This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Araling Panlipunan, Grade 1, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Second Edition, 2021, published by DepEd Region 4A CALABARZON. It is written in Filipino and covers eight weeks of lessons about the learner’s own school: its parts, its surroundings, its people, its rules, and Brigada Eskwela. By the end of the quarter, learners can name the parts of the school and the people who work there, keep the school clean and quiet, follow school rules, and explain why school matters.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module does not print competency codes. Each lesson states its own aim:
- Know the basic information about their own school and its different parts (Weeks 1-2)
- Identify ways to keep the school clean and quiet (Weeks 3-4)
- Get to know the people who make up a school (Week 5)
- Discover why the school is important (Week 6)
- Identify the rules in the classroom and in the school (Week 7)
- Learn about activities that show care for the school, such as Brigada Eskwela (Week 8)
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1-2 | Ang Sarili Naming Paaralan (our own school) | What a school is and its main parts |
| 3-4 | Kapaligiran ng Aming Paaralan (our school’s surroundings) | Why a clean, quiet school helps learners study |
| 5 | Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan (the people in our school) | The jobs of the people who work in a school |
| 6 | Ang Halaga ng Aming Paaralan (the value of our school) | Why going to school is important |
| 7 | Ang Halaga ng Aming Paaralan | Classroom and school rules (alituntunin) |
| 8 | Brigada Eskwela sa Aming Paaralan (Brigada Eskwela in our school) | The yearly school clean-up before classes open |
Key ideas of each lesson
The school and its parts (Weeks 1-2)
The school is a place where learners learn to read, write, and count, and it is called our second home. The module names six parts of a school:
- Silid-aralan (classroom): where teachers teach and learners study
- Silid-aklatan (library): where books are kept and learners read
- Kantina (canteen): where learners eat at recess
- Palaruan (playground): where learners can play
- Klinika (clinic): where sick or hurt learners are treated
- Palikuran (restroom): with separate rooms for boys and girls
A clean and quiet school (Weeks 3-4)
A good school environment helps learners study well. A spacious classroom suits learning, while a noisy, messy place distracts learners. Keeping the school clean stops germs from spreading, and trees and plants around the school also help learning. Activities ask learners to judge pictures of right and wrong actions, such as sweeping versus littering.
The people in the school (Week 5)
- Mag-aaral (learners) learn to read, write, and count.
- Guro (teacher) teaches in the classroom.
- Punongguro (principal) leads the school and guides the teachers.
- Librarian runs the library.
- Nars at doktor (nurse and doctor) treat sick learners and give first aid.
- Guwardiya (guard) keeps children safe.
- Janitor cleans the school and sometimes waters the plants.
- Tindero o tindera (canteen staff) cook and keep the food clean and nutritious.
Why school matters (Week 6)
At school we learn subjects such as math, health, and science, as well as good manners and right behavior. We also make friends there. Studying helps us grow into good, useful citizens and builds our future.
School rules (Week 7)
Classroom rules include keeping set times (arrival and recess), taking part in lessons, finishing assigned tasks, and keeping quiet. School-wide rules include showing good manners, wearing the proper uniform, and keeping the school clean. These rules keep order in the school.
Brigada Eskwela (Week 8)
Before classes open, every public school holds Brigada Eskwela. Teachers and school officials lead it, and teachers, parents, and learners volunteer to clean the school, fix classrooms, and prepare for the coming school year.
How to use this module
Each lesson starts with a short reading, followed by numbered activities called Gawain sa Pagkatuto (learning activities). These include matching, multiple choice, true or false, drawing, and fill-in-the-blank paragraphs. All answers go on a separate answer sheet (sagutang papel).
- Learners: Read the lesson first, then do the activities in order. After each week, use the self-rating chart at the end: a star means you did it well, a check means you did it with a little difficulty, and a question mark means you need more help. Lessons that run for two weeks get the same mark for both weeks.
- Parents: Some activities ask for your help, such as writing the names of the teacher and principal, drawing, and telling your child what happens during Brigada Eskwela.
- Teachers: The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for each week. Many drawing and writing activities have open answers based on what the learner has learned.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 1 Araling Panlipunan, Quarter 3, Second Edition 2021, from DepEd Region 4A CALABARZON.
What topics does it cover?
It covers eight weeks of lessons about the learner’s school: its parts, a clean and quiet environment, the people who work there, why school matters, school rules, and Brigada Eskwela.
Does the module have an answer key?
Yes. It includes a Susi sa Pagwawasto (answer key) arranged by week. Drawing and writing tasks have open answers based on what the learner learned.
What is Brigada Eskwela?
It is a yearly activity in public schools before classes open. Teachers, parents, and learners volunteer to clean the school, fix classrooms, and prepare for the new school year.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino. Learners write their answers on a separate answer sheet.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material GRADE 1 – Araling Panlipunan QUARTER 3
[illustration: children playing and studying around a television showing numbers, with a girl playing a xylophone and musical notes]
DepEd CALABARZON – Curriculum and Learning Management Division
MELC SLM
PAG-AARI NG PAMAHALAAN – Hindi Ipinagbibili
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Araling Panlipunan
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
Araling Panlipunan Unang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Jessa Mae F. Santos Content Creator & Writer
Leonardo C. Cargullo Internal Reviewer & Editor
Ephraim L. Gibas & Harold M. Monzon Layout Artist & Illustrator
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Maria Christina A. Pangan, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Aralin
Ang Sarili Naming Paaralan
WEEKS 1-2
I
Ang paaralan ay isang lugar kung saan ang mga mag-aaral na tulad mo ay nag-aaral. Dito ay matututuhan mong magbasa, magsulat, at magbilang. Tinuturuan ka rin dito ng mga bagong kaalaman tungkol sa iyong paligid. Sa paaralan ka huhubugin upang maging mas mabuting bata.
Ang paaralan ay maituturing na ating pangalawang tahanan. Sa aralin na ito, matututuhan mo ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong paaralan.
[illustration: two-storey school building labeled “PAARALANG ELEMENTARYA” with a flagpole in front and a flag-raising area]
4
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Mahalaga na malaman mo ang iba’t ibang bahagi ng paaralan.
Sa silid-aralan, tinuturuan at nag-aaral ang mga mag-aaral na tulad mo.
[illustration: classroom with a teacher at the blackboard showing “2 + 3” and students seated at desks]
Sa silid-aklatan, makikita ang mga aklat at iba pang babasahin. Dito nagbabasa ang mga mag-aaral.
[illustration: library with bookshelves and children reading]
Sa kantina, kumakain ang mga mag-aaral tuwing recess.
[illustration: canteen counter with a vendor and students lining up]
Ang palaruan ay isang bahagi ng paaralan kung saan pwedeng maglaro ang mga mag-aaral.
[illustration: playground with a slide, swing, and children playing on a seesaw]
Sa klinika, ginagamot ang mga mag-aaral sa tuwing sumasama ang kanilang pakiramdam.
[illustration: clinic with a red cross sign, a nurse attending to a student]
Sa palikuran, umiihi at dumudumi ang mga mag-aaral. Mayroong palikuran na panlalaki at pambabae.
[illustration: restroom corridor with doors marked for boys and girls, and children walking toward them]
5
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa Hanay B ang bahagi ng paaralan na inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
| A | B |
|---|---|
| 1. Dito nag-aaral at tinuturuan ang mga mag-aaral. | a. Klinika |
| 2. Dito ay puwedeng maglaro ang mga mag-aaral. | b. Palikuran |
| 3. Dito umiihi at dumudumi ang mga mag-aaral. | c. Silid-aralan |
| 4. Dito ginagamot ang mga mag-aaral sa tuwing masama ang kanilang pakiramdam. | d. Kantina |
| 5. Dito kumakain ang mga mag-aaral tuwing recess. | e. Palaruan |
Matapos mong masagutan ang unang gawain, inaasahan ang pagkatuto mo sa pagtukoy ng mga bahagi ng inyong paaralan. Ngayon ay iyong ipagpatuloy ang mga susunod na gawain para sa pagpapayaman ng iyong mga kaalaman.
6
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung anong bahagi ng paaralan ang nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____________1.
[illustration: classroom with a teacher at the front and students at desks]
_____________2.
[illustration: library with children reading books beside shelves]
_____________3.
[illustration: two restroom doors marked for girls and boys, with children walking toward them]
_____________4.
[illustration: a student being attended to by a nurse at a clinic bed]
_____________5.
[illustration: students sitting at a table with food and drinks, as in a canteen]
7
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Niyaya ka ng iyong kaklase na si Jessa na kumain habang recess. Saang bahagi ng paaralan kayo pupunta?
A. palikuran
B. klinika
C. kantina
D. silid-aralanIto ay isang lugar kung saan natututong magbasa, magsulat, at magbilang ang mga mag-aaral na tulad mo.
A. pamayanan
B. paaralan
C. palaruan
D. pasyalanBiglang nadapa at nasugatan ang kaklase mong si Mae habang kayo ay naglalaro. Saang bahagi ng paaralan dapat pumunta si Mae upang ipagamot ang kaniyang sugat?
A. klinika
B. kantina
C. silid-aklatan
D. silid-aralan
PIVOT 4A CALABARZON AP G1
Ito ay bahagi ng paaralan kung saan tinuturuan at nag-aaral ang mga mag-aaral.
- A. silid-aralan C. silid-aklatan
- B. palaruan D. pasyalan
Nais mong magbasa at magsaliksik, saang bahagi ng paaralan ka pupunta?
- A. silid-tulugan C. silid-aralan
- B. silid-dasalan D. silid-aklatan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Kopyahin at isulat sa patlang ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong paaralan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ako si (1). Ako ay nag-aaral sa (2). Ito ay matatagpuan sa (3). Ang mga bahagi ng paaralan na mayroon sa amin ay (4), _____, _____, _____, _____, _____,
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Gamit ang lapis, iguhit sa iyong sagutang papel ang iyong paaralan.
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang batay sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Ang _____ ay ang ating pangalawang tahanan. Dito natin natututuhan ang maraming bagay. Bilang isang _____, mahalaga na alam mo ang iba’t ibang bahagi ng iyong paaralan. Ang mga bahaging ito ay dapat panatilihing maayos at malinis upang ang mga mag-aaral na tulad mo ay makapag-aral nang mabuti.
[illustration: school building with flagpole; printed label “PAARALANG ELEMENTARYA”]
[illustration: four students standing together in a school hallway, one pointing toward the lockers]
Kapaligiran ng Aming Paaralan
Aralin
WEEKS 3-4
Ang magandang kapaligiran ng paaralan ay nakatutulong upang makapag-aral nang maayos ang mga mag-aaral.
Ang maluwag na silid-aralan ay angkop sa pag-aaral. Kailangan ding tahimik ang paligid ng paaralan. Ang maingay at magulong kapaligiran ay nakaaabala sa mga mag-aaral sa silid-aralan.
Mahalaga rin na malinis ang paligid ng paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na dulot ng maruming kapaligiran. Ang mga puno at halaman sa paligid ng paaralan ay nakatutulong ding mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Mahalaga ang kalinisan at katahimikan ng paaralan. Sa aralin na ito, matutukoy mo ang mga paraan upang mapanatili ang kalinisan at katahimikan ng paaralan.
[illustration: school building with flagpole; printed label “PAARALANG ELEMENTARYA”]
Ang magandang kapaligiran ng paaralan ay nakatutulong upang makapag-aral nang maayos ang mga mag-aaral.
Ang maluwag na silid-aralan ay angkop sa pag-aaral. Kailangan ding tahimik ang paligid ng paaralan. Ang maingay at magulong kapaligiran ay nakaaabala sa mga mag-aaral sa silid-aralan.
Mahalaga rin na malinis ang paligid ng paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na dulot ng maruming kapaligiran. Ang mga puno at halaman sa paligid ng paaralan ay nakatutulong ding mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isulat ang Tama kung ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng tamang gawain sa paaralan. Isulat ang Mali kung ang sumusunod na larawan ay mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- _____ 1. [illustration: two children opening a window beside a door]
- _____ 2. [illustration: three children sitting at a table with hands folded]
- _____ 3. [illustration: a child wiping chairs and a child sweeping the floor of a classroom]
- _____ 4. [illustration: a child throwing litter near a door]
- _____ 5. [illustration: two children sweeping and carrying a trash bin in front of a school building]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Piliin sa mga katapat na larawan ang magiging epekto ng mga pagkilos sa unang larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: classroom with a child cleaning chairs and sweeping the floor]
- A. [illustration: clean classroom with three chairs and no litter]
- B. [illustration: classroom with three chairs and scattered litter on the floor]
[illustration: two children running in front of a building with windows and a door]
- A. [illustration: a child with a book falling near a building]
- B. [illustration: two children standing with books near a building]
[illustration: school building with flagpole and a child running; litter on the ground]
- A. [illustration: school building with flagpole and clean ground with a path]
- B. [illustration: school building with flagpole and scattered litter on the ground]
[illustration: a child picking up litter near a door]
- A. [illustration: area near a door and windows with a clean ground]
- B. [illustration: area near a door and windows with scattered litter]
[illustration: a child talking with another child beside a building]
- A. [illustration: a child holding a book and another child at a building]
- B. [illustration: a child holding its head beside a building with books falling]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng isang larawan na magagawa mo upang mapanatili ang kalinisan ng inyong paaralan.
[illustration: empty frame for the student’s drawing]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Kopyahin at piliin sa mga salitang nasa kahon ang angkop na salita na tutugma sa mga patlang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Mga salita sa kahon: paaralan, kalinisan, tahanan, pag-iingay, katahimikan
Ang aking (1)_____ ay ang aking pangalawang (2). Pananatilihin ko ang (3) sa kapaligiran nito. Iiwasan ko ang (4_______ upang mapanatili ang (5)_____ sa paaralan upang kami ng aking mga kamag-aral ay makapag-aral nang may buong husay.
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang batay sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Ang malinis at tahimik na _____ ng paaralan ay makatutulong sa mahusay na pag-aaral ng mga _____. Kaya naman panatilihin natin na malinis, maayos at tahimik ang kapaligiran ng ating paaralan.
[illustration: school yard with a dog, flowers, trees, a hill, and four students standing in front of a school building]
Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan
WEEK 5
Aralin
Maraming tao na may iba’t ibang tungkulin ang bumubuo sa ating paaralan. Sa araling ito, makikilala mo ang mga bumubuo sa isang paaralan.
Ang paaralan ay binubuo ng mga mag-aaral, guro, librarian, punongguro, nars at doktor, guwardya, janitor, at tindera o tindero sa kantina.
[illustration: row of school workers including a teacher at a board showing a multiplication problem, a principal at a desk labeled “PRINCIPAL”, a nurse and a doctor, a guard, a janitor holding a broom, and a canteen vendor at a counter]
Ang mga mag-aaral na katulad mo ay ang mga nag-aaral bumasa, sumulat at bumilang sa loob ng silid-aralan.
Ang guro ang siyang nagtuturo sa mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
Ang punongguro ang pinuno ng paaralan. Siya ang gumagabay sa mga guro upang magampanan nila ang maayos na pagtuturo.
Ang librarian ay ang tagapangasiwa sa silid-aklatan.
Ang nars at doktor ang siyang gumagamot sa mga mag-aaral na nagkakasakit. Marami silang alam sa pagbibigay ng paunang lunas sa karamdaman.
Ang guwardiya ang nagpapanatili ng kaligtasan ng mga bata sa paaralan.
Ang janitor naman ang naglilinis ng paaralan. Minsan siya rin ang nagdidilig ng mga halaman sa paaralan.
Ang mga tindero o tindera ang nagluluto ng pagkain at nagpapanatili na malinis at masustansiya ang mga makakain ng mga mag-aaral sa kantina tuwing recess.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Siya ang nagpapanatili ng kaligtasan ng mga bata sa paaralan.
- A. Tagaluto sa kantina C. Janitor
- B. Guwardiya D. Mag-aaral
Siya ang nagtuturo sa mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
- A. Guro C. Librarian
- B. Punongguro D. Guwardiya
Siya ang pinuno ng paaralan.
- A. Janitor C. Punongguro
- B. Mag-aaral D. Guro
Sila ang gumagamot sa mga mag-aaral na nagkakasakit.
- A. Librarian C. Guro
- B. Nars at Doktor D. Tindero o tindera sa kantina
Siya ang nagpapanatili na malinis at masustansiya ang mga makakain ng mga mag-aaral sa kantina tuwing recess.
- A. Mag-aaral C. Janitor
- B. Guro D. Tindero o tindera sa kantina
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Piliin sa kahon kung sino ang nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
mag-aaral guro librarian tindero o tindera janitor
- [illustration: a person reaching into a tall bookshelf holding a book]
- [illustration: a person with a broom sweeping leaves in front of a school building with a flag]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang pahayag at ekis (x) kung mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Ang guwardiya ang siyang nagtuturo sa mga mag-aaral kung papaano magbasa, magsulat, at magbilang.
_____ 2. Ang janitor ang siyang naglilinis ng paaralan.
_____ 3. Ang tindera o tindero ng kantina ang siyang nagpapanatili na malinis at masustansiya ang mga makakain ng mga mag-aaral sa kantina tuwing recess.
_____ 4. Ang punongguro ang siyang gumagabay sa mga guro upang magampanan nila ang maayos na pagtuturo.
_____ 5. Ang nars at doktor ang siyang gumagamot sa mga mag-aaral na nagkakasakit.
- [illustration: a woman in an apron holding a bowl, with a basket of food and triangular snacks on the floor]
- [illustration: a teacher pointing to a math problem “2+3=” on a blackboard, with students seated in front]
- [illustration: three students eating at desks in a canteen]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa tulong ng iyong magulang o nakatatandang miyembro ng inyong pamilya, isulat sa patlang ang mga pangalan ng mga taong bumubuo ng inyong paaralan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ako si ________ . Ako ay nasa unang baiting na. Ang aking guro ay si __________ . Ang punongguro ng aming paaralan ay si _________.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Kung sasali ka sa isang dula at gaganap bilang isa sa mga taong bumubuo ng iyong paaralan, sino sa mga taong bumubuo ng inyong paaralan ang nais mong gampanan? Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Ang mga taong bumubuo sa paaralan ang siyang nagbibigay kahulugan dito. Mahalaga na alam mo kung sino-sino ang mga taong bumubuo sa inyong paaralan.
[illustration: a row of school people: a nurse, a guard, a janitor with a broom, a canteen worker holding a bowl, a girl, a teacher at a blackboard showing a multiplication problem, and a principal seated at a desk labeled “PRINCIPAL”]
WEEK 6
Ang Halaga ng Aming Paaralan
Aralin
Mahalaga ang paaralan dahil dito tayo natututo ng iba’t ibang kaalaman at nahuhubog upang maging mabuting mamamayan.
Sa aralin na ito, matutuklasan mo ang kahalagahan ng paaralan.
Napakahalaga ng ating paaralan. Dito natin natututuhan ang iba’t ibang aralin tulad ng matematika, kalusugan at agham.
Sa paaralan din natin matututuhan ang magandang asal at mabuting pag-uugali. Dito rin tayo magkakaroon ng mga kaibigan.
Mahalaga ang pag-aaral upang tayo ay lumaking mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan. Mahalaga ito para sa pag-unlad ng ating kinabukasan.
[chart: illustration of a school building labeled “PAARALANG ELEMENTARYA”, with a flagpole, a globe, books, a pencil writing “abcde”, the equation “2 + 3 = 5”, and three children standing and gesturing]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isulat ang Tama kung tama ang pangungusap, at Mali naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang paaralan ay mahalaga upang marami tayong matutuhang mga aralin.
Sa paaralan hindi tayo magkakaroon ng iba pang mga kaibigan.
Sa paaralan natin matututuhan ang pakikipagkaibigan, pakikipagkapuwa tao, at pakikipagtulungan.
Ang bawat bata ay dapat na nag-aaral sa paaralan.
Ang mga natutuhan sa paaralan ay magagamit ng isang bata hanggang sa kaniyang paglaki.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Piliin sa Hanay B ang tamang salita na kokompleto sa mga pangungusap sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Sa paaralan natin natututuhan ang iba’t-ibang aralin tulad ng ________, ________, ________, ________, ________. | a. kaalaman |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 2. Mahalaga na tayo ay may alam sa iba’t ibang aralin upang dumami ang ating mga ___________. | b. magandang kinabukasan |
| 3. Sa paaralan din natin matututuhan ang ________ at mabuting pag-uugali. | c. matematika, kalusugan, at agham |
| 4. Mahalaga ang pag-aaral para sa ating ___________. | d. pag-unlad |
| 5. Mahalaga ang pag-aaral sa _________ ng ating kinabukasan. | e. magandang asal |
[transcriber’s note: Hanay B items are placed beside the Hanay A rows they appear next to in the printed layout]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Lagyan ng ☺ ang patlang kung ito ay tamang gawain ng isang mag-aaral at ☹ naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________1. Ayaw pumasok ni Josh sa paaralan.
__________2. Si Patricia ay laging nakikinig sa kanyang guro.
__________3. Si Lito ay mahilig magbasa ng mga aralin.
__________4. Hindi ginagawa ni Hannah ang kanyang mga takdang-aralin.
__________5. Nagpapatulong si Nica sa kaniyang guro upang maunawaan ang mga aralin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Isulat sa loob ng bilog ang isang mabuting katangian ng iyong guro sa inyong paaralan na nais mong tularan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: empty circle for writing the answer]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Isulat sa loob ng kahon ang mga mabuting katangian ng isang batang nag-aaral sa paaralan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: empty rectangular box for writing the answer]
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang batay sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Mahalaga na ang bawat _________ ay makapag-aral sa ___________. Dito mo matututuhan ang maraming bagay sa iyong paligid.
Sa paaralan mo matututuhan ang iba’t ibang bagay tulad ng pagsusulat, pagbabasa at pagguhit. Dito rin tayo maaaring magkaroon ng mga _____________.
Sa paaralan mahuhubog ang ating pagiging mabuting mamamayan at kapuwa.
[illustration: school building with flagpole, labeled “PAARALANG ELEMENTARYA”]
[illustration: three children standing together with arms raised]
[illustration: group of four students in school uniforms, standing and smiling]
WEEK 7
Ang Halaga ng Aming Paaralan
Aralin
May iba’t—ibang alituntunin na dapat nating sundin sa loob at labas ng ating paaralan. Sa araling ito, matutukoy mo ang mga alituntunin sa silid-aralan at sa paaralan.
Tulad sa ating tahanan, may mga alituntunin tayong kailangang sundin sa paaralan. Ang mga ito ay binuo upang mapanatili ang kaayusan sa paaralan.
[illustration: clock; a boy reading a book at a desk; a teacher with a student who raises a hand and says “Ma’am, maaari po bang lumabas?”; a sign reading “OBSERVE SILENCE”; a boy raising his hand]
Para sa mabuting pag-aaral, karaniwang dapat sundin sa isang silid-aralan ang sumusunod:
- Pagsunod sa mga itinakdang oras tulad ng oras ng pagpasok at oras ng recess
- Pakikibahagi sa mga aralin at talakayan
- Pagtupad sa iniatas na gawain
- Pagpapanatili sa katahimikan
Sa loob at labas ng silid-aralan, karaniwang alituntunin sa isang paaralan ang sumusunod:
- Pagpapakita ng kagandahang asal
- Pagsusuot ng angkop na uniporme
- Pagpapanatili ng kalinisan
Ang mga alituntunin na ito ay dapat sundin upang mapanatili ang kaayusan sa ating paaralan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isulat ang Opo kung ang pangungusap ay alinsunod sa alituntunin sa loob ng silid-aralan at Hindi po naman kung ito ay hindi alinsunod sa alituntunin sa loob ng silid-aralan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Kumakain si Jeff sa itinakdang oras ng recess.
_____2. Nakikipagkwentuhan si Nena habang nagtuturo ang kanilang guro.
_____3. Lumabas si Erica sa silid-aralan nang walang pahintulot ng kanilang guro.
_____4. Hindi ginawa ni Andrei ang kanilang takdang aralin.
_____5. Nakikilahok si Marie tuwing oras ng talakayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba, piliin ang tamang letra na dapat mong gawin sa pagsunod sa alituntunin ng inyong paaralan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: a girl kicking a paper on the ground in front of a school building]
- A. Sisipain ang papel palayo.
- B. Dadamputin ang papel at itatapon sa tamang basurahan.
[illustration: a teacher greeting a pupil in front of a school building]
- A. Babatiin ang guro ng magandang araw.
- B. Dederetso ng lakad.
[illustration: pupils sweeping and cleaning a classroom]
- A. Uuwi agad sa bahay.
- B. Tutulong sa paglilinis ng silid-aralan.
[illustration: a boy with his uniform unbuttoned, looking surprised]
- A. Ibubutones ang uniporme.
- B. Hahayaang nakabukas ang uniporme.
[illustration: two pupils in a classroom while a teacher stands nearby]
- A. Lalabas ng silid-aralan at maglalaro.
- B. Hihintayin hanggang makabalik ang kanilang guro.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Iguhit ang ○ kung dapat gawin sa paaralan ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit naman ang △ kung hindi dapat gawin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Makikilahok ako sa mga pangkatang gawain.
_____ 2. Aalisin ko ang aking name plate at identification card kung wala namang gurong nakatingin.
_____ 3. Makikinig ako sa mga itinuturo sa amin ng aming guro.
_____ 4. Pupulutin ko ang kalat na makikita ko sa pasilyo.
_____ 5. Babatiin ko ang aking guro tuwing makakasalubong ko siya sa labas ng silid-aralan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Isulat sa Bilog A ang dapat mong gawin upang makasunod sa alituntunin ng inyong silid-aralan. Isulat naman sa Bilog B ang mga hindi dapat ginagawa dahil labag ito sa alituntunin ng silid-aralan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[chart: diagram; two empty circles side by side labeled “A” and “B” for Gawain sa Pagkatuto Bilang 4]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Iguhit ang isang pangyayari sa inyong paaralan na nagpapamalas ng iyong pagsunod sa alituntunin ng inyong paaralan. Maaring magpatulong sa mga magulang sa pagguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: empty box for the learner’s drawing]
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang
Kopyahin ang talata at punan ang mga patlang batay sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Ang mga _____________ sa silid-aralan at sa paaralan ay binuo upang makapag-aral nang maayos ang mga mag-aaral. Ang pagsunod sa mga alituntunin na ito ay isang katangian ng isang mabuting _________. Kaya naman, sikapin mong sumunod sa mga alituntunin ng iyong _____________.
[illustration: school building labeled “PAARALANG ELEMENTARYA” with flagpole]
[illustration: clock; a boy reading a book at a desk; a teacher with a student who raises a hand and says “Ma’am, maaari po bang lumabas?”; a sign reading “OBSERVE SILENCE”; a boy raising his hand]
[illustration: a girl with pigtails standing in a school uniform]
WEEK 8
Brigada Eskwela sa Aming Paaralan
Aralin
Mahalagang makilahok ang bawat mag-aaral sa mga aktibidad ng kaniyang paaralan.
Sa aralin na ito, malalaman mo ang gawain at aktibidad sa pagpapahalaga sa paaralan.
Tuwing bago sumapit ang araw ng pagbubukas ng klase, may isang nakagawiang aktibidad ang bawat pampublikong paaralan na kung tawagin ay Brigada Eskwela.
Ang Brigada Eskwela ay pinamumunuan ng mga guro at iba pang opisyales ng paaralan. Sa aktibidad na ito, nagsasama-sama ang mga guro, magulang at bawat mag-aaral sa paaralan at boluntaryong nagtutulong-tulong sa paglilinis ng paaralan, nag-aayos ng mga silid-aralan, at naghahanda ng mga ito para sa darating na pasukan.
[illustration: school building with flagpole and clock; people sweeping, planting, and cleaning the schoolyard; a teacher standing and a parent and child watching]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Isulat ang Tama kung ang sumusunod na pahayag ay tama, at Mali naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Tuwing Brigada Eskwela, abala si Tonyo sa pakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
_____ 2. Si Jesse naman ay masayang tumutulong sa kaniyang mga guro sa paglilinis ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
_____ 3. Pumupunta si John sa paaralan tuwing Brigada Eskwela at nakikipaglaro sa kaniyang mga kamag-aral.
_____ 4. Si Berto naman ay masigasig na nagbubunot ng damo sa paligid ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
_____ 5. Mahilig namang magpulot ng natuyong dahon si Pedro sa paligid ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Magpakuwento sa iyong magulang o nakatatandang kasama sa bahay tungkol sa mga ginagawa sa Brigada Eskwela upang malaman mo ang iba’t ibang gawain ukol dito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Kopyahin at piliin sa kahon ang angkop na salita na tutugma sa mga patlang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Brigada Eskwela pasukan kalinisan makikilahok mag-aaral
Bago magsimula ang _______, ang mga ________ ay inaasahan na __________ sa taunang _____________. Ito ay isinasagawa upang mapanatili ang ________ ng paaralan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Gamit ang iyong lapis, iguhit sa iyong sagutang papel, ang iyong sarili kasama ng iba pang mga kamag-aral na nagpapakita ng pagtulong sa Brigada Eskwela.
[illustration: empty bordered box for the learner’s drawing]
Ang Brigada Eskwela ay isa lamang sa mga aktibidad upang mapangalagaan ang paaralan. Ang mga mag-aaral ay inaasahang magiging aktibo sa pagtulong at paglahok sa mga aktibidad tulad nito upang maipakita ang pagpapahalaga sa ating paaralan.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down. The answers below are listed by week in the order they appear on the page; the pairing of some answers to their activity labels is approximate.]
Week 1-2
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.c 2.e 3.b 4.a 5.d
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1. Silid-aralan 2. Silid-aklatan 3. Palikuran 4. Klinika 5. Kantina
Week 3-4
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.mali 2.tama 3.tama 4.mali 5.tama
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1.c 2.b 3.a 4.a 5.d
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1. Silid-aralan 2. Silid-aklatan 3. Palikuran 4. Klinika 5. Kantina
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.b 2.a 3.c 4.b 5.d
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguguhit ng bata ang kaniyang paraan upang mapanatili ang kalinisan ng kaniyang paaralan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1.a 2.a 3.b 4.a 5.b
Week 5
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1.x 2./ 3./ 4./ 5./
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1. Librarian 2. Janitor 3. Tindero o tindera sa kantina 4. Guro 5. Mag-aaral
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Impormasyon tungkol sa mag-aaral at sa kaniyang paaralan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Guhit ng larawan ng mag-aaral sa paaralan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: 1. paaralan 2. tahanan 3. kalinisan 4. pag-iingay 5. katahimikan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: 1. paaralan 2. kapaligiran 3. Kalinisan 4. Pag-iingay 5. katahimikan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Iguguhit ng bata ang isa sa mga taong bumubuo ng kanilang paaralan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isusulat ng bata ang pangalan ng taong bumubuo sa kaniyang paaralan.
Susi sa Pagwawasto
Week 5 (continued)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.tama 2.mali 3.tama 4.tama 5.tama
Week 6
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1. 2. 3. 4. 5. [illustration: smiley faces, one per item, as printed]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1.c 2.a 3.e 4.b 5.d
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.opo 2.hindi po 3.hindi po 4.hindi po 5.opo
Week 7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1. 2. 3. 4. 5. [illustration: circle and triangle shapes, one per item, as printed]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: 1.b 2.a 3.b 4.a 5.b
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ang sagot ay batay sa natutuhan ng mag-aaral
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang sagot ay batay sa natutuhan ng mag-aaral
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang sagot ay batay sa natutunan ng mag-aaral
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Guguhit ang bata ng isang pangyayari kung saan ipinamalas niya ang kaniyang pagsunod sa alituntunin ng kanilang paaralan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.mali 2.tama 3.mali 4.tama 5.tama
Week 8
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1. Pasukan 2. Mag-aaral 3. Makilahok 4. Brigada Eskwela 5. Kalinisan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Magpapakuwento sa magulang o nakatatandang kapatid
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Guhit ng larawan ng mag-aaral kasama ang kaniyang kamag-aral habang tumutulong sa Brigada Eskwela.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ang bata ay magsasagawa ng paglilinis sa kanilang tahanan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 1.mali 2.tama 3.mali 4.tama 5.tama
Gawain sa Pagkatuto
Week 1–4
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Week 5–8
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
[illustration: two learners reading a book, decorative]
☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Diwa Learning Systems, Inc. Pagsulong at Pagbabago: Sarili, Pamilya at Paaralan (2013)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply