Mother Tongue-Based Multilingual Education 3 Quarter 1 Module 10: Kayarian Halina’t Pag-aralan

Grade 3 MTB-MLE Quarter 1 Module 10 teaches payak, tambalan, and hugnayan sentences, with examples, practice activities, and an answer key.

This is the Self-Learning Module (SLM) for Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Grade 3, Quarter 1, Module 10: “Kayarian Halina’t Pag-aralan!” (Let’s study sentence structure!). It was written in Filipino by Araceli T. Cullamat for DepEd Region XI (First Edition, 2020) and made for learners studying at home. After the module, learners should be able to write the three kinds of sentences by structure: payak (simple), tambalan (compound), and hugnayan (complex).

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning competency. The learner:

  • writes the different kinds of sentences correctly: payak, tambalan, and hugnayan (MT3G-Ih-i-6.1).

The three kinds of sentences

The module has one lesson, Aralin 1 “Kayarian Halina’t Pag-aralan.” Its Tandaan (remember) section explains the kayarian ng pangungusap (structure of sentences). Most examples come from the module’s story about Joy.

Payak (simple sentence)

A payak sentence expresses only one idea or thought.

  • Ang batang si Joy ay nasa Ikatlong baitang. (Joy is in Grade 3.)
  • Naging panatag ang loob ni Joy sa sinabi ng kaniyang ina. (Joy felt calm after what her mother said.)

Tambalan (compound sentence)

A tambalan sentence is made of two clauses that can each stand alone. They are joined by at (and), o (or), ngunit (but), or at saka (and also).

  • Takot ang naghari sa kaniyang murang isip ngunit tiniyak ng kaniyang nanay na maging mabuti rin ang lahat.
  • Nagtanim siya ng gulay sa bakuran at naglinis sa mga sulok ng kanilang bahay.

Hugnayan (complex sentence)

As the module explains it, a hugnayan sentence expresses two thoughts joined by connectors such as kung (if), kapag or pag (when), nang (when), upang (so that), subalit (but), sapagkat and dahil (because), or habang (while).

  • Kailangan daw niyang maging matatag at mahinahon sa gitna ng pandemya dahil may Diyos na magbibigay proteksiyon at biyaya.
  • May balitang maaaring sa Agosto pa mag-uumpisa ang pasukan subalit ito raw ay hindi pa tiyak.

Quick comparison

KindWhat it isConnectors in the module
PayakOne idea or thoughtNone
TambalanTwo clauses that can stand aloneat, o, ngunit, at saka
HugnayanTwo thoughts joined by a connectorkung, kapag, pag, nang, upang, subalit, sapagkat, dahil, habang

Parts of the module

  • Subukin (pretest): five sentences to label A (payak), B (tambalan), or C (hugnayan).
  • Balikan (review): the poem “Ang Aking Alaga” (My pet), about a fat white dog with a short tail whose bark is as loud as a big drum, with four questions.
  • Tuklasin (discover): the story “Si Joy sa Panahon ng Pandemya” (Joy during the pandemic), about a Grade 3 girl who plants vegetables, cleans the house, and prays while waiting for classes to open.
  • Suriin (examine): learners compare their answers with three sentences from the story, one of each kind.
  • Pagyamanin (enrich): five sentences to mark P, T, or H.
  • Isaisip (keep in mind): a question on how the three kinds differ.
  • Isagawa (apply): five more sentences to identify.
  • Tayahin (assessment): Gawain A joins clauses from two columns into compound sentences; Gawain B fills in dahil or habang to make complex sentences.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): write two sentences of each kind.
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then go through the parts in order. Write all answers on separate paper or in a notebook, not in the module, so others can use it later. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module was prepared for home study. Read the poem and story with your child, and ask them to say why each sentence is payak, tambalan, or hugnayan.
  • Teachers: The module notes that following its directions closely helps learners reach the objective. Use the Karagdagang Gawain as a writing output, since the competency asks learners to write, not only identify, each kind of sentence.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 3 Mother Tongue-Based Multilingual Education, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10.

What is the difference between payak, tambalan, and hugnayan sentences?

A payak sentence expresses one idea. A tambalan sentence joins two clauses that can stand alone using at, o, ngunit, or at saka. A hugnayan sentence joins two thoughts with connectors such as kung, kapag, dahil, sapagkat, upang, or habang.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review questions, Pagyamanin, Isagawa, and both Tayahin activities.

What language is the module written in?

The module is written in Filipino and was produced by DepEd Region XI.

What is the learning competency code?

The module lists the competency MT3G-Ih-i-6.1: writing payak, tambalan, and hugnayan sentences correctly.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Mother Tongue-Based Multilingual Education Unang Markahan – Modyul 10: Kayarian Halina’t Pag-aralan!

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree, a teacher at a desk with a student, a child reading by a lamp, and two students with a globe]

3

CO_Q1_MTB-MLE 3_ Module 10

Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 10: Kayarian Halina’t Pag-aralan! Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Araceli T. Cullamat Editor: Lyn C. Dela Cerna, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus, Renato S. Bahande Tagasuri: April T. Delos Santos, Myrene M. Saragena, Angelica M. Mendoza, Lea C. Manambay, Aries A. Gamino, Renato S. Bahande Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr. Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Winnie E. Batoon, Mary Jeanne B. Aldeguer, Chona M. Calatrava, Analiza C. Almazan, Teresita E. Helgason, Ma. Cielo D. Estrada, Jesusa P. Ambrona, George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

3

Mother Tongue-Based Multilingual Education Unang Markahan – Modyul 10: Kayarian Halina’t Pag-aralan!

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang napapaloob sa modyul na ito!

Subukin mo kung paano ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap. May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • nakasusulat nang maayos ng iba’t ibang uri ng pangungusap: payak, tambalan, at hugnayan (MT3G-Ih-i-6.1).
Mga Tala para sa Guro

Mahalagang unawain ang gagawing pagbasa sa mga nilalaman ng modyul na ito upang mas mapadali at maging magaan ang mga nakalaang gawain para sa bawat aralin. Mas mainam na sunding mabuti ang mga panuto bilang gabay sa paggamit nito at matiyak na makamit ang mga layunin sa pagkatuto.

1

CO_Q1_MTB-MLE 3_ Module 10

Subukin

Basahing mabuti ang mga salitang nasa loob ng kahon at tukuyin ang kayarian ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan

  1. Ang bata ay sumasayaw.
  2. Niyakap niya ang kanyang mga anak at masaya silang nagkuwentuhan.
  3. Nagkasakit si Lola dahil sa sobrang pagtatrabaho.
  4. Masaya kaming naglalaro nang biglang umiyak si Rona.
  5. Magluluto ka ba o maglilinis ng bahay?

2

CO_Q1_MTB-MLE 3_ Module 10

Aralin 1 Kayarian Halina’t Pag-aralan

Alam mo ba ang pagkakaiba ng mga pangungusap na binabasa mo araw-araw? Mahalaga ba na pag-aralan ito? Ano ba ang pagkakaiba nila? Iilan lamang ito sa mga katanungan na dapat mong malaman.

Kaya, sa modyul na ito ang iba’t ibang kayarian ng pangungusap ay iyong matutuhan. Ito ay ang payak, tambalan, at hugnayang pangungusap.

[transcriber’s note: the sentence “Kaya, sa modyul na ito ang iba’t ibang kayarian ng pangungusap…” is partly covered by the Balikan icon in the image; the wording here is from the page’s text layer]

Balikan

Basahin at unawaing mabuti ang tula. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Ang Aking Alaga
ni: Araceli T. Cullamat

Ang aking alaga ay mataba,
lagi kong kasama tuwi-tuwina.
Buntot ay maikli,
balahibo ay puti.
Kasinlakas ng malaking tambol,
kung ito’y tumahol.
Tagabantay ng bahay,
kaya mahal kong tunay.

[illustration: a small fluffy white dog with a short tail, standing]

3

CO_Q1_MTB-MLE 3_ Module 10

Sagutin:

  1. Ano ang pamagat ng tula?
  2. Sino ang may balahibong puti?
  3. Paano niya inilarawan ang kaniyang aso ayon sa tula?
  4. Bakit inihalintulad niya sa malaking tambol ang kaniyang alaga?
Tuklasin

Basahin nang tahimik ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Si Joy sa Panahon ng Pandemya
ni: Araceli T. Cullamat

[illustration: a girl wearing a face mask kneels and tends potted seedlings, with sacks and plants beside her]

Ang batang si Joy ay nasa ikatlong baitang. Nang mapabalitang kumalat ang pandemya sa buong mundo, may namuong takot sa kaniyang isip. Malaki ang pangamba niya kung makapag-aaral pa siya nang ligtas at maayos sa panahong magbubukas ang klase sa buwan ng Hunyo. Takot ang naghari sa kaniyang murang isip ngunit tiniyak ng kaniyang nanay na magiging maaayos din ang lahat.

May balitang maaaring sa Agosto pa mag-uumpisa ang pasukan subali’t ito raw ay hindi pa tiyak. Pinayuhan siya ng

4

CO_Q1_MTB-MLE 3_ Module 10

kaniyang nanay na maging mahinahon lamang sapagkat hindi sila pababayaan ng Diyos. Naging panatag ang loob ni Joy sa sinabi ng kaniyang nanay. Inisip niya na magiging kapakipakinabang ang mahabang panahon na walang pasok kung tutulong siya sa mga gawaing bahay.

Nagtanim siya ng gulay sa bakuran at naglinis sa mga sulok ng kanilang bahay. Tuwang-tuwa ang nanay ni Joy sa kaniyang ipinakita. Naging ugali na rin niya ang magdasal tuwina. Kailangan daw niyang maging matatag at mahinahon sa gitna ng pandemya dahil may Diyos na magbibigay proteksiyon at biyaya. Mapaaga o magtatagal man ang pasukan, magiging produktibo ang oras ni Joy sa loob ng kanilang bahay sa panahon ng pandemya.

Basahin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

  1. Sino ang batang nasa Ikatlong baitang?
  2. Ano-ano ang ginawa ni Joy sa panahon na walang pasok?
  3. Bakit kailangan maging matatag at mahinahon si Joy sa gitna ng pandemya?

Suriin

Basahin ang iyong sagot sa mga tanong sa kuwento at ikumpara ito sa mga pangungusap sa ibaba.

  • Ang batang si Joy ay nasa Ikatlong baitang.
  • Nagtanim siya ng gulay sa bakuran at naglinis sa mga sulok ng kanilang bahay.
  • Kailangang maging matatag at mahinahon si Joy sa gitna ng pandemya dahil may Diyos na magbibigay proteksiyon at biyaya.

Alam mo ba na ang tatlong pangungusap na binasa mo ay may iba’t ibang kayarian? Halika at pag-aralan natin ito!

Tandaan

Kayarian ng Pangungusap

A. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang.

Halimbawa:

  1. Ang batang si Joy ay nasa Ikatlong baitang.
  2. Naging panatag ang loob ni Joy sa sinabi ng kaniyang ina.

B. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng at, o, ngunit, at at saka.

Halimbawa:

  1. Takot ang naghari sa kaniyang murang isip ngunit tiniyak ng kaniyang nanay na maging mabuti rin ang lahat.
  2. Nagtanim siya ng gulay sa bakuran at naglinis sa mga sulok ng kanilang bahay.

C. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito ng dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang-ugnay na kung, kapag, pag, nang, upang, subalit, sapagkat, dahil o habang.

Halimbawa:

  1. Kailangan daw niyang maging matatag at mahinahon sa gitna ng pandemya dahil may Diyos na magbibigay proteksiyon at biyaya.
  2. May balitang maaaring sa Agosto pa mag-uumpisa ang pasukan subalit ito raw ay hindi pa tiyak.

Ano ang pagkakaiba ng payak, tambalan at hugnayang pangungusap?

Pagyamanin

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang nasa ibaba. Ilagay ang P kung payak, T kung tambalan at H kung hugnayan. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

_____ 1. Nakatulog si Myrna habang nanonood ng telebisyon.

_____ 2. Sumali sa paligsahan si Mona at nasungkit niya ang unang puwesto.

_____ 3. Magluluto ka ba ng almusal o maglilinis sa bakuran?

_____ 4. Naglalakad si Rey sa parke ng kanilang bayan.

_____ 5. Nalungkot si Ana dahil umalis ang kanyang ina.

Isaisip

Ano ang pagkakaiba ng payak, tambalan at hugnayang pangungusap?

Isagawa

Kilalanin kung anong uri ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

  1. Pumunta ang pamilya Santos sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong.


  2. Nagbabakasyon sina Jess at Jessie sa Baguio City.


  3. Nagbigay donasyon ang pamilyang Misa sa mga nasalanta ng bagyo.


  4. Nagbibihis si Janela habang naghihintay si Janel sa sala.


  5. Sumayaw si Paolo at pumalakpak ang kaniyang mga kaklase.


Tayahin

Gawain A

Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa sa Hanay A at B upang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong pang-ugnay. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Hanay AHanay B
1. Tumutugtog ng piyano si Ruth.hindi siya sumasali sa paligsahan ng pagsayaw sa paaralan.
2. Mahirap ang kanilang pinagdaanan.lahat sila ay may pag-asa
3. Mahusay sumayaw si Kate.kumakanta siya sa handaan.
Gawain B

Gamitin ang wastong pang-ugnay na dahil o habang upang makabuo ng isang hugnayang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

  1. Masaya si Roy _____ tinutulungan niya ang kanilang kapitbahay.
  2. Umuwi kami nang maaga _____ kaarawan ni Ate Jana.
  3. Umiiyak ang bata _____ nawala ang kanyang bagong laruan.

Karagdagang Gawain

Sumulat sa isang papel ng tigdadalawang pangungusap ayon sa kayarian nito. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is reproduced below in reading order]

Subukin
  1. a
  2. b
  3. c
  4. c
  5. b
Balikan
  1. Ang pamagat ng tula ay Ang Aking Alaga.
  2. May balahibong puti ang kanyang alagang aso.
  3. Ang kanyang alaga ay mataba, buntot ay maikli, balahibo ay puti, tagabantay ng bahay, at kasinglakas ng tambol kung ito’y tumahol.
  4. Maaaring magkaiba ang sagot.
Pagyamanin
  1. H
  2. T
  3. T
  4. P
  5. H
Isagawa
  1. Hugnayan
  2. Tambalan
  3. Payak
  4. Hugnayan
  5. Tambalan
Tayahin
Gawain 1
  1. Tumutugtog ng piyano si Ruth at kumakanta siya sa handaan.
  2. Mahirap ang kanilang pinagdaanan pero lahat sila ay may pag-asa.
  3. Mahusay sumayaw si Kate pero hindi siya sumasali sa paligsahan ng pagsayaw sa paaralan.
Gawain 2
  1. Masaya si Roy habang tinutulungan niya ang kanilang kapitbahay.
  2. Umuwi kami nang maaga dahil kaarawan ni Ate Jana.
  3. Umiiyak ang bata dahil nawala ang kanyang bagong laruan.

Sanggunian

Curriculum Guide in Mother Tongue Based-MLE 3, p133. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City, Philippines.

Final K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) with Corresponding CG Codes in MTB-MLE Grade III Quarter 1. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City, Philippines.

Bamba, Nelia D., Claire B. Barcelona, Gretel Laura M. Cadiong, Franlyn R. Corporal, Florinda Dimansala, Lilibeth A. Magtang, Victoria D. Mangaser, Florita R. Matic, Irene T. Pilapil, Grace U. Rabales, Raquel C. Solis, and Arabella May Z. Soniega. MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog- Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 72, 95, 106. DepEd Complex, Meralco Avenue, 1600 Pasig City, Philippines.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district