Daily Lesson Log (DLL) in Filipino Grade 6 Quarter 1 Week 5

Pamantayang Pangnilalaman:

  • Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
  • Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
  • Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.
  • Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
  • Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
  • Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.
  • Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.

Pamantayan sa Pagganap:

  • Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.
  • Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu.
  • Nakabubuo ng sariling diksiyonaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.
  • Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa pagsasaliksik.
  • Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu.
  • Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood.
  • Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

a.) Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kwentong napakinggan.
b.) Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon.
c.) Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan.
d.) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon.
e.) Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan.

Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo sa Filipino Grade 6

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment