This is the MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) self-learning module for Grade 2, Quarter 1, Module 17. Its title is “Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan,” which means talking about well-known people, places, or events using action words and describing words. It is written in Tagalog by DepEd Region III for learners studying at home, with help from a parent or another adult.
On this page 6 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Talk about well-known people, places, or events using salitang nagsasaad ng kilos (words that show action) and salitang naglalarawan (describing words). Competency code: MT2OL-Ig-h-1.4
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.
Key ideas: action words and describing words
The module explains that you understand a text better when you can tell what kind of words it uses. Many of those words either show an action or describe something.
- Salitang kilos (action words) tell what someone does. Examples from the module: nagtutulungan (helping each other), kumakain (eating), nagdarasal (praying), nagsisimba (going to church), namamasyal (going out for a stroll), tumakbo (ran).
- Salitang naglalarawan (describing words) tell what a person, thing, animal, place, or event is like. Examples: masaya (happy), mabait (kind), malaki (big), masarap (delicious), malamig (cold), mataas (tall or high).
The story “Ang Masayang Pamilya”
In the Tuklasin part, learners read “Ang Masayang Pamilya” (the happy family), a short story about a family that shares household chores, eats and prays together, and goes to church and to a big mall on Sundays. The underlined words are sorted into two groups:
| Salitang kilos (action words) | Salitang naglalarawan (describing words) |
|---|---|
| pag-iigib, paglilinis, pagdidilig, kumakain, nagdarasal, nagsisimba, namamasyal, nagtutulungan | masaya, mabait, malaki, masarap |
Using the words to talk about well-known people, places, and events
Most practice sentences are about people, places, and events Filipino children may know. Some examples:
- People: “Tumakbo si Lydia de Vega sa Luneta,” “Si Jose Rizal ay mabait na anak,” “Mahusay na pintor si Juan Luna.”
- Places: “Malamig ang klima sa Baguio,” “Mataas ang krus sa Bundok Samat,” “Ang simbahan ng Balanga ay malaki.”
- Events: “Lumalahok ang mga tao kapag may Alay-Lakad,” and sentences about staying home during COVID-19.
In each sentence, learners find the action word (such as tumakbo, lumalahok) and the describing word (such as malamig, mahusay).
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Alamin | Read the lesson objective |
| Subukin | Pretest: find the describing word and action word in five sentences |
| Balikan | List well-known people, places, things, animals, and events in their area |
| Tuklasin | Read “Ang Masayang Pamilya” and note the underlined words |
| Suriin | Sort the underlined words into action words and describing words |
| Pagyamanin | Guided and independent exercises: identifying words, labeling SK (action) or SN (describing), matching pictures to describing words, writing sentences |
| Isaisip | Complete two sentences that sum up what action words and describing words are |
| Isagawa | Give a fitting describing word and action word for each picture |
| Tayahin | Final test: choose the letter of the action or describing word in each sentence |
| Karagdagang Gawain | Extra activity: copy the action or describing word in each sentence |
| Susi sa Pagwawasto | Answer key |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest (Subukin), then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper; the module asks you not to write on it so others can use it later. Contact your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: Several activities ask the child to say words aloud (bigkasin), so listen and help them read. Use the answer key to check work after the child has tried each activity, and encourage honest checking, as the module asks.
- Teachers: The answer key covers most activities. Open-ended parts (Balikan, Pinatnubayang Pagtatasa 1, Malayang Pagtatasa 1, and Isagawa) need you to check and listen to the learner’s own answers.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this MTB-MLE module for?
It is for Grade 2 (Ikalawang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 17.
What is the difference between salitang kilos and salitang naglalarawan?
Salitang kilos are action words that tell what someone does, like kumakain or namamasyal. Salitang naglalarawan are describing words that tell what a person, place, thing, animal, or event is like, like masaya or malaki.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for most activities. Open-ended activities, such as writing sentences and naming words for pictures, are checked by the parent or teacher.
What competency does this module cover?
It covers MT2OL-Ig-h-1.4: talking about well-known people, places, or events using action words and describing words.
What language is the module written in?
The module is written in Tagalog and was prepared by DepEd Region III.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_MTB2_Module 17
MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 17: Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan
[illustration: students studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a child with a lantern]
CO_Q1_MTB2_Module 17
MTB-MLE – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 17: Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Marlyn O. Maghanay
Editor: Elena V. Almario, Nerissa D. De Jesus, Marie Ann C. Ligsay
Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor
Tagaguhit: Marlyn O. Maghanay
Tagalapat: Cristina T. Fangon, Edeliza T. Manalaysay
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario
[illustration: decorative DepEd cover page with the title]
MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 17: Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q1_MTB2_Module 17
Alamin
[illustration: target with arrow icon]
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasalita tungkol sa mga kilalalang tao, lugar o pangyayari gamit ang salitang nagsasaad ng kilos at salitang naglalarawan.
MT2OL-Ig-h- 1.4
Subukin
[illustration: pencil icon]
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang naglalarawan at ang salitang kilos sa bawat pangungusap.
- Malamig ang klima sa Baguio.
- Namili kami ng mga gamit sa malaking mall.
- Tayo ay mamasyal sa isla ng Boracay.
- Tumakbo si Lydia de Vega sa Luneta.
- Mataas ang krus sa Bundok Samat.
1
CO_Q1_MTB2_Module 17
CO_Q1_MTB2_Module 17
Aralin 1
Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan
Lubos mong mauunawaan ang isang teksto kung makikilala mo ang mga salitang ginamit dito. Maaaring ang mga salitang ginamit ay naglalarawan o nagsasaad ng kilos.
Balikan
[illustration: puzzle piece icon]
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng ngalan ng tao, lugar, bagay, hayop at pangyayari na kilala sa inyong lugar.
| Tao | Lugar | Bagay | Hayop | Pangyayari |
|---|---|---|---|---|
2
CO_Q1_MTB2_Module 17
Tuklasin
[illustration: sprout icon]
Panuto: Basahin ang kuwento at unawain. Pansinin ang mga salitang may salangguhit.
Ang Masayang Pamilya
[illustration: a family doing household chores together: a boy washing at a basin, a girl pounding or scrubbing, a father sweeping and a child carrying water]
Ang aming pamilya ay masaya. Lagi kaming nagtutulungan lalo na sa mga gawaing-bahay. May mga gawaing nakatalaga sa amin tulad ng pag-iigib, paglilinis ng bakuran, pagdidilig ng halaman at paglalaba katulong ni nanay. Sabay-sabay kaming kumakain at nagdarasal. Mabait ang aming ina at ama. Tuwing araw ng Linggo nagsisimba kami at sama-samang namamasyal sa malaking Mall. Pagkatapos, ay kumakain kami ng masarap na meryenda.
3
CO_Q1_MTB2_Module 17
Suriin
[illustration: magnifying glass icon]
Ang kuwento na iyong binasa ay may mga ginamit na salitang kilos at salitang naglalarawan. Balikan mo muli ang kuwento, may makikita kang salitang may salungguhit. Ang mga salitang iyan ay nagpapahayag ng kilos at naglalarawan.
Titingnan ko kung naintindihan mo ang binasang kuwento. Bigkasin mo nga ang mga salitang may salungguhit na iyong nakita at isulat nang maayos sa sagutang papel.
| Salitang Kilos | Salitang Naglalarawan |
|---|---|
Mga Tala para sa Guro
[illustration: notepad and pencil icon]
Ang aralin ito ay matututunan mong makapagsalita tungkol sa kilalang tao, lugar, o pangyayari gamit ang salitang nagsasaad ng kilos at salitang naglalarawan.
4
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang mga salitang kilos at salitang naglalarawan tungkol sa kilalang tao, lugar at pangyayari.
- Si Rosa ay magaling sa pag-awit.
- Ang kapistahan ni San Jose ay dinaluhan ng maraming tao.
- Kumain sa masarap na restoran si Ben.
- Ang mga mag-aaral ay kumain sa Wetland Park kasáma ang kanilang mabait na gurò.
- Natakot ang mahiyaing si Wena sa kumakalat na COVID 19.
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Bigkasin ang salitang kilos ng bawat larawan at isulat sa sagutang papel ang salitang naglalarawan.
- [illustration: a child swimming in water with a tire float]
lumalangoy - [illustration: children playing on a slide]
naglalaro - [illustration: a girl running]
tumatakbo - [illustration: children cleaning near a fence and a tree]
naglilinis - [illustration: a girl singing into a microphone]
kumakanta
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang salitang naglalarawan at ang salitang kilos sa sagutang papel.
- Ang Luneta ay magandang pasyalan.
- Si Anna ay magaling pag-arte.
- Nanood ako sa telebisyon ng mga pelikula.
- Nalungkot ang mga tao sa pagsasara ng isang sinehan.
- Nagbigay ng tulong sa mga tao ang mga opisyal ng barangay.
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Isulat sa patlang ang SN kung ang salitang may salungguhit ay naglalarawan at SK kung ang salitang may salungguhit ay nagsasaad ng kilos.
[transcriber’s note: in the original, the target words are underlined in items 1–5 (Masipag, Nanatili, Matiyaga, nagbabawal, Malaki) and the words COVID-19 and frontliners are in bold]
_____1. Masipag ang Mayor ng aming lungsod.
_____2. Nanatili sa bahay ang mga tao dahil sa COVID-19.
_____3. Matiyaga sa pagbabantay ang mga frontliners.
_____4. Ang mga pulis ay ang nagbabawal sa mga taong lumabas.
_____5. Malaki ang bahay ni Mang Martin.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Iangkop ang larawan sa hanay A sa mga salita sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
| A | B |
|---|---|
| 1. [illustration: a child running] | A. malinis |
| 2. [illustration: a boy emptying a trash bin] | B. magaling |
| 3. [illustration: students lining up in front of a teacher] | C. maayos |
| 4. [illustration: a boy raising his hand to answer] | D. matulin |
| 5. [illustration: a group of students seated and standing] | E. madami |
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Basahin ang mga salitang kilos o salitang naglalarawan. Sumulat ng pangungusap tungkol sa kilalang tao, lugar at pangyayari.
- nagbabasa
- masipag
- mataas
- nagdarasal
- malawak
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin nang wasto ang mga pangungusap. Isulat sa papel ang ginamit na salitang kilos o salitang naglalarawan.
- Ang mga kabataan ay naglalaro ng basketbol.
- Nagalit ang kapitan ng baranggay sa mga taong lumabag sa batas.
- Mataas ang lipad ng Agila.
- Ang simbahan ng Balanga ay malaki.
- Lumalahok ang mga tao kapag may Alay-Lakad.
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Kilalanin ang salitang kilos o salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. Lagyan ng (✓) kung ito ay salitang kilos at (×) naman kung ito ay salitang naglalarawan.
______1. Madalas kaming manuod ng Ms. Universe. ______2. Namasyal kami sa Luneta Park noong Linggo. ______3. Si Jose Rizal ay mabait na anak. ______4. Kumakain kami ng gulay araw-araw. ______5. Mahusay na pintor si Juan Luna.
Isaisip
Ang salitang kilos ay nagsasaad o nagpapakita ng _____ na ginagamit sa pagsasalita sa mga kilalang tao, lugar, o pangyayari.
Ang salitang naglalarawan ay ginagamit sa _____ ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari lalo na kung nais nating ilarawan ang mga ito.
Isagawa
Panuto: Tukuyin ang angkop na salitang naglalarawan at salitang kilos tungkol sa larawan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
- [illustration: a stout man with arms folded]
- [illustration: a girl singing into a microphone]
- [illustration: a boy with eyeglasses reading a book]
- [illustration: a girl holding a baseball bat about to hit a ball]
- [illustration: an elderly woman with a walker and a child carrying a bag, in front of a store labeled GROCER]
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng salitang nagsasabi ng kilos o naglalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Si Noah ay gumawa ng isang malaking bangka.
A B C - Namasyal ang mga bata sa Manila Zoo.
A B C - Si Mother Theresa ay palaging tumutulong sa mahihirap.
A B C - Mapalad ang taong naniniwala sa Diyos.
A B C - Isulat ang iyong pangalan sa malinis na papel.
A B C
[transcriber’s note: the letters A, B and C are printed beneath selected words of each sentence in the original; the words themselves are not labeled with letters on the page]
Karagdagang Gawain
Panuto: Sipiin ang salitang kilos o salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap.
- Dumalo ang gobernador sa pagpupulong.
- Mahusay ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang.
- Sa Lungsod ng Baguio ay malamig.
- Mabango ang bulaklak na Sampaguita.
- Matibay ang puno ng Narra.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees, and its answer key is laid out in a grid of boxes. The entries are listed below section by section in reading order.]
Subukin
- alamig
- namili
- mamasyal
- tumakbo
- mataas
Balikan
(Suriin at itama ang mga halimbawang ibinigay ng mga mag-aaral)
Suriin
Salitang May Kilos
- pag-iigib
- paglilinis
- pagdidilig
- kumakain
- nagdarasal
- nagsisimba
- namamasyal
- nagtutulungan
Salitang Naglalarawan
- masaya
- mabait
- malaki
- masarap
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
- magaling
- dinalhan [?]
- masarap
- mabait
- natakot
Pinatnubayang Pagtatasa 1
(Suriin at itama ang sinabi na salitang naglalarawan sa bawat larawan na may salitang kilos)
Pinatnubayang Pagsasanay 2
- maganda
- magaling
- nanood
- nalungkot
- nagbigay
Pinatnubayang Pagtatasa 2
- SN
- SK
- SN
- SK
- SN
Malayang Pagsasanay 1
- D
- A
- C
- B
- E
Malayang Pagtatasa 1
(Suriin at itama binuong ang pangungusap na may salitang naglalarawan at salitang kilos)
Malayang Pagsasanay 2
- naglalaro
- nagalit
- mataas
- malaki
- lumalahok
Malayang Pagtatasa 2
- ✓
- ✓
- ×
- ✓
- ×
Isagawa
(Suriin at pakinggan ang sagot ng mag-aaral)
Tayahin
- B
- A
- C
- A
- A
Karagdagang Gawain
- Dumalo
- Mahusay
- Malamig
- Mabango
- Matibay
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor. 2020. “Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY 2020-2021”. Deped Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-learning-competencies.html.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply