This is the Music 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan, at Instrumentong Pansaliw” (ostinato patterns, body movements, and accompanying instruments). It was prepared by DepEd Region XI for Grade 3 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, and it is written in Filipino. After the module, learners can create a simple repeating rhythm and play it with claps, stomps, or rhythm instruments while singing a song.
On this page 8 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- create an ostinato using body movements and accompanying instruments (MU3RH-Ie-6)
- accompany sounds using different parts of the body, such as clapping with the hands and stomping with the feet
- keep an ostinato pattern going with body movements like clapping and stomping while singing a song
Lessons in this module
The module has one lesson: Aralin 1, “Paglikha ng Ostinato Pattern sa Pamamagitan ng Galaw ng Katawan” (creating an ostinato pattern through body movement). It shows how everyday sounds, such as hammering or tapping bamboo sticks, can become rhythm patterns, then has learners use stick notation to accompany Filipino songs in two, three, and four beats.
What is an ostinato?
The module sums up the lesson in three points:
- An ostinato is a rhythmic pattern that repeats over and over to accompany a song. It can be in two beats (dalawahan), three beats (tatluhan), or four beats (apatan).
- It is usually played on rhythm instruments (instrumentong panritmo) such as drums, wood blocks, castanets, triangles, and rhythm sticks.
- You can also make the sound with parts of your body, which is called body percussion: clapping, stomping, marching, and tapping.
The module starts from sounds children hear around them. Mario hammering a nail makes a steady pattern. Angela tapping two bamboo sticks makes another. Esther and Alice walking in the park hear a car horn. Each repeating sound can be written down and played as an ostinato.
Reading and writing stick notation
Learners write their ostinato in stick notation, a simple way of showing rhythm with lines instead of notes. The module explains:
- One single stick equals one count.
- Two joined sticks together equal one count.
- The rest sign (a beat with no sound) also equals one count.
- The number at the start of a pattern (2, 3, or 4) tells how many counts are in each measure, and the counts in each measure must match that meter.
- Repeat signs at both ends mean the pattern is played again and again until the song ends.
Songs used in the module
Learners practice the ostinato while singing familiar songs, each in a different meter:
| Song | Meter |
|---|---|
| Tiririt ng Maya | 3 beats (3/4) |
| Bayang Sinta (T. Martinez, C. Llamas) | 4 beats (4/4) |
| Bahay Kubo (Tagalog folk song) | 3 beats (3/4) |
| Kaygandang Tingnan (G. J. E. Brondial) | 2 beats (2/4) |
| Leron Leron Sinta | 2 beats (2/4) |
For “Bayang Sinta,” learners repeat a four-beat pattern until the song ends, accompanying it five ways: clapping, stomping, tapping two bamboo sticks, beating a drum, and marching.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module order:
- Subukin (pretest): create a three-beat ostinato for “Tiririt ng Maya” and perform it with your hands, feet, or body, then score yourself with the rubric.
- Balikan (review): draw the stick notation that matches clapping symbols.
- Tuklasin and Suriin (discover and analyze): learn from the everyday sound examples and practice with “Bayang Sinta,” “Bahay Kubo,” and “Kaygandang Tingnan.”
- Pagyamanin (practice): Gawain A asks multiple-choice questions about two-, three-, and four-beat patterns; Gawain B asks you to create and perform a two-beat ostinato for “Leron Leron Sinta.”
- Isaisip (remember): the summary of what an ostinato is.
- Isagawa (apply): imagine the sounds of a barangay fiesta and create ostinato patterns in two, three, and four beats.
- Tayahin (assessment): a five-item quiz.
- Karagdagang Gawain (additional activities): perform given stick notation patterns and match pictures to the correct notation.
For learners: Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Many activities are performances, so sing the song aloud while you clap, stomp, or tap. Use the rubrics to check your own work.
For parents: Help your child find safe things at home that make sound, such as two sticks or a container to tap, and listen as they perform. The answer key is at the end of the module; encourage your child to answer honestly before checking.
For teachers: The answer key covers the multiple-choice items, while the creative tasks (Gawain B, Isagawa, and Karagdagang Gawain A) have open answers and are scored with the rubrics included in the module.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Music module for?
It is for Grade 3 Music, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4. It covers competency MU3RH-Ie-6, creating an ostinato using body movements and accompanying instruments.
What is an ostinato?
An ostinato is a rhythmic pattern that repeats over and over to accompany a song. It can be in two, three, or four beats and is played with rhythm instruments or body percussion like clapping and stomping.
What is stick notation?
Stick notation is a simple way to write rhythm with lines. In this module, a single stick equals one count, two joined sticks equal one count, and a rest sign equals one count of silence.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the multiple-choice items. Creative and performance tasks have open answers and are scored with rubrics.
What songs are used in this module?
The module uses Tiririt ng Maya, Bayang Sinta, Bahay Kubo, Kaygandang Tingnan, and Leron Leron Sinta for ostinato practice.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Music Unang Markahan – Modyul 4: Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan, at Instrumentong Pansaliw
3
Music
Unang Markahan – Modyul 4: Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan, at Instrumentong Pansaliw
[illustration: students reading under a tree, a teacher with a learner at a desk, a child working by lamp light beside a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_Music 3_ Module 4
Music – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan, at Instrumentong Pansaliw
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Jona Joy O. Ruaya, Selah Mae Joy E. Acosta |
| Editor: | Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo, Arcel Gacasan, |
| Tagasuri: | Marivic O. Arro, Iris Kristine A. Mejos, Menard M. Arenas, Girlie U. Sale, Ana Lorma A. Dahiroc, Sherly P. Roluna |
| Tagaguhit: | Bless Joice S. Lagare |
| Tagalapat: | Ken Harvey C. Famor, Djhoane C. Aguilar |
| Tagapamahala: | Allan G. Farnazo; Mary Jeanne B. ALdeguer; Analiza C. Almazan; Ma. Cielo D. Estrada; Jeselyn B. dela Cuesta |
| Tagapamahala: | Reynante A. Solitario; Janwario E. Yamota; Djhoane C. Aguilar; Maria Perpetua Angelita G. Suelto; Reynaldo C. Deocampo |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3
Music
Unang Markahan – Modyul 4: Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan, at Instrumentong Pansaliw
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang lubos mong maunawaan at matutunan ang kaalaman tungkol sa ostinato pattern sa pamamagitan ng pag-indayog ng iyong katawan ayon sa saliw ng awitin.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
- nakalilikha ng ostinato sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan at instrumentong pansaliw (MU3RH-Ie-6);
- naisasaliw ang mga tunog gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan katulad ng kamay sa pagpalakpak, paa sa pagpadyak at iba pa; at
- nasasabayan ang ostinato pattern sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagpadyak at iba pa habang umaawit ng isang kanta.
Subukin
Lumikha ng isang ostinato pattern na may tatluhang kumpas gamit ang stick notation ayon sa awiting “Tiririt ng Maya”. Maaaring gumamit ng kamay, paa o iba’t ibang bahagi ng iyong katawan upang mapatunog ang ginawang ostinato. Gawin ito habang inaawit ang “Tiririt ng Maya” na nasa pahina 2.
Sa paggamit ng rubriks na nasa pahina 2, lagyan ng tsek (/) ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa unang hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa kabuuan.
Subukin (Rubriks)
[illustration: musical score titled “Tiririt ng Maya”, 3/4 time, with lyrics: Tiri – rit ng ma – ya Tiri-rit ng i – bon. Anghu – ni ng t’yan ko’y tinu – mis na ba – boy; Ti-ri – rit ng i – bon Ti-ri – rit ng ma – ya. Anghu – ni ng t’yan ko’y ti-nu- mis na ba – ka.]
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 23
3 ||: | | | ||
| Pinakamahusay (3) | Mahusay (2) | Paunlarin (1) | |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalikha ng wastong ostinato pattern na may dalawahang kumpas. | |||
| 2. Naisagawa ang ostinato pattern na may dalawahang kumpas sa pamamagitan ng iba’t ibang galaw ng katawan. | |||
| 3. Naisasaliw ang tunog gamit ang iba’t ibang galaw ng katawan habang sumasabay sa pag-awit. | |||
| Kabuuan |
Aralin 1 Paglikha Ng Ostinato Pattern Sa Pamamagitan Ng Galaw Ng Katawan
Balikan
Panuto: Iguhit mo sa iyong sagutang papel ang stick notation ayon sa simbolong makikita.
II: _____ _____ _____ _____ :II
[illustration: four hand-clap symbols under the blanks, the second showing two hands]II: _____ _____ _____ _____ : II
[illustration: hand-clap symbols under the blanks, the last showing two hands]II: _____ _____ _____ _____ :II
[illustration: hand-clap symbols under the blanks, the first and last showing two hands]II: _____ _____ _____ :II
[illustration: hand-clap symbols under the blanks, the middle showing two hands]II: _____ _____ :II
[illustration: two hand-clap symbols under the blanks]
Tuklasin
Ang paglikha ng simpleng ostinato pattern ay isang paraan upang tayo ay mapasaya at matutong gumawa ng isang simpleng rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang instrumentong panritmo at body percussion.
Halimbawa:
Si Mario ay pumupukpok ng martilyo. Ang tunog na nalilikha sa kaniyang pagpukpok ay ganito:
2 ||: | | | | | | | | | | | :|| [?]
[illustration: a boy hammering a nail into a wooden post]
Si Angela ay nagtatapik ng dalawang patpat ng kawayan. Ito ay lumilikha ng tunog na:
3 ||: | | | | | | | | | | | | | | | | :|| [?]
[illustration: a girl smiling and tapping two bamboo sticks crossed in front of her chest]
[transcriber’s note: the bar count in the two stick-notation lines on this page is hard to confirm from the image; the count shown is a best reading]
- Si Esther at Alice ay namamasyal sa parke. Sa kanilang paglalakad ay narinig nila ang busina ng sasakyan.
[illustration: stick notation in 4 beats with repeat signs, drawn above the picture]
[illustration: two girls walking in a park beside bushes and trees, a car with sound lines passing on the road]
Suriin
Iniibig mo ba ang iyong bayang sinilangan? Bakit mo mahal ang Pilipinas? Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa ating bayan? Pag-aralan ang awiting “Bayang Sinta”. Ito ay may palakumpasang apatan.
Ginagamit natin ang ostinato bilang pansaliw sa mga awitin. Maaaring gamitin ang mga instrumentong panritmo tulad ng tambol, maracas at iba pa bilang pansaliw. Maaari ring gamitin ang iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kamay, paa at iba pa.
Sa paggawa ng ostinato mahalagang malaman mo na kailangang magkatulad ang sukat ng stick sa palakumpasan. Ang isang stick ([transcriber’s note: symbol is a single vertical stick, drawn as an image]) ay katumbas ng isang bilang, ang magkadugtong na stick ([transcriber’s note: symbol is two joined sticks, drawn as an image]) ay katumbas ng isang bilang, at ang simbolong ito ([transcriber’s note: symbol is a quarter-rest-like sign, drawn as an image]) ay may katumbas na isang bilang.
Awitin ang “Bayang Sinta” at sabayan ng mga tunog kasunod ng stick notation na may sukat na apatan sa ibaba. Ulit-ulitin ito hanggang sa matapos ang inaawit. Gamitin ang mga sumusunod na paraan upang masaliw ang tunog. Handa ka na ba?
- Gamit ang mga kamay (Pagpapalakpak)
- Gamit ang mga paa (Pagpapadyak)
- Gamit ang dalawang patpat ng kawayan (pagtatapik)
- Gamit ang tambol (Pagpapalo)
- Gamit ang mga paa (Pagmamartsa)
[illustration: stick notation, 4 beats in repeat bars, single sticks]
Bayang Sinta
T. Martinez | C. Llamas
[chart: musical score; Bayang Sinta, 4/4 time, two staff lines of lyrics as printed below]
A – king si – ni – sin – tang ba – yan, ba – yang sa – ga – na sa a – raw,
Lu – pa i – tong ki – na – gis – nan, di – to a – ko ma – bu – bu – hay.
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 32
Sanayin ang ostinato pattern na may tatluhang bilang na nasa ibaba. Gawin ito habang inaawit ang “Bahay Kubo” na nasa pahina 8 gamit ang iba’t ibang paraan ng pagsaliw.
[illustration: stick notation, 3 beats in repeat bars, with three rest-like symbols per bar]
Pag-aralan naman natin ngayon ang ostinato pattern sa awiting “Kay Gandang Tingnan” na may dalawahang bilang.
[illustration: stick notation, 2 beats in repeat bars, single sticks]
Bahay Kubo
Tagalog Folk Song
[chart: musical score; Bahay Kubo, 3/4 time, lyrics as printed below]
Ba – hay – ku – bo, ka – hit mun – ti, angha – la – man do on, ay sa – ri sa – ri; singka mas at ta – long, si – ga – ril – yas at ma – ni, si – taw – ba – taw pa – ta ni. Kun – dol, pato – la, u – po’t ka – la – ba – sa, at sa – ka may – ro’n pang la – ba – nos, mus – ta – sa, si – bu – yas, ka – ma – tis, ba – wang at lu – ya, sa pa – li – gid ni – to ay pu – no ng li – nga.
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 22
Kaygandang Tingnan
G. J. E. Brondial
[chart: musical score; Kaygandang Tingnan, 2/4 time, measure numbers 7 and 15 printed at the left of the second and third lines, lyrics as printed below]
O ang bun-dok at ang bul-kan, kay gan-dang ting-nan, Pu-nong ka-hoy at ha-la-man,
kay gan-dang ting-nan. Ay! Ay! Ay! Ay! kay gan-dang ting-nan, Ay! Ay! Ay! Ay!
kay gan – dang ting – nan.
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 47
Pagyamanin
Gawain A
Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Alin sa ostinato pattern ang may sukat na dalawahan (2)?
a. [illustration: stick notation, 2 beats, single sticks]
b. [illustration: stick notation, 2 beats, sticks with symbols]
c. [illustration: stick notation, 2 beats, repeated two-stick symbols]
d. [illustration: stick notation, 2 beats, box symbols with sticks]Alin sa sumusunod na pattern ang may sukat na tatluhan (3)?
a. [illustration: stick notation, 3 beats, repeated two-stick symbols]
b. [illustration: stick notation, 3 beats, sticks with symbols]
c. [illustration: stick notation, 3 beats, box symbols with sticks]
d. [illustration: stick notation, 3 beats, single sticks]Alin sa sumusunod na pattern ang by 4’s?
a. [illustration: stick notation, 4 beats, repeated two-stick symbols]
b. [illustration: stick notation, 4 beats, single sticks]
c. [illustration: stick notation, 4 beats, box symbols with two-stick symbols]
d. [illustration: stick notation, 4 beats, box symbols with sticks]Lagyan ng stick notation. [illustration: four-beat stick notation blanks with a row of instruments, one drum and three tambourine-like instruments] ____ ____ _____ ____
Si Mina ay umaakyat sa hagdan. Gumawa ng ostinato pattern na tatluhan sa tunog ng kaniyang pagpadyak.
[illustration: girl climbing a staircase]
2 ||: ____ | ____ | ____ | ____ :||
Gawain B
Lumikha ng ostinato pattern sa awiting “Leron Leron Sinta”. Ito ay may dalawahang kumpas sa bawat sukat. Gumamit ng stick notation sa paggawa ng ostinato. Isaliw ang iyong nagawang stick notation gamit ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan o mga gamit sa iyong paligid habang inaawit ang “Leron, Leron Sinta”.
Matapos gawin ang gawain, sagutan ang rubriks. Lagyan ng tsek (/) ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa unang hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa kabuuan.
Leron Leron Sinta
[chart: musical score; Leron Leron Sinta, 2/4 time, lyrics as printed below]
Le – ron – le ron sin – ta u-mak yat sa pa-pa – ya da – la dala’y bus – lo si –
sid lan ng bu – nga pag – da-ting sa du – lo na – ba – li ang sa – nga ka – pos kapa-la – ran hu –
ma – nap ng i – ba
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 107
2 ||: ______ | ______ | ______ | ______ :||
| Pinakamahusay (5) | Mahusay (3) | Paunlarin (1) | |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalikha ng wastong ostinato pattern na may dalawahang kumpas. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Pinakamahusay (5) | Mahusay (3) | Paunlarin (1) | |
|---|---|---|---|
| 2. Naisagawa nang wasto ang stick notation. | |||
| 3. Naisaliw ang tunog gamit ang iba’t ibang galaw ng katawan habang sumasabay sa pag-awit. | |||
| Kabuuan |
Isaisip
Ano ba ang ostinato pattern? Ano-ano ang maaari nating gamitin upang maisaliw ang tunog ng awit? Maaari bang gamitin ang mga bahagi ng ating katawan bilang pansaliw?
Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw sa isang awit maaring ito ay sa kumpas na dalawahan, tatluhan o apatan.
Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang iba’tibang uri ng instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks, castanets, triangles at rhythm sticks.
Maaari kang gumamit ng iba’t ibang bahagi ng katawan o body percussion upang makalikha ng tunog.
Isagawa
Nakadalo ka na ba sa isang pista? Masdan ang larawan sa ibaba. Ano-anong tunog kaya ang iyong narinig? Lumikha ng isang ostinato pattern gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan o mga instrumentong panritmo sa kumpas na dalawahan, tatluhan at apatan. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Matapos gawin ang gawain, sagutan ang rubriks. Lagyan ng tsek (/) ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa unang hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa kabuuan.
[illustration: a barangay fiesta scene with a bamboo arch sign reading “TULOY PO KAYO BARANGAY KATIPUNAN”, a girl playing a guitar, children playing, a table with food, a cat, a dog, a pig and a chicken]
4 ||: ______ | ______ | ______ | ______ :||
3 ||: ______ | ______ | ______ | ______ :||
2 ||: ______ | ______ | ______ | ______ :||
| Pinakamahusay (5) | Mahusay (3) | Paunlarin (1) | |
|---|---|---|---|
| 1. Nakalikha ng wastong ostinato pattern na may dalawahang kumpas. | |||
| 2. Naisagawa nang wasto ang stick notation. | |||
| 3. Naisaliw ang tunog gamit ang iba’t ibang galaw ng katawan habang sumasabay sa pag-awit. | |||
| Kabuuan |
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Bilugan ang larawan na hindi ostinato.
a. [illustration: two balloons, a drum, and a balloon, beside five clapping hands]
b. [illustration: four drums, beside four clapping hands]
c. [illustration: four short staff excerpts of quarter and eighth notes]
d. [illustration: four drums, beside four clapping hands][transcriber’s note: each choice is printed as two groups of pictures side by side; the pictures are not labeled with letters other than a to d]
Bilugan ang nagpapakita ng ostinato.
a. [illustration: three bees and a shirt, beside four drums]
b. [illustration: three balloons and a drum, beside three bell-like instruments]
c. [illustration: flowers and frogs in repeated pairs, beside flowers and frogs in repeated pairs]
d. [illustration: four drums, beside a balloon, a balloon, a drum, and a balloon]Ano ang ostinato?
a. Paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit pansaliw sa awit
b. Isang tugtug na sinabayan ng sayaw
c. Isang uri ng ritmo
d. Isang himigAng _____ ay paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit pansaliw sa awit.
a. beat
b. note
c. rhythmic pattern
d. ostinatoAng pagpapalakpak ay isang galaw na may _____.
a. walang tunog o rest
b. tunog
c. indayog
d. tugtug
Karagdagang Gawain
A. Sabayan ang mga sumusunod na stick notation sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtatapik ng mga bagay na tumutunog o pagpapatunog ng mga rhythmic instrument.
- 4 [stick notation: repeat sign, rests and bars, repeat sign]
- 3 [stick notation: repeat sign, bars with rectangular note symbols, repeat sign]
- 2 [stick notation: repeat sign, rests and rectangular note symbols, repeat sign]
| Pinakamahusay (5) | Mahusay (3) | Paunlarin (1) | |
|---|---|---|---|
| 1. Naisagawa nang wasto ang pagsunod sa stick notation. | Nagawa nang tama ang pagsaliw sa tunog ng bawat stick notation. | Nagkaroon ng 1-5 mali sa pagsaliw ng tunog. | Naisagawa ang gawain nga may 6 o higit pang mali sa bawat sukat. |
| 2. Naisaliw ang mga sumusunod na stick notation gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan. | Naisaliw ang sumusunod na stick notation sa tatlong paraan. | Naisaliw ang mga sumusunod na stick notation sa dalawang paraan. | Naisaliw ang stick notation sa isang paraan. |
| Kabuuan |
B. Ihanay ang sumusunod na larawan na nasa loob ng kahon ayon sa wasto nitong stick notation. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
____1. 4 [stick notation: repeat sign, rectangular note symbols with rests, repeat sign]
____2. 2 [stick notation: repeat sign, rectangular note symbols and bars, repeat sign]
____3. 3 [stick notation: repeat sign, bars with rests, repeat sign]
____4. 3 [stick notation: repeat sign, rectangular note symbols and bars, repeat sign]
____5. 4 [stick notation: repeat sign, bars only, repeat sign]
a. [illustration: clapping hands in a repeated pattern of bars] b. [illustration: four drums and four drums in two groups] c. [illustration: drumsticks crossed with bar patterns] d. [illustration: clapping hands in a repeated pattern of bars] e. [illustration: drums of varying sizes in two groups]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- B
- C
- D
- E
- A
Balikan
- [stick notation]
- [stick notation]
- [stick notation]
- [stick notation]
- [stick notation]
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the stick notation answers in Balikan are printed as bar patterns and could not be reliably reproduced]
Pagyamanin:
Gawain 1
- A
- C
- A
- [stick notation]
- Maaaring magkakaiba ang sagot
Gawain 2
Maaaring magkakaiba ang sagot
Isagawa:
Maaaring magkakaiba ang sagot
Tayahin
- a
- c
- a
- d
- b
Karagdagang Gawain
A. Pagganap
B.
- c
- a
- d
- e
- b
Sanggunian
Batiloy, Fely A. , Borbor , Ma.Teresa P. , Cinco, Mary Grace V. , Digo, Maria Elena D., Enguero, Fe V. ,Ilagan, Julian, Arthur M. Amelia M., Obseńares, Josephine Chonie M. , Villareal, Josepina D.,2014, 2016,2017, Music, Art, PE and Health 3, Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya, Department of Education- Bureau of Learning Resource (DepEd-BLR), Book Media Press, Inc. , 21 E. Boni Serrano Ave., Quezon City
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply