This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for the second quarter, Module 20: “Mga Pangangailangan sa Pamayanan Halina’t Tugunan” (Needs in the community: let’s meet them). It is meant for Grade 8 learners studying at home, with help from parents, guardians, or teachers. After working through it, learners should be able to plan and carry out an activity that meets the intellectual, social, economic, and political needs of young people in school or in the community.
The module was prepared by DepEd Caraga Region under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020). Its writer is Holiday Gladdys R. Gallogo.
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Carry out an activity that responds to the needs of learners or young people in school or in the community in four aspects: intellectual, social, economic, and political (EsP8P-IIb-5.4).
The module opens with a simple idea: young or old, everyone has needs. People are naturally resourceful, and with the help of others they can find ways to meet those needs. Meeting your own needs and helping others meet theirs is a big responsibility, and doing it well shapes a responsible person who helps society grow.
The four kinds of needs
The lesson (Aralin 1) explains four kinds of needs of a learner in school or in the community. Here is a summary using the module’s own examples.
Pangangailangang intelektuwal (intellectual needs)
We learn something every day as we deal with other people. The module’s example: your mother gives you 20 pesos to buy vinegar that costs 12 pesos, and the store gives you 8 pesos change. That is a real-life lesson in subtraction. Ways to grow your knowledge include:
- Reading books, magazines, newspapers, and other printed materials
- Browsing the internet about words or things you want to understand
- Watching educational videos and meaningful TV programs, including the news
- Asking family, teachers, and friends who know a lot
- Attending class regularly and listening well to the teacher
Pangangailangang panlipunan (social needs)
No one can live without help from others. The house you live in was built by other people, the rice you eat comes from farmers, your education comes from teachers, and the book you read was written by someone else. Family, friends, and loved ones also come from society. They give love and care, comfort us when we have problems, and guide us toward our goals.
Pangangailangang pangkabuhayan (economic needs)
People need a steady livelihood to pay for food, shelter, and clothing. Some parents earn a monthly salary from government or private jobs, while others run a business. Schools also teach skills that can become a source of income, such as Bread and Pastry Production, Shielded Metal Arc Welding, Cookery, Electrical Installation and Maintenance, and Computer Systems Servicing. Learners are not expected to work yet, but they can still help. They can save on things used at home, help prepare goods for sale, and be responsible at home while their parents are away.
Pangangailangang politikal (political needs)
As learners and citizens, young people need help and protection from the government. The government makes laws and runs projects such as public schools, road repairs, Agrarian Reform, irrigation, traffic rules, and scholarships. Learners meet their political needs by answering calls from their local government, for example bayanihan (community work) in school or the barangay, or chances for jobs, business, or scholarships. They also meet these needs by going to school and following the rules of the school and the teacher. The module gives the COVID-19 curfew from 8 p.m. to 5 a.m. as an example of a law that families followed for everyone’s good. It also quotes Romans 13:1 (Mga Taga-Roma 13:1) on obeying those in authority.
Parts and activities of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 15 multiple-choice questions on the topic |
| Balikan (review) | Gawain 1: Piliin Mo! Fill in the blanks to review the previous module |
| Tuklasin (explore) | Gawain 2: Sarbey. Check which kind of need each item belongs to, such as reading or a scholarship |
| Suriin (discussion) | Reading on the four kinds of needs |
| Pagyamanin (practice) | Gawain 3: Gagawin Ko!, Gawain 4: Pangangailangan Ko, Tutugunan Ko!, and Gawain 5: Mag-comply sa Batas! |
| Isaisip (reflect) | Gawain 6: Masubok Nga! Five short-answer questions |
| Isagawa (apply) | Gawain 7: Kilos Ko! A chart on how you will meet each kind of need, such as understanding algebraic expressions or joining a school organization |
| Tayahin (post-test) | 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Gawain 8: Tugon Ko, Repleksyon Ko! A journal reflection scored with a 15-point rubric |
How to use this module
- Learners: Take the pretest first to see what you already know. Then go through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet, not in the module, so that others can use it after you. Check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child follow the parts in order. The open-ended activities (Gawain 2, 4, 5, 6, and 7) come with scoring guides that you can use to see how well your child did.
- Teachers: The module notes that a learner who does well in Balikan may move on. A learner who does not should go back to the previous module. The answer key covers the pretest, Gawain 1, Gawain 3, and the post-test. The written activities are scored with the rubrics printed in the module.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 20.
What are the four kinds of needs discussed in the module?
Intellectual (intelektuwal), social (panlipunan), economic (pangkabuhayan), and political (politikal) needs of learners in school or in the community.
What competency does this module cover?
It covers EsP8P-IIb-5.4: carrying out an activity that responds to the intellectual, social, economic, and political needs of learners or young people in school or the community.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, Gawain 1, Gawain 3, and the post-test. The written activities are scored with rubrics included in the module.
How can a Grade 8 learner meet political needs?
According to the module, learners can answer calls from their local government, such as bayanihan, and follow the laws and the rules of their school and teacher.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan-Modyul 20: Mga Pangangailangan sa Pamayanan Halina’t Tugunan
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 20: Mga Pangangailangan sa Pamayanan Halina’t Tugunan
[illustration: students reading, studying, and working together outdoors and indoors around a globe, with a lamp and a teacher at a desk]
CO_Q2_EsP 8_ Modyul 20
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 20: Mga Pangangailangan sa Pamayanan Halina’t Tugunan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Holiday Gladdys R. Gallogo Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine F. Salar, Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo, Jhon Rey C. Clarion, Israel Reveche Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Jannibal A. Lojero Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseňares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag ng Pilipinas sa: _______________________________
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 20: Mga Pangangailangan sa Pamayanan Halina’t Tugunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand with a finger pressing a button]
Bata man o matanda ay may kanya-kanyang pangangailangan, maaaring intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan o politikal. Ano man sa nabanggit ang nararanasan, bilang tao kailangan natin na magsagawa ng mga hakbang o gawain na maaring tumugon sa ating mga pangangailangan.
Likas na maparaan ang tao kung kaya ano man ang nararanasan ay madali itong nakalalapat ng solusyon sa tulong na rin ng kapuwa tao na may mahalagang papel o gampanin sa kani-kanilang kapuwa. Isang malaking responsibilidad ang pagtugon sa sariling pangangailangan at sa kapuwa na kung magampanan nang mabuti ay lilinang ng isang responsable at kasiya-siyang tao na magpapaunlad sa lipunan.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga gawain o tugon sa pangangailangan ng isang kabataan sa paaralan. Lilinangin din ang kasanayang pampagkatuto na;
a. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. (EsP8P-IIb-5.4)
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa iyong pangangailangan bilang mag-aaral?
A. pagtustos ng pamilya
B. magbantay sa checkpoint
C. ma gpaunlad ng kaalaman
D. pamamahala ng pamayananAlin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang lipunan?
A. grupo ng mga manggagawa ng pamahalaan
B. pangkat ng mga tao na may magkakaibang mithiin
C. grupo ng mga tao na may magkakatulad na trabaho
D. isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisaAlin sa mga sitwasyon ang iyong gagawin upang mapalawak ang iyong kaalaman?
A. pagsunod sa mga utos ng kaibigan
B. pagsunod sa batas ng pamahalaan
C. panonood ng mga educational videos
D. tanggapin ang mga payo ng magulangAlin sa mga sumusunod ang makatutulong sa inyong pangangailangang pangkabuhayan?
A. sumunod sa batas ng pamahalaan at maging sa paaralan
B. sumali sa lingguhang bayanihan sa barangay nang walang liban
C. sumunod sa mga payo ng magulang tungkol sa pakikipagrelasyon.
D. sumunod sa mga panuto ng guro sa TLE kung paano gawin ang mga recipeNais ni Mike na makapagtapos ng kolehiyo ngunit mahirap lang ang kaniyang pamilya. Sa isang programang pampaaralan, narinig niya sa mensahe ng gobernador ang handog na scholarship para sa mga mahihirap na mga mag-aaral kaya dali-dali niyang inasikaso ang mga requirements upang mapabilang sa mga scholar. Anong uri ng pangangailangan ang kinaharap ni Mike?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikalAyon sa Mga Taga-Roma 13:1, bakit kailangang pasakop sa matataas na kapangyarihan ang bawat tao?
A. dahil makabubuti ito sa lahat ng tao
B. sapagkat ang mga yao’y hinirang ng Diyos
C. dahil hindi mabuti kung sila ay suwayin mo
D. sapagkat ito ang tamang gawin ng taong mabaitSi Lanny ay isang transferee. Mahiyain siya sapagkat wala siyang kakilala sa klase. Kaya gusto niyang bumalik sa dating paaralan. Anong uri ng pangangailangan ang inilarawan sa sitwasyon?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikalAlin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na may partisipasyon sa pagtupad ng pangangailangang politikal ang kabataan?
A. pagtulong sa nanay sa pagbebenta ng kakanin
B. agarang pagtulong sa kapitbahay na nagkasakit
C. pananatili sa loob ng bahay dahil menor de edad pa lamang
D. pagsagot ng mga katanungan ng guro sa abot nang makakayaBilang kabataan, kailan ang tamang panahon upang makapag-ambag ng kabutihan sa pamayanan?
A. lahat ng panahon
B. kapag walang pasok
C. kung kinakailangan
D. kapag may sariling kita naAno-ano ang magagawa natin kapag mahal natin ang ating kapuwa tao gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili?
A. away, krimen, katiwalian, kasamaan
B. tampuhan, bangayan, korapsyon, malasakit
C. suntukan, katiwalian, pagbibigayan, korapsyon
D. pagbibigayan, pagpapatawad, pagmamalasakit, bayanihanBakit kailangang sumunod sa mga patakaran sa paaralan?
A. upang matuwa ang lahat ng guro at kamag-aral
B. upang maging matiwasay ang kabuoan ng paaralan
C. baka isuspende ng pamunuan kapag hindi sumunod
D. upang tumaas ang mga marka sa lahat ng asignaturaGustong- gusto ni Maribel na magkaroon ng sariling kabuhayan upang hindi mahirapan ang kanyang ina sa mga gastusin sa paaralan. Kaya naisipan niyang magtinda ng yema sa kanyang mga kaklase at guro. Nakapag-ipon siya ng perang pambayad ng mga kailangan sa paaralan. Anong uri ito ng pangangailangan?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikalKaya ba ng tao na mamuhay nang mag-isa?
A. oo, lalo na’t maraming perang pambili ng kailangan
B. hindi, dahil kailangan ang tulong mula sa kapuwa tao
C. oo, kapag sanay na sa ganitong sitwasyon araw-araw
D. hindi, dahil hindi ito ang natural na gawain ng isang taoAlin sa sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa pangangailangang politikal?
A. pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan
B. pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase
C. pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
D. pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralanAlin sa sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa pangangailangang pangkabuhayan?
A. pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan
B. pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase
C. pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
D. pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralan
Aralin 1
Mga Pangangailangan sa Pamayanan: Halina’t Tugunan
“Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos.”
- Mga Taga-Roma 13: 1
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita!
Balikan
Gawain 1: Piliin Mo!
Panuto: Punan ang patlang ng salitang nararapat sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
| a. makatulong | f. utang na loob |
| b. intelektuwal | g. pakikipagkapuwa |
| c. katarungan | h. tao |
| d. sarili | i. pagmamahal |
| e. lipunan | j. paglilingkod |
Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng _____.
Kailangan ang _____ upang maibigay ang nararapat.
Nilikha ang _____ ayon sa larawan at wangis ng Diyos.
Sa isang linya ng kanta ni Jamie Rivera, “walang sinuman ang nabubuhay para sa _____ lamang.”
Sa aspektong _____, nalilinang ang kakayahan ng tao na maging mapanuri, mapalawak ang pagkamalikhain at mangatwiran.
Kailangang ipakita ang _____ at pagmalasakit sa ibang tao upang mahinuha ang kahulugan ng tunay na pakikipagkapwa.
Ang _____ sa kapwa ay indikasyon ng pagmamahal.
May kakayahan ang mga Pilipino na makiramdam, magtiwala at tumanaw ng _____.
Sa maliit na paraan ay maaari tayong _____.
Natututo ang tao na makibahagi sa pagbuo at pagtatamo ng makatao at makatarungang _____.
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2: Sarbey
Panuto: Suriin ang mga salita sa loob ng unang hanay kung ito ba ay nabibilang sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal. Lagyan ng tsek (√) kung aling aspekto ito nabibilang. Isulat ang sagot sa bawat hanay ng sagutang papel.
| Pangangailangan | Intelektuwal | Panlipunan | Pangkabuhayan | Politikal |
|---|---|---|---|---|
| Hal. Pakikipagkaibigan | √ | |||
| 1.Pagsali sa isang organisasyon | ||||
| 2.Pakikipag-usap | ||||
| 3.Pagbabasa | ||||
| 4.Libreng entrepreneurship seminar | ||||
| 5. Scholarship |
Batayan sa Pagwawasto:
- 10 puntos – Kompletong napunan ang lahat na talahanayan.
- 7 puntos – May tatlong aspekto lamang ang napunan.
- 5 puntos – Dalawang aspekto lang ang napunan.
- 3 puntos – Marami ang hindi napunan.
Suriin
Bilang isang mag-aaral sa Ikawalong Baitang, inaaasahang kaya mo nang gawin ang mga mabubuting bagay para sa iyong sarili at sa kapuwa tao. Lahat ng tao ay may personal na pangangailangan ngunit isang magandang hiyas nito ang pagtulong sa iba kahit siya mismo ay may mga kinakaharap na mga isyu sa buhay. Sa modyul na ito, ating talakayin ang apat na aspekto ng pangangailangan ng isang mag-aaral sa paaralan o pamayanan: intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal.
Pangangailangang intelektuwal
Sa araw-araw na tayo ay nakikisalamuha sa mga tao, unti-unting tumataas ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay. Halimbawa, inutusan ka ng iyong ina na bumili ng suka. Binigyan ka niya ng dalawampung piso (Php 20.00). Ang halaga ng suka ay labingdalawang piso (Php 12.00) kaya sinuklian ka ng walong piso (Php 8.00) ng tindera. Sa paraang ito ay natuto ka kung paano ang subtraction. Sa pamamagitan ng mga ganitong karanasan, ikaw ay nabibigyan ng pagkakataong mapaunlad ang iyong mga pangangailangang intelektuwal.
Maraming paraan upang malinang ang mga pangangailangang intelektuwal. Ang sumusunod ay mga mungkahi upang malinang ang kaalaman:
a) Magbasa ng mga aklat, magazine, newspaper at iba pang printed materials b) Mag-browse sa internet tungkol sa mga salita o mga bagay na gusto mong maintindihan c) Manood ng mga educational videos na nagtuturo ng mga bagay-bagay o kakayahang nais mong matutunan d) Manood ng mga balita at anumang mga makabuluhang programa sa telebisyon e) Magtanong sa mga kapamilya, guro, kaibigan o kakilala na may maraming kaalaman sa bagay-bagay f) Regular na dumalo sa klase at makinig nang mabuti sa guro upang tumaas at lumawak pa ang kaalaman
Pangangailangang Panlipunan
Walang taong kayang mabuhay na hindi tumatanggap ng tulong sa kapuwa. Mula sa sinapupunan ng iyong ina hanggang sa ikaw ay lumaki, may malaking ambag ang mga tao sa iyong paligid. Maraming pangangailangan natin ang nabibigyang katuparan mula sa lipunan. Halimbawa, ang bahay kung saan ka nakatira ay gawa ng ibang tao. Bagamat pera ng iyong magulang ang ipinambili ng inyong bigas, ito ay mula sa pinaghirapang ani ng mga magsasaka. Kung saang antas ka man ng edukasyon ngayon iyan ay bunga ng pagtuturo sa iyo ng mga guro na itinuturing mong kapuwa. Ang aklat na iyong binabasa ay isinulat ng kapuwa tao, kaya patunay lamang ito na magkatuwang ang bawat isa sa pagtugon ng mga pangangailangan.
Nagmumula rin sa lipunan ang ating mga kapamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay na nagbibigay ng pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit. Sila rin ang mga tao na dumadamay sa tuwing tayo ay may problema, at ang nagbibigay gabay sa bawat hakbang tungo sa ating mithiin sa buhay.
Pangangailangang Pangkabuhayan
Isa sa pangangailangan ng tao upang mabuhay ay ang pagkakaroon ng maayos na kabuhayan. Dito kinukuha ng ating mga magulang ang perang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, maayos na tirahan, damit at iba pa. May ilang mga magulang na empleyado o namamasukan sa pamahalaan o pribadong sektor. Sila ay nakatatanggap ng buwanang suweldo. May ilan din namang namumuhunan o nagnenegosyo at ito ang nagsisilbing pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan.
Sa paaralan ay itinuturo din sa mga mag-aaral na matuto ng mga skills tulad ng Bread and Pastry Production, Shielded Metal Arc Welding, Cookery, Electrical Installation and Maintenance, Computer Systems Servicing at iba pa na maaaring pagmulan ng sariling pangkabuhayan. Ang kaalaman sa mga kakayahang ito ay magsisilbing kalakasan mo at maaari mong magamit sa paghahanda para sa iyong kinabukasan.
Bilang isang bata at ikaw ay nag-aaral pa lamang, hindi ka inaasahan na magtatrabaho na ngunit maaari ka pa ring tumulong sa mga gawaing sumusuporta sa mga gawaing pangkabuhayan. Halimbawa, ang pagtitipid sa paggamit ng mga bagay sa loob ng tahanan ay malaking tulong na upang makatipid sa buwanang gastos ang iyong mga magulang. Ang pagtulong sa paghahanda ng mga paninda o ang pagiging responsible kung ikaw ang nasa tahanan habang wala ang iyong mga magulang ay malaking tulong na rin sa kanilang kabuhayan.
Pangangailangang Politikal
Maliban sa iyong mga magulang at kapamilya, bilang mag-aaral at mamamayan ng ating bansa, ikaw ay nangangailangan ng tulong at proteksyon mula sa ating pamahalaan. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga tao na inihalal ng sambayanang Pilipino at binigyan ng kapangyarihan ng saligang batas upang mamahala sa mga tao ng bansa o ng pamayanan. Sa pamamagitan nila ay
nagkakaroon ng sistematikong pag-usad ang bawat mamamayang Pilipino. Sila ang gumagawa ng mga batas upang maisakatuparan ang mga proyektong tiyak na ikauunlad ng bawat Pilipino. Halimbawa nito ay ang pagtatag ng mga pampublikong paaralan, pag-aayos ng mga lubak-lubak na mga daan, Agrarian Reform, trabaho, patubigan, libangan, traffic rules, scholarship at marami pang iba.
Bilang isang mamamayan, tungkulin mong tugunan ang iyong mga pangangailangang politikal sa pamamagitan ng pagtugon sa anumang panawagan ng iyong lokal na pamahalaan. Maaring ito ay bayanihan sa inyong paaralan, barangay, munisipyo o probinsya o di kaya ay mga oportunidad na trabaho, negosyo o scholarship. Sa bawat pagtugon mo sa kanilang mga panawagan ay unti- unting nagbabago ang dating ikaw. Nagiging disiplinado ka at nakikita mo kung paano mamahala ng mga tao. Balang araw magagamit mo ang karanasang ito kung ikaw na man ay magiging parte ng pamahalaan.
Sa simpleng pagpasok mo sa paaralan hanggang sa pagsunod sa mga panuntunan ng paaralan at ng iyong guro, naipapakita mo ang pagtugon sa iyong pangangailangang politikal. Ang mga batas ay isinagawa upang mapaayos at protektado ang buhay ng bawat tao. Sa pagsunod sa batas ay nagpapakita na ikaw ay may pakialam sa iyong sarili at sa mga tao sa iyong paligid. Ang pagiging masunurin sa batas ay nagdudulot ng matiwasay at masayang buhay sa pamayanan.
Kapag may disiplina sa sarili, madaling sumunod sa mga batas. Halimbawa, sa nararanasang pandemic na COVID-19 nagkaroon ng curfew mula alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga dahil naintindihang para ito sa ikabubuti ng lahat, minabuti ng iyong pamilya na manatili sa loob ng bahay habang may curfew.
Huwag manatiling tahimik at mahiyain sapagkat karapatan mong umunlad at matulungan ng pamahalaan. Kung ito ay iyong gagawin, balang araw ikaw ay magtatagumpay sa iyong mithiin sa buhay sa tulong ng mga politiko. Kung ang bawat tao ay tumutugon sa pamahalaan, walang mananatiling mahirap sa ating bansa. Gawing inspirasyon ang mga kabutihan at tulong na natanggap mula sa mga may kapangyarihan. Gamitin ang mga tulong na iyong natanggap upang mapaunlad ang sarili at makatulong sa pamilya at pamayanan.
Kailangang maunawaan ang mga nakapaloob sa batas at sumunod sa mga lider ng pamayanan upang mapayapang mamuhay at hindi mapahamak. Sa pamamagitan ng sistemang politikal, marami ang naisakatuparang batas na nagsisilbing tulong at proteksyon sa mga karapatan ng mga mag-aaral o kabataan dahil dito maging ang Panginoon ay nag-utos na sumunod sa batas at sa mga namumuno na pinatutunayan sa babasahin sa Mga Taga-Roma 13: 1, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos.” Ika nga, ang sinumang sumunod sa mabuti ay mas mapabubuti.
Pagyamanin
Gawain 3: Gagawin Ko!
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga gawain na tutugon sa iyong mga pangangailangan. Isulat lamang ang mga titik ng iyong sagot sa tapat ng mga pangangailangan: intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
| A. paghihiwalay ng mga basura | F. nagtitipid ng baon |
| B. nagbabasa ng mga journal | G. Nagsusuot ng face mask kahit saan |
| C. sumasali sa paglalaro ng basketball | H. Namamalengke |
| D. tumutulong sa pagbebenta ng nanay kung walang pasok | I. Panunuod ng tutorial sa internet |
| E. Pagsusuot ng uniporme pagpasok sa paaralan | J. Pakikinig sa talakayan ng guro |
Pangangailangang intelektuwal _____
Pangangailangang panlipunan _____
Pangangailangang pangkabuhayan _____
Pangangailangang politikal _____
Gawain 4: Pangangailangan Ko, Tutugunan Ko!
Panuto: Punan ang ikalawang hanay kung anong uri ng pangangailangan ang tinukoy sa unang hanay at isulat naman sa ikatlong hanay kung paano mo matutugunan ang naturang pangangailangan bilang kabataan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Pangangailangan | Uri ng Pangangailangan | Paano ko ito matutugunan? |
|---|---|---|
| Hal. pagmamahal | Panlipunan | pagbibigay ng malasakit at pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya, mga kaibigan at mga kapit-bahay |
| Pagkain | ||
| English grammar | ||
| Kaligtasan | ||
| Maliit na negosyo |
Batayan sa Pagwawasto:
- 10 puntos – kompletong napunan lahat ng pangangailangan ng tamang impormasyon.
- 7-9 puntos – May tatlong pangangailangan lamang ang napunan ng tamang impormasyon.
- 4-6 puntos – kompletong napunan lahat ng pangangailangan pero may kulang sa ideya.
- 3 puntos – may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng paksa
Gawain 5: Mag-comply sa Batas!
“Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos.” – Mga Taga-Roma 13: 1
Panuto: Itala sa kahon kung ano-ano ang maari mong gawin upang masunod ang mga batas na magpoprotekta sa iyong mga karapatan at magpauunlad sa iyong bayan bilang bahagi ng iyong pangangailangang politikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the answer box is a scroll-shaped frame with blank ruled lines for writing; no printed text inside it]
Batayan ng Pagtataya:
9-10 puntos – Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng paksa.
7-8 puntos – nailahad pero may kulang ng isang konsepto
4-6 puntos – Hindi masyadong nailahad ang konsepto ng paksa
1-3puntos – nakapagpahayag ng ideya pero malayo sa konsepto ng paksa
Isaisip
Gawain 6: Masubok Nga!
Panuto: Unawaing mabuti at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano- ano ang iba’t ibang uri ng pangangailangan?
- Paano mo matugunan ang iyong pangangailangang intelektuwal?
- Maaari bang mamuhay ang isang tao na walang pakikipagkapuwa sa iba? Bakit?
- Anu- ano ang iyong magagawa upang makatulong sa iyong mga magulang sa inyong kabuhayan?
- Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas sa ating pamayanan?
Batayan sa Pagwawasto sa bawat bilang:
5 puntos – Nasagot nang klaro ang bawat tanong batay sa sariling pananaw na may saktong halimbawa (kung kinakailangan ng pagpapaliwang ang tanong)
4 puntos – Nasagot ang bawat tanong batay sa sariling pananaw na may halimbawa (kung kinakailangan ng pagpapaliwang ang tanong)
3 puntos – Nasagot ang bawat tanong na hindi tugma ang halimbawa (kung kinakailangan ng pagpapaliwanag ang tanong)
2 puntos – may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng katanungan
Isagawa
Gawain 7: Kilos Ko!
Panuto: Punan ang tsart ayon sa pangangailangang intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal. Itala kung paano mo gagawin ang pagtugon sa iyong sariling pangangailangan sa paaralan o pamayanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Mga Pangangailangan | Gawain | Paano gagawin ang pagtugon sa aking pangangailangan? |
|---|---|---|
| Intelektuwal | Intindihin ang Algebraic expressions | |
| Panlipunan | Makikianib sa isang organisasyon sa paaralan | |
| Pangka-buhayan | Tutulungan ang magulang sa negosyo | |
| Politikal | Panatilihing malinis ang kapaligiran bilang ordinansa ng barangay |
Batayan sa Pagwawasto:
10 puntos – Kompletong napunan ang lahat ng talahanayan ng tamang impormasyon.
7-9 puntos – Tatlong aspekto lamang ang napunan ng tamang impormason.
4-6 puntos – May dalawang aspekto lamang ang napunan ng tamang impormason..
3 puntos – may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng paksa
Tayahin
Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa pangangailangang pangkabuhayan?
a. pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan
b. pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase
c. pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
d. pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralanAlin sa sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa pangangailangang politikal?
a. pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan
b. pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase
c. pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
d. pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralanSi Lanny ay isang transferee. Mahiyain siya sapagkat walang kakilala sa klase. Kaya gusto niyang bumalik sa dating paaralan. Anong uri ng pangangailangan ang inilarawan sa sitwasyon?
a. intelektuwal
b. panlipunan
c. pangkabuhayan
d. politikalBilang kabataan, kailan ang tamang panahon upang makaambag ng kabutihan sa pamayanan?
a. lahat ng panahon
b. kapag walang pasok
c. kung kinakailangan
d. kapag may sariling kita naAlin sa mga sitwasyon ang gagawin upang mapalawak ang iyong kaalaman?
a. pagsunod sa mga utos ng kaibigan
b. manood ng mga educational videos
c. sumunod sa batas ng pamahalaan
d. pagtanggap ng mga payo ng magulangKaya ba ng tao na mamuhay nang mag-isa?
a. oo, lalo na’t maraming perang pambili ng kailangan
b. hindi, dahil kailangan ang tulong mula sa kapwa tao
c. oo, kapag sanay na sa ganitong sitwasyon araw-araw
d. hindi, dahil hindi ito ang natural na gawain ng isang taoAyon sa Mga Taga-Roma 13: 1, bakit kailangang pasakop sa matataas na kapangyarihan ang bawat tao?
a. dahil makabubuti ito sa lahat ng tao
b. sapagkat ang mga yao’y hinirang ng Diyos
c. dahil hindi mabuti kung sila ay suwayin mo
d. sapagkat ito ang tamang gawin ng taong mabaitSi Mike ay nais makapagtapos ng kolehiyo ngunit mahirap lang ang kaniyang pamilya. Sa isang programang pampaaralan, narinig niya sa mensahe ng gobernador ang handog na scholarship para sa mga mahihirap na mga mag-aaral kaya dali-daling inasikaso niya ang mga requirements upang mapabilang sa mga scholar. Anong uri ito ng pangangailangan ang kinaharap ni Mike?
a. intelektuwal
b. panlipunan
c. pangkabuhayan
d. politikalBakit kailangang sumunod sa mga patakaran sa paaralan?
a. upang matuwa ang lahat ng guro at kamag-aral
b. upang maging matiwasay ang kabuoan ng paaralan
c. baka isuspende ng pamunuan kapag hindi sumunod
d. upang tumaas ang mga marka sa lahat ng asignaturaAlin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang lipunan?
a. grupo ng mga manggagawa ng pamahalaan
b. pangkat ng mga tao na may magkakaibang mithiin
c. grupo ng mga tao na may magkakatulad na trabaho
d. isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisaAlin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na may partisipasyon sa pagtupad ng pangangailangang politikal ang kabataan?
a. pagtulong ng nanay sa pagbebenta ng kakanin
b. agarang pagtulong sa kapitbahay na nagkasakit
c. panatili sa loob ng bahay dahil menor de edad pa lamang
d. pagsagot ng mga katanungan ng guro sa abot nang makakayaAlin sa mga sumusunod ang makatutulong sa inyong pangkabuhayang pangangailangan?
a. pagsunod sa batas ng pamahalaan at maging sa paaralan
b. sumali sa lingguhang bayanihan sa barangay nang walang liban
c. pagsunod sa mga payo ng magulang tungkol sa pakikipagrelasyon
d. sumunod sa mga panuto ng guro sa TLE kung paano gawin ang mga recipeAno-ano ang magagawa natin kapag mahal natin ang ating kapuwa tao gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili?
a. away, krimen, katiwalian, kasamaan
b. tampuhan, bangayan, korapsyon, malasakit
c. suntukan, katiwalian, pagbibigayan, korapsyon
d. pagbibigayan, pagpapatawad, pagmamalasakit, bayanihanGustong- gusto ni Maribel na magkaroon ng sariling kabuhayan upang hindi mahirapan ang kanyang ina sa mga gastusin sa paaralan. Kaya naisipan niyang magtinda ng yema sa kanyang mga kaklase at guro. Nakapag-ipon siya ng perang pambayad sa mga kailangan sa paaralan. Anong uri ito ng pangangailangan?
a. intelektuwal
b. panlipunan
c. pangkabuhayan
d. politikalAlin sa mga sumusunod ang kabilang sa iyong pangangailangan bilang mag-aaral?
a. magtustos ng pamilya
b. magbantay sa checkpoint
c. magpaunlad ng kaalaman
d. pamamahala ng pamayanan
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Tugon Ko, Repleksyon Ko!
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong naunawaan sa kahalagahan ng pagtugon sa sariling pangangailangan sa paaralan o pamayanan.
a. Ito ba ay madaling gawin? b. Paano mo kaya magagampanan ang iyong mga pangangailangan at ang pangangailangan ng iyong kapuwa?
Rubrik sa Pagsulat ng Journal
| Pamantayan | Puntos 5 | Puntos 4 | Puntos 3 |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng Nilalaman | Angkop at makabuluhan ang mensahe | Hindi gaanong angkop at makabuluhan ang mensahe | Hindi angkop at makabuluhan ang mensahe |
| Kahusayan sa Paggawa | Makapanghikayat at makapukaw pansin | Hindi gaanong makapanghikayat at makapukaw pansin | Hindi makapanghikayat at makapukaw pansin |
| Paglalahad ng isasagawang gawain bilang tugon | Mahusay na inilahad ang gawain/tugon sa bawat talata o pangungusap | Hindi gaanong mahusay na inilahad ang gawain/tugon sa bawat talata o pangungusap | Hindi mahusay ang pagkakalahad ng gawain/tugon sa bawat talata o pangungusap |
| Kabuoan = 15 puntos |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three answer columns and the Pagyamanin box are rotated 180 degrees, and they are transcribed below in their logical order]
Subukin
- C
- D
- C
- D
- A
- B
- B
- C
- A
- D
- B
- C
- B
- D
- B
Balikan
Gawain 1:
- G
- C
- H
- D
- B
- I
- J
- F
- A
- E
Pagyamanin
Gawain 3
- I, J, B – Pangangailangang Intelektuwal
- C, H – Pangangailangang Panlipunan
- D, F – Pangangailangang Pangkabuhayan
- A, E, G – Pangangailangang Pulitikal
Tayahin
- B
- D
- B
- A
- B
- B
- B
- A
- B
- D
- C
- D
- D
- C
- C
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City, 2014.
Hanguang Elektroniko
Pamilya ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.https://prezi.com/j0goac4ozjc/bakit-ang-pamilya-ang-pinakamahalagang-yunit-ng-lipunan/
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan.https://t..vangelodioggi.org/talata-sa-biblia-tungkol-sa-pamilya.html
Ang Ating Pamilya. https://angatingpamilya.weebly.com/blog/ang-ating-pamilya
Salawikain/kasabihan.htpps://www.google.com/amp/s/mgabayani.ph/salawikain-kasabihan/%3famp Mayo 27, 2020, 2:30 PM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply