This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1 MAPEH (Health), Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Second Edition, 2021, published by DepEd Region 4A CALABARZON. It is written in Filipino and covers eight weeks of lessons about keeping the home healthy. Learners study clean water, clean indoor air, and the household chores a young child can do. By the end, learners can describe a healthy home, save and protect water, name the sources of indoor air pollution, and help keep the house clean.
On this page 7 sections
What learners will learn
Each weekly lesson states what the learner will find out. Across the quarter, learners will learn:
- the traits of a healthy home
- how clean water affects our health
- ways to save water and keep it clean
- how clean and dirty indoor air affect our health
- where indoor air pollution comes from
- ways to keep indoor air clean
- how the home environment affects the family’s health
- the chores a Grade 1 learner can do to keep the home clean and healthy
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 | Ang Malusog na Tahanan (the healthy home) | A healthy home is clean, safe, and healthy. |
| 2 | Ang Tubig ay Mahalaga (water is important) | What clean water does for the body, and how families store water safely. |
| 3 | Ang Tubig ay Tipirin (save water) | Simple ways to save water and keep it clean. |
| 4 | Ang Hangin ay Mahalaga (air is important) | What indoor air is, and the effects of clean and dirty indoor air. |
| 5 | Polusyon ng Hangin sa Tahanan (air pollution in the home) | Five common sources of indoor air pollution. |
| 6 | Hangin ay Linisin (clean the air) | Five ways to keep the air inside the home clean. |
| 7 | Kapaligirang Pantahanan at Kalusugan (the home environment and health) | How a clean home helps the whole family. |
| 8 | Malinis na Bahay, Malusog na Tahanan (clean house, healthy home) | Chores a child can do to help at home. |
Key ideas: a healthy home and clean water
A healthy home (Week 1). The module lists three traits of a healthy home:
- Malinis (clean): no dust or places where germs can grow, and no pests such as cockroaches, mosquitoes, flies, and rats.
- Ligtas (safe): free from things that can cause wounds, punctures, or accidents.
- Malusog (healthy): it protects the family from illness caused by germs or viruses.
The module sums it up this way: a clean house is a safe and healthy home.
Clean water (Week 2). A large part of the body is made of water. Clean water:
- removes dirt and germs from the body
- keeps body temperature normal
- helps digest food
- strengthens the different parts of the body
To keep stored water clean, families cover it, clean the container before refilling it, and replace stored water every 3 to 6 months.
Saving water (Week 3). The module gives five ways to save water and keep it clean:
- Use a clean pail and dipper (balde at tabo) for bathing, cleaning the house, and watering plants.
- Turn off the faucet when it is not in use.
- Reuse rinse water from laundry to flush or clean the toilet.
- Take only as much water as you need for drinking or other uses.
- Fix broken water pipes.
Key ideas: clean air and a clean home
Indoor air (Week 4). Air that flows inside the home is called indoor air. It is also found in schools, malls, churches, and other buildings. Clean indoor air keeps us alive, strengthens our resistance, and gives us energy. Dirty indoor air weakens the heart and lungs, irritates the nose and eyes, can cause asthma (hika), and makes breathing hard.
Sources of indoor air pollution (Week 5). Indoor air pollution happens when smoke, dust, and harmful chemicals mix with the air inside the home. The module names five sources:
- smoke from cooking that cannot get out
- household chemicals such as insecticides, bleach, and perfume
- dust, dirt, and germs from things that are not cleaned often
- paint
- smoke from burning paper and leaves outside that gets into the house
Keeping indoor air clean (Week 6). The module notes that air inside the home can be 2 to 5 times dirtier than the air outside. To improve it:
- Put plants inside the home.
- Clean things so dirt and dust do not collect.
- Remove cobwebs (agiw) and sweep up clutter.
- Take out the trash every day and put it in the right container.
- Open the windows so air can flow.
The home environment (Week 7). A clean home helps the family breathe more easily, stay away from illness, sleep better, study and work with more energy, and avoid accidents.
Helping at home (Week 8). A Grade 1 learner can make the bed, clean the room, sweep the floor, wash the dishes, water the plants, and put away toys.
How to use this module
Each week starts with a short reading and a question about a picture. Next come numbered activities called Gawain sa Pagkatuto (learning tasks), such as multiple choice, true or false, drawing faces or shapes, unscrambling letters, and matching. Each lesson ends with a fill-in-the-blank sentence that sums up the lesson, using a small word bank. Answers are written on separate paper.
- Learners: Do one lesson each week, in order. Read the lesson first, then answer the activities on your own paper.
- Parents and guardians: Some tasks are meant to be done at home with an adult. These include listing how your family stores clean water (Week 2) and doing water-saving and cleaning tasks, then marking N if done and NG or HN if not done (Weeks 3, 6, and 8). Week 4 also asks the child to draw two effects of air on health. It comes with a 5-point rubric.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module. It is followed by the PIVOT Assessment Card for Learners. On this card, learners rate each activity with a star (done well), a check (done with some difficulty), or a question mark (not done or needs more help).
Week 3 water-saving checklist at a glance
- Use a pail and dipper when bathing.
- Turn off the faucet when not in use.
- Take only the water you need.
- Reuse laundry rinse water for the toilet.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 1 MAPEH (Health), Quarter 3. It is the PIVOT 4A Learner’s Material, Second Edition, 2021, from DepEd Region 4A CALABARZON.
What topics does the module cover?
It covers eight weekly lessons: a healthy home, the importance of water, saving water, the importance of air, indoor air pollution, keeping indoor air clean, the home environment and health, and household chores a child can do.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto (answer key) near the end of the module gives answers for the activities, arranged by week.
What is indoor air pollution?
It is the dirtying of air inside the home when smoke, dust, and harmful chemicals mix with it. The module names cooking smoke, household chemicals, dust and dirt, paint, and smoke from burning paper and leaves as sources.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino. This page explains its content in English.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
[illustration: children doing different activities (reading, drawing, playing music, playing with a doll, watching a TV showing numbers) on a yellow background]
GRADE 1 – MAPEH (Health)
QUARTER 3
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
MAPEH (Health) Unang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Catherine Joyce F. Ledesma Content Creator & Writer
Eugene Ray F. Santos Internal Reviewer & Editor
Ephraim L. Gibas & Marco D. Llego Layout Artist & Illustrator
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Maria Christina A. Pangan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
WEEK 1
Aralin
Ang Malusog na Tahanan
[illustration: two houses, a bahay kubo with a thatched roof and a modern house with a tin roof and flower boxes]
Ano ang masasabi mo sa mga larawan? Isa sa pinakamahalaga nating pangangailangan ay tirahan. Ito ay nagsisilbing proteksiyon natin laban sa init at lamig. Nagsisilbi rin itong pahingahan pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho o pag-aaral.
Ang tahanan ay mahalaga sa atin. Sa araling ito, matututuhan mo ang mga katangian ng isang malusog na tahanan.
Mga Katangian ng isang Malusog na Tahanan
1. Ito ay Malinis
Ang malinis na bahay ay walang alikabok at kahit anong maaaring pamugaran ng mga mikrobyo.
Ito rin ay hindi binabahayan ng peste tulad ng ipis, lamok, langaw at daga.
2. Ito ay Ligtas
Ang ligtas na tahanan ay malayo sa maaaring magdulot ng anumang disgrasya sa bawat miyembro ng pamilya. Ito ay malaya sa posibleng magdudulot ng pagkasugat, pagkatusok o aksidente.
3. Ito ay Malusog
Ang malusog na tahanan ay iniiwas ang pamilya sa pagkakaroon ng sakit dala ng mikrobyo o virus.
Ang isang malinis na bahay ay isang ligtas at malusog na tahanan.
Dapat na panatilihin itong malinis, ligtas at malusog sa lahat ng oras upang maiiwasan ang pagkakasakit at aksidente.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdan ang dalawang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
A.
[illustration: a neat living room with a sofa, armchairs, a rug, a framed mirror and pictures, curtains, and a cabinet]
B.
[illustration: a messy living room with a sofa covered in clothes, scattered papers, toys, shoes, a laptop, and fallen picture frames on the floor]
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong papel.
Alin sa sumusunod na salita ang patungkol sa larawan A?
- A. malinis
- B. magulo
- C. madumi
- D. makalat
Alin sa sumusunod na salita ang patungkol sa larawan B?
- A. maayos
- B. maaliwalas
- C. malinis
- D. makalat
Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng mga magandang katangian ng malusog na tahanan?
- A. tahanan A
- B. tahanan B
- C. tahanan A&B
- D. wala
Ano ang maaari mong magawa bilang isang bata upang mapanatiling malusog ang iyong tahanan?
- A. maglaro
- B. matulog
- C. maglinis
- D. magkalat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit ang [illustration: smiling face] (masayáng mukha) kung ito ay nagpapakita ng isang malusog na tahanan at [illustration: frowning face] (malungkot na mukha) kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong papel.
_____1. Kusina na puno ng pinagkainan
_____2. Tahanan na may maayos at malinis na mga silid
_____3. Tahanan na may mga ipis at daga sa paligid
_____4. Silid-tulugan na may mga nakakalat na mga papel, lapis, at mga laruan.
_____5. Tahanan na ang mga miyembro ng pamilya ay masisigla.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay dapat na gawin upang maging ligtas, malusog at malinis ang silid-tulugan na nasa larawan at ekis (✕) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
[illustration: a messy bedroom with an unmade bed, clothes hanging on a line and on the floor, a window, a table with books, a laptop, a guitar, a chair, a box, scattered papers and shoes, and open drawers full of clothes]
_____1. Isaayos ang mga damit sa kabinet.
_____2. Pulutin ang mga kalat. Itapon ito sa tamang lagayan.
_____3. Panatilihin ang mga kalat sa mesa.
_____4. Alisin ang mga bagay na hindi kailangan.
_____5. Ilagay ang mga kasangkapan sa tamang lugar.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagmasdan ang loob ng inyong bahay. Lagyan ng tsek (✓) ang kahon na nagsasaad ng mga maaari mong gawin upang maging malusog ang inyong tahanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- ☐ 1. paghuhugas ng pinggan
- ☐ 2. pag-aayos ng mga damit sa kabinet
- ☐ 3. pagpupulot at pagwawalis ng mga kalat
- ☐ 4. pagpupunas ng alikabok sa mga kagamitan
- ☐ 5. pagtatanggal ng agiw
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang _____________________ na [illustration: small house]
ay _________________ upang ang [illustration: family of four]
ay maging malusog, ligtas at _________.
Word bank: mahalaga | malusog | masaya
PIVOT 4A CALABARZON Health G1 – Week 2: Ang Tubig ay Mahalaga
Aralin I
Ang Tubig ay Mahalaga
[illustration: four drawings showing a waterfall, rain cloud, faucet dripping water, and a river]
Ang tubig ay napakahalaga sa ating kalusugan. Ito ay dahil malaking porsiyento ng ating katawan ay binubuo ng tubig. Ang pag-inom ng malinis at sapat na dami ng tubig ay mahalaga upang mapanatiling malakas ang ating katawan lalo na ngayong panahon ng pandemiya.
Sa araling ito, matututuhan mo ang epekto ng tubig sa ating kalusugan.
Epekto ng Malinis na Tubig sa ating Kalusugan
- Inaalis ang mga dumi at mikrobyo sa ating katawan.
[illustration: a child washing hair with soap in a shower]
- Pinapanatili nitong normal ang temperatura ng ating katawan
[illustration: a child drinking from a glass]
- Tumutulong sa pagtunaw ng ating kinain.
[illustration: a girl eating rice from a bowl while holding a glass of water]
- Pinapalakas at pinapalusog ang iba’t- ibang bahagi ng katawan.
[illustration: a girl stretching one leg up on a step]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang mabuo ang talata. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa papel.
Ang (1) _____________ ay mahalaga sa ating kalusugan. Inaalis nito ang dumi at (2) _________ sa ating katawan. (3)___________ nitong normal ang ating temperatura. Tumutulong din ito sa (4)________ ng ating kinain Ang pag-inom ng sapat na dami ng malinis na tubig ay mahalaga upang mapanatiling (5) ____________ ang ating katawan.
