and school
  • write words with correct punctuation, using small and capital letters correctly
  • identify and use the meaning of words
  • get information from a story they listened to, and from illustrations and pictographs
  • retell stories, fables, and other literary pieces
  • identify action words in sentences and the aspect (tense) of verbs, and use them in giving directions

Lessons in this module

WeekLessonWhat it covers
1Pagbabasa ng mga Salita (reading words)Blending letter sounds into words, and how words build phrases, sentences, paragraphs, and stories
2Paglalarawan ng Pamilya, mga Kaibigan, at Paaralan (describing family, friends, and school)Pang-uri, or describing words
3Wastong Pagsulat ng mga Salita, Parirala, at Pangungusap (correct writing of words, phrases, and sentences)Punctuation marks and when to use capital letters
4Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita (giving the meaning of words)Synonyms, antonyms, homonyms, and words with many meanings
5Pagkuha ng Impormasyong Napakinggan at Nabasa (getting information from what is heard and read)Listening to a story, reading illustrations and pictographs
6 to 7Pagkukuwento ng Nabasa o Napakinggan (retelling what was read or heard)Retelling the fable of Langgam and Tipaklong
8Paggamit ng Pandiwa at Pagsunod sa Panuto (using verbs and following directions)Action words and the three verb aspects

Key ideas in the module

Reading and describing

The module explains pagbabasa (reading) as giving meaning to written symbols such as letters. Reading starts with sounding out each letter: /b/ + /a/ = /ba/, /t/ + /a/ = /ta/, and /ba/ + /ta/ = bata (child). One word grows into a phrase (“Ang mga bata”), a sentence (“Ang mga bata ay masayang nag-uusap.”), a paragraph, and a whole story.

In Week 2, a pang-uri is a word that describes a noun or pronoun. It can tell number, trait, shape, size, color, or material, as in “Dalawang bola” (two balls), “Batang magalang” (a polite child), and “Bilog na mata” (round eyes).

Punctuation and capital letters

Week 3 teaches four marks:

  • Tuldok (period): for telling, commanding, or requesting sentences, such as “Ako ay mabait.”
  • Kuwit (comma): for separating items in a list, such as “prutas, isda, at gulay.”
  • Tandang padamdam (exclamation point): for strong feelings, such as “Aray! Napaso ako.”
  • Tandang pananong (question mark): for questions, such as “Saan ka pupunta?”

Capital letters are used for the first letter of a sentence, for proper names of people, things, places, and events (Jennifer, Tagaytay, Bulkang Taal), and for days, months, and occasions (Biyernes, Disyembre, Pasko).

Word meanings

Week 4 shows four ways to understand words:

  • Magkasingkahulugan (synonyms): maligaya and masaya
  • Magkasalungat (antonyms): mabilis and mabagal
  • Magkasintunog (homonyms): talon and balon
  • Maraming kahulugan (many meanings): bayan can mean a town center, a whole municipality, or a country

Information, retelling, and verbs

In Week 5, learners read a pictograph of glasses of water drunk by four children, where each symbol stands for two glasses. Chester’s four symbols mean he drank eight glasses (4 x 2 = 8). They also listen to the short story “Ang Paborito Kong Alaga” (my favorite pet) and answer questions about it.

In Weeks 6 to 7, a good retelling names the title, the characters and setting, and the important events. Learners retell “Si Langgam at si Tipaklong” (the ant and the grasshopper), a fable about a hardworking ant who saves food and a playful grasshopper who has nothing when a storm comes.

In Week 8, a pandiwa (verb) shows action. Its three aspects are:

Pangnagdaan (completed)Pangkasalukuyan (ongoing)Panghinaharap (future)
NagbasaNagbabasaMagbabasa
NaglakadNaglalakadMaglalakad

How to use this module

Each lesson follows the same order. It starts with a review of the previous lesson and the lesson goal, then an explanation with examples. Next come numbered activities (Gawain sa Pagkatuto), and it ends with a short summary with a fill-in-the-letters word.

  • Learners: Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel), not in the module. After each week, mark your own performance level (LP) on the PIVOT Assessment Card. Use a star if you did the task well, a check if you did it with some difficulty, and a question mark if you need more help.
  • Parents and family members: Several activities ask you to read a story aloud to your child or guide them. These include describing the family picture, listening to “Ang Paborito Kong Alaga,” and retelling the Langgam and Tipaklong story.
  • Teachers: The module ends with an answer key (Susi sa Pagwawasto) for every week and an assessment card for tracking learners’ progress. Questions or comments about the module can be sent to DepEd Region 4A CALABARZON, whose contact details are on the last page.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this MTB-MLE module for?

It is for Grade 1 learners in Quarter 3. It is the PIVOT 4A Learner’s Material, Second Edition (2021), from DepEd Region 4A CALABARZON.

What lessons are included?

There are seven lessons over eight weeks. They cover reading words, describing family, friends, and school, punctuation and capital letters, and word meanings. They also cover getting information from stories and pictographs, retelling stories, and verbs.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the activities for each week, from Week 1 to Week 8.

What are the three aspects of the verb taught in Week 8?

Pangnagdaan is for actions already done, such as nagbasa. Pangkasalukuyan is for actions happening now, such as nagbabasa. Panghinaharap is for actions still to be done, such as magbabasa.

Is the module in English or Filipino?

The module is written in Filipino. Some terms, like illustrations, pictographs, synonym, antonym, and homonym, also appear in English.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

PIVOT 4A Learner’s Material: Grade 1 MTB-MLE, Quarter 3

PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL

GRADE 1 – MTB-MLE

[illustration: children in a classroom scene with a girl and woman, a boy reading, a girl playing a xylophone, a boy writing at a desk, and a television showing number sequences]

QUARTER 3

DepEd CALABARZON, Curriculum and Learning Management Division

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

MTB-MLE

PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021

Unang Baitang

MTB-MLE Unang Baitang

[illustration: decorative page with the title MTB-MLE]

Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Maria Ellaine R. Cubio & Maricris Brutas Content Creators & Writers

Jaypee E. Lopo & Arnold O. Estareja Internal Reviewers & Editors

Ephraim L. Gibas & Hiyasmin D. Capelo Layout Artist & Illustrator

Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas IT & Logistics

Amelia Bucu External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

Pagbabasa ng mga Salita

Aralin

WEEK 1

I

Natutuhan mo sa nakaraang markahan ang tungkol sa mga panghalip panao at mga halimbawa nito. Pinag-aralan mo rin ang apat na pangunahing direksiyon upang marating ang iba’t ibang lugar sa iyong komunidad. Nagbasa ka rin ng mga kuwentong kinapulutan mo ng aral.

Ngayon naman ay sasanayin mo ang iyong sarili sa pagbabasa ng mga salita.

[transcriber’s note: the following is a box with four labeled parts; its layout is reproduced in reading order]

Pagbabasa

[illustration: two children reading open books]

Mga tunog

/b/ + /a/ = /ba/

/t/ + /a/ = /ta/

/ba/ + /ta/

Salita

Kahulugan

bata

tao na nása pagitan ng pagsílang at pagkatigulang

[illustration: girl pointing upward]

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nababasa mo nang wasto at may damdamin ang mga salita.

D

Marunong ka na bang magbasa? Paano ka nagbabasa? Ano ang kahulugan ng pagbabasa?

[illustration: boy pointing upward beside a speech bubble]

Ang pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat na simbolo gaya ng mga letra at pagsasama ng mga ito.

Nagsisimula ang pagbabasa sa pagbigkas ng tunog ng bawat letra o magkakasamang mga letra. Masasabing ikaw ay marunong nang magbasa kung naisasatinig mo ang mga pinagsama-samang letra at nauunawaan mo ang ibig sabihin nito.

Halimbawa: bata

Ang salitang bata ay pinagsama-samang tunog na /b/, /a/, /t/, at /a/. Pagsasamahin mo ang mga tunog na:

/b/ + /a/ = /ba/

/t/ + /a/ = /ta/

/ba/ + /ta/ = /bata/

[illustration: girl pointing, with the label “bata”]

Masasabing nakababasa ka na kung alam mo na ang salitang ito ay tumutukoy sa taong nasa larawan sa itaas.

Mahalagang matutuhan mo ang pagbabasa ng bawat salita. Ito ang bumubuo ng parirala (grupo ng mga salita), pangungusap, talata at maging ng isang buong kuwento. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba.

  • salita


    [illustration: girl pointing] bata


  • parirala


    [illustration: girl and boy pointing] Ang mga bata


  • pangungusap


    [illustration: four children pointing] Ang mga bata ay masayang nag-uusap.


  • talata


    Ang mga bata ay masayang nag-uusap. Pinag-uusapan nila ang kanilang masasayang karanasan. Nais na rin nilang magbalik sa paaralan at makita ang iba pang kamag-aaral.


  • kuwento (bahagi lamang)


    Ang Magkakaibigan


    [illustration: school building in a thought bubble above four children]


    Nagkita-kita ang magkakaibigang sina Kleyr, Chester, Niña at Mario. Masayang nag-usap ang mga bata tungkol sa kanilang masasayang karanasan. Nais na rin nilang bumalik sa paaralan at makita ang iba pang kamag-aaral.


Pagtutuunan mo ng pansin ang pagbabasa nang may bigkas, bilis, at damdamin. Pag-uugnayin mo rin ang mga larawan sa mga salita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Piliin ang letra ng tamang grupo ng mga salita na may malapit na kaugnayan sa larawan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. [illustration: a boy handing a flower to a woman]
    A. para sa aso
    B. para sa pusa
    C. para kay bunso
    D. para kay nanay


  2. [illustration: a man holding a baby]
    A. Karga siya ni ate.
    B. Karga siya ni lolo.
    C. Karga siya ni kuya.
    D. Karga siya ng pusa.


  3. [illustration: a woman holding a baby]
    A. Nilalaro ng nanay ang bata.
    B. Pinakakain ng bata ang sanggol.
    C. Kumakaing mag-isa ang sanggol.
    D. Pinadedede ng nars ang sanggol.


E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Piliin ang letra ng angkop na salita na bubuo sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. [illustration: a girl and a boy playing with a ball]
    _____ ang mga bata.
    A. Naglalaro
    B. Kumakain
    C. Nagbabasa
    D. Tumatakbo


  2. Si Nanay ay mamimili sa _______.
    [illustration: a woman buying fruit at a market stall]
    A. simbahan
    B. paaralan
    C. palengke
    D. opisina


  3. _____ si Bunso.
    [illustration: a crying baby]
    A. Kumakain
    B. Umiiyak
    C. Naglalakad
    D. Gumagapang


A

Natutuhan mo sa araling ito ang pagbabasa ng mga salita. Ang pag __ a b __ __ a ay pagbigkas ng mga tunog at pag-unawa sa kahulugan ng salita.

[illustration: two children reading open books]

Paglalarawan ng Pamilya, mga Kaibigan, at Paaralan

Aralin

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbabasa. Natutuhan mo na tumutukoy ito sa pagbigkas ng tunog at pag-unawa sa kahulugan ng salita.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa paglalarawan. Sa tulong ng mga halimbawa, ipakikilala sa iyo ang iba’t ibang salitang naglalarawan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nailalarawan mo ang iyong pamilya, mga kaibigan, at paaralan.

Mga salitaLarawanPaglalarawan
pamilya[illustration: family of five with parents and children]isang pamilya
masayang pamilya
pamilyang sama-sama
kaibigan[illustration: a boy and a girl in school uniform]dalawang magkaibigan
mabuting kaibigan
kaibigang maaasahan
paaralan[illustration: school building with two pupils in front]malinis na paaralan
paaralang malapit

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nailalarawan mo ang iyong pamilya, mga kaibigan, at paaralan.

D

Alam mo ba ang mga salitang naglalarawan? Saan ito ginagamit? Ano-ano ang mga halimbawa nito?

[illustration: teacher character pointing beside a speech bubble]

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan ng pangngalan o panghalip.

Naglalarawan ang mga salitang nagsasabi tungkol sa isang tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay maaaring bilang, katangian, hugis, sukat, kulay o ginamit na materyal. Basahin ang sumusunod na halimbawa:

  1. Dalawang bola. [illustration: two basketballs]
  2. Batang magalang. [illustration: adult touching the forehead of a child]
  3. Bilog na mata. [illustration: two pairs of eyes]

Ipinakita sa naunang mga halimbawa ang paggamit ng bilang ng bagay, katangian ng bata, at hugis ng mata. Ang gintong orasan, malaking bahay at itim na buhok ay mga halimbawa rin.

[transcriber’s note: the underlined words are underlined in the original]

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Lagyan ng tsek (✓) kung ang may salungguhit ay salitang naglalarawan. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi ito naglalarawan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Si Ben ay may limang aso. _____2. Puting relo ang suot ni Michelle. _____3. Si Alyssa ay matangkad. _____4. Maliit ang pinggan na kinakainan ni Arnel. _____5. Tahimik ang loob ng bahay nina Lito at Lita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Piliin ang letra ng salitang naglalarawan na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. malambotB. tatlongC. malinis
D. maliitE. pulaF. ginto
  1. Ang mansanas ay kulay ______.
  2. Ang tela ng kumot ay _____.
  3. Ang silid-aralan ay _____.
  4. Ang watawat ng Pilipinas ay may _____ bituin.
  5. Ang aso ay mas _____ kaysa kabayo.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Punan ng salitang naglalarawan ang pamilya na makikita sa larawan. Gawin ito sa tulong at gabay ng kasapi ng pamilya. Isulat sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: family cleaning a room: two boys and girls with brooms, a mother mopping, a father wiping a box, a wall clock, and two framed pictures]

  1. ___________ na mga bata.
  2. ___________ na orasan.
  3. ___________ na bahay.
  4. ___________ na nanay.
  5. ___________ na tatay.
A

Natutuhan mo sa araling ito ang pang-uri o salitang nag l __ l a r __ w __ n. Tinutukoy nito kung anong uri ang isang tao, bagay, lugar o pangyayari.

[illustration: child with glasses and a light bulb above their head, with the label MTB-MLE]

Wastong Pagsulat ng mga Salita, Parirala, at Pangungusap

Aralin

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Ginagamit ang mga ito sa tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa pagsusulat. Ipakikilala sa iyo ang iba’t ibang bantas. Ipaliliwanag din ang gamit ng maliliit at malalaking letra.

Mga bantasSimboloHalimbawa
tuldok.Ako ay mabait.
kuwit,Paborito kong pagkain ang prutas, isda, at gulay.
tandang padamdam!Aray! Napaso ako.
tandang pananong?Saan ka pupunta?
Malalaking letraM, A, T, B, S
Maliliit na letram, a, t, b, s

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nakasusulat ka ng mga salita na may tamang bantas at gamit ang maliliit at malalaking letra.

D

Alam mo ba kung ano-ano ang mga bantas? Alam mo ba kung kailan ginagamit ang mga ito? Pag-aralan ang ilan sa mga halimbawa sa ibaba:

  1. Tuldok ( . ) – ginagamit ito sa pangungusap na nagsasalaysay, nag-uutos, o nakikiusap. Inilalagay ang tuldok sa hulihan.
    • Ako ay mabait.
    • Pakiabot po ng aking lapis.
  2. Kuwit ( , ) – ginagamit sa paghahati ng pangungusap tulad ng pag-iisa-isa ng nasa listahan.
    • Paborito kong pagkain ang prutas, isda, at gulay.
    • Ang mga kapatid ko ay sina Elaine, Lovi, at Faye.
  3. Tandang padamdam ( ! ) – ginagamit sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.
    • Aray! Napaso ako.
    • Ang saya-saya ko!
  4. Tandang pananong ( ? ) – ginagamit sa pangungusap na nagtatanong o humihingi ng sagot.
    • Saan ka pupunta?
    • Kumain ka na ba?

Sa pagsusulat naman, madalas ginagamit ang maliliit na letra, maliban na lamang kung:

  1. unang letra ng bawat pangungusap
    Halimbawa: Ako ay maglalakad.
    Kasama ko ang aking kaibigan.
  2. mga pangngalang pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
    Halimbawa: Ang pangalan ng aking kaibigan ay Jennifer. Nakapasyal na rin siya sa Tagaytay at nakita na ang Bulkang Taal. Talagang mahilig kaming mamasyal sa magagandang tanawin gaya ng Palace in the Sky.
  3. mga ngalan ng araw, buwan at okasyon
    Halimbawa: Biyernes, Sabado at Linggo ang paborito kong mga araw. Pinakagusto kong buwan ang Disyembre dahil sa Pasko.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Lagyan ng tsek (✓) kung wasto ang pagkakagamit ng malaking letra. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Lunes _____2. Rizal _____3. araw ng kalayaan _____4. Bayabas _____5. marso

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Piliin ang salitang wasto ang pagkakasulat upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. (Ako, ako) ay mananatili sa loob ng bahay.
  2. Si (David, david) ay masayang kumakain.
  3. Kami ay nagpunta sa (luneta park, Luneta Park).
  4. Mamamasyal kami sa (Sabado, sabado).
  5. Ang paborito kong gulay ay (kalabasa, Kalabasa).
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Lagyan ng tsek (✓) kung wasto ang bantas na ginamit. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Magkakasunod ang buwan ng Mayo, Hunyo, at Hulyo. _____2. Tumutulong ako sa gawaing bahay. _____3. Yehey! May bago akong sapatos. _____4. Saan ka pupunta.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Piliin ang bantas na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ang simbolo sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: the four answer choices are printed in a row above the sentences: . , ! ?]

  1. Ano ang pangalan mo _____
  2. Binabasa ko ang aking modyul _____
  3. Mabait si Ernesto _____
  4. Kaibigan ko sina Mark _____ Nadine, at Jisela.
  5. Naku _____ Nadapa ang bata.

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Isulat muli sa patlang ang mga pangungusap. Iwasto ang nakasalungguhit na salita at binilugang bantas. May sagot na ang unang bilang upang maging gabay mo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the punctuation marks in items 1 to 5 are circled in the original; they are written here as plain marks. Underlined words are shown with <u> tags.]

  1. kaylakas ng hagupit ng bagyong Ulysses?
    Kaylakas ng hagupit ng bagyong Ulysses.
  2. si arjay ba ang maghuhugas ng pinggan.
    _____________________________________________________.
  3. Kami ay namasyal sa Laguna,
    _____________________________________________________.
  4. Aray. Nasugatan Ako.
    _____________________________________________________.
  5. Nagpunta kami sa Cavite noong bagong taon!
    _____________________________________________________.

Natutuhan mo sa araling ito ang wastong pagsusulat ng salita, parirala at pangungusap gamit ang mga b __ n __ __ s at ang malalaki at maliliit na mga letra.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

WEEK 4 / Aralin I

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa paggamit ng iba’t ibang bantas. Natutuhan mo rin ang pagsusulat ng malalaki at maliliit na letra ayon sa tuntunin ng paggamit ng mga ito.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa kahulugan ng mga salita. Ipakikilala sa iyo ang mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, at magkatulad ang tunog gamit ang mga halimbawa.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo at nagagamit ang kahulugan ng mga salita.

[chart: table with arrows linking word pairs; the arrows are not labeled and are shown as links between the words]

Mga salitaParaan ng pag-unawa sa Kahulugan
masaya ↔ maligayamagkasingkahulugan
mabilis ↔ mabagalmagkasalungat
talon ↔ balonmagkasintunog
bayan ↔ munisipyo,
sentro ng lugar,
bansa
maraming kahulugan

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo at nagagamit ang kahulugan ng mga salita.

Marami ka na bang alam na salita? Alam mo rin ba ang kahulugan ng mga ito? Paano mo inaalam ang kahulugan ng bawat salita?

[illustration: boy pointing upward beside a speech bubble]

Ang kahulugan ng salita ay tumutukoy sa anumang ibig ipahayag o isaad.

Malaking tulong sa iyo bilang mag-aaral ang magkaroon ng malawak na talasalitaan o bokabularyo. Kapag marami kang alam na mga salita, mas mauunawaan mo ang iyong binabasa, pinakikinggan o pinanonood.

Mauunawaan mo ang kahulugan ng salita sa tulong ng mga sumusunod:

  1. magkasingkahulugan (synonym) – mga salitang may magkatulad o magkaparehong kahulugan.

Halimbawa: tuwa – galak – saya maligaya – masaya paaralan – eskwela – eskwelahan – iskul matayog – mataas

  1. magkasintunog (homonym) – may parehong baybay o espeling at tunog sa pagbigkas, subalit magkaiba ang ibig sabihin.

Halimbawa: talon – balon talon – anyong tubig

[illustration: well (balon)]

[illustration: waterfall (talon)]

  1. magkasalungat (antonym) – kapag magkaiba ang ibig sabihin ng mga salita.

Halimbawa: mabilis – mabagal masaya – malungkot matayog – mababa

[illustration: two boys, one smiling and one frowning]

  1. isang salita na maraming kahulugan – may iba’t ibang kahulugan ang iisang salita.

Halimbawa: bayan

A. Pupunta ako sa bayan at manonood ng parada. (bayan — poblasyon o pinakasentro ng isang munisipyo o lungsod.)

B. Nabalot ang bayan ng Lemery sa abong galing sa Bulkang Taal. (bayan — kabuuan ng munisipyo na pinamamahalaan ng isang mayor.)

C. Minamahal ko ang Pililpinas, ang bayan kong sinilangan. (bayan — katumbas ng buong bansa o country.)

Isang paraan din ang pagbibigay ng mga katangian bilang pakahulugan sa isang salita.

SalitaMga Katangian
perang papel
[photo: Philippine 100-peso banknote]
ginagamit pambayad, maaaring panregalo, gawa sa papel, at may iba’t ibang kulay at halaga.

Matapos mong mabasa ang paliwanag at mga halimbawa, sasanayin ka naman sa pagtukoy ng kahulugan ng mga salita sa tulong ng mga gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Tukuyin kung ang mga salita ay magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasintunog o maraming kahulugan. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

A. magkasingkahuluganC. magkasalungat
B. magkasintunogD. maraming kahulugan

_____1. makipot — makitid _____2. mabango — mabaho _____3. paso — lalagyan ng halaman, nawalan na ng halaga, nadikitan ng apoy, at paglakad. _____4. mahal (iniibig) — mahal (mataas ang halaga)

E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Kaygandang pagmasdan ng mga luntiang halaman sa bakuran.
    Kasingkahulugan: A. berdeng B. tuyot na
  2. Madilim ang kalangitan na nagbabadya ng pag-ulan.
    Kasalungat: A. Maitim B. Maliwanag
  3. Nagtuturo sa mga bata, nagpapaliwanag ng aralin, nagtatrabaho sa paaralan.
    Tinutukoy na salita: A. guro B. magulang
  4. Mapera ang mag-anak nina Mrs. Dalida.
    Kasingkahulugan: A. mayaman B. mahirap
  5. Maamo ang aso ko at hindi nangangagat.
    Kasalungat: A. mabagsik B. mabait

A

Natutuhan mo sa araling ito ang pagbibigay kahulugan sa mga s __ l __ t __.

Mahalaga ito upang mapalawak ang iyong talasalitaan o kaalaman.

[illustration: two students, a boy and a girl, pointing upward]

Pagkuha ng Impormasyong Napakinggan at Nabasa

WEEK 5 / Aralin I

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbibigay kahulugan sa mga salita. Naunawaan mo na may mga salitang magkasingkahulugan, magkasulungat, at magkasintunog.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang pagkuha ng impormasyon mula sa kuwentong napakinggan. Babasahin mo rin at tutukuyin ang mga detalye mula sa informational texts tulad ng illustrations at pictographs.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nakakukuha ka ng mga impormasyon mula sa kuwentong napakinggan at nabasa mula sa illustrations at pictographs.

[illustration: teacher and pupil beside a box with a slot]

Pakikinig upang kumuha ng impormasyon

illustration

[illustration: walking figure in a circle, with no sign]

pictograph

[chart: pictograph; Bilang ng Baso ng Tubig na Nainom ng mga Bata]

PangalanBilang ng Nainom
Alma(cup symbols)
Chester(cup symbols)
Lloyd(cup symbols)
Annie(cup symbols)

= dalawang (2) baso ng tubig

Values are not labeled on the chart.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nakakukuha ka ng mga impormasyon mula sa kuwentong napakinggan at nabasa mula sa illustrations at pictographs.

D

Naranasan mo na bang makinig ng kuwento, tula, o awit? Natatandaan mo ba ang nilalaman ng mga ito?

Ang pagkuha ng impormasyon mula sa pakikinig ay isang mahalagang kasanayan. Bilang bata ay mainam na matutuhan mo ito.

[illustration: teacher and pupil beside a box with a slot]

Ilan sa mga impormasyong maaari mong makuha ay ang pamagat o paksa, mga pangalan, at iba pang mahahalagang detalye.

Kailangan mong maging tahimik at ituon ang atensiyon sa pakikinig. Kung marunong ka na, maaari mong isulat ang mahahalagang salitang napakinggan.

Maliban sa pakikinig, makakukuha ka rin ng kaalaman mula sa mga larawan o simbolo. Illustrations at pictographs ang tawag dito:

[illustration: walking figure inside a circle] Tamang tawiran [illustration: walking figure crossed out inside a circle] Bawal maglakad dito

[chart: pictograph; Bilang ng Baso ng Tubig na Nainom ng mga Bata]

PangalanBilang ng Nainom
Alma(cup symbols)
Chester(cup symbols)
Lloyd(cup symbols)
Annie(cup symbols)

= dalawang (2) baso ng tubig

Labels on the pictograph: pamagat (title), simbolo (symbol), katumbas na bilang (equivalent number).

Values are not labeled on the chart.

[chart: pictograph; Bilang ng Baso ng Tubig na Nainom ng mga Bata]

PangalanBilang ng Nainom
Alma[illustration: 3 glasses]
Chester[illustration: 4 glasses]
Lloyd[illustration: 5 glasses]
Annie[illustration: 2 glasses]

= dalawang (2) baso ng tubig

Mula sa pictograph, makukuha mo ang sumusunod na impormasyon:

  • tungkol ito sa bilang ng nainom na tubig
  • baso ang ginamit na simbolo
  • bawat simbolo ay katumbas ng dalawang baso
  • Si Lloyd ang pinakamaraming nainom
  • Si Annie ang pinaka kaunti ang nainom
  • walong baso ang nainom ni Chester (4 x 2 = 8)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang isinasaad ayon sa pictograph sa itaas. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Dalawang pangalan ng babae at dalawang lalaki ang makikita sa infographics.

_____2. Magiging katulad ng bilang ng nainom ni Lloyd kapag pinagsama ang kina Annie at Alma.

_____3. Apat na basong tubig ang nainom ni Chester.

E

Pakinggan ang kuwento na babasahin ng magulang, nangangalaga o ng kasapi sa bahay.

Ang Paborito Kong Alaga

Ako si Patring. May alaga akong kuting. Paborito kong alaga at mahal sa akin.

Isang gabing madilim, habang ako ay natutulog nang mahimbing, lumabas siya ng bahay namin. Bigla akong nagising. Hinanap ko si Muning. Natagpuan kong kumakain sa may hardin. Binuhat ko siya at niyakap ko na rin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Tukuyin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

  1. Sino ang may alagang pusa?

    • A. Patring
    • B. Muning
  2. Ano ang pangalan ng pusa?

    • A. Patring
    • B. Muning
  3. Saan natagpuan si Muning?

    • A. sa hardin
    • B. sa silid tulugan

A

Natutuhan mo sa araling ito ang pagkuha ng impormasyon mula sa kuwentong napak __ n __ g __ n, gayundin sa illustrations at pictograph.

[illustration: a teacher and a pupil beside a box with a chart]

Pagkukuwento ng Nabasa o Napakinggan

Aralin

WEEKS 6-7

I

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon mula sa pakikinig. Pinag-aralan mo rin ang tungkol sa illustrations at pictographs.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa pagkukuwento ng nabasa o napakinggan. Magsasanay ka sa pagsasalaysay ng nilalaman ng mga katha o akda. Ibabahagi mo ang mahahalagang detalye ng kuwento.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nasasabi mo o naisasalaysay na muli ang mga kuwento, pabula, at iba pang katha.

[illustration: two pupils, a boy with glasses and a girl with a headband, talking]

Speech bubble (boy): Alam mo ba, maaari ka raw makarating sa iba’t ibang lugar dahil sa pagbabasa.

Speech bubble (girl): Tama ka. Isang masayang karanasan ang pagbabasa. Nalilibang ka na, natututo ka pa.

D

Mahilig ka rin bang magbasa o makinig sa kuwento? Ikinikuwento mo rin ba sa iba ang iyong mga nabasa at narinig?

[illustration: a girl pointing upward]

Ang pagkukuwento ay isang sining ng paglalahad muli ng mahahalagang detalye mula sa isang akda.

Sa pagkukuwentong muli o pagsasalaysay ng isang akda, mahalagang mabanggit mo ang sumusunod:

  1. pamagat
  2. mga tauhan at tagpuan
  3. mahahalagang pangyayari

Habang ginagawa mo ang pagkukuwentong muli, tandaan mo na:

  • maging masigla sa pagkukuwento;
  • alamin ang daloy o tatakbuhin ng salaysay;
  • maging pamilyar sa kilos o gawi ng mga tauhan;
  • ipakita ang angkop na damdamin ayon sa kuwento;
  • buod lamang o ang mahahalagang bahagi ang isasalaysay.

Ipabasa mo ngayon sa iyong magulang o nangangalaga ang kuwento sa ibaba.

Si Langgam at si Tipaklong

Magkaibigan sina Langgam at Tipaklong. Magkaiba naman ang kanilang ugali.

Masipag si Langgam. Araw-araw, gumigising siya nang maaga. Matapos kumain, magsisimula na siyang gumawa. Iniipon niya ang pagkain na kaniyang nakukuha sa pagtatrabaho.

“Mabuti na itong may ipon. Sakaling magipit, hindi ako magugutom,” ang laging sinasabi ni Langgam.

Paglalaro naman sa bukid ang laging inaatupag ni Tipaklong. Naroroon siya para magtatalon o lumipad-lipad. Kung ano ang nakikita niyang pagkain, doon niya lang maiisipang kumain. Hindi katulad ni Langgam, wala ni katiting na ipon si Tipaklong.

[illustration: an ant and a grasshopper on the ground, the grasshopper lying on a mound]

“Eh, bakit ako mag-iipon? Kaysarap maglaro,” katwiran ni Tipaklong. “May makakain naman lagi dito

Naglalaro naman silang magkaibigan paminsan minsan. Pero, lagi’t lagi may mas mahabang panahong inilalaan si Langgam upang gumawa. .

Isang araw, may dumating na napakalakas na bagyo. Ilang araw na patuloy ang pag-ulan. Bumaha ang paligid. Lumubog ang bukirin.

Walang makain si Tipaklong. Nasira din ang kaniyang tahanan. Ginaw na ginaw siya. At gutom na gutom. Kaya naisipan niyang puntahan si Langgam.

Pansamantalang nakituloy si Tipaklong kay Langgam. Naawa siya sa kaibigan. Nanginginig ito sa gutom. Kina Langgam pansamantalang nakituloy si Tipaklong.

[illustration: an ant offering a hand to a grasshopper seated on a rock]

“Maraming-maraming salamat sa tulong mo, kaibigang Langgam. Kung hindi dahil sa iyo’y…” ani ni Tipaklong.

“Huwag mong alalahanin iyon,” panatag na sabi ni Langgam, “kaibigan yata kita.”

Nang humupa na ang bagyo, sinimulan na ni Tipaklong na magbago. Ayaw na niyang maranasang manginig sa gutom.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Lagyan ng tsek (✓) kung dapat mong ibahagi ang nilalaman sa iyong pagkukuwentong muli. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi mo na ito kailangang isama dahil hindi ito nangyari o hindi na mahalaga pa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Magkaibigan sina Langgam at Tipaklong.

_____2. Masipag at mahilig mag-ipon ng pagkain si Langgam.

_____3. Tamad at mahilig maglaro si Tipaklong.

_____4. Nang dumating ang tag-ulan ay walang makain si Tipaklong. Pinatuloy siya ni Langgam at binigyan ng pagkain.

_____5. Itinuturo ng kuwento na dapat maging masipag, mag-ipon at maging matulungin sa kapuwa na nangangailangan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Ibigay ang hinihinging impormasyon na magagamit mo sa muling pagsasalaysay ng kuwento nina Langgam at Tipaklong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Pamagat ng kuwento: _____________________________
  2. Mga tauhan o gumaganap: _____________________
  3. Tagpuan o lugar na pinangyarihan: _______________
  4. Nangyari kay Langgam: ___________________________
  5. Nangyari kay Tipaklong: __________________________

E

Handa ka na bang magkuwento? Gawin ito gamit ang mga impormasyong nasa Gawain 1 at 2.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Sa tulong at gabay ng magulang, tagapangalaga o ng kasapi sa bahay, isalaysay muli ang kuwento nina Langgam at Tipaklong. Gumuhit ng masayang ([illustration: smiling face]) mukha kung naisagawa ang nakasaad na batayan. Gumuhit naman ng malungkot ([illustration: frowning face]) na mukha kung hindi ito naisagawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

BatayanMaayosDi-maayos
1. Nabanggit ko nang tama ang mahahalagang impormasyon mula sa kuwento.
2. Tuloy-tuloy at malinaw ang aking pagsasalita.
3. Naging masigla ako sa pagkukuwento at naipakita ko ang angkop na damdamin.

A

Natutuhan mo sa araling ito ang pagsasalaysay o pag k u _____ u w _____ n _____ o.

Dapat na mailahad mo ang mahahalagang detalye o impormasyon.

[illustration: two boys reading a book together]

Aralin

Paggamit ng Pandiwa at Pagsunod sa Panuto

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagsasalaysay ng kuwentong nabasa o napakinggan. Mahusay mong nailahad ang nangyari sa magkaibigang Langgam at Tipaklong.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa mga salitang kilos. Tutukuyin mo ang mga ito sa pagsunod sa mga panuto. Gagamitin mo rin ang mga angkop na anyo ng pandiwa ayon sa aspekto nito.

[illustration: two students, a girl and a boy, talking]

Speech bubble (girl): Kaya kong magsalita, tumayo, lumakad at tumakbo. Ang mga ito ay salitang kilos.

Speech bubble (boy): Kaya mo rin bang sumunod sa mga panuto? Sige nga, subukin natin.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo ang aspekto ng pandiwa at nagagamit ito sa pagbibigay ng panuto. Inaasahan din na natutukoy mo ang mga salitang kilos sa pangungusap.

Ano-anong kilos ang kaya mong gawin? Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga ito?

[illustration: boy pointing, with a speech callout]

Ang pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw.

Sa tulong pandiwa, malalaman kung ginawa na, ginagawa o gagawin pa lamang ang isang aksiyon o kilos. Mauuri sa tatlo ang tinatawag na panahunan o aspekto ng pandiwa.

  1. Pangnagdaan – kung naisagawa na o natapos na ang kilos o aksiyon.


    Halimbawa:


    Nagbasa si Eugene ng tula.
    Naglakad si Jane nang mas mabilis.


  2. Pangkasalukuyan – kung ngayon ginagawa o nangyayari pa lamang ang isinasaad na kilos o aksiyon.


    Halimbawa:


    Nagbabasa si Eugene ng tula.
    Naglalakad si Jane nang mas mabilis.


  3. Panghinaharap – kung gagawin o mangyayari pa lamang ang kilos o aksiyon.


    Halimbawa:


    Magbabasa si Eugene ng tula.
    Maglalakad si Jane nang mas mabilis.


Mula sa mga halimbawa ay nakita mo na naiiba ang anyo ng pandiwa ayon sa kung kailan naganap o magaganap ang kilos. Tingnan ang talahanayan:

PangnagdaanPangkasalukuyanPanghinaharap
NagbasaNagbabasaMagbabasa
NaglakadNaglalakadMaglalakad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Tukuyin ang angkop na pandiwa sa pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Kanina (A. nagising B. nagigising C. gigising) ako dahil sa ingay ng aso.
  2. Kasalukuyan niyang (A. binuksan B. binubuksan C. bubuksan) ang pinto ng kanilang kuwarto.
  3. Kaarawan ko bukas kaya (A. nagluto B. nagluluto C. magluluto) si Lola ng masarap na pansit.
  4. (A. Basahin B. Babasahin C. Binasa) mo ang mga panuto.
  5. (A. Tinulungan, B. Tinutulungan C. Tutulungan) ni Analiza kahapon ang matanda sa pagtawid sa kalye.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

  1. A. Pupunta kami ng B. lola ko sa bukid.
  2. Sa A. Martes B. darating ang pinsan ko.
  3. A. Nagbabasa ako ng modyul B. araw-araw.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Punan ng salitang kilos ang patlang upang mabuo ang panuto. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

  1. _____ ng isang puno. (A. Kulayan B. Gumuhit)
  2. _____ ang bilang na 1, 2, at 3. (A. Isulat B. Kulayan)
  3. _____ ng tatlong ulit ang kanang paa. (A. Ipadyak B. Itago)
  4. _____ nang malakas ang tula. (A. Awitin B. Basahin)
  5. _____ ang palad o kamay. (A. Ibuka B. Ipikit)

Natutuhan mo sa araling ito ang mga salitang kilos o galaw. Ang tawag dito ay p __ n d __ w __.

[illustration: boy thinking at a desk with a book]

Ang mga uri nito ay pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this answer key page is printed rotated; the answer boxes are transcribed below by week and activity]

Week 1
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. D
  2. B
  3. D
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. A
  2. C
  3. B
Week 2
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. /
  2. /
  3. /
  4. /
  5. X
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. E
  2. A
  3. C
  4. B
  5. D
Gawain sa Pagkatuto 3
  1. masisipag, matulungin
  2. bilog, bago
  3. malawak, malinis
  4. mabait, masayahin
  5. mabait, matipuno
Week 3
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. /
  2. /
  3. X
  4. /
  5. X
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. Ako
  2. David
  3. Luneta Park
  4. Sabado
  5. Kalabasa
Gawain sa Pagkatuto 3
  1. /
  2. /
  3. /
  4. X
Gawain sa Pagkatuto 4
  1. ?
  2. .
  3. .
  4. ,
Gawain sa Pagkatuto 5
  1. bonus
  2. Arjay / ?
  3. Laguna / .
  4. ! / ako
  5. Bagong Taon / .
Week 4
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. A
  2. C
  3. D
  4. B
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. A
  2. B
  3. A
  4. A
  5. A
Week 5
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. /
  2. /
  3. X
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. A
  2. B
  3. A
Weeks 6-7
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. /
  2. /
  3. /
  4. /
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. Si Langgam at si Tipaklong
  2. Langgam; Tipaklong
  3. Bukid; bahay ni Langgam
  4. Nag-ipon ng pagkain
  5. Nagutom dahil walang pahkain
Week 8
Gawain sa Pagkatuto 1
  1. A
  2. B
  3. C
  4. A.
  5. A.
Gawain sa Pagkatuto 2
  1. A
  2. B
  3. A
Gawain sa Pagkatuto 3
  1. B
  2. A
  3. A
  4. B
  5. A
Gawain sa Pagkatuto
Week 1LPWeek 2LPWeek 3LPWeek 4LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8
Week 5LPWeek 6LPWeek 7LPWeek 8LP
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4Gawain sa Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5Gawain sa Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7Gawain sa Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8Gawain sa Pagkatuto Blg. 8

PIVOT Assessment Card for Learners

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

  • ☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
  • ✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
  • ? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong «,ü, ?.

Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

[logo] [logo] [logo]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district