This is the self-learning module for Physical Education, Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2: “Halina’t Gumalaw!” (Come on, let’s move!). It was developed by DepEd Region XI as an Alternative Delivery Mode material, First Edition, 2020. It helps learners at home practice body shapes and movements, focusing on proper walking and proper standing.
On this page 8 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- perform body shapes and actions (naisasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan) (PE3BM-Ic-d-15);
- show movement skills in response to sounds and music (PE3MS-Ia-h-1); and
- take part in fun and enjoyable physical activities (PE3PF-Ia-h-16).
Lessons in this module
- Aralin 1 – Tamang Paglalakad (Proper Walking): Learners read a short story about siblings who walk to school, learn the correct way to walk, and practice walking slowly and quickly to a song.
- Aralin 2 – Tamang Pagtayo (Proper Standing): Learners learn why good standing posture matters, how to stand during the flag ceremony, and the benefits of standing straight.
Key ideas: proper walking
The module explains that walking is a natural movement we do almost every day, and that proper body movement is good for our health and builds good posture (tikas ng katawan). People walk at different speeds depending on the activity. For example, you walk fast when you are about to be late for class, and slowly during a gallery walk when you need to look at pictures.
The correct way to walk, according to the module:
- Both feet should be on the floor.
- The shoulders and back should be straight.
- The arms should move naturally while walking.
- Both feet should be on the floor before one foot steps forward again.
Two ways to practice good walking are shown: walking along a straight line, and walking straight with a book balanced on your head.
Key ideas: proper standing
Standing is one of the basic natural movements we do every day, supported only by the feet. Learners stand when lining up at the canteen, in the library, and at the flag pole. Standing properly can signal to the teacher that learners are ready for a school activity, especially the flag ceremony, and in PE it shows they are ready to exercise or play. A person who stands properly stays comfortable, does not get body pain after standing for a long time, and gains self-confidence.
During the flag ceremony, whether or not anyone is watching, learners should:
- Stand straight and place the right hand on the left chest.
- Face the flag.
- Stay still while the national anthem is played.
- Sing “Lupang Hinirang.”
The benefits of standing straight listed in the module are:
- less back pain;
- more self-confidence;
- more calories burned;
- better breathing; and
- less stress.
Activities in the module
- Subukin (pretest): Fill in the missing letters to name the body action shown in each picture.
- “Kung Ikaw ay Masaya”: A song sung to the tune of “If You’re Happy and You Know It,” where learners stand, walk slowly, walk fast, and clap along.
- Walking drills: Ten slow steps to the right and ten fast steps to the left, done four times; and a walking pattern at home with forward walks and turns, followed by a short honest self-check.
- Standing drills: Stand properly against a wall for two minutes, then without a wall for two minutes, and mark each with a star or a circle.
- Walking log: Record the times you walked slowly and quickly each day of the week.
- Art tasks: Collect dry leaves while walking properly, then draw and color them; and draw a child showing proper standing. Both are scored with a rubric for following directions, creativity, and neatness (5, 3, or 1 point).
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through each lesson in order. Do not write on the module; use a separate answer sheet or your notebook as each activity says. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and ask your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: Give your child a safe space at home to walk and stand during the activities, and help with the songs and drills. The module notes that a guide with tips for facilitators comes with it.
- Teachers: The teacher’s note reminds learners that besides body shapes, they can also do actions such as walking, standing, and sitting. Use the pretest results to see who needs extra help, and use the rubrics for the drawing tasks.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this PE module for?
It is for Grade 3 Physical Education, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2, titled Halina’t Gumalaw!
What lessons does the module cover?
It has two lessons: Aralin 1, Tamang Paglalakad (proper walking), and Aralin 2, Tamang Pagtayo (proper standing).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and most activities, while open-ended tasks note that answers may vary.
What is the correct way to walk according to the module?
Keep both feet on the floor, keep your shoulders and back straight, let your arms swing naturally, and have both feet on the floor before stepping again.
How should learners stand during the flag ceremony?
Stand straight with the right hand on the left chest, face the flag, stay still while the national anthem plays, and sing Lupang Hinirang.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Physical Education Unang Markahan – Modyul 2: Halina’t Gumalaw!
[illustration: children reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a boy writing with a lamp, and a globe]
CO_Q1_PE 3_Module 2
Physical Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Halina’t Gumalaw! Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: An-Jean V. Naraga
Editor: Flordeliza F. Atillo
Tagasuri: Marivic Arro, Glofer Jane T. Ubando, Christopher U. Gonzales, Gloria C. Sabanal, Ranchille E. Jacobe
Tagaguhit: Isagani M. Cagaanan
Tagalapat: Angelica M. Mendoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo — Reynaldo M. Guillena Mary Jeanne B. Aldeguer — Alma C. Cifra Analiza C. Almazan — Aris B. Juanillo Ma. Cielo D. Estrada — Fortunato B. Sagayno Jeselyn B. dela Cuesta — Elsie E. Gagabe
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Physical Education Unang Markahan – Modyul 2: Halina’t Gumalaw!
3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q1_PE 3_Module 2
Alamin
[illustration: target with arrow]
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang maisagawa ang mga hugis at kilos ng katawan. Saklaw ng modyul na ito ay mga gawain na magagamit sa pang araw-araw at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang mga aralin ng modyul na ito ay dapat mong malaman at maisagawa bilang isang mag-aaral. Ito ay inayos batay sa mga bagay na dapat mong matutuhan.
Ang modyul ay nahahati sa dalawang mga aralin:
- Aralin 1 – Tamang Paglalakad
- Aralin 2 – Tamang Pagtayo
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- naisasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15);
- naipapakita ang mga kasanayan sa paggalaw bilang pagtugon sa mga tunog at musika (PE3MS-Ia-h-1); at
- nakikibahagi sa masaya at kasiya-siyang pisikal na mga aktibidad (PE3PF-Ia-h-16).
2 CO_Q1_PE 3_Module 2
Subukin
[illustration: pencil]
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang mga kilos ng katawan at punan ang mga kahon ng nawawalang letra. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
[illustration: standing boy with hands in pockets]
p [blank] g [blank] a [blank] o
[transcriber’s note: the blank boxes are empty cells in a letter-puzzle; the letter boxes are printed as shown above, with one raised box above the “g” cell and one below the “a” cell]
[illustration: boy walking with a small object in one hand]
p a [blank] l a [blank] a [blank]
[transcriber’s note: the blank boxes are empty cells in a letter-puzzle; one blank sits above the “l” cell]
3 CO_Q1_PE 3_Module 2
[illustration: girl balancing a book on her head with arms outstretched]
e n [blank] a [blank] o
[illustration: boy raising both arms and a child bending to pick up a ball]
g a [blank] [blank] w
[illustration: side view of a standing boy]
[blank] u w i [blank]
4 CO_Q1_PE 3_Module 2
Mga Tala para sa Guro
Paalalahanan ang mga mag-aaral bukod sa mga hugis ng katawan ay makagagawa rin sila ng mga kilos at galaw tulad ng paglalakad, pagtayo at pag-upo.
Aralin 1 Tamang Paglalakad
Ang wastong paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay ng mabuting epekto sa kalusugan at nakapagdedebelop ng tikas ng ating katawan. Kaya naman, isa sa kailangan mong malaman ay ang tamang paglalakad.
Balikan
[illustration: puzzle pieces]
Isulat ang apat na mga hugis na maaaring maisagawa ng ating katawan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
- _____________________ 3. _____________________
- _____________________ 4. _____________________
Tuklasin
Basahin ang kuwento.
Si Michael at An-Jean
Si Michael at An-Jean ay magkapatid. Naninirahan sila malapit sa kanilang paaralan. Kaya hindi sila sumasakay ng tricycle para pumasok. Naglalakad lamang sila para makatipid ng pamasahe. Masayang-masaya silang dalawa na naglalakad patungo sa kanilang paaralan dahil gusto nilang matuto at makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kanilang mga magulang.
[illustration: two children walking toward a school building with a flag pole]
Sagutin ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
- Sino-sino ang magkapatid sa kuwento?
- Anong paraan ng transportasyon ang ginagamit nila patungong paaralan?
- Bakit masayang-masaya ang magkapatid na naglalakad patungong paaralan?
Suriin
Ang paglalakad ay isa sa mga natural na gawain at galaw ng ating katawan na halos ginagawa natin araw-araw. Madadala rin tayo ng paglalakad sa iba’t ibang lugar na gusto nating puntahan. Mayroon ding mga paraan upang maging wasto ang ating paglalakad. Ang wastong paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay ng mabuting epekto sa kalusugan at nakapagdedebelop ng tikas ng ating katawan.
Magkakaiba ang paglalakad ng bawat tao. Ang iba ay naglalakad nang mabilis o mabagal depende sa ginagawa nitong aktibiti. Halimbawa, ikaw ay nagmamadaling pumunta ng eskuwelahan dahil malapit ka nang mahuli sa klase, kaya kailangang mabilis ang iyong lakad. Samantala, kung ikaw ay inatasang mag-obserba ng mga larawan sa isang gallery walk, kailangan mong maglakad nang mabagal.
Narito ang wastong paraan ng paglalakad.
- Ang dalawang paa ay dapat nakaapak sa sahig.
- Ang mga balikat at likod ay dapat nakatuwid.
- Dapat natural lang ang galaw ng mga braso habang naglalakad.
- Ang dalawang paa ay dapat nasa sahig kaagad bago pa humakbang ang isang paa para lalakad ulit.
[illustration: boy walking in profile with natural arm swing]
Kailangan na ang bawat tao ay wasto ang paglalakad para magkaroon ng tikas ng katawan. Ngunit, hindi lahat ay ginagawa ito. Kaya naman, narito ang mga paraan kung paano maglakad nang maayos.
- Maglakad na sinusunod ang tuwid na linya.
[illustration: child walking along a straight line of square stepping stones with arms outstretched]
- Maglakad nang tuwid na may aklat sa ulo.
[illustration: girl walking with a book balanced on her head and arms outstretched]
Pagyamanin
Gawain 1: Isagawa ang mga kilos na nabanggit sa awiting pinamagatang “Kung Ikaw ay Masaya”.
“Kung Ikaw ay Masaya” (Tono: If You’re Happy and You Know It)
Kung ikaw ay masaya, tumayo ka! (tumayo ng tuwid pakanan)
Kung ikaw ay masaya, tumayo ka! (tumayo ng tuwid pakaliwa)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya tumayo ka! (palakpak)
Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (lumakad ng marahan)
Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (lumakad ng mabilis)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (palakpak)
(Ulitin ng tatlong beses)
Gawain 2: Isagawa ang kilos ayon sa pagkasusunod-sunod.
- Maglakad ng sampung hakbang na mahina patungong kanan.
- Maglakad ng sampung hakbang na mabilis patungong kaliwa.
- Gawin ang mga ito ng apat na ulit.
Tayahin
Tukuyin ang mga larawan kung ito ay nagpapakita nang wastong tikas ng paglalakad at lagyan ng tsek (/) ang kolum na katapat ng Oo o Hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
| Larawan | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 1. [illustration: boy with a backpack and books running past a wall sign reading “PAARALAN NG LUNGSOD”] | ||
| 2. [illustration: two children, one raising both arms and one bending to pick up a ball] | ||
| 3. [illustration: child in a crouched stance with arms spread] | ||
| 4. [illustration: girl walking with a book balanced on her head and arms outstretched] |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Larawan | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 5. [illustration: boy with both arms raised, bending forward with bent knees] |
Karagdagang Gawain
Ilista ang mga pagkakataong ikaw ay naglakad ng mabagal at mabilis sa buong linggo. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
| Lunes | Martes | Miyerkules | Huwebes | Biyernes | Sabado | Linggo | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Mabagal | |||||||
| 1. | |||||||
| 2. | |||||||
| Mabilis | |||||||
| 1. | |||||||
| 2. |
Aralin 2 Tamang Pagtayo
Ang bawat taong wasto ang paglalakad ay maaaring magkaroon ng tikas ng katawan. Bukod dito, ang tamang pagtayo ay kinakailangan din.
Balikan
Lagyan ng tsek ang kahon (/) kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong paglalakad at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
☐ 1. [illustration: boy with arms raised, crouched in a lunge stance]
☐ 2. [illustration: two adults and a child, the child whispering to an adult]
☐ 3. [illustration: child walking with one knee bent]
☐ 4. [illustration: girl walking with fists clenched and arms bent]
☐ 5. [illustration: boy running in a lunge with fist raised]
Tuklasin
Tingnan ang sumusunod na larawan. Ano ang ginagawa ng mga bata? Naranasan mo rin bang gawin ang mga kilos ng mga bata?
[illustration: children standing in a line outside a school building, with a child at the end holding a flag]
[illustration: students carrying books in a school hallway, with a “no eating” sign on the wall and a teacher at a desk]
Suriin
Ang pagtayo ang isa sa mga pangunahing natural na galaw na ginagawa natin araw-araw. Ito ay suportado lamang ng mga paa. Kailangang ang bawat tao ay wasto ang paglalakad upang magkaroon ng tikas ng katawan. Ngunit, hindi lahat ay ginagawa ito.
Ang pagtayo ay isa sa mga pangunahing natural na galaw ng ating katawan na ginagawa natin araw-araw. Halimbawa na lang nito ay ang pagtayo habang pumipila sa kantina, sa silid-aklatan at sa flag pole. Ang wastong pagtayo ay maaaring maging hudyat sa guro na handa na ang mga mag-aaral sa anumang gawain sa paaralan lalong-lalo na sa seremonya sa
bandila o flag ceremony. Kaya naman nararapat lamang na tumayo nang wasto.
[illustration: three drawings of a boy standing with hands at his sides, shown from the front, from the side, and bowing forward]
Kung tatayo nang maayos ang isang tao, magiging komportable siya habang nakatayo. Bukod diyan, hindi sasakit ang kanyang katawan kung matatagalan sa pagtayo. Nagkakaroon din siya ng kumpiyansa sa sarili upang tapusin ang mga gawain. Sa P.E. magiging hudyat ang wastong pagtayo sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-eehersisyo o paglalaro.
Ang pagtayo nang wasto ay isang makabuluhang gawain na mahalaga sa seremonya sa bandila o flag ceremony, ito ang mga nararapat nating sundin, may nakakakita man o wala:
- Tumayo nang matuwid at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib.
- Humarap sa watawat.
- Huminto habang naririnig ang tugtog ng pambansang awit ng Pilipinas.
- Kumanta ng “Lupang Hinirang”.
Samantala, narito ang mga pakinabang ng pagtatayo nang tuwid:
- Binabawasan ang sakit sa likod;
- Mapapalakas ang tiwala sa sarili;
- Mababawasan ang higit pang mga calories;
- Makahihinga nang mas mabuti; at
- Binabawasan ang stress.
Pagyamanin
Aktibity 1
Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita nang wastong tindig sa flag ceremony? Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. (5pts.)
A. [illustration: students standing in a line before a flagpole with a raised flag]
B. [illustration: students in uniform standing in a line beside a flagpole]
Aktibity 2
Isagawa ang sumusunod na mga gawain. Kung maayos na naisagawa, gumuhit ng bituin ☆. Kung hindi naman, iguhit ang bilog ◯. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- Tumayo nang maayos na nakasandal sa pader sa loob ng dalawang minuto.
- Tumayo nang maayos na walang sinasandalan na pader sa loob ng dalawang minuto.
| Gawain | Naisagawa nang Maayos | Hindi Naisagawa nang Maayos |
|---|---|---|
| 1. Nakasandal | ||
| 2. Hindi Nakasandal |
Isaisip
Punan ang patlang ng pangungusap na nasa ibaba at piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the answer words are printed in a box; they are katawan, galaw, pagtayo, paglalakad, and tikas]
Ang _____ at _____ ay mga pangunahing natural na _____ na ginagawa natin araw-araw. Ang wastong paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay ng mabuting epekto sa kalusugan at nakapagdedebelop ng _____ ng ating _____.
Isagawa
Umikot sa inyong paligid at mangolekta ng mga tuyong dahon. Tiyaking gagawin mo ang wastong paraan ng paglalakad. Iguhit ang mga nakuhang dahon sa bond paper at kulayan ito.
| Pamantayan | Lumampas sa inaasahan (5 puntos) | Nakakatugon sa inaasahan (3 puntos) | Nahirapang tugunan ang mga inaasahan (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nakasunod sa Direksyon | Lahat ng direksyon ay sinusunod. | Ang ilang direksyon ay sinusunod. | Ang mga direksyon ay hindi sinunod. |
| Pagkamalikhain | Ginamit ang iyong sariling ideya at imahinasyon. | Ginamit ang ilang imahinasyon. | Hindi ginamit ang iyong ideya at imahinasyon. |
| Kalinisan | Nakumpleto ang likhang sining na katangi-tangi, | Nakumpleto ang likhang sining pero mas magulo kaysa sa maayos, | Nakumpleto ang likhang sining pero lubos na magulo |
Tayahin
Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face] sa patlang kung ito ay tama ang pahayag at malungkot na mukha [illustration: frowning face] kung ito ay mali.
_____1. Ang tamang paglalakad ay nakabubuti sa ating katawan.
_____2. Ang pagtayo ay isa lamang sa mga pangunahing natural na galaw ng bawat tao.
_____3. Pareho ang paglalakad ng bawat tao.
_____4. Ang wastong pagtayo ay nakapagbibigay ng kumpiyansa sa sarili.
_____5. Ang hindi pagtayo nang maayos ng isang tao ay nakapagbibigay ng komportableng posisyon sa kanya.
Karagdagang Gawain
Gawain A
Magsanay na maglakad nang wasto na sumusunod sa mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa isang parte ng iyong bahay na puwedeng malakaran. Isagawa ang bawat hakbang na may bilang na apat.
- Lumakad paharap.
- Lumiko sa kaliwa at muling lumakad paharap.
- Lumiko ulit sa kaliwa at muling lumakad paharap.
- Muling lumiko sa kanan at lumakad muli paharap hanggang sa makabalik sa dating lugar.
Ngayon ay sagutin ang mga katanungan nang tapat sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa kahon na tugma sa iyong ginawa. Ilagay sa kuwaderno ang iyong sagot.
| Mga Tanong | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 1. Nagawa mo ba ang mga gawain na nakasaad sa itaas? | ||
| 2. Nahirapan ka bang gawin ang mga kilos? | ||
| 3. Nasiyahan ka ba sa iyong ginawa? |
Gawain B
Gumuhit ng isang batang nagpapakita ng wastong pagtayo. Ilagay ito sa bond paper.
| Pamantayan | Lumampas sa inaasahan (5 puntos) | Nakakatugon sa inaasahan (3 puntos) | Nahirapang tugunan ang mga inaasahan (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nakasunod sa Direksyon | Lahat ng direksyon ay sinusunod. | Ang ilang direksyon ay sinusunod. | Ang mga direksyon ay hindi sinunod. |
| Pagkamalikhain | Ginamit ang iyong sariling ideya at imahinasyon. | Ginamit ang ilang imahinasyon. | Hindi ginamit ang iyong ideya at imahinasyon. |
| Kalinisan | Nakumpleto ang likhang sining na katangi-tangi, | Nakumpleto ang likhang sining pero mas magulo kaysa sa maayos, | Nakumpleto ang likhang sining pero lubos na magulo |
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Subukin
- Pagtayo
- Paglakad
- Ensayo
- Galaw
- tuwid
Balikan
- Straight
- Wide
- Curled
- Twisted
Karagdagang Gawain
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Pagyamanin
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Tayahin
- X
- X
- /
- X
- X
Aralin 2
Tayahin
- [illustration: face] [?]
- [illustration: face] [?]
- [illustration: face] [?]
- [illustration: face] [?]
- [illustration: face] [?]
[transcriber’s note: the smiling or frowning faces next to each number are too small to read reliably, so the answer for each item is not transcribed]
Karagdagang Gawain
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Isagawa
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Isaisip
- paglalakad o pagtayo
- pagtayo o paglalakad
- galaw
- tikas
- katawan
Balikan
- X
- X
- X
- /
- X
Sanggunian
“Maintaining Good Posture,” American Chiropractic Association, accessed June 20, 2020, https://acatoday.org/content/posture-power-how-to-correct-your-body-alignment.
Jeffrey Raymon C. Abanto, and Mar Anthony S. dela Cruz, MAPEH WORKS 3. Makati, Philippines: Diwa Learning Systems, Inc., 2018.
Asildo, Voltair V., Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, and Sonny F. Meneses Jr., Music, Art, Physical Education and Health Kagamitang Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya Quezon: Book Media Press, Inc., 2017.
Falcutila, Rogelio F., John M. Cnavez, Rhodora B. Peña, and Corazon C. Flores, Music, Art, Physical Education, and Health Quezon: Book Media Press, Inc., 2013.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply