Physical Education 3 Quarter 1 Module 4: Let’s Move and Be Flexible!

Grade 3 PE Quarter 1 Module 4 self-learning module on upper and lower body flexibility exercises, stretching, and good posture, with answer key.

This is the Physical Education self-learning module for Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Let’s Move and Be Flexible!” It is written in Filipino for learners studying at home with a parent or guardian, under DepEd’s Alternative Delivery Mode. Learners practice flexibility exercises (stretching and bending) for the upper and lower body and learn how these exercises help them keep good posture.

On this page 8 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  1. Perform body shapes and actions (PE3BM-Ic-d-15)
  2. Show movement skills in response to sounds and music (PE3MS-Ia-h-1)
  3. Take part in fun and enjoyable physical activities (PE3PF-Ia-h-16)

Lessons in this module

  • Aralin 1 – Flexibility Exercises: Builds on the sitting flexibility exercises from the previous module and introduces stretches for the upper body and the lower body.
  • Aralin 2 – Flexibility Exercises: Wastong Postura (flexibility exercises: correct posture): Shows more everyday stretches and explains how a flexible body helps a person keep good posture, which affects physical health.

Key ideas: what flexibility is

The module defines kalambutan (flexibility) as a person’s ability to bend and stretch without getting hurt. It is also described as the ability to move the muscles and joints. Flexibility can be improved by stretching every day.

According to the module, being flexible:

  • helps with daily tasks and household chores
  • helps prevent injuries, as long as the exercises are done correctly
  • helps a person keep good posture (wastong tikas or wastong postura) at all times

The lessons begin with a short story, “Ang Magkakaibigan” (The Friends), about Kevin, Aileen, Editho, and Ange, who practiced flexibility exercises together in the gym for a group performance task and earned the highest grade in class.

Exercises in Lesson 1

Most stretches in Lesson 1 are held for ten seconds and then repeated on the other side.

Upper body

  • Shoulder and Chest Stretching: Kneel, clasp both hands behind your back, straighten your arms, then bend your body forward with your arms raised.
  • Arm Across Chest Stretch: Stand straight, bring the right arm across the chest, hold the right elbow with the left hand, and pull the arm toward the chest.
  • Triceps Stretch: Stand straight, place the right hand behind your back, hold the right elbow with the left hand, and pull the elbow toward the head.

Lower body

  • Standing Calf Stretch: Put both hands on a wall, keep the right leg behind, bend the left leg forward, then push against the wall and stretch the right leg.
  • Adductor Stretch: Stand straight with the left foot stretched out, slowly lower your body to stretch the left leg, and reach for it with your hand.
  • Standing Quadriceps Stretch: Stand on the left leg, hold the other heel, and pull it up toward your buttocks. You may hold a wall for balance.

Exercises in Lesson 2

Lesson 2 presents exercises that can be done every day to keep the body in good condition:

ExerciseHow to do it
Seated LSit with one leg straight and the other bent, foot against the inside of the straight leg; reach both hands toward the foot or ankle of the straight leg, then switch legs.
Seated StraddleSit with legs spread out; reach for one foot or ankle with both hands, then the other.
Seated toe touchSit with legs straight; slowly reach for and hold your feet or ankles with both hands.
Bear HugStand with hands on your waist, step forward with the right foot, wrap your arms under the right thigh, release, and repeat with the left foot.
Crossed-Leg-StretchSit cross-legged, slowly lean forward, and stretch your arms toward the floor.
Run/March in PlaceLift the right knee while swinging the left arm, then switch.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts: a pretest (Subukin), a review (Balikan), an opening activity (Tuklasin), the discussion (Suriin), practice activities (Pagyamanin), a summary (Isaisip), an application task (Isagawa), and a final test (Tayahin). An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.

  • Learners: Answer on a separate sheet of paper or in your notebook, not in the module, so it can be used again. Do the exercises carefully and slowly, and for one week, keep track in your notebook of how long you do each flexibility exercise.
  • Parents and guardians: Guide your child through the stretches, which the module asks learners to do with a parent, sibling, or caregiver. In one activity, the child stretches while singing “Kung Ikaw ay Masaya” (If You’re Happy), which supports the competency on moving to music. The Isagawa task asks your child to pick up trash, fix the curtains, and catch or pass objects; it is rated 5 points if done without help, 3 points with a parent’s help, and 1 point if not done.
  • Teachers: Remind learners that stretching done correctly prevents injury and helps posture. Use the pretest results to see who needs more help, and contact learners who have trouble understanding the lessons.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this PE module for?

It is for Grade 3 Physical Education, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4, titled Let’s Move and Be Flexible!

What are the lessons in this module?

There are two lessons: Aralin 1, Flexibility Exercises, and Aralin 2, Flexibility Exercises: Wastong Postura (correct posture).

What does kalambutan or flexibility mean in the module?

The module defines flexibility as a person’s ability to bend and stretch without getting hurt, or the ability to move the muscles and joints. It can be improved by stretching every day.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, and final test, and notes that answers to some activities may vary.

What competencies does the module cover?

It covers performing body shapes and actions (PE3BM-Ic-d-15), showing movement skills in response to sounds and music (PE3MS-Ia-h-1), and taking part in fun physical activities (PE3PF-Ia-h-16).

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Physical Education Unang Markahan – Modyul 4: Let’s Move and Be Flexible!

CO_Q1_PE 3_Module 4

[illustration: students studying outdoors under a tree, a teacher with a student at a desk, a child with a lantern and paper, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Physical Education – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Let’s Move and Be Flexible! Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: An-Jean V. Naraga Editor: Flordeliza F. Atillo Tagasuri: Marivic Arro, Marciano Canillas, Alexandre S. Fernandez Jr., Alemer Veloso, Junelda A. Jauod, Gloria C. Sabanal, Glofer Jane T. Ubando, Christopher U. Gonzales, Rolibeth M. Labadia, Ranchille E. Jacobe Tagaguhit: Daryl Louie S. Onlayao, Michael A. Moneba Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Reynaldo M. Guillena, Mary Jeanne B. Aldeguer, Alma C. Cifra, Analiza C. Almazan, Aris B. Juanillo, Ma. Cielo D. Estrada, Fortunato B. Sagayno, Jeselyn B. dela Cuesta, Elsie E. Gagabe

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

3

Physical Education Unang Markahan – Modyul 4: Let’s Move and Be Flexible!

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang maisagawa ang mga hugis at kilos ng katawan. Saklaw ng module na ito ay mga gawain na magagamit sa pang araw-araw at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang mga aralin ng modyul na ito ay dapat mong malaman at maisagawa bilang isang mag-aaral. Ito ay inayos at batay sa mga bagay na dapat mong matutuhan.

Ang modyul ay nahahati sa dalawang mga aralin:

  • Aralin 1 – Flexibility Exercises
  • Aralin 2 – Flexibility Exercises: Wastong Postura

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:

  1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15);
  2. nagpapakita ng mga kasanayan sa paggalaw bilang pagtugon sa mga tunog at musika (PE3MS-Ia-h-1); at
  3. nakikibahagi sa masaya at kasiya-siyang pisikal na mga aktibidad (PE3PF-Ia-h-16).

Subukin

Tukuyin ang mga larawan kung ito ay nagpapakita ng kalambutan o pag-uunat at lagyan ng tsek (/) ang kolum na katapat ng Oo o Hindi.

GawainOoHindi
1. [illustration: boy sitting with legs stretched out in front, reaching forward]
2. [illustration: person with hands behind head and back, bending sideways]
3. [illustration: school building with students walking in front of it]
4. [illustration: boy kneeling and turning his head and upper body to the side]
5. [illustration: boy standing and pulling one arm across his chest]

Aralin 1: Flexibility Exercises

Natutuhan mo sa nakaraang modyul ang mga ehersisyong kalambutan sa posisyon ng pag-upo. Ngayon naman ay kilalanin ang iba pang mga flexibility exercises na maaaring gawin.

Balikan

Tukuyin ang uri ng flexibility exercises sa posisyon ng pag-upo batay sa mga larawan na ipinakita sa ibaba. Hanapin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa papel.

Static Dynamic

_____1. [illustration: girl sitting with legs straight, leaning forward to touch her feet; arrows show the movement]

_____2. [illustration: girl sitting with legs straight, bending forward toward her feet]

_____3. [illustration: boy sitting with legs apart, one leg bent and hands on the floor]

_____4. [illustration: boy sitting with legs crossed, leaning forward]

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral na ang kalambutan at pag-unat ay mga kilos na nakapagpapahusay sa kalambutan ng katawan. Maiiwasan ang sakuna kung maisasagawa ito ng wasto. Ito ay nakakatulong sa paggawa ng mga gawaing bahay at naiiwasang magkaroon ng sugat sa katawan. Sa huli, ang taong may malambot na pangangatawan ay makatitiyak na may wastong tikas sa lahat ng oras.

Tuklasin

Basahin ang kuwento sa ibaba.

Ang Magkakaibigan

May apat na magkakaibigan na sobrang aktibo sa kanilang asignaturang Physical Education. Sila ay sina Kevin, Aileen, Editho at Ange. Masaya silang nag-eensayo sa mga ehersisyo sa kalambutan ng katawan sa gym para sa kanilang performance task bilang isang grupo. Kaya naman, sila ang may pinakamataas na marka sa lahat ng pangkat sa kanilang klase.

[illustration: four students stretching in a gym, one with a leg raised, one reaching toward the ground, and others with arms extended]

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

  1. Sino-sino ang magkakaibigan?
  2. Saan sila nag-eensayo?
  3. Ano ang naging resulta ng kanilang pag-eensayo?

Suriin

Ang kalambutan (flexibility) ay kakayahan ng isang tao na mabaluktot (bend) at makapag-unat (stretch) nang hindi nasasaktan ang sarili. Ito ay nakakatulong sa paggawa ng mga gawaing bahay at naiiwasang magkaroon ng sugat sa katawan. Sa huli, ang taong may malambot na pangangatawan ay makatitiyak na may wastong tikas sa lahat ng oras.

Ang kakayahang pagalawin ang mga kalamnan at kasukasuan ay tinatawag na kalambutan (flexibility). Maaaring pagbutihin ang kalambutan sa pamamagitan ng pag-uunat araw-araw. Ang kalambutan ay makatutulong sa isang tao na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain.

Maaaring mag-ehersisyo gamit ang itaas at ang ibabang bahagi ng katawan.

Upper Flexibility Exercise
A. Shoulder and Chest Stretching
  1. Lumuhod sa sahig.
  2. Ilagay ang iyong dalawang kamay sa likod at hawakan ito ng mahigpit.
  3. Ituwid ang iyong mga braso.
  4. Ibaluktot ang iyong katawan paharap habang naka-itaas ang dalawang braso. Gawin ito ng sampung segundo.

[illustration: boy kneeling and stretching forward with arms raised behind the head]

B. Arm Across Chest Stretch
  1. Tumayo nang matuwid.
  2. Ilagay ang kanang braso sa kabilang dako ng iyong dibdib.
  3. Ilagay naman ang iyong kaliwang kamay sa kanang siko.
  4. Hilahin ang kanang kamay patungo sa harap ng dibdib. Huwag munang gumalaw ng sampung segundo.
  5. Gawin ang una hanggang ika-apat na hakbang gamit ang isang braso.

[illustration: boy standing with one arm pulled across the chest]

C. Triceps Stretch
  1. Tumayo nang matuwid.
  2. Ilagay ang kanang kamay sa iyong likod.
  3. Ilagay ang kaliwang kamay sa kanang siko.
  4. Hilahin ang kanang siko patungo sa ulo. Huwag munang gumalaw at gawin ito ng sampung segundo.
  5. Gawin ang una hanggang ika-apat na hakbang gamit ang isang braso.

[illustration: boy standing with back view, one hand behind the head and elbow pulled]

Lower Body Flexibility Exercise
A. Standing Calf Stretch
  1. Ilagay ang dalawang kamay sa pader.
  2. Ang kanang binti ay dapat nasa likod.
  3. Baluktutin paharap ang kaliwang binti.
  4. Itulak ang pader at iunat ang kanang binti. Huwag munang gumalaw at gawin ito ng sampung segundo.
  5. Gawin ang una hanggang ika-apat na hakbang gamit ang isang binti.

[illustration: boy leaning on a wall with one leg stretched back]

B. Adductor Stretch
  1. Tumayo nang matuwid habang nakaunat ang kaliwang paa.


  2. Dahan-dahang umupo para maunat ang iyong kaliwang binti.


  3. Unatin ang binti habang inaabot ito gamit ang kamay at huwag munang gumalaw at gawin ito ng sampung segundo.


  4. Gawin ang una hanggang ikatlong hakbang gamit ang isang binti.


[illustration: boy seated with one leg stretched out, reaching toward the foot]

C. Standing Quadriceps Stretch
  1. Tumayo gamit ang kaliwang binti.
  2. Hawakan ang iyong sakong at hilahin ito paitaas patungo sa iyong puwet. Huwag munang gumalaw at gawin ito ng sampung segundo.
  3. Pwede mong ilagay ang iyong kanang kamay sa pader para magkaroon ng balanse.
  4. Gawin ang una hanggang ikatlong hakbang gamit ang isang binti.

[illustration: boy standing on one leg, holding the other heel up toward the buttocks, with one hand on a wall]

Pagyamanin

Aktibity 1: Sa patnubay ng iyong magulang, kapatid o tagapagalaga, isasagawa mo ang mga upper at lower body flexibility exercises na tinalakay sa “Suriin”. Gawin ito sa loob ng walong bilang.

Upper Flexibility Exercises
  1. Shoulder and Chest Stretching

[illustration: boy kneeling and stretching forward with arms raised behind the head]

  1. Arm Across Chest Stretch (Gawin ito sa kaliwa at kanang kamay)

[illustration: boy standing with one arm pulled across the chest]

  1. Triceps Stretch (Gawin sa Kaliwa at Kanang Kamay)

[illustration: boy standing with back view, one hand behind the head and elbow pulled]

Lower Body Flexibility Exercise
  1. Standing Calf Stretch (Gawin sa kaliwa at kanang paa)

[illustration: boy leaning on a wall with one leg stretched back]

  1. Adductor Stretch (Gawin sa kaliwa at kanan)

[illustration: boy seated with one leg stretched out, reaching toward the foot]

  1. Standing Quadriceps Stretch (Gawin sa kaliwa at kanang paa)

[illustration: boy standing on one leg, holding the other heel up toward the buttocks, with one hand on a wall]

Aktibity 2: Subukin mong gawin ang iba’t ibang mga flexibility exercises, pag-unat at pagbaluktot. Sa pagsasagawa nito, awitin ang “Kung Ikaw ay Masaya”.

“Kung Ikaw Ay Masaya”

Kung ikaw ay masaya, magstretching ka! (inatin ang katawan)
Kung ikaw ay masaya, magstretching ka! (inatin ang katawan)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, magstretching ka! (inatin ang katawan)

Kung ikaw ay masaya, mag-ehersisyo ka! (palakpak)
Kung ikaw ay masaya, mag-ehersisyo ka! (palakpak)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, mag-ehersisyo ka! (palakpak)

Iguhit ang [illustration: smiling face] kung Oo ang iyong sagot at [illustration: frowning face] naman kung Hindi. Ilagay sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Naisagawa mo ba nang maayos ang lahat ng gawain?
2. Naipakita mo ba ang iba’t ibang flexibility exercises?
3. Tama ba ang galaw ng iyong katawan habang ginagawa ang gawain?
4. Nasiyahan ka ba sa iyong ginawa?

Karagdagang Gawain

Subaybayan ang tagal ng paggawa mo ng iba’t ibang flexibility exercises sa loob ng isang linggo. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Aralin 2: Flexibility Exercises: Wastong Postura

Ang mga flexibility exercises ay nakakatulong upang magkaroon ng magandang postura. Ang pagkakaroon ng wastong postura sa lahat ng oras ay nakakaimpluwensya sa pisikal na kalusugan.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon beside the heading]

Iguhit ang [illustration: upward arrow symbol] kung napapabilang ba ang mga larawan sa Upper Flexibility Exercises at [illustration: downward arrow symbol] naman kung Lower Flexibility Exercises. Ilagay ang iyong sagot sa papel.

  1. [illustration: boy leaning on a wall with one leg stretched behind him]
  2. [illustration: boy with arms extended forward, bending at the waist]
  3. [illustration: boy with hands clasped behind his head, bending sideways]
  4. [illustration: boy seated with one leg bent, reaching toward his foot]
  5. [illustration: boy seated with legs spread, leaning forward to reach his feet]
Tuklasin

[illustration: sprouting-leaf icon beside the heading]

Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa ng mga bata? Kung sa tingin mo ay nag-eehersisyo sila, tama ka. Ngayon, kaya mo bang gayahin ang mga ginagawa ng mga bata?

[illustration: children doing exercises on a field in front of a school building, with a flag pole at the left]

Suriin

[illustration: magnifying-glass icon beside the heading]

Ang mga flexibility exercises ay malaking tulong upang mas maging malambot ang katawan. Ang taong may malambot na pangangatawan ay makatitiyak na may wastong postura sa lahat ng oras.

Narito ang ilan sa mga flexibility exercises na makakatulong para nasa maayos na kondisyon ng ating katawan na maaring gawin araw-araw.

A. Seated L
  1. Umupo sa sahig na may isang binti nang diretso habang ang isang binti ay nakabaluktot.
  2. Ang paa ay dapat nasa loob ng tuwid na binti.
  3. Ang bawat parehong kamay ay patungo sa sahig o bukung-bukong ng tuwid na paa. Hawakan ang paa.
  4. Ipagpalit ang mga binti at ulitin ang ginawa gamit ang kabilang binti.

[illustration: boy seated on the floor reaching toward one straight leg]

B. Seated Straddle
  1. Umupo sa sahig na nakalatag ang binti.
  2. Abutin ang paa o bukung-bukong gamit ang dalawang kamay.
  3. Hawakan at pagkatapos ay abutin naman ang kabilang paa gamit pa rin ng dalawang kamay.

[illustration: girl seated with legs spread wide, reaching toward her feet]

C. Seated toe touch
  1. Umupo sa sahig at ilatag ang mga binti ng diretso.
  2. Sa parehong dalawang kamay, dahan-dahang abutin ang mga paa o bukung-bukung.
  3. Hawakan ang mga paa o bukung-bukung.

[illustration: person seated with legs straight, hands holding the feet]

D. Bear Hug
  1. Tumayo nang tuwid at ilagay ang mga kamay sa baywang.
  2. Humakbang pasulong sa kanang paa at balutin ang mga bisig sa ilalim ng kanang hita.
  3. Pakawalan ang mga bisig at bumalik sa panimulang posisyon.
  4. Ulitin gamit ang kaliwang paa.

[illustration: person bending forward with arms wrapped around one bent leg]

E. Crossed-Leg-Stretch
  1. Umupo sa sahig na parang Indian Style
  2. Dahan-dahang sumandal pasulong.
  3. Unatin ang mga bisig patungo sa sahig.

[illustration: child seated cross-legged, leaning forward with arms stretched to the floor]

F. Run/March in Place
  1. Angatin ang kanang tuhod habang ginagalay ang kaliwang bisig.
  2. Ulitin ito gamit naman ang kaliwang tuhod at kanang bisig.

[illustration: child standing and lifting one knee high while swinging the opposite arm]

Pagyamanin

[illustration: ABC blocks icon beside the heading]

Aktibity 1: Gayahin mo ang ehersisyo na ipinapakita sa larawan.

[illustration: girl standing with arms across her chest, twisting at the waist] [illustration: girl bending forward with hands reaching toward her feet]

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa papel ang iyong sagot.

  1. Anong mga flexibility exercises ang iyong ginawa?
  2. Aling mga bahagi ng katawan ang gnamit mo sa unang larawan at pangalawa?
  3. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang ehersisyo?
  4. Aling bahagi ng iyong katawan ang naunat?
  5. Paano mapapabuti ng aktibidad na ito ang ang pagkakaroon ng wastong postura?
Aktibity 2: Magsanay ng isang flexibility exercise at sumunod sa mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa isang parte ng iyong bahay na pwede malakaran. Isagawa ang bawat hakbang na may bilang na apat.
  1. Umupo sa sahig na may isang binti nang diretso habang ang isang binti ay nakabaluktot.
  2. Ang paa ay dapat nasa loob ng tuwid na binti.
  3. Ang bawat parehong kamay ay patungo sa sahig o bukung-bukong ng tuwid na paa. Hawakan ang paa.
  4. Ipagpalit ang mga binti at ulitin ang ginawa gamit ang kabilang binti.
Isaisip

[illustration: light-bulb icon beside the heading]

Punan ang patlang ng pangungusap na nasa ibaba at piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa papel ang iyong sagot.

postura kalusugan flexibility pisikal nakakatulong

Ang mga _____ exercises ay _____ upang magkaroon ng magandang postura. Ang pagkakaroon ng wastong _____ sa lahat ng oras ay nakakaimpluwensya sa _____ na _____.

Isagawa

[illustration: wrench and nuts icon beside the heading]

Tayahin ang ginawang kilos sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa kahon sa ibaba ng angkop na mukha.

[transcriber’s note: the column headers above the three rating columns each have a smiley or frowning face icon, printed above the label text]

GawainPinakamahusayMahusayNahirapang tugunan ang mga inaasahan
1. Pulutin ang mga bagay gaya ng basura na nasa sahig.
2. Abutin ang kurtina sa bahay at ayusin ito.
3. Saluhin ang ibinigay na kendi ng iyong kapatid.
4. Ipasa ang papel nang patalikod sa iyong kapatid.
5. Ibaluktot ang katawan sa harap at likod.
PamantayanDeskripsyon
Pinakamahusay (5 puntos)Nagawa ang gawain nang walang tulong ng magulang.
Mahusay (3 puntos)Nagawa ang gawain sa tulong ng magulang.
Nahirapang tugunan ang mga inaasahan (1 puntos)Hindi nagawa ang gawain.

Tayahin

Tukuyin kung anong flexibility exercises ang ipinapakita sa mga larawan. Piliin ang sagot mula sa mga salitang nasa kahon. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Crossed-Leg-Stretch Adductor Stretch Seated Straddle Seated L Shoulder and Chest Stretching

  1. [illustration: boy in a kneeling position with his arm raised over his head, bending toward another figure]
  2. [illustration: child seated with knees bent, leaning forward]
  3. [illustration: figure seated with arms extended forward, holding one leg]
  4. [illustration: boy seated with one leg extended to the side, reaching toward his foot]
  5. [illustration: girl seated with both legs spread wide, stretching forward toward her feet]

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Subukin

Hindi Oo Hindi Oo Oo

Balikan

Static Static Dynamic Dynamic

Tuklasin
  1. Aileen, Kevin, Editho, Ange
  2. Gym
  3. Mataas na marka
Aralin 2
Balikan
Pagyamanin

Maaaring magkakaiba ang sagot.

Isaisip

flexibility nakakatulong postura pisikal kalusugan

Isagawa

Maaaring magkakaiba ang sagot.

Tayahin
  1. Shoulder and Chest Stretching
  2. Cross Leg Stretch
  3. Seated L
  4. Adductor Stretch
  5. Seated Straddle

Sanggunian

“Maintaining Good Posture,” American Chiropractic Association, accessed June 20, 2020, https://acatoday.org/content/posture-power-how-to-correct-your-body-alignment.

Jeffrey Raymon C. Abanto, and Mar Anthony S. dela Cruz, MAPEH WORKS 3. Makati, Philippines: Diwa Learning Systems, Inc.,2018

Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, and Sonny F. Meneses Jr., Music, Art, Physical Education and Health Kagamitang Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya Quezon: Book Media Press, Inc.,2017.

Rogelio F. Falcutila, John M. Cnavez, Rhodora B. Peña, and Corazon C. Flores, Music, Art, Physical Education, and Health Quezon: Book Media Press, Inc., 2013,297-299.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district