Araling Panlipunan 4 Quarter 3 Module 3: Separation of Powers and Check and Balance

Grade 4 Araling Panlipunan Quarter 3 Module 3 on separation of powers, check and balance, and impeachment in the Philippine government, with answer key.

This is the Grade 4 Araling Panlipunan self-learning module for the third quarter, Module 3: “Mga Hangganan at Pagbabalanse ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng Pamahalaan” (the limits and balancing of the powers of the branches of government). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for learners studying at home. After this module, learners can explain why the three branches of the Philippine government have separate powers and how each branch keeps the others in check.

The module builds on the previous one, where learners studied the three connected branches: the tagapagbatas (legislative), the tagapagpaganap (executive), and the tagapaghukom (judicial), with their powers and duties.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states these learning competencies (Pamantayan sa Pagkatuto). Learners are expected to:

  1. Analyze the framework or structure of the Philippine government (“Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas”).
  2. Explain the separation of powers and the check and balance among the branches of government (“Naipapaliwanag ang paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance ng mga sangay ng pamahalaan”).

It also lists the quarter’s standards:

  • Content standard (Pamantayang Pangnilalaman): the learner shows understanding of the role of government in society, and of leaders and others who serve the unity, order, and progress of the country.
  • Performance standard (Pamantayan sa Pagganap): the learner actively takes part in and supports the projects and activities of the government and its leaders for the common good.

Lesson in this module

The module has one lesson: Aralin 1: Separation of Powers at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan (separation of powers and check and balance in the branches of government). It reviews what each branch does, then explains how the Constitution limits each branch’s power, how the branches check one another, and what impeachment is.

Key ideas of the lesson

The three branches at a glance

The module reviews the powers and members of each branch in a table:

BranchMain powerWho belongs to it
Tagapagbatas (legislative)Makes lawsSenators and congressmen
Tagapagpaganap (executive)Carries out the lawsThe Cabinet, led by the President
Tagapaghukom (judicial)Interprets the laws1 Chief Justice and 14 associate justices

The review activity also reminds learners that the House of Representatives and the Senate together are called Congress (Kongreso).

Separation of powers

The Constitution clearly states the limits of each branch’s power. This is called the separation of powers. Each branch is free to make its own decisions in carrying out its duties. No branch may interfere in the work of another, unless there is a violation of the powers set by the Constitution (Saligang Batas).

Check and balance

When one branch abuses its power, the other branches may call it out. This is the pagsusuri at pagbabalanse (checking and balancing) of power. Because “many eyes are watching” to make sure each branch does the right thing, abuse of power can be stopped right away and mistakes can be avoided.

Impeachment

Impeachment is the process where a high government official, such as the President, the Vice President, a Justice, the Ombudsman, or a member of a Constitutional Commission, is accused of wrongdoing. If the charge is proven, the official can be removed from office.

The module sums up the main idea this way: abuse of power can be avoided when each branch handles only the duties within its own scope.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, each with a short time limit:

  1. Subukin (pretest): draw a smiling face if a statement is about check and balance and separation of powers, and a frowning face if not (10 items, 5 minutes).
  2. Balikan (review): fill in blanks about the branches using words from a box.
  3. Tuklasin: reflect on a short verse about leaders using their power properly.
  4. Suriin: read the table and the explanations of separation of powers, check and balance, and impeachment.
  5. Pagyamanin: unscramble the two key terms and give their meanings, then color stars yellow (true) or red (false).
  6. Isaisip: arrange word groups on a ladder organizer to form the main idea and explain it.
  7. Isagawa: give an opinion on a case of a high official accused of corruption, and check Yes or No on how you would act in five situations.
  8. Tayahin (assessment): true-or-false items (WASTO or HINDI WASTO) and five multiple-choice questions.
  9. Karagdagang Gawain: complete a sentence about the separation of powers.

For learners: write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest.

For parents: guide your child through the parts in order and contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.

For teachers: the pretest shows which learners may need extra help, and the Tayahin measures what they learned. The Isagawa opinion question has no single correct answer.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 4 Araling Panlipunan, third quarter (Ikatlong Markahan), Module 3.

What is the difference between separation of powers and check and balance?

Separation of powers means the Constitution sets limits on each branch’s power so that no branch interferes in another’s work. Check and balance means a branch that abuses its power can be called out by the other branches.

What is impeachment according to the module?

It is the process where a high official, such as the President, Vice President, a Justice, the Ombudsman, or a member of a Constitutional Commission, is accused of wrongdoing and can be removed from office if proven guilty.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and assessment. The Isagawa opinion question has answers that may vary.

How many lessons does this module have?

It has one lesson, Aralin 1: Separation of Powers at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Hangganan at Pagbabalanse ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng Pamahalaan

4

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Hangganan at Pagbabalanse ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng Pamahalaan

[illustration: students reading outdoors and indoors, a teacher, a lamp, and a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_AP 4_ Module 3

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Hangganan at Pagbabalanse ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng Pamahalaan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jason H. Hadap Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico Tagasuri: Ana N. Calisura Tagaguhit: Tagalapat: Edsel D. Doctama, Elizalde L. Piol Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Imelda R. Caunca, Marites B. Tongco

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Philippines Telefax: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Hangganan at Pagbabalanse ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng Pamahalaan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Napag-aralan sa nakaraang modyul ang tatlong sangay ng pamahalaan na magkakaugnay – ang tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom. Nabatid mo ang saklaw nitong kapangyarihan at mga tungkulin.

Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang mga hangganan ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at ang pagbalanse ng kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan.

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng bansa.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good).

Pamantayan sa Pagkatuto

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  1. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas.
  2. Naipapaliwanag ang paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance ng mga sangay ng pamahalaan.

Sa palagay mo, bakit magkahiwalay ang mga kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan? Bakit kailangan ang pagpupuna sa ipinatutupad na kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan?

CO_Q3_AP 4_ Module 3 (page 1)

Subukin

[illustration: pencil mascot]

Kumusta kaibigan? Alam mo ba kung sino at bakit ako narito? Ano kaya ang magiging papel ko sa pagsama sayo sa modyul na ito?

Ako ay si AP Lapis “at your service!” Ang magiging gabay mo sa bawat araling magpapatalas ng iyong isip. Nawa’y masiyahan ka habang ako ang iyong kasa-kasama.

Bago mo simulang pag-aralan ang tungkol sa saklaw ng kapangyarihan at check and balance ng sangay ng pamahalaan, subukin mo munang sagutan ang mga tanong tungkol dito.

Iguhit mo ang [illustration: smiling face] kung ang pahayag ay nagsasabi tungkol sa check and balance at separation of powers at [illustration: frowning face] naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 5 minuto.

a. ____1. Ang bawat sangay ng pamahalaan ay malaya sa panghihimasok ng iba pang sangay.

____2. Ang separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan ay isang hakbang para maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan.

____3. Sa ilalim ng check and balance ay maaaring punahin ang kamalian ng bawat sangay ng pamahalaan.

____4. Ang separation of powers ang may kapangyarihan sa pagsusuri at pagbabalanse ng bawat sangay ng pamahalaan.

____5. Nagkakaroon ng sabwatan ang mga sangay ng pamahalaan sa ilalim ng check and balance.

____6. Napagtatakpan ang kamalian ng bawat sangay kung may check and balance.

____7. Maiiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan kung maayos na naipatutupad ang check and balance.

____8. Dapat na may mangibabaw na isang sangay ng pamahalaan batay sa kapangyarihan.

____9. Iginagalang ang kalayaan ng bawat sangay sa ilalim ng check and balance.

____10. Ang pamumuno ay may kalakip ding pananagutan at pakikipagkaisa at pantay na pagtingin, mapatao man ito o mapapamahalaan.

Aralin 1 Separation of Powers at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan

Balikan

Balikan ang iyong napag-aralang modyul sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan. Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang sagot na makikita sa kahon. Gawin ito sa loob ng 3 minuto sa iyong sagutang papel.

PanguloKongresoSangay
HuradoTagapagbatasTagapaghukom
  1. Pinamumunuan ng ________ ng bansa ang Sangay na Tagapagpaganap.


  2. Magkakaugnay ang lahat ng mga _______ ng pambansang pamahalaan.


  3. Ang Sangay na ___________ ay kinabibilangan ng mga mambabatas.


  4. Ang Sangay na Tagapaghukom ay binubuo ng mga piling ________.


  5. Ang Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ay ang kapulungan ng Tagapagbatas na tinatawag ring ________.


Tuklasin

[illustration: seedling in soil]

Mga pinuno ng bansa May kapangyarihang tinatamasa Ngunit dapat paggamit nito ay tama Upang umunlad ang bansa.

Nabasa mo ang pahayag sa itaas? Ano kaya ang nais nitong ipahatid? Ano ang kaugnayan nito sa ating aralin? (Pagnilayan sa loob ng 2 minuto)

[illustration: pencil mascot]

Suriin

Pag-aralan ang mga konsepto na makikita sa talahanayan. Naaalala mo pa ba ang mga ito?

KAPANGYARIHAN AT TUNGKULIN NG TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN

TAGAPAGBATASTAGAPAGPAGANAPTAGAPAGHUKOM
Gumagawa ng batasNagpapatupad ng mga batasNagpapaliwanag ng mga batas
Mga Senador at KongresistaGabinete1 Punong Mahistrado
14 na mga kasamang mahistrado

Basahin at unawain ang talata sa loob ng kahon.

SEPARATION OF POWERS
  • Malinaw na isinasaad sa Konstitusyon ang mga hangganan ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan. Ito ang tinatawag na separation of powers ng tatlong sangay. Malaya ang bawat sangay ng pamahalaan na gumawa ng desisyon bilang pagtupad sa kanilang tungkulin at gawain. Hindi maaaring makialam ang alin mang sangay sa kani-kanilang gawain maliban kung ito ay may paglabag sa kapangyarihang nakatadhana ng Saligang Batas.
CHECK AND BALANCE
  • Kapag nagmalabis sa kaniyang kapangyarihan ang isang sangay, maaari siyang punahin ng alin mang sangay. Ito ang pagsusuri at pagbabalanse o check and balance ng kapangyarihan ng bawat isang sangay ng pamahalaan. Ang kalabisan sa kapangyarihan ay kaagad natitigil sapagkat maraming mata ang nakamatyag upang matiyak na wasto ang ginagawa ng bawat isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkakamali ng kapangyarihan ng bawat sangay.
IMPEACHMENT

Ito ay proseso kung saan ang isang mataas na opisyal (tulad ng pangulo, Pangalawang Pangulo, Mahistrado, Ombudsman at mga kasapi ng Komisyong Konstitusyunal) ng pamahalaan ay inaakusahan ng katiwalian na maaaring matanggal sa tungkulin o puwesto ang opisyal kung ito ay mapatunayan.

Ano ang naunawaan mo sa mga salitang separation of powers at check and balance sa kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan? Ipaliwanag mo nga ang mga ito?

Pagyamanin

Gawain 1. Isaayos ang mga titik upang mabuo ang salitang may kinalaman sa iyong aralin at isulat ang kahulugan nito. Hanapin sa kahon ang tamang paglalarawan dito. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 2 minuto.

Hangganan ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan.

Malayang pagpuna o panghihimasok ng iba pang sangay.

  1. CKEHC DAN NCEALAB

Sagot: _____________________________________________________ Kahulugan: ________________________________________________

  1. INORATAPES FO ERWSOP

Sagot: _____________________________________________________ Kahulugan: ________________________________________________

Gawain 2. COLOR ME. Kulayan ang bituin ng dilaw ( ) kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa iyong aralin at pula ( ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 2 minuto.

  • ____1. Nagkakaroon ng sabwatan ang mga sangay ng pamahalaan sa ilalim ng check and balance.
  • ____2. Napagtatakpan ang kamalian ng bawat sangay kung may check and balance.
  • ____3. Sa ilalim ng check and balance ay maaaring punahin ang kamalian ng bawat sangay ng pamahalaan.
  • ____4. Dapat na may nangingibabaw na isang sangay ng pamahalaan batay sa kapangyarihan.
  • ____5. Sa pamahalaan ng Pilipinas ay maayos na naipatutupad ang paggamit ng check and balance.
Isaisip

Ayusin ang magkakahiwalay na salita para mabuo ang mga konseptong tinalakay sa modyul. Ilagay ang sagot sa Ladder Organizer. Pakatandaan ang mga ideyang iyong mabubuo. Magbigay din ng sariling paliwanag sa nabuong konsepto. Gawin ito sa loob ng 3 minuto sa iyong sagutang papel.

[chart: ladder organizer; Ladder Organizer]

  • Sa kapangyarihan kung ang saklaw
  • Maiiwasan ang pag-abuso
  • lamang ng bawat sangay ang
  • Hahawakang tungkulin o gawain
  • [transcriber’s note: the three lowest boxes of the ladder organizer are blank in the module]

Paliwanag sa nabuong konsepto:

Isagawa

Nasiyahan ka ba sa mga natapos mong gawain?

Ngayon naman ay sagutan ang mga katanungan sa bahaging ito sa loob ng 5 minuto.

Gawain 1. Basahin at isulat sa sagutang papel ang iyong palagay o opinyon sa sitwasyon.

Ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan ay pinaparatangan ng korapsyon dahil sa paggamit ng kanyang posisyon para sa sariling kapakanan. Maraming ebidensya at isyu ang inuugnay sa kanya.

Tanong: Sa iyong palagay maaari bang matanggal sa posisyon ang mataas na opisyal na ito? Anong proseso kaya ang isasagawa upang imbestigahan ang naturang isyu?

Gawain 2. Lagyan ng tsek ang hanay ng pahayag na sa palagay mo ay iyong gagawin kung ikaw ay nasa bawat sitwasyon o gawain. Kopyahin ang talahanayan at sagutan ito sa iyong papel.

Sitwasyon o GawainOoHindi
1. Isusumbong ko sa kinauukulan ang mga katiwalian o pang-aabuso sa kapangyarihan.
2. Pakikialaman ko ang tungkulin ng ibang opisyal para gumanda ang imahe ko nsa mga tao.
3. Makikipagsabwatan ako sa ibang opisyal para sa pansarili kong interes.
4. Ginagawa ko ang tungkulin na nakaatang sa akin bilang isang opisyal ng pamahalaan.
5. Dapat ang aking opinyon o boses lang ang pakikinggan ng aking mga kasama.
Tayahin

Gawain 1. Isulat ang salitang WASTO kung tama ang pahayag at HINDI WASTO kung mali ang pahayag. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 2 minuto.

  1. Ang sangay na tagpagbatas ay nagpapatupad ng mga batas.
  2. Ang sangay na tagapagpaganap ay nagbibigay ng interpretasyon ng batas.
  3. Ang sangay na tagapaghukom ang nagpapatupad ng batas.
  4. Ang separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan ay isang hakbang upang maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan.
  5. Limitado ang kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan.

Gawain 2. Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.

  1. Alin sa mga sumusunod ang proseso ng batas na maaring matanggal ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan?

    • A. Veto Power
    • B. Check and Balance
    • C. Impeachment
    • D. Separation of Powers
  2. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan, maiiwasan ang ______________.

    • A. Pananakop ng ibang bansa
    • B. Pagmamalabis sa kapangyarihan
    • C. Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
    • D. Pangingibang-bayan ng mga mamamayan
  3. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan ang bawat sangay ng pamahalaan, nangangahulugan na ____________.

    • A. Mas marami ang kapangyarihan ng isang sangay
    • B. Nanghihimasok ang mga sangay sa isa’t isa
    • C. May pagmamalabis ang bawat sangay
    • D. Malaya ang bawat sangay
  4. Hindi maaaring pakialaman ng alin mang sangay ang bawat isa maliban kung ______________.

    • A. May kasunduan sila
    • B. Nanghihimasok ang mga sangay sa isa’t isa
    • C. Hindi nagkakasundo ang mga mambabatas
    • D. May paglabag sa kapangyarihang nakasaad sa Saligang Batas
  5. Sa kabila ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay, pinangangalagaan nila ang kanilang tungkulin dahil ____________.

    • A. Malaya ang bawat sangay sa isa’t isa
    • B. Magkakaugnay pa rin ang mga sangay
    • C. May check and balance ng bawat sangay
    • D. Iisa lamang ang pinanggagalingan ng kanilang kapangyarihan
Karagdagang Gawain

Kumusta ang iyong nakuhang iskor sa Pagtataya? Nasiyahan ka ba sa iyong mga ginawa sa araling ito?

Narito ang inihandang gawain para mapaunlad pa ang kaalaman tungkol sa aralin.

[illegible]

Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng nawawalang salita sa mga patlang nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang pagkakaroon ng _____________ ng kapangyarihan ng bawat sangay ng _____________ ay makakatulong upang matiyak na ang ginagawa ng bawat isang sangay ay naaayon sa _____________.

(Pamahalaan, Paghihiwalay, Saligang Batas)

<!– transcriber’s note: the three columns of this page are printed rotated 180 degrees; they are transcribed left to right as they read when the page is turned upright –>

Susi sa Pagwawasto

TAYAHIN
GAWAIN 1
  1. HINDI-WASTO
  2. HINDI-WASTO
  3. HINDI-WASTO
  4. WASTO
  5. WASTO
GAWAIN 2
  1. C
  2. B
  3. D
  4. D
  5. B
KARAGDAGANG GAWAIN

Ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan ay makatutulong upang matiyak na ang ginagawa ng bawat isang sangay ay naaayon sa Saligang Batas.

Pagyamanin
GAWAIN 2

[illustration: five stars numbered 1 to 5; stars 1, 2 and 4 are red, stars 3 and 5 are yellow]

ISAISIP

Maiiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan kung ang saklaw lamang ng bawat sangay ang hahawakang tungkulin o gawain.

ISAGAWA
GAWAIN 1

Maaring iba iba ang sagot

GAWAIN 2

[transcriber’s note: this table is printed rotated and is too small to read reliably; its rows could not be transcribed with confidence]

Istratehiya o GawainOoHindi
[illegible][illegible][illegible]
[illegible][illegible][illegible]
[illegible][illegible][illegible]
[illegible][illegible][illegible]
[illegible][illegible][illegible]

<!– page 17 continued: right column –>

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
  1. [illustration: sad face]
  2. [illustration: smiling face]
  3. [illustration: smiling face]
  4. [illustration: smiling face]
  5. [illustration: sad face]
  6. [illustration: sad face]
  7. [illustration: smiling face]
  8. [illustration: sad face]
  9. [illustration: smiling face]
  10. [illustration: smiling face]
BALIKAN
  1. PANGULO
  2. SANGAY
  3. TAGAPAGBATAS
  4. HURADO
  5. KONGRESO
PAGYAMANIN
GAWAIN 1

CHECK AND BALANCE Malayang pagpuna o panghihimasok ng iba pang sangay.

SEPARATION OF POWERS Hangganan ng mga kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan.

Sanggunian

Adriano, M. V., Caampued, M. A., & Capunitan, C. A. (n.d.). Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang (2015 ed.). Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district