A. malakas B. mikrobyo C. pagtunaw D. pinapanatili E. tubig
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Ang pag-iimbak ng tubig ay nakagawian na natin upang tayo ay maging handa sa biglaang pagkawala ng supply dahil sa sakuna o dahil sa kakulangan ng dalas nang pag-ulan.
Sagutin ang tanong. Isulat sa papel ang iyong sagot.
- Paano kayo nag-iimbak ng tubig sa inyong tahanan?
☐ Paglalagay ng tubig sa mga timba o balde ☐ Paggamit ng mga bote ng soft drinks o juice ☐ Pagpupuno ng tubig-ulan sa balon o tangke.
- Paano napapanatiling malinis ang tubig na iniimbak sa inyong tahanan?
☐ Tinatakpan ang mga inipong tubig ☐ Nililinis ang imbakan ng tubig bago ulit ito lagyan ☐ Pinapalitan ang inimbak na tubig kada 3-6 na buwan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa tulong ng nakakatanda, alamin at ilista ang tamang paraan ng pag-iimbak ng malinis na tubig na isinasagawa ng inyong pamilya. Gawin ito sa malinis na papel.
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang ___________ na __________ ay kailangan ng ating ____________.
katawan malinis tubig
Aralin I
Ang Tubig ay Tipirin
[illustration: six drawings showing a boy drinking from a bottle, a girl watering plants, a boy brushing teeth at a sink, a woman cooking over a stove, a woman washing clothes in a basin]
Ang tubig ay isa sa mga mahalagang pangangailangan natin sa pang-araw araw na gawain. Ang malinis na tubig ay maaaring maubos kung ito ay hindi natin gagamitin nang maayos.
Napakahalagang matutuhan natin ang tamang paraan ng pagtitipid ng malinis na tubig upang hindi magkaroon ng kakulangan sa malapit na hinaharap.
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga paraan ng pagtitipid ng tubig at pagpapanatiling malinis nito.
Paraan ng Pagtitipid at Pagpapanatiling Malinis ng Tubig
- Gumamit ng malinis na balde at tabo sa paliligo, sa paglilinis ng bahay at pagdidilig ng halaman.
- Isarado ang gripo kapag ito ay hindi ginagamit.
- Gamitin ang pinagbanlawan ng damit na pambuhos o panlinis ng palikuran.
- Kumuha lamang ng sapat na tubig na iinumin o gagamitin.
- Pagkukumpuni ng mga sirang tubo ng tubig.
D
Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng paraan ng pagtitipid at pagpapanatiling malinis ng tubig, at letrang M kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa papel.
- Maglaro ng tubig kasama ang iyong mga kaibigan.
- Isarado ang gripo habang nagsasabon ng kamay.
- Hayaang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.
- Gumamit ng shower kaysa sa balde at tabo sa paliligo
- Gamitin ang pinagbanlawan ng labahing damit napanglinis sa palikuran.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Iguhit ang (bilog) kung ang larawan ay nagpapakita ng tamang paraan nang pagtitipid at pagpapanatiling malinis na tubig. Iguhit ang (diyamante) kung mali. Isulat ang sagot sa papel
[illustration: five numbered pictures – 1. a boy spraying water from a hose; 2. a toilet with a bucket beside it; 3. a woman washing dishes in a basin with the faucet running; 4. a woman pouring water over a child’s head in a basin; 5. a person brushing teeth with the faucet running]
Each picture has an empty answer box beside it.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Isagawa ang mga paraan ng pagtitipid at pagpapanatiling malinis ng tubig. Basahin ang mga gagawin, isulat ang letrang N kung nagawa at letrang NG kung hindi nagawa. Isulat ang inyong sagot sa papel.
Mga Gawain
- Gumamit ng malinis na balde at tabo sa pagligo.
- Isarado ang gripo kapag ito ay hindi ginagamit.
- Kumuha lamang ng sapat na tubig na gagamitin.
- Gamitin ang pinagbanlawan na tubig sa paglalaba para maging pangbuhos o panlinis ng palikuran.
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa papel.
Ang _______ nang _______ na tubig ay _______ upang hindi magkaroon ng kakulangan sa malapit na hinaharap.
mahalaga malinis pagtitipid tubig
WEEK 4
Ang Hangin ay Mahalaga
Aralin
[illustration: a family in a living room; two adults sit on a sofa with a laptop while children play with building blocks on the floor]
Ang hangin ay isa sa mga mahalaga nating pangangailangan. Ito ay kailangan natin sa paghinga upang mabuhay. Ito ay mararamdaman kahit saan. Ang hanging dumadaloy sa loob ng ating tahanan ay tinatawag na indoor air. Ang indoor air ay maaari ring matagpuan sa loob ng mga paaralan, mall, simbahan at iba pang mga gusali.
Dahil sa pandemya, tayo ay mas madalas na nananatili sa loob ng ating mga tahanan. Sa araling ito, matututunan ninyo ang malinis na hangin sa loob ng tahanan (indoor air) ay napakahalaga upang tayo ay manatiling buhay at malusog.
Sa araling ito, matututunan ninyo ang iba’t-ibang epekto ng malinis at maduming indoor air sa ating kalusugan.
[illustration: left, a messy living room with clothes, dirty dishes, and food scraps on the floor and table, with a girl standing beside it; right, a tidy living room with open curtains and a clean sofa and table, with a boy standing beside it]
Epekto ng Malinis na Indoor Air sa ating Kalusugan
- Pinapanatili tayong buhay.
- Tumutulong sa pagpapalakas ng ating resistensiya.
- Tumutulong upang tayo ay magkaroon ng lakas (energy) na ginagamit natin sa ating pangaraw-araw na gawain.
Epekto ng Maruming Indoor Air sa Ating Kalusugan
- Humihina ang ating puso at baga.
- Nagkakaroon ng iritasyon o allergies sa ilong at mata
- Nagkakaroon ng sakit tulad ng hika
- Nahihirapan sa paghinga
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isulat ang letrang A sa patlang kung ito ay epekto ng malinis na hangin at letrang B kung epekto ng maduming hangin. Isulat ang sagot sa papel.
_____1. nagpapalakas ng resistensiya ng katawan ang malinis na hangin
_____2. humihina ang puso at baga
_____3. pinapanatili tayong buhay
_____4. nagbibigay – lakas
_____5. nahihirapang huminga
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat sa sagutang papel ang numero na naglalaman ng tamang pahayag.
- Kayang mabuhay ng tao na walang hangin.
- Ang maduming hangin ay mabuti sa kalusugan.
- Nagpapalakas ng resistensiya ng katawan ang malinis na hangin.
- Mahirap huminga kapag malinis ang hangin.
- Ang hangin ay mahalagang pangangailangan ng ating katawan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa isang papel/ kwaderno, Gumuhit ng dalawang larawan na nagpapakita ng mga epekto ng hangin sa kalusugan.
[transcriber’s note: the rubric table below has no printed header row]
| 5 puntos | Nakaguhit ng dalawang epekto ng hangin nang maayos at malinaw. |
| 4 puntos | Nakaguhit ng isang epekto ng hangin ng maayos at malinaw. |
| 3 puntos | Nakaguhit ngunit hindi gaanong maayos at malinaw ang larawan |
| 2 puntos | Hindi natapos ang iginuguhit. |
| 1 puntos | Hindi nakaguhit. |
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang hanging dumadaloy sa ___________ ng ating ____________ ay tinatawag na __________ .
indoor air loob tahanan
WEEK 5
Polusyon ng Hangin sa Tahanan
Aralin
[illustration: a kitchen scene in a home; a woman stirs a pot on a stove producing steam and smoke, a boy covers his nose, and a woman in the background holds a cup with smoke rising from it]
Ano ang nakikita mo sa larawan?
Maaari bang maging marumi ang hangin sa loob ng tahanan? Paano?
Kapag ang hangin sa loob ay nahaluan ng usok, alikabok at iba pang uri ng kemikal na nakasasama sa ating kalusugan, ito ay nagreresulta sa pagdumi ng hangin. Ang pagdumi ng hanging panloob ay tinatawag na indoor air pollution.
Sa araling ito, matututuhan mo ang pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa loob ng tahanan.
Pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa loob ng tahanan
1. Usok mula sa pagluluto
Ang usok mula sa pagluluto na hindi nakalalabas ay sumasama sa hangin at nakapagdudulot ng polusyon sa loob ng bahay.
2. Mga kemikal na ginagamit sa bahay tulad ng pamatay-insekto (insecticides) bleach at pabango
Ang insecticides, pabango at mga kemikal na ginagamit sa bahay tulad ng bleach ay naglalaman ng nakalalason na kemikal na maaaring humalo sa hangin na iyong hinihinga.
3. Alikabok, dumi at mikrobyo mula sa mga madudumi at di – nalilinisan na gamit sa bahay
Ang hindi palagiang paglilinis ng mga kagamitan sa bahay ay nagreresulta sa pagkaipon ng dumi at alikabok.
4. Pintura
Ang pintura ay naglalaman ng kemikal na humahalo sa hangin na nakasasama sa kalusugan.
5 . Usok mula sa pagsisiga ng papel at mga dahon.
Ang usok mula sa pagsisiga ng papel at dahon sa labas ay maaaring makapasok sa loob ng tahanan at magdulot ng pagdumi ng hangin sa loob ng bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Suriin ang mga larawan. Piliin ang letra ng mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa hangin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. [illustration: smoke rising from a pile of burnt material] Usok B. [illustration: a paint can with a brush resting on it] Pintura C. [illustration: a plastic water bottle labeled WATER] Tubig D. [illustration: a hand holding an insecticide spray can] Pamatay- insekto E. [illustration: a potted plant] Halaman sa paso
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Ayusin ang mga letra upang makabuo ng salita tungkol sa mga pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa loob ng tahanan. Isulat ang iyong sagot sa papel.
- U O S K
- I M U D
- I P N U T A R
- A P A B N G O
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Pagtambalin ang mga salita sa hanay A sa larawan sa Hanay B. Isulat ang sagot sa papel.
| A | B |
|---|---|
| 1. usok | A. [illustration: a hand spraying an insecticide can] |
| 2. pintura | B. [illustration: smoke rising from burning material] |
| 3. insecticide | C. [illustration: a paint can with a brush] |
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang ________ paligid at kawalan ng _________ ay sanhi ng _________ sa loob ng tahanan.
bentilasyon maduming polusyon
PIVOT 4A CALABARZON Health G1 – Week 6: Hangin ay Linisin
Aralin
I
Alam niyo ba na ang hangin sa loob ng ating tahanan ay 2 hanggang 5 beses na mas marumi at nakakalason kaysa sa hangin na iyong hinihinga sa labas?
[illustration: a boy pointing one finger upward and speaking]
Ang pagpapanatili ng malinis at ligtas na hangin sa tahanan lalo ngayong sa panahon ng pandemya ay mahalaga. Ito ay upang tayo ay magkaroon ng malakas na resistensiya at maging malusog.
Sa araling ito, matututuhan mo ang paraan sa pagpapanatili ng maayos na kalidad na hanging sa loob ng tahanan.
Paraan sa Pagpapanatili ng Maayos na Kalidad ng hangin sa loob ng tahanan.
- Maglagay ng mga halaman sa loob ng tahanan.
[illustration: a potted plant]
- Linisin ang kagamitan upang di ito pamugaran ng dumi at alikabok.
[illustration: a girl sweeping and a boy wiping a table in a room]
- Alisin ang mga agiw at walisin ang mga kalat na maaaring pamugaran ng mikrobyo.
[illustration: a woman sweeping the floor with a broom]
- Ilabas ang basura at itapon ito sa tamang lalagyan araw-araw.
[illustration: a boy carrying a black garbage bag]
- Buksan ang mga bintana upang makadaloy ang hangin.
[illustration: a boy opening a window with curtains]
D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra ng sagot sa papel.
Saan karaniwang namumugad ang dumi at alikabok?
a. sulok ng tahanan
b. mga nakatagong lalagyan
c. loob ng aparador
d. loob ng palikuranAno ang maaari nating gamitin sa paglilinis ng kalat at dumi?
a. aklat
b. balde
c. tubo
d. walisSaan dapat ilagay ang mga basura?
a. aparador
b. basurahan
c. kuwarto
d. mesaAno ang iyong bubuksan para makadaloy ang hangin?
a. aircon
b. electric fan
c. bintana
d. PintuanAlin sa sumusunod ang makakatulong upang maging malinis ang hangin sa loob ng tahanan?
a. alikabok
b. halaman
c. dekorasyon
d. pintura
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Isulat sa sagutang papel ang Oo kung ang pangungusap ay nagsasabi ng tamang paraan ng pagpapanatiling malinis ng hangin sa loob ng tahanan. Isulat ang Hindi kapag mali.
_____ 1. Mag-spray ng insecticides o pabango sa loob ng bahay.
_____ 2. Buksan ang mga bintana upang makadaloy ang hangin.
_____ 3. Magwalis at magpunas ng kagamitan.
_____ 4. Isarado ang mga pinto at bintana kapag nagluluto.
_____ 5. Maglagay ng halaman sa lugar na madalas na pinamamalagian ng pamilya.
E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Sa tulong ng nakatatanda, isagawa ang mga nakatala sa inyong tahanan. Isulat ang letrang N kung nagawa mo at letrang NG kung hindi mo nagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel.
Mga Gawain
- Linisin ang kagamitang madumi at maalikabok.
- Alisin ang mga agiw at walisin ang mga kalat.
- Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
- Buksan ang mga bintana upang makadaloy ang hangin.
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa papel.
Ugaliing _____________ ng _____________ upang maiwasan ang pagdumi ng _____________ bahay
| bahay | maglinis | hangin |
|---|---|---|
| bahay | maglinis | hangin |
I
Aralin
Kapaligirang Pantahanan at Kalusugan
Paano mo mailalarawan ang pamilya sa larawan?
[illustration: a family of four seated on a sofa, with a potted plant and stacked books on a table]
Ang kalagayan ng ating kapaligirang pantahanan ay may malaking epekto sa ating pangkabuong kalusugan. Kapag malinis at maayos ang tahanan ang pamilya ay nagiging mas malusog at malayo sa sakit. Samantalang ang pamilyang nakatira sa maduming kapaligirang pantahanan ay maaaring maging masakitin.
Sa araling ito, matututuhan mo ang epekto ng kapiligirang pantahanan sa kalusugan ng pamilya.
Epekto ng Malinis na Kapaligirang Pantahanan
- makakahinga ng mas maluwag
- nagiging malayo sa sakit
- makakatulog ng mas maayos
- makakapag-aral ng mas masigla at makakapagtrabaho ang pamilya
- nagiging malayo sa aksidente o disgrasya.
Ang malinis at maayos na kapaligiran ay nakatutulong upang ang mga nakatira dito ay maging malusog, ligtas, at masaya.
D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Isulat ang MK kung ito ay nagpapakita ng epekto ng malinis na kapaligirang pantahanan at DK kung hindi. Isulat ang sagot sa papel
_____ 1. Nakakapag-aral nang maayos si Tessa dahil maayos ang kaniyang pagtulog.
_____ 2. Laging nadadala sa ospital ang kapatid ni Marco dahil sa hika.
_____ 3. Hindi nagkakasakit si Jose kaya nakakuha siya ng perfect attendance sa klase.
_____ 4. Madalas inuubo si Mikaela dahil sa alikabok at dumi sa kanilang bahay.
_____ 5. Sabi ng doktor, malusog na ang puso ni Ethan.
E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sa sagutang papel, isulat ang numero na nagpapakita ng epekto ng malinis na kapaligiran.
- maluwag na paghinga
- pagkakasakit
- malayo sa aksidente
- pagiging matamlay
- maayos na pagtulog
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang _____________________ ng ating kapaligirang _____________________ ay may malaking epekto sa ating _____________________
kalusugan | kalagayan | pantahanan
WEEK 8
Malinis na Bahay, Malusog na Tahanan
Aralin
[transcriber’s note: the roman numeral I appears inside a red circle beside the word “Aralin”]
[illustration: a family cleaning a living room; a boy mops the floor, a girl wipes the sofa, a woman dusts a shelf, and a man vacuums the floor]
Ang malinis na bahay ay isang ligtas at malusog na tahanan. Ang buong pamilya ay dapat maglinis ng sama-sama upang mapanatiling maayos at ligtas ang kanilang tahanan. Bilang mag-aaral ng unang baitang, kayang-kaya mong tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng inyong bahay.
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga paraan para malinis at malusog ang tahanan.
Ang batang matulungin ay batang mabuti. Paano ka makatutulong sa iyong mga magulang upang maging malinis at maayos ang inyong tahanan?
Bilang bata, kaya mong gawin ang sumusunod:
- magligpit ng higaan 2. maglinis ng kuwarto
- magwalis ng sahig 4. maghugas ng pinggan
- magdilig ng halaman 6.magligpit ng mga laruan
[illustration: a boy making a bed] [illustration: a boy wiping a spilled floor with a cloth] [illustration: a girl sweeping the floor] [illustration: a boy washing dishes at the sink] [illustration: a girl watering plants with a watering can] [illustration: a boy putting toys into a star-patterned box]
D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Tukuyin ang mga gawaing-bahay na kayang gawin ng isang batang tulad mo. Isulat ang letrang K kapag kaya at HK kung hindi mo kaya. Isulat sa sagutang papel.
- mag-ayos ng pinaghigaan
- magkumpuni ng sasakyan
- magligpit ng mga laruan
- magwalis ng sahig
- mamalengke
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Isulat ang letra ng larawan na nagpapakita ng pagiging matulungin . Isulat ang sagot sa malinis na papel.
A. [illustration: a woman cooking in a kitchen while a child lies on the floor near bottles]
B. [illustration: a girl sweeping the floor]
C. [illustration: a child sleeping under a blanket]
D. [illustration: a girl watering plants]
E. [illustration: a boy washing dishes at the sink]
E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3
Tumulong sa paggawa nang alin man sa tinalakay na gawaing bahay. Isulat ang N kung nagagawa mo at HN kung hindi mo nagagawa Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Mga Gawain
- magwalis ng sahig
- maglinis ng kuwarto
- magdilig ng halaman
- maligpit ng mga laruan
- maghugas ng pinggan
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bilang isang _____, kaya mong _____ sa gawaing _____.
bahay bata tumulong
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and the answer key is arranged in boxes labeled by week; the faces and shapes in some items are pictures]
Week 1
Gawain Blg. 1
- A
- D
- A
- C
Gawain Blg. 2 [illustration: five faces, one smiling and one frowning, numbered 1 to 5]
Week 2
Gawain Blg. 1
- E
- B
- D
- C
- A
Week 3
Gawain Blg. 1
- M
- T
- M
- M
- T
Gawain Blg. 2 [illustration: blue diamond and oval shapes beside the numbers 1 to 5]
Week 4
Gawain Blg. 1 Malinis na indoor air
- A
- B
- A
- A
- B
Gawain Blg. 2 3. Nagpapalakas ng resistensya ang malinis na hangin 5. Ang hangin ay mahalagang pangangailangan ng ating katawan.
[transcriber’s note: items 1, 2 and 4 of Gawain Blg. 2 are not printed as text on this page and may be pictures]
Week 5
Gawain Blg. 1
- Usok ng sigarilyo — A
- Pintura — B
- Pamatay insekto — D
Gawain Blg. 2
- Usok
- Dumi
- Pintura
- Pabango
Week 6
Gawain Blg. 1
- D
- D
- B
- C
- B
Gawain Blg. 2
- Hindi
- Oo
- Oo
- Hindi
- Oo
Week 7
Gawain Blg. 1
- MK
- DK
- MK
- DK
- MK
Gawain Blg. 2 5 –3– 1
Week 8
Gawain Blg. 1
- K
- HK
- K
- K
- HK
Gawain Blg. 2 : B—D—E
Gawain sa Pagkatuto
PIVOT Assessment Card for Learners
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
GOFF, Kacie, (2020, November 13). “6 Health Benefits of a Clean Home” [Blog post]. Retrieved from https://www.mymove.com/heating-cooling/guides/health-benefits-of-a-clean-home/
Maid Sailors, “Are There Benefits to Having A Clean Home? “ [blog post] (2020, December 17). Retrieved from https://maidsailors.com/blog/health-benefits-of-a-clean-home/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply