This is a Grade 3 self-learning module for Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), Quarter 1, Module 6: “Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!” (affixes and root words: let’s explore!). It was prepared by DepEd Region XI for learners studying at home under the Alternative Delivery Mode and is written in Filipino (Tagalog). After the module, learners can break a word into its affix and root word and use both parts to work out what the word means.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module has one learning competency. Learners are expected to:
- Use the combination of affixes and root words as a guide to getting the meaning of a word (MT3VCD-Ice-1.5).
What is inside the module
The module has a single lesson, Aralin 1: “Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!” It follows the usual DepEd self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Answers five multiple-choice questions on root words and affixes |
| Balikan (review) | Checks whether measure words for uncountable nouns are correct, such as “baso ng gatas” (a glass of milk) |
| Tuklasin (discover) | Reads the poem “Rosas, Rosas” by Reenalyn B. Camponion and answers five questions about it |
| Suriin (analyze) | Finds the added syllables in six words from the poem |
| Tandaan (remember) | Reviews the key terms |
| Pagyamanin (practice) | Matches root words with affixes to form new words |
| Isaisip (reflect) | Fills in a short summary sentence |
| Isagawa (apply) | Separates the affix and root word in five words |
| Tayahin (assessment) | Forms new words from an affix and root word and gives their meanings |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Writes two or three sentences about the activities using words with affixes |
Key ideas: panlapi and salitang-ugat
A salitang-ugat (root word) is a simple word with no added parts, such as yaman (wealth), ligo (bath), kanta (song), sulat (writing), tanim (plant), and kain (eat). The module also calls these salitang payak (simple words).
A panlapi (affix) is a syllable added to a root word to make a new word with a new meaning. There are three kinds, named by where the affix goes:
- Unlapi (prefix): added at the front of the root word, such as ma- and na-.
- Gitlapi (infix): added inside the root word, such as -in- and -um-.
- Hulapi (suffix): added at the end of the root word, such as -in and -an.
Examples from the module
| Word | Root word | Affix | Kind | Meaning |
|---|---|---|---|---|
| mayaman | yaman | ma- | unlapi | not poor (hindi naghihirap) |
| naligo | ligo | na- | unlapi | washed the whole body |
| kinanta | kanta | -in- | gitlapi | sang (inawit) |
| sumulat | sulat | -um- | gitlapi | wrote using a pen |
| taniman | tanim | -an | hulapi | a place with plants |
| kainin | kain | -in | hulapi | to chew and swallow |
The poem “Rosas, Rosas” gives more examples: pansinin (notice), diligan (water the plants), dinala (carried), lumambot (softened), nagalit (got angry), and umiyak (cried). Each one is a root word with an affix added, and knowing the root helps the learner guess the meaning of the whole word.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all your answers on separate paper or in your notebook, not on the module, so other learners can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest when you do.
- Parents and guardians: Read the instructions with your child and help with the poem questions, which ask about flowers at home and giving flowers to show love. Contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.
- Teachers: The module notes that following the instructions closely helps learners reach the objective. The pretest shows who may need extra help, and the Tayahin assessment at the end measures what learners have learned.
The answer key covers the pretest, Balikan, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and Tayahin. The Karagdagang Gawain is an open-ended writing task with no fixed answer.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 3 Mother Tongue-Based Multilingual Education, Quarter 1, Module 6. The lesson is written in Filipino (Tagalog).
What is the difference between unlapi, gitlapi, and hulapi?
They are the three kinds of affixes. An unlapi goes at the front of a root word (ma- in mayaman), a gitlapi goes inside it (-um- in sumulat), and a hulapi goes at the end (-an in taniman).
What is a salitang-ugat?
A salitang-ugat is a root word, a simple word with no affix, such as yaman, ligo, kanta, sulat, tanim, and kain.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, activities, and final assessment. The extra writing activity has no fixed answer.
What competency does the module cover?
It covers using the combination of affixes and root words as a guide to getting the meaning of a word, with the code MT3VCD-Ice-1.5.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Mother Tongue-Based Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 6: Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!
CO_Q1_MTB-MLE 3_Module 6
[illustration: students studying outdoors under a tree, a teacher helping students at a desk, a student with a lamp and a globe, learners reading and writing]
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain! Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Reenalyn B. Camponion Editor: Lira S. Rubio, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus Tagasuri: April T. Delos Santos, Emma T. Esteban, Edgardo D. Pamugas III, Zimrose R. Pedrera, Ranchille E. Jacobe Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr. Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Winnie E. Batoon, Mary Jeanne B. Aldeguer, Chona M. Calatrava, Analiza C. Almazan, Teresita E. Helgason, Ma. Cielo D. Estrada, Jesusa P. Ambrona, George N. Wong
3
Mother Tongue-Based Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 6: Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q1_MTB-MLE 3_Module 6
Alamin
Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang nilalaman ng modyul na ito!
Dinisenyo at isinulat ito na isinaalang-alang ang antas ng iyong kakayahan. Ang layunin sa pagbuo ng modyul ay para magabayan kang matuto at makasanayan ang tamang paggamit ng panlapi at salitang-ugat. Ang modyul na ito ay magbibigay daan upang magamit mo ito sa iba’t ibang sitwasyon para sa iyong pagkatuto.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- nagagamit ang kombinasyon ng panlapi at salitang-ugat bilang gabay sa pagkuha ng kahulugan ng salita (MT3VCD-Ice-1.5).
[illustration: target with arrow icon beside the heading “Alamin”]
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang unawain ang gagawing pagbasa sa mga nilalaman ng modyul na ito upang mas mapadali at maging magaan ang mga nakalaang gawain para sa bawat aralin. Mas mainam na sunding mabuti ang mga panuto bilang gabay para matiyak na makamit ang layunin sa pagkatuto.
2 CO_Q1_MTB-MLE 3_Module 6
Subukin
Sa puntong ito, susubukin natin ang iyong paunang kaalaman ukol sa paksang pag-aaralan. Handa ka na ba?
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
Sa salitang gumanda, ano ang salitang-ugat nito?
a. ka
b. ganda
c. kaganda
d. gandahanMarami ang naninirahan sa Barangay Linaw dahil sa katahimikan dito. Ano-ano ang panlapi na ginamit sa salitang katahimikan?
a. ta
b. kata
c. ka, -an
d. tahimikAno ang salitang mabubuo kung pagsasamahin ang sama + han?
a. ama
b. sama
c. nagsama
d. samahanAno ang panlapi na maaaring idagdag sa salitang tulong upang makabuo ng bagong salita na ang ibig sabihin ay taong makatutulong sa bahay?
a. long + tulong
b. ka + tulong
c. tu + tumulong
d. ngan + tulunganIto ay mga pantig na idinadagdag sa salitang-ugat upang makabuo ng salita na may bagong kahulugan.
a. panlapi
b. salitang-ugat
c. pangngalan
d. pangngalang pamilang
3 CO_Q1_MTB-MLE 3_Module 6
Aralin 1
Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!
Balikan
Suriin kung angkop ba ang tandang pamilang na ginamit sa mga pangngalang di mabilang. Lagyan ng tsek (✓) kung wasto ang tandang pamilang at ekis (✖) naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
| _____ | 1. biskwit | dangkal ng |
| _____ | 2. gatas | baso ng |
| _____ | 3. bigas | metro ng |
| _____ | 4. prutas | basket ng |
| _____ | 5. tubig | balde ng |
[illustration: puzzle-piece icon beside the heading “Balikan”]
Tuklasin
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
Rosas, Rosas
ni: Reenalyn B. Camponion
Rosas ang bulaklak na ating bida, Pansinin mo ang rikit at kanyang ganda. Puti, pula, dilaw at iba pang kulay, sa mga mata ay nakakahangang – tunay.
[illustration: sprig icon beside the heading “Tuklasin”]
[illustration: two roses flanking the poem]
4 CO_Q1_MTB-MLE 3_Module 6
Sa tag-araw ay diligan, nang palaging masilayan, Talulot, bango at ligaya, Sa paligid nito’y dala-dala.
Kaya para sa pagmamahal mo sa lahat, Alay sa ina, ama, o kaibigang tapat. Dahil sa rosas na ating bidang bulaklak. Lumambot ang pusong nagalit at umiyak,
- Tungkol saan ang tula?
- Nagustuhan mo ba ito? Bakit?
- Ano-ano ang bulaklak sa inyong bahay?
- Gaya ng sinabi sa tula, naranasan mo rin bang magbigay ng mga bulaklak bilang tanda ng iyong pagmamahal?
- Ano ang pakiramdam kapag nakakita ka ng mga bulaklak sa paligid? Bakit?
Pag-aralan ang mga salitang nasa loob ng mga ulap. Ito ay mula sa tulang iyong binasa.
[chart: word clouds; six words printed in cloud shapes]
| Word 1 | Word 2 | Word 3 |
|---|---|---|
| pansinin | dinala | nagalit |
| diligan | lumambot | umiyak |
Suriin
Ang mga salitang nasa loob ng ulap kung ating susuriin ay may mga silabang idinagdag sa bawat isa. Ano-ano ang mga ito? Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
- pansinin – _________
- dinala – _________
- nagalit – _________
- diligan – _________
- lumambot – _________
- umiyak – _________
Pagkatapos masuri ang mga salita, ano ang mga panlapi na iyong naisulat? Ito ba ay nasa unahan ng salitang-ugat? nasa gitna o nasa hulihan ng salitang-ugat?
Kung ang mga panlaping naisulat mo ay; -in, -in-, na-, -an, -um-, at um-. Tama ka!
Ang mga nabanggit na panlaping na- at um- na makikita sa unahan ng salitang-ugat ay tinatawag na unlapi. Samantala, ang mga panlaping –in- at –um- naman na makikita sa gitna ng salitang ugat ay tinatawag na gitlapi. Mayroon ding mga panlaping tulad ng –in at –an na nasa hulihan ng salitang ugat makikita, tinatawag naman itong hulapi.
Pag-aralan ang talaan sa ibaba. Mayroon bang nagbago sa kahulugan ng mga salita nang idinagdag na ang mga panlapi sa mga salita?
Ano-ano ang silaba o panlaping ginamit? Pansinin kung ito ay unlapi na makikita sa unahan ng salitang-ugat, gitlapi na makikita sa gitna ng salitang-ugat at hulapi naman kung makikita ito sa hulihan ng salitang ugat.
| Salita | Salitang-Ugat | Panlapi | Uri ng Panlapi | Kahulugan |
|---|---|---|---|---|
| mayaman | yaman | ma- | unlapi | hindi naghihirap |
| Naligo | ligo | na- | unlapi | paglilinis ng buong katawan |
| kinanta | kanta | -in- | gitlapi | inawit |
| sumulat | sulat | -um- | gitlapi | nagsulat gamit ang panulat |
| taniman | taniman | -an | hulapi | lugar na may mga tanim |
| Kainin | kainin | -in | hulapi | nguyain at lunukin |
Tandaan
- Ang mga silabang idinadagdag sa salitang-ugat upang makabuo ng salitang may bagong kahulugan gaya ng halimbawang ibinigay ay tinatawag nating mga panlapi.
- Ang panlapi ay maaring idagdag sa unahan, sa gitna o sa hulihan. Ang panlaping dinadagdag sa unahan ng salitang-ugat ay tinatawag na unlapi. Samantala, ang panlaping idinagdag sa gitna ng salitang-ugat ay tinatawag na gitlapi at ang panlaping idinagdag naman sa hulihan ng salitang-ugat ay tinatawag na hulapi.
- Ang mga salitang yaman, ligo, kanta, sulat, tanim, kain ay tinatawag nating mga salitang-ugat o mga salitang payak.
Pagyamanin
Pagtambalin ang mga salitang ugat sa Hanay A at sa Hanay B upang makabuo ng panibagong salita. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. husay | -in- |
| 2. tala | ma- |
| 3. aral | -in |
| 4. tanim | mag- |
| 5. tao | maka- -na |
Isaisip
Sagutan ang tanong sa iyong papel o kuwaderno.
Ang _____________ ay mga silaba na idinadagdag sa salitang-ugat upang makabuo ng salitang may bagong kahulugan. May tatlong uri ito, ang _________, ___________, at ___________.
Isagawa
Tukuyin at isulat sa papel ang mga panlapi at salitang-ugat.
| Salita | Panlapi | Salitang-Ugat |
|---|---|---|
| 1. tawanan | ||
| 2. binutas | ||
| 3. nagtanim | ||
| 4. kapares | ||
| 5. basahin |
Tayahin
Kompletuhin at tukuyin ang mga bagong salita at kahulugan nito gamit ang binigay na panlapi at salitang-ugat. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
| Panlapi | Salitang-ugat | Salita | Kahulugan |
|---|---|---|---|
| 1. ma- | saya | ||
| 2. –in- | dilig | ||
| 3. mag- | laba | ||
| 4. –um- | sayaw | ||
| 5. -an | laban |
Karagdagang Gawain
Ano ang iyong pakiramdam sa paggawa ng mga gawaing ibinigay? Ipahayag ito sa dalawa o tatlong pangungusap gamit ang mga kombinasyon ng mga panlapi at salitang-ugat. Salungguhitan ang mga salitang may panlapi.
Halimbawa:
- Ipinakita ko ang pagpapasensiya sa pagsagot sa mga gawaing binigay ng aking guro.
- Masaya kong ginawa ang mga binigay na gawain.
Sagot:
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer key is transcribed below in its reading order, with each section’s answers listed under its heading]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- B
- C
- D
- B
- A
Balikan
- ×
- ✓
- ×
- ✓
- ✓
Suriin
- -in
- -in-
- -na
- -an
- -um-
- -um
Pagyamanin
- mahusay
- magtala
- aralin
- tinanim
- makatao
Isaisip
- panlapi
- unlapi, gitlapi, hulapi
Isagawa
- -nan; tawa
- -in-; butas
- nag; tanim
- ka; pares
- -hin; basa
Tayahin
- masaya; hindi malungkot
- diligin; bigyan ng patubig gaya ng tanim
- maglaba; labhan gaya ng damit
- sumayaw; nagsayaw sa saliw ng tugtog
- labanan; hindi aatras.
Sanggunian
Curriculum Guide in Mother Tongue Based-MLE 3, p133. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City, Philippines.
Final K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) with Corresponding CG Codes in MTB-MLE Grade III Quarter 1. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City, Philippines.
Bamba, Nelia D., Claire B. Barcelona, Gretel Laura M. Cadiong, Franlyn R. Corporal, Florinda Dimansala, Lilibeth A. Magtang, Victoria D. Mangaser, Florita R. Matic, Irene T. Pilapil, Grace U. Rabales, Raquel C. Solis, and Arabella May Z. Soniega. MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog- Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 35-36. DepEd Complex, MeralcoAvenue. 1600 Pasig City, Philippines.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply