This is Module 18 of Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) for Grade 2, Quarter 1 (Unang Markahan). Its title is “Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap” (the difference between a sentence and a non-sentence). The Self-Learning Module was prepared by DepEd Region III for learning at home. It is written in Tagalog and helps Grade 2 learners tell a complete sentence apart from a group of words that is not a sentence, so they can speak and write more clearly.
On this page 6 sections
What learners will learn
After the lesson, the learner is expected to:
- Identify the difference between a sentence (pangungusap) and a non-sentence (hindi pangungusap) (MT2GA-Ig-4.1).
- Use this skill to communicate in a meaningful and effective way in different situations.
Sentence or not a sentence: the key ideas
The module has one lesson, Aralin 1. It opens with a short story, “Oras ng Recess” (recess time), by Maridel T. Dela Cruz. In the story, Mila buys food at the school canteen. She notices that her change is too much, goes back, and returns the extra money. The vendor thanks her for being honest. The story teaches honesty and also gives the examples for the lesson.
What is a pangungusap (sentence)?
A pangungusap is a word or group of words that expresses a complete thought (buong diwa). It begins with a capital letter and ends with a punctuation mark that fits what it wants to say.
Examples from the module:
- Ang mga bata ay nakikilahok sa talakayan.
- Tumunog na ang bell.
- Maayos na nakapila ang mga bata sa kantina.
- Isinauli ni Mila ang sobrang sukli.
- Si Mila ay matapat na bata.
What is a hindi pangungusap (non-sentence)?
A hindi pangungusap is also called a parirala (phrase). It has two or more words, but it has no subject (paksa) or complete thought, so its message is not clear.
Examples from the module:
- isang umaga
- ang pagkopya sa
- naglalakad pabalik
- sobrang sukli
- masayang lumakad
Quick comparison
| Pangungusap (sentence) | Hindi pangungusap / parirala (phrase) | |
|---|---|---|
| Complete thought | Yes | No |
| Starts with a capital letter | Yes | Not required |
| Ends with punctuation | Yes, a fitting mark | Not required |
| Example | Nasa ospital si Mario. | masarap na pagkain |
Parts and activities of the module
- Alamin: the lesson objective.
- Subukin: a five-item pretest. Learners mark each item with a check if it is a sentence and an x if it is not.
- Balikan: matching parts in two columns to form sentences.
- Tuklasin: the story “Oras ng Recess.”
- Suriin: questions about the story, then the explanation of pangungusap and hindi pangungusap with examples.
- Pagyamanin: guided practice and checks (Pinatnubayang Pagsasanay and Pagtatasa 1 and 2) followed by independent practice and checks (Malayang Pagsasanay and Pagtatasa 1 and 2). Learners label items P or HP, draw a star or circle, draw happy or sad faces, match columns, choose phrases to complete sentences, and write their own sentences and phrases.
- Isaisip: fill-in-the-blank summary of the lesson.
- Isagawa: writing three sentences and two non-sentences about a picture.
- Tayahin: a five-item final test with pictures, answered with P or HP.
- Karagdagang Gawain: answering five personal questions in complete sentences.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper; do not write on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key, and ask your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: Read the story with your child and talk about Mila’s honest act. Help with the guided exercises; the module’s note to the teacher asks that learners be guided when answering the Pinatnubayang Pagsasanay.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help. Several activities (Malayang Pagtatasa, Isagawa, and Karagdagang Gawain) have open answers, so the key asks you to review and correct the learners’ own sentences.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 2 MTB-MLE, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 18.
What is the difference between pangungusap and hindi pangungusap?
A pangungusap (sentence) expresses a complete thought, starts with a capital letter, and ends with fitting punctuation. A hindi pangungusap, also called a parirala (phrase), has two or more words but no subject or complete thought.
What competency does the module cover?
It covers MT2GA-Ig-4.1: identifying the difference between a sentence and a non-sentence.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, exercises, and final test. Open-ended activities are checked by the teacher.
Should learners write on the module?
No. The module asks learners to write their answers on a separate sheet of paper so that the module can be used by others.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_MTB2_Module 18
MTB – MLE Unang Markahan – Modyul 18: Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap
[illustration: children reading, studying, and working outdoors and at a desk with a teacher; a globe and a lamp are shown]
[transcriber’s note: the stamp-like label at the lower right reads “PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI”]
MTB-MLE– Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 18: Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maridel Dela Cruz
Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay
Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Marie Ann C. Ligsay
Tagaguhit: Maridel Dela Cruz
Tagalapat: Cristina T. Fangon, Edeliza T. Manalaysay
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario
2 MTB – MLE Unang Markahan – Modyul 18: Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q1_MTB2_Module 18 1
Alamin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makatutukoy ng pagkakaiba ng pangungusap sa hindi pangungusap. Ito ay maaari mo ring magamit sa makabuluhan at mabisang pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
MT2GA-Ig-4.1
[illustration: target with arrow icon beside the heading “Alamin”]
Subukin
Panuto: Isulat ang tsek ( ✓ ) sa patlang kung ang nakasulat ay pangungusap at ekis (x) kung hindi pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. masarap na pagkain
_____2. Mag-ingat ka sa labas.
_____3. Nasa ospital si Mario.
_____4. Takpan ang bibig kung umuubo.
_____5. ang Corona Virus
[illustration: pencil icon beside the heading “Subukin”]
CO_Q1_MTB2_Module 18 2
Aralin 1
Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap
Madalas ay nahihirapang kilalanin ng isang batang tulad mo kung alin ang pangungusap at hindi pangungusap sa mga tekstong iyong nababasa. Ito ang tatalakayin sa aralin ngayon.
Balikan
Panuto: Pag-ugnayin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B upang makabuo ng pangungusap. Isulat ang tamang letra ng sagot sa papel.
| A | B |
|---|---|
| 1. Ang baon ni Juan | A. ng tumbang preso ang magpipinsan. |
| 2. Malapit sa paaralan | B. ang mga gawaing bahay |
| 3. Masayang naglalaro | C. ang aming bahay. |
| 4. Tinutulungan ko si nanay na tapusin | D. ang gulay at prutas |
| 5. Masustansyang pagkain | E. ay tinapay at orange juice |
[illustration: puzzle-piece icon beside the heading “Balikan”]
CO_Q1_MTB2_Module 18 3
Tuklasin
Masayang oras ang recess para sa bawat mag-aaral. Ito ang oras na sila ay pumupunta sa kantina at bumibili ng masarap na pagkain. Ito ay isang magandang pagkakataon upang maipakita ang pagiging matapat nang isang batang tulad mo? Basahin mo ang kuwento at unawain.
Oras ng Recess
Akda ni Maridel T. Dela Cruz
[illustration: three students standing in line at a school canteen while a canteen server hands over a tray of food]
Isang umaga sa klase ng Mother Tongue, masayang nakikinig ang batang si Mila. Ang kanilang guro na si Bb. Cita Torres ay tuwang-tuwa dahil lahat ng mga mag-aaral ay nakikilahok sa talakayan. Matapos ang pagkopya sa takdang-aralin, tumunog ang bell hudyat ng recess kaya tuwang-tuwa si Mila. Inabutan niya ang maraming bata na nakapila at bumibili sa kantina. Matapos ang ilang minuto ay nakabili rin siya.
[illustration: leaf-and-sprout icon beside the heading “Tuklasin”]
CO_Q1_MTB2_Module 18 4
Habang naglalakad pabalik sa silid-aralan ay napansin niyang sobra ang sukli. Dali-dali siyang bumalik sa kantina. Kinausap niya ang tindera at ibinalik ang sobrang sukli. “Maraming salamat. Isa kang matapat na bata,” wika ng tindera. Napangiti naman si Mila. “Wala pong anuman.” sabi ni Mila. Masayang lumakad si Mila pabalik sa kanilang silid-aralan.
Suriin
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano ang pamagat ng kuwento?
- Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
- Saan nagpunta si Mila nang tumunog ang bell?
- Bakit bumalik si Mila sa kantina?
- Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Mila? Bakit?
Ating kilalanin ang pagkakaiba ng pangungusap at hindi pangungusap.
Ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa iba’t ibang bantas ayon sa nais na ipahayag nito.
[illustration: magnifying-glass icon beside the heading “Suriin”]
Samantala, ang hindi pangungusap ay tinatawag na parirala. Binubuo ito ng dalawa o higit pang salita subalit wala itong paksa o buong diwa. Hindi malinaw ang mensahe na nais sabihin.
Mga halimbawa ng Pangungusap:
- Ang mga bata ay nakikilahok sa talakayan.
- Tumunog na ang bell.
- Maayos na nakapila ang mga bata sa kantina.
- Isinauli ni Mila ang sobrang sukli.
- Si Mila ay matapat na bata.
Mga halimbawa ng Hindi Pangungusap:
- isang umaga
- ang pagkopya sa
- naglalakad pabalik
- sobrang sukli
- masayang lumakad
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot ng mga Pinatnubayang Pagsasanay.
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang P kung ang mga sumusunod ay pangungusap, HP kung Hindi Pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang paborito kong laruan ay robot.
_____ 2. matutulog nang maaga
_____ 3. Si Maria ay nasa ikalawang baitang na.
_____ 4. Masipag magwalis sa silid-aralan si Rina.
_____ 5. tahimik na bata
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Iguhit sa papel ang ☆ kung ito ay pangungusap at ○ kung ito ay hindi pangungusap.
_____ 1. sa bukid namasyal
_____ 2. Nagpunta sa palengke si Nanay.
_____ 3. Nagwalis sa bakuran ang magkapatid.
_____ 4. Ngayon ang kaarawan ni Elisa.
_____ 5. bumili ng isang kilong bigas
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang makabuo ng mga pangungusap. Letra lamang ang isulat sa papel.
| A | B |
|---|---|
| _____ 1. Ang nanay ay | A. isang magsasaka. |
| _____ 2. Umiiyak ang sanggol | B. mabait na bata. |
| _____ 3. Ang aking ama ay | C. dahil siya’y nagugutom. |
| _____ 4. Si Dino ay | D. masarap magluto. |
| _____ 5. Kami ay naglalaro | E. ng tumbang preso. |
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Basahin ang teksto. Isulat sa sagutang papel ang tama kung ang pangungusap ay wasto at mali kung hindi.
Pabalik na kayo sa inyong silid-aralan kakatapos ng flag ceremony sa covered court. Sa tapat ng inyong silid-aralan may nakita kang pitaka. Ito ay iyong pinulot. Nais mong isauli sa may-ari ngunit di mo ito kilala. Ibinigay mo ito sa iyong guro upang maibalik sa may-ari.
[illustration: a girl holding up a wallet, facing a person seen from behind]
_____ 1. Ibinalik ang pitaka sa may-ari.
_____ 2. Itago mo na lang
_____ 3. Halika, pumunta tayo sa kantina.
_____ 4. Ilagay sa pitaka
_____ 5. Ibigay sa guro ang pitaka.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang nakasulat ay pangungusap at malungkot na mukha ☹ kung hindi pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.
_____ 1. Ang ikalawang baitang ay nakapila nang maayos.
_____ 2. Ang aming punong-guro ay si Gng. Carmi Dizon.
_____ 3. may regalong manika
_____ 4. Masaya ang mamasyal sa parke.
_____ 5. sa may restawran
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa papel.
Ano ang paborito mong gulay?
Ang paborito kong _____
Ano ang pangalan ng iyong guro?
Ang guro ko ay si _____
Saan kayo nagbakasyon ng iyong pamilya?
Kami ay nagbakasyon sa _____
Sino ang lagi mong kalaro sa inyong bahay?
Ang lagi kong kalaro ay si _____
Ano ang gagawin mo upang makakuha ng mataas na marka?
Ako ay _____
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang wastong parirala sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot papel.
A. aking mga kaibigan B. pagwawalis ng bakuran C. maaga sa paaralan D. ngunit matinik E. nagsasanay ako
- Tumutulong ako sa _____ tuwing Sabado.
- Nakikipaglalaro ako sa _____ pagkatapos gumawa ng takdang-aralin.
- Mabango ang rosas _____.
- Pag-uwi ko sa bahay, _____ ng pagbasa.
- Pumasok nang _____ si Leni.
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Sumulat ng buong pangungusap at hindi pangungusap sa mga salitang nakatala sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
paaralan
pangungusap: _____gatas
pangungusap: _____kaibigan
pangungusap: _____lapis
hindi pangungusap: _____bag
hindi pangungusap: _____
Isaisip
Ang pangungusap ay nagsasaad ng _____.
Nagsisimula ito sa _____ titik. Nagtatapos ito sa angkop na _____.
Ang hindi pangungusap kilala sa tawag na _____.
Ito ay _____ nagsasaad ng buong diwa.
Isagawa
Panuto: Sumulat ng tatlong (3) pangungusap at dalawang (2) hindi pangungusap tungkol sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: a person standing beside a table with broken pieces of a jar on it]
A. Pangungusap
B. Hindi Pangungusap
Tayahin
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat sa sagutang papel ang P kung ito ay pangungusap at HP kung hindi pangungusap.
[illustration: tree] Matibay ang punong Narra.
[illustration: house] bahay na bato
[illustration: person praying in a thought bubble] Siya ay nagdarasal.
[illustration: dog] maamong aso
[illustration: book] Ang aklat ay may maraming kuwento.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa buong pangungusap.
Ilang taong gulang ka na?
Saang paaralan ka nag-aaral?
Ilan ang lapis mo sa iyong bag?
Ano ang paborito mong ulam?
Kailan kayo namamasyal ng pamilya mo?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and its answer key is laid out in a grid. The section labels and answers below are listed in reading order. Symbols that could not be identified are marked as illegible.]
Subukin
X 1. / 2. / 3. / 4. X 5.
Balikan
E 1. C 2. A 3. B 4. D 5.
Suriin
- Oras ng Recess
- Mila, Bb. Torres, tindera
- sa kantina
- Isauli ang sobrang sukli
- Opo, dahil dapat po tayong maging matapat sa lahat ng pagkakataon.
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay
P 1. HP 2. P 3. P 4. HP 5.
Pinatnubayang Pagtatasa 1
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
- [illegible]
Pinatnubayang Pagsasanay 2
D 1. C 2. A 3. B 4. E 5.
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Tama 1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5.
Malayang Pagsasanay 1
☺ 1. ☺ 2. (blank) 3. ☺ 4. (blank) 5.
Malayang Pagtatasa 1
Maari na magkakaiba ng sagot.
- Ang paborito kong gulay ay ____.
- Ang pangalan ng aking guro ay ____.
- Kami ay nagbakasyon sa _____.
- Ang lagi kong kalaro sa aming bahay ay si _____.
- Ako ay ______.
Malayang Pagsasanay 2
B 1. A 2. D 3. E 4. C 5.
Malayang Pagtatasa 2
Maari na magkakaiba ang pangungusap at parirala isusulat ng mga bata sa bawat salita.
Isagawa
Suriin at itama ang ginawang pangungusap ng mag-aaral.
Tayahin
P 1. HP 2. P 3. HP 4. P 5.
Karagdagang Gawain
Suriin at itama ang sagot ng mag-aaral (1-5).
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply